You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 10 (END)

This entry is part of 11 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

“COME on, pick-up the phone!”

Kanina pa kinokontak ni Noriel si Princess ngunit hindi naman ito sumasagot sa tawag niya. Noong puntahan naman niya ito sa bahay nila Hershey ay wala siyang nadatnang tao doon. Wala din ito sa bahay nila Lola Mich. Halos mabaliw-baliw na siya dahil hindi niya mahanap ang dalaga.

“Bakit kasi hinayaan mong mag-announce ‘yung emcee na iyon tungkol sa current relationship mo with Francheska?” sabi ni Migz habang ngumunguya ito ng popcorn. Tinignan lang sya ni Noriel nang masama bago muling dinaial ang cellphone number ng dalaga.

Hindi naman kasi talaga iyon ang dapat nangyari. Tinanong kasi siya nang isa sa mga reporter doon about sa status ng lovelife niya kaya naman sinabi niya ang totoo na nasa isang relationship siya. Bigla namang sumingit ang emcee na iyon at bigla na lamang inannounce na si Francheska ang girlfriend niya. Hindi naman niya agad naitanggi iyon dahil nag-alala siya na baka mapahiya si Francheska. Mukhang tuwang-tuwa naman si Francheska sa nangyari dahil buong gabi itong nakakapit sa kanya. Kaya naman lalong uminit ang ulo niya sa emcee na iyon.

Ang mas pinoproblema niya ngayon ay si Princess. Alam niyang galit ito sa kanya ngayon at mukhang pinagtataguan pa yata siya nito kasama si Hershey. Hindi niya alam ang nangyari nang gabing iyon dito matapos niya itong iwan mag-isa. Kaya lalo siyang nag-aalala para dito.

“Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?” naiinis nang sabi ni Noriel sa sarili.

“Sino ba namang matinong babae ang tatanggapin ang tawag ng lalaking salawahan?” singit ni Migz habang patuloy na ngumunguya.

“Shut up, Migz! Imbes na ngumunguya ka dyan, bakit hindi mo na lang ako tulungan? Para naman may magawa kang maganda,” inis na sabi ni Noriel sa kaibigan.

“Chill lang, Noriel. Masyado ka namang mainitin ang ulo. Hindi mo talaga mahahanap ang isang babaeng nagtatago. She’s hurt, you know?” sabay bukas ni Migz ng telebisyon. Nanghihina namang naupo si Noriel sa tabi ni Migz habang nakapatong sa mukha niya ang mga palad.

“Ano na bang dapat kong gawin, Migz? Ayokong magalit si Princess sa akin. I don’t wanna lose her,” mahinang sabi ni Noriel. Tinitigan naman siya ni Migz bago umiling-iling.

“Bakit hindi mo muna ayusin ang problema mo with your career? Naisip mo ba na kapag nalaman ng mga tao na hindi pala talaga kayo ni Francheska, masisira ang career mo? Hindi ka na magkakaroon ng magandang opportunity,” sabi ni Migz sa kanya. Napaisip naman si Noriel. Tama nga naman ito pero kung ang career niya ang problema, may solusyon na siya doon. Matagal-tagal din niyang pinag-isipan ang desisyong iyon.

“Magku-quit na ako sa pag-aartista, Migz. Nasabi ko na sayo iyon dati, di ba? Mas gugustuhin ko pang maging normal na tao na lamang para makasama ko ang babaeng pinakamamahal ko.”

Napabuntung-hininga na lamang si Migz. Wala na naman siyang magagawa pa sa desisyong iyon ni Noriel. Matagal na nitong sinasabi sa kanya noon ang tungkol sa pagku-quit sa pag-aartista pero lagi niyang itong pinipigilan dahil napakaganda ng takbo ng career nito. Ngunit ibang usapan na ito ngayon dahil nakahanap na ito ng sapat na rason para iwan ang industriyang ginagalawan nito. Siguradong hindi na ito magpapapigil sa desisyong puso’t isip na ang gumawa. Tsk. Napakahirap talagang kalabanin ang puso kapag nagsimula na itong tumibok.

