Unexpected Love: Chapter 8

This entry is part 9 of 13 in the series Unexpected Love

MABILIS na nalagas ang tangkay ng panahon dahil ngayon makalipas ang 4 na taong pagaaral sa America ngayon nga ay naka-graduate na siya sa kursong Business Administration Major in finance at may karangalan siyang nakuha na labis na ikinatuwa ng kanyang mga magulang kahit gusto ng mga ito na pumunta sana sa kanya ay hindi naman magawa ng mga ito dahil sa napaka busy ng mga ito mula ng magkasakit ang kanyang Lolo kaya hindi nakadalo ang mga ito sa kanyang graduation.

Hindi maipaliwanag ang damdaming nararamdaman niya dahil makalipas ang apat na taon ngayon sakay na siya ng Eroplano pabalik ng pilipinas. Wala siyang pinagsabihan sa mga ito na uuwi na siya ang alam ng mga ito ay magstay muna siya doon ng ilang buwan dahil sa gusto niyang sorpresahin ang mga ito, Tanging si Annalyn lang na mula ng maghiwalay sila ng Highschool ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.

“Natasha” ang narinig niyang tawag sa kanya ng makalabas siya ng Airport.

“Annalyn” ang masayang Masaya niyang sabi sa kaibigan na ngayon nga ay papalapit na sa kanya.

“My Gosh halos hindi na kita nakilala ah ang laki na ng pinagbago mo mas lalo kang gumanda” ang tuwang-tuwang sabi nito at niyakap siya ng mahigpit.

“Oh I miss you best” ang sabi niya rito na yumakap din ng mahigpit.

“Lets go naka park Doon ang kotse ko” ang sabi nito at inakay na siya papunta sa naghihintay nitong sasakyan.

“Kumusta na?” ang sabi niya rito nang makasakay na sila sa sasakyan nito.

“Well eto gaya ng sabi ko sayo nagwowork na ako sa restaurant namin. ikaw kumusta kahit lagi tayong nag-uusap napakatipid lagi ng mga kuwento mo” ang sabi nito na nakangiti sa kanya.

“Well pareho pa rin ng dati I’m still single” ang natatawa niyang sabi dito na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata.

“Why? Im sure napakaraming guys na nagkakandarapa sayo aba kung maganda ka na dati mas lalo ka pang gumanda halos hindi nga kita makilala akala ko kung sinong Hollywood star ang naglalakad kanina” ang natatawa nitong sabi sa kanya.

“Ikaw talaga Hindi pa rin nagbabago you still as jolly as before” ang tanging nasabi niya at hinawakan ang mga kamay nito.

“By the way Vera already married, and I’m engaged to be married” Ang tumatawa nitong sabi sabay taas ng daliri nito na may engagedment ring.

“Yeah I remember you telling me na nagpropose na si Anton sayo” ang naiingit na sabi niya dito dahil after that long years hanggang ngayon ay matibay pa rin ang pagiibigan ng mga ito hindi tulad niya at ni Aljon at dahil sa naalala ay pinaglambungan ulit ng lungkot ang kanyang magandang mukha.

“Hey bakit bigla kang nalungkot don’t tell me na naalala mo pa rin si Aljon” ang sabi nito sa kanya.

“Well I can’t help but remember napakasakit ng nangyari sa amin, Oh well lets not talk about him” ang sabi niya na pilit pinasasaya ang boses.

“Ok” ang tangi na lang nitong nasabi at hanggang makarating sila sa kanilang bahay ay naging napakatahimik nilang pareho.

“OMG Natasha?” ang sabi ng kanyang Mommy na basta na lang inihagis ang ginagamit nitong pandilig sa halaman.

“Mommy I miss you so much” ang sabi niya rito na naluluhang yumakap sa Ina.

“OH Baby I miss you too its been a long time since I saw you” ang sabi nito na lumuluha na habang pinakatitigan siya mula ulo hanggang paa pakatapos ay yayakap ulit sa kanya.

“You are so grown up now napaka ganda mo Iha parang ang Mommy” ang sabi niya na tumatawa habang may mga luha ang mga mata.

“Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka nap ala nasundo ka sana namin ng Daddy mo” ang sabi nito at niyaya na silang dalawa ni Annalyn sa loob ng bahay.

“Gusto ko kasi kayong sorpresahin kaya si Annalyn na lang kinasabwat ko” ang sabi niya na tumatawa at inakbayan ang kanyang Ina.

“Pihadong magugulat ang Daddy at mga kapatid mo paguwi ng mga iyon” ang sabi nito na napaka-ganda ng pagkakangiti.

“Ay oo nga pala sandali at magpapakuha ako ng meryenda ninyo ni Annalyn” ang sabi nito at tumayo na

“Naku Tita wag na po ninyo ako ikuha kay langan ko na rin po kasing umalis may pupuntahan pa kasi akong meeting” ang magalang na paalam ni Annalyn sa kanila.

“Naku ganon ba Iha o sige magiingat ka salamat pala sa pagsundo mo dito sa anak ko” ang nakangiting sabi ng kanyang Mommy at niyakap si Annalyn.

“Naku wala po yun Tita” ang sabi nito sa kanyang Mommy

“Best una na ako babalik na lang ako ulit para kunin pasalubong ko” ang sabi nito at kinindatan pa siya na ikanatawa nila ng kanyang Mommy.

