Biniling Pag-ibig: Chapter 9

This entry is part 10 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

SABADO…

“First time mo bang mag helicopter?” ang tanong ni Nathaniel sa kanya nang makitang namumutla na siya ng makasakay sila sa helicopter na pagaari ng pamilya nito na siyang maghahatid sa kanila sa Negros.

“Oo, hindi pa nga ako nakakasakay kahit sa eroplano” ang sabi niya na hindi maitago ang kaba dahil sa totoo lang ay takot siya sa matataas na lugar ano pa kaya ang paglipad.

“Its okay wag kang matakot dahil pag nasa itaas na tayo ay mag-eenjoy ka” ang sabi nito na hinawakan ang kanyang nanginginig na mga kamay.

Ilang sandali lang ay nagsimula nang lumipad ang Helicopter kontodo ang kapit niya kay Nathaniel at halos hindi na siya huminga dahil sa sobrang takot.

“Open your eyes” ang sabi ni Nathaniel sa kanya nang lumilipad na sila.

“Ayaw ko, natatakot ako” ang sabi niya na itinodo pa lalo ang pagkakapikit at lalong isiniksik ang sarili sa dibdib ni Nathaniel.

“Trust me, maganda ang view sa ibaba. Sige na tignan mo” ang pangungumbinsi nito at ng idilat na niya ang mata at makita ang sinasabi nito ay halos mamangha siya sa ganda ng paligid.

Ilang sandali pa ang lumipas at bumaba na ang Helicopter at mula doon ay sinundo sila ng driver ng mga ito papunta ng hacienda.

Habang nasa daan ay gandang-ganda siya sa mga nakikita. Napakalawak ng nasasakupang lupain ng hacienda

“Ang lawak pala ng hacienda ninyo” ang humahangang sabi niya habang panay ang tanaw sa kanilang dinadaanan.

“May one thousand hectar ang kabuuang sukat ng kacienda na natataniman ng kape at mga niyog” ang sabi nito na lalo lang niyang ikinamangha.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita niya ang arko ng Hacienda Matilda na ayon kay Nathaniel ay hango sa pangalan ng lola ng mama nito.

“Welcome Faith” ang sabi ng kanyang biyenang babae ng bumaba siya sa sasakyan. Mahigpit siya nitong niyakap at hinalikan

“Kumusta ang biyahe?” ang nakangiti nitong tanong sa kanya habang akay siya nito papasok ng mansiyon.

“Maayos naman po mama, Medyo kinabahan Lang po ako sa Helicopter dahil first time kong makasakay sa ganoon” ang sabi niya dito na ikinatawa nito.

“Pareho pala tayo, ako hanggang ngayon ay takot pa ring sumakay Doon maliban na lang kung si Tyler ang nagmamaneho” ang sabi nito na kumislap pa ang mga mata ng mabanggit ang pangalan ng kanyang biyenang lalaki.

Pagpasok nila ng Mansiyon ay ipinakilala siya ni Ayessa sa mga katulong na nakaksalubong nila manghang-mangha siya sa laki ng mansiyon Bagamat sinauna ang pagkakagawa nito ay maganda at matibay parin ang ayos nito ang mga kagamitan ay mamahaling gamit na pinaghalong modern at antique.

“Lolo, Lola” ang masayang tawag ni Nathaniel ng makita niyang pababa ng hagdan ang Bagamat matanda nang lalaki ay mababakas pa rin ang kakisigan nito at awtoridad kaakbay ang matanda na rin Ngunit maganda pa ring babae.

“Apo” ang nakangiti nitong bati at niyakap si Nathaniel ganoon din ang matandang babae na bahagya pang namasa ang mga mata.

“Lolo, Lola ito nga po pala ang asawa ko si Faith, Faith ito naman ang aking Lolo at lola na magulang ng mommy” ang pakilala ni Nathaniel sa kanya sa lolo at lola nito.

“Ikinagagalak ko po kayong makilala” ang nahihiya niyang bati sa dalawang matanda na napakaganda ng mga ngiti.

“Naku napakagandang bata at napakaamo ng mukha” ang nakangiting sabi ng matandang babae at niyakap siya at hinalikan sa magkabilang pisngi. Ganoon din ang ginawa ng matandang lalaki.

“Kaya naman pala minadali ng diyaskeng apo ko ang kasal ninyo. Takot kang pakawalan” ang biro ng lolo nito na ikinapula ng kanyang mga pisngi.

