Biniling Pag-ibig: Chapter 10

This entry is part 11 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

MAAGANG nagising si Faith at ng makita niyang masarap pa rin ang tulog ni Nathaniel ay naisipan niyang bumaba na lang muna at maglakad lakad.

“Good morning iha, Ang aga mo namang nagising” ang nakangiting sabi sa kanya ng Lola ni Nathaniel na nagkakape sa may garden.

“Good morning po Lola” ang nakangiti niyang sabi dito at hinalikan ito sa may pisngi.

“Halika at magkape ka muna” ang yaya nito sa kanya na magalang naman niyang tinanggap at naupo siya sa tabi nito.

“Alam mo Iha, Kahit bago lang kita nakikilala ay napakagaan ng loob ko sayo” ang sabi nito sa kanya na bahagya pang nakahawak sa kanyang kamay.

“Ako din po Lola, Masaya ako at naging parte ako ng pamilya ninyo” ang sabi niya dito at nakita niyang bahagyang namasa ang mga mata nito dahil sa sinabi niya.

“Mas Masaya kami na naging bahagi ka ng pamilya” ang sabi nito sa kanya na ikinangiti niya.

“Alam mo iyang si Nathaniel ay napakatahimik na bata, mula pagkabata niyan ay napakailap na nito at napakatahimik.Kabaliktaran ng kakambal niyang si Natasha na palakaibigan at mausisa” Ang pagkukuwento nito sa kanya na bahagyang nakangiti.

“Pero nang makilala niya si Amy ay nagbago siya, naging masayahin at palabiro ito, Pero nang mamatay si Amy ay bumalik siya sa dating ugali niya na tahimik at laging nagiisa, naging masungit din ito, lalo na sa mga babae. Kaya sobrang saya namin ng maging bahagi ka ng buhay niya dahil naging masayahin Na ulit ito at nagiba na ulit siya dahil sayo” ang dagdag pa nito na kumuha ng kanyang buong atensiyon.

“Sino po si Amy?” ang tanong niya sa matanda na bahagyang natahimik at tila nagulat sa kanya.

“Hindi pa ba naikukuwento sa iyo ni Nathaniel ang tungkol kay Amy?” ang nagtata nitong tanong sa kanya.

“Hindi po Lola” ang bahagyang nakayuko niyang sagot dito dahil kahit Hindi niya kilala ang Amy na sinasabi nito ay bahagya pa rin siyang nakadama ng selos at ingit para dito.

“Si Amy ay dating kasintahan Ni Nathaniel, namatay siya sa aksidente.” Ang sabi nito Na bagamat malungkot ay may nakabakas Na kaunting galit sa mata nito.

“Ang Masakit pa sa lahat, ng araw na maaksidente si Amy ay araw kung kailan paguusapan na sana nila ang kasal. Pero may tumawag kay Nathaniel at sinabing nakipagtanan na ito” ang sabi nito na bahagyang namamasa ang mga mata.

“Namatay si Amy Na may kasamang lalaki sa kotse at nalaman namin Na magtatanan pala sila ng kasama nito ng araw na maaksidente sila, durog na durog ang puso ni Nathaniel ng makita ang bangkay nila Amy at ng kasama nito na magkayap sa loob ng kotse” ang sabi nito na hindi na napigilan ang pagluha.

Maging siya napatutop ang kamay sa may bibig dahil sa nalaman. Hindi niya alam Na ganoon pala kasakit ang pinagdaanan ni Nathaniel.

“Akala namin Hindi Na makakaahon si Nathaniel mula sa sakit na dulot ng pagtataksil at pagkamatay ni Amy, Kaya ganoon na lang ang pasasalamat namin ng dumating ka sa buhay ni Nathaniel dahil nakikita namin kung gaano ninyo kamahal ang isa’t isa and you both deserve each other” ang nakangiti nitong sabi sa kanya habang nakahawak sa kanyang mga kamay.

“Mahalin mo at ingat si Nathaniel dahil nakikita ko kung gaano ka niya kamahal” ang dagdag pa nito sa kanya.

