Biniling Pag-ibig: Chapter 4

This entry is part 5 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

“OO KUYA” ang sagot niya dito na halos hindi makatingin sa mukha nito dahil sa sobrang kabang nararamdaman dahil hindi niya alam kung ano ang nararamdaman nito.

“Kailan mo pa naging kasintahan si Mr. Fuentabelia?” ang tanong nito sa kanya na bahagyang naging seryoso ang mukha at nawala na ang pagkakakunot ng noon ito.

“ Ma-matagal Na Kuya mga isang taon Na” ang kinakabahan niyang sabi dito at niyuko ang ulo at Hindi mapakali ang mga kamay dahil ganoon siya pag nagsisinungaling.

“Isang taon Na? at bakit hindi mo man lang naisip na ipakilala sa amin anong klaseng lalaki iyan hindi man lang naisip magpakita o magpakilala man lang sa amin” ang sabi nito na bahagyang nagtatagis ang bagang.

“Pasensiya ka na Kuya dahil natatakot akong ipakilala siya sa inyo matagal na niyang gustong magpunta dito para makilala kayo kaso ako lang ang ayaw” ang dagdag pa niyang pagsisinungaling halos kagatin na niya ang kanyang dila para matigil na ang kanyang kasinungalingan.

“At ano naman ang ikinakatakot mo bakit mukha ba kaming nangangain ng tao?” ang sabi nito sa kanya na wala nang mababakas na galit sa mukha Bagamat seryoso pa rin ito.

“Dahil sinabi noon ni Tatay na bawal pa akong mag-nobyo kaya natakot akong ipakilala siya sa inyo dahil baka magalit ang Tatay” ang nakayuko niyang sabi dahil kahit totoo namang sinabi ng kanyang Ama na wag muna siyang mag-nonobyo ay kasinungalingan naman ang iba sa sinabi niya.

“Pero kahit na isang taon mo rin itong itinago sa amin” ang sabi nito na bahagya nang maaliwalas ang mukha nito mukhang nabenta naman ang kasinungalingan niya.

“Alam ko Kuya im really sorry” ang sabi niya Na bukal sa loob dahil sa kasinungalingan niyang sinabi dito.

“Kung nobyo mo siya bakit niya Ipinakulong ang Tatay?” ang bigla nitong sabi sa kanya na halos ikagulat niya dahil akala niya makakahinga na siya ng maluwag hindi pala dahil may kasunod pa.

“Isa pa pala iyan Kuya, Iuurong Na raw ni Nathaniel ang kaso laban kay Tatay hindi raw niya kasi alam na anak ako ng pinakulong niya” ang sabi niya makalipas ang ilang segundong katahimikan dahil nililimi pa niya ang dapat sabihin dito.

“Talaga? Palalayain na niya ang Tatay?” ang masayang sabi ng kanyang Kuya at sa unang pagkakataon mula ng magkasunod sunod ang problema nila ay ngayon niya lang ulit nakitang ngumiti ito ng tagos sa mata.

“Oo kuya makakalaya na si Tatay as long as maayos ang mga papeles na kailangan makakalabas na siya” ang sabi niya dito na hindi maiwasan ang mapaluha dahil sa nakikitang kasiyahan nito may mga mabuti naman palang dulot ang mga kasinungalingan niya.

“Salamat Faith, kailangan ko palang personal na magpasalamat sa magiging future bayaw ko” ang Masaya nitong sabi sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Wala iyon Kuya Masaya ako at makakasama na ulit natin si Tatay at ma-ooperahan na si Nanay” ang sabi niya Na bukal sa loob ang sinabi dahil talagang sobrang saya ng kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

“Oo nga, pasensiya ka Na pala kanina natakot Lang ako na baka may ginawa kang hindi maganda dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko” ang sabi nito sa kanya at bahagyang hinipo ang nangingitim na niyang braso.

“Wala iyon Kuya naiintindihan naman kita” ang sabi niya dito at sa isip ay sinasabing tama lang ang ginawang pananakit ng kanyang Kuya dahil sa mga kasinungalingan niya dito.

“Naku nangingitim Na, masakit ba?” ang sabi nito sa kanya habang hawak pa rin ang kanyang braso.

“Hindi naman, Hay naku Kuya maiwan na kita may niluluto pala ako” ang sabi niya at natatarantang napatayo at pumasok sa kusina para tignan ang niluluto.

Mabuti Na Lang at Hindi naman ito nasunog natuyuan Na Lang ito ng tubig kaya dali-dali niyang nilagyan ng Tomato sauce at konting-konting tubig para magkaroon ng sabaw at asin, paminta para magkalasa.

Ilang sandali Lang ay nakapaghain Na siya at nang tatawagin Na Sana niya ang kanyang mga kapatid para kumain ay bigla niyang narinig ang masayang sigaw ng kapatid Na si Nancy kaya Dali-dali siyang lumabas ng kusina para tignan kung ano ang pinagkakasuyahan ng kanyang mga kapatid.

