Unexpected Love: Chapter 2

This entry is part 3 of 13 in the series Unexpected Love

ARAW ng botohan nila sa classroom para sa pagpili ng officer at tulad ng dati ay mortal pa rin silang magkaagaw ni Aljon para sa puwesto ng pagka President at di siya papayag na matalo ulit nito sa ikaapat na pagkakataon.

Yes mula first year hanggang 3rd year ay si Aljon ang parating nananalo sa puwesto hindi dahil sa ayaw sa kanya ng mga kaklase kundi dahil may ibang puwesto silang gusto para sa kanya at yun ang pagiging muse na ayaw na ayaw niya dahil una hindi siya mahilig sa beauty contest and second ay dahil ayaw niyang matalo ni Aljon sa pagka president ngunit wala siyang magagawa dahil siya ang parating binoboto para maging muse ng klase.

“This year sisiguraduhin kong matatalo ko ang Aljon na yon” ang bulong niya sa sarili kaya maaga pa lang ay dumating na siya sa school para magcampaign sa mga kaklase . Kahit ayaw niya ay nagpacute pa rin siya sa halos lahat ng boys na classmate nila para lang masigurado na sa kanya boboto ang mga ito at mukhang effective naman dahil nangako ang mga ito na siya ang iboboto na ikinatuwa niya.

“OK class lets start the nomination” ang narinig nilang panimula ng kanilang class Advicer na si Ms. Malapiran

“I Nominate Aljon Montalban for president” ang narinig niyang sabi ni Maricar na hayagang nagpapakita ng pagkagusto kay Aljon.

“I Nominate Natasha Fuentabelia for president” ang nakangiting sabi ni Fredi na patay na patay naman sa kanya mula pa noon.

“Any more nomination?” ang tanong ni Ms. Malapiran sa kanila habang gumagala ang tingin nito sa buong klase.

“Then lets close the nomination for President” ang sabi nito at ng wala nang nagnominate ay nagsimula Na nga ang bilangan.

“Are president for this year is Aljon Montalban” ang narinig niyang sinabi ng kanilang teacher na nagpabagsak sa kanyang mga balikat, excited pa naman siya dahil ang akala niya ay matatalo na niya si Aljon sa taong iyon. Di niya maiwasan ang mangilid ang luha dahil natalo na naman siya nito sa ikaapat na pagkakataon at ng tumayo ito dahil pinagbibigay ng speech ay tila namumuwisit pa ito na sa kanya talaga nakatingin at may nakakalokong ngiti na parang sinasabing natalo ka na naman sa kanyang inis dito ay iningusan niya ito at hindi pinakinggan.

Nagpatuloy pa ang kanilang botohan para sa iba pang mga officer nawalan na siya ng gana dahil ang pagkapresident lang naman ang gusto niya at natalo pa rin siya ni ALjon at nang itanghal siya bilang muse ng klase ay wala siyang ganang tumayo ng hingan siya ng speech

“Im sorry but I don’t think I can do it this year” ang tangi niya na lang nasabi at nagsimulang magbulungan ang kanilang klase

“Ok class quiet lets hear her, why Ms. Fuentabelia?” ang mahinahong sabi ng kanilang mabait na advicer

“I just don’t think I’m suitable for that position ma’am” ang mahina niyang sabi sa kanilang guro

“But why Natasha? You are very beautiful and you already won the title so we have higher chance of getting the crown again” ang pangungumbinsi ng kanilang guro sa kanya

“Ma’am can I say something?” ang nakataas pang kamay na sabi ni Aljon na huminhingi ng permiso sa kanilang guro.

“Go ahead Mr. Montalban” ang narinig niyang pagbibigay ng permiso ng kanilang guro.

“I think she’s scared that she will shame herself dahil wala siyang pag-asang manalo” ang sabi nito na nagpapanting sa kanyang mga tenga at ng tingnan niya ito ay nginitian siya nito nang nakakaloko habang ang mga kaklase naman nila ay nagbubulungan.