“Kung alam mo Lang Lola Na binili Lang ako Ni Nathaniel at Hindi talaga ako nito mahal” ang malungkot Na bulong ng kanyang isipan Na nagpapaantak sa kanyang puso.

“Wag po kayong mag-alala Lola, hinding hindi ko sasaktan si Nathaniel dahil mahal na mahal kop o siya” ang totoo sa loob na sabi niya sa Lola nito na natuwa sa sinabi niya.

“Salamat iha, aasahan ko ang sinabi mo” ang sabi nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Pagkatapos nilang mag-kape ay nagpaalam siya Na maglalakad-lakad Lang sa buong asyenda na sinang-ayunan naman nito.

Hindi niya namalayan Na medyo napapalayo Na siya dahil abalang-abala siya sa katitingin sa napakagandang paligid ng asyenda. Nakita niya ang napakagandang gulod Na nasa loob ng kubling bahagi ng asyenda mayroong magandang ilog na napapalibutan ng mga bulaklak.g

Naisipan niyang mahiga sa damuhan na napapalibutan ng mga bulaklak, malalim ang paligid at napaka preko ng hangin na humahaplos sa kanyang pisngi. Kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakinig sa mga ibon na humuhuni.

Inaantok na siya ng may marinig siyang yabang ng kabayo at mukhang palapit sa kanya, kaya idinilat niya ang kanyang mga mata para lang magulat dahil nakita niya ang lalaki na pababa ng kabayo.

“Sino ka? At anong ginagawa mo dito?” ang tanong niya ng makalapit ito sa kanya.

“Ikaw dapat ang tanungin ko, Sino ka? At anong ginagawa mo dito sa aming hasyenda?” ang balik tanong nito sa kanya na bahagyang nakakunot ang mga noo.

“Inyong Hacienda? Hindi Na ba ito nasasakupan ng hacienda Matilda?” ang tanong niya dito pagkatapos niyang tumayo at pag-pagan ang kanyang damit na dinikitan ng damo.

“Sa Hacienda Matilda pa rin ito, at pag-aari ng mga Lola at lolo ko ito” ang sabi nito sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

“Kaano-ano mo si Nathaniel?” ang tanong niya dito ng marealize ang sinabi nito

“Pinsan ko siya. Kapatid ng mother ko ang mommy niya. Paano mo nakilala si Nathaniel?” ang tanong naman nito sa kanya. Sasagutin Na Sana niya ito ng marinig niya ang yabag ng kabayo palapit sa kanila at ng tignan niya kung sino ito ay si Nathaniel pala.

“Asawa ko siya” ang sagot Ni Nathaniel Na pababa na ng kabayo.

“Nathaniel” ang nakangiti niyang sabi ng makalapit Na ito sa kanila at inakbayan siya nito habang nakangiti.

“Asawa mo siya?” ang nakakunot noo namang tanong naman ng pinsan nito sa kanila.

“Yes Aldrin, Asawa ko siya. By the way this is Faith, Faith si Aldrin pinsan ko” ang nakangiti nitong pakilala sa kanilang dalawa.

“Gosh Bro. kailan ka pa nagpakasal, Bakit wala akong alam?” ang nakangiti nang sabi nito“Nice to meet you Faith” at inilahad ang kamay sa kanya na tinanggap naman niya naramdaman niya na bahagya nitong pinisil ang kanyang kamay na ikinailang niya kaya hinigot hinigot niya agad ang kanyang kamay.

“Pasensiya na insan at madalian, But don’t worry sa kasal namin sa simbahan siguradong padadalhan kita ng invitation” ang sabi ni Nathaniel dito.

“Sure” ang sabi naman nito at tumingin ulit sa kanya “My, my at pareho pa ng type ko ang type mo pala” ang sabi nito na sa kanya nakatingin at nakita niya na bahagyang nagdilim ang mukha ni Nathaniel at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi nito.

“Ano pala ang ginagawa mo dito?” ang tanong ni Aldrin sa kanya na mukhang hindi napansin ang pagdidilim ng pisngi ni Nathaniel.

“Naglakad-lakad lang ako at nakita ko itong gulod” ang sabi naman niya Na bahagyang nakayuko dahil naiilang siya sa ginagawang pagtitig ng pinsan nito.

