As Long As Forever – CHAPTER 13

Cannot touch
Cannot hold
Cannot be together

Cannot love
Cannot kiss
Cannot have each other

Napahugot si Mushroom ng malalim na hininga. It’s the dawn of her eighteenth birthday at ganitong kanta ang bumungad sa kanya.

Must be strong,
And we must let go
Cannot say
What our hearts must know

Unti-unting bumalot ang kalungkutan sa paligid niya. She tried to dismiss the thought but his face fills her head and brought back the aches which she tried hard to forget. She should be stronger now. Pero ganoon pa rin. Nasasaktan pa rin siya sa tuwing naiisip ang kababata.

How can I not love you
What do I tell my heart
When do I not want you
Here in my arms
How does one walks away
From all the memories
How do I not miss you
When you are gone…

Ginagap niya ang dibdib. Pinahid niya ang luhang nag-uunahang pumatak sa pisngi niya at kinuha ang remote at pinatay ang stereo. It isn’t good to start her day with tears. It’s her birthday for goodness sake! Pero ang sikip na ng dibdib niya. At kahit ayaw niyang maalala’y pilit umuukilkil sa isipan ang mukha ng unang nagpatibok ng murang puso niya.

Mahigit isang taon na mula nang umalis si Gino. Mahigit isang taon na rin na wala silang komunikasyon. Tita Donna is still in contact with them though. Ang alam lang niya, okay si Gino. He’s on boarding school kaya masyado nang naging busy. Kaya siguro hindi na siya nito naaalala. Kaya siguro nakalimutan na siya nang tuluyan. She could not feel anything but pain. Something too intense she could not almost bear. It is so unfair dahil ganoon lang pala kadali kay Gino ang limutin siya. Samantalang siya, walang araw na hindi niya ito naiisip, walang araw na hindi niya hiniling na nasa tabi niya ito, at walang araw na hindi niya nararamdaman ang sakit sa tuwing naaalala niya ito.

Nahagip ng paningin niya ang labas ng bintana ng silid niya at napatitig siya sa kabilang bahay. What used to be Gino’s room is still empty. She wished she could bring back those days when Gino was still there. Because right at that very moment she missed him. She wanted to hear his laughter once more. She wanted to be inside his arms again. She longed to see his face again. She just wanted him to be with him kahit sandali lang. Pero alam niyang imposible iyon.

Now she knew why Gino made it clear not to wait for him before he left her. Maybe he has seen this. Maybe he knew he would enjoy his life there and he would forget about her. Maybe he has prepared himself he’ll forget her in time… Or maybe it was hard for him, too. Hindi niya alam. She wanted to know. Kahit na nagmumukha na siyang tanga, she had always wanted to know everything that concerns Gino. A part of her believes he still loves her. A part of her knows he still cares. Dahil ganoon pa rin ang nararamdaman niya. Kaya kahit anong pilit niyang limutin ito hindi niya magawa. At sa mga pagkakataong kagaya nito, hindi niya maiwasang maramdaman ang sakit. Dahil kahit anong pilit niya huwag isipin, gusto niyang nariyan si Gino sa espesyal na gabi niya. She wanted Gino to be her escort and her last dance. Si Gino na lang ang kulang sa grand cotillion niya. She wanted him to be there. Mas magiging kumpleto ang saya niya kapag kasama niya ito.

Natigil ang pag-iisip niya nang mag-ring ang cellphone niya. Hindi niya pinansin iyon pero hindi tumitigil sa kari-ring kaya napilitan siyang sagutin iyon. Nagtaka siya nang makitang private number iyon. Kaagad niyang kinuha ang cellphone at sinagot. Alam niyang si Dinah iyon. Simula pa noon ay ito ang nanggigising sa kanya sa tuwing birthday niya.

“Happy birthday!” masiglang bati ng kabilang linya.

Natigilan siya dahil hindi boses ni Dinah iyon. She felt a huge lump on her throat and she felt it so hard to swallow. Nanghahapdi ang ilong niya’t mga mata. It’s the voice she missed for so long.

“Pasensiya na ha kung ngayon lang ako nakatawag. Hectic yung schedule ko kasi.”

Hindi siya makapagsalita dahil pipiyok ang boses niya tiyak. Napayakap siya sa unan at ninamnam ang bawat salitang naririnig niya. It’s Gino… He remembered her birthday! Bigla’y gusto niyang magtatatalon sa tuwa. His voice soothed all the pains of missing him. She’s so happy she felt like sobbing.

