You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 9

This entry is part 1 of 11 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

“PRINCESS! You’re back!” masayang yumakap si Hershey kay Princess nang makita siya nitong pababa sa sasakyan. Bumaba din naman si Noriel mula sa sasakyan bago niya tinignan ang magkaibigan na mukhang sabik na sabik sa isa’t isa.

“Bakit nawala ba ako?” natatawang biro ni Princess sa kaibigan. Kitang-kita ni Princess kung paano magbago ang reaksyon ni Hershey nang makita nito si Noriel na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kanila.

“B-Bakit kasama mo si Noriel? Akala ko ba tapos na ‘yung shooting?” nagtataka nitong tanong sa kanya. Naiilang namang tumingin si Princess kay Noriel. Matapos kasi nilang mag-usap ni Noriel noong isang araw ay napagdesisyunan nilang huwag munang ipaalam kay Hershey ang estado ng relationship nila. Ayaw din namang saktan ni Princess ang kaibigan niya kaya niya ginawa ang pagsisikreto dito.

“Oo, napaaga nga ‘yung tapos nang shooting niya. Balak sana naming dumaretso sa condominium niya kaso nga lang ay gusto ko sanang magpakita muna sayo. Matagal-tagal na din tayong hindi nagkikita eh.”

“Hi,” nakangiting bati ni Noriel kay Hershey nang makalapit ito sa kanila. Pilit namang ngumiti si Hershey ditto at halatang ilang na ilang dito.

“H-Hello,” maikli nitong sagot sa kanya. Inilahad ni Noriel ang kanyang palad dito upang makipagkamay. Tinanggap naman iyon ni Hershey nang walang kaabog-abog.

“You’re Hershey, right? Princess’s bestfriend?”

“Oo. And ikaw si Noriel, ‘yung sikat na artista? Ako nga pala ‘yung isa sa mga writer ng drama na ginaganapan mo,” nakangiting sabi ni Hershey dito. Naalala tuloy bigla ni Princess ang totoong dahilan ng pagpunta nila doon.

“Hershey, may gusto nga pala akong sabihin sa’yo. May event kasi this coming weekend for the new upcoming movie ni Noriel and gusto ko sanang sumama ka. Please?” sabi ni Princess habang kapit-kapit niya ang mga kamay ng kaibigan. Napangiwi naman si Hershey.

“This weekend talaga? Alam mo namang hindi ako mahilig sa pagpunta-punta ng mga event na ganyan.”

“Sige na! Wala akong kasama doon saka isa pa, ayokong ma-out of place doon. Alam mo namang hindi ako masyadong masasamahan ni Noriel dahil siya ang main star ng gabing iyon. Sigurong maiiwan ako mag-isa doon,” sabi ni Princess bago lumapit kay Hershey at bumulong, “Saka sabi mo ayaw mo akong lalong mainlove kay Noriel, di ba?”

Tinignan naman siya ni Hershey na para bang may binabalak siyang masama sa pagyaya niyang iyon. Ngumiti lamang nang matamis si Princess, ang ngiti na siguradong hindi nito matatanggian. Napabuntung-hininga naman si Hershey bago tumango-tango.

“Okay, fine. Sasamahan na kita. Baka gumawa ka pa nang eskandalo doon, mahirap na,” nakangiting sabi ni Hershey sa kanya. Masayang-masaya namang niyakap siya ni Princess.

“Yes! Sabi na nga ba’t hindi mo ako matitiis!”

“Huwag ka ngang masyadong yumakap. Nakakadiri ka,” biro ni Hershey sa kanya.

Tahimik namang nakatingin lamang si Noriel sa dalawa. Napansin niya ang kakaibang ngiti ni Hershey. Para bang may naaalala siya sa ngiti nito na hindi nya maintindihan. Parang nakita na niya ito sa kung saan. Kinutuban tuloy siya bigla. Paano pala kung nagkita na pala sila nito at may nagawa siyang hindi maganda dito dahilan para magkaroon ito ng lihim na galit sa kanya? Paano na lang sila ni Princess?

“Noriel! Bakit ka nakatulala diyan? Tara na, aalis na tayo,” yaya ni Princess sa kanya. Tapos na pala ang dalawa sa pag-uusap nang hindi niya namamalayan. Nagpaalam na lang siya kay Hershey at isang tango lamang ang itinugon nito sa kanya.

Nang makasakay sila sa sasakyan ay agad siyang kinausap ni Princess.

“So, ano na? Nakita mo na ba si Hershey dati? Anong feeling mo? Sa tingin mo kaya may ginawa kang kalokohan sa kanya para magalit sya nang ganoon sayo?” dare-daretsong tanong ni Princess sa kanya. Binuhay naman ni Noriel ang sasakyan bago ito pinaandar.

