You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 4

This entry is part 6 of 11 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

“PRINCESS, ano bang nangyayari sa’yo at mukhang masayang-masaya ka yata diyan?” naghihikab pang tanong ni Hershey kay Princess ng makita niya itong nakaupo sa harapan ng telebisyon nila.

Pasado alas-singko na nang umaga at kataka-takang napakaaga nitong magising. Hindi kasi ito nagigising ng ganoong oras kaya naman hindi niya maiwasang macurious dito.

“Shh.. Huwag ka munang maingay. Kakantahin na niya,” nakangiting sabi ni Princess kay Hershey. Nang tuluyang lumapit si Hershey ay nakita niyang nasa telebisyon si Noriel.

“Anong-“ hindi na naituloy ni Hershey ang sasabihin nang magsimulang kumanta si Noriel.

“Dinggin mo, aking puso, na nagmamahal sayo ngunit hindi ko naman alam kung paano mo malalaman.. Dinggin mo, ang puso, na nakalaan para sayo.. Balang araw sanay malaman mo,” kanta ni Noriel.

“He really sing it! Mabuti na lamang at nirecord ko!” nakangiting sabi ni Princess.

Naramdaman na lamang niya bigla ang pagpitik ni Hershey sa tenga niya. Napahawak naman si Princess sa sariling tenga habang masamang nakatingin sa kaibigan.

“What’s that for?” magkasalubong ang kilay na tanong ni Princess.

“Noong isang linggo, grabe mo lait-laitin ‘yung taong iyan tapos ngayon naman tuwang-tuwa ka dahil kinanta niya ‘yung paborito mong kanta. Bangag ka na, ano?”

Nakasimangot namang muling tumingin si Princess sa telebisyon na kasalukuyang katatapos lamang ng kanta ni Noriel. Ewan ba niya.

Para bang nakalimutan na niya agad ang insidenteng nangyari sa kanilang dalawa ni Noriel. Nang sabihin niya kasi ang kahilingan niya dito ay tinanggap nito agad iyon. Matagal na kasi niyang pangarap na kantahin nito ang paborito niyang kanta kaya naman nang makakuha siya ng tiyempo ay iyon ang hiniling niya dito kapalit ang pakikipagkaibigan dito.

“Wala namang masama kung makipag-kaibigan ako sa kanya, di ba? Saka ayokong magmukhang masama kung hindi ko tatanggapin ‘yung sorry niya. Besides, mas mabuti na din siguro ‘yun dahil magiging magkatrabaho na kami starting tomorrow kaya naisip ko na mas magiging madali para sa akin kung wala kaming samaan ng loob.”

Napahawak naman si Hershey sa ulo. Nakalimutan nga pala niyang madali lang i-manipulate si Princess kapag nag-sorry ang isang tao dito.

Masyado kasi itong mahina sa mga ganoong bagay at madali din nitong nakakalimutan ang galit nito sa isang tao. Even though sometimes Princess was war freak and hot headed person, madali namang lumambot ang puso nito sa kahit na sino.

She was too naïve.

“Princess, please be careful okay? Hindi mo pa din saulado ang takbo ng utak ng lalaking iyon. And please, do not fall in love with him,” biglang sabi ni Hershey kay Princess.

Nagulat naman si Princess sa sinabi nito dahilan para mapatitig siya sa mukha nito na ngayon ay seryosong-seryoso. Ngayon lamang niya nakita ang seryoso nitong mukha.

“Bakit ka yata biglang nagseryoso?”

“Nothing. Ayoko lang makita kang masaktan sa huli. Promise me that you won’t fall in love on that guy. Please?” sabi nito sa kanya. Napilitan namang tumango si Princess na nakapagpangiti kay Hershey saka siya nito niyakap ng mahigpit.

“Thank you,” nakangiting sabi ni Hershey saka siya kumalas sa kaibigan. Dumaretso siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Seryosong tumingin si Hershey sa may labas ng bintana.

