Unexpected Love: Chapter 3

This entry is part 4 of 13 in the series Unexpected Love

PAGPASOK pa lang nila ng auditorium kung saan naglalaro ang mga basketball player ay naririnig na nila ang maingay na sigawan ng mga mano-nood kanya kanyang cheer sa mga paboritong player pero ang pinakamalakas na sigawan ay para sa lalaking kinaiinisan niya ng sobra.

“Go Aljon shoot that ball, shoot that ball” ang sigaw ng mga babaeng patay na patay kay Aljon na halos wala nang pakialam kung mapatid man ang mga litid ng mga ito sa sobrang kasisigaw.

“Hmpt ano kaya ang kinagaling ng Aljon na yan eh puro lang yabang” ang bulong niya sa sarili habang lalong nagkagulo ang mga nanonood dahil na shoot ni Aljon ang bola at naka 3 points ito.

Kahit labag sa loob niya ay di niya maiwasang humanga dito dahil talagang magaling ito maglaro in fact ito pa ang nagdadala ng team nila. Maya maya lang ay nakikisigaw na rin siya sa mga babae nang tignan siya ng mga kaibigan niya ay patay malisya siyang nagtext kunwari. Maya maya ay natapos din ang basketball at nanalo ang team nila Aljon na may mahigit 10 puntos na lamang sa kalaban. Dali daling nagsipagtakbuhan ang mga babae na kanikanina lang ay nagche-cheer sa kanilang likuran papunta kay Aljon na ang lalaki ng ngiti.

“Hmpt yumayabang na naman ang kulugong yan dahil maraming babae ang nagkakandarapa sa kakabati sa kanya” ang malakas niyang sabi sa sarili na umabot sa pandinig ng kanyang mga kaibigan kaya nagsitawa ang mga ito.

“Ikaw naman Natasha hayaan mo na talaga namang may dahilan siyang magyabang dahil talagang siya ang nagpanalo sa team nila” ang natatawang pagtatanggol ni Annalyn dito habang nakatingin din sa tinitgnan niya.

“Sino ba ang kaibigan ninyo siya o ako?” ang nakasimangot niyang sabi sa mga ito dahil hindi niya nagugustuhan ang pagtatanggol ng mga ito dito na para bang mga abugado ni Aljon.

“Ito naman nagtampo agad siyempre ikaw” ang sabi nang mga ito sa kanya na tumatawa pa rin at niyakap siya.

“Hey kanina pa ba kayo dito?” ang tanong ni Aljon na hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila

“E ano naman sayo Kung nandito kami?” ang mataray niyang sagot dito dahil naiinis siya Na kanina Lang ay pinagtatanggol ito ng kanyang mga kaibigan.

“Sus ang taray taray mo naman kala mo inaano kita e hindi naman ikaw ang tinatanong ko” ang sagot nito sa kanya at nakangiting lumingon sa mga kaibigan niya na lalo lang ikinalaki ng butas ng mga ilong niya dahil sa sobrang inis dito imagine hindi daw siya ang kausap.

“Mabuti naman Kung ganon dahil wala akong planong kausapin ka” at nagdadabog na tumayo siya para umalis na sa kinauupuang bench.

“Hey Natasha saan ka pupunta?” ang sigaw na tanong sa kanya ng mga kaibigan niya na hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan bagkus ay tinignan lang siya.

“E saan pa kundi hahanap ng guwapong makakausap, ang papangit kasi ng mga tao dito” ang nakasimangot niyang sagot sa mga ito habang nakatingin kay Aljon na nakangisi lang sa kanya.

“Ako ba ang sinasabihan mong pangit?” ang tanong nito sa kanya na bahagyang kumunot ang noo at naalis ang pagkakangisi.

“Ay mabuti naman at nakahalata ka rin akala ko kasing kapal na ng semento ang face mo” ang nakataas na kilay na sabi niya rito.

“Akala mo naman Kung sino kang maganda e mas- maganda pa sayo si dolly e” ang sabi nito na nakataas pa ang kalahati ng labi.

