Biniling Pag-ibig: Chapter 1

This entry is part 2 of 14 in the series Biniling Pag-ibig

NANLULUMONG napaupo si Faith sa upuang kawayan dahil sa masamang balitang sinabi ng kanyang Kuya Max. Nakakulong raw ang kanilang Ama dahil napagbintangan itong gumalaw ng malaking pera sa pabrikang pinagtatrabahuhan nito bilang Assistant Manager.

Isa-isang nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha dahil hindi niya lubos mapaniwalaan na ang kanyang butihing Ama ay makakayang gumalaw ng pera ng iba dahil masyadong mataas ang prinsipyo nito, wala rin itong bisyo maliban sa paminsan-minsang paginom na kadalasan ay isang bote lang naman ng Gin ang nauubos at nalalasing na ito.

Idagdag pa sa dahilan kung bakit hindi siya makapaniwalang ginalaw nito ang pera ay dahil wala namang nabago sa paraan ng pamumuhay nila dahil kadalasan ay kinakapos pa nga sila sa panggastos sa bahay at kinakailangan pang mag-abot kung minsan ng kanyang Kuya Max na nagtatrabaho sa Construction bilang Foreman.

At siya, Kung hindi lang dahil sa pagtatrabaho niya bilang Waitress sa isang Restaurant ay hindi pa siya makakapagpatuloy sa pag-aaral at ngayon nga ay nasa fourth year first sem na siya sa kursong secretarial.

“Faith ok ka Lang ba?” ang nag-aalalang tanong sa kanya ni Janina na malapit niyang kaibigan at isa ring waitress sa restaurant na pinagtatrabahuhan.

“Ang Tatay ko nakakulong daw” ang umiiyak niyang sabi dito na napaupo rin sa kanyang tabi.

“Bakit daw?” ang nagaalala nitong tanong sa kanya.

“Naka dispalko raw ng pera sa pabrikang pinagtatrabahuhan niya” ang pabulong niyang sabi dito habang dahan-dahang pinupunasan ang mga luha dahil nakita niyang may pumasok na costumer.

“Ano? Ang hirap naman atang paniwalaan niyan dahil mabait at maprinsipyo ang tatay mo” ang bulong din nito sa kanya dahil matagal na silang magkapit-bahay kaya kilalang-kilala nito ang kanyang Pamilya.

“Hindi nga rin ako makapaniwala dahil imposible talagang magawa ng tatay ko yun nakita mo naman halos wala namang pagbabago ang buhay namin diba” ang sabi niya dito na pilit pinipigilan ang pagpatak ng mga luha dahil nakatingin na sa kanila ang costumer na nakaupo sa katabi nilang lamesa.

“I know tahan Na maaayos din ang lahat ng ito, Ang mabuti pa mag under time ka na lang muna para makauwi ka nang maaga at makita mo ang tatay mo” ang suhestiyon nito sa kanya at inakay na siyang tumayo para pumunta sa stuff room.

“Magbihis ka na ipagpapaalam na lang kita kay Jerry” ang sabi nito, si Jerry ang kanilang supervisor na kasintahan nito.

“Baka hindi iyon pumayag” ang nagaalinlangan niyang sabi dito dahil kahit mabait si Jerry pagdating naman sa trabaho ay Istrikto ito.

“Akong bahala sayo isa pa emergency naman ito kaya siguradong pagbibigyan ka noon” ang paninigurado pa nito sa kanya bago siya nito iniwan.

Makalipas ang ilang Segundo ay nagpasya na siyang magbihis para umalis kahit payagan siya o hindi ng kanilang supervisor ay aalis siya dahil hindi na talaga niya kaya ang nararamdamang takot at kaba para sa kanyang Ama.

“Mabuti naman at nakabihis ka Na Faith dahil pumayag na si Jerry na umalis ka basta daw pumasok ko na lang ng maaga bukas” ang sabi ni Janina ng makapasok ito at makita siyang nakapagpalit na ng damit.

“Salamat Janina, Kung wala ka baka Hindi ko alam kung ano ang gagawin” ang sabi niya dito at bahagya pa itong niyakap bilang pasasalamat dito.

“Sus ito naman napakadrama ano pa at naging kaibigan mo ako Kung ganitong maliit Lang Na bagay ay hindi pa kita matulungan” ang sabi nito sa kanya na may bahagyang ngiti sa mga labi.

“Salamat talaga” ang sabi niya dito at kinuha na ang kanyang bag para umalis.

“Magiingat ka balitaan mo Na Lang ako Kung ano na ang nangyari ok?” ang sabi pa nito nang patalikod na siya.

