Unexpected Love: Chapter 4

This entry is part 5 of 13 in the series Unexpected Love

ALAS SINGKO pa lang nang umaaga ay nakagayak na si Natasha dahil maaga silang aalis nang kanyang mga kaklase dahil napagkasunduan nilang pumunta sa Mt. Arayat para mag hiking nakakatuwang isipin na halos kalahati ng klase ay nagkaisa na mag hiking bago mag Christmas break para na rin silang nagkaroon nang fieldtrip ang kaibahan nga lang ay walang mga guro na sasaway sa kanila.

Nang makarating sa school ay halos wala pa ang kanilang mga kaklase na sasama sa kanilang hiking narinig niyang tinatawag siya nila Annalyn na nakaupo sa may bench kasama si Vera at apar na lalaki dali dali niyang nilapitan ang mga ito.

“Akala ko wala pang tao natatakot pa naman ako”  ang sabi niya sa mga ito nang makalapit siya

“Kadarating nga Lang namin eh by the way hindi raw sasama yung iba nating kaklase nagtext sila kanina kay Jerome” ang sabi Ni Vera sa kanya
 
“Ganon ba? Sayang naman mas Masaya Sana kung madami tayo” ang sabi niya sa mga ito na sinangayunan din nang iba pa niyang mga kasama

“Oh nandito Na pala si kawayan” ang masayang sabi ng bagong dating sa kanila

“Hmpt nandito nap o ang mukhang kulugo masisira na naman ang araw ko” ang nakasimangot niyang sabi dito

“Sus kung alam ko lang masayang Masaya ka dahil nandito na ako” ang nakangiti pa nitong sabi sa kanya

“Ang kapal mo talaga Kung ipupok Ko kaya ang pagmumukha mo sa semento tignan mo kung hindi umimpis yan” ang naiirita niyang sabi dito imagine siya daw masayang masaya dahil kasama ito halerrr ang lakas talaga ng hangin.

“O tama na kayo talaga ang aga-aga nagpipikunan na kayo” ang pananaway sa kanila ni Annalyn

“Ewan ko ba naman dito kay Natasha lagi na lang ako ang nakikita” ang tila pagsusumbong pa ni Aljon sa mga kasama

“Aba’t talagang iniinis mo ako naku bahala ka na nga sa buhay mo” at akmang magwa-walk out Na siya ay naramdaman niya ang masuyong paghatak nito sa kanya kaya napaharap siya dito

“Oh ano ang hinahawak mo sa kamay ko baka magka-allergy ako niyan huh” ang sabi niya rito sabay mabilis Na pinagpag ang mga kamay nitong nakahawak sa mga kamay niya dahil hindi niya nagugustuhan ang init na hatid ng mga kamay na yon.

“Sus kayo talagang dalawa para kayo laging may LQ” ang tukso sa kanila ng mga bagong dating na kaklase nila

“Ewan ko sa inyo buti pa paki pasak na lang itong mukhang tukmol na ito sa inudoro para naman hindi ako naalibadbaran sa pagmumukha niyan” ang sabi niya sa mga ito dahil hindi niya nagugustuhan ang biro nang  mga ito sa kanila of all people kay Aljon pa siya ipapartner.

“Akala mo naman Kung sino tong magsalita, Baka naman nagkakagusto ka na sa akin at dinadaan mo lang sag alit?” ang panunukso pa nito sa kanya dahil mukhang nasaktan sa sinabi niya kaya gumaganti.

“Okay kids enough tutal nandito na tayo lahat kaya alis na tayo” ang yaya sa kanila ni Jerome na mas matanda sa kanilang lahat.

Hindi karamihan ang nakasama sa kanilang lakad mga kinse lang silang lahat anim na girls at walo na boys naghati hati sila para magkasya sa dalawang van pinagusapan na ang mga babae sa isang van at lalaki sa kabila pero ayaw pumayag nang iba kaya nagkanya kanya nang sakay silang lahat at sa kamalas malasan ay kay Aljon pa siya nakatabi.

Pagkalipas nang tatlong oras ay nakarating din sila sa Mt. Arayat kumain muna sila ng breakfast at bumili nang pagkain at inumin at tuloy tuloy na silang umakyat nang bundok.

“Ang hirap hirap naman, Aljon pakialalayan naman ako oh” Ang maarteng sabi ni Maricar kay Aljon.

“Sorry Mari pero mabigat na rin itong dala ko kung aalalayan pa kita baka mahulog na tayo” ang Mahinahong sabi Ni Aljon kay Maricar.

“Buti nga ang arte-arte bakit kasi sumama pa siya e wala pa nga sa kalahati ang nilalakad natin” ang bulong niyang sabi kay Annalyn na natatawa lang sa kanya.

“Sus hayaan mo na alam mo namang matagal na patay na patay yan kay Aljon” ang sabi naman nito Na ikinasimangot niya

“Sobrang arte kasi “ang nagpupuyos niya pa ring sabi

“Ahemm parang nagseselos ka ata sista” ang sabat naman ni Vera

“Ano ako magseselos?? Never” ang super defensive naman niyang sagot kaya  lalo lang nagtawanan ang mga ito.
 
Humihinto Lang sila para magpahinga kaya bago magtanghalian ay nakarating din sila sa pinakamagandang spot kaya pinagkasunduan nilang duon na lang magstay dahil halos nang kailangan nila ay nandoon nakatago ito at mukhang walang masyadong tao at bukod pa sa napakaganda nitong falls.

Pagdating pa Lang nila ay nagtayo Na nang tent ang mga boys samantalang sila namang mga babae ay naghanap nang mga kahoy para ipanggagatong nila mamaya sa pagluluto doon kasi sila magoover night. Makalipas ang ilang sandali ay nakaipon sila nang sapat Na panggatong para hanggang bukas at naitayo na rin ang mga tent.

