Unexpected Love: Chapter 6

This entry is part 7 of 13 in the series Unexpected Love

PAGKATAPOS na nang bagong taon bumalik sila Aljon pati ang mga magulang nito dahil kinalunesan ay balik school na ulit sila. Nang  gabi ng Linggo ay pumunta ang mga magulang nito sa kanilang bahay para ibigay ang biniling pasalubong ng mga ito para sa kanila.

“Naku Salamat nag-abala pa kayo” ang nahihiyang sabi ng kanyang Mommy sa mga ito.

“Sus para yan lang wala yun ano pa’t magkakaibigan tayo” ang sabi naman ng Mommy ni Aljon sa kanyang Mommy.

“Ang mabuti pa ay dito na kayo mag-gabihan at ng makapagkuwentuhan pa tayo” ang yaya ng kanyang Daddy sa mga ito na masayang tinanggap naman ng mga ito.

“Nasan na pala ang anak ninyo?” ang tanong ng kanyang Daddy.

“Huh kasama namin kanina nasan na kaya yun” ang sabi naman ng Mommy nito

“Kasama po ni kuya Nathan nasa kuwarto po sila” ang sabat niya sa mga ito.

“Ah ganon ba? Hayaan na nga natin ang mga yon hindi mo naitatanong ay excited na excited na umuwi yang si Aljon gusto na nga kaming pauwiin pagkatapos ng pasko” ang sabi ng mommy nito sa kanyang mga magulang.

“Mommy huh binubuko mo naman ako eh” ang nagkakamot na ulo na sabi ni Aljon na hindi nila namalayang nakalapit na pala kasama ang kanyang kakambal.

“Naku pasensiya na Iho hindi namin namalayang nandiyan ka na pala” ang sabi naman ng Mommy nito na hindi naman mukhang natakot na malamang narinig ni Aljon ang pinaguusapan ng mga ito.

“Ang sabi ko nga sa kanya wag siya masyadong magmadali at di naman mawawala ang namimiss niya” ang sabi ng Daddy nito na sa kanya nakatingin.

“Naku minsan naiisip ko kung mga Magulang ko ba ang mga ito at lagi nalang akong inilalaglag” ang masuyong birung totoo ni Aljon sa mga magulang nito na ikinatawa nilang lahat.

“Ang mabuti pa ay dumulog na tayo sa mesa dahil nakahanda na raw ang pagkain” ang natatawa pa ring yaya ng kanyang Mommy sa kanila kaya lahat sila ay sabay sabay nang pumunta sa lamesa.

Hindi pa rin matapos ang walang puknat na kuwentuhan ng kani-kanilang mga magulang habang kumakain sila ng gabihan habang sila ay tahimik na nakikinig lang sa mga ito medyo naiilang siya dahil maya-maya ay nakikita niyang nakatingin sa kanya si Aljon sabay ngi-ngiti na nagpapakaba sa kanyang puso.

Kaya para hindi nito mahalatang naiilang siya ay sinisimangutan niya ito na ikinatatawa lang nito.

“Oh Iho bakit panay ata ang tawa mo diyan?” ang nagtatakang tanong ng Daddy  niya kay Aljon.

“Wala naman po Tito natutuwa  lang po ako kay Natasha kasi ang tulis na-naman po ng kanyang nguso” ang sabi nito na ikinatawa ng mga kasama nila sa mesa.

“Kanina ka pa kasi tingin ng tingin para kang nakakaloko tapos panay pa ang tawa mo” ang sabi niya dito habang nakasambakol pa rin ang kanyang mukha na lalo lang ikinatawa ng mga ito dahil sanay na sanay na ang mga ito sa kanilang iringan.

“Paano mo naman nalamang ikaw ang tinitignan ko? Ibig bang sabihin tinitignan mo ako?” ang sabi nito na nakangisi sa kanya

“Ang kapal mo talaga bakit naman kita titignan?” ang naaasar niyang balik tanong dito

“Naku kayo talagang dalawa kahit kelan para kayong laging nasa arena at parang mga manok na handing magsabong kahit anong oras” ang mangiyak ngiyak na sa katatawang sabi ng Daddy nito.

“Oh sige tumigil na kayong dalawa sa iringan ninyo” ang sabi naman ng kanyang Mommy kaya kumain na lang sila habang panay pa rin irap niya dito na ikinangingiti lang nito.

Nang matapos silang kumain ay nagpunta muna siya sa Swimming pool para magpatunaw ng kinain inilagay pa niya ang kanyang mga paa sa may tubig habang nakaupo siya sa may gilid nito.

Nang biglang may tumakip sa kanyang mga mata na labis niyang ikinagulat muntik na tuloy siyang mahulog sa tubig.

“Ano ka ba Aljon muntik na akong mahulog sa tubig noh” ang naiinis niyang sabi dito habang pilit tinatanggal ang kamay nito sa kanyang mga mata.

“Ang galing naman paano mo nalamang ako ito” Ang sabi nito na nakangiti ng malapad sa kanya ng tuluyan na nitong tanggalin ang kamay sa mga mata niya.

“Natural kabisado ko na kaya ang amoy mo” ang nakairap niyang sabi dito dahil totoo naman ang sinabi niya at isa pang dahilan kaya kilala niya ang mga kamay na nagtakip sa kanya ay dahil sa mabilis na pintig ng kanyang puso na tanging si Aljon lang ang nakapagpapadama sa kanya.

“Ano pa lang ginagawa mo dito?” ang sabi nito sa kanya sabay upo sa tabi niya uurong sana siya kaso baka magmukha naman siyang tanga.

“Nagpapahangin lang” ang maikli niyang sabi niya sabay bawi ng tingin dito dahil nakikita niyang pinakatitigan siya nito.

