You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 3

This entry is part 7 of 11 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

KANINA pa nakatayo si Princess sa harap ng malaking gate ng kanilang bahay kung saan tanaw na tanaw niya ang maraming sasakyang naka-park sa loob.

Rinig na rinig din niya ang maiingay na tugtog at ang mga halakhakan ng mga taong naroroon. Gusto sana niyang isama si Hershey sa party na iyon ngunit buong puso namang tinanggihan siya nito. At ang sabi pa nito sa kanya ay kailangan na daw niyang harapin ang lahat ng problema niya ng mag-isa at nang walang tulong sa iba. Kahit alam niyang inaasar lang siya nito ay hindi na niya ito pinilit. Alam naman kasi niyang sisilay lang ito sa crush nitong direktor sa pelikula ni Noriel.

Speaking of Noriel, simula nang mangyari ang insidenteng nangyari sa kanila ay hinding-hindi na niya kinulit si Hershey na isama siya nito sa mga taping na ginagawa nito. Para sa kanya, iyon na ang una at huli nilang pagkikita ni Noriel sa loob ng dalawang taong paghanga nya dito.

Hindi na rin siya nanonood sa mga telenobela nito at maging sa mga commercial nito. Sa loob ng isang linggo ay nagawa niya ang mga bagay na iyon kaya naman malakas ang tiwala niya sa sariling makakalimutan niya din ang paghanga niya sa lalaking iyon.

Sino ba siya sa akala niya? Mukha lang naman syang unggoy sa paningin ko. Hmp!

Muntikan pa siyang mapatalon sa sobrang gulat ng tumunog ang cellphone niya at rumehistro ang pangalan ni Hershey sa screen. Mukhang mang-aasar na naman yata ito kaya naman pinatay niya ito.

Saulado na niya ang ugali nito. Alam nitong ninenerbiyos siya ngayon kaya naman hindi siya magpapatalo dito. Nagpasya siyang pumasok sa loob ng gate papasok ng kanilang mansion.

Napakarami ngang bisita ng kanyang lola. Halatang mga galing ito sa mayayamang pamilya dahil sa mga eleganteng mga suot nito. Puro tungkol sa mga business ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Feeling tuloy niya ay mao-out of place lamang siya doon.

“Princess! You’re here!” nakangiting bati sa kanya ni Julie na kaklase niya noong siya ay nasa elementary pa lamang.

Elegante ang suot nitong pulang nightgown na may mahawabang slit sa may kanan nitong hita. Mukhang hindi pa din ito nagbabago.

“Hi, Julie,” pilit ang ngiting bati niya kay Julie. Hindi niya talaga kasundo ito dahil masama ang ugali nito ngunit dahil malapit na magkaibigan ang lola nito at ang lola niya ay napipilitan siyang pakisamahan ito.

Dahan-dahan namang lumapit ito sa kanya habang hawak-hawak nito sa kanang kamay nito ang isang champagne.

“Akala ko ba lumayas ka before? Are you looking for your old granny?” nakangising tanong nito sa kanya.

Kung siya lamang ang masusunod, baka kanina pa niya nilamusok ang mapang-asar nitong mukha.

“Yeah, in-invite niya ako noong isang linggo after niya akong dalawin sa bahay ko. Ikaw? Anong ginagawa nang isang old-man-gold-digger na katulad mo dito? Naghahanap ka ba ng bago mong mabibiktima dito?” nakangising banat niya dito.

Para namang nagbago bigla ang ihip ng hangin sa paligid nila nang mawala ang ngiti sa mga mata ni Julie ngunit nanatili naman ang ngiti sa labi nito.

“You’re still bitchy just like before, eh? Wala ka pa ding pinagbago,” nakangising sabi ni Julie sa kanya.

“Nagmana lang ako sa’yo,” sagot niya.

Matagal silang nagtitigan nito bago ito tuluyang umalis. Nakahinga naman siya ng maluwag. Hindi pa din niya lubos maisip kung bakit malaki ang galit sa kanya ni Julie simula pa lang noong maliliit sila.

