As Long As Forever – CHAPTER 14

NAALIMPUNGATAN ni Mushroom ang tunog ng ringing tone niya. Ibinaon niya ang ulo sa ilalim ng unan. Pero walang tigil ang pag-ring ng cellphone niya. Pikit ang mga matang kinapa niya iyon sa bedside table.

“Hello?” inaantok na sabi niya.

“Omigosh! Mushroom, hindi ka pa ba gising?” gulat na sabi ng kabilang linya.

Ibinaon ni Mushroom ang ulo sa unan. “Maaga pa, Dinah.” reklamo niya.

“It’s eight-thirty already! Tanghali na, Miss VP! Pagagalitan ka na niyan ng Daddy mo!”

“May lunch meeting ako, Dinah.” tinatamad niyang sabi. Mangani-nganing bitiwan niya ang telepono. Madaling-araw na siyang natapos sa paperworks sa opisina. Simula nang umupo siya bilang vice-president ng kumpanya nila’y papaunti nang papaunti ang tulog niya. She wants to impress her dad everyday. And she only felt fulfilled in her work. Kaya pinag-iigihan niyang mabuti. “Importante ba ‘to?”

Biglang itong tumili. Muntik na niyang maitapon ang hawak. “I have good news!”

“Dinah, tulog pa ako,” ungol niya’t akmang ilalapag ang cellphone kahit na nasa kabilang linya pa ang kaibigan.

“Wait! Wait! Huwag na huwag mo akong bababaan,” dinig niyang sigaw nito. Wala siyang nagawa kundi ibalik iyon sa tenga niya. “That should be important,” banta niya.

“Of course it is! May high school reunion tayo sa resthouse nina Betchy at Louie this weekend. Pupunta tayo!” excited na sabi nito.

Mariing ipinikit ni Mushroom ang mga mata. Ayaw niyang mawala ang antok niya.

“Last week mo pa sinasabi sa akin yan, Dinah.” aniyang hindi mapigilan ang inis sa boses. Since last month, palagi nitong ipinapaalala sa kanya ang batch reunion nila every week.

“But you’re still undecided.”

“I’ve already decided. Hindi ako pupunta.”

“You are coming!” pagpupumilit nito sa desperadang tono. “It’s gonna be great, Mush. Fifty percent said yes, and you’re included in that.”

“No, I’m not coming,” pinal na sabi niya at pinindot ang end button. Napapikit siya ulit pero nawala na ang antok niya. Ang galing talaga ni Dinah manggising. Ibinaon niya ang ulo sa unan pero ayaw na talagang bumalik ng antok niya. Nagpasya siyang bumangon na at maligo. Nang maisip niya ang lunch meeting ay nabuhayan siya ng loob. She’s going to close that deal with Mr. Co today. She’s positive with that.

“YOU’RE GOING, MUSHROOM, AND YOU NEED TO ENJOY,” anang Mommy niya. “It isn’t good giving up your friends over your work. You should know that.” Sa tono ng pananalita nito alam niyang nalaman nito mula kay Dinah ang nalalapit na reunion nila. Talagang makukurot niya ang kaibigan sa singit.

“Mom-” She was about to announce that her meeting with Mr. Co was a success. Hindi biro ang magkaroon ng share sa isa sa pinakamalaking business firm ng bansa, ang Co Incorporated. Pero sinalubong kaagad siya ng sermon ng ina.

“I agree, hija,” anaman ng Daddy niya. “I am about to regret giving you the Vice Presidency because it’s eating all of you. Go out and socialize.”

“Dad-“

Pero hindi siya uli pinagsalita ng Mommy niya. “You’ve been overdoing it, Mushroom. I can’t even remember the last time you went out with your friends. You’re not even dating. We did not raise you up to be a hermit.”

“I’m happy with my job. I’m enjoying every minute of it. C’mon, Mom, there will be a lot of reunions. Pwede kong ipagpaliban iyan kesa sa trabaho ko.”

“No one’s going to work on weekends,” paalala ng Daddy niya.

Mataman siyang tiningnan ng ina saka napabuntong-hininga ito. “Mushroom, I’m serious, you need to have fun. It will be nice renewing old ties, believe me. You’ll be happy once you’re there.”

“Speaking of being happy,” aniyang napangiti dahil nakakita ng pagkakataong ilihis ang usapan. “I closed the deal with Mr. Co!” Masayang sabi niya.

“Tell me you’re not joking,” anang Daddy niya na tila hindi makapaniwala.

Umiling siya. “I’m not!” Tumawa ang Daddy niya at niyakap siya.

“I’m taking back my words, hija, the best decision I’ve made is giving you the vice presidency,” buong paghangang sabi ng Daddy niya.

“Mom?” aniyang naghihintay sa sasabihin ng ina.

“That’s good news!” anitong ngumiti. “You are doing great, hija. But you shouldn’t forget that people are more important than jobs. You should find time for your friends.”

“Mom…” ungol niya. Bumalik na naman sila sa dating usapan. At alam niya kung saan ang patutunguhan niyon. Hinding-hindi siya titgilan ng mga magulang lalo na ng Mommy niya hangga’t hindi siya napapa-oo. “Okay, I’m going.” napipilitang sagot niya para matapos na ang usapang iyon.

