As Long As Forever – CHAPTER 11

IT should’ve been a usual morning. Nasa garden siya, nagtatanggal ng ligaw na damo pero wala doon ang isip niya. Gusto lang niyang may magawa sa labas dahil parang hindi siya makahinga sa loob ng bahay. What made the day unusual is the fact that any moment, the house next door is gonna be emptied once again. Aalis na ang mga Nazareno at tuluyan ng maninirahan sa States. May karatulang FOR SALE sa gate ng mga ito. And it reminds her of the pain she’s been feeling since the day she knew they’ll be leaving. Halos hindi siya nakatulog kagabi sa dami ng iniisip niya. Nagtatalo ang loob kung kakausapin ba ang kababata sa huling pagkakataon o hayaan na lamang itong umalis nang hindi sila nag-uusap ng matino. Pero wala siyang lakas ng loob na harapin ito. At mas lalong wala siyang lakas ng loob na harapin ang sakit na pilit niyang iniiwasan. She doesn’t want them to leave. She doesn’t want Gino to leave. Ipinagdasal niya na sana bukas pagising niya’y bumalik sa normal ang lahat. Na hindi mangyayari ang nangyayari ngayon. Pero ganoon pa rin pagising niya. At muli, naramdaman niya ang sakit sa dibdib.

Natigil siya sa ginagawa nang may boses na narinig sa kabilang bakuran. Si Gino iyon, karga-karga ang alaga nitong itim na pusa na si Snowhite. Kaagad siyang nagkubli. Nakita niyang pinasadahan nito ng tingin ang bakuran nila at pabagsak na naupo nang walang mahagilap ang tingin.

“Wala na naman, Snowhite,” anitong napabuntong-hininga. “Nagiging tamad na yata ang kapitbahay natin?” anitong kinakausap ang alaga. Gusto niyang tumayo at batuhin ito ng maliit na shovel na hawak. Tinawag siyang tamad? Pero nanatili siyang nakakubli sa likod ng malaking gumamela nila.

“Aalis na ako mamaya.” anitong bakas ang lungkot sa tinig. “Sayang at hindi na kita makakasama pa ng matagal. Kung pwede nga lang isasama kita kaso hindi naman pwede.”

Lumabo ang mga mata ni Mushroom. Humapdi ang lalamunan niya sabay pananakit ng ilong. Ilang beses siyang napakurap para hindi matuloy ang pag-iyak. Maiiwan pala si Snowhite… She felt so sad. She felt pity for those who will be left behind. Though hindi niya matukoy kung naaawa ba siya sa pusa o sa sarili niya. Dahil alam niya ang pakiramdam ng maiiwan. At kung talagang dadamdamin niya kung gaano kasakit, it surely would kill her.

“I’m gonna miss you and I don’t know how to deal with it.”

Nang silipin ni Mushroom ang kababata’y marahas nitong pinahid ang pisngi. Something pinched her heart. Bigla’y gusto niyang tumayo para aluin ito.

“Be strong. Be strong. Hindi tayo iiyak, Snowhite.” Kinuha nito ang kamay ng alaga at itinapat sa noo nito. “Yes, Sir!” boses pusa na sagot nito. At hinimas ang ulo ni Snowhite. “Good cat.” Pagkuwa’y tumawa. Tinakpan ni Mushroom ang sariling bibig. Naluluha siya na natatawa. Pero mas naluha siya kesa natawa dahil isa iyon sa mami-miss niya kay Gino. Ang pagiging baliw nito.

“Hirap pala ng ganito,” anitong napabuntong-hininga. Saka pinaharap nito ang alaga at matamang tinitigan. “Mami-miss kita ng sobra-sobra. Mami-miss ko ang boses mo, ang panliliit ng mata mo kapag napipikon, ang pag-angat ng kilay mo kapag nagtataray, ang pamumula ng buong mukha mo kapag nagagalit, at, ano pa ba,” Bigla itong natawa. ” Ang Omigosh, Omigosh mo! Oo, pati pagiging maarte mo mami-miss ko din.”