Nagpa-plastikan na lamang sila nito at pasimple kung laitin ang isa’t isa. Kaso nga lamang ay napapagod na siya sa sistema nilang iyon kaya naman siya na ang umiiwas dito. Pero katulad ng nangyari kanina, talagang pinagtatagpo talaga sila ng tadhana para magkaroon ng thrill ang mga buhay nila.

“Iha, bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa kita inaantay ah,” narinig niyang sabi ng Lola Mich niya na naglalakad papalapit sa kanya. Masaya namang sinalubong niya ito at hinalikan sa pisngi.

“Medyo na-traffic lang po,” pagsisinungaling niyang sabi dito.

“Come on, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko,” nakangiting sabi nito sa kanya bago sya nito tuluyang hinila papunta sa mga nagtutumpukang mga bisita doon.

Wala siyang nagawa kung hindi ang ngumiti at kamayan ang mga taong ipinakikilala sa kanya ng kanyang lola. Ni isa sa kanila ay hindi niya matandaan kaya naman tanging ngiti lamang ang tinutugon niya. Sumasagot lamang siya sa mga ito kapag may mga gustong tanungin ang mga ito sa kanya. Kahit papaano ay nag-enjoy naman siya.

“Siya nga pala, iha. Darating mamaya ‘yung sinasabi ko sa’yong kakilala ko na naghahanap ng personal assistant. Mabuti nga at pinaunlakan niya ako ngayon dahil lately ay medyo naging busy siya sa trabaho niya ngayon. Ang bata talagang iyon, masyadong workaholic,” nakangiting kuwento sa kanya ng Lola Mich niya.

Napansin ni Princess ang kakaibang saya sa mga mata ng kanyang lola ng ikuwento nito ang tungkol dito.

“Kaanu-ano niyo po ba ‘yun, lola? Mukhang importante siya sa’yo ah,” takang tanong ni Princess dito. Ngumiti naman ito.

“Apo siya ng isa sa mga taong hinahangaan ko noong nag-uumpisa pa lamang akong magtayo ng kompanya. Tinulungan ako ng taong iyon kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kaya Princess, pakisamahan mo sana ng mabuti ang apo niya dahil itinuring ko na ding parang tunay kong apo ang batang iyon.”

Hindi na napigilan ni Princess ang mapangiti. Minsan lamang niyang makita ang Lola Mich niya na ngumiti ng ganoon. Sincere at puno ng pagmamahal.

Ang madalas kasing ipakita nito sa kanya simula pa noon ay ang misteryoso nitong ngiti ngunit ang ngiting ipinakikita nito ngayon sa kanya habang kinukuwento nito ang apo ng taong iyon ay kakaiba. Pakiramdam tuloy niya ay makakasundo niya ang magiging boss niya.

“Ayan na pala siya oh,” nakangiting sabi ng lola niya habang nakatingin sa likuran niya.

Tumingin din naman siya sa likuran niya para makita ang taong tinutukoy nito ngunit imbes na mapangiti ay nanlaki lamang ang kanyang mga mata.

Sino ba namang mag-aakalang makikita niya ang unggoy na Noriel na iyon sa lugar na iyon at ang masaklap pa, mukhang ito pa ang apong tinutukoy ng lola niya!

Kapag sinusundan ka nga naman ng malas.

Gulat na gulat naman si Noriel nang makilala niya ang taong katabi ni Lola Mich, eto ang babaeng sumuntok sa mukha nya noong isang linggo! Hinding-hindi sya pwedeng magkamali dahil buong linggo itong nasa isipan niya.

Ano naman kaya ang ginagawa nito doon?

“Noriel! I’m glad that you make it,” masayang sabi ni Lola Mich sa kanya na agad naman niyang sinalubong ng halik sa pisngi bilang paggalang dito.

“Sorry po, ngayon lang po kasi ako nagkaroon ng bakanteng oras kaya hindi ko na kayo masyadong nadadalaw,” hingi niya ng paumanhin sa matanda.

