Biniling Pag-ibig: Chapter 8

This entry is part 9 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

PUNONG-PUNO ng pagsuyo ang bawat galaw ng mga labi ni Nathaniel kaya unti-unting nawala ang takot na kanina lang ay naramdaman niya dahil sa marahas nitong paghalik.

Ang kaninang nakatikom na mga labi niya ay unti-unting bumuka at tinugon ang mga halik nito kaya unti-unting lumalim at uminit ang kanilang halikan hanggang namalayan na lang ni Faith na wala na ang kanina lang ay nakatapis na tuwalya at ngayon nga ay pareho na silang hubad sa ibabaw ng kama.

“Arayy ko” ang mahinang ungol ni Faith ng tuluyan ng magisa ang kanilang katawan at maramdaman niya ang sumisigid na sakit sa buo niyang katawan.

“Oh gosh im sorry, gusto mo bang huminto ako?” ang sabi ni Nathaniel kay Faith ng makita ang sobrang sakit na bumalatay sa mukha nito kaya huminto muna siya.

“Its okay, just go on” ang sabi ni Faith sa kanya.

“Salamat, you make me so happy” ang sabi ni Nathaniel kay Faith ng matapos ang kanilang pagniniig.

Lihim na nasaktan si Faith sa narinig dahil hindi iyon ang gusto niyang marinig mula dito , Ang gusto sana niyang marinig ay sabihin nitong mahal na siya nito pero alam niyang imposible itong mangyari dahil hindi siya nito mahal at siya lang ang nagmamahal dito.

Yes, sigurado na siyang mahal niya ito kaya nagawa niyang ipagkaloob dito ang kanyang sarili at hindi siya nagsisisi na ito ang makauna sa kanya dahil mahal niya ito.

Pinagmasdan niya ang payapa nang natutulog na si Nathaniel napakaguwapo talaga nito kahit saang anggulo niya itong tignan.

“Kahit hindi mo ako mahal ay Masaya na akong makapiling ka” Ang mahina niyang bulong habang masuyong hinahaplos ang guwapo nitong mukha

Naalimpungatan si Faith ng maramdaman ang masuyong haplos sa kanyang pisngi at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang napakaguwapong nilalang na nakangiti sa kanya.

“Good morning my darling wife” ang nakangiting bati nito sa kanya at dinampian siya ng mabilis na halik sa mga labi.

“Oh good morning” ang sabi niya na bahagyang napangiti dahil sa kilig na nararamdaman.

“I have to wake you up kasi may bisita tayo” ang sabi nito sa kanya.

“Huh? Sino?” ang nagtataka niyang tanong

“My Parents” ang nakangiti nitong sabi sa kanya na bahagya niyang ikinagulat kaya napabalikwas siya ng bangon at nang makita niya ang pilyong ngiti ni Nathaniel ay muntik na siyang mapasigaw ng makitang wala pala siyang damit kaya mabilis siyang nagtalukbong.

“Oh my, don’t be shy nakita ko na lahat iyan” ang tudyo nito sa kanya na sinabayan pa ng tawa kaya binato niya dito ang unan na nahawakan niya na bahagya lang nitong sinalo.

“I don’t want to hurry you up sweetheart kaso naghihintay ang parents ko sa labas baka pasukan nila tayo dito pag nainip sila” ang tatawa-tawa pa rin nitong sabi sa kanya kaya dali-dali na siyang tumayo pagkatapos magtapis ng kumot at pumasok sa banyo at mabilis na naligo at nagbihis.

Wala na si Nathaniel ng makalabas siya ng Banyo kaya kinakabahang lumabas siya ng kuwarto dahil sa unang pagkakataon ay makakaharap niya ang kanyang mga biyenan.

“Halika dito sweetheart” ang sabi ni Nathaniel sa kanya ng makitang nagaatubili siyang lumapit sa mga ito.

Kaya wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa mga ito na nakaupo sa may sala at maganda ang bukas ng mga mukha nito kaya bahagyang nawala ang kanyang kaba.

