Biniling Pag-ibig: Chapter 6

This entry is part 7 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

“WAG KANG makialam dito pare away mag asawa ito” ang sabi ng lalaking sumuntok kay Faith sa sikmura.

“Sinabi nang bitiwan ninyo siya” ang galit na sigaw ni Nathaniel sa lalaking may hawak kay Faith.

“Kung ayaw mong masaktan wag kang makialam dito” ang sigaw ng matabang lalaki kay Nathaniel na umambang susuntok pero inilagan lang ito ni Nathaniel at binigyan ito ng flying kick.

“Hayop kang pakialamero” ang sigaw ng lalaking may hawak kay Faith at pagkalapag nito kay Faith ay sumugod na ito kay Nathaniel pero hindi ito makaporma dahil ang kamao ni Nathan ang sumalubong dito at sunod sunod na sipa at suntok ang ibinigay dito ni Nathan kaya hindi na ito nakabawi pa at tuluyan nang nawalan ng malay.

“Faith” ang mahinang sabi ni Nathaniel ng makalapit kay Faith at dali-dali itong binuhat at dinala sa kanyang sasakyan.

Naalimpungatan si Faith ng maramdamang umaandar ang sasakyan kaya takot na takot siyang nagsisigaw.

“Wag parang awa na ninyo wag po” ang malakas niyang sigaw habang nakapikit dahil sa sobrang takot na nararamdaman sa maaring kahinatnan.

“Shhhh hush baby its ok, si Nathaniel ito safe ka na” ang masuyong sabi ni Nathaniel kay Faith at ipinarada sa gilid ang sasakyan para payapain si Faith.

“Nathaniel” ang sabi ni Faith ng marinig ang boses ni Nathan at takot na takot siyang yumakap dito ng mahigpit.

“Oh God thank you” ang humahagulgol na sabi ni Faith “Akala ko mapapahamak na ako ng tuluyan sa mga iyon gusto nila akong gahasain” ang tuloy tuloy na sabi ni Faith habang walang patid ang pagtulo ng mga luha.

“Shh its ok walang puwedeng manakit sayo ligtas ka na” ang masuyong sabi ni Nathaniel habang panay ang hagod sa likod nito.

“Salamat Nathaniel at iniligtas mo ako” ang sabi niya kay Nathaniel ng makalipas ang ilang sandali at mapayapa na ang kanyang pakiramdam.

“Salamat at hindi ka nila nadala Kung nagkataon ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko” ang madiing sabi nito habang nakakuyom ang mga kamao at nagtatangis ang mga bagang.

“Mabuti na ang at naisipan kong daanan ka school ng sabihin ng kuya mong hindi ka pa umuuwi” ang sabi nito sa kanya na masuyong hinahaplos ang kanyang pisngi.

“Ibig mong sabihin nanggaling ka sa bahay namin?” ang tanong niya dito.

“Oo dumaan ako sa inyo dahil may paguusapan tayo kaso sabi ng kuya mo wala ka pa nga kaya naisipan kong baka nasa school ka pa at naabutan kong sinuntok ka ng hayop na iyon at isasakay na sa sasakyan” ang galit na galit nitong sabi dahil sa pagkaalala sa nangyari.

“Salamat Nathaniel Kung Hindi ka dumating baka Kung ano na ang nangyari sa akin” ang mahina niyang sabi at nagsimula na namang tumulo ang mga luha dahil sa sobrang takot at saya dahil nakaligtas siya.

“Shh Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo dadaan muna sila sa bangkay ko” ang masuyo nitong sabi at inangat ang kanyang mukha at masuyong pinahid ang kanyang mga luha.

“Faith” ang masuyong sabi ni Nathaniel ng matitigan ang mga labi ni Faith na tila nag-aanyayang dampian niya ng halik.

“Nathaniel” ang masuyong bigkas ni Faith sa pangalan niya na tuluyang pumatid sa kanyang natitira pang katinoon.

Tuluyan nang nagsanib ang kanilang mga labi na sa umpisa ay dampi lamang Ngunit habang tumatagal ay lumalim na ng lumalim.

Naging malikot na ang mga kamay ni Nathaniel habang abala ang kanyang mga dila sa pagsaliksik sa loob ng bibig ni Faith ay ganoon din ang kanilang mga kamay na hindi alam kung saan dadapo.