Sa isip-isip niya kung alam lang ng mga ito ang totoong dahilan ng kanilang kasal ay siguradong hindi nito sasabihin iyon.

“Naku nandito na pala ang guwapo kong kuya” ang narinig niyang sabi ng napakagandang babae na kamukhang kamukha ng kanyang Biyenang babae.

“At ang aking paboritong kapatid na bunso” ang sabi ni Nathaniel na ikinatawa ng tinawag nitong Natalie.

“Bakit kuya may iba ka pa bang kapatid na bunso?” ang sabi nito na tumatawa.

“Wala na, kaya nga ikaw ang paborito kong kapatid na bunso” ang ganting biro naman ni Nathaniel dito na ikinatawa nilang lahat.

“My, ito na ba ang asawa mo kuya?” ang sabi nito ng makita siya sa tabi ni Nathaniel.

“Yes, meet my beautiful wife Faith. And Faith this is Natalie ang bunso namin” ang pakilala ni Nathaniel sa kanilang dalawa.

“My, my, my sabi ninyo maganda e Hindi naman maganda ang dapat na sinabi ninyo kundi ubod pala ng ganda… no wonder nagmamadali ka kuya, takot kang maagawan” ang sabi nito na ikinatawa ng mga kasama at ikinapula ng kanyang mukha.

“Ano bang pinakain sayo ng kuya ko at napapayag ka niyang magpakasal e guwapo lang naman iyan pero ubod naman ng sungit” ang sabi ni Natalie sa kanya pagkatapos siyang yakapin ng mahigpit.

“Naku tigilan mo na nga ang asawa ko Natalie at pag iniwan ako niyan ikaw ang ipapakain ko sa buwaya” ang biro ni Nathaniel kay Natalie na lalo lang nilang ikinatawa.

“Biro lang naman yung kanina dahil mabait at ubod pa ng guwapo ang kuya ko”ang sabi ni Natalie at yumakap pa kay Nathaniel.

Nangingiti na lang siyang tignan ang dalawa dahil kakaibang Nathaniel ang nakikita niya, dahil pag silang dalawa ang magkasama kahit malambing ito sa kanya ay tahimik ito at parating nagiisip samantalang ang Nathaniel na nakikita niya ngayon ay punong-puno ng sigla at palabiro.

“Naku kayo talagang dalawa oo walang alam gawin kundi magbolahan” ang sabi ni Natasha na pitong buwan nang buntis sa panganay nila ni Aljon.

“Hi Faith still remember me?” ang sabi ni Natasha na nakalapit na sa kanila kasama ang asawa nito.

“Ofcourse salamat pala sa pag-alalaga mo sa akin noon hindi na kita napasalamatan kasi ng umalis ako wala ka na” ang sabi niya ng lumapit ito at niyakap siya at hinalikan sa pisngi.

“Naku wala iyon, by the way husband ko. Si Aljon, Aljon si Faith” ang pakilala nito sa nakaakbay na asawa.

“Hi, nice to meet you” ang sabi niya kay Aljon na asawa ni Natasha.

“Oh my pleasure to meet you, Napakaganda mo pala kaya mabaliw baliw si Nathaniel” ang sabi nito sa kanya na ikinatingin niya kay Nathaniel na nasa tabi na niya.

“Pare naman” ang sabi ni Nathaniel na kakamot-kamot pa ng ulo dahil sa sinabi ni Aljon na ikinatawa ng mga kasama nila.

“Ganti ko sayo pare dahil hindi ka man lang nagimbita na magpapakasal ka na pala, akala ko pa naman best friend mo ako” ang biro ni Aljon na lumapit na kay Nathaniel at nagtapikan ng balikat ang dalawa.

“Pasensiya na pare madalian kasi” ang sabi ni Nathaniel na umakbay sa kanya.

“Naku pagpahingahin na muna natin sila Faith at mukhang napagod sila sa biyahe” ang sabi ng biyenan niya

“Oo nga pala, o Nathaniel samahan mo na ang asawa mo sa kuwarto ninyo at ng makapagpahinga siya” ang nakangiting sabi ng mama nito sa kanila ni Nathaniel.

“Mamaya na lang tayo ulit magkuwentuhan” ang sabi ni Nathaniel sa mga kasama at inakay na siya papunta sa itaas kung saan naroon ang kuwarto nito.

Maganda at maaliwalas ang kuwartong pinasukan nila at nakita niyang mayroong picture ni Nathaniel na naka frame nilapitan niya ito at tinignan.

“Mas guwapo ako sa personal kaya ako na lang titigan mo” ang sabi ni Nathaniel sa kanya na yumakap sa kanyang likuran.

