Unexpected Love: Chapter 12 (END)

This entry is part 13 of 13 in the series Unexpected Love

UNTI-UNTI niyang dinilat ang mga mata at nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana ay ipinikit niya ulit ito sandali at nang idilat na niya ng tuluyan ang kanyang mga mata ay nagtaka pa siya kung bakit naroon siya sa hospital at nakita niyang nakayukyok sa gilid ng kama ang kanyang Ina.

“Mommy” ang mahina niyang gising dito dahil uhaw na uhaw na talaga siya.

“Anak ko oh my baby gising ka na rin teka tatawag ako ng doctor” ang natataranta nitong sabi at akmang lalabas pero pinigilan niya ang mga kamay nito.

“Mommy pahingi muna ng tubig uhaw na uhaw ako” ang sabi niya sa ina na ikinagiti nito at dali daling lumapit sa lamesa kung saan may roong mga prutas at punong puno rin ang malaking silid na yon ng mga bulaklak at nang makabalik ito ay sabik na sabik niyang ininom ang iniabot nitong tubig.

“Salamat po” ang sabi niya sa mommy niya pagkatapos iabot uli dito ang baso.

“Kumusta na ang pakiramdam mo anak, May masakit ba sayo?” ang sunod sunod nitong tanong sa kanya habang hawak ang kanyang kamay na may dectrose.

“Wala naman po, bakit po pala ako nandito?” ang tanong niya sa ina na ikinakunot nang noo nito.

“Wala ka bang natatandaan anak bago ka nahulog sa hagdan?” ang tanong nito sa kanya na nakakunot ang mga noo.

“Naalala ko na nagmamadali akong tumakbo parang may humahabol sa akin at hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa hagdan” ang umiiyak na niyang sabi dahil sa pagkaalala sa nangyari.

“Si Aljon mommy si Aljon” ang sabi niya na hindi matapos tapos ang sasabihin dahil may bumabara na sa kanyang lalamunan dahil sa walang humpay na pagtulo ng kanyang mga luha.

“Shhh baby I know” ang sabi ng kanyang ina na umiiyak na niyakap siya.

“Niloko niya ako mommy nahuli ko siya” ang sabi niya rito na lalo lang napalakas ang pagiyak dahil sa naalalang eksena na inabutan niya sa kuwarto.

“Tahan na anak makakasama sa kalagayan mo yan” ang sabi nito sa kanya at nang patuloy pa rin siya sa pag iyak at naghihisterya na ay wala itong nagawa kundi tumawag ng doctor at maya-maya lang ay tinurukan siya ng doctor na nagpakalma sa kanya at unti-unting nilamon siya ng kadiliman.

Naririnig niyang may kausap ang kanyang mommy sa may pintuan at nang pilit niyang kinikilala ang boses na naririnig ay bigla naming pumasok ang kanyang ina.

“Mommy sino yon ?” ang tanong niya rito at nang lumingon ito ay halatadong nagulat.

“Gising ka na pala Anak” ang sabi nito sa kanya at nilapitan siya.

“Nagugutom ka ba?” ang tanong nito sa kanya na hindi pa rin sinasagot ang tanong niya.

“Mommy sino sabi yun?” ang tanong ulit niya rito at nakita niyang parang natitigilan ito parang iniisip Kung dapat sabihin sa kanya o hindi.

“Si Aljon anak gusto ka raw niyang masilip kahit sandali” ang mahina nitong sagot sa kanya.

“Ang walang hiya na yon pagkatapos niya akong pagtaksilan may gana pa siyang pumunta dito” ang nanlilisik na sabi niya.

“Anak wag ka nang magalit makakasama sayo yan” ang sabi nito na natataranta na kaya pilit niyang kinontrol ang sarili.

“Mommy bakit masakit po yung ibaba ko pakiramdam ko kagagaling ko lang manganak” ang sabi niya rito maya-maya nang maramdaman ang sakit sa kanyang katawan.

“Ah anak lakasan mo ang loob mo ok?” ang sabi nito sa kanya na nagpakaba sa kanyang dibdib.

“Nakunan ka kasi anak” ang lumuluha nitong sabi sa kanya na ikinatulig niya.