“How dare you!!! YOU—” ang naglalabasang litid na sigaw niya rito imagine mas maganda pa raw sa kanya si Dolly ang alaga ng mga itong dagang costa.

“Why Natasha Hindi ba totoo? Mabuti pa nga si Dolly laging cute na cute napaka cuddly pa hindi tulad mo na mukhang sinakluban lagi ng langit at lupa ang mukha dahil sa pagkasimangot” ang natatawa pa nitong sabi sa kanya kaya hindi siya nakapagpigil at inalis niya ang kanyang sapatos at ibinato dito ng malakas sa kasamaang palad ay sinalo lang nito ng walang kahirap hirap.

“Hey muntik na ako doon” ang sabi nito na lalo lang natawa ng malakas kaya napapatingin na sa kanila ang ibang estudyante na nakakarinig sa kanila.

“You… ahh kahit kailan talaga ikaw ang sumisira sa araw ko” ang naiinis niyang sabi sabay lapit dito.

“Akina na yang sapatos ko at nang makalayo na ako sa mukhang tukmol na tulad mo dahil lalo lang nasisira ang magandang araw ko” at ng akma na niyang kukunin ang kanyang sapatos ay itinaas lang nito ito sa kanya at dahil mas matangkad ito sa kanya ay hindi niya magawang maabot.

“Akina sabi yan eh… Ano ba? talaga bang wala kang magawang matino?” ang naiinis niyang hampas sa mga dibdib nito habang pilit pa ring inaabot ang kanyang sapatos.

“Ano ako, bali? Basta ko na lang iaabot sayo aba muntik na atang mapingasan ang kaguwapuhan ko kaya maghirap kang kuhanin muna ito” ang sabi nito sabay talikod sa kanya na bitbit pa rin ang kanyang sapatos.

“Buwisit ka talaga sa buhay ko Aljon pag naabutan kita makikita mo” at nagmamadali siyang bumaba at dahil sa kamamadali niyang abutan ito ay natumba tuloy siya at tumama ang mga paa sa bench.

“Natasha” ang sabay na sigaw ng kanyang mga kaibigan at dali daling nilapitan siya ng makita siyang tumumba.

“Arayyy ko po! ang sakit” ang namimilipit niyang daing habang hawak ang kanyang paa na may gasgas. Nakita pa niya sa sulok ng kanyang mga mata na natigilan si Aljon at lumingon sa kanya ng makitang namimilipit siya ay dali dali itong tumakbo palapit sa kanya

“Natasha are you ok? Im so sorry” ang natatarantang sabi ni Aljon ng makalapit ito sa kanya at lumuhod sa may harapan niya para tignan ang paa niyang nagas-gasan.

“Sorry ka dyan kasalanan mo ito kaya nasaktan ako” ang naiinis niyang sabi at ng makita niyang dumudugo ito ay halos himatayin siya sa takot.

“Im so sorry Natasha let me see” ang sabi ulit nito at hinawakan ang kanyang mga paa na dumudugo na

“Don’t touch me kasalanan mo ito kaya nasugatan ako” ang parang napapaso niyang sabi ng maramdaman niya ang init na nagmumula sa mga kamay nito na humahawak sa kanyang mga paa.

“No Natasha pls don’t, I need to see it” ang sabi nito nang pilit niyang inaalis ang mga kamay nito na nakahawak sa kanya.

“Oh my gosh ang dami ng blood oh” nang kinakapos na hiningang sabi niya dahil nakita na naman niya ang mapupulang dugo na lumalabas sa kanyang mga sugat. Malaki ang takot niya sa dugo dahil nagkaphobia siya ng masagasaan siya ng maliit pa siya kaya halos himatayin siya ngayon sa nakikitang pagtulo ng kanyang dugo.

“Shhh its ok Natasha its going to be fine” ang malambing na alo sa kanya ni Aljon ng makitang bahagya na siyang nanginginig at namumutla dahil sa sobrang takot.