“Kanina pa kita hinahanap, Nandito ka Lang pala” ang sabi naman ni Nathaniel sa kanya.

“Pasensiya ka Na, ang sarap kasi ng tulog mo. Kaya naisipan Kong maglakad-lakad na lang muna at napadpad nga ako dito” ang nakangiti niyang sabi kay Nathaniel.

“Ganoon ba, halika at medyo mataas na ang araw” ang sabi nito sa kanya at inakay na siya papunta sa kabayo.

“Pinsan iuuwi ko na muna ang asawa ko” ang sabi nito na binigyang diin ang salitang ‘asawa’.

“Sige uwi na tayo, medyo mataas na ang araw” ang sabi naman ni Aldrin na sumakay na din sa kabayo nito.

“Halika, sakay Na” ang sabi Ni Nathaniel sa kanya, pero hindi niya magawang sumakay sa kabayo dahil sa takot dahil sa nangyari kahapon.

“Ah Nathaniel, maglalakad Na lang ako. Mauna na kayo” ang sabi niya kay Nathaniel

“Come on Sweetheart, I know natatakot ka but im here” ang sabi nito at kinarga siya pasampa sa kabayo kaya wala siyang nagawa kundi ipikit ang mga mata.

Naramdaman niyang umupo si Nathaniel sa may likuran niya at niyakap siya. Nauna nang umalis si Aldrin at alalay Lang ang pagpapatakbo Ni Nathaniel sa kabayo.

“Natatakot ka pa rin ba?” ang masuyong tanong Ni Nathaniel sa kanya.

“Hindi na masyado” ang sabi niya kay Nathaniel, Totoo naman ang sinabi niya dahil Hindi na siya nakakaramdam ng takot dahil nakasandal siya sa dibdib ni Nathaniel at secure na secure ang pakiramdam niya.

“Good” ang sabi nito at naramdaman niyang bahagya nitong hinalikan ang kanyang ulo.

“Ah Faith” ang sabi nito pagkalipas ng ilang sandali

“Ano yun?” ang tanong niya dito

“Umm about Aldrin, wag ka masyado lalapit sa kanya” ang sabi nito sa kanya na ikinatingala niya dito. Pero hindi niya mabasa ang reaksiyon nito.

“Bakit?” ang tanong niya dito Na bahagyang nangingiti ng lihim dahil sa kaisipang baka nagseselos si Nathaniel.

“Can’t you tell? His flirting with you” ang sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.

“Hindi naman siguro Nathaniel, Pinsan mo kaya siya” ang sabi niya dito dahil nagulat siya sa paraan ng pagkakasabi nito sa kanya na akala mo galit.

“I know him well Faith, Playboy iyang pinsan ko. Para din naman sayo ito” ang sabi nito sa kanya na ikinadismaya niya, Gusto sana niyang marinig na sabihin nitong nagseselos ito kaya ayaw siyang palapitin sa pinsan nito.

“Ilusyunada ka babae” ang pagalit niyang saway sa sarili.

Pagkadating nila sa may kuwadra ay inalalayan siya nitong bumaba ng kabayo at pumasok na silang dalawa sa may Mansiyon para lang magulat sa nakitang bisita.

“Nathaniel, sweetheart” ang masayang sigaw ni Lira ng makita si Nathaniel na papasok ng bahay, tumakbo pa ito payakap dito at hinalikan ito sa labi. Para siyang itinulos sa pagkakatayo at di alam kung anong gagawin, kung hahablutin si Nathaniel palayo kay Lira o itutulak si Lira palayo kay Nathaniel. Tulad niya ay natitigilan din ang pamilya ni Nathaniel na nakakita sa ginawa ni Lira.

“What are you doing here” ang pagalit Na sabi Ni Nathaniel pagkatapos itulak palayo si Lira.

“I found out Na nandito ka pala, kaya naisipan Kung pumunta dito at dalawin ka” ang sabi nito Na pilit ipinulupot ang mga kamay sa braso ni Nathaniel at bale wala dito kung naroon man siya.

“Umalis ka Na” ang madiing sabi ni Nathaniel kay Lira na pilit tinatanggal ang pagkakahawak nito sa braso ni Nathaniel.