“Hey guys lets go swim Na mukhang masarap ang tubig” ang masayang yaya sa kanila ni Vera

“Ok saan tayo magpapalit?” ang tanong Ni Annalyn

“Don’t worry girls pinagtayo naming kayo nang dressing roon” ang sabi ni Anton sa kanila at kinindatan pa si Annalyn nito.

“Thanks Anton” ang sabi ni Annalyn na may napakagandang ngiti para dito.

“Hmmm I smell something fishy” ang Masaya niyang sabi sa mga ito naikinapula nang mukha ng dalawa.

Pagkatapos magbihis ay sabay sabay nang nagpunta ang mga girls sa may falls, wala pa siya sa mood magswimming kaya naglakad lakad na muna siya at sulit dahil may nakita siyang napakagandang hot spring tumingin tingin muna siya sa paligid bago niya hinubad ang kanyang tshirt ang natira na lang ay ang kanyang bikini.

“OH ang sarap naman” ang nasabi Na Lang niya pagkatapos lumublob sa mainit init na tubig napakarap talaga nito sa kanyang pakiramdam lalo na at galing sila sa mahabang lakaran.

“Wow may diwatang naligaw sa kagubatan at ngayon ay nagpapakasawa sa hot spring” ang narinig niyang sabi nang boses Na nakilala niyang si Julius at nang lingunin niya ito ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil Nasa harapan na niya si Aljon kasama si Julius.

“What the heck” ang natataranta niyang sabi Hindi alam Kung paano itatago ang sarili sa mga ito

“Don’t worry wala naman kaming nakita eh enjoy your dip” ang sabi nang tumatawang si Julius habang si Aljon naman ay nakatuon ang buong atensiyon sa kanya.

“Go away” ang sigaw niyang pagtataboy sa mga ito at sinabuyan pa niya ang mga ito nang tubig para lumayo.

Nang makaalis ang mga ito ay Dali dali siyang umahon at isinuot ulit ang kanyang tshirt at short. Nang makabalik siya sa kanilang camp ay walang mga tao papasok na sana siya sa loob ng tent nang marinig niyang tinatawag siya ni Annalyn kaya pumunta na lang siya sa mga ito.

“Saan ka ba nanggaling kanina ka pa naming hinahanap” ang sabi sa kanya ni Annalyn ng makalapit siya sa mga ito na nakaupo sa may batuhan.

“Sa tabi tabi lang” ang sabi niya rito at nang tignan niya ang mga ito mukhang enjoy na enjoy sa paliligo at dahil mukhang napakasarap maligo kaya nagdive na rin siya sa may tubig di na niya inalis ang kanyang suot na tshirt at short  dali dali na siyang lumangoy ng lumangoy paikot ikot.

“Hanep ah para kang sirena” ang narinig niyang sabi nang mga kaklaseng lalaki nang iangat niya ang kanyang ulo sa tubig at bahagyang ipiniling ang ulo para maalis ang tubig na nakaharang sa mukha at buhok.

“Napakaganda at sexy na sirena” ang sabi naman Ni Julius Na parang may ipinahihiwatig ang mga tingin sabay tawa.

“Whatever” ang sabi niya sa mga ito at tumatawang sinabuyan nang tubig ang mga matang nakatingin sa kanya at dali-dali siyang lumangoy papunta sa may falls at nang malapit na siya ay naramdaman niyang parang pinupulikat siya bigla siyang nagpanic dahil malayo siya sa mga kasama at nang maramdaman niyang unti-unti na siyang lumulubog ay nawawalan na siya ng pagasang makaahon pa nang may bigla na lang humigot sa kanya at inilangoy siya sa may bato sa likod ng tubig nang falls.

“What are you thinking” ang narinig niyang sigaw sa kanya ni Aljon habang sisinghap-singhap pa rin siyang nakakapit dito.

“Omg I thought —–I thought I’m oh” at Hindi niya mapigilang umiyak dahil akala niya ay katapusan Na talaga niya kanina dahil halos wala na siyang hangin sa baga.

“Its ok hush don’t cry your safe now” ang sabi nito at niyakap siya, dahil nanglalambot pa rin siya dahil sa takot ay hinayaan na lang niyang yakapin siya nito dahil pakiramdam niya ay mas ligtas siya habang yakap nito.

Makalipas ang ilang sandali ay tumahan na rin siya sa pagiyak ng mapayapa na ang kanyang loob ay unti unti niyang naalala na yakap pa rin siya ni Aljon kaya dahan dahan niya itong itinulak palayo sa kanyang katawan.

“Are you ok now?” ang tanong nito sa kanya at ng tumango siya ay unti unti na itong ngumiti

“Don’t scare me like that ever again ok?” ang sabi nito sa kanya at nang titigan niyang ito ay nakapinta pa rin sa mga mukha nito

“I didn’t mean to, Anyway thank you for saving me” ang sabi niya rito at nangilabot nang maalala na muntikan na siyang malunod.

“Its ok im just so glad im around Kung hindi —” hindi na nito tinapos pa ang gustong sabihin bigla na lang siya nitong niyakap at na pakahigpit nito na para bang takot na takot na mawawala siya dito kung hindi siya nito yayakapin ng mahigpit.

“Im just so Glad, God I almost lost you” ang mahina nitong sabi bagamat naguguluhan sa ibig nitong sabihin ay hindi na siya nagtanong pa yumakap na lang siya dito.

At nang iangat nito ang kanyang baba Hindi niya maintindihan ang sarili Kung bakit bigla na lang niyang ipinikit ang mga mata parang natakot siyang mabasa ang nakasulat sa mga mata nito.