Hindi ko pwedeng hayaang lumalim ang pagkagusto ni Princess sa lalaking iyon. She don’t deserve him. And I can’t let her know my secret.

Tahimik na nakatayo si Princess sa may gilid ng shooting area na iyon habang pinapanood ang mga taong busy na nasa paligid. Kanina pa siya kinakabahan dahil iyon ang unang araw niya bilang personal assistant ni Noriel.

Hindi nito alam na pupunta siya sa mismong shooting area na iyon dahil hindi naman niya alam kung saan niya ito hahanapin. Hindi din kasi niya alam kung saan ito nakatira kaya doon na lamang siya dumaretso. Ngunit hindi pa din siya kumportable doon dahil sa insidenteng nangyari sa kaniya noong huling punta niya doon.

She can sense the eyes of the people who are looking at her. Pero pilit niyang iniignora ang mga iyon.

She can’t back out anymore. She need to fulfill her grandmother’s request for the sake of her dream and her career. Panandalian lang naman iyon kaya titiisin niya ang lahat ng pagod at hirap sa trabahong iyon.

Konting tiis lang.

Sabi nga nila, “Kung may tiyaga, may nilaga.”

“Anong ginagawa ng isang war freak na katulad mo dito?”

Nilingon ni Princess ang babaeng nagsalita sa may gilid niya. Si Francheska. Ano na naman kayang gusto nito sa kanya?

“Excuse me?” kunwaring hindi alam ni Princess na siya ang tinutukoy nito. Sa tuwing nakikita kasi niya ito ay parang bigla-biglang umaakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. And it was boiling.

“You’re still slow, eh? Ikaw ang tinutukoy. Ang lakas ng loob mo na bumalik dito matapos mong gawin iyon kay Noriel. Hindi ka siguro marunong mahiya, ano?” mataray nitong sabi sa kanya.

Hinarap naman niya ito at saka pinagtaasan ng isang kilay. Gusto niyang subukan ang tapang ng artistang ito.

“Oo, wala talaga akong hiya. And besides, look at this,” at pinakita ni Princess ang kapeng mainit na iniinom niya kanina, “Do you still remember what I did to Noriel? Do you want some sample since wala na naman akong hiya, right?”

Kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito sa galit. Totoo nga ang balitang sinabi sa kanya ni Hershey na madali lang itong mainis at magalit.

The best ka talaga, Hershey! Ang galing ng mga source mo! Natatawang sabi ni Princess sa sarili.

Bago pa makapagsalitang muli si Francheska ay dumating bigla si Noriel. Halata sa itsura nito ang pagkagulat ng makita siya nito.

“Princess! Anong ginagawa mo dito?” tanong nito sa kanya. Isang tipid na ngiti ang ipinakita ni Princess dito.

“Hindi ko kasi alam kung saan ka pupuntahan kanina kaya dito na lang ako dumaretso,” sagot ni Princess dito. Bigla namang kumapit si Francheska sa braso ni Noriel at parang batang nagsumbong ito.

“Bakit mo kinakausap ‘yan, Noriel? She’s that bitch who punch you, remember? Hindi dapat pinapayagang pumunta ‘yan dito eh!” mataray nitong sabi kay Noriel.

Kung pwede lang sanang manakit, baka nahila na ni Princess ang buhok ng malditang iyon. Nakakaasar ang iniistilo nito.

Bwiset.

“She’s my personal assistant, Francheska. And don’t call her bitch,” sabi ni Noriel dito saka nito tinanggal ang mga braso na nakapulupot dito.

Nilapitan ni Noriel si Princess at sinabihang sumunod ito sa kanya papunta sa dressing room nito. Nag-make face naman si Princess kay Francheska dahilan para lalo itong manggigil sa galit. Hindi naman napigilan ni Princess ang matawa.

“Hey, huwag kang masyadong maglalalapit kay Francheska,” babala ni Noriel sa kanya nang makapasok sila sa dressing room.

