Biniling Pag-ibig: Chapter 13 (END)

This entry is part 14 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

HINANG-HINA si Faith ng idilat niya ang kanyang mga mata, pakiramdam niya ay nanggaling siya sa napakalayong paglalakad at uhaw na uhaw siya.

Naramdaman niyang may nakahawak sa kanyang kamay at ng tignan niya ito ay nakita niyang natutulog si Nathaniel habang nakahawak sa kanyang mga kamay.

Marahan niyang hinaplos ang mukha ng natutulog na asawa, naramdaman siguro ni Nathaniel na may humahaplos dito kaya nagmulat ito ng mga mata.

“Oh sweetheart, gising ka Na. Anong masakit?” ang sunod sunod nitong sabi sa kanya na ikinangiti niya.

“Nauuhaw ako” ang mahina niyang sabi dahil nanunuyo ang kanyang lalamunan dahil sa sobrang pagkauhaw.

“Sandali lang sweetheart” ang sabi nito at natatarantang kumuha ng inumin para sa kanya at nang makainom na siya ay pinindot nito ang button upang tumawag ng doctor.

“I love you so much” ang sabi Ni Nathaniel sa kanya na ikinangiti niya.

“I love you too” ang mahina niyang sabi dito at naramdaman niyang hinalikan nito ang kanyang mga bibig hindi niya mapigilang mapaluha.

“Hush sweetheart, makakasama sayo ang pagiyak” ang sabi nito sa kanya at pilit pinapahid ang kanyang mga luha.

“Akala ko, akala ko” ang hindi matuloy tuloy sabihin ni Faith dahil sa walang hinting pagluha.

“Shh its ok, makakasama sayo ang pagiyak” ang sabi ni Nathaniel habang panay ang halik niya sa mga kamay ni Faith.

“Im just happy, akala ko hindi na uli kita makikita pa” ang sabi ni Faith ng bahagya nang mahimasmasan.

“Ako din. Sobrang saya ko, dahil nakaligtas ka” ang sabi ni Nathaniel kay Faith. Bagamat nakangiti ay Hindi na rin niya maiwasan ang mapaiyak dahil sa pagkaalala sa takot na kanyang naramdaman ng mabaril ito.

“Gising ka na pala Iha, welcome back” ang sabi ng doctor Na Hindi nila namalayang nakapasok Na pala at ngayon ay nakalapit Na sa kanyang kama.

Makalipas ang dalawang buwan ay tuluyan ng magaling si Faith at sa loob ng buwan na iyon ay laging nasa tabi niya at nakaalalay si Nathaniel.

“Kumusta Na pala ang kaso Ni Lira?” ang tanong ni Natasha kay Faith ng dumalaw ito sa bahay nila. Kahit malapit Na ang kabuwanan nito ay Hindi pa rin ito mapirmi sa bahay.

“Ayun, hindi namin siya puwedeng ipakulong” ang malungkot Na sabi ni Faith kay Natasha.

“Bakit naman?” ang nakakunot noong tanong nito sa kanya.

“Sabi ng doctor Na tumingin sa kanya ay hindi raw kinaya ni Lira ang nangyari at tuluyan na raw bumigay ang isip nito.” Ang malungkot na sabi niya dahil kahit may ginawang kasalanan sa kanya si Lira at muntik na siya nitong mapatay ay hindi niya pa rin lubos maisip na masisiraan ito ng bait.

“Nasaan na siya ngayon?” ang interesadong tanong Ni Natasha sa kanya.

“Nasa basement ng Private hospital nila ngayon, ayaw kasing ipaalam ng pamilya niya ang kinahinatnan niya” ang sabi niya habang iniinom ang juice Na sinerve niya kanina para sa kanilang dalawa ni Natasha.

“Well ayaw siguro nilang madungisan ang pangalan nila. Kaya kailangan nilang isikreto ang tungkol sa bagay na iyon” ang sabi ni Natasha na biglang napahawak sa may tiyan nito.

