Unexpected Love: Chapter 5

This entry is part 6 of 13 in the series Unexpected Love

ARAW ng pasko pero parang wala siyang gana  hindi niya maintindihan siguro dahil halos isang linggo na niyang hindi nakikita si Aljon bagamat katabing bahay lang nila ang mga ito ay wala naman sila Aljon nagbakasyon kasi ang buong pamilya ng mga ito sa America para doon magpasko kasama ang iba pang kamag-anak ng mga ito.

“Natasha iha, bakit nakasalumbaba ka diyan” ang tawag pansin sa kanyang Ina hindi man lang niya ito napansing nakalapit na.

“Wala naman po mommy medyo naiinip lang po ako” ang matamlay na sagot niya rito.

“Anak may sakit ka ba? May masakit ba sayo?” ang sunod sunod na tanong ng nagaalala niyang ina at isinalat pa ang kamay nito sa kanyang noo.

“Wala naman po akong sakit mommy pero hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako” Ang naguguluhan niyang ring sagot sa Ina.

“Bakit anak?” ang nagtataka nitong tanong sa kanya

“Hindi ko po alam basta parang may gusto ako na hindi ko maintindihan” ang nakayuko niyang sagot dito dahil Hindi niya talaga maintindihan Kung ano ang nangyayari sa kanya basta ang alam niya lang ay malungkot na malungkot siya.

“Napapansin ko nga Anak mula ng dumating kaya galing sa Mt. Arayat parang lagi kang may hinihintay” Ang sabi nito sa kanya na hinawakan pa ang kanyang buhok at hinimas ito.

“Mommy paano mo nalaman na inlove ka kay daddy?” ang nahihiya niyang tanong dito

“Oh simple lang anak lagi kong namimiss ang daddy mo pag nakikita ko naman siya parang sasabog ang dibdib ko dahil so sobrang excitement at higit sa lahat lagi ko siyang naiisip at parang ayaw kong matapos ang mga sandaling magkasama kami” ang sabi nito na nagniningning ng sobra sobra ang mga mata.

“Oh don’t tell me inlove na ang baby ko?” ang sabi nito sa kanya na nanlalaki pa ang mga bilugan nitong mata.

“Naku hindi po Mommy bata pa ako” ang sabi niya sabay pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi ng kanyang ina.

“Nagbablush ka Iha your inlove tell me who’s the Lucky Guy huh?”  ang patuloy na pangungulit ng kanyang mommy at pilit hinahagilap ang kanyang mga mata na naglilikot.

“Wala talaga Mommy kanino naman ako magkakagusto noh” ang patuloy niyang sabi habang umiiling- iling pa

“Iha I’m your Mother so I know when you’re telling the truth and I think right now you’re inlove and let me guess its Aljon” ang tudyo nito sa kanya na ikinapadyak ng kanyang mga paa.

“Ang Mommy talaga bakit ko naman magugustuhan ang mukhang tuko na yon” ang namumula niyang sabi sa Ina hindi rin niya maintidihan ang sarili kung bakit namimiss niya ito at habang naguusap sila ng ina ay ito ang kanyang naiisip.

“Ok kung ayaw mo talagang umamin” ang pagsuko nito na may nakangiti ng pagkalapad-lad.

“O siya pasok na at aalis na nyan tayo” ang sabi nito at tinalikuran na siya dahil kailangan na nilang pumunta sa Lolo’t Lola niya dahil taon taon sa bahay ng kanyang Lolo sa Father side sila nagpapasko at pag bagong taon naman ay sa kanyang Lolo sa Mother side naman sila.

Bagamat napakasaya ng atmosphere sa buong paligid ng bahay ng kanyang mga Grand parents ay hindi pa rin niya maramdaman ito nakangiti siya pero hindi tumatagos sa kanyang mga mata, kaya ninais na lang niyang pumunta sa may Swing malapit sa Swimming pool napakatahimik doon at payapa nagulat pa siya nang lapitan siya ng Kakambal at iabot sa kanyang ang Cellphone nito.

“Bakit kuya?” ang nagtataka niyang tanong bagamat kinuha na rin niya rito ang cellphone at sinenyasan siya nitong sagutin ang phone bago ito tumalikod.

“Hello?” ang nagtataka niyang sabi sa kabilang linya dahil basta lang iniabot ng kanyang kuya ang phone at umalis na rin ito.

