Biniling Pag-ibig: Chapter 12

This entry is part 13 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

KAILANGAN niyang makausap si Faith at humingi ng tawad sa mga sinabi niya. Faith doesn’t deserve any of those thing Na sinabi niya at kailangan niyang bawiin ang mga iyon at ipaalam dito Kung gaano niya ito kamahal.

Dali-dali siyang umuwi sa mansiyon at pumunta sa kanilang kuwarto, pero wala si Faith kaya minabuti na lang niyang maligo muna dahil sa dumudugo ang kanyang kamay.

Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang nakaempake na ang gamit ni Faith at mukhang hinihintay siya.

“Anong ibig sabihin nito Faith?” ang kinakabahang tanong niya kay Faith na nakaupo sa kama at nakatingin lang sa kanya.

“Uuwi na ako nang maynila Nathaniel” ang madiin nitong sabi sa kanya na lalo lang nagpadagdag sa takot na nararamdaman niya.

Naisip niyang sa kahit na anong paraan ay kailangang mapigilan niya si Faith sa pagluwas ng Maynila. Dahil Kung hahayaan niya itong makaalis, ay baka iyon na ang magiging huli nilang pagkikita.

“Hindi ka puwedeng umalis Faith, ano na lang ang sasabihin ng pamilya ko kung hahayaan kitang umalis” ang sabi niya dito, alam niyang napaka lame ng excuse niya pero bahala na. Kailangan niyang mapigilan si Faith sa gagawin nitong pagluwas.

“Im sorry Nathaniel, alam Kong may usapan tayo. Pero please lang hayaan mo muna akong makapagisip-isip” ang mahinahong sabi ni Faith sa kanya at mukhang buo na ang pasya nitong iwan siya.

“Paano naman ako Faith?” ang mahinang sabi niya dito at lumapit siya sa tabi nito at umupo sa harapan nito.

“You will be fine Nathaniel. Wag kang magalala dahil hindi ako sisira sa usapan natin, anyway nabili mo na ako” ang sabi ni Faith na hindi na maiwasang pumiyok ang kanyang boses dahil sa pinipigil na damdamin.

Bagamat mahal na mahal niya si Nathaniel hindi niya pa rin matatanggap ang mga sinabi nito. Pinagmukha siya nitong pera at ang higit na masakit ay gusto nitong bayaran pati ang Pagibig niya para dito.

Kaya kailangan niyang makalayo kahit pansamatala lang, dahil kung hahayaan niya ang sariling manatili kasama si Nathaniel ay baka dumating ang sandali na hindi na niya matanggap pati sarili niya.

“Ano ang kailangan Kong gawin para Hindi mo ako iwan Faith” ang sumusukong sabi ni Nathaniel dahil mukhang buo na ang pasya ni Faith at kahit anong sabihin niya ay wala ng kuwenta pa.

“Wala Nathaniel” ang nakayukong sabi ni Faith dahil nag-uunahan nang pumatak ang kanyang mga luha at ayaw niyang makita ito ni Nathaniel.

Nagulat siya ng lumuhod sa may harapan niya si Nathaniel at hinawakan ang kanyang baba at pilit tinititigan ang kanyang mga mata. Kaya madiin niyang ipinikit ito dahil nalilito siya sa nababasa sa mga mata ni Nathaniel. Pagmamahal ba iyong nakikita niya sa mga mata nito?

“Please open your eyes Faith. Please look at me” ang nakikiusap na samo ni Nathaniel kay Faith dahil gusto niyang makita ni Faith ang kanyang nararamdaman.

For the first sa buhay ni Nathaniel ay pakiramdam niya napaka helpless niya. At sa unang pagkakataon ay halos sumabog ang kanyang puso dahil sa nakikitang pagluha ng babaing pinakamamahal na niya.

“Faith please” ang mahinang sabi niya at pilit hinaharap ang mukha ni Faith sa kanya.

“Please don’t leave me. Mahal na mahal na kita Faith, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung iiwan mo ako” ang mahinang sabi niya. Sapat Lang upang marinig ni Faith ang kanyang sinabi dahil unti-unting dumilat ang nakapikit nitong mga mata at tinitigan siya.

“Anong sabi mo?” ang tila naguguluhan nitong tanong sa kanya ngunit bahagyang nabuhay ang kaninang malulungkot nitong mata.

“I said don’t leave me” ang sabi niya dito at umupo na sa may harapan nito upang matapat siya sa mukha nito.

