You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 8

This entry is part 2 of 11 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

KANINA pa napapansin ni Noriel ang pa-close relationship ni Clayd kay Princess. Kung pwede lang sana niyang hilahin si Princess papunta sa tabi niya ay baka kanina pa niya ginawa, ang problema nga lamang ay nasa shooting siya ng mga oras na iyon. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa ginagawa niya.

Pinag-iinit talaga ng lalaking ito ang ulo ko, sabi ni Noriel sa sarili.

“Am, Sir Noriel. Parang masyado yatang stiff ‘yung ngiti mo. Can you relax a little bit?” nakangiting sabi ng assigned photographer na babae sa kanya. Ang pagkakaalam niya ay assistant ito ni Clayd. Pero bakit ito ang nagtatrabaho ng trabaho ng lalaking iyon?

Siyempre, para masolo niya si Princess.

That’s enough.

“Can I take a break? Medyo nahihilo kasi ako eh,” pilit ang ngiting sabi ni Noriel dito.

“Ah, sige po. Mukhang pagod na nga ho yata kayo,” sabi nito sa kanya, “Okay, guys! Let’s take a break!”

Mabilis namang nagsipagpahinga ang lahat at tuluyan nang naupo si Noriel sa upuan niya. Inaantay niya ang paglapit ni Princess sa kanya ngunit patuloy pa din itong nakikipag-usap kay Clayd. Mukhang seryoso pa nga ang dalawa sa pinag-uusapan. Ano naman kayang pinag-uusapan ng dalawang ito? Lalo tuloy siyang nainis.

“Princess!” sigaw niyang tawag dito. Nagtinginan naman ang lahat sa pagsigaw niya ngunt wala na siyang pakialam. Bad trip na siya.

“Wait lang ha? Tinatawag na ako ni Noriel eh. Mamaya na lang natin pag-usapan ulit ‘yung tungkol kay Hershey,” seryosong sabi ni Princess kay Clayd.

“Sige, text mo na lang ako mamaya. Mukhang seryosong problema nga ‘yan,’ sagot ni Clayd.

Mabilis namang lumapit si Princess kay Noriel na kasalukuyang magkasalubong ang kilay. Pansin din niya na nanonood ang mga tao sa paligid nila na para bang may hinihintay na pangyayaring magaganap. Naiilang tuloy siya bigla.

“Bakit ka pa sumigaw? Lalapitan naman kita ah,” mahinang sabi ni Princess kay Noriel habang tinutulungan niya itong magtanggal ng suot na jacket. Kinuha niya ang isang bote ng tubig at iniabot dito.

“Mukha kasing seryosong-seryoso kayo sa pag-uusap nyong dalawa ni Clayd eh. Naistorbo ko ba kayo?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Noriel. Saka lang narealize ni Princess na mukhang nagseselos na naman ito kay Clayd. Matutuwa na sana siya, ang kaso nga lamang ay may mga taong nanonood sa kanilang dalawa.

“Ano bang pinagsasasabi mo? Kaibigan ko si Clayd kaya normal lang sa amin ang mag-usap. At isa pa, pwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka makahalata ‘yung mga tao sa paligid. Nanonood sila,” mahina niyang sabi dito.

Tinignan naman ni Noriel ang paligid at kasalukuyan ngang nanonood ang mga tao sa kanila. Ngunit wala na talaga siyang pakialam. Naiinis siya sa ideyang kampanteng-kampante si Princess sa pakikipag-usap sa Clayd na iyon na obvious namang may gusto kay Princess.

“Hayaan mo silang manood. Bakit, hindi na ba ako pwedeng magselos?”

“Shh! Gusto mo bang ma-tsismis tayo? Doon nga tayo mag-usap,” sabi ni Princess bago tuluy-tuloy na naglakad palabas ng shooting area na iyon habang kasunod si Noriel. Pumunta sila sa likod ng isang malaking pader kung saan walang dumaraan na tao.

