As Long As Forever – CHAPTER 9

MABILIS siyang nagmartsa palayo roon. Biglang umusbong ang matinding emosyon na ngayon lang niya naramdaman buong buhay niya.

Nasalubong niya ulit si Michael. Pakiramdam niya’y nakahanap siya ng kakampi.”Hey, are you okay?”

“No,” halos hindi iyon kumawala sa bibig. Naramdaman niya ang mainit na likidong nagbabantang pumatak sa mga mata niya.

“I want to get out of here,” desperado niyang sabi.

“Calm down, Mush.” anitong bumadha ang pagtataka sa mukha.

“I wanna go home.” aniyang hindi na napigilan ang pagpatak ng luha

Tinitigan siya ni Michael saka hinila siya sa bisig nito. “Tell me what happened.”

“I want to g-go home,” ulit niya. Saka lang niya namalayang humihikbi na pala siya nang aluin siya ni Michael. Dagli niyang pinahid ang luha. Bakit ba siya umiiyak? Pero tila sasabog ang dibdib niya. Pinilit niyang kalmahin ang sarili bago pa man makatawag sila ng pansin.

“Very nice,” sarkastiko ang boses na iyon sa likuran niya. Pakiramdam niya’y nanlamig ang buong katawan niya. Lumingon siya’t inaasahang makita ang madilim na mukha ni Gino. But he looked wounded. Like he’s going to cry. And suddenly she felt guilty being with Michael when she souldn’t be!

“I’ve seen nicer,” she snapped back when she remembered him kissing with Melody. Pumikit siya ng mariin para mawala ang gunitang iyon. “I want to go home,” aniyang bahagyang pumiyok ang boses. Alam niyang may partner si Michael kaya hindi siya nito maihahatid. Poor Michael, he never knew his date was kissing her date. “I have to leave,” aniya rito.

“Are you sure, you’re okay?” anitong hinawakan ang kamay niya. Tumango siya. Saka nagmartsa patungo sa parking lot. Kinailangan niyang itaas ang gown para hindi iyon masira. Wala siyang pakialam kung nakasunod si Gino o hindi. Gusto na niyang umuwi!

Naramdaman niyang nakasunod ang kababata. She could hear him cursing under his breath. But the hell she cared!

“What was that?” galit na sabi nito at hinawakan ang braso niya. Pumiksi siya.

“What did you think?”

“Huwag mo akong sasagutin ng tanong.” mariing sabi nito.

“Then don’t ask me!” asik niya. “I want to go home!” aniyang nagpapadyak.

“At least tell me what’s going on,” tila desperadong sabi nito. Nasabunot nito ang sariling buhok. “We had a good night, Mush. Let’s not end it this way.”

“It should have never started, Gino.” aniyang pigil-pigil ang sariling maiyak. Gusto niyang sumabog sa sakit na nararamdaman ng dibdib. Gusto niyang magwala dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya nasasaktan. “You should have never asked me to be your partner! I didn’t want to be in this prom!” sigaw niya.

Natigilan ito. “Because of that Michael? Huh?”

Gusto niyang tumawa. How could Gino be so damn clueless? Hindi niya ito tiningnan. Itinaas niya ang kamay sa pagmumukha nito to say – SHUT UP.

“I said I want to go home” aniya, bakas pa rin ang galit sa tinig nang hindi man lang tuminag si Gino para buksan ang sasakyan.

Tinitigan siya nito. “Tell me what has gone wrong.”

“You’re smart Gino, figure it out. Pero ihatid mo na muna ako, pwede?” ngawit na ang mga kamay niya sa kakahawak ng gown.

Nahilamos nito ang dalawang kamay. “I just went to the bathroom. Pagbalik ko, nagyayakapan na kayo ng Amboy mo. At sinisigawan mo ako. What exactly has gone wrong?” Napabuntong-hininga ito. “If you wanted to dance with your Amboy, it’s fine with me.”

Tinitigan niya ito pagkuwa’y mariing sinabing, “Home. Now.”

“Stop using that tone on me. Hindi mo ako driver, I’m your date!”

“Hah! You think so? Because everybody knows who your real date is! Sana sinabi mo sa akin Gino, nang hindi ako nagmukhang tanga. I wouldn’t have dressed my best, look my best, do my best to be the perfect partner when all along you only needed a substitute! I know I shouldn’t have trusted you! This is your one way of mocking me, right?”

“I don’t know what you’re talking about,” nagugulumihang sagot nito. “I asked you to be my partner because I want to date you.” anitong diniinan ang bawat salita.

