You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 7

This entry is part 3 of 11 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

“LOOK, si Noriel! Gosh, ang gwapo-gwapo nya talaga!” kinikilig na sabi ng isang babaeng staff na nasa unahan ni Princess na kasalukuyang abala sa pag-aayos ng mga damit ni Noriel na isusuot mamaya. Nang lingunin niya si Noriel, kitang-kita niya kung paano ito maglakad papunta sa set. He was wearing a black tshirt with black jacket and a black pants. Nakataas din ang buhok nito at may suot din itong hikaw sa kaliwa nitong tenga. Mukha itong bad boy ngunit taglay nito ang karisma na nakakamatay. Oh, oh. Mukhang naaliw na naman syang pagmasdan ito.

Ipinilig nya ang kanyang ulo at saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga damit. Erase, erase. Hindi niya dapat pagnasaan ang boss niya.

“Princess!” tawag ni Noriel sa kanya kaya agad syang lumapit dito. Bigla nitong inaabot sa kanya ang isang bilog na hair wax, “Padagdagan naman sa buhok ko.”

“Saan ba banda?” tanong nya dito habang nilalagyan nya ng wax ang kamay niya.

“Dito sa may tuktok at sa may bandang unahan.”

Pinaupo nya ito sa isang upuan malapit sa main set ng shooting saka sya tumayo sa harapan nito. Dahan-dahan nyang nilagyan ang buhok nito. Tama nga ang hula nya, napakalambot ng buhok nito katulad ng cotton candy. Pinangarap din nya noon na maranasang mahawakan ang buhok nito ngunit hindi niya inaasahan na sa ganoong sitwasyon nya magagawa iyon. Pakiramdam nya ay para siyang nanay na nag-aalaga sa anak. Hindi niya tuloy napigilang hindi mapangiti.

“You look happy,” nakangiting sabi ni Noriel nang bigla itong tumingala sa kanya. Nahihiya namang itinago ni Princess ang ngiting iyon at inabala ang sarili sa pag-aayos ng buhok nito sa may bandang noo nito.

“Wala. I just thought that you look like a kid that needed to take care in that position.”

“Pogi ba?” nakangising tanong nito.

“Kapag sinabi ko bang hindi, papayag ka ba? At saka ayokong magsinungaling kapag sinabi kong hindi ka pogi.”

“So, pogi nga ako?” may himig paniniyak nitong tanong sa kanya. Naiikot naman ni Princess ang kanyang mga mata bago tumingin sa mukha nito.

“Oo na nga. Pogi ka na,” nakasimangot niyang sabi dito. Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay nito sa kanya kaya naman pakiramdam nya ay mistulang tambol sa bilis ang pintig ng puso nya.

“Tama na nga ‘to, baka lumaki na ang ulo mo,” napapangiting sabi ni Princess saka niya tuluyang tinapos ang pag-aayos sa buhok nito.

“Thank you,” nakangiting sabi ni Noriel bago siya binigyan ng isang halik sa pisngi na nakapagpatulala sa kanya. Balewala namang tumayo si Noriel bago pumunta sa set ng shooting habang naiwan namang nakatayo si Princess na hindi na halos nakagalaw sa sobrang gulat.

“S-Shet,” mahinang sabi ni Princess sa sarili habang pasimpleng hinaplos ang pisngi na kanina ay nadampian ng labi ni Noriel.

Nagkandabuhul-buhol na yata ang utak nya dahil hindi nya maproseso ang pangyayaring nangyari sa kanya. Isang ngiti na nakapagpablangko sa utak niya. Isang halik na nakapagpatulala sa kanya. Shet. The heck. Para saan naman ba ang halik na ‘yun? Halik ng pasasalamat? Shet.

“Princess? Is that you?” ani ng isang tinig mula sa likuran nya. Mabilis namang napalingon si Princess nang makilala nya ang boses ng tumawag sa kanya.

“C-Clayd.. A-Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ni Princess. Bakit ito naroon? Alam nyang umuwi na ito mula sa ibang bansa ngunit ang makita nya ito sa lugar na iyon, bakit?

“Ako ang photographer sa shooting na ito para sa magazine na pinagtatrabahuhan ko. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” takang tanong nito sa kanya. Napalunok bigla si Princess sa narinig. Ito ang photographer? So it means, makikita niya at makakasama nya ito sa loob ng apat na araw?!

“I’m working,” maikling sagot ni Princess habang nakatingin sa malayo. Tinitigan naman sya ni Clayd bago ngumiti ng mapait.

“I miss you, Prince,” sabi nito sa kanya na nakapagpalingon sa kanya dito. Sumiklab bigla ang inis na kinikimkim nya para dito.

“Stop calling me Prince! I don’t need a traitor,” inis na sabi ni Princess bago siya tuluyang umalis upang iwan ito. Hindi nya maatim na makita pa ito dahil masama pa din ang loob nya dito dahil sa ginawa nitong pagsusumbong sa lola mich nya sa balak nyang pagtakas noon. Sinira nito ang tiwala nya maging ang pagkakaibigan nila. She don’t want to see him. Not now.