“Oh sige tawagan mo na lang ako pag hindi ka busy sige ka ipapamigay ko sa iba itong pasalubong ko” ang pakikisakay niya sa kakuwelahan nito.

“Wag naman hehe o sige alis na ako bye Tita bye Best” ang paalam nito at hinalikan sila ng kanyang Mommy bago umalis.

Umaatikabong kuwentuhan ang nangyari  habang kumakain sila ng meryenda ng kanyang Ina ang halatadong sinusulit ang 4 na taon niyang pagkawala pinakawalan lang siya nito ng makitang pagod na pagod na siya.

“Naku kanina pa pala tayo nag chi-chismisan o siya magpahinga ka na muna at pihadong pagod na pagod ka sa biyahe” ang pagtataboy nito sa kanya.

“Ok Mom magre-rest lang ako ng konti” ang sabi niya dito pagkatapos halikan ang Ina.

Pagpasok niya pa lang sa kanyang kuwarto ay medyo namasa ang kanyang mga mata dahil makalipas ang Apat na taon ay nakita niya ulit ang kanyang kuwarto wala itong pagbabago katulad pa rin ng dati ang pagkakaayos nito at alaga sa linis.

“Welcome back Natasha” ang sabi niya sa sarili at ngumiti.

Naligo muna siya para mapreskuhan bago siya nahiga sa kanyang kama at maya-maya lang ay namigat na ang kanyang mga talukap kaya ipinikit na niya ang mga ito. Pakiramdam niya ay nana-naginip siya dahil nasa kuwarto raw niya si Aljon at hinahalikan siya sa mga labi hinabol pa niya ang mga labing humahalik sa kanya ng maramdaman niyang umaangat na ito at maya-maya lang ay narinig niyang sumara ang pinto kaya napadilat ang kanyang mga mata pero wala naman siyang nakitang tao.

“Panaginip ba yon?” ang tanong niya sa sarili at hinipo ang kanyang mga labi napailing na lang siya dahil impusibleng halikan siya ni Aljon dahil hindi naman nito alam na nakauwi na siya at higit sa lahat ay galit sila sa isa’t isa.

“Oh darn Natasha wala ka na bang gagawin kundi patuloy isipin ang lalaking yon kaya ka nga umalis para kalimutan ito diba” ang galit na sermon niya sa sarili at hinigot pa niya ang kanyang mga buhok para bang sa paghigot niya ay magigising siya sa kabaliwan.

Nang tignan niya ang orasan ay dali dali siyang bumangon at naligo dahil siguradong nakauwi na ang kanyang Daddy at mga kapatid paglabas niya sa kanyang kuwarto ay hinanap niya ang kanyang mga magulang at nakita niya ang mga ito na nakaupo sa lamesa at naghahanda nang kumain.

“Evening everyone” ang Masaya niyang bati sa mga ito.

“Natasha” ang halos sabay-sabay na sabi ng mga nasa hapag-kainan at nagsipagtayuan at isa-isa siyang niyakap ng mahigpit.

“OMG sis you look so beautiful” ang humahangang sabi ng kanyang kakambal at niyakap pa siya nito ulit at hinalikan sa pisngi.

“You too, you look so handsome as always”  ang nakangiti niyang sabi dito ng bumitiw at niyakap naman niya ang kanyang bunsong kapatid na si Natalie.

“Napaka-ganda mo talaga Ate Natasha” ang sabi nito na hinawakan pa ang magkabila niyang pisngi.

“At napaka-sexy” ang sabat ng kanyang Kuya Nathan.

“Naku ha lumalaki na masyado ang aking ulo halos hindi ko na nga maramdaman ito eh” ang sabi niya sa mga ito na nagsipagtawanan.

“Ok guys lets dig in na at kanina pa kayo nagpupurihan sa isa’t-isa” ang sabi ng kanyang Ina na nakangiti sa kanila.

Masaya silang nagsalo-salo sa gabihan, Wala silang hinto sa kakakuwentuhan at pagbibiruan kaya ng matapos silang kumain ay busog na busog sila sa dami ng nakain nilang lahat. Malalim na ang gabi ng magsipagpasok sila sa kanilang mga kuwarto para magpahinga dahil naninibago siya kaya halos mag-uumaga na ng makatulog siya kaya tinanghali rin siya ng gising at wala na ang kanyang mga kapatid at Daddy.

“Hi Mom” ang bati niya sa ina na abalang nag-aayos ng mga bulaklak sa plorera.

“Hi Darling masarap ba ang tulog mo?” ang masuyo nitong tanong sa kanya.

“Opo Mommy tinanghali na nga po ako ng gising” ang sabi niya sa Ina at tinulungan ito sa ginagawa.

“Ano pa lang plano mong gawin ngayong araw?” ang tanong ng kanyang Mommy.

“Wala nga po akong maisip gawin eh” ang sabi niya dito at inilagay na sa lamesa ang naayos na bulaklak.

“Ganon ba bakit hindi ka pumunta ng mga kaibigan mo im sure they miss you a lot” ang suhesyon nito sa kanya.

“I don’t think they are free Mommy kasi siguradong may mga work ang mga yon” ang sabi niya sa Ina.

“I think I will pay Dad a visit what do you think mom?” ang sabi niya sa Ina pagkalipas ng ilang minuto.

“He will love that anak” ang sabi nito na nakangiti sa kanya.

“Then I should go ang change my clothes now” ang sabi niya at iniwan na ang Ina na nagtungo naman sa Garden nit.

