A Promise Not To Break: Chapter 6

This entry is part 8 of 18 in the series A Promise Not To Break

“HINDI pa rin ba kayo nag-uusap ni Dave, Prie?”

“Hindi pa po siya nagpapasorry, tita. And I have no intention of saying sorry to him for something that was his fault in the first place.”

“Here, get more fruits into your system. Ang hina mo na naman kumain,” wika ni tita Alexa sa kanya habang iniaabot ang fruit-plate. “As I was saying, naiintindihan ko naman na hindi talaga maganda ang ginawa ng anak ko, Prie. But please understand. Dave is in a lot of stress because of his talents. Kaya ganyan na lang ang pagiging possessive niya sa mga taong mahal niya.”

“Tita, I understand po. It’s just that, maybe it’s because he knows we love him that he’s acting so spoiled.”

“Yes, I know. But—oh well—basta sana naman hindi ma-spoil ang stay mo here in Australia dahil sa mga petty fights niyo ni Dave. For almost ten years, ikaw lang ang parati naming pinag-uusapan, and I’m sure sobrang natutuwa lang siya na magkasama kayo ngayon kaya siya ganyan. So please, mag-bati na kayo, okay? Besides, sa sobrang depressed yata ng kinakapatid mo kahapon pa hindi kumakain.”

“Po?”

“Yes. So would you mind if ikaw ang magdadala ng food niya? I think he’ll only eat if that was the case.”

“I—ahm—sige po.”

“Thank you, Prie,” nakangiting sagot ng kanyang ninang. Kahit na alam niyang medyo napa-ikot siya nito upang siya na ang makipagbati, hindi na rin siya nagsalita pa. Alam niyang masyado lang talagang mahal ng tita niya si Dave. “Oh, by the way, how’s Ishmael?”

At the thought of Ishmael, bigla ay nakaramdam ng hiya si Prie. Nung huling nag-usap kasi sila ay iyak siya ng iyak rito tungkol sa pagwawala ni Dave. Kahit na alam niyang pagod na pagod na ito, pinakinggan pa rin siya nito for hours.

“He’s fine, tita. We talked last night and it seems na medyo nadagdagan daw po yung workload nila. But he’s coping fine.”

“It’s good that he still has time for you. Yung iba kasi kapag sobrang busy na, they forget about their girlfriends. Mukhang mahal na mahal ka talaga niya, ah, Prie.”

Namula siya sa sinabing iyon ng kanyang ninang. “Yes,” tanging naging sagot niya.

“When are you going to get married?”

“It’s too soon to talk about that, tita Alexa. Matagal pa pong mag-aaral si Mael.”

“You can always get married before he graduates from med school. His parents can support you in your first years.”

“Nakakahiya po ‘yon tita. Besides, halos one year pa lang po kami.”

“So you’re still not sure if he’s the one?” nakataas ang kilay na tanong ng kanyang ninang. “Sabi ni Mel matagal niyo na raw gusto ang isa’t isa, ah.”

“Si mama talaga… It’s not that he’s not the one. It’s just that it’s too soon. We’ve been bestfriends for a long time, yes, but our relationship is something still new to us—to me.”

“But you love him?”

“Very much,” she replied.

**

Bago pa man sila matapos kumain ni tita Alexa kanina, narinig nila ang isang malakas na pagbagsak ng pinto. Ng tanungin nila ang mga katulong, nakita umano ng mga ito si Dave na papa-akyat sa ikalawang palapag na tila galit na galit. Biglang kinabahan si Prie kaya agad niya nitong pinuntahan sa kwarto. Thinking that he was still angry with her about the Caleb-incident, nagpasya na siyang siya na ang makikipagbati rito. Ngunit nakalock ang kwarto nito ng maakyat siya.

“Dave?”

“Go away.”

“Dave, tama na ‘yan. Bati na tayo, okay?”

“No.”

“Dave…come on. Alam mo namang love na love kita so hindi ko kaya na makipag-away sa’yo ng matagal ‘di ba? So labas ka na diyan. I brought you food.”

Parang binuhusan ng asin ang hapdi na nararamdaman ni Dave sa kanyang puso sa sinabing iyon ni Prie. She loved him? Him? Siya na pinagsinungalingan nito for years?

“You’re a liar!” sigaw niya rito. “You’ve never loved me. How dare you? You—you—you liar! Mahal na mahal kita. And yet you’ve never really loved me!”

“Dave? Dave! Ano bang pinagsasabi mo? Buksan mo nga itong pinto! Open this!”

Narinig niya ang pagbagsak ng mga kubyertos at ang sunod-sunod na pagkatok nito sa kanyang pinto. He didn’t want to hear her words. Didn’t want to see her. He loved her so much and yet mas pinili nitong mahalin ang isang lalaking hindi naman mahihigitan ang pagmamahal niya rito.

