As Long As Forever: Chapter 5

This entry is part 6 of 25 in the series As Long As Forever

HINDI makatulog si Mushroom nang gabing iyon. Pilit umuukilkil sa isip ang nangyari kanina. Napasigaw siya nang pumasok ang bola. Halos lahat ng naroon ay napatayo. Dinah and Betchy were screaming on the top of their lungs. Gino won! Ngunit napaawang ang labi niya nang tumama ang braso ni Michael sa leeg ni Gino. She felt the rush of adrenaline at mabilis na dinaluhan ang kababata. There was guilt in Michael’s eyes nang magtama ang mga mata nila pero hindi niya makuhang kausapin ito. Gino wasn’t moving at all. At kahit na itanggi niya sa sarili, nag-aalala siya. She was certain that Gino’s not well. Kaagad nilang dinala sa clinic si Gino nang mawalan ito ng malay at tinawagan niya ang mommy nito. Hindi niya alam kung papaano nakarating ang Tita Donna niya sa school ng ganoon kabilis. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. That worried look that stirs up fear inside her. And  she felt guilty more than ever dahil wala siyang nagawa man lang. Ipinasya kaagad ng Tita Donna na dalhin sa ospital ang anak kaya kaagad nilang isinakay si Gino na hindi pa rin nagkakamalay sa sasakyan nito. Sasama sana siya pero hinarangan siya ng Tita Donna.

“Gino’s just fine. He’ll be alright. Don’t worry.” she gave her an assuring smile at hinawakan ang kamay niya. Pero hindi siya kumbinsido.

WALA si Gino for the whole week. Wala ring tao sa bahay ng mga Nazareno. Nang tumawag siya sa Tita Donna, nagbabakasyon daw ang mga ito. Tutal, intramurals naman. She felt frustrated with what she heard. Marami ngang hindi umaattend ng intrams, mostly yung mga walang pakialam at ang mga walang sinalihang event. But Gino, Gino was the one who was most enthusiastic about it. He was the one who almost planned everything. Hindi ito ang tipong nang-iiwan sa ere. Naiinis siya dahil wala man lang itong pasabi. At mas naiinis siya dahil nag-aalala siya ng husto. Because of his absence, the council had to double up their efforts.

Minsan lang niya nakita si Michael simula nung pangyayari sa Sabado. Naging abala siya at ang buong council. Ni hindi siya nakapanood ng game nito na balita niya’y naipanalo ng mga ito. Sina Dinah at Betchy ang mata’t tainga niya sa whole event. She hated every moment being with the council. It wasn’t fun anymore. At alam niyang iyon din ang nararamdaman ng mga kasama niya. Was it because of Gino’s absence? Napabuntong-hininga siya. Pagod lang siguro siya. Thank God, last day na bukas. Makakapagpahinga na siya.

Papalabas na siya ng school nang makita niyang nakaupo si Michael sa bench. Tila may hinihintay. Bigla’y gusto niyang umatras pero huli na para iwasan niya ito. Kinawayan siya nito at napatayo. Napalunok si Mushroom. Why is she behaving like this? Bakit ayaw niyang makausap si Michael?

“You look tired,” puna nito nang malapitan siya.

“I am.” maikli niyang sagot. Hindi niya matingnan sa mata ang kaharap. Everything just felt awkward. Lihim siyang nagdasal na sana nandiyan na ang Daddy niya para sunduin siya.

“I-” Napabuga ito ng hininga. Napatitig si Mushroom sa binata. “I’m sorry…” anito sabay yuko.

Kumunot ang noo niya. Nasabunot nito ang sariling buhok. “I’m not good at this, Mushroom but I-” napabuga ulit ito ng hininga. “I’ve never felt so horrible in my whole life.”

Mushroom knew he was talking about the incident last Saturday. And right then and there she felt guilty. She wasn’t really busy. She made herself busy dahil ayaw niyang makita ito. Hindi niya alam kung bakit galit siya kay Michael. And alam lang niya, hindi na niya gustong makita ito o makipag-usap dito. “You didn’t do anything wrong. It was an accident.” aniya. And she felt more guilty because deep inside, she wanted to blame everything on Michael.

