As Long As Forever – CHAPTER 2

 

NANG matapos ang lahat ng requirements sa school, masaya si Mushroom. Bakasyon na naman at consistent first honor student siya. Samantalang si Gino, wala yatang balak magpursige. Matalino naman sana ang loko. Wala lang talagang interes sa medals.

Sa susunod na pasukan, fourth year na siya. Kaya dapat sulitin niya ang summer vacation dahil pagkatapos non, aral na naman. Wala sa loob na napatingin siya sa bintana ng kabilang bahay. Walang tao roon. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. A whole summer vacation without Gino. Dininig na ng Diyos ang matagal na niyang dinarasal. Matatahimik na ang buhay niya sa wakas.

Nang sumapit ang buwan ng Mayo, dinig niya’y hindi nag-enrol si Gino. Hindi pa rin bumabalik ang mga ito. Napangiti siya ng maluwang. Wala ng mang-aasar sa kanya! Pero sa kung anong dahilan, napawi ang ngiting iyon. Seeing Gino out of the graduation picture seems… dull? Inalog niya ang ulo. It’s definitely a time to celebrate! Wala ng kontrabida sa buhay niya. Bwahahahahaha!
FIRST day of school. Seniors na sila! Napakaaliwalas ng panahon para kay Mushroom. Naratnan niya ang bestfriends sa school ground at ganoon na lang ang pagkakangiti niya habang kinakawayan ang mga ito.

“Milagro ‘to, hindi na iisa ang kilay mo, Mush!” ani Betchy. Ngumiti lang siya. Halos magkabit kasi ang dalawang kilay niya sa tuwing nasa paligid si Gino. Ngayon, nararamdaman na niya ang pagiging malaya. She’s free, she’s alive, she’s super happy!

“May MacAir kana no?”

Umiling-iling siya.

“Sports car?” hula naman ni Dinah.

“Aha! House and Lot!”

“Mas mahalaga kesa sa anumang materyal na bagay sa mundo.” masayang sabi niya.

Nagkatinginan ang dalawa. “True love?”

Umigkas ang kilay niya. “More than that. Wala ng kontrabida sa buhay ko!” aniya saka humalakhak.

Nakanganga lang si Dinah at Betchy. “Paki-ulit?” halos sabay na tanong ng dalawa.

“Wala na siya! Wala na si Gino! Omigosh! Do you know what that means? It means I’ll live happily ever after!” aniyang muling humalakhak.

Pero walang reaksyon mula sa dalawa. At parang walang planong maka-get over ang mga ito sa shock.

“Sure ba ‘yan, Mush? You mean, he’s not coming back forever?” ani Dinah na hindi naitago ang lungkot sa tinig.

“Baka naman nag-extend lang ng bakasyon,” umaasa namang sabad ni Betchy.

Nabitin tuloy ang halakhak niya sa ere. “May sapi ba kayo?”

“Kaya pala parang may kulang…”

“Naramdaman mo din pala yun?” ani Betchy. “Hala… kaya pala kanina pa masikip ang dibdib ko.”

“Excuse me?” aniyang kunot ang noo. “We’re supposed to be -happy? We’re supposed to be -celebrating? Ba’t ganyan ang ayos ninyo?” Napalitan kaagad ang saya niya ng bigat ng dibdib.

Napabuntong-hininga si Betchy.  “M-Masaya kasi pag andyan si Gino.” biglang nasabi nito.

“Kahit sino, napapatawa niya no?” anaman ni Dinah.

“Saka ang bait pa.”

Tuluyan nang naglapat ang mga labi ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula sa mga kaibigan.

“So all along naglolokohan lang pala tayo? Ang akala ko, kakampi ko kayo. Kaya pala kapag may plano akong maghiganti parati kayong hindi nag-cocooperate. Nahawa na pala kayo sa damuhong iyon.” Napabuga siya ng hangin. After all those thing Gino did to her, nasasabihan pa ito ng kaibigan niyang mabait??? Aren’t these two her bestfriends?
Para namang nagising ang dalawa sa sinabi niya.

