Kung Iibigin Kang Muli

This entry is part 3 of 3 in the series EBOOKS Free

SI MUNDO ay isang topnotch detective at lahat ng hawak niyang kaso ay natatapos niya ng walang palya at aberya. Ngunit may isang kaso na biglang dumating sa kaniya na kailangan niyang lutasin. Isang kaso na kung hindi niya malulutas ay maaaring sumingil sa kaniyang buhay at pangarap. Ang kaso— Umibig siya sa babae na hindi niya kailanman pinangarap at ginustong mahalin…

Prologo

ISANG malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Yehni. Umiiyak ito habang nakahawak ang isang kamay nito sa kaniyang polo shirt. Magsasalita pa sana siya ulit ngunit sinampal na naman siya nito.

“Mundo! Liar ka!” sigaw ni Yehni sa kaniya pagkatapos siya nitong muling sampalin. Pinagsusuntok pa nito ang kaniyang dibdib. Gustuhin man niyang pigilan ito ngunit wala siyang magawa. Kahit ang tumitig sa mga mata ng kasintahan ay hindi rin niya masubukan.

“Look Yehni, I—“

Isang malakas na sampal na naman ang inabot niya kay Yehni. “You promised me! That you will never ever leave me!”

“Yes but I—“

Sinampal siyang muli ni Yehni ngunit sa pagkakataong ito ay ramdam na niya ang paghina ng sampal nito. Tila napagod na ito sa ginawa nitong pagsampal at pagsuntok sa kaniya simula ng magkita sila sa loob ng Thurston Restaurant. Ipina-reserba niya ang buong lugar para sa pag-uusap nilang iyon ngunit hindi niya lubos akalain na magiging emosyonal ang pagharap nito sa kaniya.

“If you’re going to leave, sasama ako sayo! Kahit saan! Huwag mo lang akong iwan, please!” pakiusap nito bago siya nito niyakap ng buong higpit. Tuluyan ng umagos ang mga luha na pilit nitong pinipigilan kanina pa. Marahil, nasasaktan na ito ng sobra sa kaniyang pamamaalam.
Niyakap niyang pabalik ang kasintahan. “Yehni, I need to go.”

“No! You can’t go! Nangako ka!”

Hinalikan niya sa noo si Yehni. Kasabay nito ay hinagkan niya ng madiin sa labi ang kasintahan. Isang halik na tila huli na sa lahat ng maaaring mahuli sa buhay na niya. Ayaw itigil ni Yehni ang halik na iyon ngunit sapilitan niya iyong pinutol dahil pakiramdam niya ay hindi siya ang karapat-dapat na lalake para dito. “Hindi ko ugaling mangako pagdating sa pag-ibig, Yehni. Hanggang dito na lang tayo, paalam…”

Kusang nawalan ng lakas ang mga binti ni Yehni pagkatapos marinig ang mga sinabi niya. Kusa itong nabuwal at napaupo na parang lantang gulay sa sahig. Kasabay nito ay humagulgol ito ng malakas habang sinusuntok ang sahig na nasa harapan nito.

Mabilis niyang nilisan ang restaurant upang iwan ang kasintahan. Hinabol pa siya ni Resty na siyang may-ari ng naturang restaurant na ipina-reserba niya ngunit hindi rin siya napigilan nito sa pag-alis. Kahit magkaibigan sila ay wala itong karapatang diktahan ang kaniyang nararamdaman at mga plano pagdating sa pag-ibig. Iiwan niya si Yehni upang mawalan na ito ng dahilan upang mahalin siya. Ito na lang siguro ang tanging paraan upang makapagsimula silang muli.

Ni hindi niya nagawang lumingon upang sulyapan sa huling pagkakataon si Yehni— ang babaeng nagbigay sa kaniya ng kaso na hindi niya kayang lutasin. Kaso na siya mismo ang kusang sumuko alang-alang sa babaeng kaniyang minahal.

Download Tagalog Online Pocketbook Wallpaper - Kung Iibigin Kang Muli
Download Tagalog Online Pocketbook Wallpaper – Kung Iibigin Kang Muli

DOWNLOAD “KUNG IIBIGIN KANG MULI” EBOOK NOW! (via Google Drive)
Genre: Tagalog; Format: PDF; Status: FREE

Series Navigation<< Symfony Series

3 thoughts on “Kung Iibigin Kang Muli

Leave a Reply