Biniling Pag-ibig: Chapter 5

This entry is part 6 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

PAGLABAS niya ng banyo ay Hindi niya nakita si Faith sa kuwarto kaya nagdudumali siyang nagbihis at pumanaog para hanapin ito. Namataan niyang nakaupo ito sa may gilid ng swimming pool at mukhang napakalalim ng iniisip.

“Nandito ka Lang pala” ang mahina niyang sabi dito para Hindi Sana ito magulat pero nakita niyang napapiksi ito sa kinauupuan.

“Ay Kalabaw na hindi makalangoy” ang nagulat na sabi nito habang salo ang dibdib dahil sa pagkagulat sa kanya.

“Im sorry, hindi ko sinasadyang gulatin ka” ang sabi niya habang nakatitig sa napakaamo nitong mukha.

“Nagulat nga ako, para kang multo na bigla na lang sumulpot” ang sita nito sa kanya na ikinangiti niya dahil napakaganda pa rin nito sa paningin niya kahit na halos malukot na ang mukha nito sa pagkakasimangot.

“Hindi ko naman akalain na magugulatin ka pala, bawasan mo ang masyadong paginom ng kape” ang sabi niya dito at tumabi na sa pagkakaupo nito.

“Hindi ako mahilig sa kape medyo may iniisip lang ako kaya hindi kita napansin na nakalapit ka na pala” ang sabi niya kay Nathaniel na bahagyang nanginig ang boses dahil sa sobrang lapit ng pagkakaupo nito sa tabi niya. Uurong Sana siya pero ayaw naman niyang magmukhang tanga sa harap nito.

“Care to tell me what you been thinking?” ang tanong nito sa kanya habang pinakatitigan siya na parang tumatagos sa kaloob-looban niya.

“Hmm hindi naman importante ang iniisip, just little things” ang nasabi Na Lang niya dahil ayaw niyang sabihin dito na ito mismo ang iniisip niya.

“Ok” ang sabi nito sa kanya na ikinahinga niya ng malalim dahil atleast hindi na ito nagpilit pa na tanungin siya.

“Ah papasok na ako sa loob dahil medyo lumalamig na” ang nasabi na lang niya at dali-daling tumayo at pumasok sa loob ng bahay, dahil sa totoo lang hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit sa tuwing nasaharap niya si Nathaniel ay bumibilis ng sobra ang pagtibok ng kanyang puso.

Walang nagawa si Nathaniel Kung Hindi sundan na lang ng tingin si Faith na nagmamadaling pumasok ng bahay. Hindi niya maintindihan Kung bakit ganoon Na Lang ang epekto nito sa kanya tila lagi siya nawawala sa sarili at hindi makontrol ang nararamdaman para dito at hindi niya nagugustuhan ang nararamdaman.

“Kailangan mo nang umiwas habang maaga pa Nathaniel, nangako ka sa sarili mo na hinding hindi na magpapadala sa emosyon lalong lalo na sa mga babae” ang panenermon ni Nathan sa sarili, dahil magmula ng mangyari ang isang insidenteng pilit niyang ibinabaon sa limot ay nawalan na siya ng tiwala sa mga babae at sa salitang Pagibig.

“There’s no such thing as love and you know that. Ang Pagibig ay nagpapahina sa tao” ang galit na galit niyang sabi habang nakakuyom ang mga kamao.

Maagang nagising si Faith at pagkatapos makaligo at makapagbihis ay dali-dali na siyang lumabas ng kuwarto.

“Good morning” ang alanganin niyang bati kay Nathaniel ng makita niya itong palabas ng kuwarto nito.

“Morning” ang mahina nitong sabi at tinalikuran na siya nito na ikinataka niya naisip na lang niyang baka masama ang gising nito at wala sa mood.

“Ah Nathan” ang mahina niyang tawag dito “Magpapaalam na sana ako sayo na uuwi, maraming salamat” ang sabi niya.

“No problem ihahatid na kita” ang sabi nito sa kanya at tinalikuran na siya nito.

Tahimik ang naging biyahe nila pabalik ng maynila, kubuin dili siya ni Nathaniel na hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niyang kasalanan dito dahil napakalamig ng pakikitungo nito sa kanya.

Naalimpungatan si Faith ng maramdaman ang masuyong halik sa kanyang mga labi kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita niyang tinatanggal ni Nathan ang seatbelt nito.

“Gising ka na pala, nandito na tayo” ang mahinang sabi nito sa kanya.

Itatanong Sana niya Kung hinalikan siya nito, pero nakahiyaan niya dahil baka panaginip Lang pala iyon at baka mapahiya lang siya dito. At isa pa bakit naman siya hahalikan ni Nathan.