“Hey anong nangyayari Natasha?” ang kinakabahan niyang tanong kay Natasha nang makita niyang halos malukot ang maganda nitong mukha, habang nakahawak sa tiyan.

“Sumasakit ang tiyan ko Faith” ang sabi nito Na pinagbubutilan na ng pawis.

“Huh? Anong gagawin ko? Hindi mo pa kabuwanan diba?” ang natataranta niyang sabi habang Hindi alam Kung ano ang hahaplusin, Kung ang matambok nitong tiyan o ang mukha nitong pawisan dahil sa sakit na nararamdaman.

“Faith ang sakit…tum….” Ang Hindi nito matapos tapos sabihin dahil halos panawan Na ito ng ulirat dahil sa sakit.

“Just hold on Natasha… please wag ka munang manganganak” ang sabi niya habang nanginginig Na nagdial sa phone at tumawag ng ambulansiya.

Makalipas Lang ang ilang minuto ay dumating din ang ambulansiya at dinala nila sa hospital si Natasha. Habang naghihintay siya Kung ano Na ang nangyayari kay Natasha ay tinawagan niya si Aljon at si Nathaniel para ipaalam sa mga ito na nasa ospital sila.

“Faith” ang narinig niyang tawag sa kanya ng tumatakbong si Aljon.

“Aljon, si Natasha” ang sabi niya habang inaakay si Aljon papunta sa harap ng delivery room na kinaroroonan ni Natasha.

“Anong nangyari? Hindi pa niya kabuwanan” ang kinakabahang tanong ni Aljon sa kanya na hindi na mapakali sa kakalakad lakad.

“Hindi ko rin alam, basta nagkukuwentuhan lang kami ng biglang sumakit ang kanyang tiyan. Kaya tinawagan ko na yung ambulansiya kasi mukhang masakit na masakit ang nararamdaman niya.” Ang namumutla niyang sabi kay ALjon dahil sa sobrang takot na nararamdaman para kay Natasha ng mga oras na iyon.

“Aljon, Faith” ang narinig nilang tawag sa kanila ng nakalapit na palang si Nathaniel.

“Nathaniel” ang sabi niya at mabilis na yumakap sa bagong dating na si Nathaniel na mukhang hinihingal pa dahil sa pagmamadali.

“Nasa meeting ako nang matanggap ko ang tawag, anong nangyari kay Natasha?” ang nakakunot noong tanong ni Nathaniel na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Aljon.

“Nasa Delivery room si Natasha” ang mahinang sagot ni ALjon kay Nathaniel na bahagyang namutla ang mukha.

“Pero sa hindi pa niya kabuwanan” ang sabi nito na sa kanya tumingin. “Anong nangyari?” ang tanong nito sa kanya habang nakahawak sa kanyang balikat.

“Nagkukuwentuhan kami ng bigla na lang siyang dumaing na sumasakit ang kanyang Tiyan. Nakita ko na hirap na hirap siya. Kaya tumawag na ako ng ambulansiya” ang pagkukuwento niya sa nangyari.

“Ganoon ba?” ang sabi Ni Nathaniel sa kanya at inakay siya paupo sa bench na naroroon.

Tumawag si Nathaniel sa kanyang biyenan at ilang sandali lang ay magkasabay na dumating ang mag-asawang Ayessa at Tyler at ang magulang ni Aljon. Ilang minuto Lang ang pagitan at dumating naman si Natalie Na mukhang galing sa school kasama ang di niya kilalang guwapong binata.

“Kumusta na si Natasha?” ang tanong ng nag-aalalang si Ayessa sa kanila.

“Hindi pa namin alam Mama, Hindi pa lumalabas ang kahit sino sa kuwarto” ang sabi ni Nathaniel sa ina.

Makalipas ang dalawang nakakabagot Na oras ay lumabas din ang doctor na tumingin kay Natasha.

“Sino ang pamilya?” ang tanong ng Doctor Na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila.

“Kami ho” ang sabay- sabay nilang lahat na sabi.