“Oh, we hate Gino, that’s for sure. Pero masama ang maghiganti, Mush.” dagling sabi ni Betchy.

“Yeah, we hate him.” segunda ni Dinah na halata namang walang conviction.

“Spill it out.” matigas niyang sabi.

Nagkatinginan ang dalawa.

“Okay, we think he’s cute. And we think he’s adorable.” mabilis na sabi ni Dinah.

“And he’s smart.” Tumango-tango na sang-ayon ni Betchy.

“He’s actually good in everything he does.”

“And he’s really charming, Mush. Can’t you see it?” Nagsalubong ang kilay ng dalaga sa narinig. Gusto niyang sumabog ng mga sandaling iyon. Her two bestfriends are actually having crush on Gino!

“But we very much hate him for making fun of you.”

“Absolutely hate him,” echo naman ng isa.

“But… don’t you ever find him cute, Mush?”

“Never!” aniyang halos maglabasan ang litid sa leeg.

“Didn’t you ever think for a second na inaasar ka niya dahil may nafi-feel siya sa’yo?”
“Don’t-talk-to-me-anymore!” mariing sabi niya sa dalawa saka mabilis na tinalikuran ang mga ito. Pero maagap na hinarang siya ng dalawa.

“I thought you were my bestfriends!” aniyang naiiyak. She felt betrayed. And what did Dinah said? Si Gino, may nafi-feel sa kanya? Absurd!

“We are.” sabay na sagot ng mga ito. “We always will be. C’mon, Mush. If you think it over you’d realize we have a point.”

“We’re sorry we can’t fake it. Talagang nalulungkot kami na wala si Gino. He’s not a total bad ass, is he?”

“Of course, he is!” singhal niya sa dalawa.

“In no time, you’re gonna miss him.” ani Betchy. “We’re just here, Mush.”
For the first time she felt betrayed by her bestfriends and by her own feelings. Bakit tila nami-miss nga niya si Gino? Mabilis na nilayuan niya ang dalawa. At nagpasalamat siyang hindi na siya hinabol pa. Hindi niya aakalaing ganoon ang magiging reaksyon ng mga ito. She thought they’re gonna celebrate. They’re so impossible!

Nagmamadali siyang naglakad patungo sa library nang bigla na lang siyang tinamaan ng bola sa braso.

“Ouch!” malakas na sigaw niya. It doesn’t really hurt. Gusto lang niyang sumigaw. At gusto niya ng away.

“I’m sorry, Miss. I’m really really sorry.” hinging paumanhin ng binatang lumapit sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakahanda na siyang mapaaway pero nalunok yata niya ang dila niya nang masilayan ang mukha ng kaharap.

“Miss, are you okay?” anitong bahagya siyang niyugyog.

Tumango siya nang makabawi sa pagkabigla. She knew this face she’s seeing. Sino bang hindi nakakakilala sa MVP ng school nila? She saw him smiled in relief. And instantly, nawala lahat ng nararamdaman niyang inis at galit kani-kanina lang. Napalitan iyon ng kakaibang damdamin. Tila ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Kinuha nito ang bola at ibinato iyon sa mga kasama. And before she realized, she looked stupid smiling at him.

“You look familiar. Have we met before?” tanong nito.

Umiling-iling siya. Bigla siya natauhan at tinablan ng hiya. “I have to go.”

“Wait.”

Natigil ang paghakbang niya at tiningnan ito. Naging abnormal bigla ang tibok ng puso. Ganoon din kaya ang nararamdaman ng ibang girls kapag nakakaharap ito? She can’t wait to tell Dinah and Betchy. Tiyak lulubog ang mga iyon sa lupa sa sobrang inggit. But wait, they just had a fight. Ah, screw the fight.