“I hate you!” sigaw niya. Hindi na niya mapigilan pa ang pagtulo ng mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Mula ng marinig niya ang pag-uusap nito at ng mama niya. Ishmael. That Ishmael. Damn him!

“But you love him?”

“Very much.”

“What if I tell you that my son may be inlove, really in love, with you?”

“Tita naman… Wala naman pong ganyanan. I love Dave, but not that way. He’ll always be a baby brother to me.”

Baby brother. He never wanted to be her baby brother!

“Dave.”

Nagulat siya ng makita si Prie na nakaluhod sa harap niya. Puno ng pag-aalala ang itsura nito and it only made him hate her more. “Get out of my room!”

“Dave…Dave, baby—what’s  happening to you?”

“Bitawan mo ko! I hate you! I hate you! I hate you!”

“Dave…”

“Get out! Bumalik ka na sa Ishmael mo. I don’t need you here. I hate you!”

Nagulat si Prie sa sinabing iyon ni Dave. He heard them talking about Mael? But—

“But Dave—Mael—hindi  naman n’on naaapektuhan ang friendship natin di ba? I’m still your ate Prie…”

“I said don’t touch me!”

“Why? Why are you like this? Wala naman akong ginagawang masama. Actually I was just about to tell you about—”

“Masama? Walang ginagawang masama? Tanga ka ba talaga? I love you. I love you. And yet lahat dinidismiss mo as nothing more that brotherly love. Shit ka! Damn you!”

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. For a moment, hindi siya makagalaw. Then his first thought was, “She has never hurt him before. And now, because of that accursed Ishmael—

“Dave… Dave I’m so sorry. Nabigla lang ako.”

“No you’re not. You’re not! I hate you! I hate you down to hell!”

“You don’t mean that,” wika nito sa kanya kasabay ng pagpatak ng mga luha nito. “You can’t. I love you, Dave, di ba sinabi ko na sa’yo ‘yon noon pa. Please, don’t do this.”

“Do you really love me?”

“Yes. So please stop this. It’s hurting both of us.”

“Prove it.”

Nabigla si Prie ng hilain niya ito palapit at siilin ito ng halik. Isang nagpaparusang halik that was meant to tell her how much she was hurting him. But when he tried to open her mouth to deepen the kiss, kinagat nito ang kanyang dila.

“Ouch!” he exclaimed when as he involuntarily released her. At bago pa siya makabawi mula sa pananakit ng kanyang dila, isang malakas na sampal ang muling dumapo sa kanyang kaliwang pisngi.

“Don’t ever do that again!”

Defiantly, he stared at her. “You don’t love me.”

With that and a broken heart, he decided to run away.

“David!”

**

“Don’t worry Alexa, makikita din natin siya,” mahinahon na wika ni Mike kay Alexa kahit na mababakas din sa kanyang mata ang matinding pag-aalala sa mga nakaraang araw.

“He’s been gone a week, Michael. Kung saan-saan na natin siya hinanap, and yet we can’t find him. Saan naman siya pupunta? He’s just fifteen, for goodness’ sake!”

“I know, Alexa. I know. We’ll find him. Dave is an intelligent boy, hindi niya hahayaang malagay siya sa panganib.”

“He’s heartbroken, Michael. You know how he is when he’s upset!”

“Hindi kasalanan ni Prie ang nangyari, Lex. You know that—”

“Yes, I know, I know. Priscilla is a wonderful girl, but sometimes I cannot help but wonder what would have happened if she accepted Dave as someone besides her brother.”

“May kasalanan din tayo. Hindi natin pinansin ang sobrang pagmamahal ni Dave kay Prie. We thought it was nothing. We underestimated his feelings.”

“How I wish—”

“Tita Alexa? Tito Mike?”

Magang-maga ang mga mata ni Prie. Since naglayas si Dave, hindi na ito nakatulog pa ng maayos, and everytime that she’s awake, parang gripo na hindi tumitigil sa pagpatak ang kanyang mga luha. At sa tuwing makikita niya sina tito Mike at tita Alexa, hindi niya mapigilan na sisihin ang kanyang sarili sa paglalayas ni Dave. Kung hindi sana niya binalewala ang nararamdaman nito, hindi aabot sa gaanoon ang lahat. Kung ipinaliwanag niya sana ang lahat rito upang hindi ito umasa ng ganoon…kung sana…

Pero hindi na niya mababago pa ang mga nangyari. Nawawala pa rin si Dave. Her sweet, moody, loving Dave. Her little brother.

“Prie? Bakit gising ka pa, iha?”

“Hahanapin ko po si Dave, tita.”

“What?”

