Biniling Pag-ibig: Chapter 2

This entry is part 3 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

“SIR NATHANIEL, a certain Ms.Faith Santilian is looking for you” ang narinig niyang sabi ng kanyang Secretary sa intercom.

Bahagya pa siyang Nagtaka dahil Kung tama ang kanyang Hinala na ang Ms. Santilian Na sinasabi nitong naghahanap sa kanya at ang babaeng mula ng unang beses niyang makita sa ospital ay niligalig na siya dahil parang tumimo na sa kanyang utak. Ang napakaganda nitong mukha Na parang sa isang anghel, ay iisa mukhang kinasisiyahan naman ata siya ng kapalaran dahil nasa labas ngayon ang babaeng halos bumaliw sa kanya.

“Sir should I let her in?” ang tanong ulit ng kanyang sekretarya na naiinip na sa kanyang sagot.

“Sure send her in” ang sabi niya na hindi na mapakali sa kinauupuan hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit para siyang tuod na hindi mapakali, kung tutuusin ay hindi naman niya ito talagang kakilala.

Knock knock

“Come in” ang sabi niya sa kumakatok at nagkunwari pa siyang nagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa para hindi nito mahalatang na-excite siya dahil sa presensiya nito.

“Good morning Mr. Fuentabelia” ang narinig niyang sabi ng pinakamalamyos Na atang boses Na narinig niya kaya dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at seryosong humarap dito.

“Good morning too” Ang sagot ni Nathan sa babaeng napakaganda Bagamat napaka simple lang ng kasuotan nito, nakasuot ito ng may kalumaan nang pantaloon na maong na hapit na hapit dito at polo shirt na pambabae na kulay dilaw pero hindi iyon nakabawas sa kagandahan nito at ang katawan Wow dinaig pa ang cover girl ng FHM sa napakahubog nitong katawan.

“I know this is sudden and I know you are curius why im here” ang sabi ni Faith sa kausap na bahagya pang ninenerbiyos dahil sa hayagan nitong pagaaral sa kanyang itsura.

Pinakatitigan siya nito mula ulo hanggang paa kahit gustuhin niyang magalit ay hindi niya magawa dahil maging siya ay pinakatitigan din ang Anyo nito na animo isang greek god na Bagamat seryoso ang bukas ng mukha ay makikita mo ang may kapilyuhan nitong mata na animo parang laging nang-aakit isang salita lang ang puwedeng sabihin pag nakita ito DELICIOUS and wow ang sex appeal ay parang bagyo.

“I hope I pass on your standard” ang sabi nito Na parang nakakaloko ang ngiti at naglabasan pa ang mga biloy nito na nagbigay dito ng boyish look.

“Sorry I don’t mean to—“ ang hindi niya matapos tapos na sabihin dahil sa sobrang pagkapahiya.

“Oh don’t be I just hope you appreciate what you see” ang sabi nito sa kanya na ikinapula ng kanyang mga pisngi.

“Well we haven’t formally introduced yet, Im Nathaniel Fuentabelia which I believe you already know” ang sabi nito sa kanya at nginitian siya ng ngiting nang-aakit bago iniabot sa kanya ang mga kamay nito.

“Oh im sorry, Im Faith Santilian” ang sabi niya at tinanggap ang palad nito, Naramdaman pa niyang bahagya nitong pinisil ang kanyang mga kamay na biglang nanlamig.

“Your hand is cold I hope im not making you nervous” ang nakangiti nitong sabi sa kanya kaya bigla niyang nahigot ang mga kamay na ikinagulat nito.

“Oh well have a seat so we can discuss the reason why you’re here” ang sabi nito sa kanya habang itinuturo ang upan sa harap nito.

“Thank you” ang mahina niyang sabi dito bago umupo sa harapan nito.

“Can I offer you something? Coffee, Tea, juice or water?” ang tanong nito sa kanya na magalang naman niyang tinanggihan.

“Ok then what can I do for you?” ang seryoso nitong tanong sa kanya na pinakatitigan pa siya sa mga mata.

“Tungko Sana ito kay Mr. Jose Santilian my father” ang mahina niyang sabi dito at yumuko dahil natatakot siyang makita ang magiging reaksiyon nito sa sinabi niya.

