You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 5

This entry is part 5 of 11 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

“HMM…” kahit gising na ang diwa niya ay tinatamad pa din si Princess na imulat nya ang sariling mga mata.

Sarap na sarap sya sa pagtulog. Ngunit ng makarinig sya ng pagtigil ng sasakyan ay tuluyan niyang naimulat ang kanyang mga mata.

Teka, kailan pa sya nakasakay ng sasakyan? At saka, kaninong sasakyan ito? Nang bumukas ang pinto sa gilid niya ay tumambad sa kanya ang mukha ni Noriel.

“Let’s go inside,” yaya nito sa kanya ngunit hindi siya agad sumunod dito. Hindi kasi siya makasunod sa flow ng pangyayari.

“Wait a minute, what am I doing here? Tapos na ang shooting?” sunud-sunod niyang tanong dito.

“Kanina pa simula nang pumasok ako sa dressing room,” sagot nito sa kanya.

“Kung ganun, bakit ako nandito? Dapat sa bahay mo na lang ako hinatid.”

“No need. Naipakuha ko na kanina ‘yung mga gamit mo habang nasa shooting tayo.”

“What! Bakit? Teka, ano bang nangyayari!?” natataranta niyang tanong dito.

“Hindi ba nasabi sa’yo ni Lola Mich na dito ka na titira habang nagtatrabaho ka sakin?” takang tanong ni Noriel sa kanya.

Para namang sumabog ang parehong eardrum ni Princess sa narinig na balita. Naipikit ni Princess nang mariin ang sariling mga mata. Mukhang gusto talaga siyang pahirapan ng lola niya.

Siguradong alam na nito ang magiging reaksyon nya kapag sinabi nito sa kanya ang tungkol sa pagtira kasama si Noriel. At naiimagine na niya ang mukha nito ngayon lalo na’t naisahan siya nito. Napakatuso talaga nito. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nagdial ng numero ng Lola Mich na agad naman nitong sinagot.

“Lola Mich, what’s the meaning of this!?” hindi niya makapaniwalang tanong dito.

“Oh, nandyan ka na ba kay Noriel? I ask him about letting you live on his condominium earlier,” kalmado nitong sabi habang siya naman ay nakakaramdam ng pagkainis sa pangyayari.

“Bakit po? I mean, hindi ko naman po tatakasan yung usapan natin eh. Why do I have to live with him?”. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ng matanda.

“You have to focus with your job and ayokong magkandabuhul-buhol ang trabaho mo dyan with your writing career. Finish that job then your free to go,” sabi nito saka pinatayan sya. Ilang beses pang huminga si Princess bago tumingin kay Noriel.

“Lola Mich talaga!” inis niyang sabi.

Pinapanood naman siya ni Noriel na mukhang nag-eenjoy sa nakikitang frustration sa kanyang mukha. Tiningnan nya ito ng masama.

“Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” masungit niyang tanong dito.

“Nothing,” nakangiti nitong sabi. Hindi na naman niya ito pinansin at pinasya niyang bumaba na lamang sa sasakyan.

Wala na din naman kasi siyang choice kung hindi ang sumunod sa mga pangyayaring iyon sa buhay niya. Saka niya narealize na nasa tapat pala ng isang mataas na condominium unit.

“Tara na,” sabi nito sa kanya bago nito hinawakan ang kamay niya.

Hindi naman siya makaangal pa dahil may mga taong nasa paligid nila at tinitignan sila. Nang makasakay sila sa elevator ay pasimple niyang hinila ang kamay niya ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang kapit sa kamay niya.

Lalo namang bumilis ang tibok ng puso niya dahil silang dalawa lamang ang nasa elevator. Pakiramdam nya ay nag-init sa loob ng elevator. Bigla syang pinagpawisan ng malamig.

Gosh, bakit ang tagal yata ng twenty fifth floor?