“Ano ka ba naman sweetheart, miss na miss kita. Kaya ng sumunod ako sayo dito eh” ang sabi nito Na inihilig pa ang ulo sa dibdib ni Nathaniel.

“Excuse me” ang nanghihina niyang sabi at lumakad Na papunta sa kuwarto nila ni Nathaniel.

Narinig niyang tinawag siya ni Nathaniel at ng mama nito pero hindi siya huminto at tuloy-tuloy lang na lumakad papunta sa kanilang kuwarto.

Alam niyang Hindi niya dapat iniwan si Nathaniel kasama si Lira, pero nalilito siya at the same time ay parang dinudurog ang kanyang puso sa nakita.

Kahit alam niyang ayaw ni Nathaniel sa nangyari ay hindi pa rin niya makontrol ang sakit na nararamdaman at the same time hindi niya matagalan ang naawang tingin sa kanya ng Mama at mga kapatid ni Nathaniel na nakakita sa ginawa ni Lira, baka hindi niya lang mapigilan ang sarili at magkasakitan sila ni Lira kaya minabuti na lang niyang umiwas.

“Faith are you okay?” ang narinig niyang sabi ni Natasha na nakapasok na pala sa kuwarto, kaya huling huli siya na umiiyak.

“Huh ah oo” ang sabi niya at mabilis na pinunasan ang luhang naglandas sa kanyang pisngi at pilit ngumiti.

“Im sorry for what happen” ang mahina nitong sabi sa kanya “Hindi namin alam na darating si Lira, pinauuwi na nga siya ni Mama pero napakakulit ng bruha” ang dagdag pa nito.

“Okay lang iyon” ang sabi niya na bahagyang nakangiti kahit na ang loob ng kanyang puso ay patuloy na lumuluha.

“Faith” ang narinig nilang tawag ni Nathaniel na pumasok na rin ng kuwarto at lumapit sa kanya.

“Maiwan ko na kayong dalawa” ang paalam ni Natasha sa kanila at lumabas na ito.

“Im sorry” ang mahinang sabi ni Nathaniel na bahagyang nakayuko.

“Hey bakit ka naman nagsosorry?” ang kunwari natatawa niyang tanong dito kahit sa totoo lang ay gusto na niyang umatungal ng iyak.

“Sorry kasi Hindi ko naiwasan ang paghalik ni Lira, sorry dahil nandito siya” ang sabi nito sa kanya habang nakayuko.

“It’s okay, wala ka namang kasalanan” ang sabi niya pero dito na pilit ngumiti. “Alam mo naman Kung gaano ka pasaway yang si Lira, kaya magiingat ka, baka gapangin ka niyan mamaya” ang sabi niya na sinabayan pa ng tawa.

“Stop it Faith” ang sabi Ni Nathaniel sa kanya ng makitang panay ang tawa niya. Kahit wala naman nakakatawa sa sinabi niya.

“Hindi ka ba nakaramdam kaht konting selos?” ang tanong nito sa kanya at pilit hinuhuli ang kanyang mga mata.

“Bakit naman ako magseselos?” ang tanong naman niya dito Na bahagya pang ngumiti. Gustong gusto na niyang batiin ang sarili dahil sa husay niyang umarte, kahit sa totoo lang ay kanina pa dumudugo ang kanyang puso dahil sa nakita.

“Akala ko pa naman nagseselos ka, kaya ka umakyat dito.” Ang sabi nito sa kanya na kababakasan na ng sama ng loob.

“Sus Hindi Noh, kaya ako umakyat kasi baka sabunutan na naman ako ng Lira na iyon at nakakahiya sa pamilya mo kung duon pa kami magsasabong. Isa pa bakit naman ako magseselos, e binayaran mo naman ako para dito diba” ang natatawa niyang sabi dito at kitang-kita niya ang sakit Na bumalatay sa mukha nito pero saglit lang iyon dahil naging blanko ang ekspresyon nito.

 “Okay” ang sumusuko nitong sabi sa kanya at tinalikuran na siya nito at bumaba ng bahay.

