As Long As Forever – CHAPTER 10

KINABUKASAN, pagpasok nila sa room ni Mr. de la Cruz, nakasabit na ang top ten work of art ng buong fourth year. As expected, hindi kasali and gawa ng dalaga. Pero wala doon ang isip niya. Wala din siyang pakialam sa mga paintings na nakahilera doon. Halos hindi siya makatulog kagabi sa kakaiyak at kakaisip. Hanggang ngayon, dama pa rin niya ang bigat ng dibdib at wala siyang ideya kung papaano mapapagaan iyon.

Nagulat siya nang mahagip ng mga mata ang pinakadulong painting. May kumurot bigla sa dibdib niya. Larawan iyon nga batang babae na nakasuot nga dilaw na damit, nakatali ng dilaw na laso ang bahagyang nagulong buhok. Bilugan ang mga mata nitong hilam ng luha. Bilog na bilog din ang pisngi. Kunot ang noo nito at hawak-hawak ang isang manyikang walang ulo. The painting looked so real. Kuhang-kuha ang emosyon nga umiiyak na batang babae.

Napalunok si Mushroom, parang may bumara sa lalamunan niya. How could she not notice it? How could she fail to recognize a scene from her own memory? That little girl is her, twelve years ago. She remembered that yellow dress. Much more, she remembered that doll, the very reason why she was crying. Napayuko siya saka napa-iling. She is hallucinating. Baka pag-aari ng iba ang painting na iyon tapos nag-eemote na siya. Gusto niyang matawa sa sarili.

Isa-isang nagsalita ang top ten tungkol sa gawa nila. Mayroong nagpinta ng bukid, ng gubat, ng magulong siyudad, ng iba’t ibang hugis, at abstract paintings. Kahanga-hanga ang lahat. Pero iisa lang talaga ang naiiba. Ang buhay na buhay na larawan ng batang umiiyak. Lahat ng napapatingin doon ay napapa-sad face lalo na ang mga girls.

“And for the artist who received the highest grade,” ani Mr. de la Cruz na napangiti. “and who never failed me in my expectations, let’s give an applause for Mr. Gilberto Nazareno, Jr.!”

Nagpalakpakan ang lahat. Everyone knew Gino would have the award. May sipulan, at nagcha-chant ng “Gino! Gino! Gino!”

Naramdaman ulit ni Mushroom ang kirot sa dibdib. Mas matindi kesa kanina. Ilang beses siyang napalunok dahil sa tindi ng bara sa lalamunan. So, the little girl was really her? Naaalala pa ni Gino ‘yun?  Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin kaya ipinasya niyang tingnan na lang ang painting.

“I painted,” ani Gino na itinuro ang gawa. ” a little girl who’s crying for her doll.” Itinuro nito ang bata tapos ang manyikang walang ulo na hawak-hawak nito. “That’s all,” anitong matipid na ngumiti. “I don’t think there’s much of explanation needed.”

Nagpalakpakan ulit ang lahat. Everyone in that room admired Gino. Mushroom could see him at the corner of her eye. At hindi niya malaman kung ano ang emosyong napapaloob dito. Sa lahat ng pwede nitong ipinta, bakit iyon pa? Bakit mukha pa niya?

“What made you do that painting?” anang teacher nila.

Napatingin si Mushroom sa kababata. Wala siyang pakialam kung muling tumambol  ang kaba sa dibdib. She wanted to know. And she wanted to see his face while he explains.

Tila alumpihit ito. Nag-isip ng saglit bago nagsalita. “I have a lot of memories during my childhood. Happy, sad, painful ones… all of them blurr. Except for this one. And except for this face…” Napalunok ito. Saglit sumulyap sa kanya at kaagad na napayuko nang mag-abot ang tingin nila. Ngumiti ito ng mapakla. “Maybe because it was the first time I realized I hurt someone I thought was special. I… I was the one who broke the little girl’s doll and I haven’t had the chance to say sorry.” Humugot ito ng malalim na hininga. “I always find it hard to say I’m sorry.”

There were soft whispers, may ilang napabuntong-hininga, na-touch sa sinabi ni Gino. Ilang beses na napakurap-kurap si Mushroom dahil sa panghahapdi ng mga mata. Kataka-takang no-comment ang mga boys. Nagpalakpakan lang ang lahat nang bumalik na si Gino sa upuan nito. Lahat nagtatanong, kamukha yata ni Mushroom ang batang babae? Pinamulahan siya ng mukha. Lalo pa’t halos lahat ay tumititig sa painting tapos sa kanya, at sa painting ulit.

Kung ibang pagkakataon lang, matagal na niyang kinutusan ang kababata.