“Good morning po Ma’am and Sir” ang nahihiya niyang sabi sa mga ito ng makalapit siya.

“Good morning iha, Mama na lang at papa ang itawag mo sa amin” ang sabi ng magandang babae na nakita na niya sa may opisina ni Nathaniel at niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan sa magkabilang pisngi.

“Oo nga iha, Mas masarap pakinggan ang mama at papa” ang segunda naman ng Matikas at guwapong lalaki na siyang tatay ni Nathaniel pagkatapos siyang yakapin.

“Halika dito sa tabi ko” ang sabi ni Nathaniel sa kanya na bahagya pang hinila ang kanyang kamay paupo sa tabi nito.

“Sinabi na sa amin ni Nathaniel na nagpakasal na raw kayo kahapon, kaya mula ngayon ay mga magulang mo na rin kami. Kaya wag kang maiilang o mahihiya” ang sabi ng mama nito na napakaganda ng pagkakangiti mukhang tuwang tuwa.

“Napakagaling mong pumili iho, manang mana ka talaga sa akin” ang sabi naman ng daddy nito na mukhang masayahin.

“I told you papa you will like her” ang sabi ni Nathaniel na iniakbay pa ang mga kamay sa kanyang balikat.

“Im glad iho at Nagpakasal na kayo pero bakit hindi mo man lang sa amin sinabi agad at ng makadalo naman kami sa kasal ninyo. Nagtatampo tuloy ang Lola mo” ang sabi ng mama ni Nathaniel.

“Im sorry Mom and dad pero biglaan po kasi ang kasal namin kaya wag na kayong magtampo okay?” ang sabi ni Nathaniel sa ina nito na mukhang hindi naman galit dahil nakangiti ito.

“Oh well, basta kailangan nating ayusin ang kasal ninyo sa simbahan dahil hindi kami makakapayag na hindi masaksihan ang kasal ninyo” ang sabi naman ng daddy nito.

“Ofcourse, gusto ko ring bigyan ng magarang kasal si Faith she deserve it” ang sabi ni Nathaniel na sa kanya nakatingin at nagkikislapan ang mga mata nito sa sobrang saya.

“Since valid naman ang reason ng biglaan ninyong kasal ay hindi na kami magtatampo basta bigyan ninyo kami agad ng mga apo” ang sabi ng daddy nito na ikinapula ng kanyang mga pisngi.

“Naku namula tuloy si Faith sa sinabi mo Dad” ang malambing na sabi ng mama ni Nathaniel sa asawa nito kaya natawa silang lahat.

Sabay-sabay silang kumain ng almusal habang nagkukuwentuhan at nang matapos silang kumain ay pakiramdam niya ay kilalang kilala na niya ang mga ito at kilala na siya ng mga ito.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpalipas Lang ng ilang sandali ang magulang ni Nathaniel at umuwi na rin ang mga ito.

“My parents really like you” ang sabi ni Nathaniel sa kanya ng silang dalawa na lang.

“Sa palagay mo?” ang tanong niya kay Nathaniel

“Yes I know so” ang sabi nito at bigla siyang kinabig at hinalikan sa mga labi kaya pabiro niya itong kinurot sa tagiliran.

“Are you happy sweetheart?” ang masuyo nitong tanong sa kanya at pinakatitigan ang kanyang mga mata.
“Yes I am very happy” ang sabi niya dito na bukal sa kanyang loob dahil masayang Masaya talaga siya dahil sa malambing nitong pakikitungo sa kanya.

“Good bec im very happy also” ang sabi nito at kinabig siya at hinalikan ng mariin sa mga labi na kanya namang tinugon.

Palalim na ng palalim ang kanilang halikan ng marinig nilang tumunog ang door bell at dahil mukhang walang balak si Nathan na buksan ang pinto ay siya na lang ang nagkusa.

“Hey teka lang titignan ko kung sino ang nagdodoorbell” ang sabi niya na bahagya pang itinulak si Nathaniel na ayaw pa ring humito sa paghalik sa kanya.