“Hindi yung sumunod mo pang sinabi” ang sabi nito sa kanya at bahagya siyang nabuhayan ng pag-asa.

“Ang sabi ko Mahal na mahal kita, at hindi ko kaya kung iiwan mo ako.” ang sabi niya dito at kitang kita niya ang saya sa mukha ni Faith dahil bigla itong ngumiti Bagamat panay pa rin ang tulo ng luha.

“Oh Nathaniel, akala ko hindi ko maririnig ang mga salitang iyon” ang umiiyak niyang sabi kay Nathaniel dahil sa sobrang sayang lumukob sa kanyang damdamin.

“Ibig mong sabihin…..” ang Hindi na nito matapos pang sabihin dahil nakangiti siyang tumango dito.

“Yes Nathan I love you so much” ang sabi niya dito at kitang kita niya ang sayang lumarawan sa mukha ni Nathaniel akala mo araw na biglang lumiwanag ang mukha nito.

“God it so good to hear that word” ang sabi niya at kinabig si Faith at hinalikan ang mga labi nito na tinugon din nito ng mas matamis na halik.

“Im just so happy, alam mo bang simula ng unang beses kitang makita ay ginulo mo na ang isip ko. From that day, ang puso ko ay ninakaw mo na at never ko nang nabawi. Kaya naisipan Kong gipitin ka para Lang mapasaakin ka, para kahit Hindi ko man mabawi pa ang puso ko sayo ay atleast may chance akong mabihag ang puso mo” ang sabi nito na kanyang ikinangiti. Hindi sa nababaduyan siya infact bawat salita nito ay tumatagos sa kanyang puso at nagiiwan ng walang hanggang saya.

“Alam mo bang ang tagal kong umasa na marinig ang mga salitang iyan mula sayo. Akala ko, never kong maririnig iyan. Im just so glad dahil narinig ko rin ito mula sayo” ang sabi niya Na patuloy ang pagtulo ng luha dahil sa sobrang saya.

“I love you Nathaniel Fuentabelia” ang nakangiti niyang sabi dito

“I love you so much more Mrs. Faith Fuentabelia” ang sabi nito hinalikan siya ng masuyo sa mga labi.

“Halika na, ayusin na natin ulit yang mga damit mo” ang sabi nito sa kanya at bago pa siya nakasagot ay kinuha na nito ang kanyang maleta at magkatulong nilang ibinalik ang mga damit sa aparador.

“Ikaw naman po Mister, ganyan ka na lang ba?” ang natatawa niyang sabi habang iningunguso ang ibaba nito na natatapisan lang ng tuwalya at mukhang nakalimutan na nito.

“Oo nga pala” ang kakamot-kamot sa ulong sabi nito na ikinangiti niya.

“Mula ngayon kailangan nating ipaalam Kung gaano natin kamahal ang isa’t isa araw-araw at bawat sandaling may pagkakataon tayo” ang deklara Ni Nathaniel sa kanya na buong puso naman niyang tinanggap. Dahil magmula ngayon ay hinding Hindi niya pagsasawaang pakinggan kung gaano siya nito kamahal.

“Ay oo nga pala, sandali Lang” ang paalam niya kay Nathaniel ng maalala ang sugat nito na hindi man lang nagamot.

“Saan ka pupunta?” ang tanong nito sa kanya.

“Basta, sandali Lang ako.Wag kang aalis diyan” ang nakangiti niyang paalam dito at dali-dali na siyang pumasok sa banyo para humanap ng gamot at panglinis ng sugat.

Mabuti na lang at nakita niya ang maliit na medicine box sa ilalim ng cabinet.

“Akina yang kamay mo at gagamutin natin ang sugat” ang sabi niya at kinuha na ang kamay nito at nilinasan ng betadine ang sugat nito.

“Napaano ba yang kamay mo at nagkasugat ka?” ang nagtataka niyang tanong dahil ang kanang kamao nito ay maraming galos at May malalim ding sugat.

“Wala medyo nagdilim Lang ang paningin ko kanina. Kaya nasuntok ko ang puno ng buko” ang sabi nito sa kanya na ikinagulat niya, kaya bahagyang napadiin ang paglalagay niya ng ointment at napaaray ito.

“Aray” ang mahina nitong daing dahil sumayad ang cutip na may ointment sa may kalaliman nitong sugat.

“Sorry” ang sabi niya at inihipan ang sugat nito. “Bakit naman dumilim ang paningin mo? At pinagdiskitahan mo pa ang kawawang puno.” ang nakakunot noong tanong niya dito habag nakatingin sa mukha nito.