“I don’t know. She look familiar to me pero parang hindi ko naman siya masyadong kilala. Siguro nakita ko na yung mukha niya before pero I’m sure naman na hindi kami magkakilala,” sagot ni Noriel sa kanya. Nanghihinayang namang isinandal lalo ni Princess ang sarili niya sa upuan.

“Naguguluhan na talaga ako, Noriel. Sa tingin mo kaya kung malaman ni Hershey ang totoo about sa atin, mawawala kaya ang pagkakaibigan namin?”

Biglang pinitik ni Noriel ang noo niya dahilan para mapaigta siya. Tinignan niya nang masama si Noriel habang hawak-hawak ang nasaktang noo.

“Bakit mo ginawa ‘yun? Masakit ha?” nakasimangot na sabi ni Princess.

“Ang dami mong negative na iniisip. Hindi mangyayari iyon, sinisigurado ko sayo. Saka hindi ko hahayaang mawala ang pagkakaibigan nyo dahil lang sa isang dahilan na hindi naman natin nalalaman,” nakangiting sabi ni Noriel sa kanya. Idinaretso naman ni Princess ang paningin niya sa may daan.

“Sana nga,” mahina niyang sagot. Itinabi bigla ni Noriel ang sasakyan sa tabi ng daan bago siya hinila papunta sa mga bisig nito.

“Don’t worry. Hinding-hindi ko hahayaang mawala ang kaibigan mo, okay? I’ll do anything para lang malaman ang tunay na dahilan nang galit niya sa akin,” bulong ni Noriel sa kanya, “Saka pwede ba, huwag ka ngang sumimangot dyan. Hindi ka cute tingnan.”

Pinatama agad ni Princess ang kamao niya sa braso ng binata na agad namang tumawa.

“Ano naman kung hindi ako cute? Kung ayaw mo pala sa panget, eh di maghanap ka nang iba,” nakasimangot na sabi ni Princess. Tatawa-tawa namang pinisil ni Noriel ang pisngi niya.

“Sino bang nagsabing panget ka, ha? Saka kung panget ka man, wala na akong pakialam. Hindi naman sila ang dahilan kung bakit tumitibok ng ganito ang puso ko eh, dahil iyon sayo,” nakangiting sabi ni Noriel bago hinalikan ang noo na kanina lang ay pinitik nito. Hindi na napigilan ni Princess ang mapangiti sa panlalambing na ginagawa nito sa kanya.

“Ang dami mong alam,” nakangiting sabi ni Princess bago hinalikan ng magaan ang binata sa labi. Ilalayo na sana niya ang sarili sa binata nang hilahin pa siya nito papalapit. Unti-unting naging malikot ang labi ni Noriel sa labi niya dahilan para agad siyang sumunod sa ginagawa nito.

Noong nasa shooting sila ng magazine na pinagmodelan ni Noriel ay hindi nila nagawa iyon. Masyado kasing naging busy ang binata at madalas pang pagod kaya hindi niya ito masyadong iniistorbo. Ngunit ngayong magkasama na lamang silang dalawa ay hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili upang iparamdam dito ang pagmamahal nya. Masyado nang malalim ang pagmamahal niya para dito.

“T-Teka, Noriel. Mali yata ‘yang hinahawakan mo,” sabi ni Princess nang maramdaman niya ang kamay ni Noriel sa may loob nang damit niya. Patuloy lamang sa paghalik si Noriel sa labi niya habang pumipisil-pisil sa may likuran nya. Nang hawakan na ni Noriel ang gilid ng bewang niya ay tuluyan nang napayuko si Princess. Iniiwas niya ang mukha niya sa mukha nang binata. Naalarma naman bigla si Noriel sa nakitang reaksyon nya.

“S-Sorry, Princess. Masyado lang akong- Shit, I’m sorry,” sabi ni Noriel bago siya niyakap. Pasimple namang kinurot sya ni Princess dahilan para mapaaray sya.

“B-Baliw ka talaga. M-May taong nakatingin sa labas, nakakahiya,” nahihiyang sabi ni Princess bago nito lalong ibinaon ang mukha sa leeg ng binata upang itago ang mukha. Nang lumingon si Noriel sa may labas ay saka lang niya napansin ang isang bata na nakatingin sa kanila. Natatawa namang tumingin ulit sa kanya si Noriel.

“Ibig sabihin, kapag walang nakatingin, pwede?” may himig-pagbibirong sabi ni Noriel sa kanya. Isang sapak sa braso ang tanging isinagot ni Princess dito dahil sa sobrang hiyang naramdaman.