“Ang guwapo naman” ang sabi niya na ikinatawa nito.

“Naku bolera na ang aking asawa, halika nga” ang sabi nito at kinarga siya papunta sa may kama at inihiga.

“Totoo naman ang sinabi ko ang guwapo mo doon sa picture” ang sabi niya na ikinangiti nito.

“Sa picture lang ba?” ang sabi nito na pabirong nagtatampo.

 “Hmm patingin nga” ang sabi niya at hinawakan ito sa may baba at ginalaw galaw niya ito kunwari sinisipat niya ang buo nitong mukha.

“Puwede na rin” ang sabi niya dito “Ah ganoon, pasang awa lang pala ako huh” ang sabi nito at pinagkikiliti siya sa may tagiliran at dahil malakas talaga ang kiliti niya ay nagpapasag-pasag siya at pilit kumakawala dito.

“Nathaniel ano ba, wag diyan ….. Ayy ano baaaa” ang sigaw niya na lalo lang nitong ikinatuwa kaya mas lalo pa siya nitong kiniliti at dahil sa kakapasag niya at kakaikot ay nahulog silang pareho sa kama at napaibabaw siya dito.

“Aray ko po” ang daing ni Nathaniel na siyang unang nahulog at napatungan pa niya ito.

“Naku ayan tuloy ang kulit mo kasi eh… saan ba ang masakit?” ang tanong niya dito at pilit hinihimas ang bawat parting itinuturo nito

Nang akmang tatayo na siya ay pinigilan siya nito sa may kamay at nang tignan niya ito ay nakita niyang matiim siya nitong tinititigan ay para siyang hinihipnotismong nakatingin sa mga mata nito at nang pababa na ang kanyang labi upang halikan ito ay bigla namang narinig niya ang boses na nanggagaling sa may pinto at tinatawag sila.

“Nathaniel, Faith?” ang sabi ng boses na galing sa may pinto.

“Bakit mommy?” ang tanong ni Nathaniel sa boses na nanggagaling sa labas ng pinto.

“Narinig Kong may lumagabog, dito ba galing yon?” ang tanong nito ng pagbuksan ni Nathaniel ng pinto.

“Opo mommy bumagsak ata maleta” ang sabi ni Nathaniel buti na lang at nakatumba ang maleta nila kaya naniwala naman ito.

“Naku akala ko kung ano na oh sige magpahinga na kayo at mamaya lang ay magpapahanda na ako ng tanghalian” ang sabi nito at iniwan na sila ni Nathaniel at sabay pa silang nagtawanan.

“Ikaw kasi ang likot mo” ang birong paninisi ni Nathaniel sa kanya.

“Anong ako, e ikaw kaya itong nangingiliti eh nahulog tuloy tayo” ang sabi naman niya dito

“Hmm sige na ituloy mo na nabitin mong pagnanakaw ng halik” ang sabi nito nang makalapit sa kanya sa kama.

“Anong pagnanakaw ng halik ang pinagsasabi mo diyan noh” ang namumula niyang sabi dahil huling huli siya nito na hahalikan sana ito kanina.

“Diba hahalikan mo sana ako ito kasing si mommy istorbo” ang sabi nito na kakamot kamot pa ng ulo na akala mo nagmamaktol.

“Anong hahalikan, hindi kaya …..” ang Hindi na niya matapos pang sabihin dahil nasa tabi na niya si Nathaniel at hinalikan na siya ng mabilis sa may labi.

“Ayan” ang sabi nito na tatawa-tawang pumasok sa may banyo. Naiwan na lang siyang nangingiti dahil sa kalokohan nito.

Tuwang-tuwang pumasok ng banyo si Nathaniel, Hindi na niya maikakaila sa sariling mahal na niya si Faith. Noong umpisa ay ayaw sana niyang mahalin ito, Pero sa tuwing nasa malapit lang ito ay hindi niya mapigilan ang sariling hindi ito halikan at yakapin.

Kahit na takot na takot siyang muling magmahal ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog ang loob kay Faith at ngayon nga ay hindi na niya alam kung paano pang umahon dahil mahal na mahal na niya ito pero natatakot siyang sabihin ito kay Faith dahil takot siyang muling masaktan at mabigo.

Paglabas niya ng banyo pagkatapos maligo ay nakita niyang mahimbing nang natutulog si Faith at dahil alam niyang pagod ito sa biyahe nila ay hinayaan na lang muna niya itong matulog.