Dali dali siyang pumasok sa kuwarto at namili ng damit naisip niyang magsuot na lang ng Summer dress tutal ay mainit naman ang panahon at ng isuot na niya ang kulay peach niyang dress na humahakab sa kanyang katawan at animo kakulay na ng kanyang kutis. Nang masiyahan sa nakitang repleksiyon ay dali dali siyang lumabas ng bahay para pumunta sa Makati kung nasan ang office ng kanyang Daddy.

Pagpasok pa lang niya sa loob ng opisina ay hinahabol na siya ng tingin ng mga naroon lalo na ang mga kalalakihan na humahanga sa kanyang Ganda at kaseksihan. Nakita niyang malapit ng sumara ang elevator kaya dali dali siyang pumasok mabuti na lang at may humawak sa pintuan nito kaya nakapasok siya.

“Salamat” ang sabi niya dito na hindi tumitingin

“Your Welcome Natasha” ang sabi ng boses na nagpaalis ng kulay ng kanyang mukha dahil mula ng umalis siya ay pilit niyang kinalilimutan ang mga boses na iyon.

“Are you Okay Natasha para kang natuka ng ahas” ang sabi nito na ikinalingon niya at kitang kita niya ang mga mukhang nakapinta na ata sa kanyang isipan dahil kahit anong pilit niyang burahin sa kanyang isip ang mga mukhang yon ay hindi niya magawa.

“A-a-Ljon” ang tangi niya na lang nasabi ng lingunin niya ito ang kaninang tibok ng kanyang puso ay parang biglang huminto.

“Akala ko hindi mo na ako kakilala” ang sabi nito na may hindi maipaliwanag na damdamin ang naglalaro sa guwapo nitong mukha. Katulad pa rin ito ng dati ang pinagkaiba lang ay mas Lalo itong gumuwapo at naging matikas ang lalapad ng mga dibdib nito na mahihinuha mong alaga sa gym.

“Ofcourse paano ko naman malilimot ang tulad mo” ang galit niyang sabi dito dahil sa pagkaalala sa ginawa nitong pagdurog sa kanyang puso.

“Well sa dami ng lalaking nakilala at nakasama mo mahirap nang umasang natatandaan mo pa ako hindi nga ba at yun ang dahilan kaya mo ginawa sa akin ang bagay na yon” ang sabi nito na nakasalubong ang mga kilay at nagbabaga ang mga tingin sa kanya.

“What do you mean by that?” ang nagtataka niyang tanong dito, ito pa ang may ganang pagsalitaan siya ng ganon kung tutuusin ito pa nga ang may kasalanan sa kanya.

“What I—” ang hindi na nito natapos sabihin dahil sa bigla na lang huminto ang sinasakyan nilang Elevator at namatay ang mga ilaw.

“What’s going on?” ang natataranta niyang sabi nang tuluyan nang nagdilim ang paligid.

“I don’t know It might be the fuse or brown out” ang sabi nito sa kanya na nagsimulang gumalugad ang mga kamay tila may hinahanap at naramdaman niyang nakahawak na ito sa kanya kaya umatras siya para lang tumama sa matigas na bagay.

“Ouch” ang sigaw nito ng mauntog siya sa ulo nito.

“What are you doing? Why did you do that for?” ang sabi nito na bahagyang napaupo dahil sa lakas ng in fact .

“Ako pa ang sinisi mo e ikaw nga itong kung gumagapang ang mga kamay” ang sabi niya dito habang hawak ang ulo parang lalo atang dumilim ang paligid niya dahil sa lakas nang pagkakauntog nila.

“So? Im looking for something you don’t have to hit me gamit ang ulo mo” ang sabi nito na halatadong naiirita.

“I didn’t hit you, Ano ako tanga para ibunggo ang ulo ko sa ulo mo kahit halos pagpiyestahan na nga ng kamay mo ang katawan ko noh” ang sabi niya rito na bagamat hindi nakikita ang kausapo ay parang gustong gusto na niya itong tirisin.

“What? Ako pinagpipiyestahan ang katawan mo? For your info natamaan ko lang ang katawan mo dahil haharang –harang ka kaya sa harap ko” ang sabi nito na lalong ikinanginig ng kanyang mga katawan.

“Excuse me hindi ako nakaharang sayo noh, And what are you doing now?” ang sabi niya dito ng maramdaman niyang inaalis nito ang suot nitong Americana.

“I’m just trying to get comportable” ang sabi nito habang lumalapit sa kanya.

“Aljon huh tigilan mo yan don’t you even dare to think about it” ang sabi niya habang pilit lumalayo dito at sinisiksik ang katawan sa pinakagilid ng elevator.

“Napaka-dumi talaga ng isip mo anong akala mo re-rapin kita? Don’t worry dahil im not even attracted with that body” Ang sabi nito na binuksan pa ang ilang butones ng suot na polo.

“You brute” ang nanggigigil na sabi niya rito imagine itinalampak nito sa pagmumukha niya na wala siyang ka-appeal-appeal dito.

Unti unti na siyang nakakaramdam ng init dahil may halos 35 minutes na rin ata silang nakakulong sa elevator kaya panay na ang paypay niya hindi na alintana kung na ang itsura niya anyway madilim naman.

“Ano ba nangyayari hindi ba nila alam na may tao dito” ang naiiyak na niyang sabi ng lumipas pa ulit ang nakababagot na 10 minuto.

“They probably trying to fix it” ang mahinahon nitong sabi pero mababakas na rin ang pagkairita sa boses nito.