“Uyy, magsalita ka naman. Pinag-ipunan ko ‘tong ipinantawag ko sa’yo ah.”

“Akala ko kinalimutan mo na ako,” pabagsak niyang sabi. Bahagya pang pumiyok ang boses niya.

“Umiiyak ka?” tanong nito na bahagyang natigilan nang magsalita siya.

“Hindi ah! May sipon ako.” pagsisinungaling niya.

“Mushroom…”

“O?”

Dinig niyang napabuntong-hininga ito. “Mushroom…”

“Ano nga?”

She heard him chuckled.

“Mushroom,” tawag ulit nito.

“Nang-iinis ka ba? Isa pa’t–”

“Ngayon lang may sumasagot habang binibigkas ko ang pangalan mo. Ngayon lang may nagtataray ulit sa’kin.” Muli itong napabuntong-hininga. “I never thought I missed you this much,” anito na pumunit yata sa puso niya. “Pa-hug nga,” lambing nito.

“Heh!” aniya na hindi maampat ang luhang umaagos sa pisngi. “Ba’t ngayon ka lang tumawag?” parang batang sumbat niya.

“Kasi ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon. Ang galing di ba, kasi birthday mo pa.”

Hindi siya sumagot. Bumalong ulit ang luha niya. “One year mo akong tiniis ah,” aniyang hindi mapigilang ilabas ang hinanakit sa dibdib.

“I’m sorry, Mush. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin. Gustuhin ko man na tawagan ka, hindi pupuwede. But there was never a day I haven’t thought about you. Hindi ko alam kung nararamdaman mo ‘yun. But I always wanted to be with you.”

“Paano ko mararamdaman kung hindi mo naman pinaparamdam?” aniyang sumigid na naman ang sakit sa dibdib.

“Sorry na, Mush… I’m not allowed to have a cellphone. Nakapuslit lang ako ngayon.”

Hindi niya magawang sumagot. Sapat na ang narinig niya para mawala ang lahat ng hinanakit niya.

“Na-miss mo ba ako?” tanong nito.

Tumango siya sabay pahid ng luha sa pisngi na walang tigil ang pagpatak.

“Sana nakikita ko kung tumatango ka o umiiling ‘no?” anito.

“Oo na, na-miss na.”

“Miss din naman kita,” anito saka humugot ng malalim na hininga. “You can never imagine how much.”

Kinagat niya ang labi para pigilin ang sariling mapahikbi.

“Sorry na,” ungot nito.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. “Okay, pinapatawad kita ngayon. Pero pag binalewala mo ako ulit, hindi na kita patatawarin.”

“Thank you, Mush. Alam ko naman na hindi mo ako matitiis, eh.”

“Mukha mo.”

Natawa ito.

“Ano nga palang birthday wish mo?”

Natigilan siya. Ikaw… gusto niyang isagot pero pinigilan niya ang sarili.

“Huwag iyong mahal ha.” dagdag nito.

“Ano na?” untag nito nang hindi siya sumagot.

“Mahal eh. Huwag na.” aniya.

“Gaano kamahal?”

“Mahal na mahal.” Mahal na mahal ko. Gusto niyang batukang ang sarili sa iniisip.

“Mahal na mahal din naman kita.”

“Ha?” malakas na tanong niya. At nag-init ang sulok ng pisngi.

Natawa ito sa kabilang linya.

“Mushroom naman, huwag ka ngang sigaw ng sigaw.  Iparamdam mo naman sa’kin na masaya kang kausap ako nang maging masaya naman ako,” himutok nito.

“M-Masaya ako, ah. Masayang-masaya,” totoo sa loob na sagot niya.

“Dahil sa’kin, ‘no?” tudyo nito.

“Kahit kailan ang kapal mo.”

Tumawa ito. At sumikdo na naman ang dibdib niya.

“Gino,” Napalunok siya. Umuwi ka na... anang isip niya.

“Hmm?”

“Gino,” ulit niya dahil hindi niya masabi-sabi iyon.

“Yeah?”

“W-Wala. Gumaganti lang,” mabilis na sagot niya na ikinahalakhak nito. She missed that laughter so much.

“Marunong ka na ha. Kung nasa malapit ka lang-” Hindi nito itinuloy ang sasabihin.