“Hello Natasha Merry Christmas” ang sabi ng nasa kabilang linya na nagpadagundong sa kanyang dibdib

“Aljon?” nagtaka pa siya dahil nanginginig ang kanyang boses habang sinasabi ito na hindi naman nangyari kahit kailan

“Yes the one and only” ang Masaya nitong sabi na para bang nakangiti ito sa kanya kahit ba boses lang nito ang naririnig niya.

“Are you still there Nastasha?” ang narinig niyang sabi nito dahil bahagya na pala siyang natitigilan dahil hindi siya makapaniwalang kausap niya ito sa kabilang linya.

“Yeah im still here ba-bakit ka pala napatawag?” ang nasabi na lang niya rito pagkatapos niyang bumuntung hininga dahil parang kinakapos na siya ng hangin.

“Nothing really, I just want to greet you guys a happy holiday” ang sabi nito pagkalipas nang ilang sandal tila ba nagisip muna ito ng isasagot.

“Ah ganon ba Merry Christmas din paki sabi kila Tito at Tita merry Christmas also” bahagya na siyang napapangiti hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit masayang – Masaya siyang marinig ang boses nito.

“Thanks I will make sure to deliver your greetings” ang sagot nito sa kanya na napasuwabe nang pagkakasabi.

“Ku-kumusta ka na pala diyan? Im sure your having all the fun of your life hehe” ang nasabi niya rito makalipas ang ilang sandaling pagpapakiramdaman nilang pareho parang nangangapa sila ng sasabihin sa isa’t isa na napaka rare mangyari dahil dati dati pag sila ang magkausap ay halos mabingi na sila sa kaka-argumento.

“Eto ok lang medyo malungkot” ang sabi nito na mababakas ang lungkot sa boses nito habang sinasabi iyon.

“Why naman?” ang naga-alala niyang tanong dito.

“Because I miss something” bagamat mahina ang pagkakasabi nito ay napakalakas pa rin ng dating nito sa kanyang tenga.

“Sus what do you miss naman? Nandyan halos ang buo ninyong kamag-anak you should be happy dahil nagkita-kita kayo ulit” ang nasabi na lang niya dito pero sa kaila-ilaliman ng isip ay umaasa siya na siya ang nami-miss nito.

“Well that’s true and im happy na nakita ko ulit ang mga kamag-anak namin but I miss—” ang hindi nito masabi-sabi narinig pa niyang tumikhim ito sa kabilang linya parang inaalis ang bara sa lalamunan.

“But you miss what?” ang excited niyang tanong dito hindi niya maintindihan ang sarili para siyang biglang sinilihan.

“I miss you” ang napakahina nitong sabi sa kanya na nagpalukso nang milya milya sa kanyang puso akala pa nga niya kakailanganin na niya ng CPR dahil biglang nanikip ang puso niya sa sobrang saya.

“Ha- ha– ha whatever!!! Ako? Mamimiss mo?” ang nasabi na lang niya dito dahil masyado pa siyang naliliyo sa sobrang saya Imagine na miss daw siya nito.

“Ayaw mong maniwala Miss kawayan?” ang tila nagtatampo pang sabi nito sa kabilang linya

“Maniniwala na sana ako sayo kaso tinawag mo pa akong kawayan kaya humanap ka na lang ng ibang kausap” ang nanghahabang nguso na sabi niya dito.

“Sus ikaw naman di na mabiro wag mo nang patulisin pa ang mga nguso mo at malapit na akong matusok mula dito sa sobrang haba niyan”  narinig pa niyang tumawa ito ng malakas.

“Ah pang-asar ka talaga sa buhay ko lalaki ka hindi ka na siguro magbabago kahit kailan ang mabuti pa magpaiwan ka na lang diyan sa America or better yet tumalon ka na lang sa Eroplano para naman matahimik na ang buhay ko” ang patuloy pa rin niyang litanya na tinawanan lang nito ng pagkalakas-lakas.

“Sus ikaw naman if I know pag nawala ako mag-iiiyak ka niyan” ang patuloy nitong panunudyo sa kanya animo tuwang tuwa ito.

“Yeah mag-iiiyak ako sa sobrang kaligayahan dahil sa wakas nawala na rin ang mukhang kulugo na walang alam gawin kundi putak-tiin ang buhay ko” ang nakangiti na rin niyang sabi dito dahil nahahawa na siya sa Masaya nitong boses.

“Grabe ka naman kung magsalita akala mo ikaw lang ang naaburido sa pagmumukha ko for your info ako rin sumasakit na ang mata ko sa tuwing makikita ka na parang kawayang laging nakaharang sa daan ko noh” ang sabi nito na tumatawa pa rin.

