Unexpected Love: Chapter 7

This entry is part 8 of 13 in the series Unexpected Love

KINABUKASAN pagpasok niya sa kanilang klase ay hindi niya nakita si ALjon kaya naisip niyang baka hindi pa ito dumarating dahil maaga pa naman at iilan lang silang nandoon kaya umupo na lang siya sa tabi ni Annalyn ng biglang may mga bulaklak na nakatapat sa kanyang mukha at ng lingunin niya kung sino ang may hawak nito nagulat pa siya nang makitang si Aljon pala ang nagbigay.

“Thanks” ang namumula niyang sabi dito dahil tinutukso sila nila Annalyn.

“Ang sweet naman mukhang nanliligaw na si Aljon ah” ang sabi ni Vera

“Kailangan eh baka maunahan pa ako” ang natatawang sabi ni Aljon at kumindat sa kanya na lalo lang siyang nabula.

“Naku tumigil na nga kayo sa katutukso” ang sabi niya at pinanlakihan ng mga mata ang mga ito na hindi naman nakot bagkus ay nagsipagtawanan lang.

Kinahapunan pagkatapos ng klase ay naghintay muna silang matapos ang practice ng mga ito at ng matapos na ang mga ito ay sabay-sabay na silang umuwi hinatid pa siya ni Aljon hanggang loob ng kanilang bahay at nakipagusap sandali sa kanyang mga magulang  pagkatapos ay umalis na.

“Natasha nandyan sa baba si Aljon” ang sabi ng kanyang Mommy kaya dali dali siyang bumaba para harapin ito.

“Oh nandito na pala ang dalaga ko Aljon o sige iwan ko na muna kayo” Ang narinig niyang sabi ng kanyang daddy bago ito umalis.

“For you” ang sabi nito at inabot sa kanya ang mga bulaklak at chocolate.

“Wow may mga flowers na naman ako” ang natatawa niyang sabi dito.

“Ofcourse diba sabi mo gusto mong ligawan muna kita bago natin sabihin sa kanila ang tungkol sa atin” Ang bulong nito sa kanya na ikinangiti niya.

“Hindi ko alam na masunurin ka pala” ang biro niya dito na ikinatawa nito.

“Ill do anything for you” ang sabi nito at hinuli ang mga kamay niya, hinayaan niya lang ito tutal naman iniwan na sila ng kanyang parents.

Lumipas ang  dalawang linggo at sa araw-araw ay lagi siya nitong dinadalhan ng mga bulaklak at chocolate sa tuwing dadalaw ito sa kanila tinutukso na nga siya ng kanyang mga Kapatid at Magulang na sagutin na raw niya sa Aljon dahil botong boto ang mga ito dito muntik na nga niyang masabi na boyfriend na niya ito. Maging sa school ay tinutukso na sila dahil binabakuran na raw siya ni Aljon kaya sagutin na raw niya na ikinatatawa lang nila.

“Natasha can I be your date on JS prom?” ang sabi sa kanya ni Allan ng minsang lapitan siya nito sa library habang nagbabasa siya.

“Sorry dude but she already say yes to me so just find another one” ang narinig niyang sabi ni Aljon na hindi niya napansing nakalapit na sa kanila.

“I’m sorry Allan” ang nasabi na lang niya dito at magalang itong nagpaalam sa kanya.

“Bakit  mo naman binastos yung tao” Ang sita niya dito ng lumabas na sila ng library.

“Hindi ko naman siya binastos ah” ang pagtatanggol nito sa sarili.

“Ako ang tinatanong niya pero ikaw ang sumagot hindi ba pangbabastos yun” ang nakasimangot niyang sabi dito

“Bakit ka nagagalit sa akin? I just simply told him im your date” ang sabi nito sa kanya

“Sabi mo pumayag na akong maka date ka bakit niyaya mo na ba ako?” ang naiirita pa rin niyang sabi dito.

“Bakit ba galit na galit ka? Ok  im sorry if I said that to brush him off so can we just drop this?” ang sabi nito sa kanya na mukhang mainit din ang ulo

“The fact is pinangunahan mo ako kaya ako naiinis” ang sabi niya pa dito

“I already said sorry” ang nakakunot noong sabi nito sa kanya.