“Natasha! Look at me please open your eyes” ang mahina nitong sabi na parang nahihirapang huminga at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nakita niyang unti unting lumalapit ang mukha nito sa kanyang mga mukha hindi niya alam kung ano ang gagawin iiwas ba siya o hahayaan itong ipagpatuloy ang ginagagawa ang huli ang kanyang pinili.

Naramdaman Na Lang niyang lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi muntik pa niya itong maitulak habang nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa nararamdamang kilabot para bang isang libong karayom ang ngayon ay tumutusok sa kanya.

Nang maramdaman niyang pilit pumapasok ang napakakulit na panauhin sa kanyang bibig ay buong puso niya itong ibinukas habang unti-unti namang pumupikit ang kanyang mga mata at naramdaman na lang niya ang mga dila nito ay nasa loob na ng kanyang bibig at pilit siyang pinatutugon bagamat walang kamuwang-muwang sa ganoong bagay ay madali siyang natuto dahil maya-maya lang ay nakikipaglaban na siya dito ng halikan.

Habang lumalalim ang kanilang halikan ay unti-unti niyang nararamdaman na parang may natatagong damdamin ang unti-unti nang nagigising at ngayon ay gusto nang sumiklab. Nagulat pa siya nang mamalayan niyang wala na pala sa mga labi niya ang mga labi nito at nang tingalain niya ito nakita niyang nakatitig ito sa kanya.

“Whats wrong? Did I do something wrong?” ang nagalala niyang tanong dito ng makita itong parang natitigilan.

“No it’s just— I don’t want to lose my control” ang sabi nito na ikinalaki ng kanyang mga mata ng maunawaan ang ibig nitong sabihin kaya bahagya siyang napaatras palayo dito.

“We better go back there now kaya mo na bang lumangoy?” ang tanong nito sa kanya na mababasa pa rin ang paghahangad sa mga mata nito.

“I think so” ang sabi niya rito at nauna na siyang bumaba dito sa tubig at palangoy na sana ng pigilan siya ni Aljon.

“Natasha” ang sabi nito habang pinipigilan ang kanyang mga kamay dahil may gusto pa sana itong sabihin ngunit inunahan na niya ito.

“Please don’t say sorry” ang pakiusap niya rito at sinabayan na nang langgoy pabalik sa mga kaibigan nila nagulat pa si Annalyn ng yumakap siya dito ng makalapit sa mga ito na abala sa pagtatampisaw.

“Hey whats wrong?” ang sabi nito sa kanya at pilit siyang inihaharap.

“Nothing just let me embrace you for awhile” naramdaman na lang niyang tumutulo na pala ang kanyang mga luha hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit basta naiiyak na lang siya.

“Oh honey” ang nasabi Na Lang Ni Annalyn sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Maya-maya Lang ay nauna Na sila Ni Annalyn umahon sa falls at pagkatapos magbihis ay niyaya siya nitong maglakad-lakad sa paligid.

“Napakaganda talaga ng MT. Arayat” ang humahangang sabi niya dito habang Panay ang ikot ng kanyang mga mata sa nag-gagandahang mga puno.

“Oo nga napakasarap ng hangin at maririnig mo Lang huni ng mga ibon at paghalik ng mga hangin sa puno” ang may pagkamata nitong sabi na ikinatawa nilang pareho.

“Annalyn are you inlove?” ang natatawa niyang tanong dito kitang kita niya Kung paano biglang kumislap ang mga mata nito

“Yes!” ang Masaya nitong sabi sabay yakap sa kanya na bahagya pa niyang ikinagulat dahil akala niya ay tatanggi ito sa sinabi niya.

“Really? Kanino?” ang excited niyang tanong dito at iniyakap na rin ang mga kamay sa bewang nito at pilit tinitignan ang expression nito.

“Kay Anton”  ang namumula pa nitong sabi sabay yuko ng ulo parang itinatago ang pamumula ng mga pisngi nito.

“OMG sabi ko na nga ba e ang mga tinginan ninyong dalawa parang may sinasabi” ang natutuwa niyang sabi dito dahil matagal na niyang napupuna ang palihim na tinginan ng mga ito na parang nagkakaintindihan kahit hindi nagsasalita.

“Kayo na ba?” ang dagdag pa niya na lalo lang ikinapula ng mga pisngi nito na akala mo ay makopa at dahan dahang tumango.

“Oh my bakit wala man lang kaming kaalam alam kayo ha napaka masikreto” ang kunwaring nagtatampo niyang sabi dito at bahagya pang kinumpas ang mga kamay.

“Ito naman nagtampo pa, kanina ko rin lang naman siya sinagot eh” ang nahihiya pa nitong sabi sa kanya.

“Binibiro lang naman kita, Im so happy for you bestfriend” ang Masaya niyang sabi dito at niyakap ulit ito ng mahigpit.

“Mukhang nagkakasayahan kayong dalawa dyan ah” nagulat pa silang pareho ni Annalyn sa boses na narinig kaya napabitiw sila sa pagkakayakap.

“Ano ka ba naman Anton aatakihin kami sa puso dahil sayo” ang malambing na sabi  ni Annalyn dito na ikinatawa lang ni Anton habang siya ay hindi malaman kung ano ang gagawin dahil nasa harap niya ngayon si Aljon at taimtim siyang tinititigan kaya hindi niya namalayang pulang pula na pala ang kanyang mukha.

“Hoy Natasha bakit namumula ka?” ang nagtatakang tanong ni Annalyn sa kanya na bahagya pang hinawakan ang kanyang pisngi.

“Sus bakit naman ako mamumula baka dahil sa gulat ko lang yun” ang pagkakaila niya pero naging mailap ang kanyang mga mata.

“E bakit nga ba mukhang masayang-masaya kayong dalawa?” ang nakangiting tanong ni Anton sa kanilang dalawa.