“If they are really trying to Fix this damn thing sana hindi tayo maiistranded dito ng halos 45 minuto na” ang sigaw niya dito dahil sa pinaghalo-halong takot, init at galit.

“Why are you yelling at me ako ba ang may kasalanan kung bakit tayo nakakulong dito?” ang sabi nito sa kanya na mataas na rin ang boses.

“You need to do something try to used your damn phone” ang patuloy niya pa ring sigaw dito dahil nagsisimula na siyang maghisterya.

“Don’t you think I already did that? E anong magagawa ko at walang signal dito” ang pagalit nitong sabi sa kanya.

“OMG hindi na ata tayo makakalabas pa dito” ang umiiyak niyang sabi dito.

“Hush we will be fine” ang sabi nito at hinawakan ang kanyang mga kamay at nang maramdaman niya ulit ang hawak nito ay lalo pang napalakas ang kanyang pagiyak parang nakahanap siya ng dahilan para ilabas ang lahat ng damdaming matagal na natago sa kanyang dibdib kaya ganon na lang ang pagiyak niya na parang batang kinakawawa.

“Shhh don’t cry please everything will be fine I promise” ang sabi nito sa kanya at niyakap na siya ng tuluyan.

Makalipas ang isa pang minuto ay bigla na lang bumukas ang mga ilaw at ang pinto ng Elevator kitang kita nila ang mga taong nakatingin sa kanila na may malisya. At nang tignan niya ang tinitignan ng mga ito ay pareho pa silang nagtulakan ni ALjon palayo sa isa’t isa. Dahil kahit sino talagang makakakita sa kanila ay magiisip ng iba dahil nakabukas ang mga butones ni Aljon habang siya ay nakalilis ang bistida at nakalaylay ang manggas at ang mas malala pa ay pawis na pawis silang magkayakap nito habang nakaupo sa elevator.

Dahil sa pagkapahiya ay dali-dali siyang tumakbo palabas ng Elevator at nagtungo sa rest room nagtataka pang pinagtinginan siya ng mga nakasalubong niya. Dali dali niyang inayos ang kanyang sarili at lumabas upang puntahan ang kanyang Ama.

“Im here to see Mr. Fuentabelia” ang nakangiti niyang sabi sa secretary ng kanyang Daddy.

“Im sorry Miss but do you have appointment” ang sabi nito sa kanya na hindi man lang sinuklian ang kanyang ngiti.

“No I don’t have any appointment” ang sabi niya dito.

“Then im sorry I cant let you in he is very busy and can’t be disturb” ang sabi nito at parang naiinis na tinitigan siya ng hindi pa siya umalis.

“I understand your just doing your Job Miss but I came to see my Father” ang sabi niya rito na pilit nagpapasensya.

“Natasha Iha” ang narinig niyang sabi ng kanyang Daddy na kalalabas lang ng Conference room.

“Daddy—” ang nagulat na sabi niya hindi dahil nakita niya ang Daddy niya kundi dahil sa lalaking nasa likod nito.

“What are you doing here baby hindi ba dapat nagpapahinga ka muna dahil kadarating mo lang kahapon” ang Masaya nitong sabi sa kanya pagkatapos niyang halikan ito sa pisngi.

“Naiinip kasi ako daddy sa bahay so naisipan kong yayain kang mag lunch” ang sabi niya dito na nakatingin pa rin kay Aljon.

“Oh by the way Iha I suppose nagkita na kayo ulit ni Aljon”  ang nanunuksong sabi ng kanyang Ama na nakahalata ata na kay Aljon siya nakatingin.

“Yeah unfortunately” ang malamig na sabi ni Aljon na ikinakunoot ng kanyang noo.

How come ito ang mukhang galit na galit sa kanya kung tutuusin ay siya ang dapat na mapoot dito dahil sa  ginawa nitong panloloko sa kanya sasagutin niya sana ito pero  niyaya na siya ng kanyang ama para kumain.

“Aljon do you wanna join us?” ang nakangiting yaya ng kanyang Daddy dito.

“I would love that Tito but I don’t think I can because I still have some more meeting to attend” ang magalang nitong tanggi sa kanyang ama.

“Your father is a lucky man Iho dahil napakasipag mo” ang halatadong humahangang sabi ng kanyang Ama dito.

“Well im the only one that my father can depend to” ang sabi nitong nakangiti sa kanyang daddy.

“Yeah and h’s very proud of you” ang sabi nito dito at nagkamay na ang dalawang lalaki parang nakalimutang nandoon siya sa harap ng mga ito kaya tumikhin siya na ikinatawa ng kanyang ama.

“Hanggang ngayon ay mainipin ka pa rin Iha” ang natatawa nitong sabi sa kanya at pinisil pa ang kanyang ilong.

“ Daddy I’m no longer a little girl” ang nakasimangot niyang sabi dito at malambing na inalis ang kamay nito sa kanyang ilong.

“Yeah sweetheart I know you must be big now but you will always be my baby girl” ang sabi nito sa kanya na kumikislap ang mga mata.

“Ang daddy talaga napakabolero” ang sabi niya dito at sabay pa silang tumawa.

“I should be going now Tito” ang sabi ni Aljon sa kanyang ama na parang walang pakialam kung nandoon ba siya o wala.

“Ok Iho thanks for dropping by” ang sabi ng kanyang ama at kinamayan pa ito.

