A Promise Not To Break: Chapter 3

This entry is part 5 of 18 in the series A Promise Not To Break

“NO!” sigaw ni Dave sa kanyang mga magulang pagkatapos sabihin ng mga ito na kailangan nilang mag-migrate sa Australia. “Ayaw! Ayokong umalis!”

Huminga ng malalim si Alexa. Kahit kailan talaga, hindi niya gustong nakikita ang stubbornness nilang mag-asawa sa kanilang anak. “Dave, hindi ka pwedeng maiwan rito. Besides, kapag nandun tayong lahat, magkakasama tayo nina daddy. ‘Di ba, dad?”

“Yes, David. Daddy and mommy will both be there. Hindi ka ba masaya na makakasama mo na kami?”

“But ate Prie won’t be there!”

Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinabing iyon ng kanilang only child. “Anak, hindi naman kasi makakasama si ate Prie,” sagot ni Alexa.

“But why can’t we stay here instead?” maluha-luhang tanong ni Dave sa kanyang mga magulang. Mula pa ng sabihin ng mga ito kanina sa restaurant na titira na sila sa Australia, hindi na ma-lift ng mga ito ang masama niyang mood.

“Nandun kasi ang business ni daddy, baby,” banayad na sagot ni Michael kahit na ilang ulit na niyang ipinapaliwanag ang dahilan mula pa kanina. “Si mommy rin, doon magpeperform.”

“But I can’t see ate Prie anymore if we’ll stay there.”

Dala ng awa sa kanilang anak dahil alam niyang sobrang naging attach ito sa inaanak niyang si Prie, yinakap ni Alexa si Dave. At ng gawin niya iyon, naramdaman niya ang pag-agos ng luha nito na kanina pa pinipigilan.

“Dave? Listen to mommy, okay?” ng naramdaman niyang tumango ito, nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Kailangan talaga natin na tumira na sa Australia dahil hindi na kaya nina mommy at daddy na malayo ka palagi sa’min.

“But, kapag malaki ka na, papayagan ka naman naming umuwi ulit dito. Basta tatapusin mo agad ang pag-aaral mo dun and hindi ka magpapabaya. Good deal ba ‘yun?”

Tumingala si Dave mula sa pagkakasubsob nito sa kanyang dibdib. “But that’s a long time from now. Baka makalimutan na’ko ni ate Prie nun,” protesta nito.

“Dave,” singit ni Michael. “Sigurado naman ako love ka ni ate Prie mo and hindi ka niya kakalimutan, ‘di ba?”

“Love talaga niya ‘ko!” proud na sagot niya sa daddy niya. “She told me so.”

“O, ‘yun naman pala, eh,” nakangiting sabi ni Alexa. “Kaya hindi ka niya makakalimutan.”

“But I’ll miss her.”

“Pwede mo naman siyang sulatan ‘di ba? Tsaka, you can always call her.”

“Talaga?”

“Yes, baby.”

“Kapag tinawagan ko siya palagi and if I write to her always, she won’t forget me, ‘di ba?”

“Yup,” sang-ayon ng daddy niya.

“Okay. I’ll go to Australia na,” desisyon ni Dave. “Tutal hindi naman niya papansinin si Ishmael because she has me kahit na malayo ako.”

Puno ng pagtatanong ang mga matang nagkatinginan ang mag-asawa. Mukhang mas malalim pala ang dahilan ni Dave kung bakit ayaw nitong umalis ng Pilipinas. “What do you mean, Dave?”

“Kasi there’s this bad guy who’s trying to steal my ate Prie. Eh hindi naman pwede ‘yun dahil ako ang love ni ate Prie, eh.”

Gustong tumawa ni Alexa sa sinabing iyon ng anak. So, nagseselos lang pala ito sa atensiyon ng ate nito. Sobrang close kasi talaga ng mga ito despite their difference in age. “Of course, ikaw ang mahal ng ate Prie mo,” marahan niyang sang-ayon sa kanilang anak.

Ginantihan naman siya nito ng isang napakatamis na ngiti.