Sumampa siya sa kama at pinakatitigan ang maamo nitong mukha para itong anghel sa sobrang ganda.

“Mahal na mahal na kita Faith wag mo akong iiwan dahil hindi ko alam kung kaya ko pang mawala ka” ang bulong ng isip niya habang tinititigan ito at masuyong hinihimas ang makinis nitong mukha, dinampian niya ng halik ang mapupula nitong labi.

Tinabihan niya ito sa pagkakahiga at inilagay ang ulo nito sa kanyang braso at hingi niya namalayang nakatulog din siya habang yakap ito.

Mag-aala una na ng hapon ng magising si Faith, dahan-dahan siyang bumangon at pumasok sa banyo para maligo.

Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang gising na si Nathaniel at mukhang hinihintay siya.

“Gutom ka na ba?” ang masuyo nitong tanong sa kanya ng makita siyang lumabas ng banyo.

“Oo hindi na pala tayo nakapagtanghalian” ang sabi niya dito

“Halika baba na tayo para kumain, gutom na rin ako eh.” Ang sabi nito at inakay na siya pababa.

“Naku ang mga honeymooners naisipan na ring bumaba” ang tukso sa kanila ni Aljon ng makita silang dalawa ni Nathaniel na pababa.

“Nakatulog pala kami, bakit Hindi ninyo kami ginising” ang sabi ni Nathaniel kila Aljon, Natasha at Natalie na nasa kusina at nagbabake ng cake.

“Paano po kaya ang sweet ninyong dalawa habang natutulog, nainggit tuloy ako kaya di ko na kayo ginising” ang sabi ni Natalie na abala sa paggawa ng icing.

“Anong nainggit, ikaw huh Natalie ang bata mo pa” ang sabi ni Nathaniel sa kapatid at ginulo ang mahaba nitong buhok.

“Ang kuya talaga anong bata, twenty na ako bata pa rin ang tawag mo sa akin” ang sabi nito na nakanguso pero nang makita siyang natatawa ay tuwama na rin ito.

“Naku Ate Faith pagsabihan mo nga itong asawa mo at akala niya bata pa rin ako” ang sumbong nito sa kanya na pabiro pang nagtago sa kanyang likuran ng guguluhin na naman sana ni Nathaniel ang buhok nito.

“Pasensiya ka na sa mga iyan at talagang magugulo ang mga iyan pag magkasama” ang sabi ni Natasha na natatawang inakay siya palayo sa dalawa.

“Naku mabuti pa kumain na tayo Faith at gutom na talaga ako” ang sabi ni Nathaniel sa kanya at nagpahanda ngpagkain sa katulong.

Pagka-alas kuwatro ng hapon ay nagkayayaan ang magkakapatid na mangabayo kaya nagpunta silang lahat sa may kuwadra kasama ang magulang ni Nathaniel at Abuelo.

“Marunong ka bang mangabayo Faith” ang tanong sa kanya ng lolo ni Nathaniel.

“Hindi po eh” ang nahihiya niyang sagot dito

“Naku ganoon ba, Nathaniel turuan mo ang asawa mong mangabayo” ang sabi ng Lolo nito kay Nathaniel na may akay na kulay itim na kabayo.

“Hindi mo naitatanong iha, si Nathaniel ay napakagaling mangabayo” ang sabi ng lolo nito na halatadong proud na proud sa apo.

“Naku ang Lolo talaga, parati na lang akong ibinibida” ang sabi ni Nathaniel na ikinatawa nilang lahat.

“Totoo iyon Ate Faith siya nga ang nagturo sa amin ni Ate Natasha kung paano mangabayo” ang sabi naman ni Natalie na may hawak na kulay putting kabayo.

“Halika Faith, tuturuan kitang mangabayo. Madali Lang naman iyon eh” ang sabi nito sa kanya

“Naku wag na natatakot ako eh” ang sabi niya kay Nathaniel

“Sige Lang iha madali Lang naman iyan eh at isa pa mababait ang mga kabayo namin dito” ang sabi naman ng Lolo nito kaya nang akayin siya ni Nathan ay sumunod na lang siya.

Itinuro muna ni Nathaniel sa kanya ang mga basic kung paano ang pagsakay sa kabayo at paano ito patatakbuhin makalipas lang ang ilang sandali ay sinabi nitong subukan na niyang patakbuhin ito.

Tinulungan siya nitong sumakay sa kabayo bahagya siyang naiilang dahil halos lahat ng mga kasama nila ay sa kanila nakatingin at pinapanood silang dalawa ni Nathaniel.