“Okay lang. Alam ko namang masyado ka nang busy lately. Anyway,” hinila nito si Princess palapit sa kanila, “Noriel, this is my granddaughter, Princess. Siya ‘yung madalas kong ikuwento sayo noon.”

Pinakatitigan naman niya ito. Bakas sa mukha nito ang pagkailang ngunit kung sya ang tatanungin, mukhang ayaw sya nitong tignan. Inilahad niya ang kanyang kamay dito upang makipagkamay.

“Nice to meet you, Princess,” nakangiti niyang sabi dito. Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay nito sa kanya kaya bilang ganti, bahagya niyang pinisil ang palad nito.

Naramdaman naman ito ni Princess kaya naman agad niyang hinila ang sariling palad. May kung anong kuryente kasing gumapang sa kamay niya ng pasimple nitong pinisil ang palad niya kaya agad niyang binawi ang kamay.

Hindi naman ito pinansin ni Noriel, bagkus ay lalo lang nitong pinaskil ang matingkad nitong ngiti.

“Have we met before?” biglang tanong ni Noriel kay Princess dahilan para mataranta ito.

Pilit namang itinago ni Noriel ang ngiti niya dahil sa nakitang ekspresyon sa mukha ng dalaga.

“No, of course not,” kabadong sagot ni Princess. Natatakot kasi siyang malaman ng mga tao sa paligid nila at ng Lola Mich niya ang tunay na dahilan kung bakit at paano sila nagkakilala nito.

Nakakahiya.

“Well, I think nakikita mo na sya sa telebisyon iha. Kilalang artista yan,” pagmamalaki ng lola Mich nya sa kanya.

“Ganun po ba? Sorry ha, hindi kasi ako masyadong nanonood ng telebisyon eh,” palusot ni Princess.

“Hmm.. Really,” makahulugang sagot ni Noriel sa kanya. Hindi na naman natuloy ang usapan nila dahil agad hinila ng ibang tao si Noriel ng malamang naroon ito. Kahit papano ay nakahinga ng maluwag si Princess.

Mabuti na lamang at hindi siya nito ibinuko sa mga taong naroroon dahil kung hindi, baka nakatikim na naman ito sa kanya ng malutong na suntok.

Ngunit pakiramdam ni Princess, kanina pa siya tinititigan ng hudas na Noriel na iyon. Hindi naman siya kinakausap nito kagaya ng ginagawa nito sa iba ngunit ramdam na ramdam niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. It makes her feel uneasy.

Crap, it’s so annoying, naiilang niyang sabi sa sarili.

Nang hindi na makapagtiis, nagpaalam siya sa Lola Mich niya na magpupunta siya ng banyo. Daig pa niya ang hinahabol ng aso sa sobrang bilis niyang maglakad hanggang makarating sya doon.

“Gosh, bakit po nangyayari sa akin ito! Hindi naman ako masamang tao ah! Why me? And for all the people in this world, why him! I can’t believe this is really happening to me!” sabi ni Princess sa sariling repleksyon sa salamin.

Parang gusto tuloy niyang tumakas sa lugar na iyon at magpunta sa isang isolated na island kung saan hindi magkukrus ang landas nila ni Noriel. But even though she feel irritated, she still remember the suit that Noriel wear earlier.

He looks cool on it and it added the charm that he already have. Just by looking at him, it makes her heart flustered.

“Argh! Stop it, Princess! He’s not the guy that you think he is, remember?” sabi pa nya sa salamin. Napansin niya ang ilang babaeng nakatingin sa kanya na mukhang naweweirduhan sa kanya dahil sa pakikipag-usap nya sa sarili.

Nakaramdam naman sya ng hiya. Dapat talaga ay tigil-tigilan na nya ang habit niyang pakikipag-usap sa sarili minsan.

Naramdaman nya ang pagvibrate ng phone nya kaya agad nya itong sinagot.

