You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 6

This entry is part 4 of 11 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

HINDI naman makapaniwala si Noriel na nasabi nya iyon kay Princess kanina. Hindi niya inaasahan na ganun na pala kalalim ang nararamdan nya para sa dalaga. Totoo ang sinabi niya dito na ito ang pinakaunang babae na nakapagpatibok sa kanyang puso. He admitted that he had a lot of relationship before but the feeling that he had for Princess is something that he never felt before. ‘Yung matatawag talaga niyang love struck. Tipong makita lang niya ito ay nao-overwhelm na sa saya ang puso niya. She really has something.

“Gusto mo bang sumama sa dinner meeting mamaya?” tanong ni Noriel kay Princess nang lapitan niya ito habang abala ito sa pagtitimpla ng juice.

“Ha? Bakit naman ako sasama? Wala naman akong gagawin doon?” takang sabi ni Princess bago niya inabot kay Noriel ang baso ng juice. Ininom naman ito agad ni Noriel.

“I want to have dinner with you. Besides, this is the first day that we had shared our love,” nakangiting sabi ni Noriel. Nanlaki naman ang mga mata ni Princess nang marinig niya ang mga salitang iyon kay Noriel.

“A-Anong shared love ang pinagsasasabi mo diyan?” naiilang na sabi ni Princess bago tumalikod para iwan ito. Dumaretso siya sa may maliit na sala na naroon at binuksan ang telebisyon upang makaiwas sa usapan nila.

“Do you really like me that much that you wanted to watch my commercial?” bulong ni Noriel sa may tenga niya. Saka lang narealize ni Princess na ipinapalabas pala sa telebisyon ang isa sa mga commercial na ginawa ni Noriel. Mabilis niyang inilipat ang channel hanggang sa marinig niya ang pagtawa ni Noriel mula sa likuran niya.

“Why are you so nervous? Hindi naman kita kakain ng buhay,” natatawang sabi ni Noriel bago ito lumipat ng puwesto papunta sa upuang malapit sa kinauupuan niya. Saka lang narealize ni Noriel na namumula na pala ang magkabilang pisngi at tenga ni Princess. Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti.

“Sino bang nagsabing ninenerbiyos ako?” kaila ni Princess habang patuloy na nakatutok ang kanyang mata sa telebisyon. Kung pwede lang sanang matunaw ay ginawa na ni Princess para lang hindi siya titigan ng lalaking nasa tabi niya. Hindi na yata niya kaya ang pagtitig na ginagawa nito sa kanya. Nakakatunaw.

“Kung hindi ka ninenerbiyos, bakit hindi ka makatingin sa akin ng deretso?” tanong ni Noriel. Nang hindi sumagot si Princess ay bumuntong-hininga siya. “Do you hate me that much?”

“Of course not! Paano mo-“ nang lingunin ni Princess si Noriel ay kasalukuyan pala itong nakangiti. Mukhang sinusubukan lang pala siya nito kaya nito nasabi iyon. Naiinis namang ibinato niya sa mukha nito ang maliit na unan sa tabi niya.

“Bwisit ka talaga! Akala ko naman talagang nagtatampo ka!” inis na sabi ni Princess. Tumatawa namang pinulot ni Noriel ang unan at saka lumuhod sa harapan niya. Pasimple nitong kinuha ang dalawa niyang palad at pinisil iyon.

“Do you love me?” nakangiting tanong ni Noriel sa kanya.

“Tinatanong pa ba ‘yun? Para saan pa ang dalawang taon kong paghanga sa’yo kung wala naman palang patutunguhan ang lahat ng ‘yun?” nahihiyang pag-amin ni Princess dito.

“Then say that you love me while looking at my eyes.”

Napilitan namang tumingin si Princess sa mga mata nito at pilit na pinagsalita ang nahihiya niyang bibig.

“I.. I.. I lo-.. Ano ba ‘yan! Huwag mo nga akong titigan ng ganyan! Pakiramdam ko matutunaw ako eh!” sabi ni Princess bago tinakpan ang mukha ni Noriel sa sobrang hiya.

“Baka naman ayaw mo lang talagang sabihin?” sabi ni Noriel habang natatakpan pa din ang mukha niya ng mga palad ni Princess. Pasimple namang kinagat ni Princess ang sariling labi. Paano ba niya sasabihin dito ang salitang “I love you” kung isang titig pa lamang niya dito ay parang aatakihin na siya sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso?

“Okay, fine! Sasabihin ko na!”