Parang kakapusin siya ng hininga dahil sa nalaman naiwala niya ang kanyang anak at tuloy-tuloy na pumatak ang kanyang mga luha pakiramdam niya ay namamanhid ang kanyang buong katawan dahil sa nalaman.

“Anak im sorry Hindi ko sana gustong sa akin pa mangyari ang balita, pakiusap magpakatatag ka” ang umiiyak nitong sabi sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

Wala na siyang magagawa dahil nawala na ang kanyang anak na hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang mundo kaya masamang masama ang loob niyang nagiiyak nang nagiiyak at galit nag alit kay Aljon dahil ito ang dahilan kaya nawala ang kanyang anak.

Lumipas ang mahigit isang linggo ay nakalabas na rin siya sa hospital dinala siya nang kanyang mga magulang sa pangasinan para doon magpagaling ng sugat hindi lang sa katawan kundi sa kalooban. Gusto sana nang buong pamilya na samahan siya pero hindi puwede dahil ang kanyang kapatid na si Natalie ay nagaaral pa nang college at kanyang kuya naman ay abala sa trabaho at ganon din ang kanyang ama kaya ang mommy na lang niya ang naiwan at sasamahan daw siya nito hanggang sa gumaling siya ng tuluyan.

“Anong ginagawa mo  rito? sinabi ko naman sayong wag ka munang pupunta dito dahil magagalit si Natasha pag nakita ka” ang narinig niyang boses nang ina kaya dali-dali siyang sumilip sa bintana para Makita kung sino ang kausap ng kanyang ina para siyang binayo sa dibdib nang makitang Nakaluhod si Aljon sa kanyang ina na pilit itong pinatatayo kaya mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo siya palabas.

“Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa dito” ang sigaw niya dito nang makalapit siya sa mga ito.

“Natasha” ang sabi nito na parang biglang tumanda nang sampung taon dahil sa itsura nito. Mahaba ang mga balbas dahil siguro sa matagal na hindi pagkakaahit at nanlalalim ang mga mata at bumagsak ang katawan nito.

Parang may malamig na kamay na humaplos sa kanyang dibdib dahil sa nakita gustong gusto na sana niyang tumakbo payakap dito at pawiin ang lungkot na nakabalatay sa mukha nito pero pinigil niya ang sarili dahil galit siya sa pagtataksil nito na naging dahilan para mawala ang kanyang anak.

“Walang hiya ka pagkatapos mo akong lokohin ay pupunta ka pa rito hayup ka” ang galit na galit niyang sigaw dito.

“Natasha we need to talk Mali ang akala mo” ang mahinang sabi nito na parang lambot na lambot.

“Wala na tayong dapat pang pagusapan Aljon, malinaw ang nakita ko pinagtataksilan mo ako sa mismong bahay pa natin ninyo ginawa ang mga kababuyan ninyo mga hayop kayo”  ang sigaw niya rito habang walang hinto ang pagtulo kanyang mga luha.

“Natasha walang nangyari sa amin ni Maricar ni hindi ko nga alam kung bakit nandoon siya” ang sabi nito na pilit nagpapaunawa sa kanya.

“Sinungaling kitang kita ko kayo magsisinungaling ka pa” ang patuloy niyang sabi na kung nakakamatay lang ang mga tingin ay kanina pa siguro bumagsak ang walang buhay na katawan ni Aljon dahil sa talim ng kanyang mga tingin habang pinaglalandasan nang mga luha.

“Aljon umalis ka na sige na makakasama kay Natasha ang sobrang galit” ang pagtataboy ng kanyang Ina dito ayaw pa Sana nitong umalis pero nang sabihin nang Ina niya na makakasama sa kanya ay bagsak ang mga balikat na tumalikod na rin ito.

“Halika na Anak pumasok na tayo” ang yaya ng kanyang Ina at pilit siyang ipinapasok sa loob ng bahay.

Ilang beses pang bumalik si Aljon pero hindi na niya ito hinarap pa nagkukunwari na lang siyang walang naririnig at nakikita pero pag umalis na ito ay doon niya pinalalaya ang kanyang damdamin.
Lumipas ang mahigit isang linggo na hindi na bumalik si Aljon para pilitin siyang makipagusap dito gustuhin man niyang magsaya ay kabaliktaran naman ang kanyang nararamdaman hanggang isang hapon.