“Ako po ang asawa” ang sabi ni Aljon na hindi matatawaran ang kabang nakalarawan sa guwapo nitong mukha.

“Congratulation at Daddy na po kayo ng Dalawang magagandang Baby Girl” ang nakangiti nitong sabi at nakipagkamay sa hindi makapaniwalang si Aljon.

Habang sila naman ay nagkaingay sa sobrang saya.

“Oh God salamat po sa mga biyaya” ang sabay na sabi ng dalawang magbalae.

“Naku lolo na tayo kumpadre” ang masayang sabi ni Tyler sa Ama ni Aljon.

“Congratulation Pare, tatay ka Na” ang masayang masayang sabi ni Nathaniel at niyakap ang hindi pa rin makapaniwalang si Aljon.

“Gosh totoo ba ito, Daddy Na ako?” ang sabi nito na itinuro pa ang sarili.

“Oo pare, and nakadalawa ka agad” ang natatawang sabi ni Nathaniel dito at tinapik ito sa mga balikat.

“Yahoo… daddy na ako” ang sigaw Ni Aljon at Hindi pa nakuntento at naglulukso ito sa sobrang saya at niyakap sila isa’t isa.

“Aljon, ito na ang mga anak mo” ang masayang tawag ni Tyler kay Aljon na nagmamadaling lumapit sa dalawang sanggol na karga ng dalawang nurse.

“Napaka-gagandang mga bata” ang sabi Ni Aljon at hinalikan isa-isa ang dalawang sanggol na bahagyang pumasag.

Nang mailipat Na si Natasha sa private room nito ay nagstay lang sila sandali ni Nathaniel at nagpaalam na rin sila at umuwi.

“Nakakaingit sila Natasha at may dalawa na agad silang baby” ang sabi ni Nathaniel ng nakahiga na sila sa kanilang kuwarto.

“Oo nga eh, kaya pala ang laki-laki ng tiyan niya, kambal pala ang pinagbubuntis niya” ang nakangiti niyang sabi kay Nathaniel Na nakahiga sa kanyang dibdib.

“Nasa lahi kasi namin ang kambal” ang sabi ni Nathaniel sa kanya na bumangon at tinitigan siya.

“We need to work double time from now on” ang pilyo nitong sabi sa kanya at hinalikan siya sa mga labi.

Tulad nga ng sinabi ni Nathaniel ay kailangan nilang mag double time kaya hindi na siya pumalag pa at nagpaubaya na lang siya kay Nathaniel sa gusto nitong gawin. Anyway nageenjoy naman siya sa mga kapilyuhan nito at habang nagsasalo sila sa ligaya ay hindi niya maiwasang ipagdasal na sana ay magkaroon na rin sila ng anak ni Nathaniel.

“Sweetheart” ang mahinang bulong ni Nathaniel kay Faith na nakahimlay sa kanyang dibdib.

“Yes?” ang tanong nito at bahagyang itinukod ang kamay sa may baba at tinitigan siya.

“Let’s get married” ang sabi ni Nathaniel na ikinalaki ng mata ni Faith dahil sa kabiglaan.

“What did you say?” ang paninigurado ni Faith sa narinig.

“Sabi ko magpakasal tayo ulit. Lets get married in church” ang sabi nito sa kanya na naging dahilan para mamasa ang kanyang mga mata.

“Talaga?” ang di makapaniwalang tanong ni Faith kay Nathaniel na nakangiti sa kanya na tila nangaakit.

“Opo, gusto kong magpakasal na tayo sa simbahan. I want all my friends and family to find out how much I love you” ang sabi nito sa kanya na ikinataba ng kanyang puso.

“Sigurado ka na ba?” ang tanong niya dito dahil masarap pakinggan ang mga sinasabi nito Na nagpapakilig sa kanyang puso.

“Ofcourse, don’t tell me na ayaw mo?” ang tila nagtatampo nitong sabi sa kanya.

