You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Teaser

This entry is part 10 of 6 in the series You're my One and Only: Noriel - The Dream Guy

This is the day. 

The day that she didn’t expect to met her dream guy.. In the worst scenario.

“N-Noriel.. S-Sorry talaga.. B-Besides, I’m your big fan. H-Hinding hindi ko gagawin sa-“

“So, iyon pala ang dahilan kaya mo ako binangga?” seryosong sabi nito sa kanya. Tuluyan namang nagdikit ang dalawang kilay ni Princess dahil sa narinig mula rito.

“Excuse me? Aren’t you being rude?” may halong inis na tanong ni Princess dito. Mukhang nakalimutan na yata niya bigla ang malaking paghanga sa lalaking ito. Parang hindi ito ang Noriel na kilala niya.

“Iyan ba ang modus mo para pansinin kita? So cheap,” malamig nitong sabi sa kanya bago hinawakan ang baba niya at itiningala ang mukha niya para magpantay ang mga mukha nila.

“Why don’t you try going to my own condominium and you can do your innocent act inside my bed? Baka sakaling mapansin pa kita. Or,” lalo nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya dahilan para maamoy niya ang mabango nitong hininga at saka ngumiti ng nakakaloko, “We can do it here if you really want.”

Hindi na napigilan ni Princess ang galit na nararamdaman niya. Mabilis niyang pinatamaan ang maganda nitong mukha ng kamao niya dahilan para matumba ito. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya habang sapu-sapo nito ang pisngi nito na pinatamaan niya ng nag-iinit niyang kamao.

“Hindi ako cheap na fan mo na gagawin ang lahat ng gusto mo! Besides, hindi ko sasayangin ang first time ko sa isang walang kwentang lalaking katulad mo! Ha! Anong akala mo sa akin? Cheap? Don’t be stupid!” sigaw niya dito saka tumalikod dito. Hindi niya talaga inaasahan ang personality nito.

Nawala na ang Noriel na hinahangaan niya. This guy is the worst guy she ever met! Bago pa siya makahakbang ay hinarap niya itong muli. “And for now on, I’m not your fan anymore!”

Tuluyan na siyang naglakad paalis ng lugar na iyon. Dahil sa sobrang inis, sinipa din niya ang paa ng crew na kanina ay nag-utos ng nag-utos sa kanya bago sinigawan ito ng, “I’m not a stupid errand girl!” bago tuluyang umalis ng shooting area na iyon.

Today is the worst day ever!

Editor’s Note:
Matagal ng pending ang mga kwento ni Mar Enero sa TOP. Ngayon lang kami nagkaruon ng time kaya patawad sa delay. Ganunpaman, siguradong magugustuhan ninyo ang kwentong ito gaya ng mga ngiting ibinigay sa amin ng kwentong ito. Enjoy reading!

Schedule:
Every MWF, starting October 7, 2019

Series Navigation<< You’re my One and Only (Noriel, The Dream Guy): Chapter 1

Leave a Reply