Biniling Pag-ibig: Chapter 11

This entry is part 12 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

“WOW, nandito pala kayong dalawa” ang narinig nilang sabi ni Aldrin, kasama si Natalie Na palapit sa kanilang dalawa.

“Naku kuya Aldrin mukhang nakakaistorbo tayo” ang sabi ni Natalie na nanunukso na naman ang mga ngiti sa kanilang dalawa ni Nathaniel.

“Oo nga Natalie” ang sabi naman Ni Aldrin Na nakatingin sa kanilang dalawa ni Nathaniel.

“Buti alam ninyo” ang sabi naman Ni Nathaniel na mukhang Hindi nagbibiro pero natawa pa rin sila Natalie at Aldrin.

“Halika na nga Kuya Aldrin at mukhang may nabitin” ang sabi Ni Natalie na tatawa tawa.

“Pero gusto Kong maki join sa kanila eh, puwede ba?” ang tanong ni Aldrin sa kanila na hindi inaalis ang pagkakatingin sa kanya.

“Kahit naman sabihin Kong Hindi puwede, e magstay pa rin naman kayong dalawa.” ang sabi ni Nathaniel na napakaseryoso ng pagkakasabi.

“Correct” ang sabi naman ni Aldrin at lumusong na rin sa tubig habang si Natalie naman ay umupo sa picnic blanket at naghanap ng makakain.

Nangingiti na lang siyang napatingin kay Nathaniel na mukhang nawala ang mood at bahagyang nakadikit ang mga kilay.

“Ano kasi yung sasabihin mo sana?” ang nakangiti niyang tanong kay Nathaniel

“Ah nevermind” ang sabi nito sa kanya at ibinaba na siya at lumangoy na ito papunta sa may pampang.

Naguguluhang napasunod Na Lang ang tingin niya dito at nakita niyang lumapit ito kay Natalie at tumabi sa pagkakaupo nito at na ng katingin lang sa kanya.

“Ayaw mo nang lumangoy?” ang tanong niya dito

“Mamaya na lang ako ulit lalangoy” ang sabi nito sa kanya.

“Ayy” ang nagulat Na sigaw niya ng maramdamang may humigot sa mga paa niya at dahil nagulat ay lumubog siya at nagpapasag.

Naramdaman niyang may humigot sa kanya pataas at ng itaas niya ang kanyang ulo ay napasinghap siya dahil nakainom siya ng tubig, naramdaman na lang niyang nakayakap sa kanya si Aldrin at inilangangoy siya sa pampang.

“What happen?” ang nag-aalalang tanong Ni Natalie ng makalapit ito sa tabi niya, samantalang si Aldrin naman ay hinihimas ang kanyang likod.

“Im sorry Faith, binibiro Lang ki…..” ang Hindi na matapos sabihin ni Aldrin sa kanya dahil hinigot ito ni Nathaniel at tinulak.

“You jerk” ang sigaw nito at akmang susuntukin na nito si Aldrin.

“Nathaniel stop it” ang sigaw niya at niyakap si Nathaniel palayo kay Aldrin na nakaupo sa sahig at dinaluhan naman ni Natalie.

“Bitawan mo ako Faith” ang sabi ni Nathaniel sa kanya.

“Ano ba Nathaniel, tama Na sabi, Hindi naman sinasadya ni Aldrin. Binibiro lang niya ako” ang sabi niya kay Nathaniel Na lalo lang nagalit.

“Binibiro o Hindi, pareho Lang iyon dahil muntik ka nang malunod” ang sigaw nito sa kanya na mukhang galit na galit talaga ito.

“Nathaniel” ang mahina niyang sabi dahil never pa niyang nakitang sobrang galit ito, napansin siguro nito na natatakot siya kaya bahagya na itong kumalma at niyakap siya ng mahigpit.

“Im sorry” ang sabi nito sa kanya habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

“Im sorry Faith di ko talaga sinasadya, sorry pinsan” ang sabi ni Aldrin sa kanila at dahil hindi naman nito sinasadya ang nangyari ay tinanggap niya ang paumanhin nito.

“Don’t do that ever again” ang sabi ni Nathaniel dito at nang tumango si Aldrin ay nagkamay na rin ang dalawa.