“Hello Natasha iha please wag mo ibaba ang phone” ang sabi ng kanyang biyenang lalaki nang sagutin niya ang telepono.

“Bakit po kayo napatawag?” ang mahina niyang sabi dahil kahit may kasalanan sa kanya ang anak ng mga ito ay naging sobrang bait naman nang mga magulang nito sa kanya.

“Iha si Aljon naaksidente” ang sabi nito na parang bombing sumabog sa kanyang pandinig.

“Ano po?” ang sabi niya rito na nag-unahan nang tumulo ang mga luha at gumaralgal ang kanyang boses.

“Naaksidente kanina si Aljon nabangga siya sa poste lasing daw ito sabi nang mga nakakita” ang sabi nito na nanginginig ang boses.

“Nasan na po siya ngayon ? Kumusta po ang kalagayan niya” ang natataranta niyang tanong dahil sa sobrang pagaalala sa nagiisang lalaking minamahal niya.

“Nasa ICU siya ngayon iha at malala ang kanyang kalagayan dahil nayupi ang sinasakyan niya”ang sabi nito sa kanya na halos ikalaglag nang teleponong hawak niya dahil sa sobrang panginginig dahil sa takot at pagaalala.

“Nasan po siya ngayon gusto ko po siyang makita” lalo pang lumakas ang kanyang pagiyak dahil ang galit na nararamdaman niya ay napalitan ng sobrang takot para sa kalagayan ni Aljon.

“Nandito siya iha sa St. Luke hospital” ang sabi nito sa kanya at dali dali na niyang ibinaba ang telepono at tumawag sa kanyang ina na nasa palengke at nagpaalam na luluwas siyang maynila para puntahan si Aljon sa hospital.

Nang makarating siya sa hospital ay halos himatayin siya nang Makita si Aljon na walang malay na nakahiga sa kama habang may kung ano-anong mga tubo ang nakasaksak sa ilong at bibig nito, ang ulo nito ay may benda at ang isa sa mga paa nito ay naka cast dahil nabali raw ang buto kaya sinimento.

Marami rin itong mga galos sa mukha at katawan umiiyak siyang niyakap ng Mommy nito nang dumating siya at nang makalapit siya kay Aljon ay hinawakan niya ang mga kamay nito at pinaghahalikan.

“Please don’t leave me I love you kahit na gaano kalaki ang naging pagkakasala mo sa akin patatawarin ko basta wag mo lang akong iiwan” ang bulong niya rito habang walang tigil ang pagpatak nang kanyang mga luha.

Hinayaan muna siya nang mga magulang nito na magbantay kay Aljon dumalaw din ang kanyang mga magulang sa Hospital dahil kahit galit ang mga ito sa ginawa sa kanya ni Aljon ay hindi makakailang parang anak na rin ang turing ng mga ito dito dahil mula pagkabata nila ay puro mabubuti ang ipinapakita ni Aljon sa mga ito.
Nakita pa nga niyang napaiyak ang kanyang kakambal nang Makita ang itsura nang bestfriend nito at may ibinulong ito rito na hindi niya narinig.

Lumipas ang sampung araw na hindi pa rin gumigising si Aljon sa loob ng mga panahong iyon ay siya ang nagbabantay dito ni hindi siya humihiwalay sa tabi nito uuwi lang siya sa kanila para kumuha nang damit at sa hospital na siya kadalasan naliligo at natutulog.

“Bakit hindi pa rin siya gumigising mama” ang umiiyak niyang tanong sa kanyang biyenan na babae.

“Wag kang panghinaan nang loob nakikita mo naman na pilit siyang lumalaban para mabuhay” ang sabi nito habang pinapahid ang kanyang mga luha.

“Kung hindi ko sana siya tinitikis hindi siya maglalasing at maaksidente kasalanan ko ito” ang patuloy niyang sabi habang walang hinto ang pagdaloy ng mga luha para itong gripo na pirming nakabukas.