“Ah ewan ko sayo mas gugustuhin ko pang magbitay na lang sa puno ng kamatis kesa pagtiyagaan kang kausapin” ang naiirita niyang sabi dito saka pinatay ang telepono.

Lalo siyang nairita nang hindi ito agad tumawag sa kanya. Lumipas pa ang isang minuto ibabato na sana niya ang cellphone nang kuya niya ng bigla itong magring muntik pa nga itong mahulog dahil sa pagkagulat niya.

“Hey bakit mo naman pinatay” ang himig nagtatampo nitong sabi ng sagutin niya

“Nakakainis ka kasi anyway Bakit ngayon ka lang ulit tumawag?” ang nagmamadali niyang sabi dito habang nakasalubong pa rin ang mga kilay.

“Uyy Hinihintay mo pala ang tawag ko ah” ang sabi nito na nanunukso ang boses.

“Hoy hindi kaya noh bakit ko naman hihintayin ulit ang tawag mo e pinatayan nga kita ng cellphone dahil nagsasawa na akong kausap ka” ang defensive niyang sabi dito dahil nahuli tuloy na naiinis siya dahil hindi ito agad tumawag ng patayin niya ang phone.

“Nakita ko kasing mauubos na ang battery kaya I charge it muna” ang paliwanag nito.

“Ate Natasha halika na tawag ka na ng Mommy mo mag-oopen na raw ng present” ang narinig niyang tawag ng istorbo niyang pinsan .

“Ah Natasha tawag ka na ata. Sige next time na lang ako ulit tatawag Merry Christmas ulit”  ang paalam nito sasagot pa sana siya kaso pinatay na nito ang cellphone naiirita niya tuloy tinitigan ang pinsan niya.

“Naku sorry Ate Natasha nakaistorbo pala ako sa lambingan ninyo ng Boyfriend mo” ang nakakalokong sabi pa ng napakakulit niyang pinsan.

“Sira hindi ko Boyfriend yun noh halika na nga” ang nakasimangot niyang sabi dito at hinigot na ito papasok sa bahay.

“Oh Natasha mabuti naman nandito ka na kanina ka pa namin hinihintay” ang sabi ng kanyang Lola Julia ng makapasok siya sa loob ng bahay.

“Sabi ko naman sayo Lola matatagalan pa yan kasi kausap niya si Aljon” ang nanunuksong sabi ng kanyang kuya na ikinapula ng kanyang mga mukha kaya lalo lang siyang pinagtuksuhan ng mga ito.

“Nakakainis ka Kuya Nathan tigilan mo na nga kakatukso mo sa akin sa mukhang tukmol na yon” ang nasabi na lang niya dahil sa pagkapahiya nakatingin kasi lahat sa kanya ang kanilang mga kamag-anak na nagtatawa.

“Natasha naman ang guwapo-guwapo ng batang yon bakit tukmol naman ang tawag mo” ang natatawang sabi ng kanyang Lola dahil matagal na rin namang kilala ng mga ito si Aljon.

“Sus anong guwapo Lola Malabo na talaga ang mga mata mo” ang nakasimangot na niyang sabi sa mga ito kahit ang totoo ay gusto niya ring sumang-ayon sa sinabi ng kanyang Lola dahil talagang napakaguwapo nito pero naunahan na siya ng hiya dahil tutuksuhin siya lalo ng mga ito.

“Alam mo Natasha sa ganyan nagsimula ang love story namin ng Lolo mo.” Ang sabi ng kanyang Lola habang buong suyo itong pinakakatitigan ng kanyang Lolo.

“Hay naku Lola iba kayo ni Lolo, Nunca na magkatuluyan kami ng mukhang tukmol na yon” ang defensive niyang sabi sa mga ito.

“Naku Apo wag ka magsalita ng patapos at baka mabilaukan ka sa bandang huli dahil si Aljon pala ang kapalad mo” ang pananakot pa ng kanyang Lola .

“Never” ang malakas ngunit kulang sa diin niyang sabi sa mga ito dahil sa kaibuturan ng kanyang puso ay may unti-unti ng umuusbong na damdamin para kay Aljon at natatakot siyang harapin ito dahil baka siya lang pala ang may nararamdaman para dito at lumuha lang siya ng pako sa bandang huli.

Mabuti naman at tinigilan na ng mga ito ang pangi-gisa sa kanya dahil naging abala na ang mga ito sa pagbubukas ng regalo  ng matapos na ang lahat sa pagbubukas ay may iniabot sa kanyang maliit na box ang Kuya Nathan niya.

