You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 2

This entry is part 8 of 6 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

HINDI naman maka-recover si Noriel sa ginawa sa kanya ng babaeng naglalakad palayo sa kanya. Kitang-kita din niya kung paano nito sipain at sigawan ang isang crew na mukhang may kasalanan din dito.

Naramdaman na lamang niya ang mahinang pagtapik sa balikat niya at nang tingalain niya ito ay tumambad sa kanya ang mukha ng manager niyang si Migz.

“Mukhang nakahanap ka ng katapat mo ah,” natatawang sabi nito sa kanya bago siya nito tinulungang tumayo.

Hinimas-himas niya ang pisngi niya na hanggang sa oras na iyon ay nananakit pa din dahil sa lakas ng suntok na tinamo niya mula sa isang babae.

“That girl is weird! Sino ba namang matinong babae ang bigla-bigla na lamang manununtok ng mukha ng isang artista? And on top of that, she also said that she was my huge fan!” hindi makapaniwalang sabi ni Noriel.

“Baka naman may sinabi ka sa kanya na hindi niya nagustuhan? You know, girls are sensitive with words,” nakangiting sabi nito. Iniisip naman ni Noriel ang mga salitang sinabi niya.

“Well, inalok ko lang naman siya sa condominium ko and ask her if she also wanted to do it here.”

“You mean, sex?”

“Yeah? Aray!” napahawak si Noriel sa sariling batok ng dumapo doon ang palad ni Migz. “What’s your problem?”

“Kaya siguro iyon nagalit sa’yo dahil sa sinabi mo. She doesn’t look like that type of girl. Kaya ka nasusuntok ng wala sa oras eh!”

“I just teased her! Hindi ko naman alam na seseryosohin niya ‘yung biro ko. At saka hindi ko naman siya type. She’s too plain for me,” sabi ni Noriel saka naupo sa isang bench na naroon.

Inabutan siya ng isa sa mga crew doon ng yelo na agad naman niyang idinikit sa pisngi niya.

“Noriel, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Francheska sa kanya ng lapitan sya nito. Isang matamis na ngiti naman ang sinagot niya dito.

“I’m okay, don’t worry,” sagot ni Noriel habang patuloy na ginagamot ang sariling mukha.

Hindi na niya muli pang pinansin ang mga sinasabi ni Francheska dahil muli na naman niyang naalala ang mukha ng babaeng sumuntok sa kanya.

Pero sa totoo lang, hindi talaga inasahan ni Noriel ang suntok na binigay sa kanya ng babaeng iyon. Sanay kasi siya na laging hinahabol-habol ng mga babae dahil sa pagiging sikat niya ngunit ngayon lamang siya nakatagpo ng babaeng katulad kanina.

Ang tipo ng babaeng bigla na lamang manununtok kapag hindi nagustuhan ang mga salitang narinig mula sa ibang tao. Violent but cute. She look interesting. Hindi niya napansin ang sariling nakangiti habang nilalagyan ng yelo ang sariling pisngi.

“He’s the worst, Hershey! I hate him!”

Tinititigan lang ni Hershey si Princess habang patuloy ito sa pagsasalita simula pa ng dumating ito galing sa shooting area kanina. Nagtataka pa nga siya kanina dahil bigla-bigla itong dumating sa bahay nila. Paalis na sana siya noon para bumalik sa may shooting area ng bigla itong bumalik na may inis sa maganda nitong mukha. Mukhang may nakaaway na naman yata ito ng hindi niya nalalaman.

“Sino ba ‘yang sinusumpa mo sa galit ha, Princess? Kanina mo pa paulit-ulit na sinasabi ‘yang salitang iyan pero hindi ko naman malaman kung kanino ka galit na galit,” takang tanong ni Hershey kay Princess habang nakaupo ito sa isang mahabang sofa habang pinagmamasdan si Princess na kanina pa pabalik-balik maglakad sa harapan niya.

“Sino pa ba ang tinutukoy ko? Walang iba kung hindi ‘yung sira-ulong Noriel na ‘yun! Argh! Nakakabwisit! Ano bang akala niya sa akin, whore? Ha! Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘yun! Mamatay na sana siya!” gigil na gigil na sabi ni Princess.

“Ano bang ginawa nya sa’yo?”

“Niyaya ba naman niya akong makipag-sex sa kanya sa condominium niya! At eto pa, kung gusto ko daw, doon na daw namin ‘yun gawin. Argh! Ang sarap-“

“Halikan?”