“Ano pa bang magagawa ko? Sa ngayon, ayusin mo muna ang problema mo sa career mo at kay Francheska then ako na munang bahalang maghanap kay Princess.”

“Talaga? Gagawin mo ‘yun para sakin?” hindi makapaniwalang tanong ni Noriel sa kanya.

“Ano pa’t naging magkaibigan tayo? Saka alam ko namang hindi mo ako titigilan hangga’t hindi kita natutulungan.”

“The best ka talaga, Migz!” sabay yakap sa kaibigan.

“Noriel, hindi tayo talo.”

“Mukha mo!” natatawang sabi ni Noriel.

Hawak-hawak ni Princess ang isang notebook na kasalukuyan niyang sinusulatan ng kanyang bagong nobela sa ilalim ng punong mangga na iyon. Tungkol sa nabigong pag-ibig ang kuwento na iyon na saktong-sakto naman sa sitwasyon nya ngayon.

Broken hearted din sya.

Hindi pa din nya lubos maisip na magagawa syang lokohin ni Noriel. Nagawa pa nitong ipagsabay sya sa war wreak na Francheskang iyon. Paano kaya nito naatim na gawin iyon sa kanya?

Naramdaman na naman tuloy niya ang nagbabanta ng pagtulo ng kanyang mga luha kaya ipinikit nyang muli ang mga mata nya. Sapat na iyon para mapigilan nya ang sariling umiyak.

“Bakit ba ang emo ng mga tao dito?” nilingon ni Princess si Clayd nang tumabi ito sa tabi nya.

Kasalukuyang nagbabakasyon si Princess at Hershey sa bahay ni Clayd sa probinsya. Isang linggo na din ang nakalipas simula nang mapanood nya iyon. Kapwa nila pinaghihilom ang mga puso nilang sugatan. Talagang magbestfriend nga yata sila. Pati sa pag-ibig, bigo.

“Para namang hindi ka dumanas ng ganito,” sabi na lamang ni Princess dito bago tumingin sa palayan.

“Dumanas nga ako niyan pero hindi naman ako naging masungit,” biro nito sa kanya. Isang tipid na ngiti lamang ang tinugon ni Princess. Hindi nya talaga magawang ngumiti ng totoo.

Nakatitig lamang si Clayd sa kanya bago nito pinisil ang pisngi niya.

“Aray ko! Bakit mo pinisil ang pisngi ko?”

“Ang plastik mo ngumiti, nakakainis. Bakit hindi mo na lang kaya kausapin si Noriel tungkol sa totoong relationship nya doon sa Francheska na iyon kaysa naman nagmumukmok ka dito at pinapakitaan mo ako ng plastik mong ngiti?”

“Bakit ko pa tatanungin si Noriel? Alam kong masasaktan lang ako sa isasagot nya. Sigurado naman akong si Francheska talaga ang mahal nya.”

“Sigurado ka? Ni hindi mo pa nga kinakausap si Noriel eh kaya paano ka nakakasigurado?”

Yumuko na lamang si Princess. Totoong hindi nya tinanong kay Noriel kung totoo ba ang napanood nya sa telebisyon dahil sa takot na totoo nga iyon. Ayaw na din naman nyang lalong makaramdam ng sakit. Kaya mas mabuting lumayo muna sya.

“Bakit ba parang kamping-kampi ka kay Noriel? Dati-rati naman halos magpatayan kayo kapag nagtitinginan,” pag-iiba ni Princess sa usapan.

“Hindi naman sa kinakampihan ko sya. I just feel sorry for him. Remember the time that you accused me being a traitor? Nasira ang pagkakaibigan natin dahil sa simpleng di pagkakaintindihan. Ayokong magsisi ka sa huli.”

Natahimik naman si Princess. Paano nga kaya kung isang malaking hindi pagkakaunawaan ang namamagitan sa kanila? Na baka siya na naman ang gumagawa ng daan para magkahiwalay sila? Can she afford to lose him?

“K-Kung babalikan ko si Noriel, paano si Hershey?”