“Hmm nakita ko kasi kayo ni Aldrin kanina at nakayakap ka sa kanya” ang mahina nitong sabi at dumilim ang mukha nito.

“Ah nagseselos ka?” ang natatawa niyang sabi dito

“At pinagtatawanan mo pa ako, yes nagseselos ako. Natural lang naman iyon dahil asawa kita” ang sabi nito na kababakasan ng pagtatampo.

“Ikaw naman nagtampo agad, isa pa wala ka namang dapat ikaselos dahil first of all hindi po kami magkayakap. Second, nadulas ako at nagkataong napahawak ako kay Aldrin, mas gusto mo bang sa bato ako masubsob?” ang sabi niya dito at nakita niyang nawala na ang pagdidilim ng mukha nito.

“Ganoon ba? Akala ko kasi, nevermind” ang sabi nito sa kanya na tila ayaw ipagpatuloy ang sasabihin.

“Akala mo e sinadya naming magyakapan, ganoon ba?” ang panghuhuli niya dito at nang tumango ito ay napangiti na lang siya.

“Okay Lang na mag selos ka kasi sign iyon ng Love pero next time sana magkaroon ka naman ng Trust sa akin ok? And don’t jump into conclusion” ang sabi niya na bahagyang pinisil ang ilong nito na ikinatawa lang nito.

“Okay dapat ganoon ka rin sa akin ok?” ang sabi naman nito na ikinatawa lang niya pero tumango pa rin siya at ipinagpatuloy na ang pagbabalot sa sugat nito.

“Ayan, wag mong babasain” ang paala niya dito ng matapos niya ang pagaasikaso sa kamay nito.

“Yes doctora” ang natatawang sabi nito at kinintalan siya ng halik sa labi.

“Bayad ko” ang sabi nito at tatawa-tawang hinigot siya nito kaya bahagya siyang na out balance at napaupo sa kandungan nito.

Naging maayos ang samahan nila ni Nathaniel habang nagbabakasyon sa Hacienda, mas lalo silang naging sweet sa isa’t isa.

Mag-iisang linggo na sila sa Hacienda at dalawang araw na lang ay luluwas na sila pabalik ng maynila ng biglang dumating si Lira.

“Kumusta na Nathaniel?” ang nakangiti nitong bati kay Nathan Kung dati-dati ay bigla na lang itong yayakap at hahalik sa labi ni Nathaniel, ngayon ay hindi nito ginawa.

“Bakit ka naman nandito?” ang nakataas kilay na tanong ni Natasha dito, mababakas sa mukha nito ang inis.

“Don’t worry Natasha im not here to fight” ang nakangiting sabi ni Lira na tila maamong tupa.

“Then bakit ka nandito Lira?” ang tanong ni Nathaniel dito na bahagyang nakakunot ang noo.

“Well magpapaalam Lang ako sa iyo na pupunta na akong America and gusto ko lang mag sorry at makausap si Faith” ang sabi nito kay Nathaniel.

“Kung yun Lang ipinunta mo dito, e wala na kayong dapat pagusapan ni Faith and have a safe trip” ang sabi ni Nathaniel dito.

“Bakit naman napaka cold ng treatment mo sa akin Nathaniel, gusto ko lang naman makipagbati sa asawa mo” ang sabi nito na mangiyak-ngiyak pa.

“Okay lang Lira wala naman tayong away” ang sabi niya dito bahagya siyang nakaramdam ng simpatya dito dahil babae rin siyang tulad nito at alam niyang nagmahal Lang ito.

“Kung ganoon puwede ba kitang makausap” ang sabi nito sa kanya at bahagya pang hinawakan ang kanyang kamay.

Napatingin siya kay Nathaniel at nakita niyang umiiling ito sa kanya at sinasabing wag magtiwala kay Lira.

“Sandali lang naman ito, please.” ang sabi ni Lira sa kanya at dahil maayos naman ang pakiusap nito kaya pagbibigyan niya.

“Kung ano man ang sasabihin mo kay Faith, sabihin mo na dito” ang matigas na sabi ni Nathaniel kay Lira.

“Don’t worry Nathaniel, harmless ang magiging usapan namin ni Faith. Gusto ko lang makausap siya in Private” ang sabi ni Lira kay Nathaniel at tumingin pa sa kanya na tila nagpapaawa.

“It’s okay Nathaniel” ang sabi niya kay Nathaniel na mababakas ang pagtutol sa mukha nito pero napahinuhod din niya ito.