“Oh ano na namang kabalbalan ang iniisip mo? Pinakatitigan mo na naman ako” ang sabi niya dito sabay irap

“Bagay na bagay sayo ang kuwintas na yan, Nang una ko nga iyang makita naisip ko agad na babagay sayo” ang mahina nitong sabi na ikinalingon niya dito.

“What? Sayo galing ito?’ ang nagulat niyang sabi dito sabay hawak sa kuwintas na nakasuot sa kanyang Leeg.

“Yeah pina-abot ko sa kuya mo bago ako umalis” ang sabi nito na bahagyang yumuko parang hiyang-hiya ito sa sinabi.

“Lokong Kuya Nathan sabi niya Hindi raw niya alam Kung kanino galing ito” ang sabi niyang napapailing dahil sa kalokohan ng kanyang kakambal pero bakit naman kaya ito nagsinungaling.

‘Well I told him not to tell you yet, sabi ko sa kanya ako na lang ang magsasabi sayo pag nakauwi na ako dahil baka kako hindi mo tanggapin” ang sabi nito habang nakatingala sa kalangitan at parang nagbibilang ng mga bituin.

“Hmm kung sabagay hindi ko talaga ito kukunin but since maganda naman at nagustuhan ko na kaya kahit bawiin mo ay hindi ko na ito ibabalik” ang sabi niya dito na halos magluksuhan na ang lahat ng internal organ niya dahil sa sobrang saya na nararamdaman niya dahil imagine niregaluhan siya ni Aljon.

“Well wala naman akong planong bawiin iyan dahil bagay na bagay sayo at napakaganda mo” ang sabi nito sa kanya at pinakatitigan pa ang kanyang mga mata habang nakapatong ang kamay nito sa kanyang kamay.

“Aljon ah ano na naman yang pakulo mo hindi ka nakakatuwa” ang kinakabahang sabi niya dito dahil malapit na malapit ito at nakahawak pa sa kanyang mga kamay, iniisip niya kung panibagong trick na naman ito ni Aljon para pagkatuwaan siya.

“Its true napaka-ganda mo talaga Natasha” ang sabi nito at nakita niyang unti-unting nilalapit nito ang mukha sa kanya hindi niya malaman kung iiwas o hihintayin ito kaya pumikit na lang siya habang parang tunog ng drum ang kanyang dibdib dahil sa sobrang excitement para lang magulat dahil narinig niya itong pinagtatawanan siya kaya ang kaninang drum na naririnig niya ay naging parang sirang plaka.

“May muta ka Natasha” ang sabi nito sa kanya at ng hipuin niya ang kanyang mata ay wala naman siyang nakuha kaya galit na galit siyang tumayo, sabi na nga ba niya at binibilog nito ang kanyang ulo para gawing katatawanan at siya naming tanga ay bumigay.

“Walang hiya ka talaga Aljon” ang sigaw niya sabay tulak dito sa pool nakita pa niyang para itong pusa na papasag-pasag dahil napakalamig ng tubig isama pa ang malamig na hanging gabi.

Kaya tinawanan niya ito nang malakas napasigaw pa siya ng higutin nito ang kanyang mga kamay at dahil hindi nakabalanse ay tuluyan siyang nahulog sa malamig din na tubig at ng iangat niya ang kanyang ulo para makakuha ng hangin ay nakita niya itong taimtim na nakatitig sa kanya namalayan na lang niyang nasa mga labi na pala niya ang mga labi nito kaya ang kaninang nanlalaki niyang mga mata ay unti-unting sumara at ang kaninang giniginaw niyang katawan ay unti unting uminit.

Napasinghap pa siya ng pakawalan nito ang kanyang mga labi at nang tignan niya ito ay nakita niyang may pilyong mga ngiting nakapaskil sa mga labi nito.

At dali –dali itong lumangoy paahon naiwan na lang siyang natutulala dito dahil sa sobrang bilis ng pangyayari biruin mo nahalikan na naman siya ng tukmol na yon at higit sa lahat iniwan siya sa pool.

“Umahon ka na Natasha baka magkasipon ka niyan” ang narinig niyang sabi nito habang pasipol sipol pang lumakad papasok sa kanilang bahay.

“You Brat” ang sigaw niya dito na ikinatawa lang nito kaya kahit naiinis ay dali-dali siyang umahon dahil nanonoot sa buto ang lamig.

Kinabukasan ay dali-dali siyang bumangon at naligo buti na lang at hindi siya nagkasipon dahil sa pagkakalubog kagabi sa tubig dahil sa naalala ay pinamulahan siya ng pisngi.

“Natasha Anak bilisan mo mala-late ka na” ang narinig niyang sigaw ng kanyang Mommy kaya dali dali niyang tinapos ang pagbibihis at bumaba na.

“O umupo ka na at mag-almusal bilisan mo at malalate ka” ang sabi ng kanyang Mommy at lalagyan sana nito ng pagkain ang kanyang plato pero pinigilan na niya ito.

“Wag na Mommy sabi mo nga mala-late na ako sa school na lang ako kakain” ang sabi niya sa Ina at humalik sa pingi nito at dali daling pumasok sa school.

“Morning Nat” ang sabi ni Annalyn ng pumasok siya ng classroom nila buti na lang at wala pa ang kanilang Teacher.

“Morning best” ang sabi niya sabay halik sa pisngi nito at ni Vera.

Maya-maya ay lumapit sa kanila si Anton at nagtatanong kung meron silang dalang gamot.

“Aanhin mo naman yun Anton may sakit ka ba?” ang nagaalalang tanong ni Annalyn dito sabay hipo sa noo nito.

“Wala pero si Aljon may lagnat para sana sa kanya yun sarado pa kasi ang clinic” ang sabi nito na halatadong nagalala para sa kaibigan.

“Here” ang sabi niya sabay abot ng Paracetamol lagi siyang may baon noon sa bag para sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

“Are you sure?” ang sabi nito na ikinataka niya dahil ayaw nitong abutin ang gamot na inaabot niya dito.