“Oo babalitaan kita agad, sige mauna na ako sayo” at nagmamadali na siyang lumabas para umuwi.

Pagdating na pagdating palang niya sa kanilang bahay ay Dali-dali siyang pumasok ng makitang bukas na bukas ang kanilang pintuan para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng sabihin sa kanyang dinala ang kanyang Ina sa may Hospital dahil hinimatay daw ito kaya mabilis pa sa alas kuwatro siyang na patakbo palabas para pumunta sa sinabing hospital.

“Kuya” ang tawag niya sa kapatid nang makita niyang itong nakayukong nakaupo sa may upuan sa harap ng Emergency room.

“Kuya” ang ulit niyang tawag dito bahagya pa niya itong tinapik sa braso dahil parang hindi siya nito naririnig at nakikita kahit nakatayo na siya sa may harapan nito.

“Faith nandyan ka pala” ang sabi nito na namumula ang mga mata tanda na kanina pa ito nagpipigil umiyak.

“Kuya kumusta na ang lagay ni Nanay” ang tanong niya dito na hindi na napigilan ang mapaiyak dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyang mga magulang.

“Hindi ko alam, dahil hindi pa lumalabas ang doctor na nagaasikaso sa kanya” ang sabi nito na bahagya pang gumaralgal ang boses.

“Ano ba itong nangyayari sa atin si Tatay naka-kulong ngayon naman si Nanay” ang nanghihina niyang sabi sa kapatid dahil halos magkasabay ang dagok na dumating sa kanilang pamilya.

“May awa ang Diyos alam ko matatapos din ito at magiging maayos na ang lahat” ang sabi nito at kinabig siya palapit dito kaya iniyakap niya ang mga kamay sa kapatid at doon sa dibdib nito nagiiyak.

Lumipas ang mahigit dalawang oras na kakaba-kaba ang kanilang dibdib sa sobrang pag-aalala sa kalagayan ng kanilang ina dahil  hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring lumalabas na kahit sino sa nakapinid na pinto kaya hindi nila alam kung ano na ba ang nangyayari sa loob.

“Kuya bakit ang tagal naman nila, bakit wala pa ring lumalabas na kahit sino sa Emergency room” ang di na mapakaling sabi niya sa kapatid na panay ang lakad pabalik-balik sa harapan niya.

“Hindi ko alam Faith kaya please lang wag mo akong tanungin” ang sabi nang kanyang kapatid na kababakasan na ng pagkabalisa dahil sa walang hinto nitong paglalakad habang kagat ang isang daliri, ganoon ito kapag may bumabagabag dito o natatakot.

Maya-maya Lang ay biglang bumukas ang pintuan pareho pa silang nagulat ng kuya niya at sabay din silang napatakbo palapit sa bagong labas.

“Sino ang kamag-anak ng pasyente?” ang tanong nito sa kanila habang inaalis ang surgical mask nito.

“Anak po kami ng pasyente” ang nanginginig niyang sabi dito habang piilit pinipigilan ang pagtulo ng luha sanhi ng sobrang kaba sa sasabihin nito tungkol sa kalagayan ng ina.

“Kumusta na po ang Nanay?May nangyari bang masama sa kanya?” ang narinig niyang tanong ng kanyang kapatid Na hinawakan pa ng mahigpit ang braso ng doctor.

“Relax” ang mahinang sabi ng Doctor Habang bahagyang iniaalis ang kamay ng kanyang kapatid na nakapisil sa mga braso nito.

“Relax? Paano kami magre-relax Kung kanina pa kami mamatay-matay sa kaba dahil mahigit dalawang oras na nasa loob ang aming ina” ang sabi ng kanyang kuya na mataas na ang boses.

“Sir calm down, maayos na ang kalagayan ng iyong Ina ligtas na siya sa panganib” ang sabi nito sa kanila at pareho pa silang nakahinga ng maluwag ng kanyang kuya.

“Pero tatapatin ko na kayo kailangan ng inyong ina na ma-operahan dahil may namumuong dugo sa ugat ng kanyang puso at kung hindi ito maagapan ay maari niya itong ikamatay” ang marahan nitong sabi sa kanila na halos ikatulig ng kanilang tenga pakiramdam ata niya ay para silang mga isda na inalis sa tangke ng tubig at inalisan ng hasang.

“Wala na bang ibang paraan maliban sa operasyon?” ang tanong ng kanyang kuya na halos magbara na ang lalamunan dahil sa samot-saring emosyon na nagsisimula nang umalipin dito.