“Well ikinuwento Lang naman sa akin ng best friend ko na na-isnatch mo na raw ang puso niya” ang nakatawa na niyang sagot at kitang kita niya ng pamulahan ng pisngi ang dalawa.

“What Anton? Napasagot mo na si Annalyn?” ang halatadong nagulat Na tanong ni Aljon.

“Well since ibinuko na ako aamin na rin, sinagot na ako ni Annalyn kanina” ang masayang Masaya nitong sagot kay Aljon at bahagya pang kinindatan ang kanyang kaibigan.

“Wow pare congrats naku ha binata ka na talaga may gf ka na ngayon” ang masayang panunukso nito kay Anton.

“Ikaw talaga pare oh ang ingay mo mahahalata tuloy na first time kong mag ka gf” ang namumula pa sa hiyang sabi nito kay Aljon

“Ok lang yun Anton pareho Lang naman kayo nitong Bestfriend ko” ang natatawa niyang sabi at huling huli niyang nagtinginan at ngitian na lang ang dalawang mag kasintahan.

“Shucks ha makaalis Na nga Lang dito at pinapapak Na ako ng mga antik sa sobrang tamis ng tinginan ninyong dalawa” at natatawa siyang tumalikod at iniwan ang nagtatawanang magkasintahan at si Aljon.

“Ingit ka Lang humanap ka na kasi ng boyfriend para di ka maingi o kaya ayan si Aljon wala naming girl friend” ang narinig niya pang kantiyaw Ni Annalyn.

Nagtuloy-tuloy Lang siya ng lakad nang biglang may marinig siyang mga yabag na tila sumusunod sa kanya kaya dali dali siyang nagtago sa likod ng puno at ng dumaan ang sumusunod sa kanya ay sinipa niya ito ng pagkalakas- lakas.

“Aray ko po” Nagulat pa siya dahil boses ni Aljon ang narinig niya at ng tignan niya ang pinagmulan ng boses ay natataranta siyang lumapit dito dahil nakita niyang hawak nito ang brasong tinamaan ng kanyang sipa.

“Bakit mo naman ako sinipa Natasha” ang sabi nito sa kanya habang hawak pa rin ang brasong nasaktan.

“Ikaw naman kasi bakit mo ba ako sinusundan” ang natataranta niyang sabi dito sabay hawak sa kamay nitong nasipa niya.

“Masakit ba” ang tanong niya dito at ng tumango ito ay hinimas himas niya ang parting nasaktan at napatingala siya rito ng marinig niyang suminghap ito

“Sorry napadiin ba ang hawak ko?” ang nagaalala niyang tanong dito at bahagyang ginaanan ang paghaplos dito.

“No its just—” ang sabi nito na parang naguguluhan dahil hindi na nito tinuloy pa ang gustong sabihin at hinigot nito ang hawak niyang braso.

“Bakit?” ang nalilito niyang tanong dito dahil nakita niyang parang hindi ito mapakali parang nasasaktan na hindi niya maintindihan.

“Nothing don’t mind me” Ang sabi nito at sinabayan ng talikod napasunod na lang ang nagtataka niyang tingin dito dahil kitang kita niya na halos tumakbo na ito sa pagmamadali.

Nang mapagod ay bumalik Na siya sa camp nila tamang tama naman na nagsisimula nang maghanda ng pagkain ang mga kaklase niya kaya tumulong na siya sa mga ito. Masaya silang nagsalo salo sa mga pagkaing dala nila merong kanin, pork and beans, meron ding corn beef at inihaw na manok kaya busog na busog ang lahat ng matapos mag-gabihan.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagkakayaan ulit mag night swimming ng tumangi ang iba dahil malamig Na di niya mapigilan sabihin sa mga ito ang tungkol sa hot spring.

“May nakita akong maganda hot spring sa may looban its pretty big and warm” ang sabi niya sa mga ito

“Really?” ang natutuwang tanong ng mga ito na halatang na excite sa sinabi niya.

“Yes” ang sagot niya sa mga ito na napapangiti dahil sa nakakatuwang ekspresyon ng mga ito.

“Alright lets go there” ang mabilis na sabi ni Jerome at nagpagpag na ng salawal.

“Ok kukuha Lang kami ng pamalit” ang sabi ni Maricar na parang sinisilihan ang mga puwit na kumekembot pa papunta sa tent ng mga ito.

Kanya-kanyang pasok ang bawat isa para kumuha ng damit pangligo at ng matapos ang lahat  ay sabay sabay nang nagtungo sa hot spring na nakita niya tuwang tuwa ang mga ito ng Makita kung gano kalaki at kasarap ang mainit init nitong tubig.

“Hanep ang sarap sa katawan” ang sabi Ni Anton Na naupo sa tabi ni Annalyn na katabi naman niya.

“Yeah lalo na ang layo ng nilakad natin kanina, Aljon come seat beside me” ang namumungay pang sabi Ni maricar Na ikinaismid niya lalo pa siyang sumimangot ng Makita niyang tumabi nga dito si Aljon at dikit na dikit pa ang dalawa.

“Ang landi talaga” ang nakasimangot niyang bulong sa sarili tamang tama nakatingin sa kanya si Aljon kaya dali dali niyang binawi ang tingin sa mga ito.

“Hey Natasha bakit ngayon mo Lang tinuro ito” ang nakangiting sabi ni Aliza isa sa mga kaklase nila

“Ofcourse sinubukan ko muna para naman alam ko kung paano ibebenta sa inyo diba” ang biru niya dito na ikinatawa ng mga ito.

“Sus if I know gusto mo Lang solohin” ang nakaismid na sabi ni Maricar sa kanya.

“Yeah right paano ko naman ito sosolohin akin ba ito? And as if naman kasing selfish ako ng iba diyan” ang nakairap din niyang sagot dito na ikina-inis nitong lalo.

