Half Crazy: Teaser

This entry is part 1 of 13 in the series Half Crazy

Isa lamang ang pinakahihiling ni Margarette sa buhay. Iyon ay ang magmahal at mahalin ng tunay at wagas. Dininig ng Diyos ang kaniyang hiling nang magtagpo ang landas nina Justin. Wala na siyang ibang mahihiling pa. Alam niyang si Justin na ang itinatangi ng puso.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling tumibok ang puso niya. At sa dinami-dami ng tao sa mundo, kay Henrik pa na pinsang buo ng nobyo. Masakit man sa loob, pinili niyang hiwalayan ang kasintahan at iniwasan ang dalawa para walang mangyaring gulo.

Subalit papaano kung dumating ang panahong muli silang pagtagpuin ng tadhana? At sa pagkakataong ito’y kinakailangan na niyang harapin ang sariling damdamin?

Masasagot na ba niya ang sarili kung sino nga ba ang tunay na nagmamay-ari ng puso niya? At papaano ba siya magmamahal nang walang masasaktan?

Series NavigationHalf Crazy: Chapter 1 >>

One thought on “Half Crazy: Teaser

Leave a Reply