“I’m not scared and why should I be?” ang nanlilisik niyang sagot dito Kung puwede nga Lang niyang tirisin si Aljon ay siguradong ginawa na niya dahil sa sobrang inis dito.

“It’s just a matter of opinion Natasha” ang sabi pa nito at nginitian siya na punong puno ng meaning na lalo lang nagpainit ng kanina pang mainit na niyang ulo.

“Your opinion doesn’t matter as far as I am concern and let me tell you na sisiguraduhin kong mananalo ako” ang sabi niya rito at nginitian ito bagamat nanlilisik pa rin ang mga mata dahil nasa harap sila ng guro at kaklase ayaw niyang magsaya si Aljon dahil nalaman nitong napikon siya ng sobra-sobra.

“I will take it ma’am and im sorry for what I said a while ago. I will try to win the crown” ang sabi niya Na ikinatuwa ng buong klase at nang tignan niya si Aljon ay nakita niyang may ngiti itong pilit sinusupil.

“Ok then, that’s settle, class dismiss” ang sabi ng kanilang guro kaya Dali dali silang lumabas dahil kanina pa niya gustong sumabog sa sobrang inis na nararamdaman..

“Well im willing to bet you Na matatalo ka so if I were you, magtatago Na Lang ako” ang sabi Ni Aljon sa kanya ng makalapit ito at sinabayan pa ng tawa talagang wala na itong ginawang maganda kundi ang buwisitin siya.

“Oh really? Alam mo, Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtaka kung bakit ganyan ang mga pinagasabi mo sa akin. Im wondering Kung galit ka Lang ba talaga sa akin or naiingit dahil hindi ikaw ang nakuhang maging muse” Ang nakakaloko niyang sagot dito at kitang kita niya ng pamulahan ito nang mga mukha dahil sa pinipigil na galit dahil sa sinabi niya.

“Don’t you dare to say it again” ang mariin nitong sagot sa kanya na bahagya niyang ikinagulat dahil napakadiin ng pagkakasabi nito sa kanya at parang gusto na siyang lamunin nito ng buhay pero hindi siya makapapayag na sindakin nito.

“How about we just trade place Aljon im sure you will love it” ang dagdag Na pamumuwisit niya dahil natutuwa siyang malaman na nagagalit ito dahil sa sinabi niya.

“I already warn you Natasha but you didn’t listen” ang sabi nito sa kanya at nang Makita niya itong galit na palapit sa kanya ay dali dali siyang tumakbo bago pa ito tuluyang malapitan siya.

Nang makarating siya sa classroom ay dali dali siyang naupo ilang sandal pa ay nakita niyang papasok ng classroom si Aljon na madilim na madilim ang mukha tutuksuhin niya pa sana ito pero nagpigil na lang siya dahil baka kung ano ang gawin nito sa kanya. Pagkatapos ng kanilang Math class ay dumiretso sila sa canteen nang school dahil lunch break na nila.

“Hey Natasha nakita mo ba mukha ni Aljon kanina” ang tanong sa kanya ni Vera

“No! Why?” ang patay malisya niyang sagot dito habang nangingiti ng patago.

“Mukhang mainit ang ulo kanina pagpasok niya ng room nagaway na naman kayo noh?” ang panghuhuli nito sa kanya

“Anong malay ko doon and wala akong pakialam sa kanya noh” ang sagot niya at dali dali siyang tumayo para kumuha ng pagkain at para iwasan na rin ang pagtatanong ni Vera.

“Hi you’re Natasha right? Nathaniel’s twin sister?” ang sabi ng magandang babaeng nakasabay niya sa pagkuha ng pagkain

“Yes! Why?” ang naguguluhan niyang tanong dito dahil Hindi niya ito kilala.

“By the way I’m Fria classmate ko siya” ang pakilala nito sa kanya at iniabot pa ang mga kamay.

“Oh I see” ang walang gana niyang sagot dito habang gumagala ang kanyang paningin hinahanap niya si Aljon at di niya maintindihan Kung bakit kaya binigyan na lang niya ng dahilan ang sarili dahil siguro gusto niyang Makita kung talagang mainit ang ulo nito para lalong pikunin.

