A Promise Not To Break: Chapter 8

This entry is part 10 of 18 in the series A Promise Not To Break

“PRIE…please love me more than him.”

It has been seven years since naging wall sa pagitan nilang dalawa ni Mael si Dave. It was the day she came back from Australia. She had been crying and instead of going home, she went to the hospital. When Mael saw her eyes then, he cried. Even without asking him, she knew what he was crying about. Because by that time, she already realized that she loved Dave. More than as a brother.

Mahal niya si Mael. Even when she was in Australia, ito parati ang nakikinig sa mga rants niya at nakakaintindi sa lahat ng mga moods niya. Even kapag nag-aaway sila ni Dave, kahit na pagod ito, pinapakinggan siya nito at pinapasaya. Because more than being her boyfriend, Mael has been her closest friend for years. Her bestfriend. At dahil ayaw niyang masaktan ito, minabuti na lamang niyang makipagbreak dito ng mga panahong iyon. Pero hindi ito pumayag.

“You had to leave Dave because you loved him, right? Dahil ‘yun ang kailangan niya.  But I’m not Dave. If you really do love me, stay with me. Please. An okay lang sa’kin kahit na mas mahal mo siya.What matter is that I can show you that I love you.”

No one ever knew about that fateful day except for her and Mael. And now, dahil sa pagdating ni Dave, muli na namang nauulit ang lahat. Seeing Mael cry again—it was breaking her. Lalo pa at alam niyang totoo ang mga sinasabi nito—may rason ito upang umiyak. And to think everything he’s doing was for her, alam niyang masasaktan lang niya itong muli sooner or later. All because of her treacherous heart.

“Bakit ba kailangan bumalik ka pa? Maayos na ang lahat. Ayokong maging kumplekado pa ang lahat,” she cried to herself. Hindi niya gustong marami pang masaktan sa mga desisyon niya. Having Mael look at her with concern everytime they meet was already too much.

Tumunog ang kanyang cellphone. It was Mael.

“Love? Sabi na nga ba at gising ka pa rin, eh. You know you shouldn’t stay up late. It’s already 2 am.”

“Insomnia,” sagot niya rito habang pinipilit na gawing normal ang kanyang boses. “Ikaw din, dapat nagpapahinga ka na.”

“Were you crying again?”

“No. I was just—yes. Nandito siya, Mael.”

Sandaling naging tahimik sa kabilang linya. “Why?” tanong nito after a while.

“I don’t know. He was here when I got home. I’m sorry.”

“You shouldn’t be. Wala ka namang ginawang masama. So what does he want?”

“I honestly don’t know. Sabi niya masosorry daw siya, but I doubt it. Nung pinapauwi ko siya, he, well, kinonsensya niya ako so pinatulog ko na lang siya sa sala.”

“Hmm.”

“You’re not angry, are you?”

Tumawa ito ng malakas. “No, I’m not—yes, I’m a little angry. At him.  And  jealous too.  Anyway, I called to remind you of your check up tomorrow. I arranged everything. I’ll pick you up at 9 am? Is that ok? Napansin ko kasi na namumutla ka na naman.”

“Sure,” sagot niya rito. “Mael…”

“Yeah?”

“You don’t think I’m having a remission, right? I mean—”

“I hope not, baby. I hope not. But if anything happens, everything is already arranged. You sure don’t want to tell tita Mel and tito Levi?”

“No. Once was enough. Ayoko nang maulit pa yung dati.”

“It’s your call—Prie?”

“Yeah?”

“Whatever you’re decision is—I’ve been thinking about it, and it’s really hard but I want you to know that I love you very much that…that…”

“What are you talking about?”

“I mean,” dinig niya ang paghinga nito ng malalim sa kabilang linya. “Prie, if you choose him, I won’t stand in your way. I know I said I’ll fight for you and all—and I will. And it’s not easy for me to say this but if he will make you happy, okay na rin sa’kin. I’ll be a good sport—I hope. Just so you know that I’ll always be here to support you. Heck, I became a doctor just for you,” pilit ang tawang sabi nito sa kanya. “Whatever happens, hindi magbabago ‘yun.”

“Loko ka ba? Ano na naman ang kadramahan na pinagsasabi mo? Sira-ulo.”

“Just in case.”

“Just in case ka diyan. Madaling araw pa lang, pinapa-iyak mo na naman ako. Tama ba naman ‘yan? Matulog ka na nga.”

“Okay, okay. Matulog na okay? As much as possible, no sleeping pills. Okay?”

“Aye, aye, doc. Goodnight. No, I mean, good mor-night.”

“Sleep well. I love you. See you in seven hours.”

“See you.”

Sandaling natahimik sa kabilang linya. Then after a few rustles, the line went dead. Nang ibaba niya ang kanyang cellphone, lalo siyang napa-iyak.