“Any time Tito” ang sabi nito at tuluyan ng umalis ni hindi man lang nagpaalam sa kanya at basta lang siyang nilakaran.

“Hmpt akala mo kung sino  basta na lang akong dinaanan” ang nakasimangot niyang sabi sa kanyang Daddy.

“Kayo talaga kahit kailan para paring mga Aso’t pusa” ang naiiling nasabi ng kanyang Daddy.

“Kung alam mo lang Daddy” ang bulong niya na medyo napalakas ata.

“What did you say iha?” ang tanong ng kanyang ama na bahagya pang nakakunot ang noo parang pilit iniintindi ang sinabi niya.

“I said I’m famish lets go eat na” ang sabi niya dito at masuyong niyaya ito.

“Ok Ok lets go! Cancel my appointment for this afternoon Ms. Claro” ang natatawa nitong sabi at bilin sa secretary nito na nahihiyang ngumiti sa kanila.

Pagkatapos nilang kumain ng Ama sa restaurant ay naglibot libot muna siya sa mall titingin sana siya ng magandang movie ng may biglang tumawag sa kanyang pangalan.

“OMG is that you Natasha?” ang narinig niyang sabi ng lumapit sa kanya na dati niyang kaklase sa high school.

“Yes the one and only” ang nakangiti niyang sagot dito.

“Lalo kang gumanda at wow super sexy” ang sabi nito na tinignan pa siya mula ulo hanggang paa.

“At bolero ka pa rin Julius mula noon hanggang ngayon” ang natatawa niyang sagot dito.

“Well I just know how to appreciate beauty” ang sabi nito sa kanya at hayagan pa siyang pinakatitigan mula ulo hanggang paa.

“Where have you been anyway? Wala na kasi akong balita sa inyo mula ng mag graduate tayo” ang tanong nito sa kanya..

“Well kadarating ko lang galing America doon kasi ako nag college” ang nakangiti niyang sagot dito.

“Oh that’s good to hear hey by the way meron ka bang time how about a cup of coffee?” ang panyaya nito sa kanya na malugod naman niyang sinang-ayunan.

Napagkasunduan nilang sa starbucks na lang pumunta tutal naman ay nasa gilid lang ito ng mall kaya nilakad na lang nila ito at Masaya silang nagkumustahan habang naglalakad.

“I want cappuccino with very light chocolate” ang nakangiti niyang sabi sa waiter.

“Macchiato for me and pls use soy milk” ang sabi ni Julius sa waiter at magalang na itong tumalikod.

“So do you have boyfriend?” ang sabi nito sa kanya nang makaalis na ang waiter.

“Nah im done with those thing” ang sabi niya rito na ikinatawa nito.

“Ganon ba sayang naman magaaply sana ako but it seems your allergic with relationship” ang nanunukso nitong sabi sa kanya na ikinatawa niya.

“Sira ka talaga if I know you already have 3 gf right now” ang birong totoo niyang sabi dito dahil mula pa naman noon ay sabay-sabay na kung makipag nobya ito.

“Hindi naman pang tatlo ka sana kung pumayag ka kanina” ang natatawa nitong sakay sa sinabi niya huminto muna sila sa paguusap ng dumating na ang kanilang order.

“Is that Aljon?” ang tanong nito sa kanya na ikinakunot ng noo niya at ng tignan niya ang tinitignan nito ay nagulat pa siya dahil si Aljon nga ang papasok sa pintuan.

“Aljon Pare” ang sigaw ni Julius ipipigilin niya sana ito pero huli na dahil nakatingin na sa kanila si Aljon at lumapit.

“What are you doing here?” ang nanguusig nitong tanong sa kanya na ikinakunoot ng noo niya.

“And what does it have to do with you?” ang nakataas na kilay na tanong niya dito.

“Well nothing I just thought you are with your dad” ang sabi nito sa kanya at tumingin na kay Julius at ito ang kinausap tulad kanina parang hindi na naman siya nageexist para dito.

“Why don’t you join us Aljon just for old time sake” ang narinig niyang yaya ni Julius dito.

“I Don’t want to intrude” ang sagot naman nito nasa kanya nakatingin.

“You wont bec there’s really nothing to intrude” ang sabi niya dito na nakasalubong ang mga kilay.

“Well then sure” ang sabi nito sabay higot sa upuan at tumabi kay Julius

“Cappucino with very light chocolate” ang sabi nito sa waiter ng lapitan ito at kunin ang order tumaas pa ng bahagya ang kanyang kilay dahil ginaya pa nito ang kanyang drinks.

“I think I should go now Julius my mother is waiting for me” ang sabi niya maya-maya.

“Oh so soon I just got here” ang sabi ni Aljon na nakakaloko ang mga ngiti.

“Well we been here for alittle longer already so I have to go now bye” ang sabi niya at tumayo na para umalis.

“I will walk you to your car” ang sabi ni Julius sa kanya at tatayo na sana kaso sinenyasan niya na wag na.

“Don’t bother im fine thanks anyway” ang sabi niya at hinalikan ito sa pisngi kitang kita niya kung paano tumiim ang panga ni Aljon na bahagya niyang ipinagtaka.

“Ok if that’s what you like” ang narinig niyang sabi ni Julius.

Dali-dali na siyang tumalikod sa dalawa at naglakad palabas ng Starbucks naisipan niyang mag-abang na lang ng Taxi dahil kung tatawag pa siya para magpasundo sa kanila ay baka abutin na siya ng gabi dahil rush hour na. Pero magiilang minuto na ay wala pa ring dumaraan na taxi kaya naglakad pa siya ng konti ng maya-maya ay marinig niyang may bumusina sa likuran niya.

