Unexpected Love: Chapter 11

This entry is part 12 of 13 in the series Unexpected Love

NAGING napakasaya ng kanyang gising dahil sariwa pa sa kanyang isip ang nangyari nang nakaraang gabi kaya may ngiti sa kanyang mga labi ng lingunin niya ang katabi sa kama na napakasarap pa rin nang tulog na may ngiti pa sa mga labi kaya dahan dahan siyang tumayo at nagtungo sa banyo para maligo.

“Aljon ano ba an gaga-aga eh” ang malambing niyang saway dito ng maramdaman niyang yumakap ito sa kanyang likuran at masuyong hinalikan ang kanyang batok.

“Namiss kasi kita agad” ang masuyo nitong sagot sa kanya na abala pa rin ang mga labi sa kahahalik sa kanyang tengga.

“Ikaw talaga” ang sabi niya rito habang humaharap dito at yumakap sa batok nito.

“Hmmm your teasing me” ang sabi nito at hinalikan siya ng mariin sa mga labi at maya-maya lang ay naramdaman na lang niyang binuhat na siya nito pabalik sa kama at uli ipinadama nito sa kanya ang walang kahulilip na ligaya.

“Hey im starving” ang sabi niya rito habang nakahiga siya sa malapad nitong dibdib at nilalaro ang mga pino nitong balahibo.

“Me too” ang sabi nito sa kanya at inalalayan siyang tumayo at nang makapagbihis sila ay magkaakbay silang bumaba para kumain.

Napagkasunduan nila ni Aljon na mamasyal pagkatapos kumain kaya dali-dali silang nagbihis at pumunta sa mall pagdating nila roon ay naglibot libot sila at nang walang makitang mabibili ay nagyaya na lang itong manood ng sine at napagkasunduan nilang manood ng romantic comedy ni Tony Gonzaga at Vhong Navarro na Only U.

“Ang ganda ng palabas no” ang sabi niya rito ng lumabas na sila ng sinehan.

“Yeah napakaganda talaga” ang sabi nito na sa kanya naman nakatingin.

“Hindi ka naman nanood e nakakainis ka” ang sabi niya rito habang naka-nguso na ikinatawa nito.

“Pasensya ka na dahil mas nag-enjoy ako sa kakatingin sayo dahil mas maganda ka pa sa palabas” ang sabi nito na ikinatawa niya kaya malambing niyang kinurot ito sa gilid pero hinuli lang nito ang kanyang mga kamay at hinalika.

“Saan mo gustong pumunta? Maaga pa naman para magdinner” ang sabi nito at tinignan pa ang relo.

“Punta na lang tayo kila Mommy na mimiss ko na kasi sila eh” ang sabi niya rito na nakangiti.

“O sige dalawin na rin natin sila Mommy or better yet yayain na lang natin na mag-over the bakod” ang natatawa nitong sabi na sinimulan nang magmaneho.

Medyo na traffic sila dahil rush hour na kaya nang makarating sila sa bahay ng kanyang magulang ay halos gabi na at malapit nang magdinner kaya tumawag na lang ito sa mga magulang nito at ilang sandali lang ay dumating ang mga ito na may dalang mga ulam.

Naging napakasaya nang kanilang dinner dahil Panay ang kuwentuhan nila at tuksuhan.

“I am so glad that the two of you are not fighting anymore like you used too” ang sabi nang kanyang kakambal na ikinatawa nilang lahat.

“Yeah correct ka diyan kuya kanina ko pa nga napapansin na panay ang sulyapan nilang dalawa tapos nagkikindatan akala mo sila lang ang tao sa mundo” ang nanunuksong sabi ng kanyang kapatid na si Natalie.

“Kaya talaga kami na naman ang nakita ninyo” ang sabi niya sa mga kapatid pero napakaganda naman nang pagkakangiti.

“Kuya Aljon parang ang saya-saya ninyong dalawa ni Ate ah” ang sabi pa ng pilya niyang kapatid Na ikinapula ng kanyang mukha.

“Tigilan Na nga ninyo ang dalawa siyempre mga honeymooners ang mga iyan kaya parang nilalanggam sa tamis ng tinginan” ang sabi naman ng kanyang daddy na nanunukso ang mga ngiti.

“Sinabi mo pa balae naalala ko tuloy kami nitong misis ng bagong kasal halos ayaw na nga nitong humiwalay sa akin” ang sabi naman ng daddy nito na ikinatawa nila kitang kita niya kung paano pamulahan ng pisngi ang kanyang mother in law.

“Asus ako raw ang hindi humihiwaly ikaw nga itong halos ayaw na akong bitawan” ang sabi naman nito na ikinatawa lalo nila at masuyo naman itong hinalikan ng daddy ni Aljon.

