A Promise Not To Break: Chapter 4

This entry is part 6 of 18 in the series A Promise Not To Break

Seven years ago…

“THERE you are, Prie,” tawag ni Alexa sa kadarating lang na si Prie. “Pasensya na, we had to be here so si Flor na lang ang pinagsundo namin sa’yo. How was your flight?”

Ngumiti siya rito habang iginigiya siya nito sa isang seat sa front row ng auditorium. “I’m okay, tita,” sagot niya. “The flight was a bit tiring, but it was worth it. I got to see you again after almost ten years.”

Natawa ito sa sinabi niyang iyon. “You’re right. Bakit naman kasi ngayon mo lang naisipang tanggapin ang alok namin ng tito Mike mo na magbakasyon ka rito sa Australia? Aba, kung hindi ka pa pipiliting mag-leave yata ni Mel, you wouldn’t even come here!”

Sumandal siya sa malambot na seat na itinuro sa kanya ng kanyang ninang. Ng maupo ito sa tabi niya, sinagot niya ang sinabi nito. “Tita naman. Naging busy po kasi sa career, eh. But siyempre, after knowing na gagraduate na ng highschool ang aking super genius almost-brother, I had to go, right?” natatawa niyang sabi. “By the way, tita, nasaan po si tito Mike? And Dave doesn’t know I’m here right?”

“Nope,” sagot nito sa pangalawa niyang tanong. “And Mike’s with Dave sa backstage. Siya na ang nagprisintang magpakalma kay Dave since I had to meet you at the lounge. Dave’s always been a nervous wreck before a performance. Sometimes I really wonder why he ever chose music as his highschool track.”

“Tita, tinatanong pa ba naman ‘yan? He’s Alexa Fuentebella’s child, so that’s why. He maybe playing the violin instead of the piano, but he still has your music genius.”

Natawa ito sa sinabi niyang iyon. “True, true,” tanging nasabi nito. Matapos ng ilang sandali, Nag-dim ang mga lights at lumabas ang emcee for the evening.

“Good evening ladies and gentlemen. We welcome you this evening’s performance by the Queen Victoria Highschool’s music class, the twenty-second Musique á l’amour concerto, entitled, The Ballads of the Heart. For our first performance, let’s welcome from the string department, Mr. Alexander David Fuentebella with Mozart’s Moonlight Sonata, with the accompaniment of Ms. Maggie Schomes.”

“Si Dave na tita!” excited niyang sabi ni Prie sa kanyang ninang habang ito naman ay nakangiti lang habang hinihintay ang paglabas ni Dave.

Ng lumabas ang isang matangkad ngunit balingkinitan na lalaki na may dalang violin, hindi makapaniwala si Prie na ito ang fifteen years old “baby brother” niya. Magkokomento sana siya ng magsimula itong patugtugin ang violin. Hindi na siya nakapagsalita pa. Namalayan na lamang niya na tapos na ang performance ni Dave ng abutan siya ng tissue ng kanyang tito Mike na hindi niya namalayan ang pagdating. “Thanks po,” pasalamat niya rito habang hindi pa rin mapigilan ang pag-iyak.

Maya-maya ay isang nakabibinging palakpakan ang ibinigay ng mga tao para kay Dave ng matapos ang pagtugtog nito. At kahit na may ilang humingi pa ng encore, ngumiti lamang ito at yumuko bilang pasasalamat.

“I think we can go now,” yaya ni Alexa kay Prie ng makabalik na sa backstage si Dave. “I don’t mean to be too judgmental but Dave is the best performer for the rest of the night so there’s no point in staying further,” wika nito ng makita nito ang pagtatanong sa kanyang mga mata.

Humarap sa kanya ang kanyang tito Mike, “She’s telling the truth, Prie. We’ve heard the rehearsals yesterday and, well, let’s just say Dave is the life of the concert. The others are, well, okay,” paliwanag nito sa kanya kasama ng isang tabinging ngiti. Tumingin siyang muli sa stage. Isang cellist naman ang tinawag sa stage. And although hindi siya ganun kagaling sa music, she could tell that the playing was mediocre compared to Dave’s. Tumango siya at tahimik na sumunod sa mag-asawa patungo sa backstage.

“Dave, son, someone’s here to greet you for such great performance,” nakangiting sabi ni Alexa sa anak ng abutan niya ito sa dressing room. Tumingala ito mula sa pag-aayos ng violin nito. “Mom! How come you’re here?” tanong nito sabay halik sa pisngi ng ina. “The concert has just started.”