Inakay siya ni Lira papunta sa may garden at pagdating nila doon ay sinabi nitong sa may ilog na lang sila magusap. Bagamat nagtataka ay sumunod na lang siya dito pero sinigurado niyang maiwang nakabukas ang pinto dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

“Ano ba ang gusto mong pagusapan natin Lira?” ang tanong niya dito ng makarating sila sa may garden.

“Mangaagaw kang babae ka, naiwala ko na nga sa landas ko si Amy at ang iba pang babaing pilit umaagaw kay Nathaniel ngayon naman ikaw” ang galit nitong sabi sa kanya na ikinagulat niya ng sobra dahil tinutukan siya nito ng baril.

“Huminahon ka Lira, Akala ko gusto mo akong makausap at nakikipagayos ka sa akin” ang pilit na nagpapakahinahon na tanong niya dito, at pilit pinagagana ang isip kung paano siya makakaligtas dito.

Naisahan siya ni Lira dahil napakaamo ng mukha nito at akala niya talagang gustong makipag-ayos sa kanya iyon pala ay plano siya nitong patayin mabuti na lang at iniwan niyang nakabukas ang pinto.

“Mahal na mahal ko si Nathaniel, para sa akin siya lang ang lalaking maari kong mahalin. Pero anong ginawa mo, inagaw mo rin siya sa akin tulad ng ginawa ni Amy” ang sabi nito sa kanya.

“Amy?” ang kunwari tanong niya dito upang sa ganoon ay magkaroon siya ng kahit konting panahon para makaisip ng paraan para mawala ang atensiyon nito sa kanya.

“Si Amy ay bestfriend Kong taksil na umagaw kay Nathaniel, kahit alam niyang mahal ko si Nathaniel ay sinagot pa rin niya ito. Akala niya mapapasa kanya ng tuluyan si Nathaniel nagkakamali siya, dahil ako Lang ang tanging babae para sa kanya.” ang sigaw nito sa kanya.

“Pilit kong sinisiraan si Amy, kay Nathaniel pero hindi niya ako pinapaniwalaan. Kaya nagpalit ako ng Plano Kung si Nathaniel Hindi medaling maniwala kabaliktaran naman nito si Amy. Pinaniwalaan niya ang lahat ng sinabi Ko laban kay Nathaniel, pero ang gaga nagpabuntis sa ibang lalaki at gustong ang pinakamamahal ko pang si Nathaniel ang managot sa dinadala niya. Kaya ang ginawa ko, sinabi ko sa kanyang buntis ako at si Nathaniel ang ama at dahil mahal niya ako ay hinayaan niyang mapasaakin si Nathaniel at sumamang magtanan sa ibang lalaki” ang sabi nito at parang nasisiraan ng ulo na tumawa ng tumawa.

“Kaso maaga pa rin siyang namatay” ang sabi nito at tuwang tuwa na tumawa.

“Pero ang Nathaniel na iyan ay bulag, kahit ilang ulit ko siyang paibigin at tuksuhin ay wala pa ring kuwenta, pagkatapos ng mahabang taon Kong paghihirap ay bigla lang naglaho ng dahil sayo. Hindi ako makakapayag na makuha mo si Nathaniel kung hindi siya magiging akin ay lalong hindi ko siya ipagpaparaya sayo” ang sabi nito na panay ang pagagos ng luha at bahagyang nanginig ang pagkakahawak nito sa baril.

At iyon ang pagkakataon na hinihintay niya, dinamba niya si Lira at pilit inagaw ang baril. Nagpambuno sila ni Lira at pilit nag-aagawan ng baril.

Nariyang maitutok sa kanya, sumunod ay kay Lira at ng kakalabitin na nito ang baril ay mabilis niyang natabig ang kamay nito kaya sa may puno tumama ang pinaputok nito.

Nagulantang sila Nathaniel, Aldrin, Natasha at Aljon sa narinig nilang putok ng baril. Biglang sinakluban ng kaba si Nathaniel sa narinig na putok.

“Faith” ang takot na takot niyang sabi kaya dali-dali siyang tumakbo palabas. Sumunod sa kanya sila Aljon at Aldrin.

Ang Lola at Lolo naman niya maging ang kanyang magulang ay napalabas ng kanilang mga kuwarto at mabilis na bumaba ng bahay.

“Saan galing ang putok ng baril na iyon?” ang tanong ni Tyler kay Natalie na katabi ni Natasha.