Kinagat ni Mushroom ang mga labi para hindi mapaiyak. No, she would not believe any of Gino’s lies. “Yeah, you wanted to date me that’s why you were kissing Melody!” singhal niya.

Natigilan ito. Bigla’y lumambot ang ekspresyon ng mukha. Pagkuwa’y tila nakakaunawang tinitigan siya. “That’s why you’re mad.”

“No, I’m not!” nanggagalaiting sagot niya.

Nakita niyang tumaas ang isang sulok ng labi ng kaharap tila nagpipigil ngumiti.

“Okay fine, I am! I have all the right to be! What would you feel if I kissed Michael?”

Dumilim ang mukha nito. “But I did not kiss Melody. She kissed me.”

“How would I know?”

“I’ve never kissed someone before.” Mariing sagot nito.

She rolled her eyes. As if she cared. As if she’d believe him.

“What difference does it make Gino? It’s still a kiss. C’mon Gino, you can tell it to my face. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na si Melody talaga ang gusto mong makasama. Hindi ako manhid!”

Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at iniharap dito. Gusto niyang makawala sa hawak nito pero hindi niya mabitiwan ang gown dahil natatakot siyang madumihan iyon.

“Manhid ka. Matagal ka ng manhid. Because if you’re just a little sensitive you’d know I only wanted to spend this night with you.” mariing sabi nito. “You really want to know the difference kissing someone from being kissed?” Ilang beses na napalunok si Mushroom nang makitang nakatitig si Gino sa mga labi niya. Ang lapit-lapit ng mukha nito sa mukha niya at nalalanghap niya ang bawat hininga nito. “This.” anito saka yumuko at inabot ang mga labi niya. Nanlaki ang mga mata ni Mushroom. No, it’s not happening. She can’t possibly have her first kiss with Gino! She have to move her head slap his face and run. But she found herself too nervous to move. Ang lakas ng tibok ng puso niya, parang gustong kumawala sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit napapikit siya nang maramdaman ang labi nito sa labi niya. Pakiramdam niya’y tumigil sa pag-ikot ng mundo. It was as if they were standing and there were no other motion than the beat of her heart and the movement of Gino’slips on hers. His lips were so soft and tender as it brushed against her trembling lips. She felt she was shaking, parang humahalukay sa tiyan niya. And her heart… her heart is pounding so hard. And she can never deny that it’s the sweetest strongest emotion she ever felt in her whole life. No, she can’t possibly feel something like this for Gino. Never! Bago pa man niya ipagkanulo ang sarili’y malakas na itinulak niya ito at umigkas ang kamay niya at dumapo iyon sa pisngi ng kababata.

Hindi na niya napigilan ang sariling luha. Everything happened so fast. Every feeling is stranger to her. She just realized that she just gave Gino the power to hurt her even more. The moment his lips touched hers, she felt a very strange feeling of belongingness in his arms. And she’s not prepared for that! And she just realized why she was so mad when she saw him kissing Melody. Omigosh, for the first time, she’s jealous! At hindi niya matatanggap iyon. Hindi niya kailanman matatanggap na may nararamdaman siya para kay Gino.

“Okay…” Tumango-tango ito. Gino wore the saddest expression she’s ever seen. Napabuga ito ng hininga. “I’ll take you home.”

WALA silang kibuan habang nasa sasakyan. Gino felt worse than ever. Iyon na marahil ang pinakamalaking pagkakamali niya sa buong buhay niya. No, he doesn’t regret kissing Mushroom. It’s one of the best memories he had acquired in his lifetime. Because when his lips touched hers, he finally understood what eternity meant. And he’d like to live in it. And only Mushroom can make him live in it. Pero papaano kung hindi na siya kibuin ng kababata? At the middle of that fleeting kiss, he felt that Mushroom felt the same way. Pero hindi niya alam. He’s so clueless about Mushroom. Hindi niya alam kung ano ang kailangan niyang gawin para mapasaya ito. Para itong puzzle na hindi niya mabuo-buo. Suddenly he felt lost. Ano ba ang kailangan niyang gawin?

Nang makarating sila sa bahay ay kaagad itong bumaba. Hindi na hinintay na pagbuksan pa niya ito. Mabilis siyang umibis at sinundan ito.

“Huwag mo na akong ihatid!” mariing sabi nito. “At simula ngayon, huwag na huwag mo akong lalapitan, huwag na huwag mo akong kakausapin, at huwag na huwag mo akong titingnan!”

