Unexpected Love: Chapter 1

This entry is part 2 of 13 in the series Unexpected Love

NAGISING si Natasha sa tunong ng kanyang alarm clock nag-inat muna siya bago pumasok sa banyo at naligo ng makatapos sa pag-aayos ay dali dali siyang bumaba para mag-almusal.

Nasa fourth year high school na silang pareho ng kanyang kakambal na si Nathaniel mula first year ay magkahiwalay na sila ng section nasa special class ito samantalang siya ay sa class A.

“Good morning mom and dad” ang nakangiting bati ni Natasha sa magulang na kumakain ng almusal sabay halik sa mga ito

“Good morning Nat! O halika umupo ka na at mag-almusal” at nilagyan nito ng itlog na sunny side up at hotdog ang kanyang plato.

“Nasan si kuya Nathan mommy?” ang tanong niya sa Ina habang nilalagyan ng butter ang kanyang toasted bread.

“Umalis na kanina pa, kasabay ni Aljon” ang sabi ng kanyang Mommy na hindi tumitingin sa kanya dahil abala ito sa pagsubo.

“Ang aga naman niyang umalis ni hindi man lang ako hinintay, mas gusto pa nitong sumabay sa pangit na Aljon na yon” ang nakasimangot niyang sabi sabay kagat ng mariin sa toasted na kanina lang ay nilalagyan niya ng butter.

“Anak bakit ba pag dating kay Aljon ay galit na galit ka? Mabait naman itong bata” ang tanong ng Daddy niya sa kanya na halos ikabilaok niya imagine mabait daw ang Aljon na yon.

“What Daddy mabait? Si Aljon? Baka naman ang ibig ninyong sabihin ay demonyito, lagi akong inaaway” at lalo pang sumimangot dahil sa narinig na sinabi nito.

“Baka may gusto Lang sayo kaya nag-papapansin Iha, pansinin mo Na lang bagay naman kayo” ang natatawa pang sabi ng Daddy niya kahit noon pa man ay ugali na siyang itukso nito kay Aljon.

“Don’t say bad words Daddy” at dali dali siyang uminom at nagdadabog na tumayo dahil nawalan na siya ng ganang kumain.

“Hey Iha you didn’t finish your food yet” ang paalala ng Mommy niya sa kanya nang makitang talagang desido na siyang umiskapo sa almusal at kakaunti pa lang ang nababawas sa pagkain niya dahil nakakaisang kagat pa lang siya ng hotdog at toasted bread.

“Im done Mommy mala-late na ako” ang sabi niya saka humalik sa Mommy at Daddy niya at tumalikod na para lumabas sa maluwang nilang kainan.

“See what you’ve done, alam mo namang allergic yun kay Aljon, sukat na biniro biro mo pa” ang himig paninisi ng Mommy niya sa kanyang ama ng malapi na siyang makalabas ng kainan.

“I just enjoy teasing her, ang cute-cute niya kasing tignan habang nakasimangot” ang narinig niyang sagot ng Daddy niya na halatang tuwang-tuwa.

Pagdating niya sa school ay dali-dali siyang pumunta sa kanilang classroom na kahit nasa malapit na bukana lang ito ng kanilang school ay nag-aalala parin siyang baka ma-late mabuti na lang pagpasok niya ay wala pa ang kanilang English teacher na una nilang subject.

“Natasha dito ka na umupo” ang tawag sa kanya ni Annalyn na siya niyang matalik na kaibigan mula pa noong first year sila.

“Hi mabuti hindi ako na-late” ang Masaya niyang sabi dito na ng makalapit ay humalik sa pisngi nito at sabay upo sa tabi nito na kanyang upuan mula pa nang magbukas ang kanilang klase.