“What about Mr. Santilian? I believe I already told him that I will see him in court” ang mariin nitong sabi sa kanya na lalong nagpakabog sa kanyang dibdib dahil sa sobrang nerbiyos.

“Mr. Fuentabelia my father is innocent hindi niya kahit kailan magagawa ang ibinibintang ninyo” ang mahina ngunit may diin niyang sabi dito habang pinakatitigan ang mga mata nito na matiim ding nakatitig sa kanya kaya napilitan siyang magbawi ng tingin.

“Ms. Santilian your Father stole more than five hundred thousand and we have proof to that” ang mariin nitong sabi sa kanya na parang bombing sumabog sa kanyang mukha dahil hindi niya alam na ganoon pala kalaki ang perang ibinibintang na ninakaw nito.

“I don’t think my father can do that marangal siyang tao Hindi niya magagawang galawin ang pera ng may pera” ang sabi niya dito ng makabawi ng composure.

“He already did it Miss, at maranggal bang matatawag ang taong magnanakaw?” ang sagot nito sa kanya na nagpapanting sa kanyang tengga pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi makakatulong sa kanya kung paiiralin niya ang galit.

“Look Mr. Fuentabelia meron siguro kayong mga ebidensiya pero hindi pa rin napapatunayan sa husgado na talagang nagkasala ang aking Ama” ang sabi niya dito na nangingilid ang mga luha dahil hindi niya matanggap na sinabihan ang kanyang napakabuting ama na isang magnanakaw at hindi niya ito maipagtanggol.

“Siguro nga hindi pa ito napapatunayan sa husgado pero malapit na malapit na oras na maisampa ko ang kaso laban sa kanya siguradong mabubulok ang ama mo sa kulungan” ang sabi nito na halos dumurog sa kanyang puso kaya tuluyan nang dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mukha.

“Hush don’t cry” ang natataranta nitong sabi sa kanya na hindi alam kung ano ang gagawin kung lalapitan ba siya o hahayaan at ang huli ang pinili nito.

“Im begging you Mr. Fuentabelia wag mo sanang samapahan ng kaso ang Tatay ko dahil wala siyang kasalanan malinis ang kanyang kunsensya” ang umiiyak niyang sabi dito na bahagyang iniyuko ang ulo dahil ayaw niyang makita nito ang kanyang pagluha na hindi niya makayang kontrolin para huminto ang pagtulo nito.

“Look miss, nagkasala ang iyong ama at kailangan niya itong pagbayaran” ang sabi nito sa kanya sa mahinang tono pero kababakasan mo pa rin ng awtoridad ang bawat salita nito.

“Nakikiusap ako sayo handa kong gawin ang lahat-lahat basta wag lang makulong ang Tatay ko hindi ito makakaya ng Nanay ko na ngayon nga ay nasa Ospital” ang nagmamakaawa niyang sabi dito dahil hindi niya na ito makuha sa pagsasabing walang kasalanan ang kanyang ama.

“What? Anong nangyari sa iyong Ina?” ang nagulat nitong tanong sa kanya bagamat hindi naman nito kilala ang sinasabi niyang ina ay parang kinabakasan niya ito ng pag-aalala.

“She’s in critical condition dahil inatake siya sa puso ng malamang nakulong ang Tatay ko, kagabi nga ay inatake na naman ito sa ikalawang pagkakataon dahil sa sobrang pag-aalala sa aking ama na nakakulong kaya nakikiusap ako sayo kahit lumuhod pa ako sa paa mo gagawin ko basta tulungan mo lang ang Tatay ko na makalabas” ang umiiyak niyang samo dito Bagamat ngayon niya lang ito nakilala at dalawang beses pa lang silang nagkikita ay kakapalan na niya ang kanyang mukha dahil ito lang ang makakatulong sa kanyang ama.

“Miss Im terribly sorry for your mother, pero mahirap ang hinihingi mo sakin, malaki ang ninakaw na pera ng iyong ama at pag pinalaya ko siya sa ginawa niya ay siguradong hindi ito magiiwan nang magandang ehemplo sa mga trabahador ko” ang malumanay nitong sabi sa kanya na halos ikapugto ng kanyang hininga dahil sa sobrang takot at kawalan ng pag-asa dahil sa pagtanggi nito sa kanyang pakiusap.