“Adik ka ba? Gusto mo bang malaman nang mga tao na may relasyon tayong dalawa?” sabi ni Princess kay Noriel habang pasimpleng tumitingin-tingin kung may daraang tao. Naghalukipkip naman si Noriel bago sumandal sa pader.

“Wala akong pakialam kung malaman nila ang relasyon nila. Mas mabuti na nga din siguro iyon para malaman nang lahat ng tao na akin ka,” seryosong sabi ni Noriel. Napahilamos naman si Princess sa sariling mukha bago nameywang.

“Ang akin lang naman, Noriel.. Ayokong masira ang career mo dahil lang sa akin. Ayokong sirain ‘yung pinaghirapan mo. Importante sa’yo itong trabahong ito, tama? Kaya gusto kong protektahan din ito para sa’yo.”

Hindi naman sumagot si Noriel bago umiwas ng tingin kay Princess. Totoong importante sa kanya ang trabahong iyon dahil naging buhay na niya ito sa loob ng maraming taon. Ngunit kung ang pag-uusapan ay si Princess, para bang wala na siyang pakialam kung masira man ang career niyang iyon. Mas mahalaga ang dalaga kaysa sa trabaho niyang iyon. He can’t afford to lost her. But he can’t tell her that. Not yet.

“Uy, galit ka pa din ba?” parang batang tanong ni Princess habang nakasilip sa mukha ni Noriel. Hindi naman sumasagot si Noriel kay walang nagawa si Princess kung hindi ang lambingin ito. Ngunit ang problema nga lamang ay hindi siya marunong manlambing kaya naman tumabi na lamang siya dito bago kumapit sa laylayan ng t-shirt nito.

“Sorry na. Wala ka namang dapat ipag-alala eh. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko,” mahinang sabi ni Princess dito habang nakakapit sa binata. Tuluyan nang nawala ang inis na nararamdaman ni Noriel nang marinig niya ang salitang ‘mahal’ mula sa dalaga. Hinila niya ito papalapit sa bisig nito at mahigpit na niyakap ito.

“Hindi naman ako nagagalit dahil sa’yo eh. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi magselos,” pag-aming sabi ni Noriel sa kanya. Napangiti naman si Princess sa pag-aming ginawa nito.

“Pero kay Clayd, galit ka?”

“May tiwala ako sayo pero sa lalaking iyon, wala. Alam ko ang feeling niya sa tuwing tumitingin siya sayo. As if he wanted you for himself.”

“Oh, eh bakit parang galit na galit ka nga kanina?”

“Hindi mo kasi alam ang iniisip ng lalaking iyon.”

“Ha? What do you mean by that?” takang tanong ni Princess. Niluwagan ni Noriel ang pagkakayakap sa dalaga at saka tumingin sa mga mata nito.

“Once na tumingin ang isang lalaki sa’yo, he can’t take away his eyes on you. The way you smile, the way you talk, the way you look at someone’s eye.. Alam kong hindi na nila kayang hindi mainlove sayo.”

“You mean every guy can fall in love with me?” natatawang sabi ni Princess.

“Of course! Ikaw yata ang pinakamagandang babae na nilalang dito sa mundong ito,” nakangiting sabi ni Noriel bago hinalikan ng magaan ang mga labi niya, “At ako na yata ang pinakamasuwerteng guwapong lalaki na nilalang sa mundong ito na nilaan lamang para sayo.”

Hindi na nakaangal pa si Princess nang tuluyan na nitong sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya.

“Are you telling me that Hershey is against your relationship with Noriel?”

Tumango-tango naman si Princess habang sumusubo ito ng ice cream. Nasa isang ice cream shop sila nang mga oras na iyon at doon nila napagdesisyonang mag-usap tungkol sa kakaibang ikinikilos ni Hershey. Kilala ni Clayd si Hershey dahil madalas niyang naisasama si Hershey noon sa bahay ni Clayd kapag gumagawa sila ng mga projects. Kaya naman naging malapit ding magkaibigan ang dalawa.