“But it’s still my fault.” Nakatungong sabi nito. “I’m sorry if I hurt you.”

Nagulat siya sa sinabi nito. “It wasn’t me who was hurt, it was Gino.”

Nagtaas ito ng tingin at nakita ni Mushroom ang lungkot na nakabalot sa mga mata nito. “If it was for that Gino, I wouldn’t and would never feel horrible, Mushroom. But at that moment, I hurt you when I hurt him. Unintentionally or not, I did it. And I feel so sorry I couldn’t do anything about it.”

Nakagat ni Mushroom ang labi. Nag-init kaagad ang sulok ng mga mata.  “You’re being funny,” aniya saka sinundan iyon ng pagak na tawa. “It’s nothing. Really, Michael. It’s okay. You can kill him if you want. I’ll gladly help.” aniya saka muling tumawa. Pero natigilan siya nang manubig ang mga mata. What’s wrong with her?

Hinawakan nito ang mga kamay niya. “You don’t have to deny it. Everyone in that incident knew how much you cared for him.” Napa-iling-iling ito. “I never wanted to be someone else in my whole life. But at that point of time, I wished I was Gino.”

Napatitig siya sa guwapong mukha nitong natatabingan ng lungkot. Hindi siya makapaniwala sa nanulas sa bibig nito. She, cared for Gino?

“I like you, Mushroom. I really do… And I will do anything just to make you care for me too.”

Namilog ang mga mata niya sa narinig. Kasunod noon ang pagkabog ng dibdib.

“I am courting you. I hope it’s okay.”

O-mi-gosh. She’s hyperventilating. Liligawan siya ni Michael? Officially? Pakiramdam niya’y umiikot na ang paligid. Ilang beses siyang napalunok. Is she really ready for this? Siyang pagdating ng kotse ng daddy niya. Dagli niyang binawi ang mga kamay.

“M-My D-Dad’s here,” bulol na wika niya sabay lakad palayo rito. “I’ll see you tomorrow.”

“Can I visit you in the weekend?” tanong nito. Nagtaasan ang kilay ng mga nakarinig.

Tango lang ang isinagot niya saka patakbong tinungo ang sasakyan ng Daddy niya.

“Are you okay? May humahabol ba sa’yo?” anang Daddy niya na napasilip sa bintana.

“W-Wala po, Dad.” aniyang hinihingal.

“May tinakbuhan ka.”

Umiling-iling siya.

“Who’s that guy?” tanong nito. Nang sundan niya ang tingin nito’y nandoon si Michael na panay ang kaway.

Nag-init ang buong mukha niya. “Can we just go home, Dad? Pleeeeease.” samo niya.

Pinaandar na nito ang sasakyan. “Hmmm.” anitong tila nag-iisip. “Nanliligaw ba sa’yo?”

“Dad!” aniya sabay paghaba ng nguso. Her Daddy had always been her bestfriend. But she’s not comfortable with this topic.

“Mushroom, I need to know.” anitong ginamitan na naman siya ng tono nito na ibig sabihin kailangan niyang sumagot ng maayos.

Napabuntong-hininga siya. “Manliligaw pa lang po.” padabog na sagot niya.

“Eh bakit parang takot na takot ka?” natatawang sabi ng Daddy niya.

“Oh believe me Dad, I don’t want to talk about this anymore.”

Napa-isip ito. “Do you like him?”

“Dad!”

Natawa ng malakas ang Daddy niya. “When my baby girls turns into a lady, does that stop me being a Daddy?”

“Dad…” aniyang napayakap sa tiyan nito. Iniyakap din ng ama ang isang kamay sa kanya habang hawak ang manibela ng isa.

Humugot siya ng malalim na hininga. Saka niya natagpuan ang sariling ikinukuwento sa ama ang lahat ng tungkol kay Michael. But she skipped those details where Gino is concerned. She will never tell her Dad about the strange feelings she felt for Gino!

 

MONDAY, maingay na uli ang classroom. Hindi man niya naipapakita dahil nungka niyang ipapakita, masaya siyang makita ulit ang kababata. Tila mas masigla ito kesa dati. Paano naman, nagse-celebrate ang buong klase sa pagkapanalo nito kay Wallace. Siyempre, lumaki na naman ang ulo nito dahil malaking karangalan ang makatalo sa best player ng school nila. Feeling celebrity naman ang loko, kakaway-kaway, saka nagpo-pose kapag may nagpapapicture, at exaggerated kung magkuwento.