“I’m alright,” nakangiting sabi ni Hershey bago din ito tumabi sa tabi nya. Pansing-pansin ni Princess ang mga nanlalalim nitong mga mata na nagpapatunay sa pag-iyak nito. Naawa talaga sya sa kaibigan nya.

“Paano ka? Ayoko namang iwan ka ditong mag-isa,” nag-aalalang tanong ni Princess dito. Narinig naman nya ang pagtikhim ni Clayd.

“No need to worry. Nandito naman ako eh, hindi ko sya iiwan dito. I assure you,” nakangiting sabi ni Clayd. Naramdaman naman ni Princess ang pagpisil ni Hershey sa palad nya.

“I’m sorry kung dinamay ko kayong dalawa ni Noriel sa galit ko kay Franze. Mali ang ginawa kong panghuhusga sa kanya. And you too, I think you need to ask him about his true feelings for you,” nakangiting sabi ni Hershey sa kanya.

“P-Paano kung hindi na pala nya ako mahal? What will I do?”

“Eh di sapakin mo ulit. Malay mo, kamao mo talaga ang dahilan kung bakit sya nainlove sayo?” biro ni Hershey sa kanya. Hindi na naman napigilan ni Princess ang sarili na yakapin si Hershey. Tinugon naman ito agad ni Hershey.

“Thank you.”

“I wish you good luck. I’m also wishing for your happiness.”

“You too.”

“Teka, paano naman ako? Wala din ba. akong hug?” singit ni Clayd. Nagkatinginan naman si Princess at Hershey bago muling tinignan si Clayd.

“Yakapin mo ‘yung kalabaw!” natatawang sabi ng magbestfriend.

“Are you saying that were going to tell the people about our fake relationship!?” sigaw ni Francheska na halos makapagpabingi kay Noriel.

Naroon sila sa shooting at katatapos lamang ng kanilang last eposide. Agad nyang kinausap si Francheska tungkol sa binabalak nyang pag-amin sa press.

“Of course. Ayokong tumagal ang hindi namin pagkakaintindihan ng girlfriend ko. Kaya hinihingi ko sana ang cooperation mo with this,” pakiusap ni Noriel dito. Naghalukipkip naman ang dalaga at pinagtaasan sya ng kilay.

“Girlfriend? Kung hindi ako nagkakamali, ‘yung war freak mong personal assistant ang girlfriend mo, tama?”

“Yes, siya nga. Kaya sana-”

“I don’t want to.”

Para namang pinabomba ang tenga ni Noriel nang marinig nya ang sagot nito. Para bang gusto nyang manuntok ng babae sa unang pagkakataon. Mukhang mahihirapan yata syang pakiusapan ito.

“Francheska, pwede bang pag-usapan muna natin-”

“No is a no. Ha! Sa tingin mo ba hahayaan kong masira ang pangalan ko for the sake of that bitch? Ha! No way!” mataray nitong sabi sa kanya.

“At sino kaya sa ating dalawa ang bitch?”

Kapwa napalingon si Noriel at Francheska sa pinanggalingan ng boses. Nakita nila si Princess sa may pinto habang nakasandal doon. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanila. Magkahalong kaba at saya naman ang naramdaman ni Noriel nang makita nya ang dalaga. Halos isang linggo din niyang hinintay na makita nya ito. Hindi kasi ito mahanap-hanap ni Migz. Kaya nga nag-alala sya na baka hindi na niya muling makita pa ang dalaga.

Ganoon din naman ang nararamdaman ni Princess nang makita niya ang binata. Kung pwede lamang ay tatakbuhin na nya si Noriel upang yakapin. Ngunit naalala nya ang habilin ni Clayd sa kanya bago sya pumunta doon.

“Kapag nandoon ka na, daretsuhin mo sa pagtatanong si Noriel. Tanungin mo siya kung mahal ka ba talaga niya o hindi. Kung ano man ang maging sagot niya, accept it without hesitation. At least nalaman mo ang totoo at hindi ka magkakaroon ng regret sa bandang huli.