“Wow ang sweet naman ng Kuya ko at may pahabol pa ulit siyang regalo” ang nakangiti niyang sabi sa kuya Nathan niya pagkatapos kuhanin ang box na inaabot nito.

“Wrong Sis, Hindi sa akin galing yan nakita ko lang yan kanina sa gate ng bahay tapos nabasa kong may nakasulat na pangalan mo kaya dinala ko na dito” ang sabi nito sa kanya na parang may inililihim na ngiti.

“Hmm kanino kaya galing ito wala namang nakasulat na pangalan” ang sabi niya habang patuloy na tinitignan kung kanino yon nanggaling.

“Baka may Secret Admirer ka Ate” ang sabi ng kapatid niyang si Natalie.

“Buksan mo na Iha baka may nakasulat sa loob” ang excited na sabi ng Mommy niya dahil nakita niyang sa kanya na halos nakatingin ang mga kasama ay binuksan na niya agad ito para lang magulat dahil napakaganda ng kuwintas na nasa loob nito may initial pa niya na may maliliit na bato.

“Wow Ate ang ganda-ganda naman niyan siguradong bagay sayo yan” ang namamanghang sabi ng kapatid niyang si Natalie.

“Naku kanino kaya yan galing mukhang mamahalin” ang narinig niyang sabi ng Daddy niya.

“Oo nga wala ka bang nakitang sulat or card Nathan ng Makita mo yan?” ang tanong ng kanyang Lola Julia sa kakambal niya.

“Wala po Lola” ang sabi nito.

“Oh well baka nga secret admirer mo Natasha at nahihiyang magpakilala” ang sabi ng kanyang Tita Fatima na asawa ng Tito Tyron niya.

“Ewan ko po baka pero ang ganda talaga” ang sabi niyang kumikislap ang mga mata habang nakatingin sa kuwintas.

“Daddy paki suot naman po” ang pakiusap niya sa kanyang Daddy sabay yuko para maisuot nito sa kanya at ng maisuot na niya ay lalong napangiti ang mga kasama niya.

“Napakaganda iha bagay na bagay sayo” ang sabi ng kanyang Mommy na kumikislap ang mga mata.

“Oo nga Iha naku dalaga ka na nga talaga at may mga nagreregalo na sayo ng mamahalin” ang sabi naman ng kanyang Lolo na nakangiti rin sa kanya.

“Sana pag-dalaga na ako may magbigay din sa akin ng ganyan” ang sabi ng kanyang Bunsong kapatid na si Natalie.

“I’m sure Iha, dahil pareho kayong napakaganda ng Ate mo” ang sabi naman ng kanyang Mommy.

Pagkatapos ng sandaling kuwentuhan pa ay nag kanya kanya na silang pasok sa kuwarto para matulog katabi niya si Natalie na panay pa rin ang tingin sa kanya.

“Bakit Tal” ang tanong niya sa kabatid na mula pa ng mga bata sila ay Tal na ang tawag nila ng kambal dito.

“Sino kaya ang nagbigay sayo ng kuwintas Ate?” ang tanong nito sa kanya na nagpaisip sa kanya wala siyang maisip na maaaring magbigay noon sa kanya.

“Ate hindi kaya si Kuya Aljon?” ang sabi nito na nagpakunot sa kanyang makinis na noo.

“Imposible alam mo namang kaaway kong Mortal yun noh baka granada ang ibigay noon sa akin kesa kuwintas” ang nakanguso niyang sabi sa kapatid na ikinatawa nito.

“Grabe ka naman Ate hindi naman Granada ang ibibigay noon baka kamo Bomba” ang sabi nito at sinabayan pa ng nakakalokong tawa.

“Ah ganoon ah Bomba pala” ang sabi niya sabay kiliti sa tagiliran nito na ikinasigaw nito muntik pa itong mahulog sa kama dahil sa kakaiwas sa kiliti niya kaya tinigilan na niya ito baka kasi mahulog ang pilya niyang kapatid na kamukhang kamukha ng kanilang Mommy.

“Naku Matulog na nga tayo kung ano-ano na ang sinasabi mo Natalie” ang sabi niya sabay talikod dito at ng mahawakan niya ulit ang kuwintas ay pilit niyang iniisip kung sino ang puwedeng magbigay noon sa kanya hanggang sa sumakit na ang kanyang ulo ay wala pa rin siyang maisip kaya naiinis na natulog na lang siya kesa masiraan pa ng ulo.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 4Unexpected Love: Chapter 6 >>

161 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 5

Leave a Reply