Hindi niya napigilan ang pag-angat ng kilay. Parang hindi na para kay Snowhite ang sinasabi nito dahil ni minsan hindi niya narinig si Snowhite na nag-o-omigosh! And what did he just say? Tinawag siyang maarte? Gusto niyang barahin ito pero alam niyang pipiyok lang ang boses niya. Was Gino talking about her all the while? “I’m gonna miss you and I don’t know how to deal with it.” Para rin ba sa kanya iyon?

“Pati din ang pagpipigil mong matawa, one of a kind. Ikaw lang ang may ganyang kapangyarihan sa lahat,” dagdag nito na nangiti. Pagkuwa’y tila hindi mapigilan, bumunghalit ito ng tawa at napahawak sa tiyan. Napapahid ito sa gilid ng mata nang matapos ang tawa nito. “Yeah… you’re really one of a kind. At ano pa ba,” anitong napahawak sa sentido saka nangiti. “Yang pagkalukot-lukot na mukha mo sa tuwing magkasabay tayo sa pag-uwi, seriously, gusto kong ipaplantsa ka kay Yaya. Saka yang sigaw at tili mo na hindi ko alam kung totoo ba talaga o arte lang, mamimiss ko din. Pati ang pangungurot at pangangalmot mo, which made me think several times na pahiramin ka ng nailcutter dahil nakakatuklap ng balat yang kuko mo, ang paghampas mo sa akin, ang pagbato mo ng kung anu-ano, ang pagsampal, sabunot, whatever, pati pagbasa mo sakin ng tubig kahit na ayokong maligo, in short, sa ilang beses na pagtatangka mo sa buhay ko, mamimiss ko yun nga sobra-sobra.”

Tuluyan nang napatayo si Mushroom sa pinagkublihan at nakapameywang na lumapit sa bakod. Hindi na niya napigilan ang sarili. “At ano pa?” aniyang pinilit magtaray kahit na ang sakit-sakit na ng dibdib niya.

Gulat na napalingon ito sa kanya. Tinakasan ng kulay ang mukha. “Kanina ka pa-” Hindi nito itinuloy ang sinasabi at ibinaling ang tingin kay Snowhite. “nakahiga riyan, Snowhite! Maglinis ka ng bahay!” utos nito na iminuwestra pa ang kamay. Nag-inat lang ang pusa saka lalo pang nagsumiksik sa katawan ng binata.

Saka lang naalala ni Mushroom na nangako nga pala itong hindi siya kakausapin. Seriously? Gusto niya itong batukan. Talagang nakayuko lang ito, tila wala ng balak magsalita.

“Whatever promises you’ve made are considered void dahil wala ka naman dito para tuparin iyon. Kaya pwede mo na akong kausapin.” matigas na sabi niya.

Nag-angat ito ng ulo at mataman siyang tiningnan. “So, okay na ulit tayo?” anito. He looked at her hopefully. Na para bang nakadepende ang buhay nito sa isasagot niya.

Marahan siyang tumango. She had been battling with herself overnight. Because she was deeply convinced that it will be easier if they don’t talk until he leaves. It is easier. But it doesn’t lessen the pain. It’s even worse. And it’s torturing her every minute.

Umangat ang sulok ng labi nito, nagliwanag ang mukha. “Hindi mo ‘ko matiis no?” tudyo nito.

And there he was, unnerving her again with that smile. “Paalis ka na nga, nang-iinis ka pa rin! Sa tingin mo mami-miss kita ‘pag ganyan ka?”

Tahimik itong tumayo, karga-karga si Snowhite at lumapit sa kanya hanggang sa bakod na lang ang pagitan nila. “Sa tingin ko… hindi.” seryosong sagot nito. Pagkuwa’y ngumiti. “Pero mas mabuti na rin iyon kesa sa mag-iiyak ka. Ayokong ma-miss mo’ko.”

Kinagat ni Mushroom ang labi dahil nagsimula na namang mamuo ang mga luha sa gilid ng mga mata. That’s one thing she didn’t want… Missing him. Dahil hindi niya alam kung papaano kakayanin. Halos hindi niya kayang isipin na bukas, tuluyan ng mag-iiba ang ikot ng mundo niya dahil wala na si Gino. Bakit ba kailangan pa nilang umalis?