**

“Aalis kayo, tita?” gulat na tanong ni Prie sa kanyang ninang. Ipinatawag kasi siya nito sa bahay ng mga ito dahil may mahalaga raw itong balita sa kanya.

“Yes, dear.”

“Kailan po kayo babalik? Kasama niyo po si Dave niyan, ‘di ba?”

“We’re migrating, Prie,” puno ng lungkot na sabi ng ninang Alexa niya.

“Po? Bakit naman po biglaan? Ibig sabihin po hindi na kayo babalik talaga? Alam po ba ni mama?”

“O, hinay-hinay sa tanong, Prie,” maya’y nakangiti nitong sagot sa ragasa ng mga tanong niya. “Kasi, nahihirapan na rin kami ng tito mo na parating naiiwan dito si Dave. Naisip naming sobrang nalulungkot na siguro siya dahil mag-isa siya palagi.”

“Oo nga po tita, sobrang malulungkutin po talaga siya ‘pag wala kayo.”

“Pero balita ko okay naman daw siya ‘pag magkasama kayo, eh.”

“Ay naku. Siyempre po, lahat yata ng kulit niya, sa’kin niya linalabas eh. Hindi ko nga po alam kung pa’no ko kinakaya na kasama siya. Nauubusan yata ako dugo sa katawan dahil sa kanya,” natatawang sagot ni Prie.

Bigla naman ay naging seryoso ang itsura ng kanyang ninang. “Anemic ka pa rin ba, ha, Priscilla?” tanong nito.

Napakamot tuloy siya ng palad sa seryosong tono ng ninang niya. “Eh, minsan po. ‘Pag sobrang stressed.”

“Sinabi na nga ba, eh. Tapos nagpapapagod ka pa sa anak ko. Ano ka ba naman Prie! Pinacheckup ka na ba ni Mel?”

“Opo. Pinapagalitan nga po ako ni mama eh,” may pilit na ngiting sagot niya. “Pero umiinom na po ako ng vitamins ngayon. Ay, tsaka tita, hindi naman po ganun kaabala si Dave sa’kin. Nakakatuwa nga po dahil may libre akong kapatid na lalaki, eh.”

“Oh yeah, I was just about to say that,” sagot ng kanyang ninang na nakalimutan na yatang pagalitan pa siya. “Actually, you are the reason that Dave doesn’t want to go.”

“Eh?” puno ng pagtatatanong ang mga matang sagot niya sa tinuran ni Alexa.

“Oo daw, kasi baka raw makalimutan mo siya at ipagpalit dun sa Ishmael.”

Sa sinabing iyon ng kanyang ninang, natawa ng malakas si Prie. “Iyan talagang si Dave, oh,” sabi niya ng humupa na ang tawa niya. “Kung ano-ano ang pinag-iiisip!”

“Yes,” natatawa ring sabi ng kanyang ninang. “Sinabi nga rin namin na hindi siya dapat mag-alala dahil siguradong matatandaan mo pa rin siya kahit na hindi na kami nakatira dito.”

“Siyempre naman po! Baby ko si Dave, eh.”

“But as we all know, he has his own stubborn little mind. Kung hindi namin siya binola-bola ng tito mo na siya pa rin ang love mo kahit na anong mangyari at pwede siyang umuwi dito ‘pag malaki na siya, hindi ‘yun papayag na sumama sa’min.”

“Hay, tita, matigas po talaga ang ulo ng anak niyo kahit na genius. ‘Yun yata ang dahilan kung bakit matigas ang ulo, eh. Matalino kasi ng sobra.”

“Mana rin sa ama!” dugtong pa ni Alexa sa sinabi niya na nagpatawa lalo sa kanilang dalawa.  Pagkatapos ng ilang sandali, sumeryosong muli ang kanyang ninang. “But Prie, ‘pag nagpaalam ka kay Dave, ‘wag mo nang ipaalala na hindi na kami babalik, ha? Ang usapan kasi namin, kapag nakatapos siya ng college, dun palang siya pwedeng umuwi kung gusto niya.”

“So hindi niyo po ibebenta ang bahay niyo?”

Umiling ito. “It’s his, if ever gusto niyang umuwi dito. Pinag-usapan na namin ng mama mo kung ano’ng gagawin sa bahay habang wala kami.”