“Why? Whats wrong gamot naman talaga yan sa lagnat” ang sabi niya dito na nakakunot ang noo dahil nagtataka siya kung bakit ayaw nitong kunin.

“It’s for Aljon you know” ang sabi nito sa kanya habang nakaturo pa sa naka-yukyok na si Aljon.

“So?” ang nakataas na kilay na sabi niya dito at pinagpilitan dito ang gamot.

“Nothing, thanks anyway” ang sabi nito at tumalikod na papunta kay Aljon nasundan niya na lang ng tingin ito at nakita pa niyang tiningnan siya ni Aljon ng iabot dito ni Anton ang gamot napataas ang kilay niya ng umiling ito at pinipilit ni Anton na inumin ang gamot.

“Don’t worry kahit gaano ko kagustong mawala ka sa landas ko e hindi ko naman yan nilagyan ng lason” ang hindi makatiis na sabi niya dito ng talagang ayaw nitong inumin ang gamot kaya lumapit na siya dito ng tuluyan at kinuha kay Anton ang gamot.

“Drink this nakakainsulto ka kung gusto kitang patayin e itutulak na lang kita sa bangin noh” ang nakataas na kilay na sabi niya dito pero umiling lang ito.

“Bakit ba ayaw mong inumin paano ka gagaling niyan aba pag natuluyan ka pananagutan pa kita niyan kila Tita dahil kung hindi kita itinulak sa pool e hindi ka sana magkakasakit” ang nakanguso niyang pamimilit dito dahil unti-unti nang nauubos ang pasensya niya dito.

“I’m sorry Natasha pero ayaw ko talagang uminom ng gamot” ang nanghihina nitong sabi sa kanya at sinamahan pa yon ng iling.

“But why?” ang nagtataka niyang tanong dito pero hindi siya nito pinansin at yumukyok lang sa lamesa nito para talagang masamang-masama ang pakiramdam at ng aangatin niya sana ang ulo nito para piliting painumin ng gamot ay napaso pa siya sa sobrang init nito.

“Oh my gosh your so hot” ang natataranta niyang sabi dito.

“Please Aljon drink this medicine na nakukunsensya na ako ok? Pag hindi mo pa ito ininum I will call your mom” ang sabi niya dito na natataranta na dahil sa sobrang init nito. At ng hindi ito sumagot ay kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang mommy nito.

“Hello Tita this is Natasha” ang sabi niya ng sagutin nito ang phone

“Oh Natasha whats wrong iha?” ang sabi nito na bahagyang nagtataka sa tawag niya dahil napakaaga naman niyang binulahaw ito.

“Its Aljon he is so sick but he wont drink the medicine napakataas pa naman ng lagnat niya” ang sabi niya rito na natataranta pa rin habang nakatingin kay Aljon na gulat na nakatingin sa kanya.

“He wont drink it Iha he hate medicine” ang sabi nito na nag-aalala na rin may sasabihin pa sana siya dito pero hinatak ni Aljon ang phone at ito ang nakipagusap sa Ina pagkatapos magusap ng mga ito ay ibinalik nito ang phone sa kanya.

“You shouldn’t called her alam mo naman yun masyadong matarantahin” ang sabi nito na nanghihina pa rin pero umupo na ng maayos.

“What do you think we should do e ayaw mong uminom ng gamot” ang nanenermon niyang sabi dito.

“I cant drink that don’t worry ok im fine” ang sabi nito na hinawakan ang mga kamay niya na para bang dito kumukuha ng lakas at damang dama niya ang nagaapoy na init na nagmumula sa kamay nito dahil sa napakataas nitong lagnat.

“Please Aljon just drink it I know you hate medicine but you have too” ang malumanay niyang sabi dito at nakita siguro nitong disidido talaga siyang painumin ito ng gamot kaya tumango na rin. Kaya natutuwang inabot niya dito ang gamot pero tinignan lang nito parang pinaiisipan kung iinumin o hindi kaya kinuha niya sa mga kamay nito ang gamot.

“Open your mouth” ang sabi niya na ikinabigla nito nagaalangan pa ito pero ibinuka rin ang bibig kaya dali dali niyang isinubo dito ang mga gamot at pinainom ito ng gamot iluluwa sana nito ang mga iyon pero inipit niya ang mga ilong nito kaya napilitang lunukin ito.

“There you go, See it wasn’t that hard right?” ang sabi niya dito na nakangiti dahil sa wakas makalipas ang mahabang pakiusapan ay napainom din nila ito ng gamot kahit pa ba sabihing pinilit nila ito LITERALY.

“You sneaky little thing” ang sabi nito na hindi malaman kung magagalit o matatawa sa ginawa niya kaya napailing na lang ito.

“Wow Natasha ang galing mo ah” ang narinig niyang sabi ni Anton sa kanya na natatawa at ng lingunin niya ito nakita niya ang kanyang mga kaklase na na aamused na nakatingin sa kanila.

“Ang sweet naman” ang kinikilig na sabi ng mga kaklase niya.

“Natasha I’m sick too” ang nagbibirong sabi ni Julius na nagsakit sakitan pa kuno.

“Ah ewan ko sa inyo” ang nakasimangot niya sabi sa mga ito at nang harapin niya si Aljon ay parang nakita niyang kumukislap ang mga mata nito bagamat nanghihina.

“And you, drink lots of water and go to the clinic later” ang sabi niya dito sabay talikod habang pabalik siya sa seat niya ay inuulan pa rin sila ng tukso ni Aljon tumigil lang ang mga ito ng pumasok na ang kanilang Teacher.

Pagpasok nila nina Annalyn at Vera sa canteen ay nakita agad nila sila Anton at Aljon na nakaupo sa table mukhang masama pa rin ang pakiramdam nito dahil napaka tamlay ng kilos nito, Pagkakuha nila ng pagkain ay uupo na sana siya sa ibang table pero hinigot siya ni Annalyn sa table ng mga ito kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang dito. 