Nang matapos ang klase’y kanya-kanya sila ng kuha ng painting. Sinadya niyang magpaiwan. Sinabi niya kay Dinah at Betchy na sa canteen na sila magkikita. Kinausap pa ni Mr. de la Cruz si Gino.

Nang sila ng dalawa’y kaagad niyang hinablot ang painting sa kamay nito. Nabigla ito sa ginawa niya.

“Teka, sa’n mo dadalhin iyan?”

“Itatapon ko, sa’n pa nga ba?” singhal niya.

“Bakit galit ka?” takang tanong nito.

Hinarap niya ito. “Tinatanong mo pa? Bakit mukha ko pa ang naisipan mong i-paint? Bakit kaawa-awa ang ayos ko rito? Bungi pa ako!”

Nangiti ito sa huling sinabi niya. “Eh sa iyan ang natatandaan ko. Saka wala akong ibang maisip.” Nawala ang ngiti nito. Pumalit ang lungkot sa mga mata. “Wala akong ibang naiisip.”

Hindi siya nakakibo. Andun na naman ang sakit na hindi niya alam kung paano iindahin.

“Sorry na…” anitong nakayuko. “Sorry if I did something that made you upset. I meant that night to be special, Mush. I’ve exerted all of my effort to make it perfect. Sana kahit konti, naramdaman mo yun. I didn’t expect Melody to kiss me. I know it already ruined our night. And I added it by…” Napabuga ito ng hininga. “By kissing you. Sorry if it made you upset and sorry if I never regretted anything about it.”

Pinamulahan siya ng mukha nang maalala ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Dapat galit siya dito. Because he took advantage of her! But she knew deep inside, she wasn’t upset because of that. She was upset because she finally figured out what she dreaded to know… that Gino meant more to her than what she used to think of… that he can make her feel all those strange emotions she never felt before… that he can make her happy, sad, confused, mad,and excited all at the same time because she has indeed fallen in love with Gino. At kahit anong pilit niyang waksi sa isipan niya ang katotohanang iyon, nararamdaman pa rin ng dibdib niya. At hindi na siya makapagsisinungaling pa sa sarili niya.

“Sorry kung paulit-ulit na lang tayong ganito.” Humugot ito ng malalim na hininga. “Tell me,” anitong tiningnan siya sa mga mata. Her heart twisted as she saw that pain in his eyes. “Tell me what I should do that can make you forgive me. Kahit ano, gagawin ko.”

Umiwas siya ng tingin. Nagulat siya nang bigla itong lumuhod sa harapan niya. He bended his left knee, the gesture she only saw when a guy proposes. Napakapit siya ng mahigpit sa painting na hawak. Natatakot siyang matumba. Pakiramdam niya’y nanlalambot ang tuhod niya.

“Tumayo ka nga, para kang sira!” pagalit na sabi niya kahit na unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng mga mata. And she hated every bit of feeling she’s feeeling right now. Gusto niyang sumbatan si Gino sa samu’t saring emosyon na idinulot nito sa kanya. Pero papaano ba niya sasabihin ang lahat nang hindi siya nagmumukhang tanga?

“Sorry na…” ulit nito. “I won’t do anything that would upset you again. I can’t bear the silence from you, Mushroom. Hindi ko na kaya. Ayokong nagkakaganito tayo.”

Me too... usal niya sa sarili. Parang pinipiga ang puso niya nang mga sandaling iyon.

“I promise to do anything to make you happy even when it means sacrificing my own happiness,” seryosong sabi nito. “I know this sounds absurd, coming from me, but I will do whatever it takes so you’d talk to me again. Sabihin mo lang, kahit imposible, gagawin ko.”

“Oh, please Gino, tumayo ka nga riyan!”

“I promise to be at your service at all times.”

Nasaling ang puso niya sa sinabi nito. At all times? Then she felt the bitterness of her own heart.

“Come off it, Gino.” aniyang ngumiti ng mapakla. “I know you’re leaving.” Sumigid ang sakit sa dibdib niya sa pagkakasabi niyon. And just now she felt how deep that hurt is. Tumingala siya para hindi bumagsak ang luhang kanina pa nagbabantang pumatak. Pakiramdam siya’y sasabog ang lahat ng sama ng loob niya para sa kababata. “Pinaglalaruan mo na naman ba ako? Why make promises you can’t even keep? Do you think this is funny?” singhal niya rito saka nagmamadaling tumalikod at naglakad palayo rito. And then she felt the saddest emotion she ever felt. The deepest hurt that’s cutting her heart into pieces. Gino’s leaving and she doesn’t know how to deal with the pain. At hindi niya kayang harapin ang sakit na iyon. Mas lalong hindi niya kayang ipakita lalong-lalo na kay Gino na nasasaktan siya ngayon. Because just when she thought she had fallen in love with him, he will be gone for good.