Why did he have to be so nice? Lalo lang siyang nahihirapan. And why did he have to say those damn words? Hindi niya ito gustong iwanan! Mael was her solid rock. Kung hindi dahil dito, baka sumuko na lamang siya sa lahat ng pinagdaanan niya.

There was a sudden knock on her door. “Prie?”

Nahihilo na siya, pero tumayo pa rin siya at binuksan ang pinto. And once again naisip niya kung paanong ang gwapong lalaking ito ay ang batang umiiyak sa kanya dati dahil sa kidlat.

“Sabi na nga ba’t umiiyak ka pa rin.”

“Dave, can’t this wait? Gusto ko ng matulog.”

“I can’t sleep. I kept hearing you cry.”

“What? Paano naman mangyayari ‘yun e nasa baba ka? Guni-guni mo lang ‘yan. Bumaba ka na. I need to sleep.”

“But you were crying, right? You know, I always hear you crying.”

“Dave, please. If you’re doing this for fun, hindi ako natutuwa.”

“I’m serious,” he said deadpan. “Can I sleep here? No, not on your bed. Kahit sa carpet lang. Gusto ko lang siguraduhin na hindi ka na iiyak.”

“Huh?” tanong niya na naguguluhan sa pinagsasasabi nito.

“Just—just let me sleep near you, okay? Please, humor me. Just like in the old times?”

Naramdaman na naman niya pagsakit ng kanyang ulo. “Okay, okay. Diyan ka,” turo niya sa carpet sa paanan ng kanyang bed. “Don’t do anything funny, okay? And don’t snore. Sumasakit na ang ulo ko.”

“It’s because you’ve been crying too much.” Tumigil ito ng tinignan niya ito ng masama. “Okay. Goodnight, Prie.”

“Hmm,” she replied as she got on her blue bed. “Turn off the lights.”

**

Nang masigurado niyang natutulog na ito, lumapit si Dave at naupo sa gilid ng kama. She was sleeping fitfully. Hanggang sa pagtulog nito umiiyak pa rin ito. Para bang nahihirapan ito sa kung ano mang napapanaginipan nito. Ginagap niya ang kamay nito.

“Shhh. Sleep now,” bulong niya sa may tainga nito habang hinahaplos ang buhok nito. “Dito lang ako, don’t worry.”

Tumigil ito sa pagbiling na tila ba narinig nito ang mga sinabi niya. Napabuntong hininga siya. Kung sanang kaya rin siyang mahalin nito sa pamamagitan lang ng pag-uutos niya rito magiging masaya na siya. Yun lang naman ang gusto niya eversince—ang mahalin siya nito katulad ng pagmamahal niya rito.

Nang sabihin niya sa kanyang ina na gusto niyang maging part ng concert nito sa Pilipinas, his only goal was to see Prie even though he denied that fact again and again. Oo, naging masakit sa kanya ang pag-iwan nito sa kanya noon at ang hindi pagpaparamdam nito sa kanya, pero makulit talaga ang puso. Kahit anung gawin niyang pagkalimot dito, hindi siya nagtagumpay. Sa halip, lahat ng ginagawa niya ay para lamang mapatunayan niya sa sarili niya na may maipagmamalaki rin siya kay Prie. Na hindi lang siya isang emotionally-unstable genius na walang alam kung hindi mang-blackmail upang mahalin siya ng taong mahal niya.

“I loved you then. And I know I will still love you forever ,” wika niya sa natutulog na si Prie. “Sinubukan ko, pero hindi ko talaga kaya. Sana, sana mahalin mo rin ako. Because I can’t seem to let you go.”

Muli niyang hinaplos ang mukha nito at hinalikan ito sa noo. Tumayo siya mula sa kama at sandali itong pinagmasdan bago siya tuluyang lumabas sa kwarto.

Kinaumagahan, tanging ang mga nakasalansan na mga kumot na lang ang inabutan ni Prie sa tabi ng kanyang kama. Nang sunduin siya ni Mael after a few hours, namamaga na naman ang kanyang mga mata.

**


“Thank you for helping me,” pasalamat ni Prie kay Mael.

“You don’t have to thank me,” sagot naman nito as he leaned to kiss her cheek. “Alam mo namang nandito lang ako palagi for you. Do you want me with you kapag lumabas na ang results?”

“Oo naman, sino pa ba ang isasama ko?”

“You know you should tell tita about this.”

“Ayoko ng mag-alala pa sila ulit. Besides, I think I’m old enough to take care of myself. So, halika na, pumasok ka na sa loob. I’ll cook lunch.”

“Sigurado ka?”

“Oh? Ano na naman ang dinadrama mo?”