“At para hindi mo’ko talaga ma-miss. Ibibigay ko sa’yo si Snowhite!” anitong iniabot sa kanya ang pusa. Hindi makapagsalita si Mushroom. Awang ang mga labing napatitig sa pusa. Alam niya kung gaano kamahal ni Gino si Snowhite. Ni hindi nito ipinapahiram sa kanya si Snowhite noon, baka daw madumihan. As if naman madudumihan ang itim. She was never fond of black cats until Snowhite came. O baka naiinggit lang siya dahil mahal na mahal ito ng kababata. Napatingin siya kay Gino, inaarok kung seryoso ba ito.

Nakangiti ito. “Kunin mo na, nakakangawit eh. Maaasahan mo siya sa paglilinis ng bahay, lalo na sa kusina. Pati aquarium, nililinis niyan. Saka, matutulungan ka niyan sa garden.” anito sabay tawa.

Alumpihit siya bago iyon kunin mula kay Gino. “Wala ng bawian,” warning niya.

“Alam ko naman na matagal mo ng gustong maging alaga si Snowhite. Hindi ko nga lang siya magawang ipagkatiwala sa’yo noon dahil hindi ka naman marunong mag-alaga.”

“Excuse me!” pinanlakihan niya ito ng mata.

“Goldfish nga, hindi mo kayang alagaan,” anito.

Sumimangot siya. At talagang pinaalala pa sa kanya. Inilagay niya kasi noon ang maliit na aquarium niya sa labas ng garden para inggitin si Gino. Kaso nakalimutan niya, nabilad sa araw, ayun, namatay. Sa tuwing sinisisi siya nito, pilit niyang ipinagtanggol ang sarili at sinabing nasobrahan ng lagay ng tubig at nalunod ang alagang goldfish at wala siyang kinalaman sa pagkamatay niyon. She was six at that time and she felt so guilty.

“Pero tingin ko, responsable ka na naman ngayon. Ibibigay ko din sana si Beast, kaso baka tapakan na naman ninyong magkakaibigan, ibibigay ko na lang kay Jordan.”

Nalukot ang mukha niya nang maalala ang gagamba. “Mabuti na man. Wala ako kahit na konting interes kay Beast.”

Nakangiti itong tiningnan siya, yung tingin na para bang natutuwa tapos nalulungkot pero nakangiti pa rin. What could Gino be thinking?

“I named them after your favorite fairytale characters.” bigla’y sabi nito.

Napa-ha siya nang wala sa oras.

“Yung pets ko,” anito. Saka lang naunawaan ni Mushroom ang sinasabi nito.

“Kasi,” napakamot ito ng ulo. “Kasi naaalala kita parati sa tuwing naririnig ko ang pangalan nila. Naaalala ko kung gaano ka kasaya ang mukha mo noon tuwing nagkukuwento ka. Kaya… ‘yun.”

Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Gino. Saka muling mapayuko dahil nagtama ang mga mata nila. And there was that feeling again that she can never explain.

“Para mabigyang linaw yang pag-iisip mo sa tunay na kasarian ko.” kunwa’y pagalit nitong sabi.

Nag-init ang pisngi niya nang maalala iyon.

“It’s your chance to say sorry.” anito.

Nagsalubong ang kilay niya.

“You wounded my ego. You stabbed my heart. You pinched my soul, you-“

Alam na niya ang istilong ‘yun.

“Sorry,” mabilis na sabi niya bago pa man ito lumitanya ng mahaba na lalo lang makapagbibigat ng dibdib niya.

Napatitig ito sa kanya saka ngumiti. “Forgiven.” anito.  “Kahit ilang ulit mo akong saktan, paulit-ulit kitang patatawarin.” seryosong sabi nito. Just then it occured to her, had she hurt Gino that much? He looked as if he wanted to hug her and she felt like she wanted to hug him pero pareho silang nag-atubili. “Alagaan mong mabuti si Snowhite ha.”

Hinimas ni Mushroom ang kalong na pusa. Tumango lang siya. Hindi siya makaapuhap kung ano ang sasabihin dahil sa dami ng nasa dibdib niya, hindi niya alam kung ano ang uunahin. They were talking like it’s a normal day. Saka lang bumalik kay Mushroom na ilang oras na lang, aalis na ang mga ito. Narinig niya ang boses ni Yaya Melba, tinatawag si Gino. At sinalakay ng halu-halong emosyon ang dibdib. There was that fear again that used to hunt her every night.

