Unexpected Love: Chapter 9

This entry is part 10 of 13 in the series Unexpected Love

SABAY pa silang napabalikwas ng bangon ng marinig nilang bumukas ang pinto nang kuwartong tinutulugan nila nanlamig ang buo niyang katawan ng makitang nakatayo sa harapan nila ang kanyang mga Magulang at Magulang ni Aljon na pawang nagtatanong ang mga tingin sa kanila.

“ Anong ibig sabihin nito Natasha” na bagamat mahinahon ang pagkakasabi ay mararamdaman mo ang diin sa bawat salitang binibitawan nito na nagpa-dagundong sa kanyang mga dibdib dahil ang daddy niya basta ganoon na ang tono ay wag kang makakampante dahil kahit mahinahon ang pagkakasalita nito ay hindi nangangahulugan iyon na hindi ito galit.

“Aljon whats going on?” ang tanong naman ng Mommy nito na nalalaki ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa kung pakakatitigan ito ay masasabi mong parang tinakasan na ito ng dugo dahil sa sobrang pagkaputla.

“You two better get your self ready bec you will have a lot of explaning to do” ang sabi ng Daddy nito sa kanila at niyaya nang lumabas ang mga magulang niya na iniwanan muna siya ng tingin na punong puno ng damdamin na hindi niya maipaliwanag.

Pareho pa sila ni Aljon nagkatinginan ng makalabas ang kanilang mga magulang at dahil hindi pa nag si-sink in sa kanilang mga tulog na diwa ang kagaganap na tagpo pa lang pareho pang nanlaki ang kanilang mga mata ng maintindihan ang nangyari.

“What happen Aljon bakit nandito ka na ngayon sa kama diba sa upuan ka natulog kagabi?” ang naguguluhan niyang tanong dito dahil hindi niya maintindihan kung paanong naabutan sila ng kanyang mga magulang at magulang nito na magkayakap at higit sa lahat natatandaan niyang ang suot niya bago natulog ay ang bestida na binili nito ngayon naka underwear na lang siya.

“I don’t know I don’t even remember taking my clothes off” ang sabi nito na naka dikit ang mga kilay at lumong lumo na sinabunutan ang mga buhok nito na hindi naman kahabaan pero umaabot hanggang sa lagpas tenga nito.

“Don’t tell me na ikaw ang naghubad ng damit ko Aljon” ang sabi niya dito habang nanginginig na hinigot ang kumot pataas hanggang kanyang leeg parang sa ganoong paraan ay matago ang kanyang katawan.

“Ma-ma-y nangyari ba sa a-tin Aljon?” ang kinakabahan niyang tanong dito na pilit pinakikiramdaman ang katawan kung may masakit ba pero ang tanging masakit lang sa kanya ay ang balakang niyang nasaktan mula sa pagkakahulog ng nagdaang gabi.

“I don’t know Natasha naguguluhan din ako sa mga nangyayari” ang sabi nito sa kanya na halos magisang guhit na lang ang linya ng mga kilay nito dahil sa pagkakasalubong.

“Mabuti pa magbihis ka na dahil hinihintay tayo ng mga magulang natin sa labas” ang mahinang sabi nito Na halos pabulong na nga lang.

At dali-dali Na itong pumasok sa banyo para magbihis ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakalabas na ito kaya pumasok na rin siya para maghilamos at mag mumog bago isinuot ang kanyang damit. Sabay na silang lumabas ni Aljonat nakita nila ang kanilang mga magulang na hindi mapakali sa paghihintay sa kanila sa may lobby ng hotel pakiramdam tuloy niya ay bibitayin siya ng mga oras na yon imagine nakita siya ng mga magulang na natutulog habang yakap ang isang lalaki sa hotel at wala silang ibang suot kundi underwear lang.

“Lets go home” ang sabi ng Daddy niya saka siya inakay at ang mommy niya palabas ng hotel na yon habang si ALjon naman ay hawak ng Mommy nito habang nakaagay lang ang daddy nito sa likuran at nang makarating sila ng kani-kanilang sasakyan ay pinapasok na siya agad ng daddy niya at nagkanya kanya na sila ng uwi.

Pagdating na pagdating nila sa kanilang bahay ay tinawag na sila kaya kabang kaba siya habang papasok sa library dahil napaka seryoso ng lahat maging ang kanyang Mommy na laging nakangiti ay seryoso din, ang Daddy naman ni Aljon ay halos magsalubong na ang mga kilay sa sobrang pagkakadikit habang ang Mommy naman nito ay hindi mapakali sa kinauupuan ang lalong nagpapakaba sa kanya ay ang kanyang Daddy na hindi mabasa ang itinatakbo ng isip nito dahil wala itong ka emo-emosyon sa mukha.