“Mushroom,” tanging nasambit niya dahil patakbo na itong pumasok sa bahay nito. Ilang beses siyang napakurap dahil nagsimulang humapdi ang mga mata. Nangyayari na ang bagay na pinakakatakutan niya. At tila hindi niya makakayanan ang sakit na dulot niyon.

TAHIMIK si Mushroom nang pumasok ng bahay. Nagtaka ang mga magulang niya dahil para siyang galing sa lamay. Sinabi lang niyang pagod siya at kaagad na umakyat ng silid. She’s too upset. She doesn’t want to see Gino’s face, ever again! She wished she just didn’t come to the prom. She wished this night never happened. Everything is confusing. And she felt stupid. Stupid that she can’t be cool about it. Dapat hindi siya magpakitang naaapektuhan. Pero ano nga ba ang dapat maging reaksyon niya?

She’s mad seeing him kissing with Melody. She’s mad because she is in fact jealous. She’s mad because she can’t understand her own emotions.

She hopes she’d forget this soon. Everything. Her mom and dad and Ate Leizel were completely wrong about prom nights. This is the worst night of all.

But the dance… She felt her own heart flutter by the thought of it. And the kiss… Napahawak siya bigla sa labi. Nag-init ang buong mukha niya. Ipinilig niya ang ulo para makalimutan iyon. I hate you, Gino! sigaw ng isip niya.

SIMULA ng pangyayaring iyon, tila may malaking harang sa pagitan nilang dalawa. Ayaw na ayaw ni Mushroom makita ang kababata. At tila naintindihan naman ng kababata ang sinabi niya dahil hindi na ito haharang-harang sa daanan niya. Ni hindi na ito lumalabas ng bakuran para inisin siya. Sa school, parang hindi sila magkakilala, bagay na pinagtakhan ng marami dahil wala ng asarang nangyayari. Sabi ng iba, cold war. Madalas na tahimik si Gino. At ganoon din siya. At habang tumatagal, lalo siyang nahihirapan.

Ngayong hindi sila nagkikibuan saka lang napansin ni Mushroom na inaalala pala siya ni Gino. Bigla nitong hahablutin ang backpack niya kapag nabibigatan siya. Bigla’y may ibabatong sandwich kapag recess o kaya apple. Tinutulungan siyang gumawa ng assignments pero tinatadtad muna siya ng asar. At kapag may nakaaway siyang iba, inaaway din nito, pero inaaway din siya pagkatapos. Ewan. Hindi niya maintindihan. Bakit ba ganun si Gino? At bakit hindi ito mawala-wala sa isip niya? And she could still feel his kiss… Her face turned crimson. Tila hindi niya makakayanan ang hiya sa tuwing naaalala iyon. Abnormal din ang pintig ng puso.

But she missed Gino… Umiling-iling siya. Malala na siya.

Pero konting tiis na lang, matatapos na ang school year. Isang linggo na lang bakasyon na naman. Magkokolehiyo na sila! Magiging okay din siya kapag hindi niya ito palaging nakikita. Magiging normal na ulit siya. Napabuntong-hininga siya. Kaya?

“Hopeless,” naulinigan niya ang tinig ni Betchy sa likuran niya. Kasalukuyan silang gumagawa ng painting para sa huling project sa Art class nila na ipapasa sa araw na iyon.

“Huh?” aniyang nilingon ito. Alam ba ni Betchy ang iniisip niya? Pero nakatingin ito sa painting na gawa niya.

“Kasing-pangit ng gawa ko,” himutok nito.

“Heh!” aniya rito. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Hindi pa rin alam ng bestfriends niya ang pinagdadaanan niya ngayon. She wanted so much to tell it to them. Pero hindi niya magawa. Dahil pakiramdam niya’y masasaktan siya lalo. Dahil siya mismo sa sarili niya, hindi niya maunawaan ang nararamdaman. “Huwag mo ngang sirain ang concentration ko.”