“Come ihahatid na kita” ang sabi ni Aljon ng huminto ito sa harapan niya.

“No need I can manage” ang sabi niya na patuloy pa ring kumakaway sa dumaraang taxi.

“Matatagalan ka sa paguwi dahil rush hour na” ang pangungulit pa rin nito sa kanya.

“Then it’s my problem” ang sabi niya dito at bahagya pang lumakad palayo dito.

“Ok if that’s what you want then suit your self” ang sabi nito at pinaandar na ang sasakyan.

“Brute” ang sigaw niya dito ng makalayo na ito sa kanya.

Mag aalas sais na pero wala pa rin siyang makuhang taxi nangangawit na rin ang kanyang mga paa sa katatayo ng maya-maya ay bigla na lang bumuhos ang ulan inis na inis siya dahil mas lalo na siyang mahihirapang makasakay ng taxi ng mauubusan na siya ng pag-asa ay may humintong sasakyan sa kanyang harapan at ng tignan niya ay si ALjon pala binalikan siya nito.

“Halika na sumakay ka na” ang sabi nito sa kanya nag-iisip siya kung tatanggapin ang tulong nito o magmamatigas sa bandang huli ay tinalo na siya ng lamig kaya pinagpasyahan na niyang sumakay na sa kotse nito.

“Here” ang sabi nito sa kanya at iniabot ang towel.

“Thanks” ang sabi niya dito at kinuha ang towel na iniaabot nito at pinunasan ang basa niyang buhok at balat.

“Bakit bumalik ka pa” ang sabi niya dito maya-maya.

“Well I figure mahihirapan kang makasakay at nakita kong uulan na kaya dali-dali akong umikot kaso huli na dahil bumuhos na nga ang ulan” ang paliwanag nito sa kanya.

“Thanks for coming back” ang sabi niya dito at bahagyang ngumiti.

“You must be cold” ang sabi nito na iniiwas ang tingin sa kanya at hinubad ang suot nitong Americana at iniabot sa kanya.

“Take it baka magkasakit ka” ang pilit nito sa kanya ng tignan niya lang ang inaabot nito at ng hindi pa rin siya kumilos ay mabilis nitong ipinatong iyon sa kanyang balikat.

“There” ang sabi nito pagkatapos.

“Thanks” ang tangi niya na lang nasabi dahil nalilito siya sa ginagawa nito kanina lang ay para siyang hangin para dito ngayon naman ay nagalala ito sa kanya.
 
“Mukhang matatagalan tayo nito” ang narinig niyang sabi nito at nang tignan niya ang tinitignan nito ay nakita niyang napakalakas ng ulan at unti unti na ring tumataas ang tubig kaya lalong nagkabuhol buhol ang traffic.

“Yeah” ang sabi niya at hinapit pa lalo ang damit nitong iniabot sa kanya dahil nagsisimula na siyang lamigin.

“Are you cold?” ang sabi nito na kababakasan ng pag-aalala ang boses at mukha nito.

“Little” ang sabi niya rito na nanginginig pa ang mga labi.

“Anong little e halos manginig na ang buo mong katawan” ang sabi nito sa kanya at naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang mga kamay at pilit siyang pinalalapit nito at dahil sa nilalamig ay pilit siyang lumapit at sumiksik sa mga braso nito na nakahawak sa kanya dahil napakainit ng mga iyon at masarap sa pakiramdam.

“You’re shivering” ang sabi  nito sa kanya na pilit na himas himas nito ang kanyang buong katawan waring pinaiinit ito.

“We need to get you out of this wet clothes” ang sabi nito ng hindi  pa rin maalis ang kanyang panginginig

Nang umandar na ang traffic ay dali dali itong nagmaneho at makalipas lang ang ilang minuto ay huminto ito sa isang Hoter at niyaya siyang bumaba at dahil sa sobrang ginaw na nararamdaman niya ay para siyang batang sunud-sunuran sa gusto nito hanggang makarating sila sa isang kuwarto at binuksan ito.

“Go take a warm shower” ang utos nito sa kanya ng dalhin siya nito sa banyo.

“Thank you” ang mahina niyang sabi dito at ng lumabas na ito ay dali-dali niyang hinubad ang mga damit at naligo.

Nang matapos siyang makaligo at wala na ang panginginig ay naalala niyang wala pala siyang damit na maisusuot kay hinigot na lang niya ang towel na nasa gilid ng rock at dahan-dahan siyang sumilip sa pintuan habang nakatago ang katawan sa likod ng pinto.

“Yes Tito, don’t worry im with her” ang narinig niyang sabi Ni Aljon na may kausap sa cellphone niya.

“Aljon who are you talking” ang nagmamadali niyang tanong dito at dali-daling lumapit dito.

“That’s your father” ang mahinang sabi nito habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.

“Oh” ang nasabi na lang niya at dali-daling tumakbo sa banyo.

“What are you thinking Natasha para lumabas ka ng nakatapis lang ng tuwalya ano na lang iisipin ng Aljon na yon baka kala niya inaakit mo siya” ang naiirita niyang sermon sa sarili habang nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin.

“Natasha I will leave this robe here” ang narinig niyang sabi ni Aljon sa labas ng pinto, At ng maramdaman niyang lumakad na ito patalikod ay marahan niyang binuksan ang pinto at kinuha ang robe na nakalapag sa ibaba ng pinto at dali-daling isinuot yon bago siya lumabas.