Nagliwanag ang mukha ng Mommy niya saka napangiti at  kaagad na binalingan ang asawa. “Should we find her a date?” pabulong na sabi nito na dinig naman niya.

“Mom!” aniya nanlaki ang mga mata.

“I know someone,” anaman ng Daddy niya na tila ba wala siya roon.

Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat siya ng tingin  sa mga ito.

“You’re twenty-six and you still don’t have a boyfriend. You need to have a date.” anang Mommy niya nang akmang magsasalita siya.

“Oh please,” aniyang sumasakit na ang ulo.

“I am enjoying every single minute being single. I am happy. So please, let’s stop this. I’m not going to that reunion with a date,” mariing sabi niya. “I’m serious, I’m not going if you insist on having a date.”

Nagkatinginan ang dalawa pagkuwa’y muling napatingin sa kanya. “What about after the reunion?” halos magkasabay na sabi ng mga ito.

“No. Not yet,” aniyang pinipilit magpakahinahon. Pakiramdam niya, anumang oras, may puputok na ugat sa ulo niya. They always treat her like a little child, na tila ba hindi alam ang ginagawa. Why can’t they just respect her decision? And besides, what’s so wrong about being single?

“Paano kami magkakaapo niyan?” malungkot na pahayag ng Daddy niya. Ayun na naman… Kapag ganyan ang tono ng ama’y gusto na niyang umalis. Dahil lumalambot siya kapag ganoon ang ekspresyon ng mukha nito. Matagal ng inuungot ng mga ito na gusto na nitong magkaapo. With no artificial means. Which meant she has to get a boyfriend and get married. ASAP.

“Oh please… I just don’t need to be in a relationship right now. Marami pa akong gustong marating. And I can’t let anyone get in the way,” paliwanag niya. “Mom,” aniyang nagpapaunawang tiningnan ito saka yumakap sa bewang nito saka binalingan ang ama. “Dad,” aniya’t iniyakap din ng isang kamay dito. “It will come. There’s no need to rush.”

“That’s what you said years ago,” anang Daddy niya na umiling-iling. “Look at us, we’re old and we don’t know when-“

“Ow c’mon,” aniyang gustong pumadyak. Ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na iyon. Alam na niya kung ano ang sasabihin ng Daddy niya at ayaw niyang marinig iyon dahil natatakot siya. She wants her parents to be with her for as long as it takes. And she hates it when they talk like they’re gonna die tomorrow and she’s gonna regret not giving themwhat they so long requested.

“Can you at least accept suitors, hija?” anang Mommy niya. “And eventually engage in a relationship? Just give it a try.”

“That’s a good idea, hon,” sang-ayon ng Daddy niya. “I so long to have a tiny little baby in my arms again.”

“Yes, a baby,” anaman ng Mommy niya. Nagkatinginan ang mag-asawa na tila ba nangangarap.

She looked at her parents with disbelief. “You are not telling me to jump into a marriage with a stranger, are you?”

Seryoso ang mukhang napatingin ang mga magulang niya sa kanya. “We are telling you to give yourself a chance to be with someone. We want you to fall in love. And have that life that is worth living and worth dying for, hija. And you can’t have that if you don’t allow yourself to.” seryosong sagot ng Mommy niya.

Something hit her. And before the hurt gets deeper, she dismissed all her thoughts. “It’s not that easy, Mom.” sagot niya.

“But you’ve been in love, haven’t you?” anang Daddy niya.

“Dad!” No, she doesn’t want to talk about all of this. Pakiramdam niya’y nasasakal siya.

“Give that love a chance, hija. Look at me and your Mom. We are happy now because we gave each other a chance.”

“And we regret nothing,” anang Mommy niya at masuyong tiningnan ang asawa.

I’ve been there, Mom… and I regretted everything. Indeed love brings happiness, yet it brings pain, too… pilit niyang iwinaksi ang anumang nasa isip nang biglang humapdi ang dibdib.

Niyakap niya ng mahigpit ang mga magulang. Napapikit siya ng mariin. “Alright,” aniya para matapos ang usaping iyon. “I’ll give it a try.” sagot niya kahit wala siyang planong gawin iyon.

Napatingin ang Daddy niya sa Mommy niya saka napangiti. At niyakap siya ng mahigpit ng mga ito.

“We can’t wait!” excited na sabi ng Mommy niya saka binalingan ang asawa. “Is it too early to renovate the house?” tanong nito.

“I think we can do that.” sagot ng Daddy niya na ngumiti. At parang nakalimutan na naman ng mga ito na nandoon siya’t naririnig niya ang mga ito.

“Renovation?”

“Oh,” anang Mommy niya na napatingin sa kanya. “For the engagement party, the wedding, you know, it’s better to be prepared, hija.” sagot nito na maluwag ang pagkakangiti. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa mga ito. Bigla’y naging excited ang mga ito sa pagpaplano. Napasubo yata siya. Pero wala siyang panahong makipagrelasyon. She has given love a chance… and it only broke her heart. No one could push her into a pit she already had fallen. Because when she fell and nobody was there to catch her, she only ended up being broken.