“Wala pa ba si Vera?” at lumingon pa siya sa kanilang classroom para hanapin ang isa pa nilang kaibigan para lang biglang sumimangot dahil nakita niya si aljon na nakangisi sa kanya na kahit abala sa pakikipag usap sa mga kaibigan nito sa likod ng classroom malapit sa banyo ay nakuha pa rin siyang ngisihan.

“Ahh nakakainis talaga” ang nakasimangot niyang sabi kay Annalyn nang mabilis niyang binawi ang tingin sa gawi ng mga ito.

“ Bakit naman ang aga-aga nakasimangot ka?” ang sabi ni  Vera na nakalapit na pala sa kanilang dalawa ni Annalyn.

“ Nothing, may nakita lang akong mukhang kulugo” ang sabi niya na halos magisang linya na lang ang kanyang kilay dahil sa sobrang pagdidikit ng mga ito.

“Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” ang sabi ng boses sa kanyang likuran na lalo lang nagpainit ng kanyang ulo, Dahil ang boses na bagamat napakalamig sa pandinig ay nagpapatulig pa rin sa kanyang tenga dahil sa may ari nito ang lalaking kinaiinisan niya.

“Ang kapal naman ng mukha mo bakit ka naman namin pag-uusapan huh?” ang sabi niya kay Aljon sabay ingos dito na para bang sa pamamagitan noon ay matutunaw ito at maglalaho sa kanyang paningin.

“Well alam ko namang walang pinag-uusapan ang mga babae kundi ang mga guwapong lalaking katulad ko” ang mayabang nitong sabi sabay kindat sa mga kaibigan niya na halatang kinilig bakit nga naman hindi napakaguwapo nito at ang mga mata ay parang laging tumatawa na kahit siguro sinong titigan nito ay manlalambot pero hindi siya dahil para sa kanya ang lahat ng bagay dito ay kasuklam suklam.

“Excuse me parang napakalakas ata ng hangin kailangan kong kumapit sa hamba ng pintuan dahil baka bigla na lang akong liparin” ang sabi niya dito sabay tayo papunta sa pintuan na hindi naman kalayuan sa kanya dahil ang kanilang upuan ay nasa harapan ng black board na ilang hakbang lang ang layo sa pintuan.

“If I know ako ang gusto mong kapitan” ang dagdag pa nitong pambubuska na lalo lang nagpalukot sa kanyang magandang mukha.

“Another excuse me, dahil hindi ka lang pala hambog ambisyoso ka pa” ang nakataas na kilay na sabi niya dito na halos umabot na ata sa kanyang tuktok ang pagkakataas dahil sa sobrang inis sa kausap.

“Guwapo naman” ang sabi nito at sinabayan ng malakas na tawa na kung sa ibang lalaki siguro niya narinig ang malamyos na tawang iyon ay siguradong magkakagusto siya sa may ari ng boses na yon pero hindi kay ALjon dahil ang halakhak nito para sa kanya ay walang pinagkaiba sa kalembang ng kinakalawang na lata.

“Gwapo? Maghunos dili ka nga mukhang hindi ka pa nakakatingin sa salamin nakita mo na ba ang pagmumukha mo na mas pangit pa sa pinakapangit na kulugo” ang sabi niya rito na dinagdagan pa ng nakakalokong halakhak dahil sa nakita niyang napahinto ito na kanina lang ay masayang tumatawa.

“Pangit pala huh, If I know matagal mo na akong pinagpapantasyahan” ang sabi nito na ikinapikon niya ng todo-todo dahil sa buong buhay niya ito lang ang may kakayahan na pikunin siya sa kahit simpleng salita nito.

“Ito ang piso bumili ka nang kausap na makakaintindi sa sayad mo” at sabay bato ng pera na tumama sa dibdib nito na ikinapikit nito dahil sa malakas na pagkakabato niya dito.

“Ouch masakit yun ha?” ang sabi nito na napahawak sa dibdib na tinamaan ng barya na animo binubura nito ang sakit na nararamdaman mula sa baryang hinagis niya.