“Bakit?” ang patay malisyang tanong ni Nathaniel kay Faith dahil pinakatitigan siya nito at parang may gustong itanong.

“Ah e wala, Salamat pala sa paghahatid” ang namumulang sabi niya kay Nathaniel dahil nahuli siya nitong pinakatitigan ito.

“Sige mauna na ako sayo salamat uli” ang nagmamadaling paalam niya dito at dali-daling bumaba ng sasakyan at pumasok sa kanilang bahay.

Naguguluhan siya sa sarili kung bakit napakabilis ng tibok ng kanyang puso at nalilito siya kung bakit ganoon na lang ang kabang nararamdaman niya sa tuwing malapit si Nathaniel.

“Don’t tell me na inlove ka na Faith at kay Nathaniel pa” ang naguguluhan niyang tanong sa sarili habang nakatingin sa salamin.

“Hindi Maaari” ang mahina niyang usal sa sarili dahil alam niyang masasaktan siya sa bandang huli kung hahayaan niya ang sariling magustuhan ang isang Nathaniel Fuentabelia.

“Faith anong nangyayari sayo at kinakausap mo ang sarili mo” ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya.

“Ah ikaw pala kuya, bakit ko naman kakausapin ang sarili ko noh” ang patay malisya niyang sabi dito.

“Bakit nandito ka pa Kuya? Mag-aalas nueve na ah”ang nagtataka niyang tanong dito.

“Masama kasi ang pakiramdam ko. Kaya nag absent na lang muna ako” ang sabi nito na Bahagya pang umubo at nang salatin niya ang noo nito ay mainit nga ito at mukhang nilalagnat.

“Teka lang kuya at ikukuha kita ng gamot” ang nag-aalala niyang sabi dito dahil mukhang hindi maganda ang tunog ng ubo nito.

“Wag Na, Nakainom Na ako kanina pagkatapos kong mag almusal, babalik na ako ulit sa kuwarto at magpapahinga na ulit. Lumabas Lang naman ako dahil narinig kong may pumasok.” Ang nakangiti nitong sabi sa kanya at tumayo na para bumalik sa kuwarto nito.

Dali-daling naghanap ng maluluto si Faith at nang makita niyang mayroong baboy ay naisipan niyang magluto ng Adobo para tanghalian nila ng mga kapatid at ang iba ay dadalhin niya sa Ospital para sa kanyang mga magulang.

Pagkaluto niya ay dali-dali na siyang naligo at nagayos dahil pupunta muna siya ng Ospital para dalhan ng pagkain at madalaw na rin ang ina bago pumasok ng school.

“Kuya aalis na ako, eto pagkain mo ubisin mo at wag mo kalimutang uminom ng gamot” ang sabi niya dito ng hatiran niya ito ng pagkain sa kuwarto.

“Salamat opo madam wag ka masyado mag-alala at sinat lang ito” ang natatawang sabi sa kanya ng kanyang kuya.

“Sinat ka diyan, ang init nga ng balat mo. Ayaw nga sana kitang iwan magisa kaso madami na akong absent sa school” ang sabi niya dito na bahagyang hinipo ang noon ito at medyo mainit pa rin ito.

“Naku dapat Nursing ang kinuha mo at hindi Secretarial” ang panunudyo pa nito Bagamat medyo mahina pa rin at namamalat ang boses nito.

“Naku bahala ka na nga basta ubusin mo itong pagkain at inumin ang gamot aalis na ako” ang sabi niya dito at nagmamadaling lumabas na ng bahay.

Pagdating niya sa Ospital ay nakita niyang masayang naguusap ang kanyang ina at ama. Napakasaya ng pakiramdam niya dahil nalagpasan na rin ng kanilang pamilya ang napakalaking dagok na dumaan sa kanilang buhay salamat kay Nathaniel.

“Hello everyone” ang masayang sabi niya sa mga ito ng makalapit sa mga ito.

“Faith mabuti naman at dumating ka na” ang sabi ng kanyang Nanay na mukhang masigla na at malakas.

“Opo dinalhan ko kayo ng pagkain” ang medyo kinakabahan niyang sabi sa mga ito dahil baka galit ang mga ito dahil sa hindi niya paguwi kagabi.

“Bakit hindi mo isinama si Nathaniel sabik na sabik na akong makilala siya at  nang makapagpasalamat na rin ako sa kanya” ang hindi niya inaasahang sabi nito dahil iniisip niyang pagagalitan siya ng mga ito.

“Ah e busy pa po kasi siya sa trabaho hayaan ninyo at yayain kong pumarito” ang pagdadahilan na lang niya sa ina dahil ayaw niyang sumama ang loob nito.