Ikinampay ni Alexa ang kamay bilang sagot sa tanong ng kanyang anak. “Someone’s here to greet you and I think it can’t wait.”

“Who?” nakakunot ang noong tanong ni Dave sa ina. Her mother perfectly knew that he didn’t want visitors before or after a performance. Mas gusto niyang mag-isa.

“Congratulations, Dave.”

Tila nakuryenteng bumaling si Dave sa pinagmulan ng boses. At ng makita nito si Prie, tila nabatubalani ito at hindi ito nakapagsalita.

“Hi Dave,” nakangiting wika ni Prie sa kinakapatid. “Hindi mo man lang ba ko yayakapin?”

“Pi—Prie?”

“Yes, I’m ate Prie,” natatawang sagot niya kay Dave. Halos hindi niya mapigilan ang pagtawa dahil sa emosyon na nakita niya sa mukha nito. “Come on and give your ate a hug.”

Bigla ay nagliwanag ang mukha nito at halos patakbong lumapit sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. Hindi siya makapaniwala, after almost ten years, mas matangkad na sa kanya ang ‘baby’ niya. She only made it up to 5’5 feet and she’s already twenty-two and yet Dave—the scared, little genius child she knew—is now almost 6 feet tall, and he’s just fifteen! Ang na-retain lang yata nitong resemblance sa dati niyang Dave na kilala ay ang mga mata nito. He still had his long eyelashes and smoky eyes.

“It’s you! It’s you!” paulit-ulit na sabi ni Dave habang patuloy pa rin siyang yakap. Tumigil lamang ito ng marinig nito ang pagtikhim mula sa likuran nila.

“I knew you’d be happy to see her,” nakangiting wika ni Alexa sa anak. “But I never expected you’d be so overwhelmed.”

“I’m just so happy to see her again, mom, dad,” sagot naman ni Dave na mahigpit pa rin ang hawak sa kanyang mga kamay. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. “It’s so good to see you,” wika nito. “You’re much prettier than in the pictures you send me.”

Hindi napigilan ni Prie ang pagragasa ng dugo sa kanyang mukha dahil sa sinabing iyon ni Dave. Anong bang nangyari sa kinakapatid niya? Parang iba na itong tao kung magsalita. Very different from the little boy she used to play with.

“Siyempre naman, no,” nakangiting sagot niya rito. “Aba, wala pa ring tatalo sa original copy!”

Lalo itong natawa sa sinabi niyang iyon at yinakap siya lalo ng mahigpit.

“Dave, I think you should let go of your ate Prie now. You’re squeezing her.”

Nang marinig ang sinabi kanyang ama, noon lang napansin ni Dave na halos hindi na makahinga si Prie. Tabingi ang ngiting linuwagan niya ang yakap rito. Ngunit hindi pa rin niya ito tuluyang binitawan.

“Did you hear me play?”

“Yeah.”

“So?”

Halos matawa si Prie sa ekspresyon na nasa mukha nito. Para itong batang naghihintay na bigyan ng regalo. “It was okay,” pigil ang tawang sagot niya sa tanong nito.

“What?” hindi makapaniwalang tanong nito na ikinatawa nina tita Alexa at tito Mike. Maging siya man ay halos hindi na mapigilan ang pagtawa. Sanay kasi itong pinupuri sa mala-henyo nitong pagtugtog. “That’s all you can say? ‘It was okay’? Did you really watch me play, huh?”

“Sure did. And it really was okay.”

“Prie!” inis na sabi nito habang nakakunot ang noo. Oh, some things really never change! Pikon pa rin ito. He may have changed physically but he’s still her baby Dave.

Hindi na niya napigilan ang pagtawa ng malakas dahil sa itsura nito. Kinurot niya ang magkabilang pisngi nito at pinilit na pangitiin ito. “You were great, Dave,” nakangiti niyang sabi rito. “Your music was magical.”

Ng bitawan niya ang mga pisngi nito, hindi na naalis pa ang ngiti nito. “Thanks,” sagot naman nito sa kanya bago siya yinakap muli ng muli ng mahigpit. “I played it for you.”

**

“Hi, can I come in?” tanong ni Dave habang nakasilip sa may pintuan ng guess room. Nakaupo sa harap ng dresser si Prie at nagsusuklay ng maikli nitong buhok habang nakasuot ng roba.