Umigkas ang kilay niya. “Kung nasa malapit ako, ano?”

“Wala.”

“Ano?” aniyang tumaas ang boses.

“Aakapin lang. Masyado ka namang high blood, Mush.”

Bigla’y nawala ito sa kabilang linya, tila may kausap. Pagkuwa’y binalikan siya.

“Sorry, Mush, I have to hung up soon.”

Sinaklit ng takot ng dibdib niya. She doesn’t want that moment to end.

“Pero tatawag ka naman ulit, di ba?” umaasang tanong niya.

“I could not promise, but I’ll definitely try.”

“Yeah, you definitely should.”

“Enjoy the party tonight then. And say hello to Tito and Tita for me.”

“Gino,” aniyang napapikit ng mariin. Ayaw niyang mawala ang boses nito. Natatakot siyang mawala ang kaligayahang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

“Hmm?” anito.

“Can we have a minute more?”

“Of course,” sagot nito na tila ba bulong lang.

“Since you won’t be here tonight, will you dance with me on my birthday?” aniyang isinantabi ang lahat ng hiya.

Nakuha nito kaagad ang hiling niya.

“Certainly, my princess.”

My princess... His words seem to always touch her from deep within. And her heart is longing for him to be really beside her by that moment.

“Kantahan din kita,” anito. She stood up and readied herself for the dance. At kahit hindi niya nakikita ang kababata’y tila kinakabahan siya na di niya mawari. The same feeling during the dance at the prom. His voice filled her head as he sang Happy Birthday in such a slow and gentle way. She closed her eyes and imagined Gino’s one hand on her waist and the other holding her hand. And she felt his presence more than ever. All she could hear is his deep breaths and she could almost feel how warm it felt under her skin. They danced until the song ended. And she imagined resting her head on his chest, listening to his heartbeat.

“I wish you’re here,” mahinang bulong niya.

“I wish so, too. I’m sorry I couldn’t make it to your birthday.” seryosong sabi nito. Mushroom could feel the anguish in his own voice. “But know that you are always in my thoughts. And I no matter how long it takes, I will never forget you…”

“I’m so happy to hear your voice again, Gino.”

“Me, too. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon…” anito na tila pumipiyok ang boses. “Eighteen ka na, pwede ka ng magboyfriend. Pinapayagan na kita. Pero huwag kang masyado magpapahalik ha?”

Sumimangot siya. Ipinagtutulakan ba siya ng kababata? Pero bago pa man siya makapag-react, nagsalita ulit ito.

“I wish you a great birthday. I’m sure you will be the most beautiful lady tonight. I love you, Mushroom.” anito saka hindi na hinintay ang sagot niya’t nawala ito sa kabilang linya.

Did she hear it right? Kumabog ng husto ang dibdib. Kaagad niyang hinanap ang numero sa cellphone niya. She has to call him, kahit pa maubos ang one month load niya. Pero nadismaya siyang hindi niya mahagilap ang numero. The number was private. Naghintay siya na baka tumawag ulit si Gino. Pero lumipas na ang ilang minuto, wala pa rin.

May pumihit sa seradura ng pinto niya. At iniluwa roon ang Mommy’t Daddy niya na kumakanta ng ‘happy birthday song’ at may dalang cake na may eighteen candles na nakasindi. Napangiti siya. She was suddenly filled with happiness. Isn’t she so blessed? Pansamantala’y nawala ang sakit na dulot nga pangungulila niya sa kababata. Gino hasn’t forgotten her. Gino loves her still. And her Mom and Dad love her. She’s in tears again. But this time, she just felt so happy.

MARAHAS na pinahid ni Gino ang luhang pumatak sa pisngi niya. He has to end the call or his voice will trail off. Hanggang kailan ba ang ganito? Hanggang kailan ba siya mananatiling malayo sa pinakamamahal niya? Hanggang kailan ba nila kailangang magtiis?

It’s Mushroom’s debut and he’s somewhere out of reach. Biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang Mommy niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nginitian niya ito.

“Have you called Mushroom?” tanong nito.

Tumango siya.

“Did you tell her?”

Umiling siya. “It’s her birthday, Mom.”

“But she needs to know, Gino.”

“I know, Mom. Pero hindi muna ngayon.” Nakakaunawang tumango ito. Ilang sandali pa’y may pumasok na nurse na may dalang wheel chair.