Nang mapatingin siya sa gawa nito’y napangiwi siya. Tama ito, magkasing-pangit nga. Talagang mahina siya sa pagco-combine ng mga kulay pero nagagawan niya ng paraan sa tuwing hinihingan siya ng explanation sa gawa niya. Alam niyang alam iyon ng teacher nila. For sure, bababa na naman ang grades niya. Lalo na ngayong wala siyang mahihingan ng pabor na mag-remedyo niyon. Napatingin siya saglit sa kababata. Mabilis. Ganon na lang ang kabog ng dibdib niya. Bakit ba palagi na lang ganito? Si Gino ang pinakamagaling sa klase nila. Sa recognition rites, palagi itong binibigyan ng award bilang Artist of the Year. Sa tuwing may project sila, tinutulungan siya nitong mapaganda ang gawa niya. Yun nga lang, nakakarinig muna siya ng sangkaterbang pangungutya. Nakakahiya daw sa salitang ‘Art’. Hindi daw katanggap-tanggap ang gawa niya. Kahit pinagbawalan na niya ang sarili’y muli siyang napasulyap dito. Para lang muling kabahan ng husto at pamulahan ng mukha dahil nagtama ang tingin nila. Nagkunwa siyang hindi ito napansin at wala sa sariling nagpinta.

“Mas lumala, Mush.” puna ni Betchy. “Wala na akong makitang hugis sa gawa mo.”

“Abstract to ‘no. Walang hugis-hugis.” aniya. Napabuntong-hininga siya nang kumalma ulit ang pakiramdam. Wala na siyang magagawa pa para mapaganda ang pinipinta. Hindi na niya kailangang maghanda ng explanation dahil alam na niyang hindi siya makakatop-ten. Niligpit na niya ang mga gamit.

“Ano yan?” tanong ni Dinah na lumapit sa kanila nang maipasa ang gawa nito.

Ngumiti siya rito. “The Dark Side of Love.”

Humalakhak ito. “Ang galing mo talaga, Mush!”

Nagkibit-balikat siya. “Siyempre.”

“Speaking of magaling,” sabat ni Betchy. “Nakita n’yo na ba ang gawa ni Gino? Sobrang cuuute!”

“Oo nga, cute!” sang-ayon ni Dinah. “Feel na feel ko ang emotion sa painting niya.” anitong tila nalungkot.

“It actually reminds me of someone…” ani Betchy na napatitig kay Dinah.

“Oo nga no?” anito na nakatitig sa kanya. “Gusto mo tingnan, Mush?”

“No thanks,” aniyang ngumiti. “Gutom na ako. Kain na tayo.”

“Lagi ka na lang gutom tapos hindi ka naman kumakain.” ani Dinah.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Ipinasa niya kaagad ang gawa kay Mr. de la Cruz at hindi tinapunan ng tingin ang kababatang nasa harapan nito. Saka mabilis na bumalik sa puwesto at niligpit ang mga gamit at kaagad na lumabas ng classroom. Iniwasan niya lahat ng pagkakataong nakakasama si Gino sa iisang lugar. Alam niyang makakaya niya iyon hanggang sa bakasyon. Magiging okay din siya pagdating ng bakasyon.

“HELLO my grown up baby girl,” anang Daddy niya nang mabungaran siya sa sala. Tapos na halos lahat ng exams at projects nila kaya naka-focus sila sa pagpa-practice ng graduation song.

“Hello Dad,” aniya at niyakap ito.

Kaagad na lumabas ang Mommy niya mula sa kusina at kinintalan ng halik ang asawa. Napangiti si Mushroom. Her parents must have been the most in love couple she had ever seen. She had seen them fight but they always make up at the end of the day. Minsan, naiisip niya na sana, maging katulad siya ng Mommy niya, na nakahanap ng true love.

“Would you like to go with us after dinner, hija?” anang Mommy niya.

“Shopping,” anang Dad niya.

“Shopping?” aniyang nagtataka. Why not on the weekend?

“We’re going to find the best souvenirs for your Tita Donna, Yaya Melba and Gino.”

“Souvenirs?” takang-tanong ulit niya. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib niya nang makita niyang lumambong ang mga mata ng Mommy niya.

“Matutuloy na ang plano nila. Donna just confirmed it to me this morning, pagkatapos ng graduation, babalik na sila sa States. They’re staying there for good.”

“H-Hindi na sila babalik dito?”

Malungkot na umiling ang Mommy niya.

“It might be better if we discuss it over dinner,” anang Daddy niya nang mapansing iiyak na ang asawa.

But nobody discussed it during the dinner. Tahimik siyang kumain. Hindi niya ipinahalata na apektado siya. Bakit naman siya magiging apektado? Hindi na siya sumama sa mga magulang. Dumiretso na siya sa silid. At nang mapag-isa’y saka tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabantang pumatak. Gino’s leaving. And they’re not even talking. Matutupad na ang hiling niya sa wakas. Magiging tahimik na ang buhay niya oras na mawala ang kababata. Dapat masaya siya. Pero bakit tila ang sakit-sakit?

21 thoughts on “As Long As Forever – CHAPTER 9

Leave a Reply