“I just thought—wala. Pwede bang magrequest ng kare-kare?”

“Kare-kare ka diyan! Loko-loko. Pritong manok lang at buttered veggies. Tara na.”

Humalakhak itong sumunod sa paglalakad sa kanya sa loob ng bahay. Agad-agad itong dumiretso sa kusina at inilabas ang mga kakailanganin nila sa kanilang iluluto.

“You know, umupo ka na lang diyan at ako na ang magluluto. Maputla ka pa.”

“I’m okay. Isa pa, ako ang nagsabi na ipagluluto kita—”

“Hep-hep. Sige na, ako na lang. Mas masarap naman akong magluto kesa sa’yo.”

“Mayabang!”

Ngumiti lang si Mael sa kanya. Ng makaupo siya sa may mesa, nagsalita ito habang abalang nagmamarinate ng chicken.  “Anong oras siya umalis?”

“Sinong—I don’t know. Wala na siya nung nagising ako.”

“Hmm.”

“Angry?”

“Medyo.”

“Ikaw ang pinili ko, Mael. You don’t have to be—”

Humarap ito sa kanya. “Prie, I know you. You have a soft heart at alam kong hindi mo rin siya matitiis. Kung ako lang, gusto ko na siyang burahin sa mundong ito para wala na ‘kong kaagaw sa’yo.”

“So bakit mo ako pinamimigay?”

Tumalikod itong muli sa kanya. “I’m not giving you away. I just want you happy. And I know sa kanya ka magiging masaya.”

“Paano mo naman nasabi ‘yan? Hindi ba, ang sabi mo nga dati palagi na lang akong malungkot dahil sa kanya? You’re the one who cheers me up.”

“Do you have any cream of mushroom here? I’ll make soup.”

“Mael—” naputol ang sasabihin pa sana niya rito ng tumunog ang doorbell. One o’clock. Wala naman siyang naka-schedule na appointment, ah?

“I think you better get that, baka importante,” wika ni Mael sa kanya ng makita ang pagtatanong sa kanyang mukha.

Nang buksan niya ang pinto, nagulat siya ng isang malaking bouquet ng blue roses ang sumalubong sa kanya. Ng tanggapin niya ang mga ito, nakangiting mukha ni Dave ang nakita niya.

“I know you love them,” sabi nito sa kanya.

“I-I—thanks.”

“Hindi mo ba ako papasukin?”

“Ah—kasi—”

“Love? Who’s that? Halos luto na ito, yayain mo na rin kumain.”

Biglang napatingin sa kanya si Dave ng marinig ang boses ni Mael. Nagtatanong at nag-aakusa ang mga mata nito. “I  think it’s a bad time—”

“Love?” tanong ni Mael mula sa likod niya ng biglang mapatingin ito kay Dave na nakatayo pa rin sa may labas ng pintuan.

Sandali itong napatigil ngunit ng makabawi ito, agad nitong iniabot ang kamay nito kay Dave habang ang isa naman ay yumakap sa kanyang baywang. “Dave,” wika ni Mael. “Ang laki mo na ngayon ah. You’ve grown so much since I last saw you—tumutugtog ka na rin daw? You remember me, right? Ishmael. Prie’s fiancé. By the way, we’re just about to have a late lunch, why don’t you join us?”

“No, I don’t want to intrude—”

“Nonsense. Halika na,” bumaling ito sa kanya. “Those are beautiful roses, babe.Why don’t you put them in a vase while we set the table?”

“I—sure,” sagot niya. Humarap siya kay Dave. “’Wag ka ng mahiya. Halika na, kumain ka na. Mael’s a nice cook,” sabi niya rito bago niya pinilit ang sariling ngumiti at pagkatapos ay naglakad papunta sa library niya upang humanap ng vase.

Naunang pumasok sa may kusina-cum-dining room si Mael na kasunod naman si Dave sa likod nito.

“Can you get the plates and utensils, please? They’re in that cabinet. I’ll just get the food.”

“You’re pretty at home in her place,” wika ni Dave kay Mael ng ilatag nito ang mga pagkain sa mesa habang inaayos ni Dave ang mga plato.

“I’m here a lot.”

“You sleep here?”

“No.”

“Why not?”

“I don’t think that’s any of your business.”

“Oh yeah? I’m not too sure about that. By the way, when’s the wedding?”

“Soon.”

“So there’s still no date? My, my. I heard you two have been engaged for years now. Will there ever be a wedding?”

“Wala kang karapatang—”

“Oh, have I hurt your pride? I’m so sorry. Why don’t I answer that question myself? I don’t think there will be any wedding. Especially now. You do know that I’m courting Prie, right?”

“Why you bastard—”

Hawak-hawak na ni Mael ang kwelyo ng polo ni Dave ng dumating sa Prie.