“Sit down! Both of you” ang ma-awtoridad na sabi ng kanyang ama kaya parang de numero ang naging pagkilos nilang dalawa ni Aljon na umupong nakaharap sa mga magulang.

“Im really disappointed with you both” ang narinig niyang sabi ng kanyang Daddy pagka maya-maya.

“Nothing happened between us” ang sabi ni Aljon sa kanilang mga magulang.

“Then how can you explain what we saw?” ang sabi ng daddy nito Na nanlalaki ang mga mata.

“I don’t know”  ang mahinang sabi nito.

“You don’t know? Anong klaseng sagot yan Aljon hindi ka naming pinalaki ng Mommy mo na ganyan” ang sabi ng daddy nito na napakataas na ng boses.

“We really don’t know what happened Tito, nagising Na lang kaming dalawa na sa pinto na kayo at magkatabi na kaming natutulog” ang mahina niyang sabi sa mga ito habang nakayuko ang ulo.

“Don’t tell me Aljon that you force yourself to her” ang sabi ng Mommy nito Na namumutlang napahawak sa dibdib.

“Sumagot ka Aljon” ang sigaw ng Daddy nito Na halos ikiangat nang kanyang puwit dahil sa pagkabigla dahil that’s the first time na narinig niya itong sumigaw.

“What do you want me to say dad?” ang nakayukong tanong nito sa ama na para bang naghihirap ang loob at naguguluhan sa itinatakbo ng kanilang usapan.

“You’re asking me?” ang sagot ng daddy nito Na galit Na galit para pa ngang gusto na nitong higutin si Aljon sa kinauupuan kung hindi lang ito nahawakan ng Daddy niya.

“Huminahon ka Miguel walang mangyayari Kung tatakutin natin ang mga bata” ang mahinahong sabi ng kanyang ama at nakinig naman ang daddy ni Aljon dito.

“Aljon iho we just want to know what is your plan to my daughter, Bec between the two of you siya ang mas mapupulaan pag nakalabas ang nangyari ngayong umaga” ang madiing sabi ng kanyang ama bagamat wala pa ring makikitang galit sa mukha nito.

“Im willing to take responsibility Tito” ang narinig niyang sagot nito na ikinalaki ng kanyang mga mata dahil buong buo ang pagkakasabi nito na nakatingin pa sa mga mata ng kanyang Daddy.

“Are you crazy? Do you understand what you just said?” ang nakakunoot noong sabi niya dito na hinawakan pa ang magkabila nitong braso.

“Natasha we should face what we did at tama ang daddy mo ikaw ang agrabyado dito” ang sabi nito na hindi makatingin ng tuwid sa kanyang mga mata.

“NO! im not going to listen on what you will say” ang galit niyang sabi dito na napatayo sa kinauupuan niya imagine gusto nitong panagutan ang nangyari sa kanila kanina e wala naman talagang nangyari nakita lang naman silang nakahiga sa kama na magkayakap she is so sure to her self na walang nangyari sa kanilang dalawa.

“Natasha go back to your seat now” ang galit na sabi ng kanyang daddy sa kauna-unahang pagkakataon mula kanina ay nagtaas ito ng boses sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang umupo ulit.

“Aljon you cant do this alam mong walang nangyari sa ating dalawa” ang naiiyak na niyang sabi dito at hinigot ang manggas ng suot nitong polo.

“Siguro nga walang nangyari sa ating dalawa but the fact na magkatabi tayo ng halos hubad na sa isang hotel ay sapat na dahilan na para panagutan kita, I cant just turn myself blind and deaf on what happen”ang sabi nito sa kanya na nakayuko pa rin ngunit napaka-diin ng pagkakasabi.

“Let them think whatever they want, we can’t get married Aljon you know we hate each other gagawin mo Lang impiyerno ang buhay nating dalawa” ang umiiyak Na niyang sabi dito dahil sa sobrang kawalan na ng pag-asa.

“Natasha ano ba ang inaayaw mo? Aljon is such a fine man every women will try everything just to get him but you pangalan Na niya ang iniaalok sayo” ang mahinahon na sabi ng kanyang ama pero nakakunot ang noo nito.

“Iha Aljon is trying to help you find a way out just accept it” ang sabi naman ng daddy nito.

“I cant I just cant” ang pabulong niyang sagot sa mga ito dahil parang kakapusin na siya ng hininga dahil sa bilis ng pangyayari kababalik niya pa lang kahapon galing sa America ngayon ay parang lumalabas pa na pinipikot na nila si Aljon.