“We need to bring her to the clinic namumutla na siya” ang natatarantang sabi ni Annalyn

Kaya Dali dali siyang binuhat ni Aljon magpro-protesta pa sana siya pero dahil nanghihina sa pinaghalong takot at ang di maipaliwanag na nararamdaman niya ay hinayaan na lang niyang buhatin siya ng mga ito nakita pa niyang halos magkandarapa si Aljon dahil sa pagkataranta.

Nang makarating sila sa clinic ay dali-dali siyang tiningnan ng school doctor nila at nang magamot ang kanyang sugat ay sinabihang magpahinga na lang muna siya hanggang sa mawala ang pangingirot nito.

“Natasha are you ok?” ang sabi nang kanyang nagaalalang kakambal na dali-daling pumasok sa kuwarto at lumapit sa kamang kinahihigaan niya.

“Kuya” ang nasabi na lang niya at yumakap ng mahigpit dito habang umiiyak na parang bata dahil sa sobrang takot na naramdaman niya kanina ng makita ang sariwang dugo na lumalabas sa kanyang paa.

“Its ok little sister everything is fine now” ang sabi ng kanyang kakambal habang yakap siya nito at hinihipo ang kanyang mahabang buhok.

“What happen Natasha? Sinabi na lang sa akin na dinala ka rito sa clinic” ang sabi nito ng bitiwan siya at pinahid ang kanyang mga luha.

“Its his fault kung hindi niya tinakbo ang shoes ko hindi ko sana siya hahabulin hindi rin sana ako nasugatan” ang naninisi niyang sabi sabay turo kay Aljon na nakatayo sa paanan ng kama habang nakayuko ang ulo parang bigla naman siyang naguilty ng makita ito sa ganong itsura kaya dali dali niyang binawi ang tingin.

“Im sorry hindi ko sinasadya I really don’t mean to hurt you” ang masuyo nitong sabi habang nakayuko pa rin ang ulo.

“Its ok Aljon alam ko namang hindi mo sinasadya may pagka clumsy kasi itong kakambal ko” ang sabi naman nang kuya niya habang nakangiti kay Aljon.

“Hmpt ako pa daw may kasalanan lumabas ka na nga, Dalhin mo na rin yang kaibigan mo” ang nakasimangot niyang sabi sa mga ito sabay talikod.

“Ang tampuhin talaga nitong kakambal ko o sige iwan ka na namin para makapagpahinga ka” ang sabi ng kuya niya sabay halik sa kanyang noo.

Nang maramdaman niyang nagsipaglabasan na ang mga kasama ay iminulat niya ang kanyang mga mata para lang magulat dahil nakatayo pa rin pala si Aljon sa gilid ng kamang kinahihigaan niya.

“O bakit nandito ka pa? di ba pinalabas ko na kayo?” ang Nakataas na kilay na sabi niya rito.

“I just want to say sorry Hindi ko sinasadya” ang sabi nito sa kanya at masuyo siyang tinitigan.

“Hmmm marunong ka rin palang magsorry akala ko puro lang kayabangan alam mo” ang masungit pa rin niyang sabi dito bagamat nagtataka dahil matagal na rin naman mula nang marinig niyang nagsorry ito sa kanya,

“Look Natasha, I really didn’t mean for you to get hurt and I’m really sorry” ang sabi nito na parang napikon sa sinabi niya dahil nagpapakumbaba na nga naman ito ay tinatarayan niya pa rin.

“Hmpt kasalanan mo talaga Kung bakit ako nasugatan pag nagkapeklat ako makikita mo” ang nakasimangot niya pa ring sabi dito bagamat Hindi na siya galit dahil alam naman niyang hindi lang ito ang may kasalanan kundi siya rin.

“Don’t worry kahit magkapeklat ka ay mas maganda pa rin sayo si Dolly” ang nanunudyo na nitong sabi sa kanya nang mahalata siguro na hindi na siya totoong galit.