“Did you just call me selfish?” ang nakataas na kilay na tanong nito sa kanya na halatadong napahiya sa sinabi niya dahil nakita pa niya ang talim ng mga tingin nito sa kanya.

“Well Kung tinamaan ka then ikaw nga siguro ang tinutukoy ko” ang mataray niyang sagot dito sasagot pa sana ito pero nakita niyang hinawakan ni Aljon ang kamay nito na parang sinasabing tama na, na lalo lang niyang ikinainis.

“Mauna na ako sa inyo Im tired” ang paalam niya sa mga kasama hindi na niya hinintay pang sumagot ang mga ito dahil dali-dali na siyang umahon.

“Sama na ako sayo Nat” ang sabi ni Annalyn sa kanya na halatadong gusto lang siyang damayan.

“No its ok ikaw naman kaya ko na sarili ko plus nandoon naman si Julius walang dapat ikabahala” ang sabi niya sabay talikod sa mga ito.

“Take care Natasha” ang narinig niyang sabi ng mga kasama kaya itinaas niya na lang ang kanyang isang kamay.

Habang naglalakas siya pabalik ay hindi niya maiwasang mainis, Naiinis siya kay Maricar dahil sa sinabi nito sa kanya, Naiinis din siya kay Aljon dahil nakita niyang hinawakan nito ang kamay ng bruha at lalo siyang naiinis sa sarili niya dahil hinayaan niyang masaktan siya sa nakita ang hindi niya maintindihan ay kung bakit siya nasasaktan.

“Nagseselos ka Natasha” ang bulong ng puso niya sa kanya.

“Ako Magseselos? Bakit naman e galit nga ako sa mukhang kulugo na yon” ang sabi naman ng kanyang isip.

“Ah tumahimik nga kayong pareho” ang napalakas niyang saway sa kanyang isip at puso na nagtatalo na akala mo mga tao ang kanyang sinasaway.

“Mahirap na yan Natasha kinakausap mo na ang sarili mo” ang narinig niyang boses na nagpalundag sa kanya dahil sa kabiglaan di niya tuloy napansin ang nakausling ugat kaya babagsak na sana siya kung hindi siya nito nasalo sa bewang.

“Ano ka ba naman Aljon papatayin mo na ba ako sa takot?” ang nanginginig niyang sigaw dito habang nakayakap ang mga kamay nito sa kanyang bewang.

“Hey sorry masyado ka kasing busy sa kakausap sa sarili mo hindi mo tuloy narinig na tinatawag kita” ang bulong nito sa kanya amoy na amoy na niya ang mabango nitong hininga dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha.

“Halos mamatay ako sa gulat sayo noh! Bakit mo ba kasi ako sinusundan?” habang pilit niyang binabaklas ang pagkakayakap ng mga braso nito sa kanya

“Okay na ako kaya puwede mo na akong bitawan” ang mataray niya pa ring sabi dito at itinulak pa ang dibdib nito.

“Ok” at dahan dahan siya nitong itinayo.

“Bakit mo ba kinakausap ang sarili mo? Mahirap na yan sabi nga nila kausapin mo daw ang sarili mo ok pa, pero pag nagsimula ka nang sumagot ay malala na raw ang tama mo” ang natatawa pa nitong sabi sa kanya na lalong ikinasimangot niya

“Hmpt kahit kailan talaga buwisit ka” ang galit na galit niyang sabi dito dahil sa pagkapahiyasa sinabi nito.

“Ano Na naman ba ang ginawa ko bakit galit na galit ka nanaman sa akin” ang nakunot noong tanong nito sa kanya halatang naguguluhan sa ikinikilos niya.

“Ah ewan ko sayo matagal ng mainit ang dugo ko sayo kaya aalis na ako baka matuyuan ako ng dugo pag ikaw pa rin ang kinausap ko” ang nakasimangot na sabi niya dito at ng akmang lalakad na siya nang bigla siyang nakarinig nang nakakapangilabot na tunog kaya dali dali siyang napabalik at napayakap kay Aljon na tatawa tawa.

“Ano bang itinatawa-tawa mo dyan” ang nagmamarakulyo niyang tanong dito na hindi pa rin bumibitiw sa pagkakayakap dito.

“Ang tapang tapang mo kanina yun pala sa owl lang takot ka” at lalo pa itong tumawa ng malakas na ikinabuwisit niya kaya sinipa niya ang paa nito.

“Aray bakit mo ginawa yon” ang namimilipit nitong tanong sa kanya at pilit hinihimas ang pang sinipa niya.

“Bagay sayo yan hmpt” at Dali dali na siyang tumalikod dito at nagpunta na sa camp nila.

Nang makapasok siya sa tent nila ay naiinis pa rin siya sa sarili dahil hindi niya maipaliwanag kung bakit nagagalit siya kay Aljon dahil nakita niya itong hinawakan si Maricar at tumabi pa ito doon. Dahil sa pagkaalala ay lalo lang siyang nainis nagulat pa siya ng bahagyang tampalin ni Annalyn ang kanyang nguso hindi niya namalayang nakapasok na pala ang mga ito.

“Bakit ang haba na naman ng mga nguso mo?” ang natatawa nitong sabi sa kanya

“Ouch ha bakit mo naman tinampal ang nguso ko” ang naiirita niyang tanong dito at bahagyang hinawakan ang ngusong tinampal nito.

“In case hindi mo namamalayan ang haba-haba ng nguso mo noh muntik na nga akong nasabit ng papasok na ako” ang biro nito sa kanya na ikinatawa na rin niya.

“Ito talaga para namang carry ng lips ko ang ganon kataas” ang sabi niya habang pilit pinahahaba pa ang mga nguso parang sinusubukan kung gaano nga kahaba ang kanyang nguso.