“Tatayyy” ang Masaya niyang sabi ng makita niyang nakakarga ang kanyang kapatid Na si Nancy sa kanilang Ama habang ang kanyang kuya naman ay mabilis pinahid ang butil ng luha na tumulo sa mga mata nito habang nakaakbay ang kanilang ama sa balikat nito.

“Faith anak” ang narinig niyang sabi ng kanyang ama at dali-dali siyang lumapit dito at niyakap ito ng napakahigpit at Hindi niya napigilang mapaiyak dahil sa sobrang kaligayahan.

“Tatay nakalaya na kayo” ang Masaya niyang sabi dito ng magbitiw sila mula sa pagkakayakap.

“Oo anak pinalaya Na ako Ni Mr. Fuentabelia at siya ring naghatid sa akin dito” ang sabi nito sa kanya habang nakatingin sa nakaupong lalaki sa may upuan nila.

Dahil sa sobrang saya niya kanina sa pagkakakita sa kanilang Ama ay hindi niya napunang kasama pala nito si Nathaniel at ngayon nga ay tahimik lang na nagmamasid sa kanila.

“Good evening Sweetheart” ang sabi nito Na nilapitan pa siya para halikan sa may pisngi na labis niyang ikinatulala dahil hindi niya inaasahang hahalikan siya nito sa harap ng kanyang pamilya.

“Good evening nandito ka pala” ang namumula niyang sagot dito habang Hindi makatingin sa mukha nito ng diretso.

“Akala ko hindi mo na ako mapapansin but I understand it Masaya kayo sa pagkakalaya ng inyong Ama” ang sabi nito sa kanya habang nakangiting tinapunan ng tingin ang kanyang ama at kitang kita niya ang Masaya nitong ngiti.

“Pasensiya na, maraming maraming salamat Nathaniel” ang sagot niya dito at bahagyang nangilid ulit ang mga luha dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman niya.

“Naku wala iyon lahat gagawin ko para sayo” ang sagot nito sa kanya na ikinagitla niya dahil kung magsalita ito ay aakalain mong tutoong-totoo ang sinasabi, dahil sa seryoso nitong pagkakasabi. Kahit alam niyang nagkukunwari Lang ito sa harapan ng kanyang Ama at mga kapatid ay hindi pa rin niya maiwasang matuwa.

“Ate hindi pa ba tayo puwedeng kumain? Kanina pa kasi nagwewelga ang mga alaga ko dahil sa gutom” ang sabi ng kanyang kapatid na si Nancy na nagpagising sa natulala na niyang diwa.

“Ay oo halikayo nakapaghain na ako” ang sabi niya sa mga ito at nilingon si Nathaniel na nakatingin sa kanya.

“Kung mapagpapasensiyan mo ang ulam namin ay inaanyayahan kitang dito Na maghapunan” ang narinig niyang sabi ng Ama kay Nathaniel, tututulan niya Sana ang sinabi nito pero baka mabuko siya kaya minabuti Na Lang niyang wag nang magsalita.

“Naku maraming salamat po Mr. Santilian, but I still have some stuff to attend too, maybe next time” ang magalang nitong pagtanggi sa kanyang Ama.

“Naku walang kaso Iho alam Kong masyado kang abala maraming salamat ulit kung hindi dahil sayo ay siguradong nakakulong pa rin ako ngayon” ang sabi ng kanyang Ama na mangiyak-ngiyak pa sa sobrang kaligayahan habang mahigpit na hawak ang kamay ni Nathaniel.

“Walang anuman po iyon Mr. Santilian gaya nga po ng sinabi ko kanina gusto Kong mapasaya ang mapapangasawa ko” ang sabi nito na sa kanya nakatingin kaya namula ang kanyang mukha.

“Ganoon ba iho naku dapat Tatay na rin ang itawag mo sa akin gayong ilang linggo na lang pala ay magpapakasal na kayo ng anak ko” ang sagot ng tatay niya na napakalaki ng ngiti sa mga labi mukhang masayang-masaya at tanggap na tanggap na si Nathaniel para maging asawa niya.

“Salamat mo Tatay, nagagalak akong malaman na hindi kayo tumututol sa kasal na inaalok ko sa inyong Anak” ang sabi nito sa kanyang ama habang nakahawak sa mga kamay nito.

“Kahit sinong Magulang ay ikalulugod kang maging Anak Iho at Masaya akong malaman na magiging Anak na rin kita” ang sabi ng kanyang Ama at niyakap pa si Nathaniel na nakangiting yumakap din sa kanyang ama habang nakatingin sa kanya.

“Magpapaalam na po ako Tatay Jose at meron pa akong pupuntahan” ang sabi nito ng maghiwalay ang kanyang ama at ito sa pagkakayakap.

“Ganoon ba Iho magiingat ka, Anak ihatid mo na ang nobyo mo sa gate .” ang sabi ng kanyang ama at kinuha pa ang kanyang kamay at iniabot kay Nathaniel.