Habang kumakain sila ay Panay ang tingin niya kay Aljon na mukhang walang kagana-gana dahil ni hindi nito nabawasan ang pagkain at pinaglalaruan lang.

“No appetite?” ang mahina niyang sabi dito at nang tignan siya nito ay umiling lang ito.

“You should eat even little Aljon” ang sabi niya rito at pinagduldulan pa niya ang plato nito na may chapsuey at fried pork chop sa harapan nito.

“Subuan mo kaya ako para kumain ako”  bagamat nanghihina ay nagawa pang tuksuhin siya.

“Ano ka sinusuwerte” ang nakaingos niyang sabi dito.

“Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit wala akong ganang kumain pero kung ayaw mo talaga ok lang pag lalong lumala ang sakit ko kargo de konsensya mo na yun” ang sisi nito sa kanya na parang bata na humaba pa ng konti ang mga nguso.

“Aba’t nanisisi ka pa talaga at nanakot” ang sabi niya rito na nakasimangot pero kinuha pa rin niya ang kutsara at tinidor nito at sinubuan ito.

Namalayan na lang niyang pinakakatitigan siya ni Aljon at mga kasama nila sa lamesa habang sinusubuan ito hinayaan na lang niya ang mga itong magisip ng kung ano ano basta siya nagi-guilty dahil siya ang dahilan nang pagakakasakit nito. ‘Nagiguilty ka nga ba o gusto mo lang ang ginagawa mo’ ang bulong ng kanyang isip.

“Tama na busog na ako” ang sabi nito pagkatapos makalahati ang pagkain nito at iniiwas na ang mukha sa kutsara.

“Anong tama Na e kokonti pa lang ang nakakain mo ubusin mo ito” ang sabi niya at sinubuan pa ito ng pagkalaki laki.

“Ano ba papatayin mo ba ako sa sobrang laki ng subo mo halos hindi na magkasya sa bunganga ko eh” ang reklamo nito na muntik pang mabilaukan ng malunok ang isinubo niya dito kaya dali dali niyang iniabot dito ang tubig sa harapan nito.

“Natasha dahan-dahan naman parang gusto mo na isubo kay Aljon ang buong kutsara eh” ang saway sa kanya ng natatawang si Annalyn.

Susubuan niya pa Sana ulit si Aljon pero tumatanggi Na talaga ito at pinakatikom tikom pa ang bibig kaya natatawa na lang niyang ibinaba ang hawak na kutsara.

“Ok I will stop na pero you need to drink medicine ulit” ang sabi niya dito sabay abot ng gamot ayaw pa Sana nitong kunin pero tinakot niyang uulitin ang ginawa kanina kaya kahit napipilitan ay dali-dali Na rin nitong sinubo ang gamot at uminom ng maraming tubig.

Parang may malamig Na kamay ang humipo sa kanyang puso habang pinagmamasdan ito para kasi itong bata na nagmamaktol dahil pinaiinom niya ng gamot.

Nakakatuwang isipin Na nakita niya ang ibang side nito dahil parating ang arogante at mayabang na side lang nito ang nakikita niya ayaw man niyang aminin ay parang tuluyan nang nahuhulog ang loob niya dito.

Abala ang buong school nila dahil sa nalalapit na Foundation day dahil isang araw na lang ay gaganapin na ito at Maging siya ay abala na rin sa paghahanda para sa nalalapit na beauty contest.

“Mommy ano po ba ang mas maganda dito sa dalawang Gown na ito?” ang sabi niya sa Ina habang ipinapakita ang dalawang Gown na napili niya para sa contest.

“Yang kulay pula iha dahil bagay na bagay yan sa kulay mo” ang sabi nito pagkatapos tignan ang dalawang gown Na inilapag niya sa Kama.

“Ok Mommy thanks” ang sabi niya dito at dali-daling isinukat ang damit na napili nito napakaganda nang pagkakahapit nito sa kanya at tama nga ang kanyang Mommy dahil bagay na bagay sa kanya ang suot na gown mas lalo kasing pumuti ang dati nang maputi niyang balat.

“Naku sabi ko na nga ba at babagay sayo ang Gown na yan eh” ang sabi ng kanyang mommy na humahanga sa kanyang Ganda.

“Thanks Mom” ang sabi niya dito at hinalikan ito sa pisngi.

Kinabukasan ay maaga pa Lang nagsimula Na siyang maghanda dahil alas- nuwebe ang simula ng contest. Dumating ang kanyang mga Lolo’t Lola na galing pa sa Negros para lang suportahan siya. Katatapos niya palang ayusan ng Beautician na kinumisyon ng kanyang mga magulang nang marinig niya ang katok at ng bumukas ito ay iniluwa ang kanyang Ina na nakahanda na sa pagalis.

“Naku Napakaganda naman nang anak ko” ang sabi ng kanyang Ina na kumikislap pa ang mga mata dahil sa paghanga.

“Tama ka diyan Tita likas talagang napakaganda ng iyong anak ni hindi ako nahirapang ayusan siya” ang sabi ng baklang nagayos sa kanya.

“Naku tama na nga kayo sa kakapuri baka mamaga na ang aking tenga” ang natatawa niyang sabi sa mga ito kaya natawa na rin ang dalawa.

Pagdating palang sa kanilang school ay pinagkaguluhan na siya ng kanyang mga kaklase na humahanga sa kanyang ganda nakita pa nga niya si Aljon na natulala ng Makita siya.

“Naku panolo na tayo” ang sabi ni Julius sa kanya habang hangang-hanga ito sa kanya

“Oo Nga talbog na sila sa ganda ng ating kandidata” ang natatawa pang sabi ni Anton

“Naku tumigil na nga kayo sa kakaboladas ninyo mabuti pa halika na Annalyn at pumunta na tayo sa grand stand” ang yaya niya sa kaibigan papunta sa lugar kung saan gaganapin ang contest.