“Naku sana dalian ninyo ang paggawa sa aming apo” ang sabi naman ng kanyang daddy na ikinapula nilang pareho ni Aljon.

“Ikaw talaga Tyler kakasal pa Lang ng mga bata e Apo na agad ang hinihingi mo” ang sabi naman ng kanyang Mommy.

“Naku kunwari ka pa e naririnig ko nga kayo kahapon ni Balae na nagiisip na ng ipapangalan sa magiging Apo ninyo” ang panunukso ng kanyang daddy sa kanyang mommy na namula ang pisngi na ikinatawa nila ni Aljon.

“Don’t worry we are working double time” ang sagot naman ni Aljon na ikinalaki ng kanyang mga mata at pinandilatan ito na ginantihan lang nito ng napakatamis na ngiti.

“Naku dapat lang Tol dahil kung hindi baka maunahan ko pa kayo” ang sabi ng kanyang kuya na ikinatingin nilang lahat dito.

“Kayo naman hindi na mabiro” ang sabi nito sa kanila at sinabayan pa ng tawa.

“Kuya ha may itinatago ka alalahanin mo kambal tayo kabisado ko na ang mga style mo” ang sabi niya rito na hindi naniniwala sa sinabi nitong biro lang.

“Wala nga Sis kahit lumubog pa si Natalie ngayon dito” Ang dagdag pa nito Na ikinasimangot ni Natalie at hinampas ito sa braso.

Naging napakasaya ng kanilang dinner ayaw pa nga sana nilang umalis pero lumalalim na masyado ang gabi kaya minabuti na lang nilang umuwi na at habang daan ay pinaguusapan nila ang makahulugang sabi ng kanyang Kakambal.

Lumipas ang mga araw at linggo na hindi nila namamalayan dahil sa sobrang saya nilang pareho sa tuwing magkasama ngayon nga ay mahigit isang buwan na silang kasal.

Akala niya wala nang katapusan ang kanilang kasiyahan bagamat wala silang binabanggit tungkol sa kanilang nararamdaman ay ipinadadama naman nila yun sa bawat isa sa tuwing magkasama sila.

“Hi ginabi ka naman ah” ang masuyo niyang sabi dito nang makauwi ito galing sa trabaho halos isang linggo na itong ginagabi ng uwi at kung minsan ay sobrang pagod na pagod pa ito kaya hindi na sila halos makapagkuwentuhan.

“Yeah marami kasing Investor na gustong maginvest sa business kaya ang dami ko tuloy trabaho nagkaroon pa nang problema sa Davao brunch natin” ang sabi nito pagkatapos humalik sa kanyang pisngi.

“Ganoon ba kawawa naman ang asawa ko” ang sabi niya rito at marahan itong hinila pahiga sa kama.

“Hey what are you doing?” ang sabi nito sa kanya ng patalikurin niya ito.

“Im going to give you massage para ma-relax ka naman kahit paano” ang sabi niya rito at sinimulan nang masahihin ang balikat nito.

“Oh it’s so tense parang matagal nang sumisigaw ang katawan mo ng pahinga ah” ang sabi niya rito habang patuloy itong minamasahe sa balikat pababa sa may likuran.

“Yeah hmmm ang sarap mo namang magmasahe nakakarelax” ang sabi nito sa kanya kaya lalo niyang pinagbuti ang pagmasahe sa buong likuran nito at batok.

Hanggang maramdaman na lang niyang naging patag na ang paghinga nito at maya-maya nga lang ay malalim na ang tulog nito kaya masuyo niyang hinalikan ang labi nito at nahiga na sa tabi at yumakap dito.

Kinabukasan ay Hindi Na niya nakita sa tabi si Aljon kaya naisip niyang baka maagang pumasok kaya naginat muna siya at naligo bago bumababa at nagalmusal.

Nang maghahapon Na ay nakaramdam siya nang pagkainip kaya naisipan niyang bumisita sa kanyang mga magulang at mga Kapatid. Nang makarating siya sa bahay ng mga ito ay nagulat pa siya at masayang nakukuwentuhan ang kanyang biyenang babae at Mommy niya tuwang tuwa ang mga ito nang Makita siya.

“Oh nasan ang asawa mo? Bakit Hindi mo isinama?” ang tanong ng kanyang biyenan.

“Nainip kasi ako sa bahay kaya naisipan ko na lang bumisita si Aljon naman busy nitong mga nakalipas na araw” ang sagot niya rito.

“Ah ganun ba? Napakaworkaholic talaga ng asawa mo, mula nang siya na ang namahala ng negosyo e hindi nay an nagkaroon nang pahinga” ang sabi nito sa kanya na bahagya pang nagdikit ang mga kilay kaya napangiti siya nang biglang magring ang kanyang phone.