“It’s okay to smile.” parunggit ni Betchy.

“Much better to laugh! Hahaha!” gatol ni Dinah.

Tinaasan niya ng kilay ang dalawa.

“Talagang ganyan na ang ekspresyon mo, Mush? Look around you, everybody is happy! Party! Party!”

“Ano bang dapat ipagsaya?”

“Hindi ka namin ma-gets. Noong wala si Gino, worried ka. Ngayong andito na siya, hindi mo makuhang sumaya.”

“Or… pinipigilan mong sumaya.”

“Baka naman-“

“Sshh!” saway niya sa sasabihin pa ng mga ito.

“Ikaw…” ani Betchy na kunawa’y nalulungkot para sa kanya. Gusto niya itong kurutin sa singit. “Papicture muna kami!”

Nagsalubong ang kilay niya. Pati ba ang mga ito? Pero isang saglit pa’y nakikiingay na ang mga ito at nagpapicture kasama si Gino. Seriously?! Isinubsob niya ang mukha sa librong nasa mesa niya. Sana dumating na ang teacher nila para mawala na ang ingay. Naiinis talaga siya!

“Hi, Mush…room.” And she heard that familiar chuckle. Nakabusangot na nag-angat siya ng ulo.

Gino smiled at her. Kinagat niya ang dila para mapigilan ang sariling ngumiti. May naramdaman siya sa dibdib na hindi niya mawari. No, nothing is wrong with her. And Michael was wrong. Nag-alala nga siya kay Gino, pero ‘yon lang iyon. Wala ng iba pa.

“I’m okay.” anito sa kanya.

Umigkas ang kilay niya. So? aniya sa loob-loob.

“Alam kong nag-alala ka sa akin,” tudyo nito.

“Kapal…” nanggigigil na bulong niya.

“Sabi kasi ni Mommy, panay ang tawag mo. Na-touch ako, sobra. Akala ko gusto mo na akong mamatay, yun pala-“

“Talagang ayaw pa kitang mamatay. Hindi ka pa bayad sa lahat ng atraso mo sa’kin no!” Mataray na sabi niya’t iningusan ito. Pero natawa lang ang kaharap.

“Just the same, thanks for the concern.” Akmang lalapit ito sa kanya nang bigla itong matigilan. ” Aakapin sana kita kasi alam kong na-miss mo ako. Kaso, parang may buwanang dalaw ka na naman.”

Lalong nagdikit ang kilay niya at tinitigan ito ng masama. Naramdaman niya ang biglang pagkislot ng puso sa sinabi nito. Aakapin siya nito? Huh!

“Hindi ka na talaga normal Mushroom.” anito saka humalakhak. Saka lang niya napansing piksi siya ng piksi gayong wala namang nakahawak sa kanya. Gusto niyang batuhin ng librong hawak ang kaharap.

KINAHAPUNAN, kailangan na naman siyang makisabay kay Gino pauwi dahil hindi siya masusundo ng Daddy niya. Nagulat siya nang makitang naghihintay si Michael. Ganon na lang ang pagsalakay ng kaba. Gusto niyang magtago. Ayaw niyang malaman ni Gino. Dahil… Dahil… Bakit nga ba? Eh palagi siya nitong tinutudyo na nagpapaligaw siya sa school.

“I’ll take you home, Mushroom.” ani Michael.

Nakita niya ang pag-angat ng kilay ni Gino. Napalunok siya.

“Sabi ng Daddy mo, ihahatid kita.” Walang kangiti-ngiting sabi nito sa kanya.

Ngumiti siya ng hilaw. Saka napalunok ulit. “Gino, si Michael nga pala. You weren’t formally introduced. Michael, si Gino.”

Naglahad ng kamay si Michael. “I’m sorry about last time,” puno ng sinseridad na sabi nito.

Tila nagulat si Gino sa sinabi ng kaharap. He rolled his eyes saka ngumiti. “It was nothing. It was my fault. We’ve gone far getting your attention.”