“Ikinalulungkot ko pero matagal nang iniinda ng iyong Ina ang sakit na ito kung ang pagbabasihan ko ay ang kanyang kalagayan, Malaki na ang kanyang puso dahil sa nagbarang dugo at hindi na ito kakayanin pa ng kahit malakas na gramo ng gamot” ang patuloy nitong sabi sa kanila ng kanyang kapatid na halos ikapugto na ng kanilang hininga dahil siguradong malaking halaga ang kakailanganin nila para sa operasyon nito at kinakailangan pang magaling na espesiyalita sa puso ang gagawa nito.

“Ma-magkano a-ng ka-ka-ilang-anin namin para sa operasyon?” ang nagkakandabuhol buhol niyang tanong sa doctor.

“Malaking halaga ang kakailanganin ninyo para sa operasyon, maliban pa sa mga gamot na kailangan nito” ang sabi nito sa kanila na nagpatumba sa kanya mabuti na lang at maagap ang kanyang kapatid at nasalo siya.

“Im sorry but we will do what we can to help your mother, sa ngayon pinapayuhan ko kayong humanap na nang pera para ma-operahan siya at kailangang sa lalong medaling panahon” ang sabi nito sa kanila at bahagya pang hinawakan ang balikat ng kanyang kapatid bago ito tumalikod sa kanila.

“Anong gagawin natin kuya ? Saang kamay ng Diyos natin hahanapin ang ganoong kalaking halaga?” ang naghihisterya na niyang sabi sa kapatid dahil nawawalan na siya ng pag-asa na matulugan ang kanilang ina dahil kahit siguro ibenta nila ang lahat ng kanilang ari-arian ay hindi pa rin sasapat ang mga iyon kahit pa siguro sa gamot lang idagdag pang nakakulong ang kanilang ama at siguradong wala itong maitutulong.

 “Hindi ko alam pero isa lang ang alam ko kailangan nating subukan na matulugan ang Nanay” ang umiiyak na nitong sabi sa kanya at mahigpit silang nagyakap na magkapatid parang sa ganoong paraan man lang ay makakuha sila ng lakas sa bawat isa.

Nang mahimas-masan silang magkapatid ay dali-dali silang pumasok sa kinaroroon ng kanilang ina para tignan ang kalagayan nito halos magdugo ang kanilang mga puso dahil sa nakita. May tubong nakakabit sa gilid ng bunganga nito at mayroong oxygen tank sa ilong nito at sa mga kamay ay may dalawang suwero ang isa ay dugo at ang isa naman ay dextrose napakaputla rin ng maganda nitong mukha animo wala nang buhay ang mga labi nitong mapupula ay nawalan nang dugo at naging puti sa kaputlaan hindi na niya halos matitigan ang kanilang ina kaya mas minabuti na lang niyang tumakbo palabas ng kuwarto.

Nang makarating siya sa may labas ay halos bumagsak na siya kung hindi pa siya nasapo ng kung sino ay baka ang semento ang kanyang binagsakan.

“Miss are you okay?” ang narinig niyang sabi ng lalaking sumalo sa kanya sa muntikan nang pagkakatumba. Kaya dahan dahan siyang nagangat ng ulo para makita ang may salo sa kanya at pareho pa silang natulala sa isa’t-isa.

Siya ay nabato-balani sa napakaguwapong lalaki na nakahawak sa kanya, kahit naman siguro sinong babae or binabae na makakakita dito ay siguradong mapapatulala dahil napakaguwapo ng mukha nito. Parang humihigop ng diwa Kung makatingin ito tipong kahit sinong matitigan ay mahihipnotismo sa bilugan at maiitim nitong mata, ang ilong nito ay napakatangos at mapupula ang mga labi nito na parang napakatamis sa paningin tipong napakasarap tikman at ang pisngi nito ay may malalim na biloy at ang baba ay parang mansanas.

Nagulat siya nang maramdamang masuyo nitong pinupunasan ng mga daliri ang kanyang basang mukha dahil sa luha habang hindi inaalis ang mga kamay nito na nakasalo pa rin sa kanyang bewang, halos mapaso siya sa init na hatid ng mga palad nito na masuyong humahaplos sa kanyang mga mukha habang pinakatitigan siya.

Nalilito siya sa ginagawa ng lalaki dahil napakasuyo ng paghaplos nito sa kanyang pisngi na para bang babasagin siyang Kristal na baka mabasag kung hindi ito magiging masuyo na ikinatataka niya dahil estranghero ito sa kanya.

“Ah— e— okay na ako” ang natataranta niyang sabi dahil sa kakaibang pakiramdam na hinahatid ng bawat haplos ng palad nito sa kanyang pisngi.

“Oh yeah sure” ang sabi nito sa kanya at bigla siyang binitiwan na para bang napaso.