“Ah buwisit ka talagang kulugo ka!!! Lumayas ka na sa kuwarto ko bago kita ipabugbog sa kuya ko” ang naiinis na naman niyang sigaw dito biruin mo nasugatan na nga siya sasabihin pa ring maganda si Dolly na daga kesa kanya.

“As if naman bubugbugin ako ng kuya mo alam na alam naman noon na ikaw ang laging nananakit sa akin” ang sabi nito sabay takbo palabas sa kuwarto niya kaya ang tinamaan na lang ng unang binato niya ay ang pinto.

Makalipas ang ilang oras ay pinauwi na rin siya ng doctor at sinabi nitong wag siyang magalala dahil hindi naman magpepeklat ito dahil maliit lang naman na galos ang tinamo niya sa pagkakatumba.

Hindi maipinta ang mukha ni Natasha ng malaman niyang magka grupo sila ni Aljon sa play na gagawin nila sa english. Ang teacher kasi nila ang namili ng magiging grupo nila kahit anong gawin niyang pakiusap sa teacher niya na ilipat siya ng ibang grupo ay hindi siya nito pinagbigyan. Ngayon nga ay nagme-meeting sila ng grupo para sa gagawin nilang play napagkasunduan kasi nila na ang gagawin nila ay ang Trojan war .

“Ano? Ayoko ngang maging Helen! Si Annalyn na lang” ang nakabusangot niyang sagot sa mga ito ng sabihin ng kanilang leader na siya ang gaganap na Helen at si Aljon ang kanyang kapartner.

“Hindi nga ako puwede Natasha kasi ako ang gagawa ng mga props nating gagamitin” ang sabi naman ni Annalyn

“At isa pa bakit naman ayaw mong maging Helen? Ayaw mo ba noon ikaw ang lead” ang pangungumbinsi pa ng iba niyang kagrupo

“Hay naku ayaw ko nga mas gusto ko pang maging kabayo or whatever sa play na ito kesa makapartner itong kulogo na iyan” ang naiinis niyang sabi sa mga ito sabay tingin kay Aljon na kumakain ng sandwich.

“Sus ang arte mo naman bakit anong akala mo gusto kong maging partner ka? Mas lalong ayaw ko noh” ang sabi rin nito na lalong ikinainit ng ulo niya dahil sa sinabi nito.

“Then kung ayaw mo pala e bakit hindi ka na lang mag back out tutal mas bagay naman sayo ang maging Kabayo” ang nakakunot na sabi niya rito dahil ayaw niya itong maging kapareha.

“Ayaw ko nga ako ang pinili nila bakit naman ako magbabackout plus hindi ako katulad mo na napakaarte” ang sabi nito sabay inom sa hawak na softdrinks.

“Sinong maarte huh? Paka ipasubo ko sayo ng buo yang boteng hawak mo” ang sumisipa pang dagdag niya habang galit na galit na nakatingin dito.

“Subukan mo para Makita mo naman kung ano ang ginagawa ko sa mga babaeng napakaarte” ang sabi nito sa kanya na nakangisi.

“Hmpt fine Helen na kung Helen basta palitan ninyo ang partner ko” ang final niyang sabi sa mga ito

“Hindi puwede Natasha nakabuo na ang script kung ayaw mo talagang gawin ang Helen then wala kaming choice kundi ang alisin ka sa group” ang pananakot pa ng kanilang leader na bakla.

“Fine bahala na kayo sa buhay ninyo basta pagdi ako nakapagpigil sa kulugong yan ay isusubo ko na yan sa inyo” ang masungit niyang sagot sa mga ito

“Ang arte arte sasangaayon din pala, bakit kasi pinipilit pa natin siya e kung ako na lang kasi ang kinuha ninyong Helen e di sana di na kayo nangungumbinsi” ang nakaingos na sabi ni Maricar na mula pa naman noon ay patay napatay na kay Aljon.

“Pagbuhulin ko kaya kayo ng tukmol na yan”  ang bubulong bulong niyang sabi habang nakairap pa mandin.

“Ano kamo Natasha?” ang tanong ng kanilang leader sa kanya.