“Excuse me” ang sabi niya sa mga kausap at lumayo ng bahagya bago sinagot ang tawag.

“Hi Honey bakit napatawag ka?” ang sabi niya rito.

“Oh nothing namiss kasi kita eh” ang sabi nito na ikinagiti niya “Anong ginagawa mo” ang narinig niyang tanong nito sa kanya na parang nanlalambot ang boses nito.

“Oh nothing much nandito ako kila Mommy bumisita muna ako dito kasi nainip ako eh, May sakit ka ba Aljon?” ang nagalala niyang tanong dito.

“Ganon ba? Mabuti naman para makapaglibang ka kahit paano, No medyo masama lang ng konti pakiramdam ko but I drink medicine” ang sabi nito sa kanya at parang may nauulinigan siya sa kabilang linya.

“I have to go sweetheart call me when you are done para susunduin na lang kita” ang sabi nito at pinatay na ang cellphone ni hindi man lang siya nakapag paalam dito.

“Is that Aljon?” ang tanong ng mommy niya.

“Yeah namiss daw ako” ang sabi niya na nakatawa kaya napangiti na rin ang kanyang mommy at mommy nito.

Nakipagkuwentuhan muna siya sa mga ito nang maramdaman niyang sumasama ang kanyang pakiramdam kaya nagpaalam na siya sa mga ito at nangakong bibisita ulit kaya pinahatid na lang siya ng mommy niya sa driver.

Dali-dali siyang pumasok sa kanilang bahay at umakyat sa kuwarto nagulat pa siya ng Makita niyang nakabukas ang kuwarto ang natatandaan niya ay sinarado niya yon kaninang umalis siya naisip na lang niyang baka naglinis ang katulog at nakalimutang isara ng lumabas.

Itutulak na lang niya sana ang pinto nang kuwarto nang marinig niya ang hagik-gik mula sa loob nito parang tawa ng isang babae na kinikiliti biglang parang tinadyakan ang kanyang dibdib dahil sa narinig kaya kinakabahang itinulak niya ang pinto para lang magulat sa nakita.

Nakita niya si Aljon na nakahiga sa kanilang kama habang nakapatong dito ang babae na walang saplot sa katawan halos panawan siya ng ulirat dahil sa sobrang sakit na nadarama niya gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa gusto niyang tumakbo palapit sa mga ito at pagtatadyan pero parang walang lakas ang kanyang mga paa para kumilos ang tangi lang niyang nagawa ay umiyak at mapahikbi.

“Mga walang-hiya kayo!” ang sigaw niya sa mga ito kitang kita pa niyang parang nagulat ang babae na nakapatong dito nang lungunin siya at nang Makita niya ang mukha nito ay siya naman ang parang tinuklaw ng ahas dahil narito na naman ang babaeng kahit kailan ay kaagaw niya kay Aljon si Maricar.

“Mga taksil dito pa sa sarili kong pamamahay” ang dagdag na sigaw niya sa mga ito at nakita niyang parang naalimpungatang napatingin sa kanya si Aljon.

“Natasha anong” ang sabi nito na nagulat na Makita siyang umiiyak at parang itong tinuka nang ahas ng Makita ang walang saplot na si Maricar na nakaupo pa rin dito.

“Maricar anong ibig sabihin nito?” ang narinig niyang tanong nito dito na ikinataas lang ng kanyang kilay.

“Walang hiya ka Aljon napakababoy mo hindi mo na ako ginalang dito mo pa ginawa sa bahay ang kababuyan ninyo mga hayop kayo” ang sigaw niya sa mga ito habang walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“Natasha magpapaliwanag ako hin—” May sasabihin pa sana ito sa kanya pero hindi na nito natapos iyon dahil dali-dali siyang tumakbo palabas ng kuwarto narinig pa niyang tinatawag siya nito at hinabol papalabas pero hindi niya ito pinakinggan bingi na siya sa sobrang galit na nararamdaman at dahil sa walang habas na pagtulo ng kanyang mga luha ay hindi niya namalayan na nasa hagdan na pala siya.

“Natashaa mahuhulog ka” ang sigaw ni Aljon na papalapit sa kanya at tuluyan na siyang nahulog sa matarik na hagdan nararamdaman niya ang sakit ng bawat pagtama ng kanyang katawan sa gilid ng mga baiting hanggang sa huli ay ang malakas na pagtama ng kanyang katawan sa sahig na nagpawala ng kanyang kamalayan.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 10Unexpected Love: Chapter 12 (END) >>

200 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 11

Leave a Reply