“Hindi namin alam daddy, pero si Faith at Lira ay magkasama sa labas at maguusap daw sila” ang mangiyak ngiyak na sabi ni Natasha.

“Oh my God” ang nanlalambot na sabi ni Ayessa dahil sa narinig.

“Huminahon kayo, hindi pa naman tayo sure” ang sabi ng lolo ni Nathaniel.

Samantala…….

Nakita ni Nathaniel na nakabukas ang gate papunta sa may ilog kaya dali-dali siyang tumakbo palapit doon kasabay sila Aldrin at Aljon.

Pero bago pa sila makalapit ay nakarinig ulit sila ng putok ng baril at ngayon ay klaro na nilang naririnig na nanggaling sa may Ilog kaya kasing bilis ng kidlat na tumakbo si Nathaniel sa may Ilog kasabay sila Aljon para lang magulat sa nakita.

Si Lira at Faith ay magkaharapan at sa gitna ay baril na parehong hawak ng dalawa.

“Faithhhhh” ang takot na takot na sigaw ni Nathaniel ng makita ang baril na hawak ng dalawa at nasisiguro nilang doon nanggaling ang putok ng baril na narinig nila at isa sa dalawa ang tinamaan ng bala nito.

Halos panawan ng ulirat si Nathaniel ng makitang unti-unting bumagsak si Faith habang hawak ang sikmura nitong tinatagasan ng dugo.

“Faith” ang mahinang sabi ni Nathaniel at mabilis na lumapit kay Faith na nakatingin sa kanila.

“Na-tha…..niel” ang hirap na hirap na sabi ni Faith at sa nanlalabo niyang paningin ay nakita niyang mabilis na tumakbo palapit sa kanya si Nathaniel at dinaluhan siya nito.

Habang sila Aljon naman ay mabilis na tinabig ang baril na hawak ni Lira na nakatulalang nakatingin sa kanya at panay ang pagiyak habang umiiling, pagkatapos ay tatawa ng malakas.

“Akin lang si Nathaniel, iyan ang napapala ng mga mangaagaw” ang tatawa-tawa nitong sigaw at pilit kumakawala sa pagkakahawak nila Aljon at Aldrin.

“Im sorry hindi ko sinasadya” ang dagdag nito pagkatapos ay sasabayan ng iyak tila tinakasan na ito ng katinuan.

Habang si Nathaniel naman ay mabilis na binuhat si Faith na hinang-hina dahil sa tama ng bala.

“Ma….h….al na m….a…Ha…l ki….ta” ang putol putol na sabi ni Faith kay Nathaniel bago ito tuluyang nawalan ng ulirat.

“Please hang on sweetheart… don’t leave me. I love you so much” ang umiiyak na sabi ni Nathaniel habang mabilis na tumatakbo habang buhat si Faith na wala nang malay

“OMG” ang nanginginig na sabi ni Natalie ng makita nitong bitbit ni Nathaniel si Faith na duguan at walang malay.

“Tumawag kayo ng ambulansiya…. Ihanda ninyo ang sasakyan bilisan ninyooo” ang sigaw ni Nathaniel sa kanyang ina at kapatid na natutulang nakatingin sa kanya.

Nang marinig nila ang sigaw ni Nathaniel ay mabilis na tumakbo si Natalie at kinuha ang susi ng kanilang wrangler, habang si Natasha naman ay dinaluhan ang kanyang ina na nawalan ng malay.

“Akina ang susi, alalayan mo si Faith” ang malakas na sabi niya kay Natalie na nanginginig na sumunod sa kanya at inihiga ang ulo ni Faith sa hita nito.

Mabilis na pinatakbo ni Nathaniel ang sasakyan at panay ang pakiusap niya kay Faith na wag siyang iiwan. Takot na takot siya lalo na at medyo malayo sa hacienda ang pagamutan.

“Bilisan mo kuya, namumutla na ang mukha ni Ate Faith” ang umiiyak na sabi sa kanya ni Natalie habang hindi alam kung paano patitigilin ang pagdaloy ng dugo sa tiyan ni Faith na tinamaan ng bala.

“Please Lord Wag ninyo munang kukunin sa akin sa Faith hindi ko kakayanin. Mahal na mahal ko siya pakiusap ko Panginoon” ang umiiyak na dasal ni Nathaniel habang nagmamaneho ng sobrang bilis. Mabuti na lang at walang tao sa daan kaya walang sagabal sa kanyang pagmamaneho.