“Napipilitan ka lang yata eh. Huwag na lang kaya,” nagkukunwaring pagtatampong sabi ni Noriel.

“Eh di huwag,” sagot naman ni Princess.

“Hindi, joke lang. Sige na, sabihin mo na,” nakangiti uling sabi ni Noriel habang nakaluhod pa din sa harapan ni Princess. Hindi naman napigilan ni Princess ang mapangiti sa kalokohang pinaggagagawa ng lalaking ito. Huminga muna siya ng malalim bago tumingin sa mapang-akit nitong mga mata.

“Noriel, I love you,” sa wakas ay nasabi din ni Princess. Lalo yatang namula ang pisngi ni Princess nang mapansin niyang nakatitig pa din si Noriel sa mukha niya. Pasimple niyang tinapik ang kaliwa nitong pisngi.

“Tama na ang kakatitig. Nasabi ko na ang gusto mong marinig,” namumulang sabi ni Princess. Sa sobrang tuwa ay hinila siya ni Noriel papunta sa bisig nito at niyakap siya ng mahigpit.

“I love you too, my Princess,” nakangiting sabi ni Noriel sabay halik nito sa may buhok niya. Tinugon din naman ni Princess ang mahigpit nitong yakap.

Pakiramdam tuloy ni Princess ay nasa cloud nine siya nang mga oras na iyon.

Ah, heaven.

Kanina pa nakaalis si Noriel papunta sa dinner meeting nito ngunit nanatili pa din ang ngiti sa labi ng dalaga. Hindi pa din siya makapaniwalang natugunan din ang kanyang pagmamahal sa isang lalaking akala niya ay sa pangarap lamang niya mahahagkan.

Mahahagkan talaga, Princess?

Nangingiti namang umiling-iling si Princess. Tama nga ang sabi ng iba. May mga bagay na nagiging posible kahit na napakaimposible. Siguro nga ay tinadhana talaga na magkita sila nito at mahalin ang isa’t isa. Wala na siyang mahihiling pang iba. Ang mahalin si Noriel ay isang bagay na sa tingin niya ay hindi na niya mapipigilan pa. Well, puso na ang pumili. It’s hard to argue with your own heart.

Napatigil sa pagmumuni-muni si Princess nang marinig niya ang pagkatok sa pinto. Iniwan niyang nakabukas ang telebisyon bago binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang seryosong mukha ni Clayd.

“Anong ginagawa mo dito?” seryosong sabi ni Princess. Kung hindi lamang kabastusan gawin ay baka kanina pa niya sinarado ang pinto sa mukha nito.

“Pwede ba tayong mag-usap?” malungkot na sabi ni Clayd sa kanya. Hindi naman malaman ni Princess kung makikipag-usap siya dito o hindi. Ang ginawa nito sa kanya noon ay hindi pa din niya makalimutan. Ngunit may nag-uudyok din naman sa kanya na kausapin ito.

“Please?”

Tuluyan nang nawala ang pag-aalinlangan niya. Binuksan niya ang pinto at sinenyasan itong pumasok. Nakahinga naman ng maluwag si Clayd bago tuluyang pumasok. Agad namang sinara ni Princess ang pinto bago sinenyasan si Clayd na maupo sa isa sa mga sofa doon. Hindi na niya inabala pang ipagtimpla ito ng juice dahil wala naman siyang balak makipag-usap dito ng matagal.

“So, anong gusto mong pag-usapan natin?” malamig na tanong ni Princess dito. Hindi na naman nagpaliguy-ligoy pa si Clayd.

“May relasyon ba kayo ni Noriel?”

Saglit namang natigilan si Princess nang marinig niya ang tanong nito. Daretso siyang tumingin sa mga mata ni Clayd bago sumagot.

“Mahal ko siya.”

“Huli na pala ako,” nanlulumong sabi ni Clayd. Nagtataka namang nagsalubong ang mga kilay ni Princess.

“Anong ibig mong sabihin?”

“I love you, Princess. Simula pa noong maliit tayo, ikaw na ang pinangarap kong iharap sa altar. Ikaw lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko.”

“You love me? Kung mahal mo ako, hindi mo ako tatryadurin. Hindi mo sisirain ang tiwala ko. Nang dahil sa’yo, nagkaroon kami ng samaan ng loob ng lola ko. You betrayed me,” may paghihinakit na sabi ni Princess. Kitang-kita pa niya kung paano ito magbuntung-hininga.