“Okay dahan-dahan mong sipain ang gilid ng kabayo” ang sabi nito sa kanya at nang sipain niya ang kabayo ay hindi man lang ito gumalaw, inulit niya ulit ito ng dalawang beses pero ayaw talaga kumilos nangingiti na lang ang mga kasama nila at ipinagcheer siya.

“Lakasan mo ng konti ang pagsipa Faith para tumakbo” ang sabi ni Nathaniel na bahagyang natatawa.

Dahil ayaw niyang mapahiya sa mga kasama ay nilakasa niya ang pagsipa sa kabayo tulad ng sabi ni Nathaniel pero nasobrahan ata sa lakas dahil bigla na lang itong tumakbo ng pagkabilis bilis dahil sa nagulat sa ginawa niyang pagsipa.

“Nathanielllllllllllll” ang malakas niyang sigaw dahil sa takot sinubukan niyang pahintuin ang kabayo pero hindi niya magawa.

“Faith higutin mo ang renda” ang malakas na sigaw ni Nathaniel at mabilis na parang kidlat niyang kinuha ang isa pang kabayo at hinabol ang kabayong sinasakyan ni Faith.

“Oh my gosh bilisan mo Nathaniel” ang sigaw ng mama ni Nathaniel halos mawalan ng kulay ang mukha dahil sa takot.

Habang si Natalie naman na nakasakay sa puting kabayo at si Nathaniel ay pilit hinahabol ang kabayong kinasasakyan niya. Ilang sandali Lang ay napahinto na rin ni Nathaniel ang kabayong sinasakyan niya.

“Faith” ang nag-aalalang tawag ni Nathaniel sa kanya ng huminto na ang kabayong sinasakyan niya at dali-dali itong bumaba para lumapit sa kanya.

“Nathaniel” ang takot na takot niyang sabi ng buhatin siya nito pababa ng kabayo hindi siya nito binitiwan hanggang makarating sila sa may beranda.

“Thanks God walang nangyari masama sayo” ang sabi ni Nathaniel at niyakap siya ng mahigpit.

“Okay ka Lang ba Faith?” ang nagaalalang tanong ng kanyang biyenan ng lapitan siya

“Okay Lang po ako medyo natakot Lang ako” ang nanghihinang sabi niya at nginitian ito.

“Im sorry iha hindi na dapat kita pinilit” ang sabi naman ng Lolo nito na mukhang ninerbiyos din dahil bahagya itong namutla.

“Hindi ninyo po kasalanan, hindi po kasi ako nakikinig kay Nathaniel kaya nagkamali ako nang pagsipa sa kabayo, Nagulat ko tuloy siya” ang mahina niyang sabi

“Okay na po ako hindi naman ako nasaktan” ang sabi niya na ngumiti sa mga kasama.

“Thank you” ang sabi niya kila Natalie at Nathaniel

“Wala iyon Ate Faith, im glad walang nangyaring masama sayo” ang sabi naman ni Natalie na nakangiti na rin at mukhang nawala na ang nerbiyos dahil sa nangyari.

“Im just so glad nothing bad happen to you” ang sabi naman ni Nathaniel at hinalikan siya sa may noo.

“Mabuti pa umuwi na tayo sa mansiyon” ang yaya naman ni Natasha sa kanila na sinangayunan naman ng kanyang mga kasama.

Kinagabihan pagkatapos kumain ay nagpahanda ng kape ang Lola ni Nathaniel sa may asotea. Habang abala ang lahat sa paguusap ay nakita niya ang napakagandang Piano sa may gilid ng salas na tanaw mula sa asotea at mukhang walang gumagamit nito.

Dahil mahilig siya sa Piano mula pagkabata ay naakit siyang lapitan ito at tignan nakita niyang Bagamat luma na ito ay napakaganda pa rin nang tunog nito ng subukan niyang pindutin ang ilang key nito.

“Maganda ba?” ang tanong ng Lola ni Nathaniel na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanyang tabi.

“Ay kayo pop ala Lola, pasensiya na po kayo at naakit lang ako sa ganda niya” ang hinging paumanhin niya dito.

“Naku feel free iha, marunong ka bang tumugtog?” ang nakangiti nitong tanong sa kanya.

“Hindi po masyado” ang nahihiya niyang sagot dito

“Baka gusto mong tugtugan ang Lola, Mula kasi nang mamatay ang aking ina ay wala nang gumagamit niyan” ang sabi nito sa kanya.