“Salamat” ang mahina niyang sabi dito at dali-dali na siyang lumakad palayo, narinig pa niyang tinatawag siya nito pero hindi na niya ito pinansin at mas lalo pang nagmadali sa paglalakad.

Manila City Jail ……….

“Maniwala kayo sa sinasabi ko Mr. Fuentabelia wala akong ginagalaw na pera sa kaha kahit isang singko” ang sabi ng matandang kausap ni Nathaniel ng dalawin niya ito sa may kulungan upang sabihin dito na pormal na siyang maghahain ng kaso laban dito dahil sa ginawa nitong pagdispalko sa mahigit limang daang libong piso na pera ng isa sa kanilang pabrika.

“Mr. Santilian ang hirap naman atang paniwalaan ng sinasabi ninyo dahil halos lahat ng ebidensya ay ikaw ang itinuturo maging ang iyong Manager ay madiing sinasabi na ikaw ang nagpalabas ng mga materyales na hindi awtorisado ng kumpanya, maliban pa sa perang nawawala sa kaha” ang mahinahon pa rin niyang sabi dito dahil hanggang sa mga sandaling ito ay ayaw pa rin nitong umamin.

“Hinding hindi ko magagawa ang ganoong bagay Mr. Fuentabelia inaamin kong mahirap kami at kinakapos sa buhay pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na galawin ang perang hindi akin lalo pa ang pera ng kumpanyang nagpapalamon sa aming buong pamilya” ang madiin nitong sabi na ang mga mata ay mamasa-masa na dahil sa pinipigil na luha.

“Kung hindi kayo ang gumalaw sino? At bakit halos lahat ng chekeng hindi awtorisado na lumabas ay ikaw ang may pirma” ang nakakuyom niyang sabi sa matanda dahil hindi niya maintindihan ang sarili Bagamat nagagalit siya dito ay hindi rin niya mapigil ang maawa dito pero kailangan niyang paglabanan ang nararamdaman dahil isa itong magnanakaw at nagkasala ito sa kanilang kumpanya.

“Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon basta wala akong natatandaang pumirma ako ng tseke” ang sabi nito sa kanya na bahagyang ikinakunot ng kanyang mga noo.

“Kung ganoon sino ang pumirma ng mga tsekeng ito?” ang tanong niya dito sabay lapag ng mga kopya ng tseke sa harapan nito.

“Paanong —-“ ang hindi na nito natapos sabihin at hindi ito makapaniwalang napahawak sa buhok dahil sa nakitang mga pirma na kamukhang kamukha ng pirma nito.

“Hindi ba ganyan ang pirma ninyo Mr. Santilian?” ang sabi niya dito Na bahagyang naguguluhan sa nakikita niyang pagtataka at pagkagulat na nakaguhit sa mukha nito.

“Aaminin Kong kamukhang-kamuha nga iyan ng prima ko pero hindi ako ang pumirma niyan” ang matigas nitong diin sa bawat salitang binitiwan pagkatapos makabawi sa pagkagulat.

‘Mr. Santilian umamin na kayo dahil kahit anong tanggi ninyo ay mapapatunayan pa rin sa husgado na ang mga pirmang yan ay sa inyo kayo rin ang mahaharap sa mas matinding parusa pag nagkataon” ang pananakot niya dito upang mapaamin ang matandang hanggang ngayon ay napakatigas pa rin ng pagtanggi.

“Wala akong dapat aminin Mr. Fuentabelia dahil ang lahat ng sinasabi ko sa inyo ay pawing katotohanan” ang sabi nito na Bagamat mahina ang pagkakasabi ay may diin ang bawat salita nito at nakatingin pa ng mariin sa kanyang mga mata.

“Bahala kayo Mr. Santilian kung mas gusto ninyong makipag-matigasan sa hus—-“ ang hindi na niya natapos pangsabihin dahil may biglang lumapit sa kanila.

“Tatay?” ang naguguluhang tanong ng bagong dating Na si Faith, at nakita niya ang pagkagulat na rumihistro sa maganda nitong mukha nang matitigan siya.

“Anak anong ginagawa mo dito?” ang natatakutang tanong ng matandang lalaki sa napakaganda nitong anak na hindi pa rin inaalis ang pagkakatingin sa kanya na parang nagtataka.

“Tatay sinabi sa akin ni Kuya na nakakulong po kayo dito” ang sabi nito na nagsimula nang tumulo ang mga luha sa napaka-ganda nitong mukha at tulad sa may ospital pakiramdam niya ay gusto niya ulit pahiran ang mga mga luhang saganang tumutulo sa mukha nito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang binayo ang kanyang dibdib dahil sa nakikitang pagiyak ng ekstrangherang nakayakap na ngayon sa matanda na umiiyak na rin.