Kaya wala siyang nagawa Kung Hindi ang hawakan ang kamay nito at akayin palabas ng kanilang bahay, hanggang ngayon ay nabibigla pa rin siya sa bilis ng pangyayari. Nakalabas na ang kanyang Ama at ma-ooperahan na ang kanyang Ina na labis niyang ikinatutuwa Ngunit ang ikinakakaba niya ay ang kaisipang pakakasalan niya ang lalaking kahawak kamay niya ngayon at nakakatatlong beses pa lang silang nagkakatagpo.

“Ang lalim naman ata masyado ng iniisip mo Faith” ang narinig niyang sabi nito sa kanya ng makarating sila sa may gate.

“Hindi naman, medyo nabibilisan pa rin ako sa mga pangyayari” ang mahina niyang sagot dito habang nakatingin sa napakaguwapo nitong mukha.

“Alam ko pero ayaw mo ba noon makakasama na ninyo ang inyong Ama at ma-ooperahan na ang iyong Ina” ang sabi naman nito Na bahagya pang pinisil ang palad niya Na hawak nito.

“Nasabi mo Na pala kay Tata yang tungkol sa pagpapakasal natin, wag mong sabihin sa akin na sinabi mo sa kanya ang dahilan kung bakit” ang nahihintakutan niyang sabi dito at tinignan ang paligid baka may makarinig kasi sa pinaguusapan nila.

“Wag kang mag-alala, ginawan ko na iyon ng paraan. Sinabi ko sa iyong Ama na matagal na tayong magkasintahan at hindi ko alam na siya ang iyong Ama kung hindi lang dahil sa pagkakatagpo natin sa may kulungan ng sabay natin siyang bisitahin” ang mahaba nitong paliwanag sa kanya na nagpalis ng kung ano mang kabang lumukob sa kanya kanina.

“Mabuti naman ganoon nga rin ang dahilan ko kay Kuya ang sabi ko mahigit isang taon na tayong magkasintahan at hindi mo alam na Ama ko si Tatay” ang pabulong niyang sabi dito at bahagya pa nga siyang tumingkayad para makalapit sa tenga nito at duon bumulong.

“Para pala tayong nagusap ng Kung ano ang idadahilan natin I think that’s a good sign” ang sabi nito sa kanya at bigla siyang nilingon dahil nakatingkayad pa siya at napakalapit pa mandin ng kanyang mukha dito ay sa mga labi tuloy niya tumama ang labi nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng maramdaman ang mga labi nito sa kanyang bibig pero imbes na umurong para mapalayo ang mga labi nito ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang bigla na lang bumigat ang kanyang talukap at napapikit.

Naramdaman niyang biglang gumaan ang kanyang mga labi kaya dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at nahiling na sana nanatili na lang siya sa pagkakapikit dahil nakita niya kung paano siya pinakakatitigan ni Nathaniel na nagpakabog ng sobra sa kanyang dibdib.

“Good night Faith” ang nakangiting sabi sa kanya ni Nathaniel ng makalipas ang ilang sandaling titigan nila.

“Ba-bakit mo ginawa iyon?” ang sabi niya dito habang nakahawak pa sa kanyang mga labi na kanina lang ay angkin nito.

“I didn’t intend to, but I must admit I am glad it happen” ang sagot nito sa kanya at bahagya pang titigan ang kanyang mga labi na bahagyang nakaawang dahil sa sinabi nito.

“Ohh don’t do that” ang dagdag pa nitong sabi Na bahagya pang napasinghap.

“Ano ba ang ginagaw ko?” ang nakakunot noong tanong niya dito dahil Hindi maintindihan ang sinasabi nito.

“You are seducing me by opening that sweet little lips” ang sabi nito sa kanya at kinabig ang kanyang ulo at madiing hinalikan.

Gulat Na gulat siya dahil sa ginawa nito hindi niya inaasahang hahalikan ulit siya nito at lalo namang hindi niya inaasahan kung gaano kariin ang mga halik na iyon na punong puno ng init at mapaghanap at dahil sa pinaghalong sakit at parang kuryenteng sensasyong nararamdaman niya ay bigla niya itong itinulak at nagtaanong ang mga mata nitong pinakatitigan siya.

“You caught me off guard” ang mahina niyang sabi dito dahil nararamdaman pa niya ang pamamanhid ng mga labi.

“Okay but im not going to say sorry on what I did” ang sabi nito sa kanya at iniwan siya nitong natitigilang nakatingin dito.

“Iha pumasok ka Na, Nakaalis na si Nathaniel bakit parang natitigilan ka pa rin diyan?” ang narinig niyang sabi ng Ama nagpagising sa natutula pa niyang diwa.

“Wala po Itay tinitignan ko lang po kung nakalayo na siya” ang nahihiya niyang sabi sa Ama dahil nahuli siya nitong nakatutulala.