“I am willing to do anything you want kahit ano ibibigay ko sayo basta iligtas mo lang ang Tatay ko sa pagkakulong dahil ikamamatay ito ng Nanay ko isang atake na lang daw at wala nang magagawa pa ang mga doctor” ang umiiyak pa rin niyang samo dito at lumapit pa siya sa harapan nito at lumuhod.

“Please don’t do that” ang natataranta nitong sabi at pilit siyang itinatayo mula sa pagkakaluhod pero hindi siya tumayo dahil baka sakaling magbago ang isip nito.

“Faith wag mo akong luhuran hindi ako Santo” ang sabi nito sa kanya at pilit siyang tinayo at dahil sa lumakas ang pagkakahaklas nito sa kanya patayo ay bumagsak tuloy ito sa may upuan habang tangay siya at napaibabawan niya ito.

“Que Barbaridad pasensya na at bakit hindi naman kayo nagsara ng pinto?” ang sabi ng boses na sabay na nagpalingon sa kanila sa may pintuan at kitang kita nilang nakatayo doon ang isang babae na siguro nasa sisenta na ang idad habang ang katabi naman nitong isa pang babae ay nasa hindi lalagpas sa singkuwenta anyos pareho pang naglalakihan ang mga mata nito dahil sa nakitang ayos niya.

Nakapatong siya kay Nathaniel habang bahagyang nahulog sa may balikat ang manggas ng suot niyang polo at si Nathaniel naman ay nasa may dibdib niya ang mukha nito at ang kamay naman nito ay nakaalalay sa kanyang puwitan kahit sino talagang makakita ay iisiping gumagawa sila ng milagrong dalawa.

Biglang nanlaki rin ang kanyang mga Mata ng makita niya ang Ayos nila dali-dali siyang tumayo palayo dito at inayos ang kanyang damit Na nalislis at parang Natukha ng ahas ang kanyang mukha dahil sa sobrang pagkapahiya sa dalawang babae na nanlalaki ang mga mata at nakaawang pa ang mga labi.

“Lola, Mama Anong ginagawa ninyo dito?” ang narinig niyang tanong Ni Nathaniel sa dalawang babae na nakatayo pa rin at natitigilan sa may pintuan lalo tuloy nawalan ng kulay ang kanyang mukha dahil sa nalamang Ina pala nito at Abuela ang dumating.

“Ah eh pasensiya na kayo Iho at hindi namin alam na—“ ang hindi matapos na sabihin ng hindi masyadong katandang babae na siyang Ina ni Nathaniel base na rin sa itsura nito.

“It’s not what you think Ma’am ka-a-si—“ang pagpapaliwanag niya Sana sa mga ito kaso hindi na niya natapos pa ang sasabin dahil biglang sumabat si Nathaniel.

“Well you guys disturb me and my Fiance” ang sabi nito na ikinalaki ng kanyang mga mata muntik pa nga siyang natumba dahil sa pagkagulat sa sinabi nito.

Siya ba ang tinutukoy nitong Fiance imposible naman ata pero wala rin namang iba pang babae Na nasa kuwarto maliban sa Ina at Lola nito, pero bakit naman kaya sasabihin nitong fiancé siya nito tatanungin sana niya ito pero lumapit na ito sa kanya at inakbayan siya nito at bahagya pang pinisil ang kanyang balikat parang sinasabing makisakay na lang siya sa drama nito.

Kaya kahit naguguluhan siya sa sinabi ni Nathaniel ay nagsawalang kibo na lang siya “For now” ang sabi niya sa kanyang utak sasakyan niya muna ang trip nito.

“Naku Pasensiya na kayo mga Apo hindi namin sinasadyang umeksena sa intimate moment ninyo pero sana naglock kayo ng pinto para alam ninyo na walang makasilip” ang sabi ng Lola nito Na bahagya pang kinikilig at kitang kita niya sa mga mata nito ang sayang rumihistro dito.

“Well you really shock us Iho akala ko binibiro mo lang kami ng Lola mo noong isang linggong nagusap tayo tungkol sa pagaasawa kaya naman pala sobra ang ginawa mong pagtutol sa blind date na ibibigay sana naming sayo” ang sabi naman ng Mommy nito na katulad ng Lola nito ay napakasaya ng pagkakangiti nito para bang biglang tumama sa lotto.