“I’m Michael. Michael Wallace.” Inilahad nito ang kamay. Alam niyang nanlalamig ang palad niya nang abutin ang kamay nito. Nang magdaop ang palad nila’y nag-init ang magkabilang pisngi.

“Nice meeting you.” aniya at tila napasong binawi kaagad ang kamay.

“I hope you have a name,” anitong ngumiti ulit, lumitaw ang dimples sa magkabilang pisngi.

Lalo siyang pinamulahan ng mukha. “M-Mushroom Nepomuceno.” Hinintay niyang humalagpak ito ng tawa kagaya ng ginagawa parati ni Gino kapag binibigkas o naririnig ang pangalan niya. Pero ngumiti ulit ito. He looked amused.

“Nice name,” komento nito. “I’ll see you around,” anitong itinaas ang kamay para bumalik sa kagrupo. Nakarinig siya ng kantiyawan. Muli siyang nilingon nito saka kinawayan. Dagli siyang naglakad pabalik. She has to see Dinah and Betchy!

HINDI niya mahanap ang dalawa. At palibhasa’y unang araw ng klase, walang pasok ang ibang subjects. Nangangati na ang dila niyang magkuwento sa mga ito. She just met Michael Wallace! Last year pa nila pinapantasyang makaharap ang binatang nakapag-uwi ng panalo sa basketball team ng university nila. Wallace was first year college then. At nasa third year high school naman sila. Wallace is supposed to be an exchange student pero nagustuhan na nitong manatili sa Pilipinas, papaano’y Pinay naman ang ina nito.

He’s really… handsome? No, he’s pretty. PRETTY. Very pretty. Parang ang perpekto ng buong pagkatao nito. Napangiti siya nang maalala ang mukha nito habang nakangiti. His eyes were blue and his hair looked soft and gray. Yeah, he reminds her of Richard Gere. Nahigit niya ang hininga. Omigosh! She’s having crushes again!
Bigla’y nakarinig siya ng tili. Nang napalingon siya’y ang excited na mga mukha ng kaibigan ang nakita. Nakalimutan nila ang away nila kanina at parang mga batang naghawakan ng kamay at nagtatalon.

“Guess what! Guess what!” halos sabay-sabay nilang tili.

“Do we have the same news?” ani Betchy na walang tigil sa pagtili.

“I think we should calm down.” suhestiyon niya.

Tumango-tango sila pagkuwa’y impit na napatili.

“Okay, enough,” ani Dinah. “Okay you first Mush.”

“I’ve met someone you’ve been dying to meet!”

“Oh, Mush, we already met him!”

Tumigil siya sa kakatalon. “You met Wallace?”

Natigilan ang dalawa’t napapatitig sa kanya. “You met WALLACE?!” tanong ng mga ito na halos yumanig yata sa lupa ng school.

“Who do you think I was refering to?” takang tanong niya.

Bumalik ang saya sa mga mukha ng dalawa. Nakalimutan ang excitement niya kay Wallace.

“He’s back, Mush. He’s here. We don’t have to miss him anymore.”

Sa tono pa lang ng dalawa’y parang ayaw na niyang marinig ang sasabihin ng mga ito.

“Mush…room,” she heard a chuckled behind her and that voice she could never mistake for someone else. “I got a new pet for you.”

Umigkas ang kilay niya. “Hindi ako interesado!” iritadong sagot niya na hindi ito nililingon.

“C’mon, meet Belle,” anito.

Sambakol ang mukhang humarap siya rito. Nanlaki ang mga mata niya nang tumapat sa mukha ang isang malaking gagamba na hawak-hawak nito. Sa gulat ay tinampal niya ang kamay ni Gino. Upang  mapasigaw lamang dahil nakawala ang gagamba at gumapang sa braso niya.
“Omigosh!” She shrieked. Para siyang baliw na nagtitili habang pinapapag ang gagamba sa katawan.