Ang luhang kinukubli niya ay tuluyan nang sumabog, Nagpapasalamat siya at nakisama ito kanina at Hindi pumatak habang nasa harap niya si Nathaniel.

Nakatulugan na niya ang pag-iyak. Naalimpungatan Na Lang siya ng marinig niya ang pagsara ng pinto at nakita niya si Nathaniel na nakatayo sa pintuan.

“Hi” ang mahina nitong sabi sa kanya ng makita siyang gising na.

“Hi” ang sabi naman niya Na pilit umupo sa kama.

“Mabuti at gising ka Na, kakain na tayo ng tanghalian” ang sabi nito sa kanya na lumapit na sa kama.

“Galit ka pa ba sa akin?” ang tanong niya dito ng makitang napaka seryoso pa rin ng mukha nito.

“Hindi naman ako galit sayo eh” ang sagot nito sa kanya.

“Ows hindi raw siya nagalit, tignan mo nga at nakakunot ang mga noo mo” ang nakangiti niyang sabi dito kahit bahagyang gumagaralgal ang kanyang boses, dahil sa totoo lang ay naiinis pa rin siya at nasasaktan sa pagkaalala sa nangyari.

Nakita niyang bahagyang ngumiti si Nathaniel at niyakap siya nito ng mahigpit na ikinagulat niya. Hindi niya mapigilang mapaiyak, dahil kahit alam niyang ayaw Ni Nathaniel sa nangyari kanina sa pagitan nito at ni Lira, ay hindi pa rin niya mapigilan ang magselos lalo na at alam niyang wala siyang karapatang maramdaman iyon.

Oo nga at kasal sila Ni Nathaniel, pero Hindi naman ibig sabihin noon ay may karapatan Na siya kay Nathaniel. Binayaran Lang naman siya Ni Nathaniel para magpakasal dito, Hindi dahil mahal nila ang isa’t isa.

“Hey” ang sabi nito ng maramdaman ang patak ng kanyang mga luha na bumasa sa may balikat nito.

“Why are you crying?” ang tanong nito sa kanya pagkatapos siyang titigan.

“Ikaw kasi eh, pinaiiyak mo ako” ang sabi niya dito, nakita niyang ngumiti si Nathaniel at pinunasan ang kanyang mga luha

“Im sorry Baby, tahan Na. Sige ka pag di ka tumahan hahalikan kita” ang masuyo nitong sabi sa kanya at nang patuloy pa rin siya sa pagiyak ay hinalikan nga siya nito sa mga labi na buong puso naman niyang tinanggap.

“Opps sorry” ang narinig nilang sabi ng boses na nanggaling sa may pintuan.

Gulat siyang naitulak palayo si Nathaniel nang makitang nakatayo si Natalie sa may pintuan at pilyang nakangiti habang nakatingin sa kanila.

“Tama na ang loving- loving ninyong dalawa at pinasusundo na kayo nila mama” ang sabi nito at tumatawang sinara ang pintuan, nakita niyang nangingiti si Nathaniel sa kanya.

“Bakit?” ang nagtataka niyang tanong dito ng makitang tumatawa ito

“Pulang pula ang pisngi mo honey” ang sabi nito sa kanya na ikinatawa na rin niya at hinampas ang braso nito.

“Halika nang kumain at baka bumalik pa dito ang pilyang Natalie na iyon” ang masuyong sabi ni Nathaniel sa kanya at inalalayan siya sa pagtayo.

“Teka Lang at magaayos lang ako sandali at magpapalit ng damit” ang sabi niya. Dali-dali na siyang tumayo at naghilas at nagpalit ng damit.

“Ah e Nathaniel” ang sabi niya ng palabas na sila ng kuwarto.

“Bakit?” ang nagtataka nitong tanong sa kanya ng makitang atubili siyang lumabas ng kuwarto.

“Nandiyan pa ba si Lira?” ang tanong niya dito

“Wala na” ang nakangiti nitong sabi sa kanya, kaya sumama na siya dito palabas ng kuwarto at papunta ng kusina.

Nakita niyang nasa lamesa na ang lahat pati na rin ang pinsan nitong si Aldrin.

“Naku, akala ko matatagalan pa kayo sa paglabas” ang natatawang sabi ni Natalie na may ibig sabihin, kaya pinamulahan siya ng pisngi.