“Here drink this it will make you feel a lot better” ang sabi nito at iniabot sa kanya ang mainit na kape.

“Thanks” ang sabi niya at umupo sa may kama.

“Who are you talking awhile ago?” ang tanong niya dito pagkatapos humigop ng kape.

“Your Father kanina pa kasi nagri-ring ang phone mo kaya sinagot ko” ang mahina nitong sabi sa kanya.

“Oh did you say where we are?” ang tanong niya dito na nakakunot ang mga noo.

“Yes I told her we are in hotel dahil basang basa ka at napaka traffic” ang sagot nito sa kanya.

“I see” ang sabi niya dito na bahagyang iniiwas ang tingin.

“I need to dry my clothes” ang mahina niyang sabi dito.

“Yes don’t worry itinawag ko na sa baba and they will bring you some clothes” ang sabi nito sa kanya.

“Thanks” ang tanging nasagot na lang niya dahil naiilang siya sa tingin nito sa kanya at kitang kita niya ang madalas nitong paglunok at ng sundan niya ang tinitignan nito ay muntik pa niyang maibuhos ang kape sa sarili dahil nakalitaw na pala ang bahagi ng kanyang dibdib kaya dali dali niyang inayos ang kanyang suot na robe.

“I think that’s your clothes” ang sabi nito ng makarinig sila ng katok sa pinto at pagbalik nito ay may dala na itong damit at iniabot sa kanya.

“Thank you” ang sabi niya ng abutin dito ang plastic bag.

Pumasok na siya sa banyo para tignan ang plastic at nakita niyang may kulay green itong bistida at may kasama pa itong panty at bra. Nang isuot na niya ang mga ito ay saktong sakto lang sa kanya para talagang mga damit niya ito.

“Kasyang kasya sayo” ang sabi nito ng makalabas siya ng banyo.

“Yeah salamat” ang sabi niya dito.

“Puwede na siguro tayo umuwi” ang sabi niya maya-maya.

“Hmm I don’t think we can” ang sabi nito na ikinakunot ng kanyang noo

“Why not?” ang nagtataka niyang tanong dito.

“Mataas na raw ang tubig at mahihirapan ang sasakyan kung pipilitin nating dumaan baka masira ang makina at lalo lang tayong hindi makauwi” ang sabi nito sa kanya.

“Ganon so you mean to say magpalipas na lang tayo dito ng gabi?” ang tanong niya dito at ng tumango ito ay napabuntung hininga na lang siya.

“Ok kung wala na talaga tayong choice , o sige kukuha na lang ako ng sarili kong room” ang sabi niya rito palabas na sana siya pero narinig niyang tinawag siya ni Aljon.

“They got no available room fully book na raw sila” ang sabi nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.

“What? Paano na ako nito saan ako matutulog?” ang sabi niya na natataranta na.

“Well you can sleep here” ang relax na relax na sabi nito sa kanya.

“How about you?” ang naga-alala na niyang tanong dito.

“We can share malaki naman itong kuwarto” ang sabi nito na umupo na sa couch.

“What? Hindi puwede” ang sabi niya dito, ano ito Hilo magshare na lang daw sila.

“Well you got no choice hindi tayo makakauwi at wala nang room na available” ang sabi nito na nakakunot ang noo.

“Ahh ano ba naman to” ang sabi niya na nagpapadyak dahil sa sobrang inis.

“Fine you can sleep on the couch I will sleep here in bed” ang sabi niya dito na nakataas ang kilay.

“No way hindi ako kakasya sa couch ang laki kong ito, I will take the bed” ang sabi nito na ikinalaki ng mga mata niya.

“What? Anong ibig mong sabihin diyan ako sa couch matulog” ang nanlilisik niyang tanong dito imagine pinatutulog siya nito sa upuan napaka ungentelman naman nito.

“I didn’t say that you can’t sleep in bed too anyway malaki naman ito” ang sabi nito na parang nakakaloko.

“Are you nuts! Babae ako at lalaki ka hindi tayo puwedeng magtabi noh” ang sigaw niya dito.

“Don’t worry hindi kita re-rape-in you can assure to that , may mangyayari lang sa ating dalawa kung ako ang ire-rape mo” ang sabi nito sa kanya at nginisihan siya.

“Jerk ano namang palagay mo sa akin rapist” ang sigaw niya dito sabay bato rito ng unan na sinalo lang nito.

“Then you don’t have nothing to worry dahil hindi rin naman kita ire-rape” ang sabi nito sa kanya at binuksan ang TV at prenteng prente sa pagkakaupo samantalang siya ay gigil na gigil dito.

Kaya nahiga na lang siya sa kama dahil sa sobrang inis dito ay halos sakupin na niya ang buong kama para wala itong mahigaan mamaya tignan niya lang kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa.

“Hey Natasha I know your not sleeping yet” ang sabi ni Aljon sa kanya na niyuyugyog pa ang kanyang mga balikat.

“Hmmm” ang sabi niya at nagkunwari pang naalimpungatan lang pero hindi idinidilat ang mga mata.

“Ahh ganon ha ayaw mo talaga akong pahigain dito sa kama tignan natin” ang sabi nito at naramdaman na lang niyang dinaganan siya nito kaya napilitan siyang idilat ang mga mata sino ba naman ang hindi sa sobrang bigat nito.