“Hershey!” nanlalaki ang matang sigaw ni Princess sa kanya. Natatawa namang tumayo si Hershey at hinila ito paupo sa tabi nito.

“Chill lang, Princess. Masyado kang high blood eh, relax lang. Walang mangyayari sa galit mong ‘yan kapag patuloy kang magsisisigaw dito sa bahay. Besides, don’t you think that you should be happy of what happen to you earlier? At least maaga pa lang, nakilala mo na ‘yung idol mo at nalaman mo na his not the real guy that you think he was. Right?”

Hindi naman makasagot si Princess dahil tama naman ang sinabi ni Hershey. Noriel is not the guy that she know. Ang Noriel na kilala niya ay mabait, sweet, gentleman at perfect guy but the Noriel that she encounter earlier is a pervert, rude and not gentleman.

Sino ba namang matinong lalaki ang magtatanong sa babae ng ganung bagay? At isa pa, unang beses pa lang nilang pagkikita iyon!

Suddenly, she feel sad. Para bang lahat ng inaasahan niya tungkol sa iniidolo niya ay pawang mga kasinungalingan lamang. Ito pa naman ang naging inspirasyon niya sa pagsusulat niya sa loob ng dalawang taong pagiging writer niya. Ito ang dahilan kung bakit sya nakapagsusulat ng magagandang istorya.

Kaya naman hindi niya malaman kung paano siya muling makapagsusulat gayung nalaman na niya ang tunay na ugali ng lalaking hinangaan niya sa loob ng dalawang taon. Para bang gusto niyang maiyak. Kung sana pala ay hindi siya nagpumilit na sumama kay Hershey kanina ay hindi sana niya malalaman ang tunay nitong ugali. Hindi sana niya mararamdaman iyon.

Bigla namang tumunog ang door bell nila.

“Ako na ang magbubukas,” sabay tayo ni Hershey. Naiwan namang nakaupo si Princess habang lutang ang pakiramdam. Ngayon lang siya nagalit ng ganun. Siguro ay dahil hindi niya matanggap ang katotohanan tungkol sa iniidolo niya. Ayun tuloy, nawala na ang lahat ng paghanga niya dito at napalitan iyon ng galit at inis.

What a waste, sabi ni Princess sa sarili.

“Princess, may bisita ka,” narinig niyang sabi ni Hershey mula sa likuran niya. Wala naman sa sariling tumayo siya at tinignan ang taong bisita niya.

Daig pa niya ang nakakita ng multo ng makilala niya kung sino ang biglaan niyang bisita. Ang kanyang Lola Mich!

This is really the worst day of my life.

Nakaupo silang dalawa ng Lola Mich niya sa may sala na kanina ay inuupuan nilang dalawa ni Hershey at ni isa sa kanila ay walang nagsasalita. Kapwa sila nagpapakiramdaman nito. Dalawang taon na ang nakalipas simula ng makita niya ito kaya naman hindi niya alam ang dapat niyang sabihin dito. At isa pa, hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng kanyang lola.

Pasimple niya itong sinulyapan. Wala pa din pala itong pinagbago sa loob ng dalawang taong hindi nila pagkikita. She was still full of confidence and authority. Para bang wala itong kinatatakutang anuman.

“Am, ikukuha ko lang po kayo ng juice,” singit ni Hershey na kasalukuyan pa lang nakatayo sa may gilid. Mukhang napansin kasi nito na kailangan nilang makapag-usap ng sarilihan kaya siguro ito nagpasyang umalis.

“Princess, please come home,” rinig ni Princess na sabi ni Lola Mich sa kanya. Para namang na-guilty si Princess dahil sa ginawa nyang pagtakas.

“Lola, alam nyo naman po ang dahilan kung bakit ako umalis ng bahay, right?” malungkot na sabi ni Princess. Tinignan naman sya nito na para bang pagod na pagod.

“Hanggang ngayon ba ay ayaw mo pa ding bitawan ang pangarap mo na ‘yan? Alam mo namang wala kang mapapala sa pagsusulat-sulat mo,” sabi pa nito. Naiikot ni Princess ang kanyang mga mata dahil sa sobrang frustration.

“I won’t inherit the company. Hindi iyon ang passion ko. Hindi po ako magiging masaya sa pagpapatakbo ng isang kompanyang wala naman akong kaalam-alam. I love writing, Lola. Feeling ko kapag hindi ako nakapagsulat, ikamamatay ko yun,” halos pakiusap na niyang sabi sa matanda. Bumuntong-hininga naman si Lola Mich nang matapos sya sa mga hinaing nya.

“Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?” muli nitong tanong sa kanya.

“100% sureness.”

“Okay, I won’t force you anymore,”

Hindi naman makapaniwalang niyakap nya bigla si Lola Mich. Sa wakas, sa loob ng dalawang taong pagtitiis nya, natupad na din ang kanyang mga panalangin. Ang tanggapin sya ng buo ng kanyang Lola Mich at ang pangarap nya. Malaya na sya.

“But, I have a condition.”

Natigilan naman bigla si Princess. Kondisyon?

“Condition? Ano pong condition?” kinakabahang tanong ni Princess. Saulado na nya kasi ang ugali ng kanyang lola. Kapag hindi nito natupad ang sariling kagustuhan, paniguradong gagawa at gagawa ito ng paraan para pahirapan sya.

“You have to be a personal assistant of someone I know,” sabi nito sa kanya. Napalunok naman si Princess.

“Personal assistant? But, wala po akong background sa ganung trabaho,” nag-aalala niyang sagot sa matanda.

Sumandal naman ito sa sofa at saka pinagdaop ang dalawang palad.

“So, you’re going to give up writing?” naghahamong tanong nito sa kanya. Para namang piniga ang puso nya sa narinig. Talaga pa lang ayaw na ayaw nitong tanggapin ang pagsusulat nya.

Tinitigan nya ang mga mata nito. Para bang hinahamon sya nitong tanggapin ang inaalok nito. Ngunit nakapagdesisyon na sya noong una pa lang. She will never give up her dream.

“Okay, fine. I’ll accept that job. Pero ipangako nyo po sa akin na after kong gawin ang trabahong ito, hinding-hindi nyo na ipipilit sa akin ang responsibilidad ng kompanya mo,” matatag na sabi ni Princess.

“Call,” sabay ngiti ni Lola Mich na nakapagpatayo ng kanyang balahibo sa batok. Kinakabahan talaga siya kapag ngumingiti ito ng ganoon.

“Anyway, maaari mo ba akong bisitahin sa susunod na linggo sa bahay iha? May celebration kasing gaganapin doon at gusto ko sanang ipakilala ka sa mga kaibigan ko. At saka hinahanap ka nga pala ni Clayd sa akin noong isang araw. Dumating na siya noong isang linggo dito sa pilipinas.”

Si Clayd ang isa sa mga taong ayaw na niyang makita simula ng lumayas siya sa kanilang bahay mga dalawang taon na ang nakalilipas. Childhood friend kasi niya ito at malaki ang tiwala niya dito kaya naman nagpatulong siya ditong tumakas sa kanilang bahay ngunit imbes na tulungan ay isinumbong pa siya nito sa Lola Mich niya.

Nahuli tuloy siya ni Lola Mich at doon sila nag-away kaya naman harap-harapan siyang naglayas dito. Kahit na sinisigaw ng lola niya ang pangalan niya, hindi niya ito kailanman nilingon. Sumama talaga ang loob niya kay Clayd at sinisisi niya ito dahil sa pagkakaroon nila ng kanyang lola ng samaan ng loob.

Nabalitaan niyang nangibang-bansa ito matapos niyang maglayas sa kanilang bahay. Ang balita pa niya ay tinuloy nito doon ang matagal na nitong pangarap na business at doon nito iyon itinayo. Isang kilalang photographer at kilalang-kilala ito sa industriyang kinabibilangan nito. Dati pa nga ay niyaya pa siya nitong maging modelo nito ngunit tinanggihan niya iyon dahil wala naman siyang kahilig-hilig humarap sa kamera.

Lalo na ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya nakakalimutan ang ginawa nitong pantatraydor sa kanya.

“Ah, ganun po ba?” hindi interesadong sagot ni Princess. Nakakunot naman ang noong tinitigan siya ng matanda.

“Pupunta ka, ha?” para bang naniniyak na sabi ni Lola Mich sa kanya. Napilitan namang ngumiti si Princess saka tumango.

Para namang nakahinga ng maluwag si Lola Mich nang makita nito ang pagtango niya. Maya-maya pa ay tuluyan na itong tumayo at nagpaalam sa kanya.

Naisandal naman ni Princess ang buo niyang katawan sa buong sofa na kinauupuan niya at saka tumitig sa kisame. Para siyang nanghihina sa lahat ng pangyayaring nangyayari sa kanya ngayong araw na ito.

Sana lang ay magkaroon siya ng lakas ng loob na malagpasan ang lahat ng problemang iyon.

Sana nga.

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 3You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 1 >>

Leave a Reply