“Anak Hindi ka Sana nagtungo pa dito ayaw Kong makita mo ako sa ganitong kalagayan” ang narinig niyang sabi ng matandang lalaki habang Panay ang pahid nito sa luhang tumutulo sa mata ng anak nito.

“Ah eh mauuna na ho ako sa inyo Mr. Santilian saka na lang ako ulit babalik para makipagusap sa inyo” ang hindi niya mapigilang paalam sa mag-amang nakalimutang naroroon siya dahil hindi na niya makaya pa ang madramang tagpong nakikita.

“Mr. Fuentabelia alam kong ayaw ninyong maniwala sa sinabi ko sa inyo pero iyon po ang totoo at hindi ako nagsisinungaling hinding hindi ko po magagawa ang ibinibintang ninyo” ang sabi nito sa kanya na ng mapagmasdan niya ang mukha nito ay parang nakikiusap na paniwalaan niya ang sinasabi nito.

“Gaya nga ho ng sinabi ko kanina sa husgado na lang tayo maghaharap at doon ninyo linisin ang pangalan ninyo” ang sabi niya dito at bahagya munang sinulyapan ang napakagandang dalaga na nakatingin sa kanya bago tuluyang lumayo sa mag-ama.

“Itay siya po ba ang nagpakulong sa inyo?” ang tanong ni Faith sa ama habang nakasunod pa rin ang tingin sa lalaking palabas na ngayon ng pintuan.

“Tama ka si Mr.Fuentabelia ang nagpakulong sa akin dito”  Ang sabi nito at kitang-kita pa niya ng bahagyang pinaglambungan ng lungkot ang mukha nito.

“Itay Hindi ako naniniwala sa ibinibintang nila sa inyo siguradong nagkakamali lang ang mga iyon ng taong pinagbibintangan” ang buong paniniwala na sabi niya sa Ama dahil kilala niya ang kanyang Ama na ma prinsipyo at mabuting tao.

“Hayaan mo anak lalabas din ang totoo at malilinis ko rin ang pangalan ko” ang sabi ng kanyang Ama pero mababasa mo ang kawalang kasiguraduhan sa boses nito.

“Anak, kumusta na pala ang Nanay mo ?” ang sabi ng kanyang ama makalipas ang ilang sandaling katahimikan.

“Ah e Tatay kasi—“ang Hindi niya matapos-tapos Na sabihin dahil sa pagkabikig ng kanyang lalamunan dahil hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagsasabi sa kanyang Ama ng tungkol sa kalagayan ng kanyang Nanay.

“Anak? ” ang nagtatakang tanong ng kanyang Ama.

“Tatay nasa ospital si Nanay at- at kai-langan daw siyang operahan” ang sabi niya dito Na hindi makatingin ng tuwid sa mukha nito dahil ayaw niyang makita ang sakit na nakalarawan sa mukha nito.

“Kailan pa nangyari ito Faith?” ang sabi nito na hindi maiwasang pumiyok ang boses at ng itaas niya ang tingin dito ay nakita niyang halos wala nang kulay ang mukha nito.

“Nang Araw na hulihin kayo” ang mahina niyang sabi dito at kitang-kita niyang nagunahan ang pagtulo ng luha nito Na lalong nagpasakit sa kanyang dibdib.

“Tay wag Na kayong umiyak ginagawa namin lahat ni Kuya ang makakaya namin para mailigtas ang Nanay” ang sabi niya dito na hindi na rin mapigil ang pagtulo ng luha habang yakap ang ama.

Makalipas ang ilang sandali ay tumigil Na rin sa pagiyak ang kanyang ama ngunit mababakas mo pa rin ang lungkot at pag-alala nito para sa asawang may karamdaman.

“Tay mauna na po ako kailangan ko pa kasing mag-luto sa bahay para sa pagkain ni kuya at Nancy bago ako bumalik sa ospital” ang paalam niya dito Bagamat ayaw niya Sana itong iwanan sa ganoong kalagayan ay kailangan niyang pa ring umalis dahil nakatingin na sa kanila ang guwardiya dahil malapit na matapos ang visiting hours.

“Sige iha pasensiya na kayo ng mga kapatid mo at wala man lang akong maitulong kung hindi sana ako nandito sa lugar na ito” ang sabi nito na lumong lumo na inihaplos ang dalawang palad sa mukha nito.

“Ok Lang iyon Tay sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong pamilya, wag na ninyong masyadong pakaisipin pa ang problema kakayanin natin ito” ang sabi niya sa ama at niyakap ito ng mahigpit na mahigpit upang sa ganoon man lang bagay ay maramdaman nitong hindi ito nagiisa.