“Ang sabi ko im very much willing na gumanap na Helen specially now meron pa lang may gusto” ang nakakaloko niyang sabi sabay tingin sa nakairap na si Maricar

“Okay so we are set now sa sabado na ang practice 8 am ok? Walang malalate” ang pagtatapos na sabi ni Jerome na kanilang leader.

Kinabukasan ay nagpatawag ulit ng meeting si Jerome dahil kailangan daw nilang pagaralan ang script nila kaya kahit ayaw niyang pumunta dahil  talagang sobrang sama ang kanyang pakiramdam ay wala siyang magagawa dahil ayaw ata niyang bumagsak noh.

Pagpasok pa lang niya ay nakita na agad niya ang taong laging sumisira sa araw niya kaya lalo lang sumama ang kanyang pakiramdam kaya nakasimangot siyang umupo sa tabi ni Annalyn.

“Hey Miss Late ka na ngang dumating sa meeting natin e sambakol pa ang pagmumukha mo” Ang nakangising sabi ni Aljon sa kanya pagkaupong pagkaupo pa lang niya.

“Whatever wala ako sa mood na pansinin ka kaya kung puwede bumili ka na lang ng kausap” ang naiirita pa rin niyang sabi dito dahil talagang masama ang pakiramdam niya parang sisipunin ata siya. Nagpatuloy sila sa pagpapractise pero talagang masama ang pakiramdam niya kaya parang wala siya sa sarili.

“Natasha ano ba mukhang hindi ka naman nakikinig eh” ang nakataas na kilay na sabi ni Jerome sa kanya

“Im sorry Jerome masama lang pakiramdam ko” ang nanghihina niyang sabi at umupo na.

“Umaarte lang ata yang si Natasha para hindi magpractise” ang nangiinis na sabi ni Aljon sa kanya

“Whatever” ang mahina niyang sabi sapat lang para marinig nito.

“Ok lets continue” ang pamamagitan ni Jerome sa kanila dahil alam nitong walang katapusan kung hiihintayin nitong matapos ang iringan nilang dalawa pero talagang hindi na kaya ni Natasha ang sakit na nararamdaman niya umiikot na rin ang tingin niya.

“Ano ba Natasha ikaw na ang susunod na magsasalita hindi mo ba nababasa” ang naiirita nang sabi ni Aljon sa kanya dahil kanina pa sila na dedelay dahil sa kanya.

“Natasha?” ang naririnig niyang tawag ng mga ito pero wala na talaga hindi na niya kinaya at bumagsak na lang ang kanyang ulo sa kinauupuan.

Naramdaman na lang niyang umangat ang kanyang katawan sa kinauupuan  kung sino ang bumubuhat sa kanya ay wala na siyang alam dahil tuluyan nang tinalo ng sakit ng katawan ang kanyang  pakiramdam. Nagulat pa siya ng magising dahil hindi pamilyar sa kanya ang kinaroroonan ang huli niyang natatandaan ay nagpapractise sila at may bumuhat sa kanya.

“Gising ka na pala Natasha” ang nakangiti niyang kakambal ang sumalubong sa kanyang tingin

“Nasaan ako kuya?” ang nanghihina pa rin niyang tanong at inilibot ang paningin sa puting paligid.

“Nasa hospital ka dinala ka rito kanina ng mga kaklase mo dahil hinimatay ka raw habang nagpapractise kayo” ang mahaba nitong salaysay sa kanya at hinawakan pa ang kanyang pisngi.

“Hey gising ka na pala” napalingon sila ni kuya Nathan niya sa may ari ng boses.

“Kayo pala Annalyn, pasensya na Jerome kung nakaabala ako” ang sabi niya sa mga bagong dating

“Naku ok lang yun bakit hindi mo naman sinabing may sakit ka pala pinauwi na lang sana kita agad” ang sabi ni Jerome na sa kuya Nathan na man niya nakatingin kaya napatawa siya ng mahina.