“Sure,” nakangiting sagot nito sa kanya sa harap ng salamin. “I thought you’d be asleep by now.”

Naupo siya sa gilid ng blue-covered bed na adjacent sa dresser. “I’m fifteen,” sagot niya rito. “Hindi na ako katulad ng dati, I can sleep late now, you know. You cut your hair.”

Bigla ay natawa ito sa sinabi niyang iyon. “Oo nga pala hindi na ikaw ang baby ko,” wika nito. “Grabe! For one, you’re too tall to be anyone’s baby anymore. And yes, Ma—someone told me I look better with shorter hair.”

Parang lumagpas ng isang tibok ang kanyang puso sa sinabing iyon ni Prie. Naramdaman niyang tila tinakasan ng dugo ang kanyang mukha. “What are you talking about?” he asked, dumbfounded. “You mean may iba ka ng baby?”

“Ha?”

“Baby. You said—”

“Ah, yeah,” nakangiting sagot nito sa kanya habang nagniningning ang mga mata. How can she be so happy when he’s already bleeding inside with every word that she says? “I just gave birth to another baby before I got here.”

Napatayo siyang bigla. “What?” pasigaw niyang tanong rito. Nanganak ito?

Malakas ang naging tawa nito ng makita ang reaksiyon niyang iyon. Hindi nito alintana ang matatalim na tingin na ipinupukol niya rito. “You’re so cute,” wika nito sa pagitang ng mga hagikgik. Lumapit ito palapit sa kanya at yinakap siya. “I was just joking of course! Grabe, I can’t believe you fell for that!”

Para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan habang ito nama’y tawa pa rin ng tawa habang nakayakap sa kanya. “Joking…”

“Yeah, joking!” she repeated. “Pano naman ako manganganak e hindi pa naman ako kasal? Siraulo ka talaga!”

“Ah, siraulo pala, ah. Etong sa’yo!” ganti niya sabay kiliti rito. Alam niyang marami itong kiliti sa katawan kaya madali niya itong nagantihan. Nang makawala ito mula sa hawak niya, naghabulan sila paikot-ikot sa kwarto.

“Tatakbo pa!” sigaw niya rito. “Huli ka ngayon!”

“Asa ka—ahhh!” natisod ito sa isang dulo ng carpet ng humarap ito sa kanya at mahila niya ang tali ng roba nito. Sandaling parang tumigil ang oras. Nang buksan niyang muli ang kanyang mga mata, namalayan na lamang niyang nasa ibaba niya si Prie at napahiga sila sa kama.

“Hoy, cute, hindi na’ko makahinga. Ang bigat mo. Umalis ka na diyan.”

Hindi makagalaw si Dave. Narinig niya ang mga sinabi ni Prie ngunit hindi niya maintindihan ang mga salitang lumalabas sa mga labi nito. Mga labi na para bang inaanyaya siyang…

“Dave! Alis na diyan!”

Nagulat siya ng bigla na lamang siyang itulak nito na ikinabagsak niya sa sahig. Nang tumingala siya, nakatitig ito sa kanya ng masama at pulang-pula ang mukha habang tila hinahabol ang hininga.

“Hoy Dave! Alam kong baby ang tingin ko sa’yo pero mabigat ka talaga! Muntik mo na ‘kong patayin ah. Do you really want to kill me through asphyxiation?”

“Ha?”

“Anong ha-ha ka diyan. Umayos ka nga. At makinig ka nga sa sinasabi ko. Ano bang tinitignan—”

Hindi na nito natapos ang nais pa sana nitong sabihin ng mapansin nito kung saan nakatutok ang kanyang pansin. Nabuksan ang roba nito at natambad sa harap niya ang katawan nito na bra at panty lang ang nakatakip.

“Is that—?”

Natatarantang isinara ni Prie ang kanyang roba at pabagsak na naupo sa gilid ng kama at tumalikod sa kanya.

“Wala kang nakita.”

“Ah—ah—is that really—?”

“Alexander David Fuentebella!”

“Okay, okay. Promise. I saw nothing.”

Ilang minuto itong hindi nagsalita habang siya naman ay hindi pa rin makaalis mula sa pagkakaupo sa sahig. Masyado siyang nashock sa kanyang nakita. Even more shocking was his response to it. Somehow, he felt different—excited, even.