“Shhh wag mo sisihin ang sarili mo hindi mo ito kasalanan biktima lang kayong pareho” ang sabi naman nito at niyakap siya nang mahigpit naramdaman niyang umiiyak na rin ito.

Nang maya-maya ay marinig nilang may kumakatok at nang buksan nang mommy ni Aljon ang pinto ay nanlisik ang kanyang mga mata ng Makita kung sino ang pumasok.

“Ang kapal din naman ng pagmumukha mo ano, at may gana ka pang pumarito” ang sigaw niya kay Maricar na umiiyak na lumapit sa kanya.

“Patawarin mo ako Natasha hindi ko sinasadya o ano itong nagawa ko” ang sabi nito Na sabi nito at lumuhod pa sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin” ang tanong niya rito na nagulat dahil niluhuran siya nito.

“Kasalanan ko lahat ito kung hindi dahil sa obsession ko hindi sana mangyayari ang mga ito” ang sabi nito na lalong ikinakunot nang kanyang noo.

“Liwanagin mo nga ang mga pinagsasabi mo” ang sabi niya dito na naguguluhan sa pinagsasabi nito.

“Ako ang may kasalanan kung bakit kayo nagkahiwalay ni Aljon noong mga high school pa tayo narinig ko na nagtatalo kayo dahil ayaw mo pang aminin kahit kanino na magkasintahan na kayo kaya kinuha ko ang pagkakataon sinabi ko sa kanya na kaya ayaw mong ipaalam sa lahat na nobyo mo siya ay dahil may iba ka pang nobyo maliban sa kanya galit na galit siya noon sayo kaya sinamantala ko ang pagkakataon sabi ko sa kanya tutulungan ko siyang pagselosin ka para makaganti siya sayo noong una ayaw niyang pumayag pero sa kakasulsol ko sa kanya ay napapayag ko rin siya.” Ang sabi nito na patuloy na tumutulo ang luha hindi siya makapaniwala sa narinig alam na niya noong may gusto ito kay Aljon pero hindi niya naisip na gagawa ito nang ganon para lang makuha ang atensiyon nito.

“Nang magkahiwalay kayo at pumunta ka ng America pinilit Kong mahalin niya ako pero pagtingin kapatid lang daw ang kaya niyang ibigay sa akin dahil ikaw pa rin ang mahal niya kaya ganon na lang ang galit ko nang malaman kong pinakasalan ka niya kaya gumawa ako nang paraan nang araw na makita mo akong nakapatong sa kanya ay sinadya ko yon. Sinabi niyang masama ang pakiramdam niya at kailangan niyang umuwi nang maaga para makapagpahinga siya bago ka sunduin sa bahay nang magulang mo kaya nakakita ulit ako nang pagkakataon para makaganti sayo pinainom ko siya ng gamot na pampatulog na ang akala niya ay gamot sa lagnat kaya nakatulog siya hinintay kong makauwi ka at nang marinig kong may dumating na sasakyan sinilip kita sa bintana at nang makita kong papasok ka na ay dali dali kong hinubad ang mga damit ko at bunuksan ang polo niya at pumatong sa kanyaat yun ang naabutan mo” ang patuloy nitong kumpisal na halos ika putla nang kanyang mukha dahil sa sobrang galit na pinipigil niya.

“Walang hiya ka alam mo bang nang dahil sayo namatay ang magiging anak Sana namin” ang umiiyak niyang sabi gusto niya sanang ingudngod ang babaing nakaluhod sa harapan niya pero pinigil niya ang sarili dahil mukhang sising- sisi na ito at ayaw niyang manakit nang kapwa.

“Alam ko kung alam mo lang na halos hindi na ako makatulog mula nang makita kitang nahulog sa hagdan gabi gabi binabangungot ako na lalong pinalala nang puntahan ako ni Aljon at muntik na niyang basagin ang bungo ko nang dahil sa sobrang galit dahil pinatay ko raw ang anak ninyo at sinaktan ko raw ang tanging babaeng minahal niya at lalo lang akong giniyagis ng aking konsensya ng unti-unti nang pabayaan ni Aljon ang sarili ng dahil sa matinding pagmamahal sayo minahal ko siya Natasha pero hindi siya kailan man magiging akin” ang humahagulgol nitong sabi sa kanya na nagpalis nang galit na nararamdaman niya para rito sapat na sigurong kaparusahan ang hindi patulugin nang kunsensya at isa pa nagawa lang nito ang lahat ng iyon dahil sa pagibig na wala naming nakuhang katugon.