“OK na ako salamat pala sa pagdadala ninyo sa akin dito” ang nakangiti niyang sabi sa mga ito Bagamat nanghihina pa rin ang pakiramdam.

“Sus para yun lang si Aljon ang dapat mong pasalamatan dahil siya ang natatarantang nagdala sayo dito sa hospital nakalimutang meron tayong clinic” ang natatawang sabi ni Annalyn sa kanya

“Huh si Aljon? Siya ang nagdala sa akin dito?” ang nashock niyang tanong sa mga ito.

“Maniwala baka nga sa ilog pasig pa ako noon dalhin para mawala na ako sa landas niya noh” ang di pa ring makapaniwalang sabi niya sa mga ito imagine si Aljon na suplado ang mortal niyang kaaaway ang nagdala sa kanya sa hospital.

“Sayang di ko agad naisip yan mukhang magandang plano pa naman yon para mawala ka na sa paningin ko” ang sabi ng bagong dating sabay sabay pa silang napalingon dito.

“Tinignan ko lang kung mabubuhay ka pa ang sakit naman at lagnat lang pala ang dumali sayo sayang naman mukhang matagal pa talaga kita makikita” ang sabi nito na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

“Ah kuya palabasin mo yan talagang madadali ang buhay ko kung yang mukhang yan ang makikita ko” ang nakasimangot niyang sabi at hinigot pa ang kamay ng kanyang kuya.

“Nakita mo na ang asal ng kapatid mo Nathan ni hindi nga makuhang magpasalamat eh” ang nakasimangot na sabi nito sa kanyang kuya na natatawa lang sa kanyang tabi.

“Pasensya ka na pare at masama talaga ang pakiramdam ni utol kaya ganyan yan”  ang nakatawang sabi naman ng kuya niya dito.

“Ah kainis ka kuya, Mas pinapanigan mo talaga ang mukhang tukmol na yan kesa sa aking kapatid mo” ang nageemote pa niyang sabi na tinawanan lang ng mga ito kaya nabubuwisit siyang tinalikuran ang mga ito.

Makalipas ang dalawang araw ay pinalabas na rin siya ng ospital dahil malakas na malakas na siya kaya pagdating ng sabado ay nagpractise na siya.

“Ano ka ba naman kulugo lumayo layo ka nga” ang naiirita niyang sabi dito dahil napakalapit nito sa kanya at ilang hibla na lang ay puwede na silang magkapalit ng mukha.

“Ang sabi ni Jerome kailangan malapit na malapit ano ba inaarte mo?.” ang naiinis na ring sabi nito sa kanya nito

“Oo nga pero hindi ibig sabihin tchansingan mo na ako noh” ang nakairap niyang sabi dito

“Ang kapal mo naman as if naman meron ako mahahawakan sayo e para ka ngang kawayan noh!!! Tignan mo nga parang ang vital statistic mo ay 17- 17- 17” ang sabi nito sabay tawa sa kanya na lalo lang niyang kinagalit.

“Ah ganon kawayan pala huh” ang sabi niya sabay tulak dito dahil hindi napaghandaan ang kanyang ginawa ay tuluyan itong nahulog sa kinatatayuan nila na mahigit tatlong talampakan ang taas.

“Yan ang bagay sayo para naman matauhan ka gung-gong na ito 17-17-17 daw” ang sabi niyang nanlilisik pa rin ang matang nakatingin dito na hindi pa rin tumatayo.

“Naku Natasha napasama ata ang pagkakahulog ni Aljon” ang natatarantang sabi daw ng kaibigan nito.

“Hayaan mo siyang matepok mabuti nga yan para mabawasan ang mga katulad niya sa mundo” ang nasabi niya bagamat nagsisimula na ring kabahan wala pa naman ang iba nilang mga kagrupo dahil nagaayos ng mga props na gagamitin nila sa play.

“Hoy Anton saan ka pupunta? Wag mong iwanan ako dito kasama ang kulugo na yan.” ang natataranta niyang sabi nang makita niyang paalis si Anton.