“Well I don’t want my sweetheart to get jelouse pag nalaman niyang nakipagdate ako, gusto ba ninyong magkahiwalay kami ng dis oras nitong pinakamamahal ko?” ang sabi nito sa dalawang babae na sabay pang umiling ng umiling at may kasama pang kumpas ng mga kamay na nagsasabing hindi.

“Ofcourse not Iho im glad you finally want to settle down oh Kung alam mo Lang Kung gaano ako kasaya” ang sabi ng mommy nito Na nakangiti ng napaka-ganda at tinitigan pa siya habang nakangiti.

“And MY you sure know how to pick, and I think just looking at her I can tell she is a gem” ang sabi naman ng Lola nito Na sinangayunan ng mommy nito sa pamamagitan ng pagtango.

“Oh well kanina pa tayo naguusap baka gusto mo kaming ipakilala sa magiging manugang namin?” ang nakangiting sabi ng ina nito at lumapit pa sa kanila.

“Well Faith I want you to meet my Mother Ayessandra and my Grandmother Julia” ang pakilala nito sa dalawang babae na ngayon ay nakalapit na sa kanila.

“Mommy, Lola I want you to meet Faith my future Wife” ang madiin nitong sabi at pahagya pa siyang pinisil sa balikat.

“Nice to meet you po” ang nahihiya niyang sabi sa mga ito at inilahad ang mga kamay dito para magmano.

“Oh dear you are so Beautiful iha lalo na sa malapitan para kang isang Anghel dahil sa kaamuan ng iyong mga mukha” ang sabi ng Mommy nito at pagkatapos niyang magmano sa dito ay niyakap siya ng mahigpit ganoon din ang Lola nito na napakatamis ng pagkakangiti.

“And I like you already dahil marunong kang gumalang ilan na lang ngayon ang marunong magmano sa nakakatanda” ang sabi ng Lola nito na halatadong nagustuhan ang ginawa niyang pagmamano sa mga ito.

“Well since you guys already met, puwede na ninyo kaming iwan muna nitong si Faith dahil namiss ko siya ilang araw din kaming hindi nagkita” ang taboy nito sa Lola at Mommy nito na natawa lang sa hayagan nitong pagtataboy sa mga ito habang siya naman ay napatingin dito at pilit iniintindi ang mga kasinungalingan nito pero mamaya na niya ito uungkatin pag nakaalis na ang dalawang napakabait na babae.

“Oh well maiwan Na namin kayo at mukhang gustong gusto ka ngang masolo nitong apo ko” ang sabi ng Lola nito na nanunukso ang mga ngiti.

“Nice to meet you ulit iha and Welcome to the family I hope it will be real soon” ang sabi naman ng Mommy nito at hinalikan siya sa pingi at niyakap bago nito inakay ang Lola ni Nathaniel.

“And don’t forget to lock the door mga Apo” ang pabiro pang sabi ng Lola nito bago tuluyang lumabas ang mga ito at hinigot pa pasara ang pinto.

“Do you want to explain what just happen?” ang panunurot niya dito ng makasiguradong wala Na nga ang dalawang babae.

“Well like what you hear you are my Fiance now” ang kampante nitong sabi bago umupo sa swivel chair nito.

“Paano naman naging Mag-fiance tayo e ni hindi nga tayo magnobyo at kakakilala pa lang natin kanina” ang nakakunot noong tanong niya dito dahil sa bilis ng pangyayari aba dalawang beses pa lang niya itong nakikita at kanina lang din sila nagkakilala ngayon ay Fiance na siya nito what a joke.

“Well since nakita ka na nila Lola at Mommy siguradong wala na akong kawala sa mga iyon kahit sabihin ko pang wala tayong relasyon ay hindi maniniwala ang mga iyon lalo na at nakita nila tayong magkayakap sa may upuan kanina” ang relax nitong paliwanag na labis niyang ikinatataka ganon na lang ba iyon para dito ok lang kahit magpakilala ng fiancé sa pamilya nito kahit hindi pa kakilala ang babae.

“Paano ngayon iyan bakit kasi nangsinungaling ka pa” ang paninisi niya dito at nanlalambot Na napaupo sa upuang nakapuwesto sa harapan ng lamesa nito.

“Well I have a proposal for you” ang sabi nito sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo dahil sa sobrang pagka-curious sa sinasabi nitong proposal.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 1Biniling Pag-ibig: Chapter 3 >>

258 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 2

Leave a Reply