“Good luck Natasha kayang kaya mo silang lahat” ang narinig niyang sabi ng kanyang mga kaklase na nagpalakas lalo sa kanyang loob.

Habang nasa Back stage siya at hinihintay na tawagin sila ng coordinator ng contest ay umupo muna siya sa isang tabi nang maramdaman niyang may humawak sa balikat niya.

“Hey lang lalim ata ng iniisip mo” ang sabi sa kanya ng kanyang kakambal .

“Ano ka ba naman kuya ginulat mo ako bakit ka nandito? Bawal ang hindi contestant noh” ang sabi niya rito at tumingin sa paligid nakita pa niya ang mga babaeng kalahok din sa contest na kinikilig na nakatingin sa kanyang kakambal .

“I just want to wish you luck” ang sabi nito sa kanya sabay halik sa pisngi niya.

“Thanks kuya medyo ninenerbiyos din ako” ang sabi niya sabay ngumiti dito.

“Sus ninenerbiyos ka pa e nanalo ka na nga dati diba” ang bulong nito sa kanya.

“Sira first year pa kaya tayo noon Noh” ang sabi niya dito na pabulung din habang hinampas ng mahina ang kakambal na ikinatawa lang nito.

“O sige lalabas na ako ok?” ang sabi ng kanyang kuya kaya nasundan na lang niya ito ng tingin at nakita pa niya ang ibang contestant na parang mga pusa na hindi mapaihi ng dumaan ang kanyang kapatid sa harap ng mga ito.

Naging napakalakas ng palakpakan ng lumabas sila ng iba pang contestant. Nang isa isa na silang rumampa at magpakilala ay lalong nagsigawan ang mga ito. Sa talent portion ay iba iba din ang ginawa ng mga kandidata may sumayaw, may kumanta, at may nagdrama rin at nang siya na ang tinawag para sa kanyang Talent ay napakalakas ng palakpakan ng kanyang mga kaklase at pamilya.

“How do I
Get through one night without you
If I had to live without you
What kind of life would that be?
Oh I, I need you in my arms
Need you to hold
Your my world my heart my soul
If you ever leave
Baby you would take away everything good in my Life.

Habang kinakanta niya yun ay iginala niya ang kanyang paningin at napadako ang kanyang tingin kay Aljon nakita niyang taimtim siya nitong tinititigan na punung puno ng paghanga kaya lalo siyang ginanahang kumanta.

“If you ever leave
Baby you would take away everything
Need you with me
Baby coz you know your everything good in My life

Nagpalakpakan ng pagkalakas lakas ang mga audience nang matapos niya ang kanyang awit dahil naging napakaganda ng pagakakanta niya sa kanta dahil si Aljon ang iniisip niya habang kumakanta.

Makalipas ang ilang sandali ay nasa question and answer portion na sila medyo ni nerbiyos pa siya dahil nakita niya ang kanyang mga magulang katabi ng parents ni Aljon pati na rin ang kanyang mga Lolo’t lola.Nang iiokot niya ang tingin sa paligid ay nakita niyang kumakaway ang kanyang mga kaklase hinanap pa niya ng tingin kung nasaan si Aljon dahil hindi ito kasama ng kanyang mga Classmate at nakita niya itong nakatayo sa gilid katabi ang kanyang kakambal .

“Ms. Gonzales for you what is love?” ang tanong ng judge sa 3rd year high school na kalaban niya.

“For me love is a strong force of feeling that make your mind block all the time” ang sagot nito Na ikinasigaw ng mga estudyante.

“Ms. Fuentabelia please come forward” bahagya pa siyang nagulat ng Marinig niyang tinawag siya nang emcee.

“Are you nervous Ms. Fuentabelia?” ang tanong nito sa kanya ng makalapit siya dito.

“ A little” ang sabi niya sabay ngiti dito

“Ok Ms. Fuentabelia your question is how can you define love?” ang tanong ng judge sa kanya halos lahat sila ay pare-pareho lang ng topic puro about love ang question sa kanila dahil malapit na ang araw ng mga puso.

“There are so many forms of love bec love is the attraction to something that you cant live without and my kind of love is build with trust it never counts mistake but instead bears it” ang sagot niya nakita niyang nagtayuan ang kanyang mga kaklase at pumalakpak ng malakas.

Makalipas ang ilang sandali ay pinatawag silang ulit sa stage upang itanghal kung sino sa kanila ang nanalo kinakabahan ang lahat at nang itanghal siyang Ms. Foundation ay halos sumabog ang buong grand stand sa lakas ng sigawan ng mga ito may pumapalakpak at merong nagluluksuhan sa sobrang saya sa kanyang pagkapanalo.

“Congratulation Natasha” ang narinig niyang sabi ng kakambal niya.

“Thank you kuya” ang nakangiti niyang sabi dito sabay yakap.

“Natashaa nanalo ka nanalo ka” ang masayang sigawan ng kanyang mga kaibigan at niyakap siya ng mahigpit.

“Congratulation Natasha” ang narinig niyang bati sa kanya ni Aljon.

“Thank you sabi mo hindi ako mananalo diba” ang nakanguso niyang sabi dito ng maalala ang usapan nila noon.

“Ito naman binibiru lang kita noon dahil ayaw mong sumali” ang nakangiti nitong sabi sa kanya at iniabot ang pumpon ng bulaklak.

“Thank you” ang nakangiti niyang sabi dito ng abutin niya ang bulaklak.

“Ayos napangiti din kita bulaklak lang pala ang katapat at tutuwid na ang pagkakasimangot mo” ang natatawa nitong sabi sa kanya

“Sira” ang natatawa rin niyang sagot dito at tinalikuran na ito dahil binati siya ng iba pang istudyante.