“Nakow kayo talagang mga kabataan oo, halos ayaw nang maghiwalay” ang nanunudyong sabi nito sa kanya, kaya minabuti na lang niyang wag sumagot at hinigot ito papasok sa kusina.

“Sus umiiwas ang aking dalaga, halos Hindi ako makapaniwala ng sinabi ni Nathaniel kanina na magpapakasal na kayo. Bakit nga ba hindi ko man lang alam na may nobyo ka na iha” Ang tanong nito sa kanya na nagpakaba sa kanyang dibdib “ayan naman po kailangan ko na namang magsinungalin baka lamunin na ako ng lupa nito dahil sa mga kasinungalingan ko” ang bulong ng kanyang isip.

“Kasi po Tay natatakot akong baka magalit kayo pag nalaman ninyong may nobyo na ako” ang sagot niya dito Na halos Hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil sa nagi-guilty siya sa mga kasinungaling pinagsasabi niya.

“Ganoon ba Iha, naiintindihan kita pero Sana sa susunod ibahagi mo naman sa amin na pamilya mo ang nangyayari sayo. Hindi nga ako halos makapaniwala dahil ang boss kop ala ay nobyo mo” ang sabi nito sa kanya na bahagyang nakangiti habang nakaakbay sa kanyang balikat.

“Nagulat nga rin po ako ng makita Kong kausap ninyo siya sa bilangguan at siya pa pala ang nagpakulong sa inyo” ang totoo niyang sabi dito dahil talagang nagulat siya nang makitang ang guwapo at mukhang mabait Na binatang iyon, na nagpakaba sa kanyang dibdib ang siya palang nagpakulong sa kanyang Ama.

“Sus wala iyon Iha hindi rin pala alam ni Nathaniel na ako ang iyong ama kaya nauunawaan ko atleast pinalaya na niya ako diba” tumango na lang siya sa sinabi ng kanyang ama dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang mga kasinungalingang hinabi na niya dahil baka tuluyan na siyang hindi makabangon sa kasinungalingan niya.

“Halika na tatay kumain na tayo, kailangan ko pa kasing palitan si Tiya Lumeng sa pagbabantay kay Nanay” ang nakangiti niyang pagiiba ng usapan dahil ayaw niyang makahalata ito na hindi niya gustong pagusapan pa si Nathaniel.

“Ay oo nagugutom na nga rin ako dahil ilang araw na akong hindi halos makasubo, Isa pa anak ako na lang ang magbabantay kay Nanay ninyo dahil alam kong ilang araw na kayong walang pahinga” ang sabi ng kanyang ama na mababasa sa mga mata nito ang biglang kalungkutan sa pagkabangit kanyang ina.

“Naku Tatay wag po kayong mag-alala dahil ganyan talaga ang pamilya diba, tulong tulong at isa pa Tatay mahal namin kayo ni Nanay.” Ang sabi niya sa kanyang Ama na medyo naluluha na dahil sa drama nilang mag-ama.

“Alam ko anak, miss na miss ko na nga ang iyong Ina kaya ako na lang ang magbabantay sa kanya ngayon at magpahinga ka na lang” ang final na sabi ng ama sa kanya at inakay na siya papasok sa kusina.

Dinatnan nila sa kusina ang kanyang mga kapatid na mukhang inip na inip na sa kakahintay sa kanila kaya pagpasok palang nila ay dali-dali nang nagsipagsandok ang mga ito ng pagkain at salo-salo na silang nag-gabihan.

Pagkatapos kumain ay naligo at nagahit lang ang kanyang ama at umalis na rin ito para magbantay sa kanilang Nanay, kahit anong gawing pigil nila dito para makapagpahinga na muna ito ay nauwi rin sa wala dahil desidido talaga ang kanyang Ama na makita na ang mahal nitong asawa kaya hinayaan na lang nila ito.

Kinabukasan ay maaga pa lang at gising na siya para magluto ng almusal ng kanyang kapatid at pagkain na babaunin ng kanyang Kuya at ang iba ay dadalhin niya sa Ospital para sa kanyang Ama.

Naglamas muna siya ng kanin habang nagpapainit ng tubig, isinalang niya sa kabilang burner ang kawali at sinimulang initin ito habang hinagawa niya iyon ay sinimulan na niyang maghiwa ng pitong pirasong hotdog hinati niya lang ang mga ito sa gitna at binate ang apat na pirasong itlog. Nang uminit na ang kawali ay nilagyan niya ito ng mantika at sinimulan nang ipirito ang hotdog saka niya ibinuhos ang itlog ilang sandali lang ay hinango na niya ito sinimulang isangag ang kaning bahaw at ibinuhos ang kumukulong tubig sa takore.

Tinignan niya ang orasan at nakitang mag-aalas singko na ng umaga kaya mabilis niyang inihanda ang gagamitin sa pagluluto ng adobo at ilang sandali lang ay nakapagluto na siya kaya isinunod na niyang isinalang na niya ang kanin.