“Buti nga sayo nakita mo na maging ang piso ay umaayaw sayo” ang sabi niya dito na sinabayan pa ng tawa dahil tuwang tuwa siya sa nakikitang sakit sa mukha nito at para itong unggoy na walang tigil sa kahahaplos sa dibdib nito.

“Makikita mo makakaganti rin ako sayo” ang sabi nito na tinitigan muna siya ng masama bago tumalikod sa kanya.

“Im just here waiting” ang sabi niya pa dito habang napakalaki nang pagkakapaskil ng ngiti sa kanyang mukha.

“Yes round one goes to Natasha” ang sabi niya sa mga kaibigan at sabay hagik-gik ng lingunin niya si Aljon ay nakita niyang napakatalim ng tingin sa kanya na kung Pana lang ang mga tingin nito ay siguradong duguan na siyang bumagsak sa sahig.

“Natasha naman, bakit binato mo? mukhang nasaktan si Aljon” ang sabi ni Annalyn sa kanya na halatadong naninisi habang nakatingin sa kanya na para bang gusto siyang makonsensya.

“Hayaan mo siya mabuti ngayon at nang madala siya” ang di nakokonsensyang sabi pa niya habang napakaganda pa rin ng kanyang ngiti akala mo ay nagdidiwang siya sa isang napakalaking pagkapanalo.

“Ewan ko ba naman sa inyo mula pa noong mga first year tayo ay lagi na kayong nagbabangayan, para kayong mga Aso’t pusa” ang naiiling na sabi sa kanya ni Vera na umupo na sa tabi niyang upuan.

Totoo ang sinabi ni Vera sa kanya mula pa noong mga first year sila ay para na silang mga aso’t pusa in fact ay mula pa noong mga bata sila ay madalas na silang magbangayan ni Aljon. Natatandaan pa niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang galit nila sa isa’t isa at biglang niyang naalala ang nakaraan.

Mula ng lumipat sila sa maynila ay naging malapit na mag-kaibigan ang kanyang mga magulang at magulang ni Aljon, Bago nakilala ng kanyang kuya Nathan si Aljon ay siya ang parati nitong kasa-kasama at kalaro pero ng maging kaibigan nito si Aljon ay hindi na siya nito isinasama sa paglalaro na siya niyang ikinaiinis dahil ang Kuya Nathan lang niya ang kanyang kalaro at kaibigan pero dahil kay Aljon ay hindi na siya nito naaalala.

Madalas sa hindi ay naiiwan lang siyang mag-isa sa kanilang bahay dahil parating sinusundo ng asungot na Aljon na yon ang kanyang Kuya Nathan kaya mula noon ay may umuusbong ng galit sa kanyang dibdib para kay Aljon na walang kamalay-malay.

“Kuya Nathan laro naman tayo, naiinip na kasi ako dito wala naman akong makalaro” ang sabi ng sampung taong gulang pa lang na si Natasha

“Hindi puwede Natasha dadarating na kasi si Aljon may bago raw siyang toys” ang sagot sa kanya ng kanyang kakambal na pilit nagpapaunawa sa kanya.

“Nakakainis ka na kuya Nathan parati na lang si Aljon ang kalaro mo kinakalimutan mo na ako” ang pan-ngo-ngonsenya niya pa sa kanyang kakambal at lalo pang sinimangutan ito.

“Makipaglaro ka na lang kay Natalie” ang utos ng kanyang Kuya sa kanya na talagang desidido nang wag siyang isama sa laro nito at ni ALjon.

“Ayaw ko nga ang bata pa ni Natalie isa pa napakaiyakin non” ang nakalabi niyang sagot sa kapatid. Si Natalie ay ang nakababata nilang kapatid apat na taon ang agwat ng idad nila dito.