Nagkatinginan sila ng Mommy niya. It’s time…

MAHIGPIT na hinawakan ni Gino ang kamay ng ina nang makarating sila sa labas ng operating room. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

“Mom, I’ll be alright,” pampalakas-loob niya rito. It’s his second operation and he knew the drill.

“I’ll be right outside the door,” ani Donna sa anak at masuyo itong hinalikan. “Just remember, Gino-”

“Never go towards the light,” pagtatapos ni Gino sa sasabihin ng ina. Nginitian niya ito. Alam niyang natatakot ang Mommy niya. Natatakot din siya. Pero nakahanda na siya. He just have to face this once and for all. “I’ll be out soon and I’ll be good as new. We’ve got the best surgeon, remember?” paalala niya sa ina.

Tumango ito pero bakas pa rin ang pag-alala sa mukha. “I love you, Mom.” aniya sa ina.

Humulagpos ang luha ng Mommy niya at mahigpit siyang niyakap. “I love you so much, hijo. I’ll be waiting here. I’m gonna see you soon.”

Niyakap din niya ng mahigpit ang ina. “Just in case Mom, tell Mushroom that I love her.”

Naging iisang linya ang labi ng ina. “You will tell that to her yourself, Gino. Do you understand?” mariing sabi nito.

“Alright,  I will,” aniya saka nginitian ito. Her Mom gave him one last hug.

“You have to wake up. No matter what happens, you have to, hijo. Maghihintay ako dito. Hindi ako aalis.”

“Don’t worry, Mom. I will be fine,” pagpapalakas-loob niya rito. Saka siya iginiya ng nurse papasok sa operating room.

“OUCH!” hiyaw ni Mushroom.

Napatingin kaagad ang Mommy niya sa kanya. Nasa kusina siya’t nagliligpit ng pinag-almusalan nila. “Are you okay, hija?” kaagad na dalo ng Mommy niya.

“Y-Yeah,” hindi siguradong sagot niya dahil nagsisimulang dumugo ang kamay niya. At sinalakay siya ng hindi maipaliwanag na kaba. Bigla na lang nadulas ang baso sa kamay niya’t tumama iyon sa gilid ng mesa at sa kagustuhan niyang masalo iyon, nahagip ang kamay niya sa matulis na bubog. Kaagad niyang hinugasan ang kamay pero tila hindi maampat ang dugo niyon.

“Diyos ko naman, Mushroom!” anang Mommy niya.

“It’s okay, Mom. It’s just a small cut.” aniyang pinilit maging kalamado kahit pa patindi ng patindi ang kaba ng dibdib.

Mabilis itong kumuha ng first aid kit at nilinis ang sugat niya at nilagyan iyon ng bandage.

“Thanks, Mom.”

“Next time, mag-iingat ka na.” paalala nito. “I can’t let you have this bandage tonight.” anito na iniisip ang cotillion niya.

Bigla’y naalala niya ang kababata. Muli siyang tumingin sa cellphone at umaasang magri-ring ulit iyon. Hindi niya maipaliwanag ang kaba sa dibdib. At habang lumilipas ang oras, patindi ng patindi iyon. Wala sa loob na napapikit siya ng mariin at umusal ng dasal kagaya ng nakagawian niya sa tuwing nag-aalala siya sa kababata.

THAT night was a successful debut celebration. Halos lahat ng espesyal na tao sa buhay ni Mushroom ay nandoon. Maliban lang kay Tita Donna, Yaya Melba at Gino. Naroroon pa rin ang kaba sa dibdib niya pero hindi na niya pinansin. Napatingin ulit siya sa cellphone. Hindi niya iyon inilayo sa kanya all through out the party pero hindi na muling tumawag si Gino.

Lumipas ang ilang araw, she waited for Gino’s call pero wala pa rin. Pero naiintindihan niya ito. Hanggang sa lumipas ang ilang linggo, naghihintay pa rin siya pero wala pa rin. Nakakausap niya si Tita Donna at hindi siya masyadong nag-aalala kapag sinasabi nitong okay lang si Gino. Hiningi niya ang number ng kababata at tinangkang tawagan iyon pero walang sumasagot. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan… Hanggang lumipas ang mga taon.

Nakakapagod pala ang maghintay ng matagal na panahon…

Mushroom found herself crying her heart out. Gino never called again. And it seems he’ll never ever call again…


11 thoughts on “As Long As Forever – CHAPTER 13

Leave a Reply