“It’s my fault he’s out there.”

“But it’s not—”

Hindi na nakuhang tapusin n Alexa ang sasabihin pa niya dahil mabilis na nakatakbo palabas si Prie. Ng hahabulin na sana ito ni Alexa, pinigilan siya si Mike.

“No, Alexa,” iling ng kanyang asawa. “Prie needs to do this.”

“But she doesn’t know where to go! She’s not from here, for Pete’s sake.”
“Priscilla’s not a child anymore. She’s twenty-two. Let her.”

“But—”

“Trust me on this. I have a feeling she will find Dave.”

**

He was tired. For the pass few days, wala siyang ginawa kung hindi maglakad…Ng maglakad… Ng maglakad. His feet were aching and he was hungry. Ubos na ang pera na nasa bulsa niya. Ayaw naman siyang bigyan ng kahit na anong trabaho ng mga nadadaanan niya dahil sa kanyang itsura. He was dirty. He has been sleeping everywhere. Minsan sa park benches like so many homeless people, minsan naman sa mga empty lots. At minsan, kahit sa tabi ng mga trash cans, nakakatulog rin siya. It didn’t matter anymore where he was. His life was useless.

Araw-araw, kahit na pagod na pagod na siya sa paglalakad, hindi pa rin niyon mapigilan ang sakit na kanyang nararamdaman sa tuwing maaalala niya si Prie. Si Prie…Beautiful, intelligent, loving Prie. His lying Prie.

For as long as he could remember, si Prie lang ang laman ng kanyang puso. Kahit kailan ay hindi siya nagkagusto sa iba. Not even when they called him gay for not liking any woman that they’ve partnered with him. And yet all along—all along, pinaasa lang pala siya ng babaeng minamahal niya.

“Hey, watch where you’re going, airhead!” sigaw sa kanya ng lalaking nakabangga niya. Hindi niya ito pinansin.

“Hey, you!” sigaw muli ng lalaki. Lumingon siya. “Are you daft, or something? You could have said sorry!”

“Moron—” sabad naman ng isang lalaki sabay tulak sa kanya.

“Pretty stupid, fiddler boy—” sabi naman ng isa.

Pinapalibutan siya ng mga ito. They were trying to back him into a corner. Sino ba ang mga ito?

“Say sorry,” anas ng nabangga niyang lalaki. Now that he was closer to him, medyo namumukhaan niya na ito. Saan ba niya ito nakita? “Didn’t your mother teach you any manners?”

“The hell I will!”

The minute the words left his mouth, napitcherahan siya agad nito. “You fucker!”

Parang siyang nabingi ng tumama ang unang suntok nito sa kanyang mukha. Out of instinct, gumanti naman siya ng suntok. It hit the other man’s left jaw. Nang mapaupo ito, tsaka naman siya inatake ng mga kasama nito at pinagsusuntok. He tried to fight but when the thoughts of Prie having another man entered his mind, tumigil na siya sa paglaban. Maybe, maybe if these men will hurt him enough, the hurt will overcome the pain in his heart. Maybe…

**

What was she thinking? Paano nga ba naman niya mahahanap si Dave kung siya mismo ang pinagtataguan nito? Besides, she was out of her league. Hindi niya alam ang pasikot-sikot sa lugar na iyon. At sa tatlong oras na paghahanap niya, she was almost sure that she managed to make herself lost.

“Asan ka ba talaga, Dave? Shit. Shit. Shit!”

Muli niyang pinunasan ang mga luha na ayaw tumigil sa pagpatak. She hated herself for being such a crybaby. She was a grown woman and yet she couldn’t even control her damn feelings!

Bigla siyang natigilan ng makita ang isang nakayukong bulto sa ilalim ng isang puno ilang metro ang layo mula sa kanya.

“Dave?” Hindi ito sumagot o gumalaw man lang. Bigla siyang kinabahan. “Dave!” sigaw niya habang tumatakbo palapit rito. Wala pa rin itong reaksiyon. Hindi niya masiguro kung si Dave nga iyon dahil natatakpan ng mga braso ang mukha nito, ngunit malakas ang palagay niya na si Dave iyon. His whole countenance was that of her Dave.

Humahangos na lumapit siya rito. Hindi pa rin ito nagtaas ng mukha. Ng padaan niya ng tingin ang buong katawan nito, nakahinga siya ng mas maluwag ng makitang wala itong ano mang malalim na sugat bukod sa ilang gasgas. Ng inspeksiyonan niya ang damit nito, marumi ang t-shirt at khaki shorts nito pero sigurado siya na iyon ang mga damit ni Dave ng maglayas ito.