Mag-aalas Sais na nang umaga nang makakain sila ng kuya niya habang si Nancy ay tulog pa, Nagmamadali siyang sumubo at nang makatapos ay sinimulang ilagay sa lalagyan ang babaunin ng Kuya niya at dadalhin sa Ospital hindi na niya kailangan magbaon dahil libre naman sila sa restaurant ng tanghalian.

Nakarating siya ng alas-sais trenta sa ospital at sandali munang nakipagusap sa kanyang ama bago pumasok sa trabaho.

“Mabuti nakarating ka na Faith pinatatawag ka ni Mr. Salas sa opisina niya” ang sabi sa kanya ni Janina nang makapasok siya sa restaurant na pinagtatrabahuhan.

“ Bakit kaya? Hindi naman ako late diba ?” ang kinakabahan niyang tanong dahil hindi naman sila pinapatawag ng boss nila kung walang dahilan.

“Hindi ko rin Alam Faith nagulat nga rin ako ng hanapin ka ni Mr. Salas sa akin kaninang pagpasok ko” ang sabi nito na mukhang kinakabahan rin para sa kanya.

“O sige pupuntahan ko na baka magalit” ang sabi niya sa kaibigan at dali-dali na ngang nagtungo sa opisina ng kanilang Manager.

Knock! Knock!

“Tuloy bukas iyan” ang narinig niyang sabi nang kanilang Masungit na Manager, napakasungit nito kaya siguro tumandang binata at hindi rin maipagkakailang hindi ito masyadong kaguwapuhan malapad ang noo nito at may napaka-kapal pang salamin sa mata.

“Sir, ipinatawag ninyo daw ako?’ ang kinakabahan niyang tanong dito nang makapasok siya sa opisina nito.

“Yes, Ipinatawag kita dahil sa gusto kong sabihin sa iyo na maari mo nang kunin ang huling sahod mo” ang matigas nitong sabi sa kanya na halos ikaluwa ng kanyang mga mata, anong ibig sabihin nito tanggal na siya sa trabaho?

“Si-sir, bakit po?”ang nanginginig niyang tanong dito dahil kailangang kailangan niya ang trabaho ngayon dahil walang trabaho ang kanyang Ama.

“You are Late three time already just this week at magkakasunod pa iyon” ang sabi nito na bahagyang nakataas ang mga kilay.

“Sir I can explain that” ang sabi niya dito na nagsisimula nang gumaralgal ang boses.

“You don’t have too Fabricate lies just to save your job bec its already too late buo na ang pasya ng management na tanggalin ka. We don’t need someone like you here” ang buong pasya nitong sabi sa kanya na halos ika-iyak na niya dahil akala niya wala nang katapusan ang kasiyahan nila dahil nakalaya na ang kanyang ama at ang Ina naman niya ay Magaling na pero ngayon pala wala na siyang trabaho pang babalikan.

“Sir Nagkaroon kasi kami ng problema wag naman Sana ninyo akong tanggalin sa trabaho I need this job badly ito lang ang inaasahan kong mapagkukunan ng pera para makapagpatuloy sa pag-aaral” ang pagmamakaawa niya dito.

“Sorry Ms. Santilian but I can’t do anything more about it you are fired” ang madiin nitong sabi habang nakaturo pa ang mga kamay sa pintuan at pinalalabas na siya kaya imbes na magmakaawa pa ulit ay lumabas na lang siyang bagsak ang mga balikat.

“Anong nangyari Faith?” ang salubong sa kanya ni Janina nang makalabas siya sa opisina.

“Tinanggal nila ako sa trabaho” ang sabi niya dito at Hindi na napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

“Huh bakit naman” ang nakakunot noo nitong tanong sa kanya.

“Dahil tatlong beses na raw akong nahuhuli sa trabaho sa loob lang ng isang linggo kaya tinanggal nila ako agad, ano na ang gagawin ko Janina wala na akong trabaho paano na ang pag-aaral ko?” ang umiiyak niyang sabi dito dahil pakiramdam niya ay wala na siyang pag-asa pang makatapos ng pagaaral dahil sa wala na siya ngayong tabaho.

“Im Sorry” ang sabi nito sa kanya at niyakap siya nito ng mahigpit at mukhang hindi alam ang sasabihin para pagaanin ang kanyang loob.

“Its ok hahanap na lang ulit ako nang ibang mapapasukan” ang sabi niya dito pero may pakiramdam siyang ang sarili lang niya ang nakarinig sa sinabi niya dahil sa sobrang hina nang pagkakasabi niya.

“I have to go Janina sa atin na lang ulit tayo magkita” ang sabi niya dito at hindi na hinintay pang makapagsalita ito dahil tumalikod na siya at pumasok sa locker room.

Sinimulan Na niyang iligpit ang lahat ng gamit niya at pumunta Na sa cashier para kuhanin ang huli niyang sahod ni wala man lang siyang nakuhang separation fee at mahigit dalawang libo lang ang nakuha niya kaya lulugo-lugo siya umalis ng restaurant na iyon.