“Hindi talaga puwede Natasha. pang lalaki kasi ang laro naming ni Aljon maiinip ka lang” ang mahinang pagpapa-intindi sa kanya ng kapatid sasagot pa sana siya dito ng bigla na lang dumating ang kinaiinisan niyang tao sakay nang magara nitong bisikleta.

“Nathaniel ready ka na ba?” ang tanong ng bagong dating na nakangiti pa sa kanila na lalo lang nagpakulo sa kanyang dugo.

“Oo kaso si Natasha nagpipilit sumali sa atin” ang narinig niyang sabi ng kanyang kuya Nathan na hindi naman mukhang nagpapasaklolo kundi nagkukuwento lang.

“Pero hindi puwede Natasha kasi for boys lang yung mga toys ko maiinip ka lang” ang sabi ni Aljon sa kanya na napakaganda pa rin ng ngiti sa kanya.

“Bakit sino ba ang nagsabi na ikaw ang gusto kong kalaro? Si kuya Nathan lang naman ang niyayaya ko pero dahil sayo ayaw na niya akong kalaro” ang nagagalit na sigaw niya sa nabiglang si Aljon.

“Natasha stop it” ang mahinahong pagsaway sa kanya ng kakambal.

“Ahh I hate you both” ang sigaw niya sa dalawa sabay sipa kay Aljon na namilipit sa sakit dahil tumama ang paa nitong sinipa niya sa bisikleta nito na hawak nito sa likuran.

Dahil sa takot na gantihan ay dali dali siyang tumakbo sa kanyang kuwarto at nag-kulong ng marinig niya ang tawag sa kanya ng kanyang kakambal kinakatok nito ang pinto dahil takot ay hinayaan na lang niya itong magkakatok at ng mapagod siguro sa kakakatok ang kanyang kakambal ay huminto rin ito at narinig na lang niyang paalis na ito.

Magkakaklase sila ni Nathan at Aljon sa elementary at lagi paring magkadikit ang mga ito na ikinaiinis niya dahil bukod sa lagi nitong kasama ang kanyang kakambal ay madalas din siya nitong tuksuhin nandyang hihilahin ang kanyang ponytail tulad na lang ngayon

“Ano ba Aljon wag mo sabi hilahin ang buhok ko eh” ang naiinis niyang bulong dito pero hindi pa rin ito nakinig sa kanya lalo pa nitong hinila ang kanyang buhok.

“Aljon tigilan mo na sabi yan eh pag ako nainis makikita mo” ang sabi pa ni Natasha na medyo napalakas na ang boses dahil sa nararamdamang inis.

“Natasha we are having a lesson, please be quiet” ang sabi ng kanyang teacher na lalo lang nagpainis sa kanya dahil siya lang ang binawal nito  kaya ng maramdaman niyang hinigot ni Aljon ang buhok niya at kinuha ang kanyang ipit sa buhok ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili

“I told you to stop it” ang galit niyang sigaw dito sabay kuha ng lapis at tusok sa mga kamay nitong nakalagay sa lamesa at kitang kita niya ng bumaon ang lapis na itinusok niya rito.

“Ouch why did you do that” ang umiiyak nitong sigaw sa kanya dahil dumudugo na ang kamay nitong sinaksak niya pagkatapos nitong alisin ang lapis na nakatusok pa rin dito.

“Natasha what have you done” ang narinig niyang sabi ng natatarantang teacher niya at lumapit kay Aljon at pinunasan ng panyo ang nasugat nitong kamay na kahit hindi malalim ay patuloy pa rin ang masaganang pagdaloy ng dugo.

“He deserve it kanina pa niya hinihigot ang buhok ko I told him to stop pero kinuha niya pa rin ang ribbon ko” ang umiiyak niyang sabi sa teacher at namumutlang napaupo hindi dahil sa takot siyang maparusahan kundi dahil sa mapupulang dugo na nakikita niyang tumutulo sa kamay ni Aljon.