“Fine” ang nasabi na lang niya dito.

“Bakit kasi hindi pa natin sabihin na tayo na? ikinahihiya mo ba talaga ako?” ang sabi nito na ikinahinto niya

“I thought we already talk about it?” ang sabi niya dito na nakataas ang isang kilay.

“Yeah I know but im getting tired on this set up, Bakit ba hindi mo magawang sabihin sa mga magulang natin at mga kakilala natin na tayo na” ang halatadong nagpipigil na sabi nito.

“You’re getting tired already e dalawang linggo pa lang naman mula ng makiusap ako sayo na isikreto muna natin ito” ang sabi niya dito

“Yeah but I feel like im a kept man at ikinahihiya mo ako” ang sabi nito sa kanya na medyo napataas ang boses kaya napalingon sa kanila ang ibang estudyante na naglalakas kasabay nila.

“Will you please lower your voice! Hindi naman ako bingi para sumigaw ka” ang mariing sabi niya dito.

“Fine whatever” ang sabi nito at tinalikuran siya.

“Aljon” ang tawag niya dito pero hindi siya nito pinansin kaya napaiyak na lang siya.

Maghapon siyang hindi nito pinapansin at sa tuwing kakausapin niya ito ay umiiwas ito sa kanya kaya minabuti na lang niyang ipagpabukas ang pakikipagusap dito para lumamig ang ulo nito. Ngunit kinabukasan ay hindi naman ito pumasok alang-alala siya dito dahil ilang beses niya itong pilit tinatawagan pero hindi naman ito sumasagot at nakahiyaan naman niyang tumawag sa bahay ng mga ito para hanapin si Aljon. Kaya lulugo lugo siyang umuwi sa kanilang bahay nakiusap na lang siya sa kanyang Mommy na hindi na kakain ng gabihan at hinayan siya nito. Nagiisip siya kung aattend pa bas a JS Prom nila bukas dahil hindi pa rin sila magkasundo ni Aljon pero naisip din niyang baka bukas ay Sorpresahin siya nito kaya natulog siya nang may ngiti sa mga labi.

“You look so beautiful Natasha” ang sabi ng kanyang kakambal ng bumaba siya ng kuwarto. Suot niya ang formal dress na ipinagawa pa ng kanyang Mommy sa sikat na modista. Hinayaan lang nilang nakalugay ang kanyang mahabang buhok at bahagya lang itong nilagyan ng kumukislap na pin bilang dekorasyon.

“You look good yourself either” ang papuri rin niya dito na nakasuot nang kulay puti na coat akala mo ay yung mga isinusuot ng mga modelo sa tuwing rumarampa bagay na bagay dito ang ayos nito na parang sa mga Japanese idol.

“You two look so good I’m sure you will both steal the night siyempre kanino pa ba kayo magmamana kundi sa amin ng inyong Mommy” ang narinig niyang papuri ng kanilang Daddy.

“Ayun at sa inyo din pala babagsak ang papuri” ang sabi ng kanyang kakambal na ikinatawa nila.

“Hurry Natasha at magsisimula na ang program” ang sabi ng kanyang kakambal dahil napuna nitong ang bagal bagal ng kanyang kilos dahil hanggang ngayon ay umaasa siya na susunduin ni Aljon pero hanggang makaalis na sila ay walang Aljon na dumating sinabi na lang niya sa kanyang sarili na baka naghihintay na ito sa  venue.

Yes nakita nga niyang nasa venue na si Aljon pero hindi ito naghihintay sa kanya tulad ng sinasabi niya sa kanyang sarili infact may kasama ito at masayang nagbubulungan pa ang mga ito.

Pinalakas niya ang kanyang loob at ng lalapit na siya sa mga ito ay umalis naman ang dalawa at nagtungo sa bar kung saan nandoon ang mga drinks.

“Hi Natasha” ang bati sa kanya ni Annalyn na kanina pa pala nakasunod ang tingin sa kanya.

“Hi guys” ang sabi niya sa mga ito na pilit pinasasaya ang boses pero pumiyok pa rin siya sa pagsasalita.