May kalakihan ang dressing room na iyon at malinis. Mukhang masinop din pala si Noriel sa gamit. Nang muli niyang tignan si Noriel ay kasalukuyan nitong hinuhubad ang damit nito. Hindi niya napigilang mapatili.

“Anong ginagawa mo!?” sabi ni Princess habang nakatakip ang dalawang palad sa mukha. Madalas siyang makakita ng mga hubad na lalaki ngunit ngayon lang siya nakakita ng lalaking nakahubad sa personal. Pakiramdam niya ay namumula ang magkabila niyang tenga.

“Naghuhubad?” natatawang sagot ni Noriel habang naghahanap ng isusuot sa mga nakahanger na damit doon.

“I know! Pero dapat nagpapasintabi ka man lang, di ba? Gosh, may tao po dito!” hindi makapaniwalang sabi ni Princess dito na sinagot lamang nito ng tawa.

Tinignan siya ni Noriel mula sa kinaroroonan niya. Nakatakip pa din kasi ang mga kamay nito sa mukha niya. Napangiti naman ng nakakaloko si Noriel ng may pumasok na kalokohan sa isip nito. Hindi nito pinagpatuloy ang pagsusuot ng damit bagkus ay unti-unti siyang lumapit kay Princess.

Napasinghap si Princess ng bigla siyang hinila ni Noriel papalapit at saka nito tinanggal ang kamay na nakatakip sa mukha nito. Kaya tuloy hindi naiwasan ni Princess na makita ang half naked nitong katawan.

“Bakit ka ba nagtatakip ng mukha? You don’t need to be shy. You’re my personal assistant, right? It means that you have to take care of everything that involves everything with me, besides,” nakangiting pinutol ni Noriel ang sinasabi ng makita niya ang pulang-pula nitong mukha, “You’re face is red.”

“Stop it, Noriel. Kung ayaw mong makatikim sa akin ng-“

“Kiss? Hindi ko tatanggihan ‘yun,” nakangiting sabi ni Noriel at nang ilalapit nito ang mukha nito sa mukha niya at mabilis niyang sinuntok ang braso nito na nakapagpapula sa maputi nitong balat.

“Gusto mo pa?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Princess kay Noriel habang kasalukuyang nakataas ang isang kamay na handang sumuntok ulit dito kapag nagkataon.

Kahit namimilipit sa sakit ay nagawa pa nitong tumawa.

“I give up. You really are cute,” nakangiting sabi ni Noriel sa kanya.

Nataranta naman si Princess ng maramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya ng marinig niya ang salitang iyon mula kay Noriel. Mukhang kailangan talaga niyang sanayin ang sariling hindi magpaapekto sa mga pang-aasar nito sa kanya.

“Get dress, will you?” utos niya kay Noriel bago tumalikod dito.

“Hindi mo ko bibihisan?” nakangiting tanong pa ni Noriel sa kanya. Itinaas lang ni Princess ang kanang kamao bilang babala dito. Walang nagawa si Noriel kung hindi ang tumawa. She really is cute.

“I’m glad to meet you, Princess. I’m Migz, Noriel’s manager,” nakangiting sabi ni Migz sa kanya nang makipagkamay ito. Kararating pa lamang kasi nito at sumakto namang nasa dressing room si Princess habang abala sa pagtitiklop ng mga damit.

“Nice to meet you din,” nakangiting sabi ni Princess. Mukha kasing mabait ito at pakiramdam niya ay makakasundo niya ito.

“Where’s Noriel? Nagsisimula na ba silang mag-shoot?” tanong ni Migz sa kanya. Tumango naman siya.

“Kasisimula pa lang nila.”

“You don’t want to watch?”

Sa totoo lang, gustung-gusto ni Princess na mapanood itong umarte, ang problema nga lamang ay nahihiya siya. Besides, baka isipin nito na interesado pa din siya dito. At naroon siya para magtrabaho at hindi para manood.