“Kailangan kong humanap ng tulong Natasha dahil hindi na kumikilos si Aljon” ang natataranta pa nitong sabi sabay takbo at tulyan na siyang naiwan kasama ang nakahilata pa ring si Aljon.

“Huh? Naku anong gagawin ko napatay ko ata siya” ang natataranta na rin niyang sabi sabay baba sa kinaruruonan ni Aljon para tignan kung ano na ang nangyari dito.

“Aljon hoys Aljon wag ka ngang magbiro nang ganyan! Hoy gising” ang sabi niyang kinakabahan sabay yugyog dito at nang Hindi pa rin ito kumilos ay hinarap niya ito at nilapit ang mukha para tignan Kung humihinga pa ito nang malapit Na malapit na ang kanyang mukha ay bigla itong dumilat

“Huli ka” ang sabi nito sabay malakas na tumawa

“Natasha! Hoy Natasha nagbibiro Lang naman ako e” ang sabi nitong huminto sa pagtawa nang makitang maluha luha na siya

“I really hate you” ang sabi niya rito sabay tumakbo palayo sa nabiglang si Aljon.

“Natashaaaaa” ang narinig niyang tawag nang iba pa nilang mga kagrupo pero wala siyang pakialam ang gusto niya Lang ay makalayo kay Aljon, Hindi siya makapaniwala na naisahan siya ng ganon ni Aljon to think nagalala pa naman siya ng sobra sobra para dito.

“Natasha im sorry im really really sorry” ang narinig niyang sabi Ni Aljon nang maabutan siya nitong nakaupo sa may science garden

“Sorry? Alam mo ba Kung gaano mo ako tinakot kanina?” ang sabi niya sabay pagalit na pinahid ang tumutulo niyang mga luha dahil sa sobrang inis dito.

“I know its wrong for me to do that, so please forgive me?” ang sabi nito sa kanya na sising-sisi kaya kahit ayaw niya pa sanang patawarin ito ay unti unti nang natunaw ang inis na nararamdaman niya.

“Ok you’re forgiven, wag mo na ulit gagawin yun ok? Tinakot mo ako nang sobra” ang sabi niya na hindi pa rin tumitingin dito.

“Yeah I promise basta wag ka nang magalit” ang sabi nito at inabot ang kamay sa kanya.

“Hmmpt Tara na nga baka magalit na mga kagrupo natin” ang sabi niya at Hindi pinansin ang kamay nito.

“OK” ang nasabi na lamang nito na bagsak ang balikat at inalis na ang pagkakalahad nang kamay sa kanya.

Sabay Na silang bumalik sa mga ka-grupo nila at tinapos na nila ang pag papractise. Kina-lunesan ay isa isang nag perform ang bawat grupo nang sila na ang gumanap ay ang lakas nang palakpakan nang kanilang mga kaklase at talagang bigay todo ang mga acting nila.

“I’d rather die and give my life if that means having you by my side than let you go without fighting, bec that’s no different from giving up my life without a fight. you are my life, my love” ang madamdaming sabi ni Aljon sa kanya bilang si Helen akala mo ay talagang tutoong tutoo.

“Oh—–I rather go back than let you die in front of me my love—” di Na niya natapos ang sasabihin dahil nakalimutan Na niya ang kasunod ng kanyang linya dahil nakatitig Na lang siya kay ALjon hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit biglang tumibok ng sobra ang kanyang dibdib habang nakatingin sa mga mata nito.

Napuna siguro Ni Aljon ang kanyang pagkalimot kaya mabilis siyang sinaklolohan nito kaya walang nakahalata sa mga nanonood nagulat pa siya ng bigla siyang niyakap nang mahigpit nito bagamat naguguluhan dahil hindi naman kasama sa kanilang script ay hinayaan na lang niya ito dahil nakita niyang pumalakpak nang pagkalakas lakas ang kanyang mga kaklase maging ang kanilang guro.