“Kaya narito ako ngayon sa harap mo nakaluhod gawin mo kung anong gusto  mo sa ganoon mang paraan ay mabawasan ang galit mo sa akin” ang sabi nito na yumuko pang lalo na halos humalik na sa kanyang mga paa hindi na niya napigilan ang awa dito kaya itinayo niya ito.

“Natasha” ang nagtataka nitong sabi sa kanya.

“Patatawarin kita Maricar pero pakiusap lubayan mo na kami ni Aljon tama na ang pasakit na ibinigay mo sa aming dalawa” ang sabi niya dito na lumuluha at nang tumango ito ay hingot na ito nang kanyang biyenan palabas ng kuwarto.

“Oh ang kawawa Kong asawa” ang sabi niya at niyakap ang natutulog na si Aljon napakalaki ng kasalanan niya dito dahil hindi siya nakinig sa mga paliwanag nito wala pala talaga itong kasalanan.

“Pakiusap Aljon gumising ka na mahal na mahal kita wag mo akong iwanang magisa” ang bulong niya rito at maya-maya lang ay naramdaman niyang gumagalaw ang kamay nito at nakita niyang nakadilat na si Aljon.

“Mahal na mahal din kita Natasha” ang nahihirapang sabi nito at pilit inaabot ang kanyang kamay kaya siya na ang humawak dito at masuyong hinalikan ang mga labi nito.

“Im so sorry Aljon im sorry hindi ako nakinig sa mga paliwanag mo” ang patuloy niyang sabi dito habang panay halik sa kamay nitong nakahawak sa kanya.

“Shhh don’t cry” ang sabi nito sa kanya at pinalalapit siya nito kaya lumapit siya rito at hinalikan nito ang kanyang mga labi kaya buong puso niya itong tinugon.

Naramdaman nilang lumabas ang Mommy nito at nang bumalik ito ay kasama na ang doctor para tignan ang kalagayan ni Aljon at sinabi nito sa kanila na ligtas na sa ano mang kapahamakan ito.

Makalipas lang ang isa pang linggo ay malakas na ulit ito inalis na rin ang benda nito sa ulo at tuluyan nang natuyo ang mga sugat nito himalang parang wala man lang nangyaring sakuna dito dahil wala man lang iniwang peklat ang mga sugat sa balat nito ang tangi na lang natira ay ang nakasemento pa ring paa nito na tatanggalin lang pagkalipas nang dalawa pang linggo.

“Magpagaling ka agad Aljon at nang makauwi na kayo ng asawa mo” ang sabi ng kanyang Daddy ng dumalaw ang mga ito sa ospital, wala nang galit ang mga ito kay Aljon dahil sinabi niya sa mga ito ang kinumpisal ni Maricar, noong una ay galit na galit ang kanyang mga magulang at gustong sampahan ng kaso si Maricar pero sinabi niyang hayaan na lang tutal ay nagsisi na ito at humingi ng tawad.

“Opo daddy wag kayong magalala at binibilisan ko na nga ang paggaling dahil kailangan na naming bumawi ng misis ko” ang sabi nito na ikinapula ng kanyang mukha.

Sandali lang ang mga ito at naiwan na lang ulit silang dalaw ni Aljon lalabas sana siya para bumili ng pagkain ng bigla siya nitong higutin kaya bumagsak siya sa dibdib nito bahagya pa itong napapiksi ng maramdaman ang bigat niya.

“Ano ka ba naman gusto mo atang magtagal dito eh” ang sabi niya na hinimas ang dibdib nito na binagsakan niya.

“Hindi Noh nasasabik lang kasi ako sayo kaya gusto kong mayakap ka ng mahigpit na mahigpit” ang sabi nito sa kanya at niyakap nga siya nang pagkahigpit higpit.

“I love you Natasha I love you so much” ang bulong nito sa kanya na nagpakabog sa kanyang dibdib dahil ang huling beses niya itong marinig ay noong magkamalay ito.

