You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 1

This entry is part 9 of 6 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

“Princess! Look, look! Eto na ‘yung bagong commercial!”

Mas mabilis pa sa kabayo ang pagtakbo ni Princess papunta ng sala nang marinig niya ang malakas na pagtawag ni Hershey sa pangalan niya. Halos madapa pa siya ng makarating siya sa may sala kung saan naroon ang mumurahin nilang telebisyon.

“Wah! Bagong commercial ni Noriel!” kinikilig na tili ni Princess ng mapanood niya ang bagong labas na commercial ng kaniyang iniidolong artista na si Noriel.

As usual, he was wearing a black outfit that makes him look cool. With his charming smile and his seductive eyes, it makes her heart beat fast. Para bang sinasabi ng mga mata nito na siya na ang pinakamagandang babaeng nakita nito kapag tinitigan mo ang mga mata nito. Those eyes can captive every girls heart with just a one glance.

“Ang gwapo pa din niya, Hershey! Nakakainis! Parang malalaglag ‘yung panty ko sa sobrang kilig!” tuwang-tuwang sabi ni Princess kay Hershey habang hinahampas ito sa braso.

Napapangiwi namang tinulak siya ni Hershey.

“Oo, alam ko! Pero huwag mo naman sana akong hampasin ng ganyan. Hindi ako punching bag, okay?” nakangiwing sabi ni Hershey sa kanya. Nilapitan naman ni Princess ang telebisyon at niyakap-yakap ito habang ini-imagine na si Noriel ang niyayakap niya.

“I can’t wait to meet him in person, Hershey! Para bang sinasabi ng puso ko na kapag hindi ko siya pa nakita within this month, ikamamatay ko na yata! I want to see him,” nakangiting sabi ni Princess.

Natatawa namang umiling-iling si Hershey saka tumayo mula sa pagkakaupo sa harapan ng telebisyon.

“Mukha kang teenager sa ginagawa mo, Princess. Nakakadiri,” sabi ni Hershey bago ito nag-make face saka dumaretso ng kusina para kumuha ng makakain sa refrigerator.

Nakanguso namang sumunod si Princess sa kanya habang pasimple-simpleng sumusulyap sa telebisyon kung saan hinihintay niya muling ipalabas ang komersyal ni Noriel.

“Ano namang masama kung kumilos ako ng ganito? Besides, I’m just twenty three years old. Hindi pa ako ganun katanda no?” sabi ni Princess saka tumulong sa paghahanda ng kanilang hapunan.

“Wala naman akong sinabing masama ang kumilos ng ganyan. Pero gusto ko lang sanang ipaalala sa’yo na-“

“Noriel is someone whom I can’t have. Alam ko na ‘yun dahil ilang beses mo nang pinaulit-ulit sa akin ang mga salitang iyon sa loob ng dalawang taon. Hindi ko naman inaasahan na magugustuhan niya ako noh? I mean, haler? Look at me,” saka ito tumayo sa harap ni Hershey saka nagpose ng kung anu-ano, “Tingin mo ba may magkakagusto sa akin? I’m just a plain girl.”

Napabuntong-hininga naman si Hershey. Kahit kailan talaga ay wala talagang self-confidence si Princess pagdating sa sarili nitong itsura. Yes, she was just a plain-looking woman but she has a charming personality that makes a lot of guys fall in love with her. Hindi lang nito iyon napapansin dahil lagi nitong ikinukumpara ang sarili sa ibang mga babae.

Kung tutuusin nga ay mas popular ito sa kanya kahit na noong kolehiyo pa sila. Ang problema nga lamang ay hindi lang talaga ito marunong tumingin sa paligid nito. Lalo na nang makita nito si Noriel.

“So, tell me Hershey.. May alam ka bang shooting area ni Noriel ngayong week na ito? Kahit na konting information lang diyan, oh,” nakangiting sabi ni Princess kay Hershey.

Isang matamis na ngiti ang pinakita ni Princess kay Heshey. Alam niya kasing hindi nito matitiis ang mga ngiting iyon. Actually, Hershey is one of the writers of the new drama that Noriel has been showing. Isang comedy-romance ang kabuuan ng kuwento na pinagbibidahan ni Noriel at nang ka-love team nito na si Francheska Villareal. Nang maalala niya ang pangalan ni Francheska ay para bang nag-init na naman ang ulo niya.

“Oh, bakit ka na naman biglang sumimangot?” takang tanong ni Hershey habang nilalagyan nito ng juice ang baso na gagamitin nila.

“Mag-jowa ba si Noriel at Francheska sa tunay na buhay?” tanong ni Princess sa kanya. Sumandal naman si Hershey sa lamesa at saka nagkunwaring nag-isip isip.

“Hmm.. They have a rumor about those two but I’m not quite sure.”

Nagulat na lamang si Hershey ng tinignan siya ni Princess sa mga mata.