Masayang masaya ang buong grupo dahil sila ang nakakuha nang mataas na marka. Tatanungin Sana niya si ALjon Kung bakit siya nito niyakap pero hindi naman niya ito matiyempuhan at isa pa baka sabihin nito na affected siya sa ginawa nito kaya hinayaan na lang niya sabi nga nila charge it to experience.

“Grabe Natasha napakasuwit ninyong dalawa ni papa Aljon kanina at isa pa wala naman sa script na magyayakapan kayo ah” Ang nakangiting panunudyo ni Jerome sa kanya habang inililigpit nila ang mga ginamit sa play.

“Naku magtigil ka ngang bakla ka baka marinig ka ng iba isipin e talagang may love story kaming dalawa” ang naiinis niyang sabi dito sabay hagis nang mga ginamit Na props kanina.

“Ang pikon mo talaga basta si Aljon ang pinaguusapan but mind you dear kanina ang kikislap ng titigan ninyong dalawa dalang- dala nga ako ng mga pinagsasabi ninyo parang tutoong tutoo” ang parang nangangarap pa nitong sabi habang yakap ang sariling katawan.

“Ows bakit wala naman akong napuna?.” ang sabi niya dito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin dito.

“That’s bec your eyes are just too shinny kanina para Makita mo pa ang sinasabi ko” ang sabi nito na sinabayan pa nang parang kinikiliting tawa.

“Loko loko ka talagang Jerome ka tignan mo nanlilisik Na ang tingin sayo Ni Maricar masama pa naman ang loob noon dahil hindi mo pinayagang maging Helen” ang natatawa niyang sabi dito

“Hay naku hayaan mong mamatay sa inggit ang beauty niya wala siyang magagawa kulang siya sa sex appeal na tulad ng akin” ang malantong nitong sabi Na sinabayan pa ng taas ng kilay kaya natawa siya sa itsura nito

“Nako maiwan na nga kita baka masiraan ako ng bait sa pakikinig sa mga pinagsasabi mo” at nagmamadali siyang tumalikod para Lang mapahinto dahil para siyang tumama sa matigas na bagay at ng tingalain niya ang may ari ng malapad na katawang binunguan niya ay napasimangot lang siya ng sobra sobra.

“Ano ka ba para kang basura na hahara hara sa daan”  Ang pagalit niyang sabi dito habang hawak ang nasaktang noo.

“Excuse me ako pa ngayon ang hahara-hara e ikaw nga itong hindi tumitingin, dinamay mo pa tuloy ang aking dibdib sa kahaharutan ninyo” ang sabi nito sa kanya na nakataas ng milya milya ang dalawang kilay.

“Pasagasaan kaya kita diyan sa pison ng Makita mo kung gano kasarap ang bumungo sa matigas na bagay” ang gigil na gigil  na sabi niya dito na hindi pa rin maaalis ang pagkakasimangot sa maganda niyang mukha.

“Ikaw naman baka ipadala ko sa dry cleaning yang mukha mo dahil baka abutin ng magdamagan hindi pa rin matutuwid ang pagkakakunot ng iyong mga noo” ang sabi nito sa kanya na ikinatawa ni Jerome.

“Hmpt anong itinatawa mo dyan pagbuhulin ko kayong dalawa nitong kulugo na ito eh” ang singhal niya sa nagtatawang si Jerome.

“Tumabi ka nga tikbalang, ang laki laki mo haharang harang ka sa daan” ang sabi niya dito sabay mabilis Na tinabig pero dahil sa malaki ang katawan nito ay para lang siyang bumungo sa pader.

“Ayan masakit ba? Kung bakit naman kasi gustong gusto mo binubungo ako eh” ang parang nakakaloko pa nitong sabi sa kanya na lalo lang nagpainit sa bumbunan niya

“Ahh you brat” ang sigaw niya dito at dali daling lumabas ng class room. Naririnig pa niya ang malakas nitong tawa Na lalo lang nagpapainit ng kanyang ulo.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 2Unexpected Love: Chapter 4 >>

164 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 3

  1. kelan kaya marereliaze ni natasha that the more you hate the more you love? hahaha ganda talaga..

Leave a Reply