“Hindi ko nga din alam kung bakit ganun yung naging reaksyon niya. Ang weird, para bang galit na galit siya kay Noriel sa hindi ko malamang dahilan,” sagot ni Princess habang nakatitig siya sa ice cream na kinakain. Sumandal naman si Clayd sa kinauupuan habang nag-iisip.

“Wala bang naikukwento si Hershey tungkol kay Noriel?”

“Wala naman. Kung tutuusin nga, sinusulsulan pa niya ako sa kaadikan ko noon kay Noriel. Pero after noong isang taon, parang nagbago yung reaksyon niya kapag napag-uusapan namin si Noriel.”

“Paanong nagbago?”

“Sinusulsulan pa din naman niya ako sa kaadikan ko pero sa tuwing nababanggit ko na pakiramdam ko ay naiinlove na ako sa kanya ay bigla-bigla niyang ipapaalala sa akin na hindi ako dapat mainlove sa kanya. Dahil daw hindi daw si Noriel ang lalaking pwede kong makuha,” mahabang kuwento ni Princess. Naisubo niya ang isang kutsara nang ice cream nang may maalala pa siya, “At sabi pala niya, huwag na huwag daw akong maiinlove kay Noriel dahil masasaktan lang daw ako sa huli.”

“Alam ko na!” nakangiting sabi ni Clayd. Napadaretso din naman si Princess mula sa pagkakaupo.

“Anong alam mo na?”

“Alam ko na kung bakit ganun na lamang ang reaksyon ni Hershey nang malaman niyang naiinlove ka na nang tuluyan kay Noriel.”

“Bakit nga ba?” takang tanong din naman ni Princess.

“Dahil may gusto din siya kay Noriel,” nakangiting sabi ni Clayd bago ito tuluyang humalukipkip. Napatigil naman sa pagnguya si Princess sa narinig. Si Hershey? May gusto kay Noriel? Hindi maabsorb ang katotohanang iyon. Hindi yata kakayanin ng utak nya na malamang may gusto ang bestfriend niya sa boyfriend niya.

“Sa tingin mo?” naluluha na yatang sabi ni Princess. Para namang nataranta si Clayd nang makita ang nagbabantang luha sa mga mata niya dahilan para mapatayo ito mula sa pagkakaupo.

“Hey! Walang iyakan dito! Isa lang namang posibilidad yun eh!” sabi ni Clayd sa kanya bago siya sinusubuan ng ice cream.

“Mheron phang ibang phosibhilidad?” (Meron pang ibang posibilidad?) tanong ni Princess habang punung-puno ang bibig nito ng ice cream.

“Kung wala siyang gusto kay Noriel, baka naman-“

“Baka ano?”

“Baka naging sila dati! Ang galing kong mag-isip no?” nakangiting sabi ni Clayd at nang tumingin siya kay Princess ay tahimik na nag-uunahan ang mga luha nito dahilan para muling mataranta ito.

“Joke lang! Joke lang ‘yun! Bakit ka ba bigla-biglang umiiyak diyan? Nagbibiro lang naman ako eh,” sabi ni Clayd habang pinupunasan ang mga luha niya. Naiinis namang sinuntok ni Princess ang balikat nito.

“Ang ganda naman kasi ng biro mo eh! Nakakabwisit!” inis na sabi ni Princess habang patuloy na nginunguya ang ice cream. Doon niya binuhos ang inis na bumalot sa kanyang isipan dahil sa binibigay na ideya ni Clayd. Napapakamot naman sa ulo na bumalik sa kinauupuan niya si Clayd.

“Pero seriously. Magkakilala ba sila? Malay mo, may malalim pang rason kung bakit may galit si Hershey kay Noriel. Kilala mo naman si Hershey di ba? Hindi iyon basta-basta magagalit nang walang malalim na dahilan. I think kailangan mo ding tanungin si Noriel about sa problemang iyan. Malay mo, sa kanya mo din malalaman ang sagot sa problema mong iyan,” sabi ni Clayd bago nito sinimulang kainin ang binili nitong ice cream.