Nang makarating sila ng twenty fifth floor ay nakahinga na sya ng tuluyan. Pero ang tibok ng puso niya ay nanatiling mabilis. She really hate her heart whenever she was with Noriel. It always became abnormal.

Mabilis silang naglakad papunta sa isa sa mga unit doon. Nang buksan nito ang isa sa mga pinto doon ay nakangiting niluwagan nito ang pinto.

“Ladies first,” nakangiti nitong sabi sa kanya. Pinagtaasan lang nya ito ng kilay saka nag-aalangang pumasok sa loob.

First time niyang makapasok sa isang tirahan ng lalaki. She look at the surroundings. The place really looks like a bachelors pad. Wala syang makitang kahit na anong gamit na nagpapatunay na may kasama itong nakatira doon. Not even a single stuff of a women. Mukhang sanay itong mag-isa.

“I hope you don’t mind living here,” sabi ni Noriel sa kanya habang tinatanggal nito ang suot na sapatos.

“Ano pa bang magagawa ko? I don’t have any authority to refuse from the first place,” mahinang sabi ni Princess saka naglakad-lakad sa loob.

Hindi niya napansin ang paglalakad nito mula sa likuran nya.

“Bakit ka nga pala pumayag na maging personal assistant ko? I thought you hated me.”

“Well, totoo naman yun but there’s something I needed to do for my own sake.”

“What is that? Baka pwede kitang matulungan.”

Hindi niya magawang lingunin si Noriel. The fact that she wanted to be a writer is something that she wanted to fulfill with her own and with no help from other people. Lalo na at ang tulong ng lalaking ito.

“Thanks but no thanks. I have to do it on my own,” nakangiting sabi nya dito. Napansin niya ang kakaibang tingin nito sa kanya na nakapagpakaba sa kanya.

Eto ang unang beses niyang nakita ang seryoso nitong mukha.

“B-Bakit, may problema ba?” kinakabahan niyang tanong dito. Kahit na boss niya ito ngayon, hindi niya ito sasantuhin kapag may ginawa itong kakaiba.

“H-Ha?” para bang natauhan ito nang marinig nito ang boses niya. Umiwas ito ng tingin sa kanya at parang batang naghanap ng makakalikot. Lumapit ito sa isang pinto at binuksan iyon.

“Here, this is your room. I.. I have to get something at my car,” sabi nito saka nagmamadaling lumabas ng unit.

Naguguluhan namang pumasok na lamang si Princess sa loob ng kuwarto at inayos ang sarili niyang mga gamit.

Napatigil sa paglalakad si Noriel nang marealize niya ang nangyari kanina. He looks like an idiot earlier. Wala naman talaga siyang kukuning gamit sa sasakyan ngunit nang makita nya kanina ang matamis na ngiti ni Princess, bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso nya.

Pakiramdam nya ay tumigil ang oras na iyon sa kanilang dalawa. Ngayon lamang sya natulala sa isang simpleng ngiti ng babae. It makes him feel uneasy.

“I should go back,” sabi niya sa sarili bago muling pumasok sa elevator. Nakarating agad sya sa floor ng unit niya at nag-atubili pa syang pumasok.

Pagkabukas nya ng pinto ay naabutan niya si Princess na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Nagtatakang lumapit sya dito.

“Anong-”

“Sorry, nakialam na ako sa kusina. Nagugutom na kasi ako eh, at saka hindi pa ako nakain simula pa kanina. Kain tayo,” yaya nito sa kanya saka ito tuluyang naupo. Tumingin pa ito sa kanya bago sumubo ng kanin. “Amm.. Ghalith kha?”

Tuluyan nang napangiti si Noriel nang magsalita ito habang puno ang bibig dahilan para hindi nito masyadong mabanggit ang salitang sinasabi nito.

“Bakit ba ang cute mo?” natatawang sabi ni Noriel kay Princess. Para namang nagulat si Princess sa papuring sinabi ni Noriel sa kanya kaya upang mabawasan ang hiyang nararamdaman ay sumubo ulit sya.