“Grabe Ate Faith natakot ako, first time Kong makita si kuya na nagalit, before kahit medyo suplado siya kung minsan never naman siyang nanigaw or naghamon ng away” ang sabi ni Natalie sa kanya habang nakaupo sila sa may blanket nila at nagkukukot ng chichiria, samantalang sila Nathaniel naman at Aldrin ay nasa falls at lumalangoy.

“I see medyo natakot din nga ako. Sanay kasi ako na lagi siyang nagbibiro at tumatawa” ang sabi naman niya dito

“Actually, Ate Faith ngayon ko lang din ulit nakita ang kuya na sobrang saya at laging nagbibiro at tumatawa” ang sabi Ni Natalie sa kanya na ikinalingon niya dito.

“Mula ng mamatay si Amy naging masungit na siya, pero this couple months lagi siyang tumatawa at nakikipagbiruan. And lahat ng iyon ay dahil sayo” ang dagdag pa nito.

“Salamat, actually kanina ko lang din nalaman ang tungkol kay Amy kinuwento sa akin ni Lola” ang sabi niya na ikinalaki ng mata ni Natalie.

“Ibig mong sabihin, hindi pa naikukuwento sayo ni kuya ang tungkol kay Amy?” ang sabi nito sa kanya.

“Natalie” ang malakas na sabi ni Nathaniel kay Natalie na halatadong nagulat, maging siya ay hindi inaasahang nakalapit na pala ito sa kanila.

“K-kuya” ang sabi ni Natalie ng makalapit na ng tuluyan si Nathaniel sa kanila.

“Don’t ever mention that name ever again” ang mahina Ngunit madiing sabi ni Nathaniel kay Natalie.

“Yes kuya” ang mahina nitong sabi “Ay lalangoy na muna ako Ate. Faith, kuya” ang pagpapaalam ni Natalie sa kanila na halatadong umiiwas lang.

“Sige” ang sabi niya kay Natalie at bahagya itong nginitian

Bahagya siyang nailang dahil mukhang wala na naman ang mood ni Nathaniel na ikinatata niya dahil mula pa kanina ay mabilis uminit ang ulo nito.

“Nathaniel” ang mahinang tawag niya dito ng makita niyang nakatanaw lang ito at napakatahimik.

Nang Hindi siya nito sagutin ay hinayaan na lang muna niya ito dahil mukhang may gumugulo sa isip nito.

“Gusto mo bang lumangoy ulit?” ang nanantiyang tanong niya kay Nathaniel

“Mamaya Na Lang siguro, ikaw Kung gusto mo” ang sabi nito sa kanya na hindi man lang siya tinignan.

Kaya minabuti Na Lang niyang tumayo at lumangoy para na rin bigyan ng space si Nathaniel para makapagisip isip ito.

Nagpabalik-balik siya sa paglangoy at nag punta sa may falls at sarap na sarap siya sa haplos ng tubig na nanggagaling sa may falls. Nang medyo mapagod siya ay umupo siya sa may bato na at lumapit sa kanya si Aldrin, bahang si Natalie naman ay abala sa paglangoy.

“Gaano Na kayo katagal Ni Nathaniel?” ang tanong sa kanya ni Aldrin at umupo pa ito sa tabi niya.

“Mag three weeks Na kaming kasal and I know him long enough” ang sagot naman niya habang nakatingin kay Nathaniel Na nakatingin din sa kanila.

“I see. Sayang at nauna ka niyang nakilala” ang sabi nito sa kanya at naramdaman niyang ipinatong nito ang kamay nito sa kamay niya na nakahawak sa may bato.

Pasimple niyang inalis ang kanyang kamay dahil nakita niyang nakatingin sa kanila si Nathaniel at ayaw niyang magisip ito ng hindi maganda.

Aalis Na Sana siya ng bahagya siyang madulas dahil sa lumot na nakapalibot sa batong kinauupuan nila. Mabuti Na Lang at nahawakan niya si Aldrin Kung Hindi ay baka ang mukha niya ang humalik sa bato, pero dahil sa pagkakabagsak niya sa dibdib ni ALdrin ay akala mo magkayakap na sila sa sobrang lapit.