“What’s happening here?”

Agad na lumipat ang mga nagbabagang tingin ng dalawa sa kanya. Binitawan ni Mael ang pagkakahawak nito sa kwelyo ni Dave. Lumapit ito sa kanya at yinakap siya.

“I’m sorry. It’s just—I can’t stay here. I’ll call you later,” sabi nito sa kanya bago ito mabilis na lumabas ng bahay. Ng marinig niya ang pagharurot ng sasakyan nito, noon lamang siya bumaling kay Dave.

“What did you do to him?” galit na tanong niya rito.

“What? Didn’t you see that he was just about to punch me?” hindi makapaniwalang tanong ni Dave sa kanya. Nag-init ang ulo niya.

“Mahaba ang pasensya ni Mael! Anong ginawa mo para magalit siya ng ganon?”

“Ako pa ngayon ang may kasalanan? Kasalanan ko ba na hindi niya matanggap na hindi na kayo ikakasal?”

“What?” sigaw niya rito.

“You heard me. I don’t need to repeat myself,” sigaw rin nito.

“At sino naman ang nagbigay sa’yo ng karapatan na sabihin iyon, ha?”

“Ako! Because you’re going to marry me and not that two-bit doctor.”

“Ang kapal ng mukha mo!”

“Hindi kakapalan ang pagsasabi ng totoo. Dahil wala akong balak na ibigay ka sa iba dahil sa akin ka lang.”

“I’m not your property.”

“No you’re not. But you’re going to be my wife!”

Pagkasabi noon ay lumapit ito sa kanya at hinalikan siya. He was rough at first at sinubukan niyang maglaban. But when his kisses turned sweet, parang nawalan siya ng lakas. Her knees started to buckle and her arms had lives of their own as they clutched his wide shoulders.

Ng hindi na sila kapwa makahinga, pinutol na nito ang halik. “If you keep kissing me back like that, I’ll marry you today.”

Sa mga sinabing iyon ni Dave, parang binuhusan ng malamig na tubig si Prie. Itinulak niya ito palayo at sinampal.

“You know, I’m beginning to think that your slaps mean ‘I love you,’” he said to her with a smirk. Tumalikod ito sa kanya at nagkalad palabas. Ngunit nakaka-ilang hakbang pa lang ito ng humarap itong muli sa kanya. “By the way, I don’t eat food cooked by my enemy. It might be poisonous. And I’ll pick you up tomorrow. We have a rehearsal and I want you to be there to cheer for me.”

With that, tuloy-tuloy na itong lumabas ng kanyang townhouse.

**

“Damn! Damn! Damn!” pagalit na sigaw ni Dave habang nasa loob ng kanyang bagong biling sasakyan. “Ano bang ginagawa mo Alexander David? You’re supposed to take it slowly!”

Kanina pa niya paulit-ulit na pinapagalitan ang kanyang sarili dahil sa scene na ginawa niya sa bahay ni Prie. Hindi iyon ang pinlano niya sa buong magdamag na nanatili siyang gising. He was supposed to have light conversations with her, then he would ask her out, then he would silently show her how much he loved her habang sinisiraan niya ang Mael na iyon. He wasn’t supposed to look like the raving antagonist.

Although he did enjoy the kiss, he thought as he touched his lips. Hindi niya inaasahan ang naging pagtugon ni Prie. He dreamt about it a thousand times, yes, but nothing could compare to the real thing. For a moment, he was almost convinced na mahal na rin siya nito. Until she slapped him again.       Sa kanyang isipan, parang naulit na naman ang nangyari sa kanila seven years ago. And like it always does, nasasaktan pa rin siya.

Talaga bang mahal nito ang Mael na ‘yon? Hindi niya kayang tanggapin iyon! Eversince they were children, he has always imagined himself as Prie’s husband. Kahit na ilang taon ang tanda nito sa kanya, he was always secured na sa kanya lang ang pagmamahal nito and darating din ang panahon na marerealize nito na silang dalawa ang para sa isa’t isa. Kung hindi lang dahil sa Mael na ‘yon at sa pag-alis nila, alam niyang napaintindi na niya kay Prie na siya lamang ang para rito. They complemented each other. Nabubulagan lang ito dahil hindi pa nito matanggap ang age gap nila. Because she has always acted as his big sister kahit na ayaw niya.

“Hindi ako pwedeng sumuko. Prie is mine! Masyado ng maraming nasayang na panahon.”

Napalitan ng green ang ilaw ng stoplight. He pedalled the gas and decided to prepare for their date tomorrow.

**

Series Navigation<< A Promise Not To Break: Chapter 7A Promise Not To Break: Chapter 9 >>

80 thoughts on “A Promise Not To Break: Chapter 8

Leave a Reply