Dahil sa nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa pagiyak ay hindi niya nakita ang dumarating na sasakyan mabuti na lang at mabilis itong nakapagpreno kung nagkataon ay siguradong sumalpok na siya sa mamahaling sasakyan na iyon.

“Ano ka ba magpapakamatay ka ba?” ang sabi ng lalaking galit na bumaba sa sasakyan nito at dahil pinupulot niya ang mga kagamitan niyang nagkalat sa daan ay hindi niya ito nakikita pero sapat na ang boses nito para mapalingon siya dito.

“Faith” ang nagulat na sabi nito nang humarap siya dito.

“Nathaniel” ang sabi niya dito at bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin.

Nagmamulat siya nang mata ay dahan-dahan niyang inilibot ang paningin sa paligid dahil sa estranghero sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya.

“Mabuti naman at gising ka na pala” ang sabi sa kanya ng napakagandang babae na parang pamilyar sa kanya ang mukha, nakita niya itong papasok sa pintuan at may dalang tray.

“Nasaan ako, Sino ka?” ang tanong niya dito nang makalapit ito sa gilid ng kama at inilagay ang tray sa may tabi ng lampshade.

“Im Natasha, at nandito ka sa bahay ng kakambal ko si Nathaniel.” ang nakangiti nitong sabi sa kanya na lalo lang nagpaganda dito.

“Oh kaya pala parang pamilyar ka sa akin yun pala ay dahil kahawig mo si Nathaniel” ang sagot niya dito at tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kanya.

“Yeah we are actually almost identical nagkataon Lang na naging lalaki siya at babae ako” ang sabi nito at bahagya pang napatawa kaya napangiti Na Lang siya.

“You must be hungry, here I bought you some lunch” ang sabi nito at inilagay sa kanyang kandungan ang tray nang pagkain.

“Thank you, Tanghali Na pala” ang sabi niya na bahagyang nagulat dahil sa tagal ng pagkakatulog niya.

“Yeah nagulat nga ako nang tawagan ako nang kakambal ko dahil alalang-alala daw siya sayo dahil muntik ka na raw niyang masagasaan I almost fainted and yell at him bakit hindi ka dinala sa ospital he said he is so nervous that he forget about it, MY I never see him so scared like that” ang sabi nito sa kanya na bahagya pang kumislap ang mga mata nito na parang nanunukso.

“Ganoon ba, pasensiya Na sa abala” ang nahihiya niyang sabi dito.

“Oh its nothing, seing how tense and scared my brother awhile ago its all worth it” ang pilya nitong sabi sa kanya na ikinapula nang kanyang mga pisngi.

“Thank you pa rin, Nasaan pala si Nathaniel?” ang tanong niya dito dahil nagtataka siya kung bakit kailangan pa nitong tawagin ang kakambal nito.

“Kaaalis Lang, meron kasing tawag sa opisina kung hindi pa nga siya tinawagan e hindi pa aalis sa tabi mo”

“Naku naistorbo ko pa pala kayo pasensiya na” ang sabi niya dito at dahil sa gutom na nararamdaman ay inalis na niya ang hiya at sinimulan nang sumubo kahit nakatingin pa rin sa kanya si Natasha.

“Sus iyon lang wala iyon, sinermunan ko nga ang kanina ang kakambal kong iyon dahil sa muntikan ka na niyang masagasaan dahil sa kapabayaan niya. Imagine muntik na niyang mapatay ang future bride niya” ang sabi nito sa kanya at muntik pa niyang maibuga ang sinubong kanin at ulam.

“Hey dahan-dahan Lang sa pagsubo” ang sabi nito at iniabot sa kanya ang juice.

“Thanks” ang sabi niya pagkatapos inumin ang inabot nitong juice.

“Your welcome well iwan na muna kita para makakain kang mabuti” ang sabi nito sa kanya at iniwan na siya sa kuwarto.

Pagkatapos niyang kumain ay tumayo siya para ibaba ang tray na dinala ni Natasha, Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang humanga dahil sa napakagandang pagkakaayos ng bahay at sa napaka-elegante nitong pagkakaayos, may limang kuwarto sa itaas at sa ilalim ay may tatlo ang mga gamit sa bahay ay pawang mamahalin at high tech.

 “Naku bakit ibinababa mo pa iyan, itinawag mo na lang sana para ang katulong na lang ang magbaba” ang narinig niyang sabi ni Natasha na dahil sa pagmamasid niya sa paligid ay hindi na niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya.

“Ok Lang, nakapagpahinga Na naman ako ng matagal pasensya na sa abala” ang nahihiya niyang sabi dito.

“Sus walang kaso yun ipinagbilin ka sa amin ni Nathaniel at inulit-ulit na wag ka naming hahayaan Na magkikilos dahil baka raw mapaano ka” ang nakangiti nitong sabi sa kanya.