“O sige mauna na kami sayo” ang paalam ng babaeng kani-kani lang ay nagpapakilala sa kanya sanay na siya sag anon dahil marami talagang girls sa school nila ang nagkakagusto sa kanyang kapatid kaya pilit siyang kinakaibigan para mailakad dito.

“Ok sure” ang sabi niya dito nagtaka pa siya dahil nagmamadali itong umalis parang nakakita ng multo sa kanyang likuran kaya nagkibit balikat na lang siya.

“Hi Nat” ang narinig niyang bati sa kanya ng bagong dating.

“Oh kuya kanina ka pa?” ang nagulat niyang sabi dito muntik pa nga niyang maihulog ang Plato niyang may lamang kanin at kaldereta dahil di niya kasi namalayang nakalapit na pala ang kakambal at kasama pa ang kani-kanina lang ay hinahanap niya.

“Yeah hindi mo napansin na nakalapit na kami sayo mukhang may hinahanap ka” ang puna ng kapatid sa kanya na nakakunot ang mga noo dahil sa pagtataka.

“Not really sino naman ang hahanapin ko” ang natataranta niyang sagot dito dahil nakita niyang matiim siyang tinititigan ni Aljon at ng kakambal.

“Well baka hinahanap mo ako?” ang sabat ni Aljon sa kanila na mukhang okay na dahil nakangiti na naman ito at halatadong Ganado na naming mang-asar.

“As if baka mauna pang magsalita ang uwak kesa hanapin ko ang isang kulugong tulad mo noh” ang mataray niyang sagot dito. Dahil totoo naman ang sinabi nito kanina lang ay hinahanap niya ito pero nungka siyang aamin kahit kainin pa siya ng lupang kinatatayuan niya.

“Hmmm baka kainin mo ang sinabi mo niyan” ang sabi nito sabay ngiti sa kanya ng nakakaloko at nakita pa niyang pati mga mata nito ay nagkikislapan na parang mga bombilya dahil sa nakikita nitong pagkapikon niya.

“Ah ewan ko sayo mas gusto ko pang kausapin ang sarili ko kesa sayo” ang sabi niya dito na inirapan muna ng sandaang beses, sabay harap sa kuya niya na natatawa sa kanilang dalawa ni Aljon halatadong nage-enjoy ito sa pikunan nilang dalawa.

“Kuya bakit kasama mo naman ang mukhang kulugo na iyan baka mahawa ka sa kayabangan niyan” ang sabi niya sa kuya niya na halatadong natatawa sa kanila ni Aljon dahil sa tuwing makikita silang dalawa nito ay wala na silang ginawa kundi ang magbangayan na kulang na lang ay may bumulagta munang isa sa kanila bago sila maghiwalay.

“Hayan na naman kayong dalawa parati na lang nagbabangayan para talaga kayong aso’t pusa, baka naman nagkakagustuhan na pala kayo at dinadaan lang sa away-away kuno” ang nangiintrigang sabi nito sa kanila at sinabayan pa ng tawa kaya magkasabay nila itong hinarap ni Aljon.

“NEVER” ang sabay pa nilang sagot ni Ajon dito na lalo lang nitong ikinatuwa.

“For the first time may pinagkasunduan kayong dalawa” ang sabi nito na halos maiyak na sa katatawa.

“That’s my line” ang sabi ni Aljon sa kanya pagkatapos tapunan ng napakatalim na tingin ang kanyang kakambal.

“Anong that’s my line, baka ako dapat ang magsabi niyan sayo dahil hindi ako kahit kailan papatol sa mukhang kulugong tulad mo” ang sabi niya rito na nagsasalubong na naman ang mga kilay at sinabayan niya ng talikod ang dalawa.

“Baka kainin mo ang sinasabi mo Natasha” ang narinig niya pang sabi Ni Aljon.