Pagkatapos ng  party na ibinigay ng kanyang magulang dahil sa pagkakapanalo niya ay nagpunta siya sa may swing at mahinang dinuyan naramdaman niyang may paparating kaya nilingon niya ito at ng Makita niyang si Aljon ang parating ay hinayaan niya lang itong makalapit at ng umupo ito sa tabi niya ay bahagya niya lang itong nilingon.

“Napakalalim ata ng iniisip mo” ang narinig niyang sabi nito at umupo sa kanyang tabi.

“Hindi naman nagagandahan lang ako sa buwan tignan mo bilog na bilog ito” ang sabi niya sabay turo sa buwan na napakaliwanag.

“Yeah napakaganda nga” ang sabi nito at ng lingunin niya ay natawa pa siya dahil sa kanya ito nakatingin.

“Aljon huh nagsisimula ka naman ” ang sabi niya dito Bagamat pinamulahan naman siya ng pisngi at nagugustuhan niya ang mga sinasabi nito.

“Huh ano na naman ang ginawa ko sayo?” ang patay malisya nitong sabi sa kanya habang nakangiti.

“Ano ba ang nakain mo at panay ang bola mo sa akin ngayong araw?” ang nanunukso niyang sabi dito.

“Hindi ko nga alam e para akong hindi natunawan” ang biro nito sa kanya sisimangot na sana siya pero parang naakit siya sa mga tawa nito kaya nahawa na rin siya at nakitawa dito.

“Puro ka talaga kalokohan Aljon” ang nasabi na lang niya dito at ng tatampalin sana niya ang braso nito ay mahina nitong hinila ang kamay niya at hinalikan para siyang nakuryente ng libo libo dahil sa halik nito sa kamay niya.

“Aljon” ang tanging salitang nasabi na lang niya.
 
Hahalikan sana siya nito ng biglang may tumikhim sa likuran nila at nang lungunin nila ang tumikhim ay namula pa ang kanyang mga pisngi dahil may mapanuksong ngiti ang kuya niya.

“Pumasok ka na Natasha at baka mapapak ka dito ikaw rin” ang sabi nito na sinabayan ng mahinang tawa at nakita niya si Aljon na kakamot-kamot ng ulo para itong bata na nahuli sa kalokohon.

“Sira ulo ka talaga Kuya” ang tanging nasabi na lang niya at pumasok na sa loob ng bahay nila at dire-diretso sa kanyang kuwarto para pa siyang timang na nagtakip ng unan dahil sa sobrang kilig na nararamdaman kung hindi lang dahil sa pahamak niyang kakambal ay siguradong nahalikan na naman siya ni Aljon.

Pagpasok pa lang niya kinabukasan ay ang masayang sigawan na nang kanyang mga kaklase ang kanyang inabutan. Nagtataka siya kung bakit ang saya-saya ng mga ito.

“Annalyn na paano ang mga iyan at mukhang masasaya” ang tanong niya kay Annalyn.

“Hindi mo ba nabasa ang nakapaskil sa labas ng gate?” ang tanong nito sa kanya na ikanakunot ng kanyang mga  noo.

“Well nalagpasan ko ata” ang natatawa niyang sabi dito dahil talagang hindi niya nakita kanina dahil sa sobrang excited niyang makapasok sa school dahil gusto na niyang makita si Aljon.

“Sira sinabi lang doon na two weeks from now na ang JS from natin gusto kasi nila itong isabay sa valentines day” ang kinikilig nitong sabi sa kanya

“Kaya naman pala nagkakagulo ang mga yan” ang walang gana niyang sabi dito dahil kahit gustuhin niyang magsaya ay Hindi niya magagawa dahil wala siyang date kahit naman madalas siyang bolahin ni Aljon lately ay siguradong may ka-date na itong iba.

“Ano ba namang attitude yan mare e mukhang hindi ka man lang na-excite” ang sabi nito na nakataas pa ang mga kilay.

“E wala naman akong makaka-date noh” ang nakasimangot niyang sabi dito.

“Well may 2 weeks ka pa naman para humanap ng partner make it memorable mare dahil last na natin ito noh” ang sabi nito sa kanya.

“Natasha may naghahanap sayo” ang sabi ni Vera na kadarating lang.

“Sino?”  ang nagtataka niyang tanong dito.

“Malay puntahan mo na para malaman mo” ang sabi nito at kinindatan pa siya.

Kaya tumayo na siya agad at pumunta sa may pintuan.

“Hi Natasha im Kevin Ilianas class B” ang sabi ng guwapong lalaking naghihintay sa kanya sa labas ng kanilang classroom.

“Oh hi anything I can do for you” ang sabi niya at tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kanya kinailangan pa niyang higutin ang mga kamay niya dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak.

“Sorry” ang nakangiti nitong sabi sa kanya.

“Its ok” ang maikli niyang sagot dito.

“This is for you” ang sabi nito sabay abot sa kanya ng 3 red roses.

“Thank you” ang sabi niya sabay kuha ng inaabot nitong mga bulaklask.

“I hope you like them” ang sabi nito sa kanya na parang nahihiya at yumuko pa.

“Yeah Hindi ka na sana nagabala pa” ang nakangiti niyang sabi dito dahil natuwa siya sa itsura nito na parang hiyang-hiya sa kanya.

“Oh no Hindi kaabalahan yan para sakin basta nagustuhan mo Lang” ang sabi nito na nakangitisa kanya ng pagkatamis-tamis.

“I have to go na baka malate ako sa klase namin” ang paalam nito sa kanya at nakangiti pang kumaway.

“Sure thanks again” ang sabi niya dito at ng papasok na sana siya sa kanilang classroom ay muntik na niyang natamaan si Aljon nakatayo pala sa may pintuan.