“I heard that you were his fan before, am I right? Ikaw ‘yung girl na sumuntok sa kanya, tama?” nakangiting tanong ni Migz sa kanya.

Nahihiya namang tumingin si Princess dito.

“Yeah, ako nga ‘yun. Pero don’t worry, nandito lang naman ako dahil sa kagustuhan ng lola ko, nothing more. Panandaliang trabaho lang ito hanggang sa makakita kayo ng kapalit ko,” nakangiting sabi niya kay Migz.

“Masyado kang defensive,” tumatawang sabi ni Migz bago siya nito tinulungang magtiklop ng damit.

Lihim namang napangiti si Princess. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking nagtitiklop ng damit ng ibang tao. He looks cute anyway.

Palihim niyang pinagmasdan ang itsura nito. Kung tutuusin, mukha itong artista. Matangkad, moreno at singkit. In short, guwapo. Hindi nya akalaing manager pala ito ni Noriel.

Mas bagay itong mag-artista katulad ni Noriel. Sayang. Pero kahit na hindi ito artista, ramdam niya ang awtoridad sa personalidad nito. He was full of authority and self-confidence.

“Baka naman matunaw na ako niyan,” biro ni Migz sa kanya.

Hindi niya napansin na sobra-sobra na pala ang titig na ginagawa niya dito. Nahuli tuloy siya nito.

“Sorry. Mukha ka kasing artistahin,” nahihiyang sabi niya dito. Nahihiya namang napakamot si Migz sa ulo.

“Really? Pero kahit na mag-artista ako, mas madami pa ding magiging fans si Noriel. At alam kong siya pa din ang hahangaan mo between the two of us, right?” nakangiting sabi ni Migz.

Hindi naman sumagot si Princess dahil totoo naman ang sinabi nito. Kahit na sino sigurong itapat kay Noriel, mas aangat pa din ito.

Nagulat si Princess ng hawakan ni Migz ang buhok niya.

“What-“

“May puting hibla sa buhok mo. Huwag kang malikot,” sabi nito sa kanya habang patuloy nitong tinatanggal ang hibla sa buhok niya.

Iniyuko naman niya lalo ang ulo niya at hindi niya napansin ang pagpasok ni Noriel.

“What are you doing?” malamig ang tonong tanong ni Noriel sa kanilang dalawa.

Inosente namang tumingin si Princess kay Migz.

“Tinatanggal lang ni Migz ‘yung puting hibla sa buhok ko,” sagot niya sa tanong nito.

Tahimik namang tinignan sila ni Noriel na para bang may nagawa silang kasalanan. Narinig na lamang ni Princess ang mahinang pagtawa ni Migz na mukhang pinipigilan pa nito.

“Labas muna ako,” abot-tenga ang ngiting sabi ni Migz bago tuluyang lumabas.

Naiwan naman silang dalawa ni Noriel doon at hindi malaman ni Princess kung anong sasabihin. Pakiramdam kasi niya ay parang may mali siyang ginawa dahilan para lumamig ang mood sa loob ng dressing room na iyon.

Unti-unting lumapit si Noriel sa kanya at nagulat na lamang siya ng umupo ito sa tabi niya at walang sabi-sabing humiga habang ginawang unan ang mga hita niya.

“Noriel, anong-“

“Huwag ka munang maingay. Magpapahinga lang muna ako saglit. I am really tired,” sabi ni Noriel saka tinakpan ng towel ang sariling mukha. Hindi naman makaangal si Princess dahil mukhang pagod na pagod nga yata ito. Naawa tuloy siya dito.

“Gusto mo bang ikuha na lang kita ng unan para mas maging kumportable ka?” tanong niya dito.

“No need. Mas komportable akong mahiga sa hita mo,” sabi nito saka pasimpleng iniangat nito ang towel na nakatakip sa mukha nito at sinilip siya, “I told you to be quiet, right? Patulugin mo muna ako,” sabi pa nito at saka muling tinakpan ang mukha.