Kanina pa nagsisimula ang pictorial ni Noriel ngunit tahimik namang nakatayo si Princess sa hindi kalayuan. Masyado pa din kasi siyang apektado sa nangyaring pag-uusap nila ni Clayd.

“Nice! Another pose please,” nakangiting sabi ni Clayd kay Noriel habang nakaupo ito sa isang big bike na nasa tabi nito.

Tinignan naman ni Princess kung anong pose ang gagawin ni Noriel at nagulat na lamang sya ng tumingin ito sa gawi niya. Ngumiti ito sa kanya dahilan para biglang tumalon sa tuwa ang puso nya. Hindi nya mapigilan ang sariling makipagtitigan sa mapang akit nitong mga mata.

“Good job guys! Thank you, Noriel,” narinig niyang tawag ni Clayd kay Noriel dahilan para marealise ni Princess ang pagtitig kay Noriel ng matagal.

What am I doing!? sabi ni Princess sa sarili.

Pilit niyang kinalma ang sarili bago nagdesisyong lumapit kay Noriel upang gawin ang kanyang trabaho. Kinuha nya ang black jacket mula dito.

“Noriel, may meeting ka pala mamaya sa may restaurant nitong hotel with the producer noong isang movie na pagbibidahan mo,” sabi ni Princess dito. Pagod na pagod namang naupo si Noriel sa may big bike.

“You mean dinner?” takang tanong ni Noriel.

“Yes. Huwag kang mag-alala, kasama mo naman si Migz eh. Mga 6:30 daw ang meeting nyo.”

“Hindi ka sasama sa amin?”

Saglit namang natigilan si Princess sa narinig na tono mula dito. Kung pwede lang sana siyang mag-assume na gusto sya nitong isama, kahit saglit lang ay maniniwala sya. Ang kaso nga lang ay hindi pwede. This is just a work.

“Hindi mo na naman ako kailangan doon. And besides, kasama mo naman si Migz kaya i’m sure hindi ka mabobored doon,” sabi ni Princess kay Noriel. Parang may gusto namang sabihin si Noriel sa kanya ngunit pinanatili na lamang nitong hindi magsalita.

“Noriel, here’s the-”

Sabay pa nilang nilingon si Clayd na kasalukuyang may hawak ng printed picture ni Noriel na kinuhaan dito kanina. Nagpalipat-lipat ang paningin nito sa kanilang dalawa bago nakakuha nang lakas ng loob na magtanong.

“Princess, nagtatrabaho ka kay Noriel?” takang tanong nito. Umiwas naman ng tingin si Princess bago sumagot.

“Yeah,” maikli nitong sagot. Nanatili lamang silang tatlo sa ganoong posisyon. Si Noriel ang unang bumasag sa katahimikang bumalot sa kanila.

“Mukhang matagal na kayong magkakilala,” paniniguradong sabi ni Noriel.

“Kababata ko si Princess. Right, Prince?”

Para namang pumintig ang magkabilang tenga ni Noriel sa narinig na pagtawag ni Clayd kay Princess. That endearment make him irritate. Lalo na nang mapansin nya ang pamumula ng pisngi ni Princess. He suddenly grab the hand of Princess. Nagtataka naman si Princess sa bigla nitong ginawa kaya nang akmain niyang sawayin ito ay pasimpleng pinisil ni Noriel ang kamay nya. Parang umurong bigla ang dila ni Princess at natahimik. Napahawak sya sa kanyang dibdib at napayuko dahil sa muling pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso.

“I’m sorry, Clayd pero kailangan na naming bumalik sa kwarto namin.”

“Kuwarto nyo? You mean-”

“Yeah, magkasama kami sa isang kuwarto. Sige, una na kami,” at mabilis nyang hinila si Princess palabas habang naiwan namang tulala si Clayd sa narinig na balita mula kay Noriel.

“Hey! Teka lang-”

Tuluy-tuloy naman si Noriel sa paghila kay Princess. Wala namang magawa si Princess dahil mas malakas ito. Ang problema nga lamang ay nakakakuha na sila ng pansin sa mga taong nasa paligid. Ngunit ang mas nakakatawag pansin ay si Noriel dahil hila-hila sya nito. Isang sikat na artistang humihila sa isang unknown girl na katulad nya.

“Noriel! Teka nga lang!”

Tumigil sila sa harap ng isang elevator papunta sa floor kung saan naroroon sila tumutuloy. Hinila nya ang sariling kamay mula dito at saka hinawakan ang parte ng kamay na nahigpitan nito ng kapit.

“Bakit ba-”

“Ang sakit na kaya ng kamay ko! Grabe ka makakapit eh!” medyo inis na sabi ni Princess habang hinihilot-hilot ang nasaktang kamay. Saka naman narealize ni Noriel ang ginawa.

“S-Sorry. . I-I didn’t mean to– shit,” naiinis din na sabi ni Noriel. Nagtataka namang tinitigan sya ni Princess. He was acting weird lately.

“Ano bang nangyayari sayo, Noriel? You’re acting.. Weird,” sabi ni Princess saka pasimple nyang sinalat ang noo nito, “May sakit ka ba?”