“Tough luck huh?” ang sarkastikong sabi ni Aljon sa kanya na kitang kita ang sakit na nakabalatay sa guwapo nitong mukha ang mga makikislap nitong mata na laging nakatawa ngayon ay parang magbubuga na ng apoy dahil sa sama ng loob na lalo lang tumatakot sa kanya.

“Its not bec of you Aljon” ang halos panawan Na ng hiningang sabi niya rito na iniiwas pa ang tingin dito.

“Then what is it?” ang naguguluhang tanong ng kanyang Ama.

“Daddy I can’t let him face this kind of thing bec he is just too gracious to help me last night and believe me wala talagang nangyari sa amin” ang sabi niya sa kanyang daddy na pilit pinauuna rito ang nangyari.

“Then what Natasha ilalagay mo sa kahihiyan ang ating pamilya? Ganoon ba?” ang sabi ng kanyang daddy Na naglalagatukan Na ang mga kamay dahil sa sobrang pagpipigil nito sa nararamdamang galit.

“Bakit kailangan nating pakinggan ang sasabihin ng iba paano ang kaligayahan ko at ni Aljon, Daddy masisira lang ang buhay naming dalawa pag pinagpatuloy natin ang walang kuwentang usapan na ito dahil lang sa natatakot kayong masisira ang ating pang—” ang hindi na niya matapos na sasabihin dahil naramdaman na lang niyang dumapo na sa kanyang makinis na pisngi ang kamay ng kanyang ama.

“Tyler” ang sigaw ng kanyang Ina Na lumuluha at pilit niyakap ang kanyang daddy palayo sa kanya na para bang sa paraan na yon ay hindi ito makakalapit sa kanya.

“Tito you don’t have to hit her” ang sabi Ni Aljon sa kanyang ama habang nakayakap sa kanya na tila pa ginawa nitong pananggalang ang katawan para hindi na siya muling masaktan ng ama.

“Im sorry Natasha but im not going to let you ruin the name that your great ancestor build with their sweat and blood” ang sabi ng kanyang ama na nakayuko at parang sising sisi sa nagawang pananakit sa kanya.

“Daddy” ang tangi Na lang niyang nasabi habang hawak ang pisnging nasaktan.

“Why can’t you understand that this is all for you Natasha, Aljon is willing to protect you why do you keep fighting against it” ang mahinang sabi ng kanyang ama at nakita niyang namumula na ang mga mata nito na parang pilit pinipigilang mapaiyak.

“That’s why I don’t want to marry him daddy, dahil ayaw Kong matali siya sa akin dahil sa nahuli ninyo kaming magkasama sa kuwarto, masisira ang buhay niya at hindi ko maaatim yon mas nanaisin ko pang ulanin ng panlalait kesa malaman na ako ang dahilan ng kanyang pagduduusa” ang mahinang sabi niya habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha.

“Natasha” ang sabi Ni Aljon Na parang nahihirapan din sa nakikitang paghihirap ng kanyang loob.

“Natasha iha para ka na naming anak hindi ko maatim na makitang pinagpipiyestahan ka ng mga makakating dila ng dahil kay Aljon ikasasama ng loob ko yon” ang sabi ng Ina ni Aljon sa kanya na Bagamat kontrolado ang boses ay mababakas ang paghihirap nito ng loob.

“Bakit ba kanina mo pa iniisip na masisira ang buhay ko, hinding hindi masisira ang buhay ko ng dahil sayo Natasha kaya wag mo na sanang pahirapan pa ang sarili mo” ang masuyong bulong sa kanya ni Aljon.

“Aljon pero” tututol pa sana siya ngunit iniharang nito ang hintuturo sa kanyang mga labi kaya hindi na niya natuloy pa ang sasabihin.

“No more buts we are going to be married I’m going to be responsible for my actions ganon ka rin Sana” ang sabi nito sa kanya at binigyan siya ng masuyong halik sa noo kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango dahil mukhang wala rin naman siyang masasabi na magpapabago pa sa pasya ng mga ito.

“Then lets call Mayor Armida para makasal na kayo ngayon” ang sabi ng daddy nito na nakangiti na ng maluwag.

Nang tignan niya ang kanyang mga magulang at magulang nito ay halatadong napakasaya ng mga ito at ng titigan niya si Aljon ay wala siyang mabasang damdamin sa mukha nito napaka blanko nito na nagdulot sa kanya ng nakakapangilabot na kaba.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 8Unexpected Love: Chapter 10 >>

173 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 9

Leave a Reply