“Hey! Sinong ayaw, gustong gusto ko nga eh” ang nakangiti niyang sabi pero tumutulo na ang luha dahil sa sobrang kaligayahan.

“E bakit umiiyak ka?” ang nakakunot noong tanong nito sa kanya.

“Sa sobrang kaligayahan, hindi ko maiwasan ang mapaiyak. Kung alam mo Lang Kung gaano ko inaasam ang araw na magpakasal tayo sa simbahan” ang sabi niya at hinalikan sa mga labi si Nathaniel na tumugon din ng mas maalab na halik.

“Salamat, we need to plan it” ang sabi nito sa kanya pagkatapos pakawalan ang kanyang mga labi.

“Kelan mo ba gustong magpakasal?” ang tanong sa kanya ni Nathaniel.

“Ikaw, kung kelan mo gusto” ang pagpapaubaya niya sa pagdedesisyon.

“How about this February?” ang tanong nito sa kanya na ikinalaki ng kanyang mata dahil sa susunod na buwan na iyon.

“Pero next month na iyon, baka kulangin tayo ng time para sa pagpaplano” ang sabi niya na bahagyang nagaalinlangan sa date ng kasal dahil napakaikli ng time na iyon para sa preparasyon ng kanilang kasal.

“No, actually tamang tama Lang ang date na iyon” ang sabi Ni Nathaniel sa kanya na mukhang buo na ang pasya sa date na napili nito.

“Okay, ikaw ang bahala” ang sabi niya dito at humilig Na ulit sa dibdib nito.

Kinabukasan ay dumalaw sila Ni Nathaniel sa ospital para tignan ang kalagayan ni Natasha at ng kambal nito.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” ang nag-aalala niyang tanong dito habang inilalagay sa lamesa ang binili nilang bulaklak para dito.

“Mabuti na” ang nakangiti nitong sabi sa kanila. Mababakas sa mukha nito ang sobrang kaligayahan.

“Nakita Na ba ninyo ang kambal namin?” ang nakangiti nitong tanong sa kanila ni Nathaniel na nakaupo sa kama nito.

“Oo, kahapon at ang gaganda ng mga anak ninyo manang mana sayo” ang sabi Ni Nathaniel Na nakahawak sa kamay ng kakambal nito.

“Oo nga, kamukha daw natin” ang natatawang sabi Ni Natasha sa kakambal nito.

“Naku, pagnagdikit dikit kayong anim ay mapagkakamalan kayong iisa, dahil pare pareho ang mga mukha ninyo” ang sabi ni Ayessa na nagbabalat ng mansanas.

“Ayaw mo ba noon mommy, Madami ang magaganda at guwapo sa mundo” ang sabi Ni Natasha na ikinatawa nila.

“Sana bigyan ninyo na rin kami ng Apo, Nathaniel” ang nakangiting sabi Ni Ayessa sa kanila na ikinapula ng kanyang mga pisngi.

“Huwag kayong mag-alala mommy malapit Na” ang sabi naman Ni Nathaniel Na natatawang nakatingin sa kanya.

“Magpalakas ka agad Sis at nang makadalo ka sa kasal namin next Ni Faith next month” ang sabi Ni Nathaniel Na ikinalaki ng mata ng mga nandoon sa kuwarto.

“What? Naku mabuti naman, congrats” ang masayang masayang sabi Ni Natasha na pilit umupo para mayakap siya.

“Talaga iho?” ang sabi naman Ni Ayessa Na sobrang saya sa narinig ay parang maluha-luha ito.

“Opo mommy, alam ko magiging busy kayo sa apo ninyo. Pero pakitulungan naman kami para makaabot sa Valentines ang kasal namin” ang sabi ni Nathaniel na ikinalaki din ng kanyang mata. Bagamat alam niyang February ang kasal nila ay Hindi niya alam Na sa Valentines day pala nito gustong gawin iyon.

“Naku saktong isang buwan Lang pala ang preparasyon ninyo” ang sabi ng Ina nito sa kanila.