“What do you think? Sila ba o hindi? Bilis, tanungin mo ‘yung instinct mo!” pagmumulit ni Princess sa kanya.

“Teka, bakit ako tinatanungin mo? Hindi naman ako si Madam Auring para mahulaan ko ang tunay na relasyon ng dalawang iyon.”

“Sige na! Magaling ka namang manghula eh. Remember those times when we are in college? Noong hinulaan mo na magiging mag-asawa ‘yung masungit nating professor na si Ms. Gerlie at ‘yung guwapo nating professor na si Mr. Joseph? Doon ako nagsimulang maniwala na pwede kang maging manghuh-umm!” hindi na natapos ni Princess ang sasabihin niya nang isubo ni Hershey ang isang kutsara ng kanin sa bibig niya.

“Ang daldal mo. Kumain ka na nga diyan,” sabi ni Hershey sa kanya, “And besides, nahulaan ko lang naman na magiging mag-asawa ‘yung dalawang iyon dahil napansin kong may pagtingin din naman sila sa isa’t isa.”

Nakangiti namang tumahimik na si Princess at pinagpatuloy ang pagkain. Tatlong taon na din ang nakararaan simula ng tumira silang dalawa ng kaibigan niyang iyon sa isang bahay. Mas malapit kasi ang trabaho ni Hershey doon samantalang siya naman ay may sariling dahilan kung bakit siya pumayag na tumira na kasama ito. Hanggang ngayon kasi ay iniiwasan pa din niya ang responsibilidad na ipinapasa sa kanya ng kanyang Lola Mich.

Ang maging tagapagmana ng kanilang kompanya.

Being a businesswoman is not her nature. Ang totoong gusto niyang gawin ay ang magsulat katulad ng ginagawa ni Hershey. They have the same hobby but she was more like writing a novel than writing for a drama. Mas gusto niyang makita ang kaniyang mga sinusulat na binabasa ng mga tao rather than watching.

Ang gusto talaga niyang ituro sa tao ay ang pagkakaroon ng malawak na imahinasyon. Iyong tipong sila na ang bahalang mag-imagine ng mga gusto nilang character na naaayon sa kanilang mga panlasa. At ang pinakaimportante sa lahat ay ang matutunan ng mga taong nagbabasa ang ma-inlove without looking at the character that she was writing.

But unfortunately, her Lola Mich was against it. Para dito ay wala naman siyang mapapala sa pagsusulat-sulat niya. Masyado kasi itong realistic at hindi rin naniniwala sa pag-ibig simula ng madurog ang puso nito noong kabataan nito.

Kaya naman lakas-loob siyang lumayas sa kanila at nakipag-sapalaran sa buhay ng mag-isa. Kaya nga nang kontakin siya ni Hershey para alukin na makihati sa renta ng bahay ay mabilis pa sa alas-kuwatrong pumayag siya. That way, she can write her novels without fighting with her grandma. At doon na nga niya nakilala si Noriel. The man of her dreams.

“Excuse me po, excuse me!” 

Hindi naman pinapansin si Princess ng mga crew sa shooting area na iyon kahit na ilang beses na siyang sumisigaw sa lugar na iyon.

Nalaman kasi niya na dito ang next shooting area ng telenobelang “Mamahalin mo rin ako” na pinagbibidahan ni Noriel. Sa totoo lang, dapat ay sabay sana sila ni Hershey na pupunta sa shooting area na ito. Ang problema nga lamang ay naiwan ni Hershey ang mga script na ipapasa nito para sa susunod na episode ng telenobela kaya naman pinauna na siya nito at sinabihan siyang antayin na lamang siya roon. Napilitan naman siyang pumayag kaya naman mag-isa siya ngayong nakatayo sa gitna ng shooting area na iyon.

“Nasaan na ba si Hershey? Bakit ba hindi ko siya makontak?” sabi ni Princess sa sarili habang dina-dial ang numero ng cellphone ni Hershey.

“The number you were calling is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. Toot.. Toot..”

Buti pa ang operator, sumasagot. Nasaan ka na ba, Hershey! I’m going insane here!

Nagulat na lamang si Princess ng may biglang may nagsalitang lalaki sa likuran niya.

“Andito ka lang pala! Kanina pa kami naghahanap sa’yo! Dalhin mo na ito sa loob ng waiting area!” sigaw ng isang crew sa kanya sabay abot ng mga papel na sa tingin niya ay mga script para sa araw na iyon.

“Ah, eh.. B-Baka nagkakamali ho yata kayo. H-Hindi po ako-“

“Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Dalhin mo na ‘yan dun! Bilis!” galit na sigaw nito sa kanya dahilan para sumunod siya dito. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa waiting area kung saan nagpapahinga ang ilan sa mga artista doon. Nagtataka naman siya dahil hindi niya mahagilap si Noriel sa mga tao roon.