“Salamat mga anak napaka buti ninyong magkakapatid” ang sabi nito sa kanya at hinalikan siya sa may noo.

“Mauuna Na po ako Tatay dadalaw na lang ako ulit pag may pagkakataon” ang sabi niya dito at hinalikan ito sa pisngi bago tumalikod.
Pagdating Na pagdating niya sa kanilang bahay ay dali-dali siyang nagpalit ng damit at tumingin sa kanilang may kalumaan nang ref para tumingin ng pagkain na puwede niyang iluto pero wala siyang makita kundi maliit na pirasong karne at sitaw kaya naisipan na lang niyang magluto ng adobong sitaw.
Nagsalang muna siya ng Kanin habang dinedeprose niya ang kapirasong karne na wala pa atang one fourth kilo.

“Ate Faith ano ang ulam natin?” ang tanong sa kanya ni Nancy ang bunso niyang kapatid na maglalabing dalawang taon pa lang.

“Mag-aadobo ako ng sitaw” ang sabi niya dito habang abala sa pagpuputol ng sitaw sa may lababo.

“Ganoon ba anong partner?” ang tanong nito sa kanya na bahagya niyang ikinangiti dahil basta sa pagkain masyado itong interesado hindi naman tumataba.

“Pasensya Na Nancy at adobong sitaw Lang, ito lang kasi ang laman ng ref natin wag kang mag-alala bukas dadaan ako sa palengke para mamalelgke” ang sabi niya dito ng makita niyang bahagya itong nalungkot ng sabihin niyang walang partner ang ulam nila.

“Ok lang yun Ate alam ko namang kailangan nating magtipid para kay Nanay” ang sabi nito na bahagya nang namasa ang mga mata dahil sa pinipigil na luha masyado kasi itong attach sa Nanay nila na plain housewife at laging nasa bahay lang kaya nadadaluhan nito lagi ang pangangailangan nila sa lahat ng panahon lalo na kay Nancy.

“Shh wag ka nang malungkot gagaling din ang Nanay at makakauwi dito sa atin” ang mahina niyang bulong dito maging siya ay malapit ng mapaiyak dahil sa kalagayan ng kanilang ina, mahigit dalawang araw na ito sa ospital at bahagya lang nilang makausap dahil lagi itong natutulog.

“Opo Ate susubukan ko” ang sabi nito na pinahid na ang tumulong luha at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya.

“O sige magbihis ka na at amoy pawis ka” ang sabi niya sa kapatid na kagagaling lang sa eskuwela nasa grade five na ito at panghapon ang pasok sa pampublikong paaralan.

“Sige Ate” ang sabi nito at tatalikod na sana pero bumalik ulit at parang may gustong sabihin sa kanya at pinakakatitigan siya.

“May sasabihin ka Nancy?” ang nagtataka niyang tanong dito dahil Hindi naman ito nagsasalita at nakatingin Lang sa kanya.

“Ate hmm wag Na Lang kaya akong mag-aral tutulong ako sa pag-aalaga kay Nanay para makatulong naman ako sa inyo ni Kuya Max” ang seryoso nitong sabi sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

“Ano bang pinagsasabi mo diyan Nancy hindi ka puwedeng huminto ng pagaaral nasa kalagitnaan kayo ng pasukan at siguradong hindi ito ikakatuwa ng Nanay at Tatay” ang sabi niya dito na titigan ito ng mariin.

“Pero Ate alam Kong nahihirapan na kayo ni Kuya dahil kahit dalawang araw pa lang ang Nanay sa ospital ay napakamahal naman ng kanyang gamot at nagaaral ka pa diba” ang sabi nito sa kanya na parang napakatanda nang magisip at masyadong maraming iniisip sa buhay.

“Problema na iyon ng matatanda kung gusto mo talagang tumulong mag-aral ka na lang mabuti at magpakabait” ang sabi niya dito at ginulo pa ang mahaba nitong buhok.

“Okay pangako Ate magpapakabait ako at mas lalo ko pang gagalingan sa school” ang sabi nito sa kanya at nginitian siya ng mabini bago tumakbo palabas ng kusina napailing nalang siya habang nakatingin dito.

Pagkatapos mahiwa ang sitaw ay sinimulan na niyang gayatin ang sibuyas at kamatis pagakatapos ay hininaan niya ang apoy ng sinaing at ng makita niyang malapit na itong maluto ay kinuha na rin niya ang baboy na wala nang yelo at sinimulang hiwain ng maliliit.

Ilang sandal Lang ay nagsisimula na siyang mag-gisa ng bawang, sibuyas at kamatis at ng bahagya na itong maluto ay isinali na niya ang baboy na hiniwa at nang lumabot ito ay inilagay na niya ang sitaw at nilagyan ng konting tubig at hinayaang kumulo.