“Mas nanaisin ko pang pakasalan ang mukhang unggoy kesa patulan ang kulugong tulad mo or better yet tatanda na lang akong mag-isa” ang sabi niya dito na nakataas pa ang mga kilay habang nakatingin dito.

“Well hindi naman nakakahinayang ang tulad mo dahil para kang kawayan na puwede lang gawing toothpick or pangihaw ng litson dahil parang kahit sinong makalapit sayo ay bubulagta na lang dahil sa pagkatusok” Ang nakakaloko nitong sabi sa kanya at nakita niyang pinagtitinginan na sila sa buong canteen para bang nanonood ang mga estudyante ng isang comedy film dahil panay ang hagikhikan ng mga ito.

“Mukhang kawayan? Toothpick? Hoy lalaki atleast ako may chance pa dahil kumain lang ako ng marami ay siguradong magkakalaman na ako hindi tulad mo kahit na siguro mag join forces pa si Calayan at Vicky Belo ay siguradong mapapahiya dahil hindi na magbabago pa ang mukha mo na mas pangit pa sa lahat ng hari ng kulugo” ang sigaw niya dito na ikinatawa lang ng malakas ng mga estudyante na halos hindi na kumain dahil sa pakikinig sa kanila dahil napakalakas na ng kanilang mga boses.

“You’re right in one thing, kahit mag join forces pa nga sila Calayan ay wala na silang magagawa dahil sa sobrang perfect na ng itsura ko. At mas nanaisin na lang nilang pakatitigan ako at yayaing maging modelo nila” ang mayabang nitong sagot sa kanya na iniangat pa ang suot nitong polo uniform at iniliyad pa ang malapad nitong dibdib na ikinasinghap ng mga kababaihan sa canteen. Maging siya ay napatingin dito dahil hindi talaga ito nagsisinungaling dahil napaka perpekto ng katawan nito maging ang mukha nito ay napakaguwapo kaya kahit siguro si Dingdong ay mahihiyang tumabi dito.

“Hey yung laway mo mukhang malapit ng tumulo” ang tukso nito sa kanya na ikinagising ng kanina lang ay nakatulala niyang diwa habang nakatitig sa katawan nito na hindi niya namalayang nakatago na pala.

“Brute! Parang napakakapal ata ng mukha mo, masyado kang ma epal eh ni wala ka ngang sex appeal” ofcourse that’s a lie dahil Kung titignan mo ang buong tao sa canteen ay halos lumuwa ang mga mata habang nakatingin dito. She is just simply trying to convince her self, dahil Hindi niya maatim Na ang kinaiinisan niyang tao ay nakuha siyang patulalain dahil sa napakaganda ng katawan nito at mukha na parang nililok ng isang napakagaling na pintor.

“Oh really well sabi nga nila action speak louder than words. At base sa nakita ko kanina you are deeply smitten by me” ang sabi nito Na lalo pang kumislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya at nginitian siya ng nakakaloko.

“What a nerve, I was just simply shock not bec of your body but bec of your self confidence. Hindi ka man lang nahiyang ibuyang-yang ang katawan mo na parang na double dead na karne sa palengke” ang sigaw niya dito Na nanlalaki ang mga mata dahil sa sobrang inis.

“If you say so, Im sure you are more than willing to pay for this double dead meat Na sinasabi mo” ang sabi pa nito na ikinatawa ng mga lalaki at nagtaasan pa ng kamay ang mga babae sa canteen na para bang sinasabi na sila na lang ang bibili.

“Bastard” ang sigaw niya dito Na gigil Na gigil dahil wala siyang maisagot dito kaya tumalikod Na lang siya.

Nang makabalik siya sa lamesa nila ng kanyang mga kaibigan ay bubulong bulong pa rin siya at tinitignan ng masakit ang dalawang lalaki na nakatingin din pala sa kanya habang nagtatawanan na lalo lang niyang ikinainis kaya minabuti na lang niyang lumabas ng canteen.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 1Unexpected Love: Chapter 3 >>

197 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 2

Leave a Reply