“Opo ma, sabi ko nga kay Nathaniel baka hindi kami umabot” ang nag-aalala niyang sabi sa ina nito.

“Naku wag kang mag-alala iha. Gumagawa ng Gown ang pinsan ko at siguradong matatapos niya agad ang isusuot ninyo. Sa bulaklak naman ay walang problema dahil sa flower farm namin tayo kukuha. Ang venue ay sa hotel din natin” ang sabi nito Na mukhang kumpiyansa Na magagawa ang lahat para sa kasal nila ni Nathaniel.

“Nakita mo na sweetheart, sabi ko naman sayo wala kang dapat ikabahala” ang sabi Ni Nathaniel sa kanya na bahagya pang pinisil ang kanyang ilong.

Nagpalipas Lang sila ng ilang sandali pa at umalis Na rin sila ng ospital Ni Nathaniel para lakarin ang mga kailangan nilang papel para sa kasal.

Naging abala sila ni Nathaniel sa pagaayos sa kanilang kasal, tumutulong din sa kanila sila Ayessa na siyang punong abala sa pagaayos ng mga kailangan nila para sa kasal na lubos naman niyang pinagpapasalamat.

Napagkasunduan nila Ni Nathaniel Na gawing beach wedding ang kanilang kasal at sa Isla Amor nila ito gagawin.

Ang isla Amor ay isla sa may Palawan na nabili ng pamilya Fuentabelia tatlong taon na ang nakakalipas. Tamang tama ito sa kanilang plano dahil katatapos pa lang i-develop ang isla Amor.

Manghang mangha si Faith ng dalhin siya Ni Nathaniel sa Isla Amor dalawang linggo bago ang kanilang kasal.

Katatapos pa Lang gawin ng mga cottages Na siyang nakapalibot sa buong isla na mayroong singkuwenta ang bilang. At sa pinakagitna ng isla ay maroon nakatayong Hotel na pabilog ang pagkakagawa at isang daan ang kuwarto nito at ang gitna ng hotel ay napakalaking swimmingpool na mayroon pang man made falls na lalong nagbigay dito ng fresh na itsura.

Mayroon din silang limang Tree house Na siyang pinakagusto niya sa lahat. Dahil Kung titignan ito sa labas ay aakalain mong maliit lang ito pero pagpasok sa loob ay mayroon itong king size na kama, lamesang pandalawahan na nakaharap sa may dagat at sa gilid nito ay mayroong jacuzi.

“Paano nangyaring naging ganito kalaki ang kuwarto na ito sa taas ng puno?” ang namamanghang tanong ni Faith kay Nathaniel ng makapasok sila

“Kung titignan mo sa malayo ay iisipin mong nasa pinakatuktok ng puno nakakabit ang bahay na ito, pero kung titignan mong maigi ay makikita mong ang kalahati ng tila puno ay hindi talaga puno kundi gawa sa bato na inanyo lang nilang puno tulad ng kalahati para mas masoportahan ang bigat at laki ng treehouse” ang mahabang paliwanag nito sa kanya na lalo lang niyang ikinamangha. Dahil Kung titignan mo talaga ay parang nakapatong ito sa napakalaking puno dahil may mga dahon pa iyon pala ay kalahati lang ang totoo.

“Ang galing naman nang pagkakagawa” ang sabi niya na hindi maitago ang paghanga sa nag design ng tree house.

“Nagustuhan mo ba? I design this place” ang nakangiting sabi ni Nathaniel sa kanya na ikinalaki ng kanyang mata.

“Talaga?” ang sabi niya na hindi makapaniwala dahil parang nasa paraiso na siya sa sobrang ganda ng pagkakagawa ng isla.

“Yes, Hindi naman ako nagtapos ng architecture para Lang sa wala” ang natatawa nitong sabi sa kanya kaya lalo siyang napabilib dito.

“Napakagaling mo talaga sweetheart” ang sabi niya at nakita niyang tuwang tuwa si Nathaniel dahil sa sinabi niya.