Dahil doon ay pinatawag ang kanyang Parents at pinarusahan siya ng mga ito pilit siyang pinagso-sorry dito pero hindi pa rin siya humingi ng tawad mabuti na lang at mabait ang parents ni Aljon at hindi nagalit sa kanya.

Makalipas ang isang buwan makalipas ang nangyari ay napag-kasunduan ng dalawang pamilya na pumunta ng pangasinan para magbakasyon at doon na rin ipagdiwang ang mahal na araw at tulad ng dati sa tuwing naglalaro ang kanyang kapatid ay sumasali siya pero ayaw siyang pasalihin ng mga ito dahil larong panglalaki daw ang laro ng mga ito kaya naiinis siyang nagmukmok sa isang tabi.

Maya–maya ay narinig niyang niyaya ni Aljon ang kanyang kuya na maligo sa may dagat at ng Makita niyang umalis na ang mga ito ay dali-dali siyang sumunod nagulat pa siya ng hubarin ng mga ito ang mga damit at walang itinira at nagtatakbo sa dagat nakita niyang may paparating na mga batang babae na kasing idad nila or mas matanda ng isang taon nang bigla siyang may naisip na kapilyahan dahan-dahan siyang nagpunta sa bato kung saan nakapatong ang damit ng kanyang kakambal at ni Aljon kaya dali-dali niyang kinuha ang mga ito.

“Hoy Natasha saan mo dadalhin ang mga damit namin?” ang narinig niyang sigaw ni Aljon sa kanya ng madampot niya ang mga damit ng mga ito na nakalatag sa may batuhan.

Hindi niya pinansin ang sigaw nito sa halip ay lalo lang siyang nagmadaling tumakbo at ng lingunin niya ang mga ito ay natawa pa siya sa nakita dahil hindi alam ng mga ito kung paanong magtatago dahil nakalapit na pala ang mga batang babae na nagsisipagtawanan.

Nakita niyang maiiyak na ang kanyang kapatid at si Aljon dahil sa kahihiyan ibabalik na sana niya ang mga damit nang Makita niyang nanlilisik ang mga mata ni Aljon ay nagtatakbo na lang siya dahil sa takot.

Nagulat pa ang kanyang mga magulang ng dumating ang mga itong nakahubad at nang hanapin ng mga magulang ang mga damit ng mga ito ay takot na takot siya dahil baka isumbong siya sa mga magulang pero nakahinga siya ng maluwag ng marinig niyang sinabi ng kuya niya na inanod ang mga damit nito. Nang mag-gagabi na ay nagdatingan ang iba pang mga kaibigan ng kanyang magulang  dahil may maliit na salo-salo sa kanilang bahay-bakasyunan.

“Ipinahiya mo kami kanina Natasha di ka ba magso-sorry?” ang narinig niyang sabi ni Aljon na hindi niya namamalayang nakalapit na pala sa kanya sa may duyan na nakakabit sa magkabilang puno nang niyog..

“Hindi bakit naman ako magso-sorry e bagay lang naman sa inyo yun ayaw ninyo kasi akong isali ” ang nakalabi niyang sabi dito.

“Hindi pa rin tama ang ginawa mo napahiya kami doon sa mga batang babae pinagtitinginan at pinagtatawanan kami ng kuya mo” ang sabi nito na nanlilisik ang mga mata dahil sag alit sa kanyang ginawa

“Kasalanan ko ba kung mag borless kayo ni kuya kanina” ang di pasisindak na sagot niya rito at nang aalis na siya ay bigla na lang siya nitong hinalikan sa labi dahil sampung taon pa lang silang pareho ay para silang napaso at sabay na itinulak ang isa’t isa

“Hey kids anong ginagawa ninyo?” ang sabay pa nilang narinig ni Aljon at ng lingunin nila ay ang Daddy pala ni Aljon ang nagsalita at nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa habang ang kanyang daddy ay natatawa.