Naramdaman na lang ni Faith na nawala na ang mga labi ni Nathaniel at ng idilat niya ang mga mata ay nahiling niyang sana ay nanatili na lang sana siyang nakapikit upang sa ganoon ay hindi niya nakita ang emosyong bumalot sa mukha ni Nathaniel na hindi niya maintindihan kung Pagkabahala, takot o pagsisisi ba ang nakikita niya sa mga mata nito.

“Im sorry hindi ko dapat ginawa iyon” ang sabi ni Nathaniel na lalo lang nagpasakit sa kanyang nararamdaman dahil mas nanaisin pa sana niyang sinampal siya nito o sinuntok ni Nathaniel kesa marinig ang sorry nito pagkatapos siyang halikan.

“Ihatid mo na ako” ang madiin niyang sabi habang nakatingin sa bintana ng sasakyan dahil ayaw niyang makita pa ang emosyong nakita niya sa mukha nito kanina dahil nasasaktan lang siya.

“Faith i-im…I sh…” ang Hindi matapos tapos na sabihin ni Nathaniel.

“Please just drive” ang putol niya sa kung ano pa mang sasabihin nito dahil ayaw niyang marinig ulit ang sorry mula dito.

“Okay” ang nasabi na lang ni Nathaniel at pinaandar na ang sasakyan at tahimik silang pareho hanggang makarating sa bahay nila Faith.

“Faith nandito na tayo magpahinga ka ng maayos bukas na lang tayo magusap” ang sabi ni Nathaniel kay Faith ng makarating sila sa bahay nito.

“Salamat ulit sa pagliligtas mo sa akin at sa paghahatid” ang sabi niya at tuluyan ng bumaba ng sasakyan at tuloy tuloy pumasok ng bahay.

Pagpasok ni Faith sa kanyang kuwarto ay duon pinalaya ang mga luhang kanina pa nagbabantang bumagsak hindi niya maintindihan kung bakit napakasakit ng nararamdaman niya dahil lang sa nag-sorry si Nathaniel pagkatapos siyang halikan.

“Bakit kailangan mong mag sorry pagkatapos mo akong halikan, dahil ba nagsisisi kang hinalikan mo ako.” Ang umiiyak niyang tanong kay Nathaniel sa kanyang isipan.

Nakatulugan na lang ni Faith ang pagiyak kinabukasan ay tanghali na siya nagising kaya dali-dali siyang lumabas ng kuwarto pero wala na ang kanyang mga kapatid.

Kahit ayaw sanang pumasok ni Faith sa school dahil sa takot sa nangyari kagabi ay wala rin siyang choice dahil gusto niyang makatapos ng pagaaral at isa pa dalawang linggo na lang at sem break na nila kaya ayaw niyang mag-absent.

Uwian na nila at dali-dali na siyang lumabas ng classroom at sumabay sa mga kaibigan pero nagulat siya ng paglabas nila ng gate ay makitang nakasandal sa may kotse si Nathaniel at mukhang inaabangan siya.

“Faith” ang narinig niyang tawag ni Nathaniel sa kanya habang bahagya pang kumaway.

“Bakit ka nandito?” ang tanong niya kay Nathaniel ng makalapit sila ng mga kaibigan niya dito

“Sinusundo kita, sabi ko nga sayo kagabi may paguusapan tayo” ang mahina nitong sabi sa kanya.

“Kilala mo ang super papalicious na ito?” ang kinikilig na tanong ni Mariz na kaibigan niya at kaklase.

“ Ah oo si Nathaniel. Nathaniel mga kaibigan ko si Mariz at Alena”ang pakilala niya sa mga ito.

“Nice to meet you girls” ang sabi ni Nathaniel na ipinalad ang mga kamay na buong kilig namang tinanggap ng kanyang mga kaibigan.

“Oh our pleasure” ang nakangiting sabi ng dalawa na pinapungay pa ang mga mata.

“Mauuna na kami sa inyo at mukhang may date ata kayo” ang paalam nila Mariz sa kanila at bago pa siya makasagot ay nakaalis na ang mga ito.

“Halika na” ang yaya ni Nathan sa kanya at ipinagbukas pa siya ng pintuan.

“Salamat” ang sabi niya ng makasakay siya at pinaandar na nito ang kotse.

“Halika nandito na tayo” ang sabi nito sa kanya ng huminto sila sa isang mamahaling restaurant.

“Ah e mukhang masyadong mamahalin diyan sa iba na lang tayo pumunta” ang naalangan niyang sabi ng making mamahaling restaurant ang papasukan nila dahil naka uniform lang siya.