Kitang kita ni Nathaniel ng mapayakap si Faith kay Aldrin na sa sobrang lapit ng mukha ng mga ito ay akala mo naghahalikan na, kaya halos sumabog ang kanyang puso sa nararamdamang selos. At sa mga sandaling iyon ay gustong gusto na niyang pulbusin ang pagmumukha ng kanyang pinsang si Aldrin.

“What the heck are you doing” ang galit na galit na sigaw ng kanyang isipan pero hindi niya maisatinig ang nararamdamang galit ng mga oras na iyon.

“Asawa ko si Faith, Akin si Faith. Akin lang.Walang karapatan ang kahit sinong lalaking lumapit o dumikit sa kanya kahit pinsan ko pa” ang galit Na sabi ng kanyang isipan at nang makita niyang hinawakan ni Aldrin ang kamay ni Faith ay hindi na niya mapigilan ang selos na nararamdaman kaya tumayo siya at lalapit sana sa dalawa.

Pero ng makita niyang lumapit na sa dalawa si Natalie ay minabuti na lang niyang lumayo at maglakad-lakad dahil baka pag nakalapit siya sa dalawa ay siguradong hindi niya mapipigilan  ang sarili na saktan ang pinsan niya at ayaw niyang gawin iyon sa harap nila Natalie lalong lalo na kay Faith.

“Ahhhhhh” ang galit niyang sigaw at sinuntok ang puno nang niyog Na nalapitan niya at Hindi ininda ang sakit na nararamdaman pinagsusuntok pa niya ulit ito.

Nang humupa na ang galit na kanyang nararamdaman ay napaupo siya at nakita niyang dumudugo ng sobra ang kanyang kamao. Pero Hindi niya iyon halos maramdaman dahil ang mas sumasakit ay ang puso niya dahil sa selos.

“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin Faith?” ang mahina niyang sabi habang nakayukyok ang ulo, Hindi niya alam kung kanino ba siya galit. Kay Aldrin ba? O kay Faith? Isa Lang ang alam niya Galit siya sa sarili niya dahil duwag siya.

“Duwag ka Nathaniel, tama nga siguro si Amy sa mga sinabi niya tungkol sayo” ang sabi niya sa sarili.

Bigla tuloy niyang na-alala ang nakaraan Na ayaw Na sana niyang balikan.

“Nathaniel, Mahal mo ba talaga ako?” ang tanong sa kanya ni Amy ng dalawin niya ito sa bahay ng mga ito.

“Ano ba namang klaseng tanong iyan Amy, liligawan ba kita kung hindi” ang sagot naman niya dito, Nakita niyang napakagat labi ito at tila gustong umiyak.

“What’s wrong?” ang nag-alala niyang tanong sa kasintahan.

“Mag dadalawang taon na tayong magkasintahan Nathaniel pero ni minsan hindi mo sinabi sa aking mahal mo ako” ang umiiyak Na nitong sabi sa kanya na ikinagulat niya.

“Tama ka, mag dadalawang taon na tayong magkasintahan, pero hanggang ngayon hindi mo pa rin alam na mahal kita?” ang nagdadamdam niyang sabi dito

“Yes, you’re showering me with lots of present and flowers at kung ano-ano pa, parati mo nga akong dinadalaw. Pero Nathaniel Ni minsan wala kang binanggit na mahal mo ako. Ang parati mong sinasabi you like me and you want me to be with you” ang sabi nito na patuloy pa rin ang pagluha.

Gustong gusto na sana ni Nathaniel na patahanin si Amy dahil hindi niya kayang makitang umiiyak ito pero hindi niya alam kung paano.

“Hindi ko na kaya Nathaniel, gusto kong maranasan ang nararanasan ng mga ordinaryong magnobyo. Hindi ko alam kung sakim ka lang at hindi marunong magmahal o duwag dahil takot kang masaktan” Ang sabi ni Amy sa kanya na ikinasakit ng kanyang puso. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Amy.

“Gusto mo nang makipag break sa akin ganoon ba?” ang nagdadamdam na tanong niya kay Amy.

“I love you so much Nathaniel, ang gusto ko lang naman sabihin mong mahal mo din ako” ang mahina nitong sabi sa kanya.