“Whew beats me pare, mukha talagang magiging magbale pa tayo”  Ang sabi ng kanyang daddy at sabay pang nagsitawa ang mga ito na lalo lang ikinapula ng kanyang mga pisngi

“Hey what are you two laughing at?” ang tanong ng kanyang mommy na nakalapit na rin at nagtatakang nakatingin sa kanilang mga daddy

“Our Daughter seems to have a boyfriend na Ayessa” ang nakatawa pa ring sabi ng kanyang daddy

“Is that true baby?” ang tanong ng kanyang mommy na mukhang amuse na amused sa kanilang dalawa

“No mommy he stoled my first kiss” ang naiiyak niyang sabi sa kanyang ina

“No I didn’t you’re the one who kissed me” ang sabi naman ni Aljon na ikinalaki ng kanyang mga mata

“That’s ok kids, sige na, go and grab something to eat” ang sabi ng kanyang ina at niyaya na ang dalawang lalaki na nagtatawanan pa rin.

“Why did you lie? And why did you kiss me too?” ang sabi niya dito na umiiyak na

“That’s my revenge from you for taking our clothes” ang sabi nito na mukhang nagulat dahil sa nakikitang pag-iyak niya

“ I hate you!!! I’ll make you pay for this” ang sigaw niya rito at dali-daling tumakbo naririnig niyang tinatawag siya nito pero wala siyang paki-alam ang alam lang niya ay kailangan niyang makalayo.

“I’m sorry na, hindi ko dapat ginawa yun” ang sabi nito sa kanya na hinahabol pa rin ang paghinga ng maabutan siya.

“I don’t care if you’re sorry I still hate you!!! Pinahiya mo ako sa parents ko pati na rin sa dad mo” ang sabi niya na panay pa rin ang pagiyak

“Please I’m really sorry, wag ka nang umiyak oh” ang sabi nito na pilit pinupunasan ang kanyang mga luha

“Don’t touch me and never get near me, ever again, I hate you!!” ang galit na galit niya pa ring sabi dito at tuluyan na itong tinalikuran

Pilit pa rin itong humihingi ng sorry sa kanya pero talagang galit siya dito dahil sa pagkapahiya niya lumipas ang mga araw at buwan na humihingi ito ng tawad hanggang sa magsawa na ito sa kasusuyo sa kanya dahil sa tuwing lalapit ito ay katakot-takot na pagkapahiya ang inaabot nito kaya mula noon ay hindi na siya nito inamo sa halip ay pinapatulan na siya sa tuwing aawayin niya ito.

“Hoy Natasha natulala ka na diyan palabas na tayo di ka pa rin tumatayo” ang siko sa kanya ni Annalyn na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

“Huh ano kamo Annalyn?” ang nagulat niyang tanong dito ng maramdaman niyang siniko siya nito.

“Ang sabi ko kanina pa lumilipad ang isip mo palabas na tayo hindi ka pa rin tumatayo ano ba malalate na tayo sa next subject natin” ang sabi naman nito at hinigot na siya sa kinauupuan.

“Palabas na tayo e hindi pa tayo nagsisimula sa klase ah” ang naguguluhan niyang sabi dito dahil ang natatandaan niya ay hindi pa dumarating ang kanilang teacher.

“Kanina pa kasi lumilipad ang isip mo hindi mo na tuloy namalayan na tapos na ang klase. Saan bang planeta ka nakarating” ang natatawang biro sa kanya ni Vera.

“Sira! may naalala lang ako” ang palusot niya dahil ayaw niyang malaman ng mga ito na naalala na naman niya ang nakaraan nila ni Aljon.

“Sus sino naman kaya yun? Namumula kaya ang mga pisngi mo kanina pa” ang panunukso sa kanya ni Annalyn at bahagya pa ngang hinipo ang kanyang magkabilang pisngi.

“Huh tutoo?” ang natataranta niyang sabi sabay hipo pa sa kanyang mga pisngi pagkatapos tabigin ang mga kamay nito.