“H-hindhie akhu cyute,” mahinang sabi ni Princess habang nakatingin sa lamesa.

“What?”

Nilunok muna ni Princess ang kinakain saka muling inulit ang sinabi.

“Ang sabi ko, hindi ako c-” natigilan si Princess nang lumingon sya ay napakalapit ng mukha ni Noriel sa mukha niya.

Here it goes again.. This weird heart beat of mine..

“Huwag kang malikot,” at unti-unti nitong inilapit ang palad nito sa may gilid ng labi niya at tinanggal nito ang isang pirasong kanin.

Akala ni Princess ay aalisin lang nito ang kanin ngunit pinanatili nito ang palad nito sa kaliwang pisngi niya. Sasabog na yata ang puso nya sa nangyayari. Hindi niya ito inaasahan.

Lalo syang hindi makagalaw nang unti-unti nitong inilapit ang mukha nito sa kanya habang seryosong nakatitig ang mga mata sa mata niya. Hindi na sya humihinga nang biglang mag-ring ang cellphone nito.

“Excuse me,” paalam ni Noriel kay Princess bang sagutin nya ang tawag.

Naibuga niya ang hangin na pilit niyang pinipigilan nang makalabas si Noriel. Pilit nyang pinakalma ang sarili na mukhang kahit na anong oras ay sasabog yata.

“R-Relax, Princess. Si Noriel lang ‘yun, b-baka tinignan lang nya kung may dumi pa sa.. sa..” hindi na niya maituloy ang sasabihin ng maalala nya ang labi nito.

“Argh! Ano ba ‘yun!” sabi ni Princess saka tuluy-tuloy na isinubo ang kinakain.

Kanina pa nakatitig si Princess sa harap nang isang kuwarto na tutuluyan nilang dalawa ni Noriel sa loob ng apat na araw. Naalala tuloy nya ang nangyari kanina sa condominium nito nang magising sya kaninang umaga.

“Noriel, bakit ka may dala-dalang maleta?” takang tanong nya dito habang naghihikab.

Antok na antok pa kasi sya dahil hindi sya pa din sya sanay sa higaan nya kahit isang linggo na syang nakatira sa condo nito. Apat na araw kasi itong wala kaya sya lang ang nasa condo nito at noong isang gabi lamang ito umuwi. Hindi naman sya nito isinama dahil personal daw na meeting iyon at hindi na daw nito kailangan ang assist nya. Noon lang nya narealize na sobrang busy pala nitong tao pero lagi lamang itong nakangiti sa kanya.

“Good morning din,” nakangisi nitong sabi sa kanya matapos nitong isara ang maleta.

“Ay, sorry. Good morning pala muna,” natatawa sa sariling sabi ni Princess, “Anyway, may pupuntahan ka ba?”

“May pictorial ako for some magazine. Mga four days ‘yun.”

Natahimik naman si Princess. Mukhang aalis na naman pala ito. Nakaramdam tuloy sya ng lungkot sa hindi maintindihang dahilan. Para bang gusto nyang itong makita at makausap araw-araw. Kailan pa sya naging selfish?

“Fix your things. I’ll give you ten minutes,” sabi ni Noriel na ikinabigla naman ni Princess.

“Eh? You mean, kasama ako?”

“Oo naman. Your my assistant, remember?”

Abot-tenga ang ngiting ibinigay ni Princess dito. Akala nya kasi ay hindi na naman sya nito isasama. Parang gusto tuloy niyang magtatatalon sa sobrang tuwa.

Ngayong nandito na sila ay para bang gusto nyang umuwi sa bahay. Matutulog sila ni Noriel sa isang kuwarto!

“Hey, bakit hindi ka pa pumapasok?” tanong ni Noriel sa kanya habang nagtatanggal ito ng suot na sapatos.