“Hello, Her-”

“Bakit mo ako pinatayan ng phone kanina, bruha ka!” malakas na sigaw ni Hershey na kasalukuyang nasa kanilang linya.

“Ang kulit mo kasi eh! Ang lakas mo pang mang-asar kanina,” nakasimangot niyang sagot dito saka medyo naglakad siya ng kaunti palayo sa mga babaeng naroroon para marinig niya ng maayos ang sinasabi ni Hershey sa kanya.

“Never mind. Kaya ako napatawag ay dahil gusto sana kitang warningan about Noriel. I heard that he was also invited there by your grandma and he was going to perform,” sabi nito sa kanya.

“At saan mo naman nalaman iyan, aber? Mukhang napakarami mong source ah.”

“Huwag mo nang alamin. Anyway, nagkita na ba kayo diyan?”

“Unfortunately, yes. And he really annoys me now if that is what you wanted to know.”

“Really? What happened? Pinaliparan mo na naman ba sya ng super punch mo?” natatawang tanong ni Hershey sa kanya.

“Balak ko sana kaso baka makasuhan na ako nito kaya umiiwas na lang ako. Sige na, sige na. Kailangan ko pang bumalik kay Lola Mich, mamaya ko na lang ikukuwento sayo ang mga happenings dito. Okay? Bye-bye,” at hindi na niya ito hinintay na magsalita pa at agad niyang pinutol ang tawag na iyon bago tuluyang lumabas ng banyo.

Hindi kasi siya nito titigilan kung hindi siya mismo ang unang magbababa.

Nasa hallway pa lamang siya nang marinig niya ang boses ni Noriel na mukhang may hawak ng mikropono. Dahan-dahan siyang pumasok sa may pinto just to find out that Noriel was already in the small stage. He was standing there with his full confidence. And the music started to play.

This is the first time that she saw Noriel singing in person. Lagi lang kasi siyang nakikinig o kaya naman ay nanonood sa telebisyon noon kapag nagpeperform ito. Sapat na sa kanya noon ang mapakinggan ang malamyos nitong boses na nakakapagpapakalma sa sarili niya kapag may problema siya.

She just realized that for almost two years, Noriel made her life wonderful even though they never met before. Kaya aminin man niya o hindi, kahit na alam na niya ang tunay nitong ugali sa totoong buhay na nakakapagpainit ng ulo niya, hindi pa din niya maitatangi sa sarili na hanggang sa oras na iyon ay hindi pa din nawawala ang paghanga niya sa binata. Lalo na kapag pinapakita nito ang mga husay nito sa pagkanta.

“And I will take you in my arms and hold you right where you belong.. ‘Till the day my life is through, this I promise you.. This I promise you,” nakapikit pang bigkas ni Noriel sa mga lyrics ng kanta.

Hindi maialis ni Princess ang pagkakatingin niya kay Noriel. The way he sing that song makes her heart move. Punung-puno ito ng emosyon at pagmamahal.

Katulad ng dati, para bang siya lang ang taong naroroon habang pinakikinggan niya ang pagkanta nito. Nagulat pa siya sa sarili dahil nakasandal na pala siya sa may gilid ng pinto habang nanonood sa pagkanta nito.

Nakaramdam tuloy siya hiya sa naging reaksyon kaya hindi na niya tinapos pa ang panonood dito at dali-dali siyang lumabas para kumuha ng sariling hangin. She really need fresh air just to cool her mind and even her feelings.

“Bakit ka nandito sa labas? Nabored ka na ba agad sa loob?”

Muntikan pang matalon si Princess nang marinig niya ang boses ni Noriel na nasa likuran niya. Pakiramdam tuloy niya ay nagkabuhul-buhol ang mga emosyon niya na katatapos pa lamang niyang pakalmahin kanina.

Nasa may parking area siya sa mga oras na iyon dahil wala siyang mahanap na lugar na walang tao. Punung-puno ang buo nilang bahay ng tao at wala siya sa mood na makipagdaldalan sa mga taong naroroon. Pero nasira na ang kanyang senti mode ng dumating ito.