“Dahil nagustuhan mo itong tree house ay dito tayo maghohoneymoon” ang tumatawa nitong sabi sa kanya na ikinapula ng kanyang mukha. Kahit Na ba halos apat Na buwan na silang kasal ni Nathaniel ay hindi pa rin niya maiwasang pamulahan ng pisngi sa tuwing sasabihin nito ang tungkol sa ganoong bagay.

“My sweetheart, hanggang ngayon ay nagbu-blush ka pa rin” ang tumatawa nitong sabi sa kanya kaya kinurot niya ang tagiliran nito.

“Kung hindi ko lang kailangang tignan ang church na ipinapagawa ko ay siguradong hindi na kita pakakawalan pa hanggang bukas ng umaga” ang tumatawang tudyo nito sa kanya at hinuli ang kanyang mga kamay na nangungurot dito.

“Bakit kasi nagpagawa ka pa ng church at sa may dagat pa mismo” ang sabi niya dito na hindi halos makapaniwala ng dumating sila sa isla at makita niyang ginagawa ito ng mga tauhan ni Nathaniel.

“Dahil gusto Kong sa simbahan ka pakasalan at the same time ay masasaksihan ng dagat at kalikasan, pati na rin ang ulap ang pagpapakasal natin” ang sabi nito sa kanya na ikinataba ng kanyang puso.

Nang bumaba sila para tignan ang ipinatatayong simbahan ay nakita niyang malapit na itong mabuo at lalagyan na lang ng pintura.

Ang Church Na ginawa nito ay nasa mismong dagat at pabilog ang pagkakagawa nito na ang kalahating nasa tubig ay gawa sa bato at bahagyang nakaangat para hindi pasukin ng tubig at ang kalahati naman ay gawa sa salamin.

Mabuti Na Lang at low tide parati ang bandang iyon ng dagat at Kung tumaas man ang tubig ay Hindi masyado. Umaabot Lang ito sa may kalahati ng hita kaya puwedeng puwede itong lakarin at ang mga sasaksi sa kanilang kasal ay puwedeng tumayo sa may tubig dagat dahil hindi naman kalakihan ang pagkakagawa ng simbahan.

Nagpalipas sila Ni Nathaniel ng dalawang araw sa isla at bumalik ulit sa maynila upang ayusin pa ang ibang bagay tungkol sa kanilang kasal. Nang umalis sila ay finishing na lang ang ginagawa sa simbahan kaya pagbalik nila doon ay siguradong handang handa na ito para sa kanilang kasal.

Matuling lumipas ang mga araw at ngayon nga ay oras Na Lang ang kanilang hinihintay at magpapakasal Na sila Ni Nathaniel sa simbahang pinagawa nito sa may dagat.

Tulad nga ng sinabi ni Ayessa ang lahat ng bulaklak na kanilang gagamitin sa kasal, mula simbahan at kanyang lalakaran, maging ang sa reception ay galing lahat sa flower farm ng mga ito.

Kulay puti lahat ang mga bulaklak sa kanilang kasal, pinagsama-samang rosas, lily at orchids ang nakalagay sa simabahan at reception maging sa kanyang lalakaran papuntang altar ay may mga nakalutang na petal ng bulaklak.

Mag-aalas singko Na ng isuot Ni Faith ang kanyang Gown Na puting puti at naadornohan ng maliliit na bulaklak, ang kanan lang ng kanyang gown ang mayroong stap na nilagyan ng sariwang bulaklak. Ang kanyang buhok ay nilagyan din ng maraming sariwang orchids Na kulay puti Na lalong nagpatingkad sa kanyang ganda.

Nang malapit nang bumaba ang araw ay nagsimula nang maglakad si Faith papuntang dagat Kung saan naroon ang simbahan at mula sa kuwarto kung saan siya nag-ayos ay mayroon nang nakakalat na petal ng bulaklak na kulay puti na pinagsama-samang rosas, lily at orchids.

Nakalatag ang mga petals na iyon sa kanyang nilalakaran habang sa magkabilang gilid naman ay nakalagay ang mga kandila na siyang nagsilbing ilaw.