“Sabi na nga ba’t iyon ang pagkakaalam mo,” nanghihinayang na sabi ni Clayd. Muli ay nakuha niya ang atensyon ni Princess.

“Anong ibig mong sabihin?”

“I never betrayed you. Hindi ako ang nagsabi kay Lola Mich tungkol sa pagtakas na gagawin mo. I really wanted to help you that time but hindi ko ine-expect na may makakarinig pala sa usapan nating iyon. A maid told your grandma about that escape plan. Ngunit hindi ko na nasabi pa iyon sa iyo dahil naging abala ako noon para sa pagpunta ko sa ibang bansa. And when the time that I wanted to tell you the truth, you were already gone kaya naman kahit masakit sa akin ay napilitan akong bumalik na lamang sa ibang bansa upang tapusin ang trabaho ko doon.”

Nang matapos itong magkuwento ay nanatiling nakatulala si Princess habang dahan-dahang inuunawa ang kuwento ng kanyang kababata. All this years, dinala-dala niya ang galit na iyon sa kanyang sarili. Ngunit lahat ng iyon pala ay isang malaking pagkakamali. Masyado niyang hinusgahan ang kaibigan niyang iyon at dahil sa paghuhusga niya ay nagkaroon pa ng lamat ang pagkakaibigan nila.

“C-Clayd.. I.. I-I’m sorry,” naiiyak na sabi ni Princess bago tinakpan ang sariling mukha nang hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nilapitan naman siya ni Clayd bago niyakap.

“Shh.. Hindi mo kasalanan iyon. Kasalanan ko iyon dahil hindi ko agad nasabi sa’yo ang katotohanan,” pag-aalo ni Clayd sa kanya. Hindi naman mapigilan ni Princess ang pag-iyak dahil nagsisisi siya sa nagawang niya dito. She treated him coldly and she almost forgot their friendship because of misunderstanding.

“B-But still.. I-It’s my fault. I’m sorry, Clayd! G-Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, mawala lang itong guilt na nararamdaman ko,” sabi ni Princess dito.

“Then be my girlfriend,” nakangiting sabi ni Clayd. Natigilan naman si Princess bago naiilang na umiwas siya sa pagtingin sa mukha ng kababata.

“I-I’m sorry Clayd, b-but Noriel is-“

“I’m just joking,” natatawang sabi ni Clayd bago ginulo ang buhok niya katulad ng ginagawa nito sa kanya noon. “Alam ko namang talo na ako pagdating diyan sa puso mo. Just watching you looking at him, I already give up. Sabi ko sa sarili ko, ano ba namang panama ko sa isang lalaking nakapagpatibok sa puso ng babaeng mahal ko? Ang mahalaga sa akin ngayon ay naging maayos na ang pagkakaibigan natin. Right?”

“Clayd!” at tuluyan nang niyakap ni Princess ang kababata habang tuluy-tuloy na umiiyak. Napakalaki naman pala ng kasalanan niya kay Clayd. Una, pinaratangan niya itong traydor at ngayon naman ay dinurog niya ang puso nito. Pakiramdam tuloy niya ay napakasama niyang kaibigan dito.

“Hey, hey! Tigilan mo na nga ang pag-iyak. Okay lang ako, okay? Makita lang kitang masaya, kahit papaano ay naiibsan na ang lungkot sa puso ko. Iyon naman talaga ang mahalaga, di ba? Makita mo lang masaya ang taong mahal mo, kahit na masakit sayo ay gagawin mo ang lahat para lang maging masaya siya,” bulong ni Clayd sa kanya, “Pero huwag lang niyang dudurugin ang puso mo dahil hindi ko talaga palalagpasing durugin ang mukha niya. Pinagbigyan ko na siya kaya dapat magtino siya.”

Natatawa namang hinampas ni Princess ang balikat nito. Tinawanan lamang siya nito. Nang matapos siyang umiyak ay nakipagkuwentuhan na din siya dito. Marami na din palang na-achieve ang kaibigan niyang iyon. Maraming bagay na din pala siyang hindi alam dito dahil sa ginawa niyang pader sa pagitan nila. Ngunit hindi na muling mangyayari iyon dahil sisiguraduhin niya sa sariling hindi na niya pangungunahan ang galit. Ayaw na niyang maulit pa ito sa kanila.