“Come seat beside me I reserved it for you” ang sabi ni Vera na hinigot pa ang upuan para sa kanya.

Pilit siyang pinasasaya nang mga kasama niya sa mesa kaya nakikitawa na lang siya sa mga ito pag may nakakatawang sinabi ang mga ito pero maya-maya lang ay bumalik na sa lamesa si Aljon at nakahawak sa mga braso nito si Maricar. Naramdaman niyang hinawakan ni Vera ang kanyang mga kamay parang sinasabing kaya niya yan kaya nginitian na lang niya ito.

“So where’s your date Natasha mukhang wala ka atang kasama” ang narinig niyang sabi ni Maricar sa kanya na may plastic pang mga ngiti.

“Shut up Maricar” ang sabi ni Annalyn dito na kung hindi niya hinawakan ang kamay ay mukhang lulusubin na nito si Maricar.

“I prefer to be alone tonight so I didn’t bring chaperone” ang sabi niya rito na tinignan ng matalim si Aljon na nagbawi agad ng tingin sa kanya.

“Oh really? Baka wala lang nagyaya sayo” ang sabi nito na sinabayan pa ng nakakalokong ngiti.

“Ha- ha you are really funny Maricar” ang sabi niya na sinabayan pa ng pekeng tawa.

“Ako pa ang mawawalan ng mag-iimbita, Well just to satisfy your curiosity I actually have five offers so I figure instead of choosing one and let the four go why not have them all” ang sabi pa niya at sinabayan nang nakakalokong tawa kahit sa loob niya ay para na siyang pinapatay dahil sa nararamdaman niyang sakit.

Kitang-kita niya Kung paanong nagdilim ang mukha ni Aljon at kinuyom ang mga palad his eyes is full of danger and you can see the burning feeling inside him na parang isang bulkan na ilang sandali na lang ay mag e-explode na and if that thing happen she will sit tight and watch him.

“Hey Aljon lets go dance” ang narinig niyang yaya ni Maricar dito ng magsimula na ang sayawan.

“Later I promise” ang narinig niyang sagot ni Aljon dito at hinawakan pa ang mga kamay nito at may ibinulong dito na ikinatawa ng dalawa kaya pagalit niyang iniiwas ang tingin palayo sa dalawa.

“Excuse me Natasha I’ve been looking at you since you walk inside” Ang narinig niyang boses sa kanyang likod na nagpalingon sa kanilang halos lahat na nasa lamesa.

“Hi you look familiar, you are?” ang bati niya sa guwapong lalaki na kumakausap sa kanya nakilala niyang isa ito sa mga kaklase ng Kuya Nathan niya.

“I’m Greg im your brother’s classmate” ang sabi nito sabay abot sa kanya ng kamay nito na magiliw naman niyang tinanggap bec he save her from more torture na maari pa niyang maramdaman dahil sa dalawang tao sa harapan niya na halos maglingkisan na.

“Oh yeah I remember now I saw you before” ang sabi niya dito at bahagya pa itong nginitian.

“Can I dance with you?” ang yaya nito sa kanya and she appreciate it a lot dahil pakiramdam niya ay malapit na siyang bumigay dahil sa sakit na nararamdaman.

“Sure why not” ang sabi niya at sinabayan pa ito nang nanghahalinang ngiti bago inabot ang kamay dito.

“Excuse me guys mauna na ako sa inyo sa dance floor” ang sabi niya sa mga kasama at kitang kita niya kung paano manlisik ang mga mata ni Aljon sa pagkakatingin sa kanila.

“Eat your heart out! You started it” ang bulong niya sa isip habang nakatingin kay Aljon na madilim na madilim ang mukha.

Pagkatapos ng kanta ay may lumapit na naman sa kanya hanggang sa mapagod na siya kaya magalang na siyang nagpaalam sa mga ito at hinatid na siya ng kanyang huling kasama sa kanilang table.

“Whew akala ko hindi ka na makakabalik pa” ang natatawang biro sa kanya ni Annalyn.

“Oo nga aba halos pag-agawan ka na ng mga boys” ang sabi rin ni Vera sa kanya na ikinatawa nilang tatlo.