“Ano ba? Anong akala mo sa akin kutson?” ang sabi niya dito at pilit itong itinutulak at ng Hindi ito umusog ay sinikaran niya ang sikmura nito.

“Aray no ka ba , Napakasadista mo talaga” ang sabi nito na hawak ang nasaktang sikmura at nagkandalukot ang halos lahat na muscle ng mukha nito.

“Bagay sayo iyon” ang sabi niya dito sabay dinilaan ito at umayos na siya ng higa.

“Usog ka naman Natasha, wag ka ngang madamot” ang sabi nito sa kanya at nahiga rin ito sa kapirasong puwesto na natira dahil talagang halos angkinin na niya ng buong buo ang kama halas kasya lang ito sa kapirasong puwesto na itinira niya para dito.

“Bakit kasi hindi ka na lang sa upuan matulog napaka-ungentleman mo talaga” ang sabi niya dito at lalo pang umusod para ihulog ito sa kama dahil ayaw niyang makatabi ito kahit pa ba sabihing king size ang kamang hinihigaan nila.

“Bakit hindi na lang ikaw tutal ikaw ang mas maliit” ang sabi nito at gumanti sa kanya umusod din ito ng umusod para bang iniisip ng bawat isa na kung hindi lang din mapupunta sa kanya ang kama ay walang makikinabang.

Dahil walang magpatalo sa kanilang dalawa patuloy silang nag-gigitgitan at nagtutulakan at dahil sa mas malaki ito at mas malakas ay nagawa siya nitong itulak ng malakas kaya nahulog siya sa kama.

“Aray ko po” ang sabi niya habang namimilipit sa baba ng kama dahil kahit malambot ang carpet na binagsakan niya ay medyo mataas naman ang kama na pinanggalingan niya.

“Ok ka lang ba? Masakit ba?” ang sabi nito sa kanya na sinilip lang naman siya nito mula sa kama at para pa ngang nakakaloko na nginitian siya.

“BRAT” ang sigaw niya dito at pinilit tumayo pero masama ata ang pagkakabagsak niya dahil halos maluha siya sa sakit ng pinipilit niyang tumayo narinig pa nga niyang naglagatukan ang mga buto niya sa likod.

“Ikaw naman kasi eh ayaw mong magshare ayan tuloy nasaktan ka” ang sabi pa nito na akala mo totong concern pero pumuwesto lang ng maayos sa pagkakahiga ni hindi nga siya tinulungan tumayo.

Kaya bubulong bulong siyang nag pilit tumayo at nang makatayo na siya ng maayos ay kitang kita niyang nakatawa ito kaya lalo siyang napikon at nang makalapit dito ay dinaganan niya ito at pinagbabayo ang dibdib.

“Aray ano ba! Ouch masakit yan Natasha” ang sabi nito na pilit umiilag pero panay parin ang tawa na lalo lang nagpakulo sa dugo niya kaya lalo lang niyang nilakasan ang pagsuntong dito.

“Masakit pala e bakit tumatawa ka pa rin” ang sabi niya at sinuntok pa ito sa tagiliran na napalakas ata dahil kitang kita niya ang sakit na rumehistro sa guwapo nitong mukha.

“OUCH malakas yun hah , Ano ba Natasha balak mo ba akong pisain” ang sabi nito na pilit hinuhuli ang mga kamay niya na panay ang suntok at kurot dito wala siyang pakialam kahit saan dumapo ang mga kamay niya basta makaganti lang dito.

“Talagang pipisain kitang kulugo ka dahil muntik nang mahati ang katawan ko sa lakas ng pagkakahulog mo sa akin” ang sigaw niya pa rin dito habang nakupo pa rin at sinisipa ang tagiliran nito na parang nangangabayo at si Aljon siyempre ang kanyang kabayo.

“Kasalanan mo naman dahil ayaw mong magshare ng kama” ang sabi nito sa kanya at hindi niya napaghandaan ang ginawa nitong bagbalikwas kaya napailalim dito at  ito naman ang dumagan sa kanya.

“Aray ko Aljon!! masakit yan akala mo ba magaan ka?” ang sigaw niya dito ng upuan siya nito at inilagay ang dalawa niyang kamay sa uluhan.

“Ano Masakit ba? Ganyan din ang ginawa mo kanina noh pasalamat ka nga at mahaba ang mga hita ko kaya hindi kita masipa sa gilid” ang sabi nito sa kanya at tinawanan pa siya.

“Humanda ka sa aking Aljon ka pag ako ang nakaalis dito uupakan na talaga kita ng sobra-sobra” ang sabi niya dito na pilit nagwawala kaya pababa na ng pababa ang pagkakaupo ni Aljon sa kanya ng bigla siyang natigilan at huminto sa kapapasag.

“Hoy Aljon ano yun ha” ang sigaw niya dito nang maramdamang parang matigas na bumubukol.

“Ayan ang likot mo kasi eh” ang sabi nito sa kanya at ang kaninang napakahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay ay bigla na lang nawala at tumayo na ito at iniwan siyang natutulala.

Nakatulala pa rin siya ng bumalik si Aljon at namalayan na lang niyang kumukuha na ito ng unan at nahiga sa couch kaya humiga na lang siya at pilit na ipinikit ang mga mata, Maya maya lang ay nilamon na siya ng karimlan dahil sa sobrang pagod na nararamdaman.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 7Unexpected Love: Chapter 9 >>

148 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 8

Leave a Reply