“Talaga po, puwede Kong subukan?” ang excited niyang tanong dito.

“Sure iha sige nga at nang marinig ko naman ulit ang tunog niyan. Hindi kasi ako marunong tumugtog” ang sabi nito sa kanya na mukhang nasiyahan sa ipinakita niyang excitement.

Dahil sa sinabi nito ay dali-dali siyang umupo sa harapan ng piano at tumugtog ng paboritong kanta ng kanyang Lolo na siyang unang kantang natutunan niyang itugtog sa piano na itinuro nito.

Nang matapos niyang itugtog ang kanta ay Hindi niya napigilan ang maluha dahil miss na miss na niya ang kanyang Lolo na pumanaw na. Narinig niya ang palakpakan ng mga kasama nagulat pa siya ng pagtingin niya ay nasa paligid na niya ang buong pamilya at umiiyak na nakayakap ang Lola ni Nathaniel sa lolo nito.

“Napakagaling mo palang tumugtog iha” ang sabi ng Lola nito na nagpapahid na ng luha.

“Oo nga Faith” ang sabi naman ni Natasha na katabi si Aljon at nang tignan niya si Nathaniel ay nakangiti ito sa kanya.

“Bakit iyan ang pinili mong itugtog iha” ang tanong ng Lola nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang kantang ‘the rose’.

“Iyon po kasi ang paboritong kanta ng Lolo ko at siya ang nagturo sa akin paano mag piano” ang sabi niya na bahagyang namasa ang mata sa pagkaalala sa kanyang lolo.

“Alam mo bang iyan ang paboritong itugtog ng aking ma-ma ng nabubuhay pa ito” ang umiiyak na sabi ng Lola nitosa kanya.

“Pasensiya na po kayo hindi ko po alam” ang sabi niya sa Lola nito.

“Salamat Iha, pasensiya na at naalala ko lang ang aking ma-ma” ang sabi nito na bahagya nang ngumiti.

“Puwede bang mag request ng isa pang kanta Iha?” ang tanong ng Lola ni Nathaniel sa kanya.

“Sige po” ang sabi niya at sinimulan nang itugtog ang kanta ni Kenny Chesney na ‘You and me’

Dedicated niya iyon para kay Nathaniel na nasa tabi niya at matamang nakikinig sa tinutugtog niya at nakatingin sa kanya ng matiim.

“Salamat iha” ang sabi ng Lola nito

Tumugtog pa siya ng dalawang kanta bago sila nagsipagpasok sa kanilang mga kuwarto para magpahinga dahil lumalalim na ang gabi at pupunta pa sila sa ilog kinabukasan.

“Magaling ka pa Lang mag piano” ang sabi ni Nathaniel sa kanya ng nakahiga na sila sa may kama.

“Salamat, noong bata pa ako pangarap Kong maging pianista” ang sabi niya na sinabayan pa ng mahinang tawa.

“Bakit hindi mo tinuloy?” ang tanong nito sa kanya na mukhang sineryoso ang sinabi niya.

“Biro Lang iyon noh, isa pa hindi naman ako ganoon kagaling” ang sabi niya dito at tinignan ang mukha nito.

“Para ba sa akin ang kantang tinugtog mo?” ang tanong nito sa kanya na nakangiti na tila ba niloloko siya.

“Hmm hindi” ang natatawa niyang sabi dito, lalo pa siyang natawa nang makita niyang bahagya itong sumimangot dahil sa sinabi niya.

“Biro Lang, pero yung second song Lang” ang sabi niya dito at nakita niyang bahagya na itong ngumiti.

“Anong pamagat ng kanta at sino ang kumanta?” ang tanong nito sa kanya.

“Secret” ang natatawa niyang sabi dito, Hindi na ito nagpilit pang itanong sa kanya kung sino ang kumanta basta na lang siya nitong niyakap ng mahigpit at hinalikan.

“Oh Nathaniel Kung alam mo lang sana kung gaano kita kamahal at kung gaano ko inaasam na sabihin mong mahal mo rin ako” ang bulong ng kanyang isip habang nakatigin dito.

“Kung sana mahal mo rin ako at hindi na natin kailangan maghiwalay ng landas pagkalipas ng ilang taon” ang dagdag pa niya kung sana kaya niya lang sabihin dito ang nararamdaman ang kaso alam niya na hindi puwede dahil binili lang siya nito kaya naging asawa niya ito at hindi dahil sa Pagibig.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 8Biniling Pag-ibig: Chapter 10 >>

239 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 9

Leave a Reply