Biniling Pag-ibig: Chapter 7

This entry is part 8 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

“FAITH, narito na ang judge, just trust me ok?” ang masuyo nitong sabi sa kanya na ikinatango na lang niya.

“Good evening Ninong” ang masayang bati ni Nathaniel sa bagong dating.

“Good evening iho, ito na baa ng mapapangasawa mo?” ang tanong nito kay Nathaniel habang nakatingin sa kanya.

“Yes Ninong” ang nakangiti nitong sabi.

“No wonder at nagmamadali kang pakasalan siya my she is a Gem” ang sabi nito na bahagya pang tumawa.

“Yes Ninong. She is the most precious jewel you can ever find” ang sabi ni Nathaniel na ikinapula ng kanyang mukha.

Makalipas Lang ang ilang minuto ay sinimulan na nila ang kasal at ilang sandali lang ay siya na si Mrs. Faith Fuentabelia.

“Congratulation” ang nakangiting sabi ng Judge sa kanila at hinalikan siya sa may pisngi at niyakap ang inaanak nito.

“Thank you” ang sabay nilang sabi ni Nathaniel dito.

Sabay-sabay silang nagsalo sa pagkaing inorder ni Nathaniel kanina at makalipas lang ang ilang sandali ay nagpaalam na rin ang judge na nagkasal sa kanila at naiwan silang dalawa ni Nathaniel.

“Kailangan ko nang umuwi Nathan baka hinahanap na ako sa amin” ang sabi niya kay Nathaniel ng makita niyang wala pa itong planong umalis sa restaurant.

“Yes ihahatid na kita. Dahil kailangan ko dingmakausap ang parents mo” ang sabi nito na tumayo na at inalalayan siyang tumayo.

“Huh? Kakausapin mo sila Tatay?” ang nagulat niyang tanong dito

“Ofcourse, Kailangan nating ipaalam sa kanila ang tungkol sa ating kasal” ang sabi nito na mukhang buo na ang pasya.

“Pero” ang Hindi niya matapos sabihin dahil tinitigan siya ni Nathaniel nang mariin.

“Anong Pero? Ikinakahiya mo ba ako sa pamilya mo? At ayaw mong malaman nilang kasal na tayo?” ang tanong sa kanya ni Nathaniel habang nakahawak ng mariin sa kanyang braso.

“Hindi sa ganoon Nathaniel, Kaso paano natin sasabihin sa kanila na nagpakasal tayo agad ng hindi man lang natin ipinapaalam sa kanila” ang sabi niya kay Nathaniel.

“Don’t worry just leave it all to me” ang sabi nito at inakay na siya palabas ng restaurant.

Pagdating nila sa kanilang bahay ay nagulat pa siya dahil mukhang inaabangan talaga sila ng kanyang Ama at Kuya na lalo lang nagpakaba sa kanyang dibdib.

“Good evening po Tatay, kuya” ang sabi niya sa ama at kapatid.

“Good evening Tatay, Max” ang magalang na sabi ni Nathaniel sa kanyang ama habang nakahawak sa kanyang kamay.

“Good evening Nathaniel, maupo kayo” ang mahinahong sabi ng kanya ng ama na napaka seryoso ng mukha.

Kinakabahang naupo siya sa tabi ni Nathaniel sa may harapan ng kanyang Ama at kuya. Nang tingnan niya si Nathaniel ay napaka kalmante nito Ni Hindi man lang kababakasan ng kaba o takot. Habang siya ay halos mamatay Na sa sobrang takot na nararamdaman.

“Tatapatin ko na kayo, Masama ang loob ko dahil nagpakasal kayo ng hindi man lang pormal na nagsasabi sa amin at the same time natatakot akong malaman ang dahilan ng biglaan ninyong kasal.” Ang seryosong sabi ng kanyang ama na ikinagulat niya dahil hindi niya alam kung paano nito nalamang nagpakasal na sila ni Nathaniel.

“Tatay kasi….” Ang Hindi niya matapos tapos Na sabihin dahil Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin dito ang totoo.

Naramdaman niyang hinawakan ni Nathaniel ang kanyang kamay tila sinasabing ipabahala na niya dito ang pagpapaliwanag.