“Gusto ko lang mapag-isa. Ikaw, bakit ka nandito? Don’t tell me gusto mo ding mapag-isa?” sarcastic niyang tanong dito habang nakaupo sa isa sa mga bench na nasa gilid ng parking area na iyon.

“Ah, may kinuha lang ako sa kotse ko then I just saw you sitting here alone.. Or may hinihintay ka, maybe?” nakangising tanong ni Noriel sa kanya. Hindi naman pinansin ni Princess ang pang-aasar nito.

“Hey, I’m just joking,” biglang sabi ni Noriel saka mabilis itong naupo sa tabi niya. Mabilis namang umurong si Princess dahilan para matawa ito.

“Anong nakakatawa?” magkasalubong ang kilay na tanong ni Princess.

“Wala, wala. Ganyan ba kalakas ang epekto ko sa’yo?” nakangising tanong nito sa kanya.

Napairap naman ng wala sa oras si Princess sa narinig. Nagsisimula na naman kasing magyabang ang unggoy na ito.

“Asa ka. Bakit ka pa ba nandito? Nakuha mo na ang kailangan mo sa sasakyan mo, di ba? Bumalik ka na sa loob at gusto kong mapag-isa.”

“Are you still mad at me because of that incident?” tanong ni Noriel kay Princess. Nang hindi ito sumagot ay napabuntong-hininga siya, “I’m sorry. That was supposed to be a joke.”

“Do you always ask a girl like that? Argh, bakit ba kita tinatanong? You’re messing my mind,” sabi na lamang ni Princess at saka tumayo para umiwas dito.

Ngunit hindi siya nito agad pinakawalan dahil pinigilan ito ang kamay niya kaya siya napatingin dito ng masama.

“Let go of my hand, please,” sabi ni Princess kay Noriel.

Seryoso namang tumayo si Noriel at lumapit dito. Pilit namang kinalma ni Princess ang sarili niya kahit na ang totoo ay gusto na niyang mataranta dahil sa sobrang lapit nito sa kanya.

“I mean it. Sorry sa nagawa ko sa’yo before. Can you forgive me, please?” seryoso nitong tanong sa kanya habang nakatitig ng daretso sa mga mata niya.

“Why do you really want me to forgive you?”

“Well, since magiging magkatrabaho tayo, we cannot stay like this, right? Hindi naman tayo pwedeng mag-away ng mag-away tuwing magkasama tayo. At saka, I want you to be my friend.”

Hindi naman agad nakapagsalita si Princess ng marinig niya ang sinabi nito sa kanya. Sa totoo lang, she was happy to hear him say that. Ang kaso lamang ay nahihiya siyang tanggapin iyon.

Hindi niya maintindihan ang sarili pero kahit na medyo inis pa din siya dito, gusto niyang tanggapin ang pakikipagkaibigan nito. Mukha naman kasi itong sincere sa pagsosorry at ayaw naman niyang magmukhang masama dahil lang sa insidenteng nangyari sa kanila.

Wala namang sigurong masama kung tanggapin niya ang pakikipagkaibigan na inaalok nito sa kanya.

Accept it! Accept it!

“Okay, fine. I’ll accept your friendship,” sabi na lamang ni Princess na nakapagpangiti kay Noriel, “But in one condition.”

Napakunot naman ang noo ni Noriel. One condition?

“Halika dito,” at nang lumapit si Noriel kay Princess ay ibinulong nito sa kanya ang gusto nitong kapalit sa pakikipagkaibigan sa kanya.

Natawa naman si Noriel ng matapos nitong ibulong sa kanya ang kagustuhan nito. Hindi niya inaasahang mababaw lamang pala ang kasiyahan nito.

“Okay, I’ll do it,” nakangiting sabi ni Noriel kay Princess.

Pilit namang itinago ni Princess ang pamumula ng pisngi niya sa kahihiyan.

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 4You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 2 >>

Leave a Reply