“I love you Amy, hindi porke hindi ko masabi sayo ang salitang iyon ay hindi kita mahal. Kung tulad ng sinabi mo hindi ako marunong magmahal wala sana ako ngayon sa tabi mo” ang sabi niya dito

“Salamat Nathaniel, salamat” ang umiiyak Ngunit nakangiti nitong sabi sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Im sorry for not saying it all the time but I really do love you” ang sabi niya dito at hinalikan ito. Pero nagtataka siya Kung bakit pakiramdam niya ay may kulang at napakahungkag ng kanyang pakiramdam.

“Nathaniel magpakasal na tayo, tutal may nangyari na sa ating dalawa” ang sabi ni Amy sa kanya na bahagya niyang ikinabigla.

“Napakabata pa natin Amy, katatapos Lang natin ng college” ang sabi niya dito dahil hindi pa siya handang mag-asawa.

“Bibigyan kita ng isang linggo para magisip Nathaniel, kung hindi ay sasama ako kay Alex” ang sabi nito at tinalikuran na siya nito at naiwan siyang natitigilan.

Pinagisipan niya ang sinabi ni Amy, Handa na ba siyang mag-asawa? Pero mahal niya si Amy at ayaw niyang mawala ito sa kanya lalo na at may nangyari na sa kanilang dalawa.

Lumipas ang isang linggo at nakipagusap siya kay Amy at pumayag na magpakasal dito. Sa umpisa ay tutol ang kanyang magulang sa kasal na pinaplano nila pero wala ring nagawa ang mga ito dahil buo na ang kanyang pasya.

Inihanda nila ang kasal at pinagplanuhang sa susunod na buwan na sila magpapakasal.

Pero habang palapit ang kanilang kasal ay naging malamig si Amy sa kanya, parati itong sumasama sa barkada at hindi na halos niya ito makita o makausap. Hanggang isang linggo na lang at kasal na nila ng makatanggap siya ng tawag mula kay Lira na bestfriend ni Amy at sinabi nitong magtatanan si Amy at Alex sa mismong araw ng kasal nila.

Nang kinumpronta niya si Amy tungkol dito ay nag deny ito at sinabing hinding hindi siya nito magagawang iwan lalo na ang lokohin dahil mahal siya nito na pinaniwalaan naman niya.

Pero kinabukasan lang ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Lira at sinabing sundan si Amy dahil nakipagtanan na ito. Dali-dali siyang pumunta sa bahay ng mga ito Ngunit wala na si Amy, hinanap niya Ngunit di niya ito makita hanggang mapanood na lang niya sa balita na bumunggo ang kotse ng mga ito at jeep sa may patungong baguio.

Halos pagbagsakan siya ng langit at lupa ng makita niya ang katawan ni Amy na yakap ng isang lalaki na kinilala nilang si Alex ang sinabi nitong sasamahan oras na hindi niya ito pakasalan at ang higit na masakit ang malamang kaya siya minamadali nitong magpakasal ay dahil buntis ito at si Alex ang ama.

Pinilit niyang magpakatatag at nalagpasan niya ang panahon na iyon. Sinubsob niya ang sarili sa pagmamanage ng kanilang negosyo. Pero nagiba na ang pakikitungo niya sa lahat ng tao, nawalan siya ng tiwala.

“Ngayon nakatagpo ko na ang babaing mahal na mahal ko. Pero Gaya ng sabi ni Amy duwag ako” ang sabi niya na hindi na mapigilan ang pagtulo ng ilang butil na luha na dali-dali naman niyang pinahiran.

“Duwag ako dahil natatakot akong masaktan, Hindi ako mahal ni Faith at napilitan lang siyang pakasalan ako dahil sa akin nakasalalay ang kalayaan ng kanyang ama at kaligtasan ng kanyang ina. Hindi dahil mahal niya ako Kung hindi dahil kailangan niya ako” ang galit Na sabi niya sa sarili dahil hindi niya matanggap ang katotohanan na ginipit niya si Faith para pakasalan siya.

Hindi niya rin alam noong una, Kung bakit niya ginipit si Faith, para pakasalan siya.Hindi naman totoo ang sinabi niya na kailangan nilang magpakasal dahil kailangan niya ng asawa kaagad para makuha ang kanyang mana. Dahil sa totoo lang ay nakuha na niya iyon noong tumuntong siya sa idad na bente uno.