“Asus at tama pala ang hinala ko may iniisip ka ngang tao” ang natatawa nitong tudyo sa kanya na lalo lang niyang ikinapula.

“Humpt puro talaga kayo kalokohan, wala na kayong naasar kundi ako”  ang naiinis niyang sabi kaya nagmamadali siyang lumabas ng pinto ng may mabungo siya,

“Nakup!!! Aray!!”  ang nasabi niya sabay tingin kung ano ang nabungo niya para lang biglang mapaatras dahil nakita niyang nakangisi sa kanya si Aljon.

“Ano ka ba naman Natasha, kung magpapa-pansin ka sa akin wag mo naman daanin sa pagbungo dahil ikaw rin ang masasaktan” ang sabi ni Aljon sa kanya na may sinusupil na nakalolokong ngiti

“Ah buwisit pag nga naman talaga inuulan ka ng malas ang mabubungo mo pa ay ang hari ng kulugo” ang malakas niyang sabi na ikinatawa ng mga kaklase niya na nakarinig sa sinabi niya

“Ako ba ang tinatawag mong kulugo?” ang napipikong sabi ni Aljonr sa kanya habang nakakunot ang mga noo nitong nakatingin sa kanya.

“Bakit sino pa ba ang mukhang kulugo dito kundi ikaw lang” ang nakaingos niyang sabi dito sabay tabig dito dahil nakaharang ito sa dadaanan niya.

“Kung ako kulugo ikaw naman mukhang kawayan na haharang harang sa daan” ang narinig niyang sabi ni Aljon na nagpahinto sa kanya sa paglalakad dahil narinig pa niyang nagsimula nang magingay ang mga kaklase niyang nakarinig dito.

“Ah kawayan pala ako tignan natin kung anong mangyayari sa kulugo pag tinamaan ng kawayan” at dali dali siyang lumapit dito para bigwasan ito pero di niya namalayan na umiwas ito at dahil sa bilis ng pangyayari ay di niya malaman kung paanong nangyari na sa mismong ibabaw nito siya bumagsak nanlalaki ang mga mata niyang napatingin dito at parang hinihigop siya ng mga mata nito na hindi niya maintindihan

“WOW ang suwerte mo naman pare nakapatong sayo ang napakagandang babae” ang narinig niyang sigawan ng mga kaibigan nito na nagpabalik sa kanyang katinuan kaya dali dali siyang tumayo mula sa pagkakadapa sa ibabaw nito.

“Aray ko po ang bigat bigat mo naman” ang sabi nitong di maipinta ang mukha dahil sa sakit habang inaalalayan sa pagtayo ng mga kaibigan nito.

“Buti nga sayo” ang sabi niya rito bagamat napahiya ay nakuha pa niyang ilabas ang mga dila at inusli niya ito dito sabay kabit ng dalawang naka L na daliri sa ulo at dali daling hinigot ang mga kaibigan palayo sa mga ito

“Wow Natasha naka-score ka kay papa ALjon” ang sabi pa ni Vera sa kanya habang naglalakad sila papunta sa building ng next subject nila

“Masarap ba mare? Ang ganda ng landing mo kanina konting konti na lang sana nakadikit na yung mga lips ninyo” ang natatawang sabi ni Annalyn at inusli pa ang mga nguso na parang hahalik

“Ah ewan ko sa inyo, akala ko pa naman friends ko kayo” ang naiinis niyang sabi sa dalawa at nagpauna na sa paglakad dali dali naman siyang hinabol ng mga ito na nagtatawanan pa rin at panay ang tukso sa kanya at di niya maiwasan ang mag-init ang pisngi sa pagkaalala sa nangyari.

Series Navigation<< Unexpected Love: TeaserUnexpected Love: Chapter 2 >>

227 thoughts on “Unexpected Love: Chapter 1

Leave a Reply