“Wag kang mag-alala hindi naman kita pagbabayarin” ang nangingiti nitong sabi sa kanya na para bang enjoy na enjoy sa reaction niya dahil ayaw talaga niyang bumaba ng sasakyan.

“Alam ko namang may pambayad ka kaso nakakahiyang pumasok diyan dahil puro mayayaman ang kumakain. Tignan mo naman ang suot ko baka hindi ako papasukin diyan” ang sabi niya

“Don’t worry I own this place kaya siguradong papasukin ka nila” ang sabi nito na bahagya pang inilahad ang kamay para alalayan siyang lumabas ng kotse.

Napasingap na lang siya dahil kahit alam niyang mayaman ang mga Fuentabelia ay ni hindi niya alam na sobrang yaman pala ng mga ito dahil ang restaurant na pinagdalhan nito sa kanya ay sikat na sikat at maraming brunch sa ibat-ibang hotels sa buong bansa at kalapit bansa at puro mayayaman ang kumakain dito.

“Come on. Don’t worry, trust me ok?” ang masuyo nitong sabi sa kanya at hinawakan pa nito ang kanyang kamay at inakay siya palabas ng sasakyan at hindi siya binitiwan hanggang sa pagpasok sa restaurant.

Pakiramdam niya ay para siyang basahang manika na nahalo sa mamahaling manikang porsilana sa paraan ng pagkakatitig sa kanila ng mga costumer na kumakain gusto na niyang tumakbo palabas ng restaurant pero napakahigpit ng pagkakahawak sa kanya ni Nathaniel na para bang proud na proud na akay siya nito.

Hindi siya nito binitiwan hanggang makarating sila sa kanilang lamesa na malayo sa karamihan na ipinagpasalamat niya dahil atleast nailayo siya sa mga nanunuring mata ng mga costumer.

“Bakit dito mo pa ako dinala Puwede naman sa ibang lugar na lang tayo magusap”ang may himig inis niyang sabi kay Nathaniel dahil sa naramdamang hiya kanina habang papasok sila ng restaurant.

“Nagugutom na kasi ako and plus may paguusapan tayo” ang sabi nito sa kanya at tinawag na ang waiter kaya hindi na siya nakasagot pa.

Tinignan na lang niya ang menu pero wala siyang kilala kahit isa at higit sa lahat ay nalula siya sa sobrang mahal ng mga pagkain sa isang dish lang ay katumbas na ng budget nila sa loob ng isang linggo.

“Ikaw na lang ang umorder para sa akin” ang mahina niyang sabi kay Nathaniel ng makita niyang nakatingin ito sa kanya at ang waiter tila hinihintay ang kanyang order.

“Okay” ang sabi ni Nathaniel at ibinigay ang order sa waiter na hindi niya maintindihan kung ano ba ang mga iyon.

“Ano ba ang kailangan nating pagusapan?” ang tanong niya kay Nathaniel ng makaalis ang waiter habang umiinom ng fresh orange

“We need to get married soon” ang diretsong sabi ni Nathaniel sa kanya na ikinagulat niya kaya naibuga tuloy niya ang orange na ininom niya.

“Hey” ang sabi nito sa kanya at pinahid ang orange na tumalsik sa mukha nito.

“What did you say?” ang natataranta niyang tanong dito dahil wala sa hinagap niya na magpapakasal agad sila.

“Ang sabi ko kailangan na natin magpakasal kahit sa west lang muna. And we need to do it today” ang kampante nitong sabi sa kanya.

“Ano?  Magpakasal at ngayon kamo?” ang takang takang tanong niya dito dahil sa bilis ng gusto nitong mangyari.

“Ano ka ba para kang parrot inuulit Lang ang sinabi ko” ang naiirita na nitong sabi sa kanya.

“Hindi mo ako masisi dahil Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magpakasal sayo ngayong araw” ang sabi niya dito na hindi maintindihan kung maiinis o matataranta sa pinagsasabi nito.

“Baka nakakalimutan mo, May usapan tayo at nagawa ko na ang part ko” ang sabi nito sa kanya.

“Alam ko, kahit hindi mo na ipaalala ang hindi ko maintindihan bakit kailangang ngayon na tayo magpakasal” ang malakas na niyang sabi dito mabuti na lang at malayo sila sa karamihan at walang nakakarinig sa kanila.

“You don’t have to shout” ang nagtatangis bagang nitong sabi sa kanya dahil siguro sa nararamdaman nitong inis.