Ilang minuto pa ay nagpaalam na din itong umalis dahil may gagawin pa daw itong pag-eedit sa mga picture ni Noriel. Biniro pa nga siya nito na baka magalit siya kapag naging panget ang kinalabasang picture nito sa magazine. Natatawa namang tinaboy na lamang niya ito paalis.

“Okay na kayo ni Clayd?” hindi makapaniwalang sabi ni Hershey habang nasa kabilang linya ng cellphone.

Nasa shooting area siya nang araw na iyon at pangatlong araw na nila iyon doon. Isang araw na lamang at matatapos na din ang nakakapagod na shooting na iyon. Gusto na din sanang magpahinga ni Princess at isa pa, gusto niyang makasama ng matagal si Noriel. Pakiramdam tuloy niya, habang tumatagal ay nagiging selfish na siya pagdating kay Noriel. Sa tuwing may babae ngang lumalapit dito ay pasimple niyang tinitignan ang mga ito ng masama. Ano na bang nangyayari sa kanya? Tsk.

“Yap, hindi ko nga ine-expect na misunderstanding lang pala ang lahat ng galit ko sa kanya. Pero thankful na din ako dahil naging malinaw na din ang lahat sa amin,” nakangiting sabi ni Princess bago tumingin kay Clayd. Nang makita nitong nakatingin sa kanya ay nakangiti itong kumaway sa kanya.

“So, ano nang status nyo?” may himig-pagbibiro na tanong ni Hershey sa kanya.

“Anong status ang sinasabi mo?” natatawang tanong din niya dito habang naglalakad papunta sa comfort room. Kanina pa kasi siya nakakaramdam ng pagkaihi. Hindi naman niya agad-agad maiwan si Noriel dahil minsan ay kailangan nitong magpalit ng damit para sa shoot. Nahalata nga niyang medyo masama ang tingin nito sa kanya at kay Clayd kapag nag-uusap sila paminsan-minsan. Ewan ba niya pero kahit na alam niyang nagseselos ito ay parang tuwang-tuwa siya sa nakikita niyang reaksyon mula dito.

Ang sarap talaga nang feeling nang may nagmamahal, nakangiting sabi ni Princess sa sarili.

“Huwag ka na ngang magmaang-maangan pa. Hindi ba’t crush na crush mo si Clayd noon? Tapos ngayon, umamin pa siya na may gusto din pala siya sa’yo. O di ba? Destiny yan ‘te!” kinikilig na sabi ni Hershey.

“Ano ka ba. Wala na akong feelings kay Clayd. Kaibigan na lang ang turing ko sa kanya.”

“What? Wala ka nang feelings for him?” hindi makapaniwalang sabi ni Hershey sa kanya.

“Wala na as in zero feelings.”

“Bakit, may nagugustuhan ka na bang iba?” tanong ni Hershey sa kanya. Sasagutin na sana niya ito nang magsalita itong muli, “Don’t tell me.. Have you fall in love with Noriel!?”

Hindi naman agad nakasagot si Princess sa reaksyong ng kaibigan. Naalala nga pala niyang ayaw nito para sa kanya si Noriel. Pero bakit?

“Hershey, ano kasi..”

“Nangako ka sa akin before na hindi ka maiinlove sa lalaking iyan, Princess. Huwag mong sabihing sisirain mo ang pangakong iyon sa akin dahil lang sa lalaking iyan?” may himig-galit na sabi ni Hershey. Ngayon lang niya nakitang magalit ito kaya naman hindi niya malaman ang tamang salita na sasabihin dito.

“Hershey, calm down. Okay? Bakit ka ba galit na-“

“Because I have the right to be mad because- because-“ hindi na naituloy ni Hershey ang sasabihin.

“Because what? Ano bang nangyayari sa’yo, Hershey? Is there something wrong?”

“Fulfill your promise to me, Princess. Please?” Parang naiiyak na sabi ni Hershey mula sa kabilang linya. Napalunok naman si Princess habang kinakabahan. Bakit ba parang galit na galit ito kay Noriel? Bakit ganito na lamang ang reaksyon nito? Ano bang itinatagong lihim ni Hershey sa kanya tungkol kay Noriel? Kinakabahan siya para sa kaibigan niya.

“Princess, please. I can’t calm down until you promise me again,” naiiyak na sabi ni Hershey. Wala namang magawa si Princess sa sitwasyon kung hindi ang pumayag panandalian sa kagustuhan nito. Nang putulin nito ang linya, hindi na niya mapigilan ang kabang nararamdaman niya nang mga oras na iyon.

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 7You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 5 >>

Leave a Reply