Naiilang namang pumasok si Princess at kinuha ang maleta na naglalaman ng isusuot ni Noriel para sa pictorial mamaya. Isa-isa nyang inilagay sa isang kabinet ang mga damit nito. Bago nya matapos ang ginagawa ay bigla syang nakaramdam ng malakas na pag ihip ng hangin sa tenga nya dahilan para mapasigaw sya.

“You’re face is red,” tumatawang sabi ni Noriel na kasalukuyan palang nasa likuran nya.

“Ano ba, Noriel! Huwag mo nga akong takutin ng ganun!” sabi ni Princess habang hawak-hawak ang tengang hinipan nito. Abot-tenga naman ang ngiting ipinakita nito sa kanya.

“Namiss lang kitang kulitin. Ang boring kasi ng four days ko, wala ka kasi eh,” nakangiting sabi nito habang nakaupo sa kama.

“Mukha mo. Ang dami-daming babae doon kaya alam kong hindi ka mabo-bored,” sabi niya saka pinagpatuloy ang pagsasabit ng mga damit sa loob ng kabinet.

Naramdaman na lamang ni Princess ang presensya ni Noriel sa may likuran nya na nakapagpakaba sa kanya. Hindi pa din kasi nya nakakalimutan ang ginawa nito noong unang araw nyang kasama ito sa iisang bubong.

Shemay. Ano ka bang puso ka? Huwag ka ngang mataranta dyan!

“Madami ngang babae doon pero ikaw lang ‘yung laging nasa isip ko sa buong apat na araw na ‘yun. Kahit na ngayong magkasama tayo,” sabi nito habang hinahawakan ang buhok nya na nakapagpatayo ng balahibo ni Princess.

“S-Stop joking around.”

“I’m not.”

Nang hawakan na nito ang kanyang kamay ay bulta-bultaheng kuryente ang animo’y dumaloy sa buo niyang katawan.

Pakiramdam nya ay may kung anong humaplos sa puso nya sa mga oras na iyon. Unti-unti itong lumapit sa kanya nang biglang nagbukas ang pinto.

“Noriel, nasaan ‘yung-” hindi naituloy ni Migz ang sasabihin nang makita ang itsura nilang dalawa. Mabilis namang lumayo si Princess.

“M-May nakalimutan pala akong kunin. E-Excuse me,” naiilang na sabi ni Princess bago ito lumabas ng kuwarto.

Naiwan namang tahimik si Noriel habang pilit namang pinipigilan ni Migz ang mapangiti.

“Does you and Princess-”

“No,” napabuntong-hiningang sabi ni Noriel. Naiiling namang lumapit si Migz sa kanya.

“Do you like her?”

Saglit namang natigilan si Noriel sa tanong nito. Does he like her? Ngayon lang sya nakaencounter ng babaeng katulad nya. A simple and honest girl that has a very funny and charming personality. Sa tuwing mag isa siya ay walang ibang pumapasok sa isipan nya kung hindi ang magkasalubong nitong kilay at saka siya biglang tatawa. Mukhang tinamaan na nga yata sya dito.

“Maybe yes. She’s a nice girl,” nakangiting sabi ni Noriel.

“Just be careful, Noriel. Alam mo naman ang issue between celebrity and a non-showbiz, right? Baka maging malaking issue yan. You don’t want her to get hurt, right?” sabi ni Migz sa kanya. Napaisip naman si Noriel sa sinabi nito.

“Don’t worry. Wala naman akong balak makipagrelationship sa kanya kahit na gusto ko sya,” sabi ni Noriel habang nagpapalit ng damit, “Besides, i think hindi din naman magtatagal ang feelings ko na ito. I just like her because she’s quite funny and nothing more.”

Tinitigan lang sya ng tahimik ni Migz. Mukhang hindi pa din kilala ni Noriel ang sariling nararamdaman para sa dalaga.

He felt sorry for him.

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 6You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 4 >>

Leave a Reply