“Naiintindihan ko pong galit kayo sa amin dahil nagpakasal kami ng biglaan. And I know there’s no excuse to that Lalo na babae ang anak ninyo.” Ang sabi nito sa kanyang ama.

“Buntis na ba ang anak ko? Kaya nagpakasal kayo agad” ang sabi ng kanyang ama na ikinalaki ng kanyang mga mata dahil hindi niya inaasahang pagiisipan siya ng ganoon ng kanyang ama.

“Tatay” ang nabibiglang sabi niya sa pagka prangka ng kanyang ama.

“No sir. Nirerespeto ko po si Faith at hindi ko magagawang galawin siya ng walang basbas ng kasal.” Ang sabi ni Nathaniel sa kanyang ama habang nakatitig sa mga mata nito. Gusto na sana niyang kiligin dahil sa sinabi nito pero alam niya na part of the game lang iyon.

Pero bakit nakakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa kaalamang parte lang iyon ng kanilang deal.

“Kung hindi siya buntis, bakit nagpakasal kayo ng biglaan?” ang nakakunot noong tanong ng kanyang ama marahil dahil sa pagkalito.

“Mahal po namin ang isa’t isa at kailangan ko pong pakasalan agad si Faith para maprotektahan siya” ang sabi ni Nathaniel sa ama na lalong ikinabigla niya dahil sinabi nitong mahal daw nila ang isa’t isa baka siya oo pero ito mahal ba siya?

Maging siya ay nagulat sa sinabi ng kanyang isip o baka puso na ang nagsasabing mahal na niya si Nathaniel. Mahal na nga ba niya ito?

“Protektahan?” ang tanong ng kanyang Kuya Max na nakakunot din ang noo.

“My Ex-girlfriend is coming back tomorrow at gusto niyang makipagbalikan. I told her I can’t dahil may mahal na akong iba pero hindi niya matanggap na may bago na akong mahal so she will try to do everything to get me back kaya nagpakasal kami agad” ang sabi nito sa kanyang ama at kuya na mukhang naniwala naman sa sinabi nito maging siya kung hindi alam ang totoo ay baka naniwala na rin sa sinabi nito dahil feel na feel nito ang sinasabi, akala mo totoong mahal nga siya nito.

“I see. Kaya pala biglaan kayong nagpakasal.” Ang sabi ng kanyang ama na mukhang naniwala naman sa sinabi nito dahil nakangiti na ito sa kanila.

“What else can we do nariyan na rin iyan so welcome to the family Nathaniel at pakamahalin mo ang aking kapatid, wag mo siyang paiiyakin o sasaktan dahil ako makakalaban mo” ang sabi ng kanyang kuya na ikinataba ng kanyang puso.

“Thank you. Don’t worry I will make her happy and I will never ever hurt her” ang sabi ni Nathaniel na sa kanya nakatingin.

“Please Nathaniel wag mo akong pakatitigan ng ganyan baka maniwala ako sa mga pinagsasabi mo” ang bulong niya sa isipan habang nakatingin kay Nathaniel.

“Sige na Faith at ayusin mo na ang iyong gamit” ang sabi ng kanyang ama na ikinalaki ng kanyang mata.

“Tatay, bakit po?pinapaalis mo na ba ako?” ang sabi niya sa ama na may namumuong mga luha sa mata.

“Ito talagang batang ito, Hindi kita pinapaalis anak pero may asawa ka na at dapat lang na sumama ka na sa iyong asawa.” ang sabi nito sa kanya na bahagya na ring namamasa ang mga mata.

“Tatay” ang sabi niya na tuluyan nang umiyak at yumakap sa ama dahil ayaw niyang iwanan ang mga ito lalo na at may sakit pa ang kanyang ina. Isa pa Hindi naman totoo ang kanilang kasal ni Nathaniel dahil palabas lang naman ito.

“Wag nang matigas ang ulo. Alam Kong maninibago ka sa umpisa pero asawa mo na si Nathaniel at alam kong hindi ka niya pababayaan. Hindi ba Nathaniel?” ang sabi ng kanyang ama na tumingin pa kay Nathaniel.

“Yes sir. Iingatan ko ho siya” ang sabi nito sa kanyang ama na kababakasan ng sinseridad.