Habang hinihintay niyang lumambot ang sitaw ay dali-dali siyang naligo kaya pagbalik niya sa kusina ay tamang-tamang malambot na ang sitaw at nilagyan niya na lang ito ng toyo at suka ilang sandali lang ay maaari na silang kumain.

“Nakaluto ka na pala Faith” ang narinig niyang sabi ng Kuya Max niya ng makapasok ito sa kusina at kumuha ng tubig.

“Ay Kuya nakauwi ka Na pala, gutom ka Na?” ang tanong niya sa kapatid na hinuhugasan na ang basong ginamit nito sa paginom.

“Oo pagkatapos mong makapaghain tawagin mo na lang ako sa may kuwarto ko magpapahinga lang ako ng konti” ang sabi nito sa kanya na bahagyang ngumiti pero mababakas ang sobrang pagod na nararamdaman nito dahil na rin sa salitan sila kung magbantay sa ina isama pa ang maghapon nitong trabaho sa constraction site bilang foreman.

“Sige kuya magpahinga ka muna kahit konti malapit na itong maluto” ang sabi niya dito at lumabas na ito ng kusina.

Makalipas ang ilang minuto ay inihanda Na niya ang lamesa para makakain na sila ng hapunan dahil kailangan pa niyang pumunta sa ospital at palitan ang Tiya Lumeng niya na kapatid na bunso ng kanyang ina na siyang nagbabantay sa kanilang Nanay. 

“Nancy pakitawag na ang Kuya sabihin mo handa na ang pagkain” ang sabi niya sa kapatid na papasok na sana sa kusina pero ng marinig ang utos niya ay dali-dali itong tumakbo papunta sa kuwarto ng kanilang Kuya.

Ilang sandali Lang ay pumasok Na ang mga ito at magkakasabay na silang kumain ng gabihan at nang matapos sila kumain ililigpit na sana niya ang kanilang pinagkainan ng pigilan siya ng kanyang kapatid na si Nancy.

“Ako na Ate para makapag-pahinga ka naman kahit konti alam kong pupunta ka pa sa ospital para magbantay” ang sabi nito na ikinangiti nila ng kanyang Kuya kaya hinayaan na lang niya ito na magligpit ng kanilang kinainan.

Nakita niyang kausap ng kanyang Tiya Luming ang bantay ng isa pang pasyente na kasama ng kanyang ina sa pangtatluhang kuwarto na inookupa ng kanyang ina dahil ito lang ang kaya nilang bayaran.

“Nandyan ka na pala Iha kanina pa kita hinihintay” ang sabi ng kanyang Tiya ng makitang nakatayo siya sa may pintuan.

“Pasensiya na Tita at nahuli ako dinalaw ko pa kasi ang Tatay at nagluto pa ako sa bahay” ang hinging paumanhin niya sa kanyang Tiya dahil gabi na siyang nakapunta at pumasok na siya sa kuwarto at umupo sa bakanting upuan sa may tabi ng higaan ng kanyang Ina.

“Naku walang kaso iyon Iha medyo nag-alala lang ako sayo” ang sabi nito sa kanya na bahagyang nakangiti.

“Kumusta na po ang Nanay?” ang nagaalala niyang tanong habang masuyong hinawakan ang kamay ng natutulog na Ina.

“Maganda na ang kalagayan niya Iha nakita mo naman bumalik na ulit ang kulay niya pero pag nagigising siya hinahanap ang iyong Ama at umiiyak” ang sabi nito na bahagyang nagpalungkot sa kanya, dahil Bagamat Masaya siya na maganda na ang kalagayan ng ina ay nalulungkot siya pagnaalala niyang nakakulong ang kanyang Ama.

“Anak” ang narinig niyang sabi ng kanyang Ina na nagpatigil sa paguusap nila ng kanyang Tiya.

“Nay kumusta na po kayo may masakit po ba sa inyo? ” ang nag-aalala niyang tanong dito dahil bahagya itong ngumiwi.

“Mabuti na ang pakiramdam ko anak medyo kumikirot lang ng konti ang dibdib ko pero maliban doon maayos na ang pakiramdam ko siguro mga ilang araw lang puwede na akong lumabas, kumusta na pala ang tatay mo anak?” ang sabi nito at pagkabanggit na pagkabanggit sa kanyang Ama ay tumulo na ang masaganang luha nito.

“Nay Wag na po kayong umiyak, pinasasabi ng Tatay na magpagaling kayo agad dahil gusto niyang maging malakas ka paglabas niya” ang tangi niyang nasabi kahit alam niyang kasinungalian iyon dahil Hindi pa nila alam Kung kailan makakalabas ang kanyang ama.