“Saglit lang ‘Ya!” sagot nito saka tiningnan siya. Bumuka ang labi nito pero walang nanulas na salita roon.

“Kailangan mo ng maghanda,” aniya.

Umiling-iling ito. “Maaga pa,” anito tila ayaw na umalis siya.

“Sige ka, pagagalitan ka na mamaya niyan.”

“Ikaw kasi…”

“Ano’ng ako?” aniyang ini-angat ang kilay.

“Ayaw mo kasi akong kausapin. Kaya tuloy ngayon, wala ng oras.” anitong tila nagmamaktol.

“Eh sa hindi ko feel kausapin ka,” aniyang pinandilatan ito.

Napabuntong-hininga ito. “Ilang gabi akong hindi nakatulog dahil sa kaiisip sa’yo ah.”

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Ako din naman ah! sagot niya sa isip. “Sorry na,” aniya. It’s the first time she said sorry and felt really sorry. And for a moment Gino said nothing.

“Forgiven ulit,” anito.

“Talaga bang…” alumpihit siya. Hindi ba pwedeng dito na lang kayo? Kailangan n’yo ba talagang umalis? iyon ang gusto niyang itanong pero iba ang namutawi sa labi niya. “Ano’ng oras kayo aalis?” aniyang pinilit magmukhang normal. Sana hindi nakikita sa mukha niya ang sakit na nakadarang sa dibdib niya. She hates goodbyes, now more that ever. Because at that very moment she felt her own heart aching.

“In two hours,” matamlay na sagot nito.

“Baka hindi na ako sumama sa airport,” aniya. Natigilan ito saglit at napatitig sa kanya, pagkuwa’y tumango.

“Ingat na lang,” aniyang pigil-pigil ang emosyon. “Balik na ako sa loob.” paalam niya bago pa man siya ipagkanulo ng sariling luha. She doesn’t want to say goodbye. Dahil alam niyang iiyak lang siya. Mabilis siyang tumalikod ngunit nakaka-isang hakbang pa lang siya’y tinawag na siya ng kababata.

“Teka, Mushroom, sandali-“

Kaagad na napalingon ang dalaga. Tila tumalon ang puso niya nang umakyat ito sa bakod at patakbong lumapit sa kanya.

“Bakit? Trespassing ka ah,” aniyang lumambong ang paningin.

Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin. Mahigpit. Napatalon tuloy si Snowhite mula sa pagkakahawak niya. No, Mushroom, you’re not going to cry! Pero tuluyang humulagpos ang luhang kanina pa namumuo sa gilid ng mga mata niya. Kinagat niya ng mariin ang labi. Why does it have to hurt so much?


19 thoughts on “As Long As Forever – CHAPTER 11

  1. anu ba naman ito…three consecutive chapters akong napaluha-luha 🙁
    sinipon tuloy ako..huhuhuh

    feel na feel ko ung mga eksena dito..

    ang story nato kompleto sa ingredients…comedy, drama at kakiligan!

    galing mo Calla!!!

    ganda talaga ng story! iba talaga!!!

    publish the finale asap 🙂 can’t wait

    please write more! 🙂

  2. Miss calla hi po ang ganda ganda po ng istorya. kelan po yong susunod na chapter cant wait to read it kasi im very excited what would happen next.Sana bumalik si gino kaagad para hindi maging malungkot si mushroom.Para happy 🙂
    Calla Lily: salamat Vina! wednesday ang next chap 🙂

  3. miss calla hello po ang ganda po ng istorya cant wait for the next chapter.gusto ko lang po malaman kung kelan ung susunod na chapter.salamat po 🙂
    Calla Lily: thanks for reading viche 🙂 wednesday yung next chap!

  4. miss calla. consistent po kayo na maganda ang choice of words nio. galeng! na-f-feel po naming mga readers. remarkable po. nakakatunaw ng puso. T.T

    isa din po ako sa mga pinapaluha nito. hayyy..

  5. iba talaga ito i really love the emotions i felt when i read your stories,, now i’m crying again… lagot na talaga magkakasakit na ako sa puso !! 🙁 ang ganda wala na akong ibang masabi….. 🙂

Leave a Reply