Pilit niyang pinakalma ang sarili.

“Anong ginagawa mo dito?” mataray na sabi ni Francheska bago ito kumapit sa braso ni Noriel.

“Ano bang ginagawa mo, Francheska? Pwede ka bang bumitaw?” pigil ang inis na sabi ni Noriel dito.

“At bakit naman ako bibitaw? I’m you’re girlfriend, right?” sabi ni Francheska saka ito tumingin ng masama kay Princess. Para namang tumaas ang lahat ng dugo ni Princess sa utak nya.

“Girlfriend? Totoo ba ‘yun, Noriel?” tanong ni Princess kay Noriel. Nataranta naman si Noriel nang makita nya ang nakakapasong tingin ni Princess sa kanya.

“It’s just a misunderstanding, believe me! Hindi lang ako nakaangal noon dahil madaming taong nanonood at ayokong ipahiya si Francheska kaya-”

“Stop it, Noriel!” sigaw ni Francheska bago ito bumitaw sa pagkakakapit sa braso ni Noriel. Tumingin pa ito ng masama kay Princess na mukhang hindi yata inaasahan na sisigaw sya.

“Akala mo panalo ka na? Kahit na malaman ng ibang tao na hindi talaga kami ni Noriel, they will never accept your relationship with their idol. You will only drag him down,” palaban pa ding sabi ni Francheska kay Princess. Hindi naman nakaimik si Princess dahil tama ang sinabi ng bruha. Mas boto ang mga tao sa love team ng dalawa. Siguradong masisira lamang ang career ni Noriel dahil sa kanya. Naramdaman na lamang ni Princess ang pagkapit ni Noriel sa kamay nya at ang pasimple nitong pagpisil dito.

“No need to worry about that, Princess. Nakapagdesisyon na akong mag-quit sa pag-aartista,” nakangiting sabi ni Noriel.

“What? Are you insane? Your just gonna throw everything away just for that girl?” hindi makapaniwalang sabi ni Francheska. Seryoso namang tumingin si Noriel kay Francheska.

“Mas gugustuhin ko pang mawala ang career ko kaysa mawala ang babaeng naging dahilan ko upang mabuhay ng normal sa piling niya,” sabay tingin nito kay Princess na kasalukuyang nakatitig sa kanya na animo’y hindi makapaniwala sa lahat ng mga pinagsasasabi nya. Tinitimbang ni Princess ang lahat ng mga salitang narinig niya mula sa binata. Ibig ba nitong sabihin, handa nitong iwan ang career nito para lang sa kanya? As in, sa kanya talaga?

“You’re insane! You’re both insane!” hindi makapaniwalang sabi ni Francheska bago ito nag-walk out. Naiwan naman silang dalawa ni Noriel doon at namayani sa kanilang dalawa ang katahimikan. Hindi nila alam ang unang sasabihin sa isa’t isa matapos ang lahat ng mga pangyayaring nangyari sa kanila.

“Amm.. Totoo ba ‘yung sinabi mo kay Francheska?” halos pabulong na tanong ni Princess kay Noriel matapos niyang tumingin dito.

“Oo naman. Matagal ko na talagang balak umalis sa pag-aartista. Gusto ko na lang kasing magtayo ng sarili kong business at ituon ang paningin ko sa mga bagay-bagay na hindi ko inaasahang dadarating sa buhay ko na ayoko nang mawala pa sa akin,” nakangiting sabi ni Noriel bago nito unti-unting iniharap siya dito. Hinawakan ni Noriel ang baba nya at itiningala nito ang mukha niya upang lubusang makita ang mukha niya.

“Alam kong napakaimposibleng marinig ang mga salitang sasabihin ko sa isang katulad ko pero,” hinaplos nito ang pisngi niya, “You’re the only woman that I wanted to be with. You’re the only woman that I wanted to spend my life with. Because you’re the only woman that I wanted to love for the rest of my life.”