“Ganoon ba? Salamat”ang nahihiya niyang sagot dito, at pilit iniignora ang sinabi nito dahil ayaw niyang paniwalaan.

“No need to say thank you im glad to help, you should go back to bed and rest some more” ang mabini nitong sabi sa kanya at walang na siyang magawa dahil inakay na siya nito paakyat.

Nang makarating sa kuwarto ay pinahiga siya nito at kahit anong gawin niyang pagtutol ay hindi siya nito pinakinggan kaya sinunod na lang niya ang sinabi nito at nang makahiga na siya ay iniwan na siya nito.Binuksan niya ang tv at naghanap nang mapapanood at hindi na niya namalayan na nakatulog na ulit siya hindi niya alam kung dahil ba sa pagod o sa sobrang puyat.

Naalimpungatan siya nang maramdaman niyang may nagmamasid sa kanya muntik pa siyang mapasigaw nang makita niyang may aninong nakaupo sa gilid ng kama at masuyong pinakakatitigan siya kung hindi lang nito natakpan ang kanyang bibig.

“Hush it’s just me” ang masuyo nitong bulong sa kanya at binuksan ang lampshade sa kanyang tabi at bumaha ang liwanag sa buong kuwarto.

“Tinakot mo ako akala ko kung sino na” ang sabi niya dito nang alisin nito ang palad na nakatakip sa kanyang bibig.

“Im sorry I didn’t mean to startle you” ang mahina nitong sabi at narinig pa niyang bahagya itong lumunok habang nakatingin sa may dibdib niya at nang sulyapan niya ang dahilan kung bakit ganoon ang reaction nito ay para siyang natukha nang ahas dahil nakita niyang nakalaylay ang strap ng bestidang pinahiram sa kanya ni Natasha at kita na halos ang kalahati ng isa niyang dibdib.

Kaya dali-dali niyang hinigot pataas sa dibdib ang kumot para maalis sa paningin nito ang kanyang nakaexpose na balat, dali-dali naman tumayo palayo si Nathaniel at pilit iniiwas ang tingin sa kanya.

“Ah- e gabi Na pala uuwi Na ako” ang mahina niyang sabi nang macompose na niya ang kanyang sarili.

“Dito ka Na Lang magpalipas nang gabi I already call your father nang makita Kong napakahimbing nang tulog mo” ang sabi nito sa kanya na ikinagulat niya dahil ano na lang ang sasabihin ng kanyang ama napaka konserbatibo pa naman nang pananaw nito.

“Huh? Tumawag ka sa tatay ko?anong sinabi niya im sure galit na galit na iyon ngayon” ang natataranta niyang sabi dahil siguradong Hindi palalagpasin ng kanyang ama ang pangyayaring ito pag nagkataon.

“Don’t worry hindi naman nagalit ang Tatay Jose” ang kampante nitong sabi sa kanya na hindi niya mapaniwalaan, imagine hindi daw nagalit ang tatay niya.

“Imposible, Sinasabi mo lang iyon para hindi ako kabahan but I know my father very well sigurado akong galit na galit na iyon sa akin ngayon” ang hindi naniniwala niyang sabi dito dahil kahit noong mga teenager pa sila ay hindi sila nito pinapayagan makitulog sa ibang bahay ano pa kaya na makitulog sa bahay ng isang lalaki.

“It’s true, siya pa nga ang nagsuggest na dito ka na magpalipas nang gabi dahil malakas ang ulan at malayo ang maynila mula dito”

“What? Wala tayo sa Maynila?” ang lalong nagulat niyang sabi dito kaya napatayo siyang bigla at hindi alam kung ano ang gagawin, buong akala niya ay nasa maynila sila at nasa malapit lang kung saan siya natumba kaya sa bahay siya nito diniretso.

“Yes narito tayo ngayon sa tagaytay” ang mahinahon nitong sabi at lumakad palapit sa may bintana kaya napasunod dito ang kanyang tingin at kitang kita niya ang malakas na hampas nang hangin sa mga dahon at ang malakas na pagpatak ng ulan mukhang bumabagyo pa ata.

“Bakit dito mo ako dinala sa Tagaytay? Hindi ba dapat sa ospital or sa clinic mo ako isinugod nang matumba ako?” ang nagtataka niyang tanong dito dahil hindi niya maintindihan kung anong tumatakbo sa utak nito.

“I don’t know either, nang bumagsak ka kanina ay basta na lang kita binuhat at nawala na sa isip ko kung saan kita dapat dalhin im confused and I—–“ang hindi na natapos nitong sabihin sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

“And?” ang nabitin niyang tanong dito.

“And I don’t know okay just please stop asking me basta dinala kita dito period” ang naguguluhan pa rin nitong sabi sa kanya na bahagya nang tumaas ang boses.