“I love you so much more ” ang sabi niya dito.

“Ang sarap naman” ang sabi nito na nakangiti sa kanya halatadong kilig na kilig.

“Ikaw talaga akala mo naman ngayon mo lang narinig yan” ang sabi niya dito at bahagya pang pinisil ang mga ilong nito.

“You only said it four times all together” ang sabi nito sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

“Aba at binibilang mo pa talaga” ang sabi niya dito na ikinatawa nilang dalawa.

“I just wish you will say it more often bec I love hearing it” ang masuyo nitong sabi sa kanya.

“I promise as long as you will keep saying it either then you will hear it a lot until you get tired hearing it” ang sabi niya dito at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi.

“I will never ever get tired hearing it even until the day I die” ang sabi nito na ikinagalak ng kanyang puso kaya binigyan niya ito nang mahigpit na yakap.

“I have confession to make” ang sabi nito sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

“What is it” ang sabi niya na nakadikit pa rin ang mga kilay dahil sa pagka-curious.

“Remember the day they see us in the hotel?” ang simula nito sa sasabihin at nang tumango siya ay nagpatuloy na ito sa pagsasalita.

“I set every thing up” ang sabi nito sa kanya na ikinabigla niya.

“You what? ” ang tanong niya dito bagamat narinig naman niya ang una nitong sinabi.

“Don’t get mad please, I just really really love you so I took that chance na mapasaakin ka actually amin yung hotel na tinuluyan natin at may penthouse ako sa itaas kaso dahil ayaw kong mabuko mo sinabi ko na lang sayo na wala nang available room para pumyag kang magshare tayo nang room kung alam mo lang halos magtatalon ako sa tuwa ng pumayag kang makipagshare ng room at nakatabi pa kita sa kama. I ask your father to come pick you up to the hotel that morning and I even told them our room number then I called up my parents para magpasundo kunwari that’s why they both end up in our room together” ang sabi nito sa kanya na hindi niya halos alam kung ano ang sasabihin dahil sa sobrang pagkabigla dahil sinet up pala siya nito pero hindi siya galit kundi nabigla lang.

“Did you take our clothes off also?” ang tanong niya dito at nagkunwari siyang nagagalit na.

“Yeah para pilitin ako ng mga parents natin na pakasalan ka that way wala ka nang lusot” ang sabi nito sa kanya na nakayuko ang mga ulo dahil sa takot na iwanan naman niya.

“You are so Naughty” ang sabi niya at tumawa pa nang malakas ito naman ang nagulat na napatingin sa kanya.

“You’re not mad?” ang tanong nito sa kanya na halatadong nabuhayan ng loob dahil sa kanyang pagtawa.

“Ofcourse not natutuwa nga ako sa kalokohan mo dahil kung alam mo lang gustong gusto na rin kitang pikutin noon kunwari lang akong ayaw” ang sabi niya dito at sinabayan pa niya ng tawa kaya nakitawa na rin ito sa kanya.

“Sana pala umamin na lang ako agad ng feelings ko para sayo”ang sabi nito sa kanya at hinawakan pa ang kanyang mga kamay.

“Sira mas ok nga yung ginawa mo kita mo naman naging mag-asawa agad tayo but I actually wish na sinabi mo agad na mahal mo ako para mas Masaya diba” ang sabi niya dito may gusto pa sana siyang sabihin kaso bigla siya nitong hinalikan at nang gumanti siya ay lalo lang lumalim ang kanilang halikan kung hindi pa siya muntik mahulog sa kama ay baka hindi pa sila magbibitiw.

Makalipas ang Isang buwan ay tuluyan nang magaling si Aljon at nakakalakad na ito nang maayos dahil inalis na ang cast nito sa paa sa ngayon ay pinaguusapan na nila ang kanilang kasal sa simbahan at napagkasunduang gawin iyon sa mismong araw nang una nilang kasal.

WAKAS

Abangan ang kuwento ng pagibig ni Nathaniel ang kakambal ni Natasha, maging makulay kaya ang kanyang buhay pagibig? Abangan sa susunod na kuwento na pinamagatang Biniling Pagibig.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 11

197 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 12 (END)

Leave a Reply