Unexpected Love: Chapter 10

This entry is part 11 of 13 in the series Unexpected Love

“BA-BAKIT ka pa nag-abala sana ginising mo na lang ako at sa baba na tayo kumain” ang sabi niya dito na iniiwas ang tingin sa napakaguwapong mukha na gumising sa kanya.

“Oh its nothing nagenjoy naman ako habang tinititigan ko ang napakaganda mong mukha” ang sabi nito na ikinapula ng kanyang mga pisngi.

“Hey your blushing I like that you look so beautiful when you blush” ang sabi nito na hinipo pa ang lalong namula niyang pisngi.

“Kain na baka lumamig ito e masarap pa naman yan I fixed it my self” Ang sabi nito at sinubuan pa siya ng ng hotdog.

“Ako na” ang sabi niya dito at pilit kinuha ang tinidor dito.

“Did you eat already?” ang naalala niyang tanong dito dahil naiilang siya sa pagkakatingin nito sa kanya.

“Hindi pa nga eh” ang sabi nito na nakangiti pa rin ng pagka-ganda-ganda.

“Ganon ba halika share na lang tayo dito tutal ikaw naman nagpakapagod sa pagluluto nito” ang sabi niya rito at ibigay dito ang isa pang tinidor kaya pala dalawa ang tinidor na nakita niya kanina siguro para ito dapat kay Aljon.

“Thanks akala ko hindi mo na ako yayain” ang sabi nito na ngumiti na parang bata.

Habang kumakain sila ay Panay ang pag ngiti nito sa kanya kaya nahawa na rin siya dito at Masaya nang nagalmusal kasalo ito na halos hindi nila namalayang naubos na pala ang pagkaing inihanda nito kaya sabay pa silang tumawa.

Naging napakasaya ng umaga sa kanya dahil inilibot siya at ipinakilala ni Aljon sa mga katulong nito at ipinakita sa kanya ang napaka gandang bahay nito. Nakita pa niyang may hot spring ito sa likuran na mas maliit lang ng konti sa hot spring na nakita niya noon sa may Mt. Arayat.

Nang malapit ng magtanghalian ay magkatulong silang nagluto ng kanilang kakainin Panay ang kanilang biruan at harutan para silang mga bata naghahabulan pa at nagkikilitian.Akala niya ay Hindi na matatapos ang kanilang kasayahan pero nang maghahapunan na sila ay nakatanggap ito ng tawag at dali-daling nagpaalam sa kanya ni hindi man lang nakuhang ipaalam kung saan ito pupunta.

“Nasan na kaya ang Aljon na yon? Kanina pa wala malapit nang mag alas 12 ng medaling araw ah” ang malakas niyang sabi na kahit wala naman siyang kausap habang di mapakaling silip ng silip sa orasan.

“Humanda sa akin yon pagdating niya baka nambabae na yon kakasal lang naming kahapon” ang dagdag pa niyang sabi at nagdadabog na humiga ng kama at nagtalukbong nang maramdaman na lang niyang bumukas ang pintuan pero naunahan siya ng hiya dahil baka isipin ni Aljon na patay na patay siya dito at hinihintay ang paguwi nito kaya nagpanggap na lang siyang natutulog. Makalipas Lang ang ilang minuto ay may humawi ng kumot at tumabi ito sa pagkakahiga niya at niyakap siya sa likuran.

“Natasha?” ang bulong nito sa kanya at naamoy pa niyang amoy alak ito.

“Ummm” ang kunwaring naalimpungatang sabi niya at dahan-dahang idinilat ang mga mata.

“Kanina ka pa ba?” ang tanong niya rito na patuloy pa ring nagkukunwari.

“Hindi naman mga five minute siguro” ang sabi nito na patuloy pa rin sa paghimas sa kanyang mga braso habang namumungay ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Are you drunk?” ang tanong niya rito dahil naamoy niya ang Amoy chiko nitong hininga.

“Nope isang bote lang” ang sabi nito sa kanya na tumaas na sa kanyang balikat ang mga kamay nito at para bang minamasahe nito na ikinapit ng kanyang mga mata dahil sa parang kuryenteng nanunulay sa kanyang buong katawan dahil sa pagkakalapat ng palad nito sa kanyang balat.

“Hmmm Aljon” ang Hindi niya napigilang daing ng maramdaman niyang lumapat na ang mga labi nito sa kanyang batok pababa sa kanyang likuran na nagpataas sa kanyang mga balahibo.

“I need you Natasha” ang bulong nito sa kanyang tenga na lalo lang nagpalimot sa kanyang natitirang katinuan.

“Aljon” ang tangi niya na lang nasabi dahil sinakop na nito ang kanyang mga labi na sabik din niyang tinugon at hinayaan ito sa nais nitong mangyari.

Lumalim ang kaninay nanantiya nitong halik nang maramdamang tumutugon na siya ang mga dila nitong kanina ay kumakatok sa kanyang labi ay tuluyan nang nakapasok at ngayon nga ay napapalitan na sila ng maalab na halik at haplos.

namalayan niya na lang na nahubad na pala ni Aljon ang kanilang mga damit at ngayon nga ay pinaliliguan na siya nito ng mga maliliit na halik sa katawan at maya-maya ay naramdaman na lang niyang pinag-isa na nito ang kanilang mga katawan muntik pa niya itong maitulak dahil sa sakit na biglang lumukob sa kanyang katawan kaya huminto muna ito at hinalikan siya pero malakipas lang ang ilang sandali ay tuluyan na silang sumayaw sa awit na sila lang ang nakakarinig.

“Thank you sweetheart” ang sabi nito sa kanya at hinalikan siya sa mga labi bago ito tuluyang natulog sa kanyang tabi at makikita pa ang napakaganda nitong ngiti.

Series Navigation<< Unexpected Love: Chapter 9Unexpected Love: Chapter 11 >>

174 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 10

Leave a Reply