“Sira ka talaga sige ka papangit ka niyan” Ang tumatawa pa rin nitong sabi at humiga na sa tabi niya.

“Bakit nga ba ang haba ng nguso mo Natasha?” maya-maya ay seryoso na nitong tanong sa kanya habang nakahiga silang pareho sa tent nila.

“Paano kaya itong si Aljon parang timang nakakainis talaga” ang sumbong niya dito habang humahaba Na naman ang kanyang mga nguso sa pagkaalala sa taong kinaiinisan niya.

“Huh bakit Na naman?” ang tanong nito na halatadong sanay na sanay na sa kadramahan nilang dalawa ni Aljon

“Hmpt basta naiinis ako sa kanya” ang sabi niya  pa dito at inayos ang kumot nila dahil medyo lumalamig na sa loob ng tent.

“Kayo talagang dalawa kelan pa kaya kayo magkakasundo baka naman sa kakaaway ninyong dalawa ay kayo rin ang magkatuluyan sa huli” ang natatawa nitong sabi sa kanya.

“Never” ang nabiglang sabi niya rito pero ang kanyang puso ay parang ayaw sumang-ayon.

“Naku Natasha baka kainin mo ang sinabi mo, May kasabihan nga na hate is just a thin line away from love” ang sabi nito kaya Hindi niya maiwasang hampasin ang mga braso nito na ikinatawa lang nito ng malakas.

“As if naman applicable yan sa akin” ang sabi niya pa rito.

“What if love na pala yang nararamdaman mo at hindi mo lang alam dahil sanay kang nagagalit dito at nakikita ito” ang sabi nito sa kanya at itinukod pa ang kamay sa baba nito habang nakaharap sa kanya at walang kangiti –ngiti.

“Then ill just cross the bridge when I get there” ang nasabi Na Lang niya pero naitanong niya sa sarili kung yun na ba ang kanyang nararamdaman Para kay Aljon.

“Best friend may itatanong ako sayo” ang medyo nahihiya niya pang sabi dito makalipas ang ilang sandal.

“Sure basta wag Lang Algebra” ang sabi nito Na ikinatawa nilang pareho dahil pareho silang dalawa na mahina sa Algebra.

“Ikaw talaga puro biro” ang sabi niya dito saka kinurot ito ng mahina sa tagiliran na ikinatawa nito dahil malakas talaga ang kiliti nito sa tagiliran.

“Ang serious mo kasi masyado baka maistroke ka wala pa namang ER dito”  ang pakengkoy pa nito.

“Sira! Pero seriously speaking paano mo malalaman Kung inlove ka Na?” nakita na lang niyang nalalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanyan ng tignan niya.

“What??” ang nagtataka niyang tanong dito at umayos na ng higa.

“Don’t tell me your inlove best?” ang nanghuhuli nitong tanong sa kanya at pilit pang tinititigan ang kanyang mata.

“Sira hindi ko nga alam kung ano ang feeling na yun e kaya tinatanong kita” sabay hikab niya dahil sa sobrang pagod na kanyang nararamdaman ay di niya namalayang nakatulog na pala siya habang kausap si Annalyn.

“Tignan mo itong babae na ito nagtatanong tinulugan naman ako” ang nasabi na lang ni Annalyn dahil tulog na tulog na siya.

Naramdaman na lang ni Natasha na nagkakaingay sa labas at ng imulat niya ang mga mata ay nagulat siya dahil tanghali na pala kaya dali dali siyang nagsuklay ng buhok at kinuha ang kanyang towel para makapaghilamos siya.

“Good morning sleepy head” ang masayang bati sa kanya ni Annalyn na masayang nagkakape kasama ang iba pa nilang kaklase habang nakaharap sa bonfire na may nakasalang na takore.

“Coffee Natasha?” ang nakangiting sabi ni Julius sabay taas pa ng tasa.

“Morning guys, later magpe-freshen up muna ako” ang sabi niya sa mga ito at ngumiti.

Dali-daling nagpunta siya  sa falls para maghilamos umupo muna siya at pinakatitigan ang sarili sa napakalinis na tubig ng hawakan niya ang tubig ay medyo malamig kaya dali-dali na siyang nagsipilyo ng maghihilamos na sana siya ay bigla na lang niyang narinig si Aljon sa likuran niya dahilan para mahulog siya sa malamig na tubig

“Ohhhhhhh shh—iii—t ang lamig” ang napakalakas niyang sigaw dahil nanoot sa kanyang katawang ang parang nagyeyelong tubig na binagsakan niya.

“Natasha omg” ang natataranta namang sabi ni Aljon na lumusong din sa tubig para tulungan siya dahil para siyang sisiw na nagpapasag.

“Oh how I hate you papatayin mo ba talaga ako Aljon?” ang nakakabinging sigaw niya ng tuluyan na siyang makaahon sa hindi naman ganoon kalalim na tubig.

“Ako? Bakit ano na naman ginawa ko?” ang nagtatakang tanong nito sa kanya at pinakatitigan pa ang kanyang mukha.

“Ginulat mo ako kaya nahulog ako sa tubig” ang nanginginig niyang sabi dito at iniyakap ang mga braso sa dibdib.

“Guys whats going on? OMG Natasha bakit ka naman lumublob dyan” ang alanganing matawa o mainis Na tanong ni Vera na mukhang nagising sa lakas ng sigaw niya.

“Ahh si Aljon kasi ginulat ako nahulog tuloy ako sa tubig” Ang patuloy na panginig na sabi niya

“Ok enough aakuin ko na ang sala kaya sumama ka na sa kanila at magbihis baka magkasakit ka pa niyan eh” ang maga-alala nitong sabi sa kanya na ipinagtaka ng halos lahat dahil sanay ang mga ito na walang nagpapatalo sa kanila. Maski siya ay hindi halos makakilos sa kinatatayuan dahil sa pagkagulat dito biruin mo sa unang pagkakataon ay hinayaan siya nitong sigaw sigawan ito ng hindi man lang gumanti.