“Ikaw talaga, ang kulit mo” ang sabi ni Nathaniel kay Natalie ng umupo na sila sa lamesa.

“Pasensiya na po kayo at nahuli kami” ang sabi niya sa mga kasama.

“Naku walang kaso iyon iha, sabi ni Natalie naguusap pa raw kayo ni Nathan kaya hinintay lang namin kayo” ang nakangiting sabi ng daddy ni Nathaniel sa kanila at nakita niyang natatawa si Natalie.

Nagpasalamat siya at walang bumanggit tungkol sa nangyari kanina.

“Tama na Nathan, ang dami na niyan” ang mahina niyang sabi ng maparami ang inilagay ni Nathaniel na kanin sa kanyang plato.

“Okay pero ubusin mo iyan huh” ang mahina nitong sabi sa kanya at nilagyan ng ulam ang kanyang plato. Lahat halos ng ulam na nasa lamesa ay inilagay nito sa kanyang plato.

“Naku para namang huling kain ko na ito” ang natatawa niyang sabi kay Nathaniel ng halos mapuno na ang kanyang plato sa dami ng pagkain.

“Ang sweet naman ng kuya, you know what Ate Faith, ngayon Lang iyan naging maasikaso” ang sabi Ni Natalie Na ikinatawa nila.

“Ikaw talaga Natalie, lagi mo Na lang niloloko ang kuya Nathan” ang nangingiti namang sabi ni Natasha kay Natalie.

“Ikaw naman lagi na lang kumakampi kay Kuya, kawawa naman tuloy akong bunso. Palibasa kasi magkadugtong ang bituka ninyo ng ipanganak kayo” ang sabi Ni Natalie Na sa siyang pasimuno lagi tawanan.

 “Naku Anak, kumain ka Na nga Lang at ng magkalaman ka” ang nakangiting sabi ni Ayessa sa anak na bunso.

“Pero alam mo Faith sayo Lang talaga naglambing iyang si Nathaniel” ang pambubuko naman ni Natasha sa kakambal.

“Akala ko sinasaway mo si Natalie e isa ka rin pala, mga kapatid ko ba talaga kayo” ang natatawang sabi ni Nathaniel sa mga kapatid na nakakaloko lang na nagsitawa.

“Ganyan talaga pinsan, pag nagiisa kang lalaki sa magkakapatid, pinagtutulungan ng mga babae” ang sabi naman ni Aldrin na tinutulan naman ng dalawang magkapatid.

Natatawa na lang siya sa pakikinig sa magkakapatid na panay ang tuksuhan habang kumakain, kaya hindi nila halos namalayan na madami na pala ang nakakain nila dahil sa saya ng usapan.

“Faith, gusto mo bang pumunta sa may ilog?” ang tanong ni Nathaniel sa kanya ng mag aalas dos na ng tanghali.

“Sige” ang mabilis niyang sagot dahil medyo maalinsangan ang panahon at mukhang masarap lumangoy sa ilog.

“Sandali Lang at magpapalit Lang ako nang panligo” ang sabi niya at sabik na sabik na naghanap ng maisusuot na panlangoy.

Dahil wala siyang pangswimming ay nagsuot Na Lang siya ng sleeveless Na kulay puti at short short at pinatungan niya ito ng paldang bulaklakin na kulay dilaw na umaabot hanggang bukong bukong at naglagay siya ng bandana sa ulo na kakulay ng kanyang palda.

“Ang ganda mo talaga Faith” ang nakangiting sabi ni Nathaniel sa kanya ng lumabas siya ng banyo.

“Naku binobola mo naman ako” ang natatawa niyang sabi dito, pero sa totoo lang ay kilig na kilig siya sa pamumuri nito.

“Halika na nga” ang sabi niya at dali-daling kumuha ng tuwalya at lumabas na sila ng kuwarto.

Paglabas nila ng bahay ay may iniabot sa kanilang basket ang katulong. Magkahawak kamay silang naglakad papunta sa may likod ng bahay kung saan naroon ang gardern. Laking gulat niya ng itulak ni Nathaniel ang pader na nababalot ng halamang gumagapang at nang bumukas iyon ay halos hindi siya makapaniwala sa nakita, para siyang namamalikmata dahil sa kabila pala ng bakod na iyon ay water falls.