“That’s what she like anyway im surprise she actually say no to those who still want to dance her” ang narinig nilang sabat ni Aljon na ikina-init ng kanyang ulo.

“Yeah I figure ill give my self a break even for just a moment dahil mamaya marami na namang magyaya” ang sabi niya dito at nakipaglaban ng titigan dito how dare this guy to say that to her e ito nga ang kumuha ng ibang kapartner samantalang siya ang Gf nito.

“Aljon honey lets go and dance” ang sabi ni Maricar na halatadong naiirita na dahil sa kanya pa rin nakatingin si Aljon.

“Sure honey” ang sabi pa nito at sinabayan ng tayo at nagtungo na sa dance floor kitang kita niya kung paano hapitin ni Aljon ang bewang nito at panay ang bulungan.

“Pag buhulin ko kaya ang mga tukmol na yon” ang sabi niya na ikinatingin ng mga kasama sa mesa.

“Don’t mind them Natasha just try to enjoy the night” ang sabi ni Annalyn sa kanya and she gave her a warm smile.

“I promise myself not to ask this pero talagang nawiwierduhan ako sa mga pangyayari” ang sabi ni Anton sa kanya kaya napalingon siya dito.

“I don’t know what happen either basta asang –asa ako na siya ang kapartner ko I waited for him for hours pero he never came nagulat pa ako pag dating ko dito may ka partner na pala siya kaya nakalimutan na niya akong sunduin” ang naiiyak niyang sabi.

“I’m sorry I shouldn’t ask” ang sabi ni Anton sa kanya at napaka apologetic ng mukha nito dahil sa kaalamang he touch her wounded spot.

“Its ok just don’t tell him about it” ang nasabi na lang niya dahil hindi siya papayag na lalong magmukhang kaawa-awa.

Masokista na nga yata siguro siya dahil tumingin ulit siya sa dalawang parang walang pakialam sa mundo na kulang na lang ay maglaplapan habang sumasayaw ng magkayakap ng mahigpit sa dance floor. Nang maramdaman niyang tutulo na ang kanyang mga luha ay dali dali siyang nagpaalam sa mga kasama at pumunta ng rest room doon ay pinalaya niya ang mga luhang kanina pa gustong kumawala at nang mahimasmasan na ay naghilamos siya at habang inaayos niya ang kanyang make up ay pumasok si Maricar at nginitian siya ng pagkatamis-tamis.

“Hi nandito ka pala” ang sabi nito na kunwari ay nagulat pa.

“Yeah pero patapos na rin ako” ang matabang niyang sagot dito habang kinokontrol ang sariling ingudngod ito sa lababo.

“You know what im so happy bec Aljon already told me he love’s me so we finally have relationship” ang sabi nito na parang bombang sumabog sa kanyang mukha si Aljon daw nag I love you dito paano siya? Hindi ba siya ang Girlfriend nito?.

“Hey hindi mo ba ako I co-congratulate?” ang sabi nito sa kanya at nginisihan pa siya.

“Well then congratulation” ang nasabi na lang niya dito habang pilit pinipigilan ang pagluha.

“I know you love him Natasha but im warning you he is my boyfriend now so stay away from him dahil may nangyari na sa amin at hindi ako papayag na maagaw siya sa akin” ang sabi nito sa kanya

“May nangyari na sa inyo?” ang tanong niya dito na pilit pa ring nageeffort na pigilan ang mga luha.

“Yes many times so don’t get near him” ang sabi nito sa kanya at tumalikod na.

“OMG niloko ako ni Aljon pinaasa” Ang parang naloloka niyang sabi sa sarili at umiyak ng umiyak dahil parang nageecho pa rin ang sinabi ni maricar na may nangyari na sa dalawa at mag kasintahan na raw ang mga ito.

“Cheer up Girl kaya mo yan” ang sabi niya sa sarili at pilit pinahihinto ang pagiyak makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya at dali-daling lumabas ng venue para umuwi.

“Hello kuya” ang sabi niya sa kapatid ng makarating siya sa kanilang sasakyan.