Nang makarating sila sa pagamutan ay mabilis na inasikaso si Faith ng mga Doctor. Hindi mailarawan ang takot na nakabalatay sa mukha ni Nathaniel hanggang mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nasa ospital si Faith at nag-aagaw buhay. Tahimik niyang niyakap si Natalie habang umiiyak ito, Pilit niyang tinatagan ang loob kahit sa totoo lang ay halos hindi na siya makahinga sa pinaghalong takot, kaba, galit, at pag-aalala.

“Please hang on sweetheart” ang paulit-ulit niyang sinasabi habang naghihintay sa paglabas ng doctor na nagoopera kay Faith.

Makalipas ang isang oras ay dumating ang buong pamilya, Nakaupo siya sa may sulok at tahimik na nanalangin para sa kaligtasan ni Faith.

“Tatagan mo ang loob mo anak, malalagpasan ito ni Faith” ang sabi ng kanyang Ama na nakaakbay sa kanya at tinatapik tapik ang kanyang balikat.

Lumipas pa ang dalawang mahahabang mga oras at Hindi pa rin lumalabas ang doctor na nagoopera kay Faith, hindi mapakali si Nathaniel na panay ang lakad nito pabalik-balik sa pinto ng operating room.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor na nagopera kay Faith.

“Ku-kumusta na po ang asawa ko doctor” ang takot na takot na tanong ni Nathaniel sa doctor ng lumabas ito.

“She’s fine now, mabuti na lang at walang natamang organ ang bala kaya ligtas na siya” ang sabi nito sa kanila na ikinahinga niya ng maluwag.

“Salamat po Panginoon ko, salamat doctor” ang Masaya niyang sabi dahil nakaligtas na si Faith.

“Puwede ko bang makita ang asawa ko?” ang tanong niya sa Doctor.

“Sige pero sandaling sandali lang. Dahil kailangan niyang makapagpahinga” ang sabi nito sa kanya kaya dali-dali siyang pumasok ng operating room.

Pakiramdam niya ay parang pinipiga ang kanyang puso ng makita ang maputlang maputlang mukha ni Faith at may nakakabit na dugo at dextrose sa magkabilang kamay nito. At may nakasubong tubo sa bibig nito.

“Salamat at ligtas ka” ang mahina niyang bulong at di mapigilan ang mapaiyak dahil sa sobrang saya niya na nakaligtas ang pinakamamahal niya.

“Magpalakas ka agad, I love you so much sweetheart” ang bulong niya dito bago ito hinalikan sa may noo at lumabas na ng kuwarto.

“Salamat sa Diyos at nakaligtas si Faith sa kapahamakan” ang masayang sabi ng kanyang Mommy na nakayakap sa kanyang Daddy habang umiiyak.

“Nasan na si Lira?” ang mahina Ngunit galit na galit niyang tanong kay Aljon ng magkasarilinan silang dalawa.

“Pagka dala ninyo kay Faith sa ospital ay dumating ang tinawagan naming pulis at hinuli siya, nagsampa na kami ng reklamo. Pero hinihintay nila ang pormal mong pagsasampa ng kaso” ang sabi ni Aljon sa kanya.

“Sa ngayon dinala nila si Lira sa mental hospital dahil hindi stable ang takbo ng utak nito. Umiiyak pagkatapos tumatawa, tinatawag din niya si Amy ang sabi niya layuan siya nito, nasisiraan na ng bait si Lira” ang sabi ni Aljon sa kanya.

Nakakuyom ang kanyang mga kamao, galit na galit siya kay Lira dahil sa ginawa nito kay Faith gustong gusto niyang patayin ito. Pero pinipilit niyang pigilan ang sarili at alisin ang galit dahil alam niyang hindi iyon ang nakakabuti niyang gawin.

“Hayup na Lira iyon, hinding hindi ko siya mapapatawad” ang galit niyang sabi at sinuntok ang pader. Kung Hindi pa siya inilayo Ni Aljon sa pader ay baka madurog na niya iyon dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya.

“Sinaktan niya si Faith pare, ang pinakamamahal Kong si Faith” ang galit niyang sigaw kay Aljon.

“I know Bro, but you need to calm down at isipin mo si Faith. Kailangan ka niya ngayon” ang sabi nito sa kanya kaya nanghihina siyang napaupo pagkarinig sa pangalan ng asawa.

PASSWORD FOR NEXT CHAPTER: Ang ninong ni Nathaniel ay isang J _ _ _ _

 

*hint: first letter lng po ang capital.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 11Biniling Pag-ibig: Chapter 13 (END) >>

311 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 12

Leave a Reply