“Mukhang nagpapacute sayo ah”  ang sabi nito na mukhang mainit ang ulo dahil medyo tumaas pa ang boses nito na akala mo ay may kaaway.

“Hmm I don’t know he seem’s nice anyway and cute” ang sabi niya at kitang kita niya ng dumilim ang mga mukha nito na parang ilang sandal na lang ay handa na itong manakal ng tao.

“Yeah pretty obvious kasi mukhang panay din ang pacute mo” ang masungit nitong sabi sa kanya na ikinagulat niya aba’t mukhang siya ata ang makakatikim ng init ng ulo nito e wala naman siyang ginagawang masama dito.

“Ano naman ang problema doon? I dont have boyfriend anyway” ang masungit na rin niyang sabi dito dahil nagtataka siya kung bakit napakainit ng ulo nito kani-kanina lang ay pasimuno ito ng ingay.

“Yeah pero Sana naman e Hindi kayo diyan sa harap ng pintuan naglalandian” ang pagalit nitong sabi sa kanya na lalong ikinapanting ng kanyang tenga dahil talagang inuubos nito ang pasensya niya.

“Hoy Aljon ano ba ang pakialam mo huh? Hindi naman kita Boyfriend” ang sigaw niya dito dahil nagpanting ang mga tengga niya sa sinabi nito imagine sinabihan siyang nakikipaglandian,

“Hindi mo nga ako Boyfriend pero nakaharang naman kayo sa daan at nakakaistorbo” ang sigaw din nito sa kanya

May sasabihin pa sana siya dito ng bigla na lang siya nitong talikuran kaya pumasok na rin lang siya saloob ng classroom nila at kitang kita niya ang mga classmate nila  na nakikinig pala sa away nila ni Aljon.

Kinahapunan uwian na nila pero nakiusap si Annalyn samahan na muna nila ito dahil hihintayin pa raw nito si Anton na may practice pa ng basketball kaya napagkasunduan na lang nila na umupo muna sa may damuhan nang may lumapit sa kanila.

“Hi you are Natasha right?” ang nakangiting bati sa kanila ng bagong dating, guwapo ito bagamat medyo may kaliitan.

“Hi yes why?” ang sabi niya rito dahil nagulat siya sa paglapit nito pang ilan na ba ito sa lumapit sa kanya sa buong maghapon kahit parating may nagpapakilala sa kanya at minsan pa nga ay nagtatangkang manligaw ay parang hindi pa rin siya masanay-sanay.

“Im Allan im a huge fan” ang sabi nito at iniabot sa kanya ang mga kamay nito.

“Nice to meet you” ang sabi niya dito pagkatapos abutin ang kamay nito na sumobra sa lambot mas dinaig pa ata nito ang mga kamay niya.

“I’ve been waiting to meet you for a long time, kaso nahihiya ako dahil baka ipahiya mo ako” ang sabi nito na ikinatawa nilang lahat hindi dahil sa nahihiya ito or ipapahiya niya kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi nito na para bang takot na takot sa kanya.

“I don’t bite” ang sabi niya rito habang nakangiti.

“I know your just too beautiful kaya nahihiya akong lumapit baka kasi supladahan mo ako” ang sabi nito na ikinatawa niya.

“At bolero ka naman” ang sabi niya dito na pabirong itinaas ang mga kilay.

Makikipagusap pa sana ito sa kanila pero dumating na sila Aljon kasama si Anton kaya nagpaalam na ito sa kanila.

“Mukhang tuwang tuwa ka sa pakikipagusap sa mga lalaki halos lahat ata ay hindi mo pinalalagpas” ang sabi sa kanya ni Aljon na ikinapula ng kanyang mga mukha dahil narinig ng mga kaibigan niya at ni Anton ang sinabi nito.

“Are you insunating something Aljon?” ang tanong niya dito halos panginigan siya ng laman dahil sa narinig.

“Well it seems everytime I saw you you are too busy flirting with different guys” ang sabi nito na ikinapanting ng kanyang mga tengga dahil sinabihan naman siyang naglalandi ano bang magagawa niya kung panay ang lapit sa kanya ng mga lalaki at isa pa anong karapatan nitong pagsalitaan siya ng ganyan kung umasta ito ay parang nobyo niya.

“That’s it” ang sabi niya at ang tayo niyang iyon ay sinampal ito hindi na niya maatim pang pakinggan ang pinagsasabi nito insult are being hurled at her twice in one day from this man and if she let this slip again she will be damn.

“You have no right to say those words to me Aljon bec I never flirt with anyone and I don’t need to stoop that low para lang makakuha ng lalaki, how dare you, insult me like a whore” ang naiiyak na niyang sabi dito.

“At isa pa ano ba ang problema mo kung makipagusap ako sa mga lalaking lumalapit sa akin huh? Boyfriend ba kita?” ang patuloy niyang sabi dito at marahas na pinahid ang mga luha na tumulo na pala dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya para dito. Ilang sandal muna ang pinalipas ni Aljon bago sumagot.

“I’m jelouse darn it” ang sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.

“W-wh-y? ang naguguluhan niyang tanong dito si Aljon nagseselos? Pero bakit wala naman silang relasyon nito.

“Because I’m inlove with you that’s why” ang sigaw nito sa kanya na ikinagulat niya maging ng mga kaibigan nila.

“Aljon” ang tangi na lang niyang nasambit dahil hindi niya napaghandaan ang sinabi nito.

“I am so inlove with you that its hurt me everytime I see you talking so happy with other guys samantalang pag ako ang kausap mo halos magsalubong lagi ang mga kilay mo” ang mahina nitong sabi sa kanya

“Aljon I- i-“ ang hindi niya matuloy tuloy na sabihin dahil napakalakas ng tibok ng kanyang puso na halos bumingi na sa kanya.

“I’m sorry” ang narinig niyang sabi nito at mabalis na itong tumalikod at iniwan silang natutulala ng mga kaibigan nila.