“Istorbo” ang gigil na sabi ni Nathaniel na ikinatawa niya kaya dali-dali niyang inayos ang damit na bahagyang nagulo at nagtungo sa pinto para tignan kung sino ang tao.

“Sinong kailangan nila?” ang nakangiti niyang tanong sa magandang babae na napagbuksan niya. Para itong manika dahil napakaamo ng mukha nito at napakaputi ng makinis nitong balat, mahaba ang kulot kulot nitong buhok

“Sino ka ? Nasan si Nathaniel” ang mataray nitong tanong sa kanya na tinitigan pa siya mula ulo hanggang paa.

“Faith, sino ang ……” ang Hindi na natapos sabihin ni Nathaniel dahil sa pagkagulat sa nakitang bisita.

“Oh Honey nandiyan ka Lang pala, I miss you so much” ang sabi ng bisita at tinabig si Faith at yumakap ng mahigpit kay Nathaniel at hinalikan ito sa mga labi.

Napapikit na lang si Faith sa nakita. Ng idilat niya ang mata ay nakita niyang pilit binabaklas ni Nathaniel ang mga kamay ng babae na nakayakap dito.

“Anong ginagawa mo dito Lira?” ang galit na tanong ni Nathaniel sa babae na ikinalaki ng mata ni Faith dahil hindi niya inaasahan na ang Lirang sinasabi ni Nathaniel ay nasa harap na niya ngayon.

“I just came a moment ago. Dumiretso na ako dito mula sa airport” ang masayang sabi nito kay Nathan na hindi man lang alintana ang galit na nakabakas sa mukha nito.

“I miss you so much” ang sabi ni Lira kay Nathaniel at yayakap sana ulit pero umiwas si Nathaniel at lumapit sa kanya at inakbayan siya.

“Your not welcome here, umalis ka na Lira at baka magselos pa ang asawa ko” ang sabi ni Nathaniel kay Lira at kitang kita niya kung paano nawalan ng kulay ang maganda nitong mukha.

“A-a-asawa?” ang kandautal nitong sabi at tinitigan siya

“Yes meet my wife Faith, Faith siya si Lira” ang sabi ni Nathaniel sa kanya.

“NO you are joking” ang galit na sigaw ni Lira at pinakatitigan siya ng masama mula ulo hanggang paa.

“Hindi ako naniniwala, itong babae na ito, asawa mo?” ang sabi nito na parang nanguuyam/

“Yes asawa ko siya, kaya puwede ba umalis ka na” ang galit na sabi ni Nathaniel kay Lira ng makita nitong pinakakatitigan siya ng masama.

“Don’t tell me na bumaba na ang taste mo sa babae at itong basurang ito ang pinakasalan mo” ang nakaismid na sabi ni Lira na ikinapanting ng kanyang tenga.

“Wag mong bastusin ang asawa ko sa sarili niyang bahay, lumayas ka na bago pa kita kaladkarin palabas. And for your information kaya nga siya ang pinakasalan ko dahil mas nakakahigit siya sayo at sa kahit kanino” ang sabi ni Nathaniel na ikinagalit lalo ng babae at bago pa niya namalayan ay hawak na nito ang kanyang buhok at hinatak ito.

“Aray” ang sabi niya at hinatak na rin ang buhok nito dahil hindi siya makakapayag na basta na lang siyang saktan ng kahit sino.

Naramdaman na lang niyang nailayo na siya ni Nathaniel kay Lira na ngayon ay nagwawala at pinagsusuntok si Nathaniel na kinakaladkad ito palabas ng kanilang condo unit.

Nanlalambot na napaupo na lang si Faith sa sahig ng mailabas na ni Nathaniel ang nagwawalang si Lira.

“Are you okay?” ang nagaalalang tanong ni Nathaniel ng makitang nakaupo sa may sahig si Faith ng pumasok siya.

“Okay lang ako” ang sabi niya na inayos ang buhok na bahagyang nanakit mula sa malakas na pagkakasabunot ni Lira.

“Pasensiya ka na, nasaktan ka ba?” ang sabi nito na masuyong hinahaplos ang kanyang buhok.