“Hoy, tapon mo nga ito dun sa basurahan.”

Nang lingunin ni Princess ang nagsasalita ay nakita nya ang nakahigang si Francheska sa may gilid niya. Itinuro pa niya ang sarili niya dahil hindi niya sigurado kung siya ang kausap nito.

“A-Ako?”

“Malamang! Ikaw lang naman ang tatanga-tangang utusan dito, di ba?” mataray nitong sabi sa kanya. Para namang umakyat sa may ulo niya ang lahat ng dugo na mayroon siya. Sabi na nga ba’t masama ang ugali ng babaeng ito. Sasagutin na sana niya ito ng muli na namang sumulpot sa harapan niya ang crew na nag-utos sa kanya kanina.

“Ano bang ginagawa mo dito? Pumunta ka dun sa labas at marami pang gagawin doon!” sigaw nito. Nang hindi pa siya gumalaw ay sumigaw na naman ito ng “bilis!” dahilan para mataranta siya palabas ng waiting area.

Sa sobrang taranta ay may nabunggo siyang tao na kasalukuyan pa lang umiinom ng kape dahilan para matapunan nito ang sarili. Nanatili lang itong nakayuko at tila ba tinitignan ang kapeng tumapon sa mamahalin nitong damit kaya naman hindi makita ni Princess ang mukha nito.

“I-I’m really sorry! I.. I didn’t mean to! Naku, sorry talaga! Teka. May panyo yata ako dito,” at kinuha niya ang panyo na nasa bulsa at nagmamadaling pinunasan ang damit nito.

“Sorry talaga! Hindi naman talaga ako clumsy na tao pero-“ hindi na natapos ni Princess ang sasabihin ng makita niya ang mukha ng taong natapunan niya ng kape. Walang iba kung hindi si Noriel!

“N-Noriel?” hindi makapaniwalang sabi ni Princess ng makita niya ang guwapo nitong mukha.

Sino ba namang mag-aakalang makikita niya agad ito roon? At natapunan pa niya ito ng kape. Nang maalala niya ang nagawa niya dito ay napasinghap siya.

“S-Sorry talaga!! Sorry!” nagmamadaling sabi niya habang pinupunasan niya ang damit nito.

“Stop.”

“H-Hindi ko talaga sinasad-“

“I said stop!”

Napatigil si Princess sa pagpupunas dito ng sigawan siya nito. Hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon nito.

She thought that he was a guy that will tell a girl that it was all right. Pero bakit hindi yata iyon ang naging reaksyon nito?

“N-Noriel.. S-Sorry talaga.. B-Besides, I’m your big fan. H-Hinding hindi ko gagawin sa-“

“So, iyon pala ang dahilan kaya mo ako binangga?” seryosong sabi nito sa kanya. Tuluyan namang nagdikit ang dalawang kilay ni Princess dahil sa narinig mula rito.

“Excuse me? Aren’t you being rude?” may halong inis na tanong ni Princess dito. Mukhang nakalimutan na yata niya bigla ang malaking paghanga sa lalaking ito. Parang hindi ito ang Noriel na kilala niya.

“Iyan ba ang modus mo para pansinin kita? So cheap,” malamig nitong sabi sa kanya bago hinawakan ang baba niya at itiningala ang mukha niya para magpantay ang mga mukha nila.

“Why don’t you try going to my own condominium and you can do your innocent act inside my bed? Baka sakaling mapansin pa kita. Or,” lalo nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya dahilan para maamoy niya ang mabango nitong hininga at saka ngumiti ng nakakaloko, “We can do it here if you really want.”

Hindi na napigilan ni Princess ang galit na nararamdaman niya. Mabilis niyang pinatamaan ang maganda nitong mukha ng kamao niya dahilan para matumba ito.

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya habang sapu-sapo nito ang pisngi nito na pinatamaan niya ng nag-iinit niyang kamao.

“Hindi ako cheap na fan mo na gagawin ang lahat ng gusto mo! Besides, hindi ko sasayangin ang first time ko sa isang walang kwentang lalaking katulad mo! Ha! Anong akala mo sa akin? Cheap? Don’t be stupid!” sigaw niya dito saka tumalikod dito.

Hindi niya talaga inaasahan ang personality nito. Nawala na ang Noriel na hinahangaan niya. This guy is the worst guy she ever met! Bago pa siya makahakbang ay hinarap niya itong muli. “And for now on, I’m not your fan anymore!”

Tuluyan na siyang naglakad paalis ng lugar na iyon. Dahil sa sobrang inis, sinipa din niya ang paa ng crew na kanina ay nag-utos ng nag-utos sa kanya bago sinigawan ito ng, “I’m not a stupid errand girl!” bago tuluyang umalis ng shooting area na iyon.

Today is the worst day ever!

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 2You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Teaser >>

Leave a Reply