“Yes, boss,” nakasimangot na sabi ni Princess dito.

Kung hindi ka lang pagod, naku! Baka nakatikim ka sakin ng suntok.

Pero kahit na ganoon ang trato nito sa kanya, hindi niya maiwasang matuwa dahil sa sinabi nito. He feel comfortable with her than the pillow, he said. Pakiramdam tuloy niya ay nasa cloud nine siya sa sobrang saya. Minsan pala ay may nasasabi itong maganda bukod sa mga pang-aasar nitong ginagawa.

Pinagmasdan niya ang mukha nitong natatakpan ng towel. Ano kayang itsura nito kapag natutulog? Guwapo pa din kaya ito kahit tulog?

She feel the urge to put away the towel and watch him sleeping but she stop herself from doing it. Priority niya ang makapagpahinga ito at masigurado ang kalusugan nito kaya pilit niyang isinantabi ang curiosity mode niya. Hindi na niya napansin na nakatulog na din pala siya.

Nagising si Noriel nang mag-ring ang phone niya. Tinanggal niya ang towel na nilagay niya sa mukha niya at tiningnan ang wall clock.

Kalahating oras din pala ang tulog na nagawa niya. Naalala niya si Princess kaya naman tinignan niya ito ngunit nakapikit na ito at natutulog. Nakasandal ang ulo nito sa pader at mukhang hirap na hirap sa pagtulog.

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa hita nito at tinignan ang cellphone. Tumatawag si Migz.

“Hey, galit ka pa din ba?” tanong ni Migz mula sa kabilang linya na mukhang abot-tenga ang ngiti. Naiinis namang pinatayan niya ito ngunit tumawag ulit ito.

“What!?” inis na tanong ni Noriel dito.

“Hala, galit nga. Wala naman akong ginawa sa kanya, okay? Tinanggalan ko lang ng hibla yung buhok niya. Masyado ka namang seloso,” natatawang sabi ni Migz sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Noriel.

“I’m not jealous, not with you.”

“Really?”

“Isa pang tanong, masasapak na talaga kita.”

Rinig na rinig niya ang malulutong na pagtawa ni Migz sa kabilang linya kaya inis na pinatayan niya ito. Ang lakas talaga nitong mang-asar kahit kailan pero ngayon lang siya naasar dito.

Nang makita niya kasi kung gaano kalapit nito kay Princess kanina, para bang gusto niyang sapakin ito ng oras na iyon. Para bang nag-akyatan ang lahat ng inis niya sa ulo niya ng makita niya ang mga ito. Kaya naman ng umalis si Migz ay hindi niya malaman kung ano bang dapat niyang sabihin kay Princess.

Naalala niya kasi ang naging tono niya sa dalawa kaya naman gumawa na lang siya ng paraan para hindi mabuko. Ginawa na lamang niyang unan ang hita ni Princess at natulog upang mawala ng kaunti ang init ng ulo niya.

Bakit ba ako umasta ng ganoon kanina?

Tinignan niya si Princess na kasalukuyang natutulog. Unti-unti niya itong nilapitan at dahan-dahang binuhat papunta sa maliit na folding bed na naroon at doon niya ito inihiga. Tulog mantika naman ito dahil hindi man lang ito nagising kaya kinuha niya ang isang kumot doon at kinumutan ito. Tinitigan niya ang natutulog nitong mukha.

She looks cute even though she was sleeping. Her eyebrow looks cute, her eyes, her nose, her lips… Napatitig siya sa mga labi nito na bahagyang nakabuka mula sa pagkakatulog.

Nagulat siya ng biglang tumibok ang puso niya ng malakas dahilan para mapahawak siya sa sariling dibdib. What was that? Minabuti na lamang niyang lumabas habang nagtatakang hawak-hawak ang dibdib na kanina lamang ay tumibok ng malakas.

Weird, sabi niya sa sarili.

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 5You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 3 >>

Leave a Reply