“Because they needed you for the auction,” ani Mushroom. Tiningnan siya ni Gino na para bang bata siyang hindi dapat nakikialam sa usapan ng malalaking tao. Inirapan niya ito.

“No hard feelings,” ani Gino at inabot ang kamay ni Michael.

Napangiti si Mushroom. Masaya siya’t wala ng hinanakit sa pagitan ng dalawa.

“Saan ka sasabay?” tanong ni Gino sa kanya.

Tiningnan niya ito. Saan nga ba? Nakita niyang umaasang nakatingin si Michael sa kanya.

“Honestly, I wouldn’t let you go with him.” ani Gino bago pa man siya makasagot. “Not that I don’t trust you,” baling nito kay Michael. “I just want her safe because she’s my responsibilty right now. And her dad will kill me if something happens to her.” Huminga ito saka nagsalita ulit. “So, why don’t you just follow us? Or ride with us. And ask her dad’s permission. But I think I should warn you, she-“

Tinapakan niya kaagad ang paa ni Gino bago pa man ito may maidugtong.

“Aw!” anitong namilipit sa sakit. “Saw that? That’s what she is!”

Nakangiti ng hilaw si Michael na pinanood silang dalawa.

“Huwag mo’kong ipapahiya,” aniya sa pagitan ng mga ngipin at akmang kukurutin ito, yung tipong matutuklap ang balat nito pero maagap nitong nahuli ang mga kamay niya at hindi siya makawala sa pagkakahawak nito kahit nagpupumiglas siya.

Natigil silang dalawa nang tumikhim si Michael. “I’ll ride with you then.”

Tumango si Gino saka pabigla siyang binitawan. “Please do me a favor, keep her away from me.”

Nanlilisik ang matang tiningan niya ang kababata. Nakadama siya ng bara sa lalamunan. As if she wanted to be near him!

GUSTONG takpan ni Mushroom ang tainga sa lakas ng tawa ng dalawa. She preferred to sit at the backseat but she didn’t expect to be totally invisible! How could Gino be so well informed about NBA? Sumakit ang ulo niya sa pakikinig. No, hindi niya kilala ang mga pinag-uusapan ng dalawa. And another no, hindi siya interesado.

“You, okay?” lingon ni Michael sa kanya. Tumango siya, ngumiti.

Buong akala niya’y magkakaroon ng katahimikan sa loob ng kotse. She can’t believe this is really happening! Ilang saglit pa’y humimpil na ang saksayan.

“If you got time, you can visit anytime.” anyaya ni Gino kay Michael.

“I surely will.” masayang sagot nito.

Padabog na umibis ng sasakyan si Mushroom. Nakalimutan pang ipagbukas siya ng pinto!

“Didn’t know, your buddy’s so cool!” anito nang papasok sila ng bahay. Hindi na niya nilingon ang kababata. Naiinis siya na hindi niya mawari.

“He’s not my buddy,” aniya. “He’s not even my friend. And he’s not cool. He’s a jerk.” aniya.

“I can hear you.”

Gulat na napalingon si Mushroom. “Ano’ng ginagawa mo dito?” singhal niya.

“Dadalaw kay Tito at Tita?” inosenteng sagot nito.

“Gino!”

“Mush, I asked him.” sabad si Michael na lalong ikinakunot ng noo niya. “Maybe your Dad will go easy on me if you know, someone could testify I can be trusted.”

Hindi na siya nagsalita lalo pa’t nginisian siya ng kababata. Pagbungad pa lang nila sa pinto, nakangiti ang mga magulang niya nang makita si Gino pero kunot ang noong nakatitig kay Michael. Gino did all the introduction. Mas mukhang at home pa ito kesa sa kanya sa sarili niyang pamamahay. She hated that feeling! But at the end of the night, it was a good idea that Gino came. Because it could have been so awkward. At kahit na hindi magsalita ang mga magulang niya, alam niyang ayaw pa ng mga ito na magnobyo siya. And they’re not fond of Michael, not even a bit. Especially when Gino is around.

Series Navigation<< As Long As Forever: Chapter 4As Long As Forever: Chapter 6 >>

11 thoughts on “As Long As Forever: Chapter 5

Leave a Reply