“Hindi mo na kailangan pang taasan ang boses mo nagtatanong lang naman ako dahil naguguluhan ako, don’t tell me na…..” at bigla siyang napatakip sa kanyang dibdib nang maisip na baka gusto siya nitong pagsamantalahan kaya dinala siya sa malayo.

“Oh come on don’t even think about that, kung gusto kong gahasain ka ay dapat kanina ko pa ginawa at hindi kita dito sa bahay ko dadalhin kundi sa mga nagkalat na motel sa may tabi-tabi” ang nakasimangot nitong sabi sa kanya na mukhang nainsulto dahil sa ginawa niya.

“Kung ganoon why did you bring me here?” ang tanong niya dito

“I already told you diba I don’t know, basta namalayan ko na lang nagdadrive na akong parang tanga papunta dito” ang naiirita na nitong sagot sa kanya dahil na rin siguro sa paulit-ulit niyang pagtatanong dito.

“Puwede ba let just drop this topic at tigilan mo na ang katatanong mo sa akin dahil pareho lang ang isasagot ko I don’t know.” Ang sabi pa nito nang makitang ibubuka na naman niya ang kanyang bibig para magtanong.

“Fine pero im warning you dude hindi mo magagawa ang binabalak mo dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko bago mo ako makuha” ang pagbabanta niya pa dito at nakita pa niyang biglang kumislap ang mga mata nito dahil sa amusement sa sinabi niya.

“Anong nakakatawa?” ang naiinis niyang sabi dito nang makita niyang may ngiti itong sinusupil at mukhang Hindi siniseryoso ang sinabi niya.

 “You really think that you’re so desirable don’t you?” ang nakakainsulto nitong sagot sa kanya na ikinapanting ng kanyang tenga, abat ang kutong lupa mukhang hindi ata nakikita na napakaganda niya at may mahubog na katawan.

“Yes I do think so” ang nangigigil niyang sigaw dito na ikinatawa nito nang malakas.”

“Oh your really something, you never fail to amuse me” ang sabi nito na kumikislap ang mga mata hindi niya malaman kung dahil sa sobrang katuwaan sa sinabi niya o dahil sa pangigigil what ever it is wala siyang pakialam basta nainsulto siya sa sinabi nito kanina.

“Ahh you brute” ang sigaw niya dito na lalo lang nitong ikinatawa kaya naniningkit ang mga mata niyang lumapit dito at sinipa ang tuhod nito dahil siguro sa hindi nito napaghandaan ang kanyang ginawa ay bahagya itong napasigaw dahil sa sakit nang ginawa niyang pagsipa dito.

“What did you do that for?” ang sabi nito habang nakaupo na ngayon sa sahig habang hawak ang nasaktang tuhod nito, bahagya siyang nakunsensiya nang makita ang sakit na lumarawan sa mukha nito kaya dali-dali siyang lumapit dito at tinignan ang nasaktan nitong tuhod.

“Im sorry” ang mahina niyang sabi habang bahagyang hinimas ang tuhod nito

“Oh masakit ba?” ang nagaalala niyang sabi ng marinig niyang umungol ito kaya tinignan niya ang mukha nito at nakita niya sa mga mata nito ang hindi maipaliwanag na damdamin, is that desire she is seing on his eyes? Ang nagtataka niyang tanong sa sarili pero ipinilig na lang niya ang kanyang ulo dahil nasaktan na nga ang tao ay kung ano- ano pa ang kanyang pinagiisip laban dito.

“Hmm” ang mahina nitong tugon na mas lalong lumalim ang paghinga na ikinabahala niya.

“Hoy masakit ba talaga masyado?” ang natataranta niyang tanong dito dahil sa sobrang takot na baka nasaktan niya ito ng sobra, hindi naman niya sinasadya kung bakit naman kasi sinipa-sipa pa niya ito.

“Im Fine” ang mahina nitong sabi at dali-daling tumayo na ikinagulat pa niya dahil para itong biglang napaso at nagmamadaling pumasok sa may banyo, naisip niya tuloy na baka nagalit ito sa ginawa niyang pagsipa dito.

Sa banyo ay hindi mapakali si Nathaniel hindi niya alam kung paano kakalmahin ang sarili dahil sa sobrang init na nararamdaman niya kaya dali-dali siyang pumasok sa shower at inilagay sa pinakamalamig ang tubig upang patayin ang apoy na hindi sinasadyang malikha ni Faith sa simpleng .

“What happen to you man, kelan ka pa naging manyakis na sa bahagyang pagkakadikit lang ng babae ay bigla ka na lang naginit” ang pagalit niyang sita sa sarili dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya.Masyadong malakas ang atraksiyong nararamdaman niya para kay Faith sino ba naman ang Hindi mahuhumaling dito, ubod ito ng ganda at parang Hindi nito iyon napapansin.

“Oh Faith ano ba itong ginagawa mo sa akin” ang bulong niya sa sarili bago dali-daling umalis sa shower at nagbalabal.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 3Biniling Pag-ibig: Chapter 5 >>

264 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 4

Leave a Reply