“Mushroom,” habol nito. Hinarang nito ang dinaraanan niya. Her sight were blurred with tears. Nang kumurap siya’t makita ang nahihirapang mukha ni Gino’y lalong tumindi ang lungkot sa dibdib. Parang pinupunit iyon.

“Hindi mo man lang ba hihintayin ang sagot ko?” parang batang samo nito.

“Para ano pa?”

“Simula pagkabata, ganyan na ang tingin mo sa’kin at hindi ko alam kung papaano mababago ‘yan. Pero ni minsan Mushroon, hindi kita pinaglaruan. Sa’yo nga lang ako seryoso, hindi mo pa maramdaman.” Napabuga ito ng hininga, tila pilit maging kontrolado ang tinig. “I’ve been trying so hard all these years na mapansin mo, pero di ko alam kung bakit parati ka na lang naiinis sa akin. Hindi ka nadadala sa pagpapacute ko. Ni hindi ka natatawa sa jokes ko. Pag nilalambing kita, naiinis ka. Parati ka na lang galit. Ang gusto ko lang naman maging masaya ka. Dahil masaya ako kapag masaya ka. And I want you to be happy when I leave. I don’t want to leave you hating me. Hindi ko makakayanan yung sakit dito,” anitong itinuro ang dibdib.

Napipilan si Mushroom sa narinig. Kinagat niya ng mariin ang labi. A minute more and she’ll sob. And she will never allow Gino to see that. Nagmamadaling tinalikuran niya ito.

“Mush,” tawag nito at hinarangan ulit siya. “The promises I’ve made are real. At tutuparin ko lahat ng iyon para sa’yo.”

Umiling-iling siya. “It’s better this way, Gino. Mas mabuting huwag na tayong mag-usap kahit na kailan. Tutal, aalis ka rin naman, di ba? Bati man tayo o hindi, wala rin naman iyong pagkakaiba kung aalis ka rin lang, di ba?” aniyang pilit pinatatag ang tinig. “Kung gusto mo akong maging masaya, puwes sundin mo ang gusto ko. This is the only thing that makes me happy. Iwasan na natin ang isa’t isa. You need to do this for me!”

Natigilan ito. May sasabihin pa sana ito pero inunahan na niya.

“You just promised you’d do anything.” ulit niya at hindi na ito hinayaang makasagot at basta na lang itong iniwan, bitbit pa rin ang painting nito. Habang papalayo’y kagat-kagat ni Mushroom ang labi para mapigil ang paghagulhol. Gino just promised her things she never thought he’d say. How can it be not painful when he can’t even be around? Ginagap niya ang dibdib dahil tila namamaga iyon. For the first time in her whole life, she felt broken. If Gino’s stupid enough not to follow her, that would be their parting words. Pero mas mabuting ganito na lang. She would never tell Gino what she really feels. She would never let him know that the moment he kissed her, he changed her. She would never let him know that she loves him. Never.

ISANG malaking selebrasyon ang graduation nila ni Mushroom at Gino. Nakasanayan na mula pa noon na sabay ang celebration nila. Halos lahat ng malayong kamag-anak ay nagsidalo dahil parang despidida party na rin iyon ng mga Nazareno. Mushroom was the class valedictorian. Her parents are so proud of her. They are so proud of Gino too. May award na naman ito bilang artist of the year. At pinakita pa ng mga ito ang painting na inagaw niya kay Gino.

It’s one happy celebration. But when Tita Donna spoke to the family and thanked all of them, it was then that everybody cried. Pati siya. Nang tiningnan niya ang kababata’y nakayuko ang ulo nito. Talagang pinanindigan ng loko ang pangako nito. Hindi siya nito tinitingnan man lang. Nang matapos ang party at mag-isa na ulit siya sa silid saka siya umiyak. Parang nakasanayan na niya iyon gabi-gabi. Ang hindi siguro niya magawang sanayin ay kung papaanong hindi na maramdaman ang sakit.

Bukas aalis na ang mga ito. Nakausap na niya ang Tita Donna at Yaya Melba. She hugged them tight. Hindi niya napigilan ang pag-iyak. Kay Gino na lang siya hindi nakapagpaalam. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya pero wala siyang lakas ng loob. At pilit niyang kinukumbinsi ang sariling mas makabubuti ang ganito. Mas makabubuting huwag na silang mag-usap. Para hindi siya mahirapan ng husto. Para hindi siya masyadong masaktan. It may sound selfish but this is the only way she knows how she is going to survive. Magiging okay din siya. Hindi niya alam kung kailan pero alam niyang magiging okay din siya…


22 thoughts on “As Long As Forever – CHAPTER 10

  1. goshhh ….. ang ganda niya nakakaiyak …… “sa’yo nga lang ako seryoso hindi mo pa maramdaman ….” what a line , ilove it ,,

Leave a Reply