“Hey are you crying?” ang sabi nito ng sagutin ang kanyang tawag mababakas sa boses nito ang sobrang pagaalala.

“No kuya I just want to say don’t look for me uuwi na ako masama ang pakiramdam ko” ang sabi niya sa kapatid.

“No wait for me sasabay na ako sayo” ang sabi nito na halatadong nagaalala sa kanya ng sobra-sobra.

“No kuya just enjoy it last time na yan” ang sabi niya na pilit tumawa pero pumiyok lang ang boses niya.

“No Natasha I mean it  just wait for me i’m bored here anyway” ang sabi nito at pinatay na ang cellphone.

Makalipas lang ang ilang minuto ay humahangos itong dumating at agad siyang nilapitan nito.

“Hey hush now don’t cry honey” ang masuyong sabi ng kanyang kuya ng yakapin niya ito at doon sa mga balikat nito umiyak.

“Mang Rene tara na po” ang narinig niyang sabi ng kanyang kuya at umandar na ang sasakyan.

Hanggang makarating sila sa bahay ay hindi siya bumitiw sa pagkakayakap dito mabuti na lang at hindi mukhang tulog na ang kanilang mga magulang kaya inakay siya nito sa kanyang kuwarto. Kahit anong gawin nitong pilit sa kanya para sabihin ang nangyari ay hindi siya umamin dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan ng kanyang Kuya at ni ALjon.

“Masakit na masakit kasi ang ulo ko kuya” ang pagdadahilan niya rito ng pilit siya nitong tinatanong kung ano ang nangyari.

“Ganon ba ok ikukuha na lang kita ng gamot” ang sabi nito na tumayo na at kumuha ng gamot hinayaan na lang niya ito para hindi na maghinala at ng makabalik ito ay dali dali niyang ininom ang gamot at sinabing magpapahinga na siya kaya lumabas na ito.

Kinabukasan pagpasok niya sa kanilang klase ay pilit niyang tininatago ang nararamdaman dahil ayaw niyang lalong lumabas na kaawawa sa harap ni Maricar at lalong lalo na kay ALjon kaya pilit niyang pinasigla ang sarili.

“Good morning” ang masayang sabi niya sa mga Kaibigan na halatadong nagulat sa pagpasok niya dahil abala ang mga ito sa paguusap.

“Hey Where did you go last night?” ang tanong sa kanya ni Annalyn pagkalapit niya sa mga ito.

“Yeah sabi mo mo pupunta ka lang sa Cr bakit hindi ka na bumalik” ang dagdag pa ni Vera sa tanong ni Annalyn.

“Well I—” ang sabi niya na hindi niya natapos dahil nakalapit na pala sa kanila si Maricar at nakakalokong ngumiti.

“Oo nga naman Natasha hinahanap ka namin kagabi pero wala ka don’t tell me na sumama ka doon sa guy na nakita kong kausap mo” ang akala mo maamong pusa na sabi nito sa kanya na umupo pa sa kanyang lamesa.

“Shut up Maricar and will you please leave us alone” ang galit na sabi dito ni Annalyn na kung hindi niya hinawakan ang mga kamay ay siguradong kinalmot na nito ang nakangising mukha ni Maricar.

“Well im just simply trying to ask her” ang sabi nito na akala mo ay napakaamo pa na ngumiti sa kanila.

“You are not asking her you are insunating something” ang sabi ni Vera dito na namumula na rin ang mga mukha at handing handa na ipagtanggol siya sa malditang si Maricar.

“Why don’t you answer her Natasha bigla ka na lang nawala kagabi at walang makakita sayo” ang sabat ni ALjon na nakalapit nap ala sa kanila at masuyong inakbayan si Maricar na akala mo aping api na sumiksik sa dibdib nito habang nakayakap.

“I don’t have to answer anyone bec whatever I do is my own business” ang sabi niya dito na pilit pinipigilan ang kanyang mga luha na gusto nang tumulo dahil sa paglalambingan ng mga ito sa mismong harapan pa niya.

“Oh really or you just simply don’t want us to know who you are with” ang sabi pa nito na naglalagutukan na ang mga buto sa kamay dahil sa matinding pagkakakuyom nito.