“Relax!” ani Gino sa kanya at tinangka nitong kunin ang gagamba pero imposible iyon dahil wala siyang tigil sa pagpagpag ng katawan. Tinulungan siya ng dalawang kaibigan na makuha ang gagamba. She’s almost close to tears. Narinig niyang naapakan daw ni Betchy pero hindi niya mapigil ang sariling papagin ang katawan.

“It’s alright, Mush,” ani Betchy at Dinah na niyakap siya. “It’s gone.”

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili pero hindi niya napigilang mapaiyak. She’s too terrified! She hates spiders!

“Gino naman,” ani Dinah na nainis sa ginawa ng binata sa kaibigan. Pero abala ito sa paghahanap sa gagamba nito.

“Asan na si Belle?”

Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit. Kumalas siya sa pagkakayakap ng dalawa at hinarap si Gino. Walang sabi-sabing sinampal niya ito ng buong lakas.

Napangiwi ito sa sakit. “Ouch… yan ba ang welcome greeting mo sa ‘kin, Mushroom?” Iginalaw nito ang tila nadislocate na panga.

“SHUT UP!” gigil na gigil na sabi niya. “Huwag na huwag kang makalapit ulit sa’kin. At huwag mo ‘kong kakausapin!” mariing sabi niya. “My life was happier without you, Gino. Sana, hindi ka na lang bumalik!” aniya saka tinalikuran ito. Humulagpos ang luhang hindi niya mahagilap kung para saan sa sobrang dami ng emosyong nararamdaman.

“Ouch…”sabi ulit ng binata. “Mas masakit ‘yon sa sampal ah.”

Binigyan ito ng masamang tingin ni Dinah at Betchy.

“I hate him!” deklara ni Betchy.

“Hate him more!” anaman ni Dinah. Saka inalo nila ang kaibigan.

NANG gabing iyon, talagang hindi niya kinibo si Gino.  As usual, naghanda ng welcome party ang Mommy niya para sa pamilya nito. And as a respect to her mom and dad, and to her Tita Donna and Yaya Melba, bumaba siya’t nakihalubilo sa mga ito pero hindi niya kayang makipagplstikan kay Gino.

“How are you, hija? I really missed you.” anang Tita Donna niya na niyakap siya.

“O-Okay lang po. Medyo stressed ho sa first day,” aniyang pinukulan ng masamang tingin ang kababata.

“Did Gino played another joke on you?” Makahulugang tiningnan nito ang anak na abala sa pagsubo ng tiramisu. Nakakatatlong serve na yata ito.
“Hindi na siguro siya magbabago, Tita,” aniyang napabuga ng hininga.

Hinagod ng ginang ang buhok niya. “Pagpasensiyahan mo na si Gino, hija. He just have peculiar ways of showing his feelings towards people he truly cared.”

Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Gino sa narinig pero hindi sila sinulyapan man lang nito. Cared? Duh! Nagpatuloy ang Mommy nito.

“He missed you. Believe me, he does. We could’ve stayed there for good. Pero mapilit siyang dito magtapos ng high school. And well, wala naman siyang ibang itinuturing na kaibigan maliban sa’yo.”

She fell silent for a while. And she felt that hollow in her heart that she had been denying to feel since Gino left. Nang tingnan niya ito’y nagtama ang mga mata nila. Kaagad niyang binawi ang tingin dahil muli na namang kumabog ang dibdib niya. That same strange feeling she felt in the hospital. Ipinilig niya ang ulo. Yeah, right. Maybe she missed him too. Or maybe not!

Nang mapag-isa siya’y lumapit ito sa kanya.

“Mang-aasar ka na naman?” asik niya.

“Sorry na sa nangyari kanina.” seryoso ang mukha nito. Mataman niyang tinitigan ang mukha nito, at hinanda ang sarili sa anumang pwedeng gawin nito. Pero wala. He’s saying sorry. Epekto ng tiramisu?