“Talaga anak lalabas na ang Tatay mo?” ang sabi ng kanyang Ina Na biglang kumislap ang mga mata sa sinabi niya.

“Opo Nay kaya magpagaling kayo” ang sabi niyang muntik pang mabilaukan dahil sa nilubid niyang kasinungalingan pero kung iyun lang ang paraan para hindi lumala ang kalagayan ng kanyang ina ay hindi niya ito pagsisisihan.

“Oo Anak pakiramdam ko bigla akong lumakas, dalaw-dalawin ninyo ang inyong Ama kahit paminsan-minsan ha anak para hindi siya malungkot” ang pakiusap nito na nangingilid na naman ang mga luha at nagbabantang tumulo.

“Opo inay basta ipangako ninyong magpapagaling kayo para sa amin at kay Tatay” ang sabi niya sa ina at pilit pinipigilan ang mga luha.

“Anak miss na miss ko na ang Tatay mo ikamamatay ko ng tuluyan kung mananatili siya doon dahil alam kong wala siyang kasalanan hindi kahit kailan magagawa ng Tatay mo ang magnakaw” ang sabi nito na tumutulo na ang luha at kitang-kita niya ng hawakan nito ang mga dibdib at parang kinakapos ng hininga.

“Inay, anong nangyayari? Tita Lumen, tumawag kayo ng doctor” ang natataranta niyang sigaw at Hindi alam Kung paano hihimasin ang dibdib nitong naninikip.

Nakita niyang tumakbo ang kanyang Tita at ilang sandali Lang ay pumasok Na ang doctor at dali-daling inilipat ito sa stretcher at dinala sa Emergency room.

Hindi niya alam Kung ano ang gagawin habang naghihintay sa kanyang ina na nasa loob pa rin ng emergency room mahigit kalahating oras na itong tinitignan ng doctor at halos sumabog na ang kanyang puso sa sobrang kaba na nararamdaman habang ang kanyang Tita Lumen naman ay pumasok sa chapel para magdasal.

Ipinangako niya sa sariling makaligtas lang ang kanyang Ina ay gagawin niya ang lahat lahat para makalabas ng kulungan ang Ama dahil alam niyang kung mananatili ito doon ay hindi na makakaahon ang kanyang ina sa sobrang kalungkutan na maaring ikamatay nito.
Maya-maya Lang ay lumabas na ang doctor na sumuri sa kanyang ina kaya nag-mamadali siyang lumapit dito para alamin ang kalagayan ng ina.

“Tatapatin na kita Miss hindi maganda ang kalagayan ng iyong ina gaya nga nang nasabi ko na sa inyo noong unang beses siyang inatake ay kakailanganin niya ng operasyon para makaligtas siya sa ngayon ay kailangang-kailangan na niyang maoperahan sa lalong medaling panahon dahil pag-naulit ulit ang kanyang Atake ay hindi ko maipapangakong makakaligtas pa siya” ang sabi nito sa kanya na halos pagsakluban na siya ng langit at lupa dahil sa sobrang takot at pag-aalala dahil hindi niya alam kung paano maililigtas ang kanilang ina dahil wala naman silang alam na puwedeng pagkuhanan ng ganoong kalaking pera.

“I understand na mahirap para sa inyo ang sitwasyon pero buhay ng inyong ina ang nakasalalay dito maari kong ibigay ng libre ang serbisyo ko sa pag-oopera pera hanggang doon lang ang makakaya kong tulong” ang sabi nito sa kanya na bahagyang hinawakan ang kanyang balikat at marahang pinisil.

“Marami pong salamat” ang tangi niya Lang nasabi dahil gulo parin ang kanyang utak sa dami ng problemang kinakakaharap nilang pamilya.

“Sige maiwan Na kita sa ngayon ay diyan na muna ang iyong ina para obserbahan babalik ako mamaya para tignan ang kanyang kalagayan” ang sabi nito sa kanya at tinalikuran na siya.

Lambot na lambot ang kanyang pakiramdam pakiramdam niya ay babagsak na siya kaya nanghihina siyang napaupo sa bench na nasa harap ng emergency room, isang pasya ang kanyang nabuo kailangan na niyang kumilos para matulungan ang kanyang mga Magulang bago pa mahuli ang lahat ang dasal na lang niya ay sana hindi siya magsisi sa bandang huli.

Series Navigation<< Biniling Pag-ibig: TeaserBiniling Pag-ibig: Chapter 2 >>

221 thoughts on “Biniling Pag-ibig: Chapter 1

Leave a Reply