“What do you care anyway” ang sabi niya dito na umaasang sasabihin nito na dahil mahal siya nito at nagaalala ito sa kanya.

“I don’t really care I just simply curious” ang napakasupladong sagot nito sa kanya na parang mga patalim ang bawat salitang binibigkas nito na unti unting humihiwa sa kanyang puso.

“Then I guess you really don’t need to know” ang sagot naman niya dito na iniiwas ang tingin sa mga ito dahil hindi niya kayang patuloy na tignan ang mga kamay nito na nakayap sa bewang ni Maricar.

“Why don’t you tell them Natasha na umalis ka kasama ang guy kagabi I saw you with my two eyes” ang sabat ni Maricar sa usapan nila at mangali ngali niyang hablutin ang mga buhok nito dahil sa sobrang selos at galit sa mga pinagsasabi nito.

“I’m with her last night and whatever my sister did is none of your damn business lady” ang sabi ng boses na nanggaling sa may pintuan at nakita niyang papasok ang kanyang kakambal na nakakunot ang mga noo at madilim na madilim ang mga mukha.

“Lets go Natasha I already excuse you to your advicer” ang sabi ng kanyang kakambal at kinuha ang kanyang mga gamit at inakay siya palabas ng klase nang malapit na sila sa pintuan ay bigla ulit itong humarap sa mga iniwan nila.

“I cant believe what I just see and heard Aljon I am so disappointed with you” ang mariin na sabi nito kay Aljon na hindi nakahuma sa sinabi ng kanyang kakambal at kitang kita niya kung paano nagtitigan ang mga ito kung hindi pa niya hinigot ang mga kamay ng kuya niya ay hindi pa ito lalabas.

“Bye guys” ang bulong niyang sabi sa mga kaibigan niya at kaklase na hindi makahuma sa nangyari.

“I Hope your satisfied now Maricar” ang narinig niyang sinabi ni Aljon lilingunin niya sana ito pero pinigilan siya ng kanyang kakambal at tuluyan na silang lumbas sa classroom.

“I wont ask you what happen Natasha bec I know you have a good reason, but please don’t let them hurt you like that” ang sabi ng kanyang kakambal habang nakaakbay pa rin ito sa kanya papunta sa kanilang sasakyan.

“Thank you Kuya if you didn’t come I really don’t know what to do” ang mahina niyang sabi at tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.

“Hush now little sister you know I will do anything for you and I wont let no one hurt you” ang madiin nitong sabi sa kanya at masuyo pinunasan ang kanyang mga luha.

“Thank you again, bakit ka nga pala nandoon kuya?” ang tanong niya dito dahil nagtataka siya kung bakit ito nagpunta sa classroom nila at inabutan nga nitong halos pagtulungan na siya nila ALjon at Maricar.

“Oh pinasisilip ka ni Mommy sa akin dahil matamlay ka raw kanina at nagaalala siya tamang-tama lang pala ang dating ko”  ang sabi nito sa kanya at iminaneho na nito ang kotse na pinagagamit na dito ng kanilang Daddy dahil nakakuha na ito ng student license.

“Ah kuya please don’t tell them what happen ayaw kong mag-alala sila” ang sabi niya sa kanyang kuya at hinawakan pa ang kamay nito.

“Don’t worry I wont tell them but pls try to be happy para hindi sila magalala” ang sabi nito sa kanya at pinsil pa ang kanyang ilong.

“I I promise, I’ll never let them hurt me again” ang sabi niya at pilit nginitian ito.

Ayaw na sana niyang pumasok pa pero nangako siya sa kapatid na sisikaping wag nang masaktan sa mga nangyari kaya pilit niyang pinasasaya ang sarili ngunit ang puso talaga basta nagmahal at nasaktan ay patuloy na dumudugo habang patuloy na nakikita ang mga taong nanakit sayo. Para pa ngang nananadya ang mga ito dahil sa tuwing makikita siyang palapit ay akala mo wala nang mga tao sa paligid na magyayakapan.

“Napakalandi talaga ng Maricar nay an akala mo sawa kung makapulupot” ang namumula sa galit na sabi ni Annalyn ng madaanan nilang nakayakap na naman si Maricar kay ALjon na parang tuwang tuwa pa.