“Wow ang ganda” ang tuwang tuwa niyang sabi ng makita ang buong paligid.

“Nagustuhan mo ba?” ang nakangiting tanong sa kanya ni Nathaniel.

“Oo napakaganda, hindi ko alam na may secret garden pala kayo” ang sabi niya Na iginagala ang tingin sa buong paligid.

“Hindi ito secret garden, nasa labas lang tayo ng asyenda” ang sabi nito natatawa.

“Sa inyo pa rin ba ito?” ang tanong niya dito

“Oo, ito ang dulo ng ilog na makikita mo sa buong asyenda” ang sagot nito sa kanya habang inilalatag ang dala nilang sapin at pagkain.

“Halika, langoy na tayo” ang excited Na sabi niya kay Nathaniel at dali-daling hinubad ang suot niyang palda at bandana, at tumakbo sa may ilog.

Nang makita niyang hinuhubad na ni Nathaniel ang damit nito ay hindi niya mapigilan ang sarili na humanga sa ganda ng katawan nito. Ang mga muscle nito ay nasa tamang lugar.

“Pumasa ba ako sa panlasa mo?” ang natatawa nitong sabi sa kanya ng makita siyang pinapanood ang paghuhubad nito ng damit at ang natira na lang ay ang swimming trunk nito.

“Hmm kung ang rating ay one out of ten ang rate mo fifteen” ang natatawa niyang sabi dito Na ikinatawa nito.

“Parang ikaw, ang sexy sexy mong tignan sa suot mo” ang sabi nito at hinigot Na siya sa tubig at inilangoy sa medyo malalim.

“Ang sarap ng tubig” ang nakangiti nitong sabi sa kanya habang karga siya nito sa ilalim ng tubig.

“Sabi ko naman sayo eh” ang natatawang sabi niya at ipinulupot ang mga braso sa may batok nito, habang pinakatitigan naman siya ni Nathaniel.

“Masaya ka ba sa piling ko Faith?” ang sabi Ni Nathaniel sa kanya na ikinatigil ng pagtawa niya.

“Ofcourse, ikaw masaya ba?” ang balik tanong naman niya kay Nathaniel

“Oo, sana lagi tayong magkasama” ang sabi nito sa kanya na ikinataba ng kanyang puso.

Habang pinakatitigan ni Nathaniel ang maamo at magandang mukha ni Faith na nakayakap sa kanya ay gustong gusto na niyang ipagtapat dito ang nararamdaman, dahil sa sinabi ni Faith na Masaya siya sa piling niya ay nagkalakas loob siyang sabihin na kay Faith ang kanyang nararamdaman.

“Bahala Na, basta ipagtatapat ko na ang nararamdaman ko sa kanya kesa ganitong parati na lang akong nagiisip kung mahal ba niya ako.” ang bulong ng kanyang isipan

“Faith” ang mahina niyang sabi dito

“Bakit?” ang tanong nito sa kanya na nagpakaba sa kanyang dibdib.

“May sasabihin ako sayo” ang sabi niya at pinakatitigan ang mga mata nito, kumuha muna siya ng hangin at bumuntong hininga ng makaramdam ng kaba, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kaba na lumulukob sa kanya.

“Ano iyon?” ang tanong nito na bahagyang nakakunot ang noo ng makitang panay ang buntong hininga niya.

“Faith mah……….” Ang Hindi Na matapos sabihin Ni Nathaniel dahil napalingon sila sa pinanggalingan ng boses.

NOTE:

HAPPY VALENTINES TOP READERS

this is not supposed to come until monday but bec its valentines day i figure i can give you guys a treat and FOO wag ka sana magagalit hehe para naman ito sa mga readers

thank you so much sa lahat ng readers i hope you like it and sana wag kayo bibitaw sa pagbabasa ng mga kuwento na ginawa at gagawin ko pa.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: Chapter 9Biniling Pag-ibig: Chapter 11 >>

276 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 10

Leave a Reply