“Ang walanghiyang babae na iyon” ang galit na galit nitong sabi.

“Iyon pala si Lira” ang mahina niyang sabi

“Yes hindi ko inaasahang darating siya dito sa condo at magkakaharap kayo” ang sabi nito at binuhat siya papasok ng kuwarto at inilapag sa may kama.

“Im so sorry hindi kita agad naprotektahan” ang sabi nito na galit na galit. Nakakuyom ang mga kamao nito at naglalagutukan ang mga buto

“Its okay hindi naman natin inaasahan na gagawin niya iyon, Napakaamo ng kanyang mukha hindi mo aasahang magagawa niya iyon” ang sabi niya na hinawakan ang mga kamay ni Nathaniel na nakakuyom.

“I told you she is dangerous. Kaya niyang gawin ang lahat, kaya niyaya kita agad magpakasal para maprotektahan.Pero anong nangyari nasaktan ka pa rin niya at sa mismong harap ko pa” ang sabi nito sa kanya.

“Shhh its okay, nailayo mo naman siya agad sa akin eh at isa pa nakaganti rin ako sa kanya. Kita mo naman marami din buhok ang nahigot ko sa kanya” ang nakangiti niyang sabi dito para mawala ang pagkaguilty nito dahil sa nangyari.

Naramdaman na lang niyang niyakap siya nito ng mahigpit at hinalik-halikan ang kanyang buhok.

“Iyon na ang una at huling masasaktan ka ni Lira dahil sa susunod na saktan ka niya ay mapapatay ko na siya” ang sabi nito na bahagya pang nanginig dahil sa galit.

Lumipas ang dalawang linggo mula ng araw na dalawin sila ni Lira at mula noon ay hindi pa ito nagpapakita ulit.

“Hey ano ba, nakikiliti ako” ang natatawa niyang sabi ng maramdamang yumakap sa likod niya si Nathaniel at hinalikan siya sa may batok.

“I miss you so much, kanina ko pa gustong umuwi kaso madaming trabaho akong tinapos” ang sabi nito sa kanya at hinarap siya.

“I miss you too” ang sabi niya at sinalubong ang mga labi nito ng halik

Naramdaman na lang niyang binuhat siya nito sa kama at masuyo nilang pinagsaluhan ang tamis ng kanilang pagiisa.

“Sem break na ninyo diba?” ang sabi ni Nathaniel pagkatapos ng kanilang pagniniig at nakahiga siya sa may dibdib nito.

“Oo bakit?” ang sabi niya at bahagya niyang itong tinignan

“May reunion kasi ang pamilya nang mama at kailangan nating sumama dahil gusto ka nilang makilala” ang sabi nito sa kanya habang hinahaplos ang kanyang mga braso.

“Talaga? Kelan?” ang excited niyang tanong dahil mula ng ikasal sila ay Hindi pa niya nakikila ang iba nitong pamilya.

“Sa lunes ang Reunion kailangan nating umalis dito ng mga sabado” ang sabi nito sa kanya.

“Ganoon ba e di sa ikalawang araw na pala iyon, kinakabahan ako” ang sabi niya na bahagyang naeexcite at the same time kinakabahan dahil baka hindi siya magustuhan ng iba nitong pamilya.

“Wag kang kabahan, im sure they will all love you” ang sabi nito sa kanya at hinalikan siya sa may noo.

“Sana pati ikaw mahalin din ako” ang bulong ng kanyang isipan dahil hindi niya magawang sabihin ito kay Nathaniel.

Kahit parati silang nagniniig at malambing ang pakikitungo nito sa kanya sa loob ng dalawang linggo nilang pagsasama ay kahit minsan hindi nito binanggit na mahal siya nito. Kahit ayaw niyang umasa na mahalin din nito ay Hindi niya makontrol ang tibok ng kanyang puso na nagmamahal dito at umaasam na sana ay mahalin din siya nito.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 7Biniling Pag-ibig: Chapter 9 >>

270 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 8

Leave a Reply