“I really didn’t mean to scare you. It’s completely harmless. Di ba nga sabi ko pet. Tinapakan pa ng magaling na Betchy.” palatak nito na muntik na niyang ikangiti. Pero nanatiling magkadikit ang kilay niya’t tiningnan ito ng masama.

“I know, Gino. You meant to embarass me. Ganoon naman talaga ang nakapagpapasaya sa’yo, di ba?”

“Of course not,” agad na sagot nito. “Konti.” pagkuwa’y sabi nito.

Mangani-nganing batukan niya ang kaharap pero seryoso pa rin ang mukha nito.

“Mushroom,” tawag nito. For the first time hindi ito tumawa sa pagkakabigkas ng pangalan niya. “Bati na tayo.”

“Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan kita kahit kailan. Bakit ba hindi mo subukang bumait sa’kin kahit minsan man lang?”

“Mabait naman ako, ah.”

Napabuntong-hininga siya. Parang ilang beses nang nangyayari ang ganito. Inilahad nito ang kamay. Ngunit bago pa man niya abutin ang kamay ng kababata’y napatili na siya. Papaano’y may pinakawalan itong malaking gagamba sa palad na gumapang sa braso nito. Mabilis siyang napaatras.

“I-HATE-YOU!” sigaw niya sa pagmumukha nito saka mabilis na pumanhik sa silid.

“Partner ni Belle, hindi ko alam kung papaano sasabihin sa kanya na wala na si Belle.” Naulinigan niyang sabi nito. “Hindi mo man lang ba ako tutulungan mag-explain?”

Tinawag nito ulit ang pangalan niya. Hindi na siya nag-abalang lingunin pa ang walanghiya na akmang hihingi na naman ng paumanhin. Wala siyang pakialam kung ano ang isipin ng mommy’t daddy niya at ng parents ni Gino.

Naibunton niya sa unan ang inis niya sa kababata at pinagsisipa iyon. Talagang sobrang asar na siya kay Gino. Napakawalang puso! Halang ang kaluluwa! Matagal na niyang hiniling na mawala ito sa buhay niya ngunit tila hindi naririnig ng Diyos ang hiling niya. Ano ba ang kailangan niyang gawin?

Isinubsob niya ang ulo sa unan. Sana… sana huwag na siyang gambalain ni Gino kahit na kailan.

KINAUMAGAHAN may natagpuan siyang regalo sa paanan ng kama niya. Nang makita ang card na nakasukbit doo’y umasim ang mukha niya. Galing kay Gino. Naisip niyang itapon kaagad sa basurahan. Palagi niyang naiisip iyon sa tuwing may pasalubong si Gino para sa kanya. Pero pawang mga paborito niya ang naisipang ibigay nito kaya hindi niya matapon-tapon. Mabilis na binuksan niya iyon. At unti-unting nagliwanag ang mukha sa nakita. It’ a music box. Lalo siyang napangiti nang buksan niya iyon at makitang may dalawang crystal swan na magkadikit na naghugis-puso ang tila sumasayaw sa saliw ng mabining tugtog. Kung ilang minuto siyang nakatitig roon ay hindi niya alam. She loved it!

Ngunit nang maalala na galing kay Gino iyon ay napapikit siya ng mariin saka hinawakan ang box para itapon iyon. She hates Gino more! Akmang ibabato na niya kasehodang masira iyon nang mapatitig siya sa hawak. Nabitin sa ere ang kamay niya. Ang ganda kaya. Napabuntong-hininga siya at ibinalik iyon sa kama at pinatugtog ulit. Saka lang niya napansin ang maliit na card sa loob.

Sorry na… ang tanging nakasulat roon.

Heh! aniya at itinapon ang card saka nakangiting binalingan ang music box.

 

18 thoughts on “As Long As Forever – CHAPTER 2

  1. hahha XD natawa naman ako kay Gino…biruin mo dinala pa ung boyfriend ni Belle para mag-explain..LOL
    loko talaga…
    kahit ako ginanun talagang magagalit ako nuh

Leave a Reply