“Bigyan mo ako ng explanation” ang matatag niyang sabi dito

“I don’t need to give you any explanation. Ginawa ko na ang part ko sa bargain natin ngayon ay gawin mo naman ang sayo. O baka naman gusto mo nang umatras dahil nakalaya na ang tatay mo at magaling na ang nanay mo” ang sabi nito sa kanya na ikinapanting ng kanyang tenga.

“How dare you. Kahit mahirap Lang ako ay may isang salita ako” ang galit na galit niyang sabi dito.

“Good dahil darating na ngayon ang ninong kong judge na magkakasal sa ating dalawa dito” ang sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.

“Akala ko maguusap pa lang tayo ngayon darating na ang judge?” ang hindi makapaniwalang sabi niya dito kaya pala pang apat na tao ang lamesa at ang order nila.

“Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit magpapakasal ako sayo ngayon ng biglaan, dahil kung hindi mo sasabihin ay mag wawalk out ako ngayon din” ang galit niyang sabi dito at ng hindi ito magsalita ay tumayo na siya para lang huminto dahil hinarang siya ng dalawang lalaki na hindi niya kilala kung sino.

“Paraanin ninyo ako, bakit kayo nakaharang sa daanan ko” ang sabi niya sa dalawang lalaking humarang sa kanya.

“Sorry pero kailangan mong bumalik sa lamesa ninyo ni boss” ang sabi nito at inakay siya pabalik sa lamesa nila at kita niyang ngingisi-ngisi lang si Nathaniel sa kanya.

“How dare you. Sino ang mga ito?” ang galit niyang sabi dito habang pilit kumakawala sa dalawang lalaking may hawak sa kanya.

“Just sit down, don’t worry Hindi ka sasaktan ng mga body guard mo” ang sabi nito sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.

“Bodyguard? At bakit may body guard ako?” ang galit niyang sigaw dito dahil sa sobrang labo ng mga nangyayari at wala siyang maintindihan kahit isa sa mga ito.

“Sit down Faith at wag kang sumigaw” ang sabi nito sa kanya at nakita niya ang katigasan sa sinabi nito kaya wala siyang nagawa kundi ang huminahon at umupo.

“Please tell me Nathaniel kung ano ang nangyayari” ang mahinang sabi niya dito dahil sa sobrang gulo ng mga nangyayari.

“Okay listens carefully” ang sabi nito pagkatapos bumuntong hininga.

“Kailangan nating magpakasal ngayon dahil darating si Lira bukas ng umaga” ang sabi nito sa kanya.

“Sinong Lira?” ang nalilito niyang tanong

“Ex-girlfriend ko si Lira at gagawin niya ang lahat maging kanya lang ako ulit. Kaya kailangan na nating magpakasal ngayon para wala na siyang habol pa sa akin at tungkol naman sa bodyguard ay kailangan mo sila for protection dahil mapanganib si Lira at ayaw kong masaktan ka” ang sabi nito na nagtangis ang mga bagang nito at nakakuyom ang mga kamao.

“At ang pagpapakasal ko sayo ang magliligtas sa akin or sayo?” ang nakataas kilay niyang tanong dito.

“Both” ang madiin nitong sabi “Obsess si Lira sa akin at may tendency siyang manakit ng tao lalo na sa mga babaing malapit sa akin” ang sabi nito sa kanya na bahagya niyang ikinakaba.

“She hurt all the girls na napalapit sa akin at hindi ako makakapayag na pati ikaw ay saktan niya” ang sabi nito na parang masuyong palad na humaplos sa kanyang puso.

“Pero bakit kailangan pa nating magpakasal ngayon?” ang naguguluhan pa rin niyang tanong dito

“Dahil kaya uuwi si Lira ay dahil nabalitaan niya ang tungkol sayo at kung pakakasalan mo ako ay wala siyang magagawa laban sayo dahil alam niyang ang kabilang ka na rin sa Fuentabelia” ang madiin nitong sabi sa kanya.

“Bakit ganoon na lang ang takot mo sa kanya Nathaniel” ang sabi niya dito.

“Hindi ako takot sa kanya, natatakot ako para sayo dahil hindi mo alam kung ano ang puwedeng gawin ni Lira sayo. Just trust me okay?” ang sabi nito at hinawakan ang kanyang mga kamay.

“Hindi ko hahayaang masaktan ka niya kahit dulo lang ng iyong buhok” ang sabi nito sa kanya na ikinalukso ng kanyang puso.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 5Biniling Pag-ibig: Chapter 7 >>

241 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 6

Leave a Reply