Parang diwatang lumalakad si Faith habang hawak ang kanyang bouquet na kumikislap dahil sa mga insektong umiilaw na hindi lumalayo sa bulaklak na hawak niya. Ang mga petal ng bulaklak ay nakapalibot at siyang nagsilbing carpet niya sa may buhanginan.

Nakita niya ang mga nakangiting mukha ng mga bisita Na nakatayo sa tubig dagat na napapalibutan din ng mga petals na sa sobrang dami at patuloy na paghahagis ng bulaklak ng mga abay na babae na pawang nakasuot ng kulay peach na gown.

Hindi mapigilan Ni Faith ang mapaluha habang lumalakad siya patungo kay Nathaniel Na guwapong guwapo sa suot nitong barong katabi ang Kuya Max niya at ang daddy nitong si Tyler.

“Masisira ang make up mo anak” ang masuyong bulong sa kanya ng kanyang ina na magaling na magaling na at nakabawi na ang katawan mula sa nakaraang atake.

“Hindi ko mapigilan Nay, masayang Masaya lang ako” ang sabi niya Na pilit pinipigilan ang mga luha dahil sa sobrang kaligayahan.

Unti-unti nang bumababa ang araw ng tuluyan siyang makalapit kay Nathaniel Na may namumuo na ring luha at napakaganda ng pagkakangiti.

“Ingatan mo ang Anak ko at pakamahalin iho” ang sabi ng kanyang Ama kay Nathaniel ng iabot ang kanyang kamay

“Pangako po Tatay pakakaingatan ko si Faith at pakamamahalin ng higit pa sa aking buhay” ang tapat na sagot naman Ni Nathaniel sa kanyang ama at niyakap ito.

Nang humarap sila sa may Paring magkakasal sa kanila ay panay ang titigan nila ni Nathaniel at mababakas sa kanilang mukha ang sobrang pag-ibig sa bawat isa. Halos Hindi na nga nila namalayan na tapos na pala ang seremonya at sinabi na ng paring mag-asawa na sila.

Kilig Na kilig ang mga nakasaksi sa kanilang kasal ng halikan siya ni Nathaniel sa mga labi at buong puso naman niya itong tinugon.

Habang lumalakad sila papunta sa pampang ay sinasabuyan sila ng mga petals ng bulaklak na may kasamang bigas at panay ang hiyawan ng mga bisita ng pagbati sa kanilang pagiisang dibdib.

Habang sumasayaw sila ni Nathaniel ng kantang “Me and you” ay pinakawalan nila at nagliparan ang iba’t ibang uri ng paro paro na tila nakikisayaw sa kanilang dalawa ni Nathaniel dahil pinaikutan sila ng mga ito.

Hindi maiwasan ng ibang babaing bisita Na mainggit sa kanilang kasal dahil nagmistula itong panaginip idagdag pa ang nagliliparang paro-paro na tila sumasayaw kasama nila idagdag pa ang kalangitan na akala mo ginto dahil sa kababa pa lang na araw.

“Are you happy?” ang masuyong bulong sa kanya ni Nathaniel habang magkayakap silang sumasayaw.

“Yes, very very happy. Lahat ata ng pangarap ko sa isang kasal ay ginawa mo na. Idagdag pang ikaw ang pinakasalan ko” ang sabi niya dito Na ikinasiya nito kaya kinintalan siya ng mabining halik na ikinahiyaw ng mga bisita.

“Nakakaingit naman ang kasal na ito” ang sabi Ni Natalie sa katabing si Brix na halos kumuha ng atensiyon ng lahat ng tao ng dumating sila, lalo na ang mga babae.

“Hayaan mo pag nagpakasal tayo ay tulad nito or mas higit pa dito” ang sabi Ni Brix sa kanya pagkatapos ay kinindatan pa siya.

“Pakasalan mo ang lelang mo” ang nakasimangot Na sagot Ni Natalie pero sa kalobloban naman ng kanyang puso ay kinikilig siya sa sinabi nito.