“Dave? David? Si Prie ‘to,” wika niya rito habang sinusubukang itaas ang ulo nito. Hindi naman siya nahirapan dahil hindi siya nito pinigilan. Ng makita niya ang itsura nito, halos madurog ang kanyang puso. Madungis ito at mas malalim ang mga gasgas sa mukha, nangingitim at nakasara ang isang mata na para bang sinuntok iyon habang ang isa naman ay namumula at unfocused at basag ang kanyang mga labi. Nang kausapin niya itong muli, hindi ito sumagot. Sa tingin niya ay hindi nga siya nito naririnig. Dinama niya ang noo nito.

“Oh my gosh!” Nilalagnat ito. Dinama rin niya ang leeg nito at mga braso; mainit sa pandama ang buo nitong katawan. Umulan ng malakas ilang araw na ang nakalilipas at malamang ay naexposed ito. Kasalanan niya.

“Oh Dave…” wika niya habang hinahapit ito palapit sa kanya at pagkatapos ay yinakap ito ng mahigpit. Anong gagawin niya? Naliligaw siya at hindi niya kayang buhatin si Dave.

“Miss? You need any help?” Isang matandang babae ang nakatunghay sa kanilang dalawa ni Dave. Puno ng pag-aalala ang itsura nito. “I saw you running—I live near here, do you need anything? What happened to your man? Is he sick?”

“I—can you help us please? We need to go to the hospital, he’s very sick.”

**

“It’s just a fever. Aside from the bruises which he probably got from a fist fight, he has some signs of pneumonia but I don’t think it will develop. He’s a healthy young man. I believe he’ll be up and about in a week.”

Nang mapaalam ang doktor naiwan silang tatlo nina tita Alexa at tito Mike. “I’m so sorry,” wika niya ng hindi makatingin sa mga mata ng mga ito. “Hindi ko po talaga sinadyang saktan si Dave. I never knew—”

“Shh. Wala kang kasalanan, Prie,” wika ng kanyang tita Alexa sa kanya ng yakapin siya nito. “Dave is—well, he’s always been a precocious child. No one expected that he would do that. Let’s just be happy that he’s okay now.”

“But—”

“Prie, it’s okay,” sabi naman ng kanyang tito Mike. “He will be fine. You heard what the doctor said. So please, you don’t have to do this to yourself.”

“Opo,” pakli niyang sagot habang pinipilit niyang patigilan ang kanyang mga luha. “Pu-pwede p-po bang d-dito na muna a-ako? Gusto ko p-pong bantayan si Dave.”

Nagkatinginan ang mag-asawa.

“Sure, dear. Alexa, I think we should go and talk to Dr. Clayton. “

Nang maka-alis ang mga ito, bumaling siya sa natutulog na si Dave. Mas maayos na ang itsura nito ngayon.  Nahugasan na ang mga gasgas nito at ayon sa doktor, ang mga sugat nito ay gawa ng mga natutulis na sanga ng kahoy. Malamang raw ay nagpunta ito sa gubat. Ang pasa naman nito ay maaaring sanhi ng malalakas na suntok. Pero mabilis naman daw gagaling ang mga iyon.

“Loko ka talagang bata ka,” malungkot ang ngiting wika niya rito. Kahit na hindi siya naririnig nito, gumagaan na rin ang pakiramdam niya na malapit ito sa kanya at nababantayan niya ito. “Bakit ka kasi naglayas ng ganoon? Ang tigas ng ulo mo. Tignan mo, nakipag-away ka pa. Paano kapag naaksidente ang mga kamay mo? Paano mo pa ako tutugtugan? Pinag-alala mo kaming lahat sa ginawa mo.”

Hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos ang mukha nito na hindi nababalutan ng gasa. “I’m sorry, Dave, for not being true with you. And for not taking you seriously. I thought—well, I thought it was all a silly crush na makakalakihan mo. I didn’t think na hahantong sa ganito ang lahat. You see, masyado na kasi akong nasanay na ang turing ko sa’yo ay bilang kapatid. I’m not sure I can give you more. But I really do love you, Dave. Sobra. And I hope whatever happens, hindi mo makakalimutan na mahal kita. That’s why I’m doing what I have to.

“Alam ko masasaktan ka. But trust me, all is going to be fine in the long run. You need to have a normal life. A life that doesn’t include someone you’re obsessed with. Someone who’s just going to break your heart. I want you to be happy, David. I want you to be happy.”

Sandaling tinitigan niya ang mukha nito. Isang mala-anghel na mukha na ayaw na niyang masaktan pa. “I love you,” wika niya bago niya dinampian ang halik ang mga labi nito.

**

Series Navigation<< A Promise Not To Break: Chapter 5A Promise Not To Break: Chapter 7 >>

82 thoughts on “A Promise Not To Break: Chapter 6

Leave a Reply