“Naku isa pa itong bata na ito, Ano bang Sir, tatay na rin ang itawag mo sa akin dahil anak na rin kita magmula ngayon” ang sabi ng kanyang ama na nakangiti Bagamat namamasa ang mata.

“Sige na iha” ang sabi ng kanyang Ama sa kanya at inakay pa siya paakyat sa kanyang kuwarto pakiramdam tuloy niya ay pinagtatabuyan na siya ng ama.

Nagkuwentuhan pa sila Nathaniel at kanyang Ama at kuya habang siya naman ay Nasa kuwarto at nagaayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa bahay ni Nathaniel.

Makalipas Lang ang ilang sandali ay natapos na rin niya ang pageempake. Hindi niya dinala lahat ng kanyang damit at gamit, isang bag Lang ang dinala niya dahil alam naman niyang matatapos din ang kanilang usapan ni Nathaniel at babalik din siya sa kanilang bahay pag naghiwalay na sila.

“Mauuna na po kami sa inyo tatay” ang sabi ni Nathaniel sa kanyang ama pagkatapos kuhanin sa kanya ang bag ng gamit.

“Sige iho pakaingatan mo ang aking anak, dumalaw kayo dito parati” ang sabi ng kanyang ama at niyakap siya ng mahigpit kaya napaiyak na rin siya dahil ayaw niyang umalis at iwan ang mga ito.

“Wag kayong magalala tatay dadalaw ako dito parati pangako” ang sabi niya sa ama habang nakayakap dito ng mahigpit.

“Magiingat ka parati little sis, dumalaw ka dito pag may time ka” ang sabi ng kanyang kuya at ito naman ang kanyang niyakap ng mahigpit.

“Mag-aral kang mabuti Nancy, wag kang tamad tulungan mo sila dito sa bahay” ang sabi niya sa bunsong kapatid at niyakap ito.

“Ate” ang tangi na lang nitong nasabi at humagulgol itong yumakap.

“Sus naman Hindi naman ako mawawala malapit Lang naman ang bahay ni Nathaniel dadalawin ko kayo parati kung gusto mo araw- araw pa” ang sabi niya na pilit pinatatahan ang kapatid Bagamat siya man ay walang himpis ang pagtulo ng luha.

“Sige aalis na po kami” ang sabi niya at tuluyan ng tumalikod dahil baka hindi na siya makaalis kung hindi niya gagawin iyon dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman dahil hindi na niya makakasama ang kanyang pamilya sa isang bahay.

Nagpasalamat siya na hinayaan lang siya ni Nathaniel na umiyak ng umiyak habang nagbibiyahe sila kahit alam niyang gstong-gusto na siya nitong patahanin ay hinayaan lang siya nito.

“Im sorry Faith pero kailangan ko itong gawin please tahan na” ang sabi ni Nathaniel sa kanya ng makarating sila sa condo unit nito at hindi pa rin siya tumitigil sa pagiyak.

“I will be fine Nathan. Hayaan mo na lang muna ako” ang sabi niya at tumalikod na. “Saan pala ako matutulog” ang sabi niya ng maalala na hindi pala niya alam kung saan ang kuwarto niya.

“Doon sa ikalawang pinto, ipinasok ko na doon ang gamit mo” ang mahinang sabi ni Nathaniel pero mababasa sa mukha nito ang pagaalala sa kanya at bahagyang lungkot.

“Thanks” ang sabi niya at tuluyan ng tinalikuran si Nathaniel at pumasok sa kuwartong sinabi nito.

Bahagya pa siyang namangha sa ganda ng pagkakaayos ng kuwartong pinasukan niya. King size ang bed nito at ang bintana ay naadornohan ng mamahaling kurtina na kulay blue, may sarili itong sala set at napakalaki ng tv nito na nakasabit sa dingding. Nang tingnan niya ang banyo ay namangha siya sa sobrang moderno at elegante nito.

 May Jacuzzi ito na puwede ang dalawang tao ang shower naman ay nababalutan ng glass wall nakita niyang may pinto sa gilid ng sink at nakita niya ang napakalaking walkin cabinet.