Kanina pa sila nakarating ni Noriel sa event area kung saan gaganapin ang pagla-launch ng bagong movie ni Noriel. Ngunit hindi pa rin nila makontak si Hershey. Maya-maya lang ay magsisimula na ang event kaya naman hindi siya lalong mapakali. Nagtataka naman siya dahil hindi pa din siya iniiwan ni Noriel mag-isa kahit kailangan na nitong maghanda para sa pag-aasikaso sa mga guest na darating mamaya.

“Noriel, wala ka bang balak maghanda para sa event mamaya? I mean, bakit nandito ka pa? Kaya ko namang mag-isang hintayin si Hershey dito,” nagtatakang tanong ni Princess kay Noriel. Seryoso namang tumingin si Noriel sa kanya bago nito pinadaanan nang tingin ang buo niyang katawan.

“Sino bang nagbigay ng gown na yan sayo?” tanong nito bigla sa kanya. Tinignan naman ni Princess ang sarili. Hindi naman masagwa ang suot niya. Isang silver long gown ang suot niya para sa gabing iyon habang may mahabang slit sa hita niya. May katamtaman itong neck line ngunit hapit na hapit naman ito sa katawan niya.

“Eto ba? Si Migz ang nagrecommend nito sa akin. Sabi niya, eto daw ang bagay para sa event na ito.”

Napasuklay na lamang si Noriel sa sarili niyang buhok sa sobrang frustration. Kung alam lang ni Princess ang reaksyon ng mga lalaking nasa paligid nila. Kanina pa nga niya gustong manghamon ng away dahil sa mga titig na ginagawa ng mga lalaki kay Princess ngunit hindi naman niya magawa.

Mapapatay ko talaga ‘yung sira ulong Migz na ‘yun, sabi ni Noriel sa sarili.

“Bakit, maganda naman yung gown ah. Saka hindi naman siya masagwa tingnan sakin,” sabi ni Princess habang tinitignan ang sarili. Hindi naman napigilan ni Noriel ang hindi mapabuga ng hininga.

“But you’re too beautiful to ignore,” sabi ni Noriel sa kanya. Nakaramdam tuloy nang pamumula ng psingi si Princess bago umiwas ng tingin sa binata. Simpleng papuri lamang iyon ni Noriel pero pakiramdam nya ay lumulutang na sya sa alaapaap sa sobrang saya. Shet, ang hirap maging maganda.

“Noriel, nandito ka lang pala!”. Sabay pa silang napalingon nang marinig nila ang boses ng isang lalaki. Naglakad ito papunta sa kanila bago inakbayan si Noriel.

“Kuya Franze! What are you doing here?” gulat na tanong ni Noriel nang makita niya ang kapatid niya. Matagal-tagal na din ang panahon nang huli niyang makita ito matapos nitong magpakasal. Ang pagkakaalam niya ay sa Europe na ito nakatira kasama ang asawa nito ngunit kataka-takang nandito ito ngayon.

“Bawal na bang bisitahin ang aking little brother?” nakangiting tanong nito bago tuluyang tumingin kay Princess, “Who’s she? Girlfriend mo?”

“Hello po. Ako nga pala si Princess, personal assistant ni Noriel-“

“And she’s my girlfriend, Kuya.”

Nanlaki naman ang mga mata ni Princess sa narinig. Pinanlakihan niya ng mata si Noriel ngunit seryoso itong nakatingin sa kuya nito. Hindi naman siya makaangal dahil kapit-kapit na ni Noriel ang palad nya.

“Really? Congrats, little brother! Mukhang binata ka na talaga ha?” masayang sabi ni Franze bago ginulo ang buhok ng kapatid.

“Kuya, huwag mo na nga akong gawing bata,” nakasimangot na sabi ni Noriel sa kapatid. Tatawa-tawa namang tinitigan sila ni Franze.

“Good job, kapatid. Mukhang nakahanap ka nang perfect woman. Treasure her, okay?”

“No need to remind me, Kuya. I already did,” nakangiting sagot ni Noriel. Nagpaalam naman agad ito dahil may kukunin pa daw ito sa kotse nito na regalo para kay Noriel.

“Noriel, okay lang bang malaman nya?” bulong ni Princess kay Noriel nang mawala na si Franze sa paningin nila. Nakangiti namang pinisil ni Noriel ang palad niya.

“Oo naman. Wala kaming sikretong itinatago ni Kuya sa isa’t isa. At isa pa, magaling magtago ng sikreto si Kuya,” nakangiting sabi ni Noriel. Magsasalita pa sana si Princess nang may tumawag kay Noriel na isang staff. Tinatawag pala ito ng event organizer dahil may ipapagawa pala ito dito mamaya.

“Okay lang bang iwan muna kita dito?” nag-aalalang tanong ni Noriel sa kanya.

“Oo naman. Hihintayin ko na lang si Hershey sa may entrance. Baka late lang yun,” nakangiting sabi ni Princess. Para namang nag-aalinlangan si Noriel na iwan siya. “Sige na, kaya ko na ang sarili ko.”