“Ano ba? Talagang gusto mong magkasakit sinabi ng magbihis ka Na” ang naiinis na sabi nito ng hindi pa rin siya kumilos ay walang sabi sabi nitong pinasan siya na parang bigas.

“Ano ba Aljon ibaba mo nga ako kaya ko namang maglakad magisa, May dalawa akong mga paa” ang hiyaw niya dito sabay bayo sa likuran nito na ni hindi man lang ito natinag kahit malalakas ang suntok niya sa likod nito kaya tumigil na lang siya tutal naman maganda ang view na nakikita niya dahil titig na titig siya sa may puwitan nito.

“There!” ang sabi nito sabay baba sa kanya ng makapasok na sila sa tent nila.

“Magbihis ka na or gusto mong ako pa ang magbihis sayo?” ang sabi nito na may nakapaskil na pilyong ngiti na nagpatulala sa kanya.

“You beast” ang sigaw niya dito ng makabawi sa pagkabigla at ibinato dito ang nahawakan niyang tuwalya.

Nang makaramdam ng ginaw ay Dali dali niyang hinubad ang kanyang basang damit at nagpalit. Saktong tinatawag siya ni Annalyn at sinabing magaalmusal na raw sila kaya mabilis niyang sinuklayan ang kanyang basang buhok at lumabas ng tent. Bahagya pa siyang nailang nang makitang sa kanya nakatingin ang halos lahat.

“What?” ang naguguluhan niyang tanong dahil pinakakatitigan siya ng mariin nang makalapit siya sa mga ito.

Umiling Lang ang mga ito pero bakas sa mukha ng kanyang mga kasama ang pagtataka parang may gustong itanong pero walang makakuha ng lakas ng loob kaya pinakatitigan na lang siya ng mga ito.

“Natasha ang sweet ninyo kanina ni papa Aljon” ang kinikilig na sabi ni Jerome sa kanya muntik na tuloy siyang mabilaukan ng iniinom na kape.

“What? Paano naman kami naging sweet ng kulugong iyon?” ang naiinis niyang tanong dito.

“Kitang kita kaya namin ng pasanin ka niya parang sa koreanobela” ang kinikilig na dagdag pa nito na ikinapula ng kanyang buong mukha

“Uyyyy nag bablush ang lola tell us nagkakaigihan na ba kayong dalawa?” ang patuloy pa rin nitong panunukso sa kanya.

“Oh back off Jerome hindi kami talo ng tukmol na yon baka magunaw ang mundo kapag naging kami noh” ang nakataas na kilay na sabi niya dito dahil sa nahihiya siya sa mga pinagsasabi nito.

“Oh really Natasha? Baka naman kainin mo ang sinabi mo” ang natatawa pa rin nitong sabi sa kanya

“Never! Sino naman ang magkakagusto sa tukmol na yon—”

“Natasha” ang sabi ni Annalyn sa kanya na may itinuturo sa likuran niya pero hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang kanyang pinagsasabi

“Napakasungit, arogante at higit sa lahat mayabang kaya never na never akong magkakagusto sa Aljon na yon” ang patuloy niya paring paglilitanya

“Oh really Natasha? Hinding hindi ka magkakagusto sa isang masungit, arogante at mayabang na tulad ko?” ang narinig niyang sabi ni Aljon sa may likuran niya na ikinaputla ng kanyang buong mukha dahil narinig ni Aljon ang lahat ng pinagsasabi niya.

“We’ll see about that” ang sabi nito sabay harap sa kanya  at ng nakaharap na siya dito ay sinibasib nito ng halik ang kanyang nakaawang na labi halatadong galit ito dahil sa rahas ng pagkakahalik nito.

Naramdaman niya pa ang bahagyang pamamaga ng kanyang mga labi ng pakawalan nito ang mga iyon , Dahil sa pinagsama-samang sakit at pagkahiya ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili at binigyan ito ng nakakatulig na sampal nakita niya kung paanong nag-iwan ng bakas ang kanyang mga palad at ng tatakbo na sana siya ay pinigilan nito ang kanyang mga kamay kaya kitang kita nito ang walang hintong pagdaloy ng kanyang mga luha kaya ang kaninay mahigpit nitong pagkakahawak sa kanya ay unti unting lumuwag hanggang sa tuluyan itong pakawalan at dali dali itong tumalikod sa kanila.

Hinabol ito ni Julius habang siya ay unti unting napaupo dahil sa panginginig ng kanyang mga tuhod.

“Shhh hush dear “ ang sabi sa kanya ni Annalyn at niyakap siya ng mahigpit.

“Im sorry Natasha hindi ko na dapat kinulit-kulit ka” ang mahinang sabi ni Jerome sa kanya.

“Its ok Jerome Hindi mo naman kasalanan yun eh ako ang may kasalanan nakakainis talaga ang Aljon na yon ni hindi man lang ako naka-paglipbalm” ang pabulong na sabi niya habang patuloy pa ring umiiyak napatawa pa ng mahina si Jerome at Annalyn dahil sa sinabi niya.

Nakamasid lang sa kanya ang kanyang mga kaklase hindi makapaniwala sa katatapos pa lang na pangyayari, Bagamat sanay ang mga ito na lagi silang nagaaway ni Aljon ay hindi pa sila nauwi sa puntong magsasakitan na silang dalawa ngayon lang.