Doon niya na realize na ang kuwartong iyon ay kuwarto ni Nathaniel dahil ang buong cabinet ay napaka organize ng pagkakaayos ng mga damit nito. Magkakahiwalay ang bawat klase ng damit at ang mga sapatos ay maayos na nakalagay sa isang cabinet at ganoon din ang iba pa nitong mga gamit.

Manghang-mangha siya sa sobrang ayos ng bawat gamit nito tila ba sa wala man lang kahit maliit na pagkakamali. Bigla tuloy siyang nahiyang ilagay Doon ang kanyang gamit dahil halos lahat ng naroon ay mamahalin samantalang ang kanyang gamit ay magmumukhang basura kumpare sa mga damit ni Nathaniel. Kaya inilagay na lang muna niya sa isang sulok ang bag na dala niya.

“Nathaniel” ang nagulat niyang sabi ng makitang nakaupo ito sa kama paglabas niya mula sa banyo.

“A-a-anong ginagawa mo dito?” ang nagkakanda utal-utal niyang tanong dito ng makita niyang nakatingin Lang ito sa kanya kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan.

“Are you feeling better now?” ang nag-aalalang tanong nito sa kanya na hindi man lang pinansin ang kanyang tanong dito.

“Yes im okay now, bakit ka pala nandito?” ang sabi niya Na iniwas ang tingin dito dahil naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. He was looking at her with full of passion and desire.

“This is my room” ang sabi nito pag kuwan at lumapit pa sa kanya kaya lalo lang siyang kinabahan.

“Nathaniel, anong ginagawa mo?” ang natataranta niyang sabi dito at nagmamadaling umiwas ng makita niyang palapit na ito ng palapit sa kanya.

“Just looking, God you are so beautiful.” Ang sabi nito na pinakatitigan siya mula ulo hanggang paa.

“Nathaniel huh kung ano man ang iniisip mo just drops it” ang nagbabanta niyang sabi dito

“Why? Are you scared Faith?” ang nanunudyo nitong sabi sa kanya na ikinawit pa ang braso sa kanyang bewang ng makalapit ito.

“Nathaniel, ano ba?” ang sabi niya na bahagya nang nanginig ang boses dahil sa takot at sa sobrang sensasyong nararamdaman niya mula sa pagkakayapos ng braso nito sa kanyang bewang.

“Oh Faith you been driving me crazy since the first day I met you” ang sabi nito sa kanya na ikinalaki ng kanyang mata.

May sasabihin Sana siya kaso nasakop na ng bibig nito ang kanyang bibig at hinalikan siya ng marahas na sa sobrang diin ay pakiramdam niya dumudugo na ang kanyang labi. Kaya nagpipiglas siya at pilit kumakawala dito pero dahil sa mas malakas ito sa kanya ay para lang siyang sumuntok sa pader dahil ni hindi man lang ito natinag.

Kaya napaiyak na lang siya dahil sa takot at sakit pakiramdam niya ay nawawala na sa katinuan si Nathaniel dahil sa rahas ng paghalik nito. Kaya ipinikit na lang niya ang kanyang mata at hinayaan na lang ito sa ginagawa.

Unti-unting natauhan si Nathaniel ng maramdaman ang patak ng luha kaya napadilat siya at tinitigan si Faith na panay ang agos ng mga luha at mukhang takot na takot.

“Omg, im sorry Faith oh im sorry” ang sabi niya at pinaliguan ng maliliit na halik ang buong mukha nito naramdaman niyang bahagyang nagulat si Faith at unti-unting idinilat ang mga mata.

“Im sorry I didn’t mean to hurt you. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin” ang sabi ni Nathan kay Faith habang patuloy siya sa masuyong paghalik sa mukha nito.

“Nathaniel” ang naguguluhang sabi ni Faith dahil nalilito siya sa ikinikilos ni Nathan kanina lang ay halos durugin na nito ang kanyang labi sa sobrang rahas ng halik ngayon naman ay parang dinadaplisan lang ng labi nito ang kanyang mukha.

“Faith” ang sabi nito sa kanya at hinalikan ng marahan ang kanyang mga labi punong puno ng pagiingat tila ba takot na masaktan siyang ulit. Kaya napapikit na lamang siya, dahil.sa kakaibang pakiramdam na hinahatid ng masuyong halik nito.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 6Biniling Pag-ibig: Chapter 8 >>

251 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 7

Leave a Reply