“Kapag may lalaking kumausap sa’yo, sabihin mo may asawa ka na ha?”

“Ang O.A naman nito. Kailangan ko ba talagang sabihin ‘yun?”

“Basta, kapag may nagtanong sayo, sabihin mo kasal ka na. Okay?”

“Oo na nga!” natatawang sabi ni Princess bago pinagtabuyan ang binata. Nakangiti namang umalis si Noriel. Nagdesisyon namang pumunta si Princess sa may entrance. Ngunit laking gulat niya nang makita niya si Hershey sa may labas at parang galit na galit. Nang silipin nya kung sino ang kausap nito ay laking gulat niya para makita ang kuya ni Noriel na si Franze!

“Why are you here? Hindi ba’t sinabi ko sa’yong wala na tayong pag-uusapan!” galit na sigaw ni Hershey kay Franze.

“Bakit ayaw mo bang makinig sa akin, Hershey? Wala ngang namamagitan sa amin ni Julie! Makinig ka naman sa akin!” pagpapaliwanag ni Franze dito.

“Sa tingin mo ba maloloko mo pa din ako? Hindi ako kasing tanga ng mga babaeng nakilala mo, Franze. Kaya ibigay mo na sa akin ang annulment na gusto ko!”

Napasinghap si Princess sa narinig na katotohanan tungkol kay Hershey. Si Hershey at Franze, kasal?! Pero paanong hindi niya alam iyon? Teka, iyon kaya ang dahilan kung bakit galit din si Hershey kay Noriel? Dahil magkapatid si Noriel at nang lalaking kinamumuhian nito?

“Hindi ako papayag sa annulment na gusto mo. Kung gusto mong lumuhod ako sa harap mo, gagawin ko. Bumalik ka lang sa akin. Pero pinapangako ko sayong wala talagang namamagitan sa amin ni Julie.”

“I don’t want to hear any lies from you, so stay away from me,” galit na sabi ni Hershey bago tuluyang tinalikuran si Franze. Nakita naman siya ni Hershey na nakatingin kaya naman nagmadaling nanakbo si Hershey papunta sa may parking lot kung saan naroon ang sarili nitong sasakyan. Sinundan naman ito ni Princess.

“Hershey! Wait!”

Kinuha ni Hershey ang susi sa kanyang bag at sinubukang buksan ang pinto ng sasakyan ngunit hindi niya magawa. Naging malabo na din ang paningin niya dahil sa nag-uunahang luha sa kanyag mga mata.

“Hershey, can we talk?” sabi ni Princess bago siya lumapit kay Hershey. Humarap naman bigla si Hershey at galit na galit na tumingin sa kanya.

“I’m married with that bastard, okay? Is that what you wanted to hear?” umiiyak na sabi ni Hershey sa kanya. Hindi naman magawang magsalita ni Princess dahil naaawa siya sa kaibigan niya. Ngayon lamang niya nakitang umiiyak ito.

“He’s a bastard! And I’m an idiot! Akala ko kapag ikinasal na kami, matututunan din niya akong mahalin pero hindi. He treated me coldly and in the same time, he acted as if he love me. Pero nang makita ko sila ni Julie, parang nagising ako bigla sa katotohanan. Kaya naman tumakas ako at bumalik dito sa pilipinas. I wanted to forget him, and yet.. Yet..” hindi na napigilan pa ni Hershey ang sarili at tuluyang napaupo sa lapag habang umiiyak. Mabilis namang yumakap si Princess sa kaibigan at inalo ito. Wala siyang masabing magandang payo para sa kaibigan kaya niyakap na lamang niya ito ng mahigpit. Alam niyang mas kailangan nito ng tagapakinig ngayon kaysa tagapayo.

Hinayaan niyang umiyak nang umiyak ang kaibigan sa balikat niya. Minabuti na lamang niyang samahan itong umuwi papunta sa bahay nila. Agad niyang tinulungang mahiga ang kaibigan sa kama nito at saka hinayaang makatulog. Binuksan na lamang niya ang telebisyon upang mapanood ang nangyayari sa event na kinaroroonan ni Noriel. Pinagtimpla niya ng gatas ang kaibigan habang pasilip-silip sa telebisyon.

“Congratulations with your current relationship, Noriel. Napakasuwerte naman ni Francheska sayo!” masayang sabi ng babaeng emcee sa event na iyon habang nakatutok ang kamera sa mukha ni Noriel at Francheska habang pumapalakpak ang mga tao na naroroon.

Shit.

Tuluyan nang nabitawan ni Princess ang baso ng gatas habang nagsisimulang tumulo ang kanyang mga luha.

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 10 (END)You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 8 >>

Leave a Reply