Malapit na silang matapos magalmusal ngunit wala pa rin sila Aljon at Julius kaya pinagtira na lang sila ni Anton ng pagkain. Nang makatapos kumain ay dali dali na siyang pumasok sa tent at doon umiyak. Naguguluhan siyang hindi maintindihan nagagalit siya kay Aljon dahil hinalikan na naman siya nito at ang masama ay ginawa lang nito iyon dahil sa sama ng loob sa kanyang sinabi.

Habang nasa tent siya ay narinig niyang dumating na sila Aljon lalabas sana siya pero mas minabuti na lang niyang magtago sa tent kesa lumabas doon baka magkagulo na naman sila ni Aljon napapagod na rin siya sa kakabangayan nilang dalawa.

Nang maramdaman niyang nagsipag liguan na ang kanyang mga kasama ay dali dali siyang lumabas ng tent at naglakad lakad nakarating siya sa may hot spring nahiga muna siya sa mga damo na may maliliit na bulaklak.

Nakapikit siya at nakikinig sa huni ng mga ibon nang marinig niya ang yabag ng papalapit sa kanya kaya dahan-dahan siyang nagbukas ng mga mata bahagya siyang kinabahan ng Makita niyang si Aljon ang papalapit sa kanya tatayo na sana siya pero hindi niya magawa.

“Natasha I want to say sorry for what I did awhile ago” ang mahinang sabi nito sa kanya ng makalapit ito.

“Im sorry too hindi ko dapat sinabi ang mga iyon sayo” ang nakayuko niyang sabi dito naninibago siya dahil hindi siya sanay na ganito na parang maamong tupa sa harapan ni Aljon pero hindi niya magawang magsungit dito.

“I shouldn’t—” may sasabihin pa sana ito pero ipinatong niya ang kanyang mga daliri sa bibig nito.

“Natasha” ang mahinang bangit nito sa kanyang pangalan

“I didn’t mean what I say awhile ago I was ashame and mad kaya ko lang nasabi ang mga yon” ang mahina niyang sabi dito habang nakatitig siya sa mga mata nito na may namumuong kung anong damdamin.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang lunukin ang pride dati rati ay si Aljon ang humihingi ng tawad sa kanya na kadalasan ay hindi niya pinapansin sa halip na tanggapin ang sorry nito ay hihiyain niya pa ito at sasabihan ng kung ano ano.

Pero sa pagkakataong iyon kitang kita niya kung paano niya sinaktan ang damdamin nito ng sampalin niya ito kanina nakaramdam din siya ng sakit sa dibdib at hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niyang iyon.

“Natasha” ang nasabi na lang ni Aljon parang nauubusan ito ng sasabihin sa kanya dahil puro na lang pangalan niya ang binabangit nito.

“Puro na lang ba pangalan ko ang babangitin mo” ang natatawa niyang sabi dito na ikinangiti rin nito kahit pa napakaliit ng pagkakangiting iyon ay naramdaman pa rin niyang tumalon ang kanyang puso.

“Im really sorry Natasha not on the kiss bec I like it but im sorry on how and why I kiss you” ang sabi nito sa kanya na halos hindi maipinta ang pagsisisi na nakaguhit sa guwapo nitong mukha.

“I know and im sorry din for slapping you napahiya kasi ako” ang mahina niyang sabi dito parang may kung anong bumibikig sa kanyang lalamunan dahil sa pagkaalala sa ginawa niya.

“Natasha im really getting tired sa mga away natin para tayong mga batang paslit baka puwede naman tayong maging friends or kahit hindi na friends lets just be civil with each other” ang sabi nito sa kanya at bahagyang hinawakan ang kanyang mga kamay na kanina lang ay nakaharang sa mga labi nito.

“Me too, nagsasawa na ako sa kaiiringan natin at sa walang kakuwenta kuwentang mga awayan natin. Lets be friends ok?” Ang sabi niya dito sabay lahad ng mga kamay para makipag shake hand.

“Im sorry Natasha but we can’t” ang sabi nito na nagpaalis ng kanyang mga ngiti dahil tinanggihan nito ang kanyang pakikipagkaibigan pero bakit?

“Why Aljon ganon ba ako ka mean? Or malaki talaga ang galit mo sa akin?” ang mahina niyang sabi  nanlalabo na rin ang kanyang mga mata dahil sa luha. Naiinis siya sa sarili niya dahil bakit kailangan pang lumuha e ano ngayon kung tinanggihan nito ang pakikipagkaibigan niya.

“I cant accept it Natasha not bec I don’t want to be near you or be close to you but— but—” ang hindi nito matapos tapos na sabihin

“But what Aljon?” ang tanong niya rito na pilit inuunawa ang sinasabi nito.

“Because I love you” ang bulong nito na sa sobrang hina ay ni hindi man lang umabot sa kanyang pandinig kaya kinailangan pa niyang tanungin ulit ito.

“You what ALjon?” ang pagpapaulit niya sa sinabi nito dahil hindi niya narinig ang sinabi nito.

“Wala Natasha I said lets be civil to each other” ang sabi nito sa kanya she swear iba ang narinig niya kanina but well baka nagkamali lang siya ng dinig

“Ok sure” ang nasabi na lang niya dito bagamat hindi yun ang gusto niya sanang marinig dahil higit pa doon ang inaasahan sana niyang sasabihin nito.

Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay nagsipagkuha muna sila ng mga picture bilang remembrance sa pagpunta nila sa bundok pinilit pilit pa muna siya nila Annalyn bago napapayag na magpakuha ng picture na si Aljon lang ang kasama tuwang tuwa namang nanonood ang iba pa nilang kasama at habang pababa sila ng bundok ay panay pa rin ang kuhanan ng mga litrato kaya nang makarating siya sa kanilang bahay ay patang pata ang kanyang pakiramdam kaya hinayaan na lang siya ng kanyang mommy na matulog pagdating na pagdating niya.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 3Unexpected Love: Chapter 5 >>

161 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 4

Leave a Reply