“Hmm, ang sarap. Vanilla flavor, gusto mo?”

“Lunukin mong lahat ‘yan,” inis na sabi ni Princess.

Hindi makapag-concentrate sa pagsasaulo si Noriel nang kanyang script dahil pakiramdam niya ay kanina pa may nakatingin sa bawat kilos niya. Maagang natapos ang shooting nila kaya pwede na silang umuwi bukas. Kaya naman minabuti na lamang niyang magbasa-basa ng script habang nagpapahinga. Ang problema nga lamang ay hindi siya makapag-concentrate dahil sa matang nakatingin sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumingin sa paligid niya at muntikan pa siyang atakihin sa puso nang makita niya si Princess na nakatayo sa may pinto habang nakasandal. Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa kuwarto nila dahil ang pagkakaalam niya ay may pinag-uusapan ito kasama ang asungot na si Clayd. Kaya kahit na naiinis siya kanina ay pilit niyang tinago iyon kahit ang totoo niyan ay gusto niyang lamusukin ang ngiti sa mga labi ni Clayd kanina. Pinagtiisan na lang tuloy niya kanina ang magbasa ng script kanina.

“Princess! Nandyan ka pala. You scared me,” sabi ni Noriel bago siya tumayo. Lalapitan na sana niya si Princess nang bigla niyang mapansin ang isa nitong kilay na nakataas.

Badtrip yata.

“Mag-usap nga tayo,” sabi ni Princess bago ito naupo sa sofa. Tumabi naman si Noriel dito. Mukhang galit nga ito.

“Bakit ba parang mainit yata ang ulo mo? May ginawa ba ‘yung unggoy na ‘yun sayo kanina?” nang hindi makasagot si Princess ay napatayo si Noriel. Aba’t mukhang may ginawa nga yatang hindi maganda ang unggoy na iyon.

“Nasaan ba ‘yung unggoy na-“

“Walang ginawang masama si Clayd sa akin,” sabi ni Princess. Nakahinga naman ng maluwag si Noriel bago muling umupo sa tabi ni Princess.

“Oh, ano palang problema?”

“Naging kayo ba ni Hershey?”

Napatitig naman bigla si Noriel kay Princess. Mukha na kasing iiyak si Princess sa itsura nito at halatang pinipigilan lamang nito ang sarili. Parang gusto tuloy tumawa ni Noriel sa itsura nito.

“Si Hershey? Sinong Hershey? Wala naman akong kilalang Hershey.”

“Si Hershey! ‘Yung bestfriend ko! Naging kayo ba?” sabay titig ni Princess sa kanya. Nag seryoso naman si Noriel bago hinaplos ang pisngi niya. “Bakit ko naman papatusin ang bestfriend ng girlfriend ko? Besides, never ko pa naman nakita yung bestfriend mo. Isa pa, wala akong nakarelasyon na Hershey ang pangalan.”

Tuluyan nang nakahinga ng maluwag si Princess. So, mali pala ang prediction ni Clayd. Kung sa bagay, wala namang nasasabing tama si Clayd since childhood. Mabuti na lamang pala at tinanong niya si Noriel kung hindi ay baka magkaroon na naman ng misunderstanding.

“Noriel, ang totoo niyan,” hindi na itinago pa ni Princess kay Noriel ang problema niya kay Hershey. Tahimik namang nakikinig si Noriel sa lahat ng sinasabi niya hanggang sa matapos siya. Mukhang pati si Noriel ay nagkaroon ng problema sa sikretong plano nito para kay Princess.

“Kung iyon nga ang problema, I think mas mabuti sigurong huwag na muna nating sabihin sa kanya ang tungkol sa atin. Isa pa, mas mabuti din sigurong alamin muna natin ang dahilan ng galit niya sa akin,” pagsa-suggest ni Noriel sa kanya. Tumango-tango na lamang si Princess bago yumakap kay Norie

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 9You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 7 >>

Leave a Reply