Nagulat siya ng magsalitang muli si Prie. “Dave, I think masyado ng gabi. Bumalik ka na sa bedroom mo,” wika nito sa kanya. Nakangiti na ito. Even though there was still a hint of embarrassment on her face, mas maaliwalas na ang itsura nito kaysa ilang minuto na ang nakakaraan.

“Matutulog ka na?”

“Sana. Actually, may jetlag pa kasi ako. Dumiretso kasi ako sa concert niyo kanina.”

Tumayo siya at ipinagpag ang mga invisible na dumi mula sa kanyang pajamas. Paano ba niya sasabihin ang gusto niyang hingin na pabor mula rito?

“Ahm, about that—”

“Yes?”

“Ahm, ay, ah—ano kasi…ahm…”

“Speak clearly or I’ll throw you out of my room.”

“Can I sleep here? With you? Like in the old times?” mabilis niyang sabi rito. Halos mapatid ang hininga niya matapos niyang magsalita.

Sa halip na sumagot, tumayo ito mula sa kama, tinapik ang kanyang ulo, at pumasok sa banyo. Naiwan siyang nakaupo sa tabi ng kama na hindi alam ang gagawin. He then realized that she might have been too embarrassed about what happened kaya ayaw siya nitong makasama na. Parang biniyak ang puso niya.

Humakbang siya patungo sa pinto. Lalabas na sana siya ng marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo.

“Oh? Akala ko bang makikitulog ka?”

Nagliliwanag ang mukhang humarap siya rito. “I thought—”
“Yeah, yeah. Halika na, matulog na tayo. Pagod na rin talaga ko. Nagdala ka ba ng sarili mong quilt? Because I sure can’t share mine with you. Hihilain mo lang yun, eh. Do you still pee in bed?”

“Prie!”

Tumawa ito ng malakas sa protesta niyang iyon. “Come on. Get your quilt so we can sleep.”

Mabilis pa sa alas-kwatro ang labas niya ng kwarto upang kunin ang sarili niyang quilt. Nang makabalik siya, nakahiga na si Prie at natutulog. Katulad ng dati, nakaside pa rin itong matulog.

Marahan siyang sumampa sa kama at tumagilid rin. Ng maiayos na niya ang kanyang pagkakahiga, ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Ngunit hindi siya dalawin ng antok. Nang buksan niyang muli ang kanyang mga mata, parang namamagnet na nabaling ang tingin niya sa mga labi nito. Mga labi na parang nangungusap sa kanya…

“Stupid! Ano bang ginagawa ko? Stop it, stop it!” mahinang saway sa sarili. Humarap siya sa kabilang side. Hindi siya mapakali. Iikot sana siyang muli ng maramdaman niya ang marahang pagdantay ng braso ni Prie. Lalo siyang nabalisa. Aalisin na sana niya ang braso nito mula sa pagkakadantay sa kanya ngunit sa halip ay tila nahipnotized siyang humarap muli kay Prie.

Inilapit niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. She was warm. It has been a long time since he was able to sleep with a warm body next to him. Ever since he last slept-over in their house back in the Philippines.

Nagshift si Prie sa pagkakahiga, at dahil hawak niya ang kamay nito, nahila rin siya palapit rito. Nang bumalik sa normal ang paghinga nito, sinubukan na rin niyang bumalik sa lugar niya. Ngunit ng mapadako sa mga labi nito ang tingin niya, biglang bumilis lalo ang tibok ng kanyang puso.

Sa kanyang paningin, unti-unting lumalapit sa kanya ang mga labi ni Prie. Or maybe it was the other way around. He didn’t care anymore. And when his eyes involuntarily closed, he felt his body leaning lower and lower, until he found her lips. Her sweet, sweet lips.
It felt like he was floating for hours on cloud nine even though sa katotohanan ay ilang segundo lamang magkahinang ang kanilang mga labi. And though tulog ito, the kiss still felt magical to him. The way she thought his music to be magical.

But like all magic, nang gumalaw itong muli, the magic was broken. Bigla ay nakaramdam siya ng hiya. He shouldn’t have done that! But he did. At kahit na it was just a stolen kiss, it was still their first kiss. And it made him happy.

And with a smile on his lips, he was finally able to sleep.

**

Series Navigation<< A Promise Not To Break: Chapter 3A Promise Not To Break: Chapter 5 >>

86 thoughts on “A Promise Not To Break: Chapter 4

Leave a Reply