“Natasha I know you and Aljon always fight but he is really inlove with you I can see it in his eyes everytime he talk about you and look at you” ang sabi ni Anton makalipas ang ilang sandali

“Bigyan mo siya ng pagkakataong ipakita ito sayo Natasha mukha naman talagang mahal ka niya” ang sabi ni Annalyn sa kanya.

“Why don’t you follow him mukhang may feelings ka rin naman sa kanya?” ang suhesyon ni Vera sa kanya.

“Huh?” ang nagtataka niyang tanong dito how come nasabi nitong may feelings siya para kay Aljon ganoon ba siya ka-transparent sa nararamdaman?A ewan basta ang alam niya napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib.

“I saw you and Aljon kissing sa may falls” ang sabi nito na nanunukso ang mga ngiti sa labi nito.

“Hey nagkiss kayo ni Aljon? Bakit wala ata akong alam diyan?” Ang nagtatakang tanong ni Annalyn sa kanya na lalo lang ikinapula ng kanyang mukha.

“He just save me kasi muntik na akong malunod” ang natataranta pa niyang paliwanag sa mga ito.

“Oh and you kiss him?” ang tanong ni Annalyn

“Ofcourse not siya kaya ang humalik I just simply respond” ang pilya niyang sagot sa mga ito habang pulang pula ang mga mukha na ikinatawa ng mga ito.

“Go Natasha follow him, and follow your heart” ang pagtataboy sa kanya ng mga kaibigan at bahagya pa siyang itinulak.

“But I don’t know where he go” ang nakayuko niyang sabi sa mga ito

“I know where puntahan mo siya sa basketball court” ang masayang sabi sa kanya ni Anton

“Thank you Guys wish me luck” ang nakatawa niyang sabi sa mga ito bago tumakbo.

Nang makapasok siya sa court ay narinig nga niya ang sunod sunod na shoot ng bola sa ring pinanood niya muna ito sandali habang nagiipon siya ng lakas ng loob ng maya-maya ay nakita niyang gigil na gigil niton inihagis ang bola sa may dingding kaya dali dali niyang dinampot ang bola at sinubukang i-shoot ito kaso dahil hindi naman siya marunong ay sa gilid lang ito tumama.

“Diyan sa ring dapat hinahagis ang bola hindi sa dingding” ang sabi niya dito ng lingunin nito ang pinanggalingan ng bola.

“What are you doing here” ang sabi nito sa kanya na hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

“Well bigla ka na lang tumakbo pagkatapos mong magtapat ni hindi mo nga narinig ang sagot ko” ang nakangiti niyang sabi dito at umupo sa tabi nito na halatadong nagulat sa sinabi niya.

“What is your answer” ang sabi nito sa kanya na nakakunot pa rin ang mga kilay.

“Hmm mukhang masungit ka pa rin ata sige lalabas na muna ako” ang sabi niya dito at tumayo pero naramdaman niyang hinigot siya nito kaya bumagsak siya sa katawan nito.

“Aljon” ang nasabi niya dito damang dama niya ang matigas nitong katawan dahil napaibabaw siya dito ng higutin nito ang mga kamay niya.

“Natasha” ang nasabi nito na parang hirap na hirap.

Tatayo na sana siya pero kumilos ito at nagkapalit sila ng puwesto siya na ngayon ang nasa ilalim nito pagkalipas ng ilang sandali nilang titigan ay naramdaman niyang gusto siya nitong halikan.

“Aljon” ang tanging nabigkas niya dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

“Natasha I love you” ang sabi nito sa kanya na pinakatitigan ang kanyang mga mata at kitang kita niya kung gaano ang sinisikil nitong damdamin.

“I love you too” ang mahina niyang sabi rito na ikinagitla nito.

“What did you say Natasha?” ang naninigurong sabi nito sa kanya.

“Hmm hindi ka nakikinig” ang sabi niya rito na nakataas ang mga kilay.

“Please pakiulit I just want to make sure” ang sabi nito na nakangiti sa kanya habang ang mga mata nito ay nagkikislapan dahil sa passion at kasiyahan na nararamdaman nito.

“I love you Aljon Montalban” ang sigaw niya dito na umecho sa buong court.

“I hope that’s loud enough” ang sabi niya pa rito na ikinatawa nito.

“Oh Natasha I love you so much, oh you make me so happy” ang sabi nito sa kanya at hinalikan siya na tinugon naman niya ng buong puso.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na ito at iniabot sa kanya ang mga kamay nito para tulungan siya and she accepted it with all her heart when she finally able to stand he embrace her so tightly but gently.

“Natasha you are mine now right” ang sabi nito habang nakayakap pa rin sa kanya.

“Yes and you are mine too” ang sagot niya rito.

“Lets go home now” ang yaya nito sa kanya.

“Ok” ang sabi niya at magkaakbay na silang lumabas ng auditorium.

“Aljon wag muna nating sabihin kahit kanino na tayo na ok?” ang masuyo niyang sabi dito habang pauwi sila

“Huh bakit naman ikinahihiya mo ba ako?” ang nagtatampo nitong sabi sa kanya.

“No ofcourse not its just that magugulat sila dahil kanina lang ay magkaaway tayo tapos paguwi natin mag nobyo na tayo ni hindi mo nga ako nilagawan noh  gusto ko pa naman sanang maranasan ang maligawan” ang mahaba niyang sabi dito na nakasimangot dahil ang bilis niyang bumigay.

“Ok sweetheart kung yan ang gusto mo hindi mo natin sasabin but I want you to promise that you will tell them soon ok?” ang pagbibigay nito sa hiling niya.

“Thank you and I promise you, I will tell them real soon” ang sabi niya dito at bahagyang inihilig ang mga ulo sa balikat nito.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 5Unexpected Love: Chapter 7 >>

162 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 6

Leave a Reply