Kinuha ni Noriel ang kamay na isinalat nya sa noo nito at seryosong tumitig sa kanyang mga mata.

“Wala akong sakit, okay? I’m just.. Annoyed,” sabay iwas nito ng tingin.

“Eh?”

“May past ba kayo ni Clayd? If yes, do you still like him?” daretso nitong tanong sa kanya. Namilog naman ang mga mata ni Princess sa narinig dito.

“What?! No way! Childhood friend ko lang sya at saka malabo naman nya akong magustuhan,” sagot nya dito.

“May gusto ka ba sa kanya?”

Paulit-ulit na umalingawngaw sa tenga nya ang tanong na iyon ni Noriel. Naalala nya na nagkaroon ng pagkakataon na pinangarap din nyang magustuhan sya ng kababata at maging kasintahan nito. In short, gusto nga nya ito. Kaya nga doble ang sakit na naramdaman nya noong traydorin sya nito noon. Sobra syang nasaktan at dinurog ng pagkamuhi nya dito ang pag ibig na nararamdaman nya para dito.

“Well.. Past is past,” pasimpleng sagot ni Princess saka naunang pumasok ng elevator habang kasunod si Noriel. Siya na din ang pumindot ng button papunta sa floor kung saan naroon ang kanilang kuwarto.

Nagulat pa sya ng bigla syang hinila ni Noriel palayo sa may pinto ng elevator at mabilis nitong pinindot ang stop button kung kaya’t tumigil ang elevator. Takang-taka naman sya sa ikinikilos ni Noriel. Ang weird talaga nito ngayon.

“Noriel, ano bang-”

Hindi na nya natapos ang sasabihin nang bigla sya nitong isinandal at wala pang isang segundong siniil sya nito ng halik sa labi. Lalayo sana sya dito ngunit mabilis nitong nakapitan ang dalawang kamay nya at lalo syang kinorner sa gilid. She was so helpless. Ngunit kahit hindi nya maintindihan ang kinikilos nito, may kung anong ligaya syang nararamdaman. Ang kakaibang sayang hindi pa nya nararamdaman sa tanang buhay nya.

I love you, Noriel.

Tuluyan na nyang naipikit ang kanyang mga mata at hinayaan ang sariling namnamin ang halik na pinagsasaluhan nila ng lalaking mahal nya. This is one of a life time opportunity for her. Wala na syang pakialam kung magmukha syang cheap dahil hinayaan nya itong halikan sya nang walang sapat na dahilan. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makasama nya ito. Ang lalaking alam nyang hindi naman mapapasakanya kahit na anong gawin nya.

Naramdaman na lamang nya ang unti-unti nitong paglayo sa kanya. Nang imulat nya ang kanyang mga mata ay nakatitig lamang ito sa kanya. Parang gusto tuloy nyang matunaw sa sobra nitong pagtitig sa kanya. Ngunit ang nakapagpapagulo sa isipan nya ay ang kakaibang titig nito sa kanya. May kakaibang ningning ang mga mata nito na kahit kailan ay hindi pa nya nakita sa kahit na anong magazine. He look as if he was.. In love?

“Ayokong magkagusto ka sa ibang lalaki. Ayokong makita kang namumula dahil sa ibang lalaki. Ayokong may gumugulo sa isipan mo maliban sa akin. At higit sa lahat,” dahan-dahan nitong hinawakan ang magkabila nyang pisngi, “Ako lang ang lalaking para sa’yo. Ako lang ang lalaking mamahalin mo at ako lang ang lalaking magmamahal sa’yo ng ganito.”

Hindi naman makapaniwala si Princess sa mga narinig na salita mula rito. Ibig ba nitong sabihin ay mahal sya nito? Walang halong biro?

“I-Ibig mo bang sabihin.. M-Mahal mo ako?” kinakabahang tanong nya dito. Ngumiti naman si Noriel na halos nakapagpalambot sa tuhod nya.

Gosh, gusto ko na yatang himatayin ngayon.

“I love you as if I can’t no longer stop myself to tease you, kiss you, hug you and even tell everyone that you are the first woman that captured my heart.”

Hindi na napigilan ni Princess ang yakapin ito ng mahigpit. The fact that he love her was the most happiest moment of her life. Dati-rati ay pinapanood at pinakikinggan lamang nya ito sa telebisyon ngunit ngayon ay abot-kamay na nya ito. Parang gusto tuloy nyang umiyak sa sobrang tuwa.

“Hindi ko alam ang sasabihin ko,” mahina nyang bulong kay Noriel. Rinig na rinig pa nya ang mahina nitong pagtawa.

“Magsabi ka lang ng ‘I love you too’, sapat na ‘yun para sa akin,” sagot nito saka hinigpitan ang yakap sa kanya.

“Am, Noriel.. Pwede bang paganahin na ulit natin ‘yung elevator? Baka kasi may sumakay,” sabi niya dito. Bumitaw naman agad ito sa pagkakayakap at natatawang pinisil ang tungki ng kanyang ilong.

“Cute,” nakangiting sabi nito saka muling pinagana ang elevator.

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 8You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 6 >>

Leave a Reply