“Hayaan mo sila magkakasawaan din yan” ang mahina niyang sabi sa kaibigan dahil ayaw niyang Makita nito ang sakit na nakabalatay sa napakaganda niyang mukha.

“Ewan ko ba naman sayo bakit pumapayag kang ganyan bakit hindi ka kaya humanap ng lalaki tignan ko lang kung hindi magkadarapa ang ALjon na yan pabalik sayo” ang sabi pa nito sa kanya.

“Tama na Annalyn please lang tama na” ang sabi niya dito na hindi na mapigilan ang pagtulo ng luha.

“I’m sorry ok I will not say anything anymore just don’t cry” ang sabi nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na lalo lang nagpatulo ng kanyang luha dahil ayaw na ayaw niyang kinakaawaan siya pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang magagawa dahil talagang kalunos lunos ang anyo niya.

Matuling lumipas ang mga araw at tulad pa rin ng dati ay para pa rin siyang pinasasakitan ni Aljon sa kasalanang hindi niya alam dahil kung tutuusin ay ito pa dapat ang kanyang saktan dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.

“Hi Natasha can I talk to you for a minute?” ang sabi sa kanya ng lalaking nagpakilala sa kanya ng nakaraang araw nagpapractise sila para sa graduation hindi nga niya sana ito papansinin pero nakita niyang nakatingin sa kanila si Aljon kaya ngumiti siya dito.

“Sure ano ba paguusapan natin?” ang malakas niyang sagot dito dahil nakita niyang nakikinig sa kanila si Aljon na nakakunot ang mga noo.

“I really like you I want to court you” ang tahasan nitong sabi sa kanya na ikinabigla niya dahil sa sobrang kaprangkahan ng kausap.

“I see well that’s up to you” ang tangi na lang niyang nasabi gusto sana niyang sabihing hindi pero alam niyang nasa malapit lang si Aljon at gusto niyang gumanti dito kaya hinyaan niya na lang ito.

“Can we go for a date?” ang preskong tanong nito sa kanya na hindi na niya nagugustuhan.

“Well im sorry pero Hindi kasi ako tulad ng iba diyan Na nakikipag date sa kahit kanino na lang” ang sabi niyang medyo nakataas ang kilay.

“Ganoon ba well maybe next time” ang sabi nito sa kanya na nakangiti pa rin habang pilit hinahawakan ang kanyang mga kamay.

“Maybe not im sorry” ang mahina niyang sabi dito Na pilit hinihigot ang mga kamay na hawak nito.

“Then I guess I have to go now” ang sabi nito sa kanya at bahagyang malungkot na ngumiti bago tumalikod na halata siguro nito na wala siyang balak makipagdate dito kahit kulitin pa siya nito ng kulitin.

“Hmm another prospect huh?” ang sabi ni Aljon sa kanya na nakasimangot.

“So what its not your damn business anyway” ang sabi niya sabay talikod dito at nang higutin nito ang kanyang kamay ay malakas niya itong ipiniksi.

“Don’t you dare touch me ever again” ang sabi niya dito at tinalikuran ang nagulat na si Aljon.

Mula nga noon ay umiwas na ito sa kanya at hindi na muli pang nagtangkang kausapin siya bagkus ay lalo pa itong nakipaglambingan kay Maricar na lalo lang niyang ikinasasama ng loob kaya pilit na lang siyang umiiwas pag nakikita niyang magkasama ang mga ito at abalang naglalandian. Ganoon ng ganoon ang kaniyang ginagawa hanggang sa tuluyan na silang mag graduate at pinangko niya sa sarili na kalilimutan na ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa mga ito lalo na kay ALjon.

Kaya Nakiusap siya sa mga magulang na sa America na lang mag-aral na sinang-ayunan naman ng mga ito dahil nararamdaman ng mga ito ang sakit na dinadala niya sa kanyang puso kahit hindi siya nagsasalita dahil ibang iba na siya sa dating pilya at masayahing si Natasha.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 6Unexpected Love: Chapter 8 >>

187 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 7

Leave a Reply