Natutuwa Lang siya dito kaya niya sinabi iyon at the same time hindi niya maipaliwanag ang atraksiyong nararamdaman niya para dito. Pilit niyang pinaglabanan dahil Hindi siya makapaniwalang sa unang beses niyang makita ito ay nahulog na dito ang puso niya. At naisip niyang mas mabuti nang ito ang mapangasa kesa mapasubo kay Lira Na patay Na patay sa kanya kahit noong sila pa ni Amy.

“Nathaniel” ang tawag sa kanya ni Faith na siyang pumutol sa kanyang pagmumuni-muni sa mga pangyayari.

“Anong nangyari sayo?” ang natatarantang tanong ni Faith kay Nathaniel nang makita niyang bumudugo ang mga kamay nito.

“Halika na Nathaniel, kailangan magamot ang kamay mo at baka mapaano ka” ang mangiyak ngiyak niyang yaya kay Nathaniel ng Hindi man Lang ito kumilos mula sa pagkakaupo.

“Kausapin mo ako, ano ba Nathaniel” ang pangungulit niya dito ng Hindi man Lang siya nito tapunan ng sulyap tila hindi siya nito naririnig.

“Mauna ka na, hayaan mo na lang ako dito at bumalik ka kay Aldrin” ang mahina Ngunit madiin niyang sabi dito. Kitang kita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito.

“Ano ba yang pinagsasabi mo, asawa mo ako kaya nag-aalala ako sayo” ang umiiyak nitong sabi sa kanya at pilit kinukuha ang kanyang kamay na dumudugo.

“Asawa? Oo nga pala binili pala kita” ang sabi niya dito at kitang kita niya kung paano ito natigilan at pagkalipas ng ilang Segundo ay nakita niya kung paano dumilim ang mukha nito.

“Tama ka binili mo nga ako, Kaya kahit ayaw mo ay kailangan mong makinig sa akin dahil parte ng bayad mo ang mga pagseserbisyo ko sayo” ang galit nitong sabi at hinablot ang kanyang kamay at binalot ng bandana ang kanyang kamay na dumudugo.

“Sabihin mo sa akin Faith kung magkano ang kailangan kong bayaran para makuha ko ang puso mo” ang galit niyang sigaw dito at kita niyang nagulat ito sa sinabi niya.

“Magkano ang bayad para mabili ko ang pagibig mo? Handa Kong ibigay sayo ang lahat ng kayamanan ko bilang bayad sa puso mo. Mahalin mo lang ako” ang umiiyak na niyang sabi kay Faith na panay ang tulo ng mga luha at hindi makapagsalita sa mga sinabi niya dito.

Naramdaman na lang ni Nathaniel ang kamay ni Faith na lumagapak sa kanyang pisngi. At ng titigan niya ito ay kitang kita niya ang sakit na nakabalay sa maganda nitong mukha.

“Hindi kayang tumbasan nang kahit gaano karaming pera ang pagibig Nathaniel, Hindi ito binibili kundi kusang ibinibigay” ang umiiyak niyang sabi dito

“Ang tanging katumbas ng Pagibig ko para makuha mo ay ang mismong puso mo” ang malakas niyang sigaw kay Nathaniel na hindi makahuma sa kanyang sinabi kaya dali-dali niya itong tinalikuran at tumakbo papunta sa mansiyon.

Samantalang si Nathaniel naman ay Hindi maintindihan Kung matutuwa o masasaktan dahil sa sinabi ni Faith. Nalilito siya sa ibig sabihin ng huling sinabi ni Faith sa kanya at the same time ay nagsisisi siya sa mga sinabi niya dito.

“Im sorry Faith, Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Tama si Amy sa sinabi niyang Selfish ako at duwag. Pero Mali siya sa ng sabihing hindi ako marunong magmahal. Dahil eto ako ngayon at alipin ng Pagibig ko sayo. Mahal na mahal kita Faith na sa sobrang Pagibig ko sayo ay nasisiraan na ako ng bait at nalilito kung paano sasabihin sayo ang Pagibig ko” ang sabi ni Nathaniel kung naririnig lang sana siya ni Faith.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 10Biniling Pag-ibig: Chapter 12 >>

393 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 11

Leave a Reply