“Bakit ba ayaw mo, ang mga fans ko nga ay halos magpakamatay na para lang pakasalan ko. Ikaw naman aayaw-ayaw” ang sabi Ni Brix sa kanya at nagkunwari pa itong nagtatampo.

“Mga Fans mo iyon at hindi ako” ang sabi niya at tatayo Na Sana pero lumapit naman sa kanila ang mga bagong kasal.

“Congratulation Kuya and Ate” ang sabi niya at humalik sa bagong kasal.

“Salamat Natalie” ang nakangiting sabi ni Faith at niyakap ito.

“Ikaw ba si Brix Samonte?” ang nanlalaking matang tanong ni Faith ng matitigan ang kasama ni Natalie na nakangiti sa kanila.

“Yes Ate and Congratulation to both of you” ang sabi nito at tumayo Na para yakapin siya at kamayan si Nathaniel.

“Oh my, alam mo bang Fans mo ako, lalo Na ang kapatid Kong bunso” ang nakangiting sabi niya at naramdaman niyang inakbayan siya Ni Nathaniel akala mo nagseselos.

“Don’t worry sweetheart at ikaw naman ang Number one idol ko” ang sabi niya dito at pinisil ng bahagya ang ilong nito na ikinatawa nito at ng mga kasama.

“Naku Natalie ang lihim mo, Ang sikat na sikat palang si Brix ang boyfriend mo” ang nakangiting sabi niya kay Natalie Na nakahawak sa kanyang kamay.

“Naku Ate Faith, Hindi ko boyfriend iyan noh” ang nakataas kilay na sabi ni Natalie sa kanya na ikinangiti niya.

“Naku si Bunso nagdedeny pa, nakita namin kayong sweet Na sweet kanina ah” ang panunukso naman Ni Nathaniel sa bunsong kapatid dahil alam niyang pikunin ito.

“Hindi pa niya ako sinasagot” ang sabi naman Ni Brix Na kunwari ay masama ang loob Na ikinangiti nilang lahat pati Na Ni Natalie Na kanina ay mukhang napipikon na.

“Naku, ikaw nga itong hindi pa ako sinasagot” ang sabi naman Ni Natalie Na halatadong nanunudyo Lang at mukhang umepek naman kay Brix Na mukhang nagulat sa sinabi ni Natalie.

“Mabuti pa magpose na kayong dalawa at nang makasama kayo sa photo album” ang natatawa namang sabi Ni Nathaniel at nagpose nga ang dalawa at iniwan na nila pagkatapos silang makuhanan ng litrato.

“Mukhang may gusto ang dalawa sa isa’t isa. Napansin mo ba sweetheart?” ang bulong niya kay Nathaniel ng makalayo sila sa dalawa na mukhang panay pa rin ang tuksuhan at bahagyang natigil lang ng lumapit ang tatlong babae na mukhang nagpapakuha din ng letrato kay Brix.

“Medyo, pero wag mo nang pansinin ang dalawa at dalian nating magpaletrato sa bisita at ng makatakas na tayo” ang sabi nito at bahagya pang kumindat sa kanya.

“Ikaw talaga” ang kinikilig Na sabi niya at masuyong kinurot ang tagiliran nito na ikinatawa nito.

“I love you sweetheart, now and forever” ang sabi nito sa kanya na seryosong seryoso habang nakatitig sa kanyang mga mata.

“I love you too sweetheart more and more each time” ang sabi naman niya dito at niyakap ito sa may batok upang bigyan ng halik ang mga labi nito.

WAKAS

Natalie Fuentabelia ang bunso sa magkakapatid at siyang pinaka pilya at kikay sa lahat. Maging kasing kulay kaya at kasing saya ang kanyang buhay Pagibig tulad sa mga kapatid niya at magulang? Abangan sa susunod na kuwento na pinamagatang “MY LOVING SUPERSTAR”.

 

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 12

344 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 13 (END)

Leave a Reply