“Sige aasahan ko iyan, pag dumadalaw pala siya ay natutulog ako kaya hindi ko siya nakakausap” ang sabi nito na nakangiti pero mababakas sa mukha nito ang pang hihinayang.

“Kelan ba ang kasal ninyo?” ang masayang sabi ng kanyang tatay na halos ikatumba niya.

“Ah e Hindi ko pa po alam. Wala pa kaming date na nakukuha” ang kandautal niyang sagot sa mga ito dahil hindi niya alam kung anong sasabihin.

“Naku ganoon ba, sana malapit na dahil gusto ko nang magkaapo” ang tila nanunuksong sabi ng kanyang ina na ikinapula ng kanyang mga mukha.

“Ang nanay talaga, naku mauuna na po ako dahil baka malate ako sa pag pasok sa school” ang nagmamadali niyang paalam sa mga ito dahil ayaw niyang usisain pa siya ng mga ito kaya mabuti pa ang umeskapo na habang may chance pa.

“Ay ganoon ba. O sige iha magiingat ka” ang sabi ng kanyang magulang pagkatapos niyang magmano sa mga ito ay dali-dali na niyang tinalikuran ang mga ito.

Dahil absent siya lagi ay madami siyang dapat pagaralan para makahabol sa mga kaklase kaya doble time ang ginawa niyang pagaaral ng leksiyon.

Hindi na niya namalayang madilim na pala at mag aalas diyes na ng gabi ng makalabas siya ng skul at wala nang estudyante at magisa lang siya sa abangan ng jeep.

“Miss gabi na wala nang dadaan pang jeep dito. Halika ihahatid ka na namin” ang narinig niyang sabi ng nakangising lalaki sa kanya na bumaba mula sa itim na van.

Nang makita niyang palapit na ito sa kanya at walang ibang taong nandoon maliban sa kanya at sa dalawang lalaking bumaba sa van ay nagsimula na siyang kabahan kaya nagmamadali siyang lumakad at ng makitang sinusundan siya ng mga ito ay dali-dali siyang tumakbo palayo sa mga ito.

“Miss wag ka nang magpakipot paliligayahin ka namin” ang sabi ng matabang lalaki na humabahol sa kanya sakay ng van.

“Saklolo tulungan ninyo ako” ang umiiyak niyang sigaw habang tumatakbo ng mabilis at dahil nakasakay sa van ang mga ito ay nahabol agad siya at dali-daling bumaba ang mga ito at hinablot ang kanyang braso.

“Wag ka nang magpakipot dahil siguradong mageenjoy ka sa gagawin natin” ang sabi ng mas batang lalaki na nakayapos na ngayon sa kanyang bewang at pilit siyang pinapasok sa van.

“Parang awa na ninyo bitiwan mo ako” ang umiiyak niyang sabi habang panay ang sipa at suntok sa lalaking nakahawak sa kanya at dahil mas malaki at malakas ito sa kanya ay para lang siyang sumuntok sa pader.

“Wow pare palaban, siguradong mageenjoy tayo nito” ang sabi ng matabang lalaki sa kasama at parang demonyong nagtawanan pa ang mga ito.

“Bitiwan ninyo ako mga demonyo kayo” ang sigaw niya at malakas na sinipa ang pagkalalaki ng lalaking may hawak sa kanya at dahil sa gulat at sakit ay nabitiwan siya nito kaya dali-dali siyang tumakbo pero nahabol pa rin siya ng isa sa mga ito at sinampal ng malakas na halos ikatulig niya.

“Demonya kang babae ka” ang galit na sabi ng lalaking sinipa niya at binigwasan siya ng malakas sa may sikmura.

“Bitiwan ninyo siya” ang narinig niyang sigaw ng lalaking bagong dating at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

AUTHORS NOTE:

Humihingi po ako ng pasensiya sa mga readers sa pag ka delay ng  story gaya nga ng sabi ko ay sinusubukan ko makuha ang files sa laptop ko na nabuhusan ng choco drinks pero wala na talaga siya nasira na po talaga masama ang loob ko at the same time heartbroken dahil hindi lang
ang story ng BINILING PAG-IBIG ang nawala kundi pati na rin ang kuwento ni Natalie ngayon ay kailangan ko na naman pong isulat ulit ang bawat Chapter ng biniling pagibig at the same time ulitin ang kuwento ni Natalie na natapos ko na sana.

LESSON LEARN: WAG IINOM SA MAY HARAP NG COMPUTER (SIGH**) i learn that lesson in a Hard way kaya sana po ay wag kayong gagaya sa akin and again im sorry for the delay

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 4Biniling Pag-ibig: Chapter 6 >>

234 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 5

Leave a Reply