Hindi na napigilan pa ni Princess ang sarili at tuluyan na niyang niyakap ng mahigpit ang binata. Tama nga ang naging desisyon niyang kausapin muna ito upang magkaunawaan sila. Lahat ng mga salitang gusto niyang marinig mula dito ay natupad na. Parang isang panaginip iyon na nagkatotoo. She must be the most happiest woman today.

“Akala ko talaga totoo ‘yung napanood ko sa telebisyon. Halos mabaliw-baliw ako noon sa kakaisip,” nakangusong sabi ni Princess habang nakayakap sa binata.

“Telebisyon? Hindi mo ba kami nakita mismo doon sa event? May pinuntahan ka ba noon?” takang tanong ni Noriel sa kanya. Saka lang naalala ni Princess na hindi nga pala alam nito ang nangyari tungkol sa Kuya Franze nito at kay Hershey maging ang tunay na dahilan kung bakit against ang kaibigan niya sa relasyon nilang dalawa kaya naman ikinuwento nito ang lahat ng mga alam niya. Taimtim naman itong nakikinig hanggang sa matapos siya.

“Kaya pala medyo pamilyar ang mukha ni Hershey sa akin. Noong ikinasal kasi sila Kuya Franze, hindi ako naka-attend noon dahil may shooting ako. Nakita ko lang ang wedding picture nila sa bahay nila Mama kaya naman hindi ko masyadong natandaan ang mukha ni Hershey,” kuwento pa ng binata sa kanya.

“Medyo nag-aalala nga ako sa kanilang dalawa eh. Paano kaya natin sila matutulungan? I mean, feeling ko kasi ay may pagtingin pa din silang dalawa sa isa’t isa.”

Nakangiting hinila ni Noriel si Princess papunta sa bisig nito at mahigpit siya nitong niyakap na akala mo’y ayaw na syang pakawalan pa.

“Maayos din nila ang away nilang iyon. If they really love each other and they are really destined to be together, no matter how many obstacle that they encounter, they will still be together. Just like us. And this is the symbol of my love for you,” at dahan-dahang isinuot ni Noriel ang isang makinang na singsing sa ikaapat na daliri niya sa kaliwang kamay. Halos manlaki naman ang mga mata nya sa nakikita.

“N-Noriel, don’t tell me-“

Lumuhod bigla si Noriel sa harap niya at hinalikan ang singsing na nasa daliri niya bago tuluyang tumingala sa kanya. Kumikinang ang mga mata nito at para bang gustung-gusto nitong sabihin sa kanya kung gaano siya nito kamahal.

“Ikaw lang ang babaeng nakapagpapatibok sa puso ko nang ganito. I never felt this to anyone at ayokong maramdaman ito sa ibang tao maliban sayo. Halos hindi ako makapag-isip ng matino kapag nandyan ka, kapag nakikita ko ang mga ngiti mo. At gusto kong patuloy na makita ang ngiti mong iyan kahit na tumanda tayo. Ikaw lang ang tanging babaeng naiisip kong gusto kong makasama hanggang sa huling paghinga ko kaya please.. Please, Princess. Will you marry me?”

Hindi na sumagot si Princess dahil nilundag na niya sa tuwa si Noriel.

“Oo naman! Sa tingin mo ba papakawalan ko pa ang isang lalaking minahal ko noon pa man? I love you, Noriel! I really love you!” tuwang-tuwang sabi ni Princess. Dahil sa sobrang tuwa ay hinalikan siya ni Noriel.

“Ipinapangako ko kong hinding-hindi mo pagsisisihan ang desisyon mong ito, Princess. I love you so much,” masayang sabi ni Noriel bago nila muling pinagsaluhan ang isang mainit na yakap at halik.

Ah, I almost heard the church’s bell. Wala na talagang atrasan ito! humahagikgik na sabi ni Princess sa sarili.

Thank you for reading!  😀😀

I am sure curious kayo sa love story ni Hershey and you were thinking also what happened between. Magiging sil kaya ulit?  🤔

Next series of You’re my One and Only:

“Hershey: The Unfaithful Heart”

🤓😍😍

Series NavigationYou’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 9 >>

Leave a Reply