KINABUKASAN, nagising siya ulit sa tunog ng ringing tone niya. Si Dinah na talaga ang nagsisilbing alarm clock niya. At ewan sa kanya, kahit na naiinis na siya kung minsan, hindi niya mapigilan ang sariling sagutin ang tawag nito. It has become like a habit. Pupungas-pungas na pinindot niya ang answer button.

“Mush-“

“Yeah, I’m coming,” agarang sagot niya. Alam na niya ang sasabihin nito. Napatili ito sa tuwa sa kabilang linya.

“You won’t regret this, Mush. Guess what? Everybody’s coming! You’re gonna miss 9/10 of your life if you miss it!” eksaheradong sabi nito.

Napadilat siya sa narinig.

“Everybody?” tanong niyang nahigit ang hininga.

“Yep.”

“Imposible,” bulong niya. It’s been ten years. How can it be possible?

“Oh, it isn’t,” ani Dinah na tila nasiyahan at nakuha nito ang atensiyon niya. “Everyone confirmed they are coming. One hundred percent! Everyone,” pagbibigay-diin nito. “Including the one you’re thinking right now,” anitong nanunudyo.

“I’ve no one in mind,” kaagad na sabi niya at pinigilan ang sariling mag-isip.

“Of course you do! Gino’s coming, Mush! He just confirmed today!” anito saka tumili. “Aren’t we excited?”

Tila may bakal na pumiga sa dibdib niya pagkarinig ng pangalang iyon na matagal na niyang kinalimutan. Oh, c’mon Mushroom, aniya sa sarili. You’re over him, paalala niya.

“Paki ko ba,” aniyang pinilit maging kaswal ang tinig.

“Paki mo ba? Gilberto Nazareno, Jr. is the most dashing, most talented, not to mention most charming and incredibly the sexiest world renowned artist in the whole universe.” anitong tila nagha-hyperventilate na. “Aren’t you even interested how he has been? He was your childhood sweet-“

“We were never childhood sweethearts!” putol niya sa sabi nito. Natigilan ito sa kabilang linya tila nag-isip.

“Well, at least he was sweet!” bawi naman nito. “Feeling ko hihimatayin ako ‘pag nakita siya ulit,” anitong tila kinikilig.

Hindi siya umimik. Yeah, she heard so much about him. Kung gaano ito katanyag, kung gaano ito kahusay, at kung gaano ito katagumpay sa larangan ng sining. She had seen his face in newspapers and magazines. She even saw him on TV. He has worked for the most prominent people in the world, including politicians, royal families and famous actors and actresses. He even made a portrait for the Pope. Parang nakikinita niyang nagpapalatak si Mr. de la Cruz dahil bukambibig nito noon na magiging tanyag na pintor si Gino. Their teacher was right, Gino made it big.

Siguro iyon ang dahilan kaya lumipat ang mga ito sa States. Siguro iyon din ang dahilan kaya nasabi ni Gino na hindi ito sigurado kung babalik pa ito. Siguro, iyon din ang dahilan kaya tuluyan na siyang kinalimutan nito… Napapikit siya ng mariin nang pumasok sa balintataw ang huling pag-uusap nila. When she was yet young and hopeful… When he said… Pinigilan niya ang sariling isip. Ayaw na niyang maalala iyon. Dahil baka magnaknak na naman ang sugat na matagal na niyang pinilit maghilom. No, she won’t go too far of hurting. She had enough.

“We’re going to have a good time!” excited na sabi nito pero kagaya ng dati, wala siyang sagot. “Basta ha, it is settled. Susunduin kita. I’ll see you on Friday! Babuuu,” anitong ibinaba ang telepono.

Ibinalik niya ang cellphone sa bedside table at saka muling ibinaon ang mukha sa unan. Pumikit siya, umaasang dadalawin ulit ng antok pero gising na gising na ang diwa niya. And before she could even notice it, his face went inside her mind again. Ginagap niya ang dibdib. She’s okay. Yes, she’s definitely okay. Hindi na siya maapektuhan ng lalaking iyon.

I’m over him, kumbinsidong sabi niya sa sarili. Napatingin siya sa kamay nang kumislap ang singsing nang matamaan ng sinag ng araw. I’m over him, ulit niya. That’s why I can wear the ring, aniya.

Napabuntong-hininga siya. So he’s coming back. May gumuhit na pait sa dibdib. It’s funny how memories still hurt her. Like they’ve taken form of a knife, stabbing her heart. But they’re all memories. It may hurt her but it won’t make her bleed. No, not anymore. Hindi na siya masasaktan pa kahit nasa mismong harapan niya ito. He didn’t matter to her anymore. He can’t make her heart bleed anymore.

“I’m over you, Gino,” malakas na sabi niya. She’s expecting herself to laugh afterwards. But a tear fell from her eyes. Then another followed. And the next moment, she heard her own sobs as she hugged herself tight that she might not break apart. Bakit pa babalik si Gino?

25 thoughts on “As Long As Forever – CHAPTER 14

Leave a Reply