“Ahh… Ay, tsaka, sige po, hindi ko babanggitin ulit kay Dave kung kailan siya pwedeng bumalik. Hay—mamimiss  ko po ang kakulitan ng anak niyo.”

“And I’m sure mamimiss ka rin ni Dave. Para na kayong kambal-tuko, eh. Besides, iniisip nga niya na pinaghihiwalay namin kayo ng tito mo, eh. Kaya ang tagal-tagal bago siya pumayag talaga.”

“Makakalakihan din po niya ‘yan.”

**

“O, iiyak ka na naman niyan, hinatid na nga kita, eh,” nakangiting biro ni Prie sa naiiyak na Dave. “Dali na, ‘di ba usapan natin wala ng iyakan?”

Tumango ito. Pero tumulo rin ang mga nagbabadyang luha mula pa ng dumating sila sa airport.

“Ate Prie—hindi mo ‘ko kakalimutan, ah? Promise me.”

“Oo naman, I promise,”seryosong sagot niya rito. Itinaas pa niya ang kanang kamay niya bilang tanda ng pangako niya rito.

“Ako lang love mo?”

Dahil sa mga luha nito, pinigilan ni Prie ang pagtawa. Hanggang sa huli kasi napakachildish pa rin ng kinakapatid niya. Kung hindi lang niya ito mahal, pagsasabihan niya ito ng sobra tungkol sa pagiging selfish.

“Oo, ikaw lang din ang love ko,” bilang kapatid, tahimik na dagdag niya. “Hindi rin kita ipagpapalit kahit kanino. Wala na yata akong mahahanap na kasing kulit mo, eh!”

“Talaga?”

“Oo naman, cute.”

“Ako lang ang tatawagin mong cute, ah?”

“Hep-hep! Sobra na ‘yan!”

Ngumiti lang ito ng ubod nang tamis. “I love you, ate Prie.”

“Oo na,” sagot niya na naging dahilan upang lumabi ito at magsimulang umiyak ulit. “Oh, sige sige, I love you din. Halika na nga, yakap mo na si ate Prie.”

Yinakap naman siya nito ng mahigpit. “Uwi din ako pagkatapos ‘kong mag-aral, ate Prie. So ‘wag ka munang magboyfriend, ah?”

“David!” sigaw ni tita Alexa mula sa likuran nila. “Tama na ‘yan. Baka hindi na kayanin ng ate Prie mo ang dami ng pinapa-promise mo sa kanya.”

“Pero—”

“Halika na. Say goodbye na to tita Mel and tito Levi.”

“Yes, mommy…”

Nang makatalikod ito, ngitian niya ang ninang niya. “Thanks, tita,” wika niya rito.

Kumindat lamang ito at sumunod na rin  kay Dave. Matapos ng mahabang pagpapaalamanan, pumasok na sa departure area ang mga Fuentebella. Ng umalis na ang sinasakyang eroplano ng mga ito, natagpuan na lamang ni Prie ang sarili na umiiyak.

Mamimiss din talaga niya ang kakulitan ni Dave.

**

17 years later…


“Kailan ba kasi talaga kayo magpapakasal ni Ishmael, Prie? Aba, nag-asawa na ang mga ate mo, Priscilla, ikaw ba walang balak na bigyan ako ng apo?”

“Ma…ayan ka na naman, eh. Magpapakasal kami kapag tapos na sa specialization niya si Mael, ‘ma. Sandali na lang ‘yon.”

“Walong taon ko nang naririnig ‘yan, Priscilla,” tila nauubusan ng pasensyang sagot ng kanyang ina. “Aba, kung doktor lang pala ang gusto mong pakasalan, dapat naghanap ka na ‘yung tapos na. Hindi ‘yang pinaghihintay niyo ‘ko ni Ishmael!”

“Ma…”

“’Wag mo ‘kong ma-mama-mama diyan. Nagtatampo na talaga ako sa inyo.”

“One year. Pinag-uusapan na namin.”

“Pinag-uusapan kung kailan ang kasal o kung pano niyo sasabihin sa’kin na matagal pa bago kayo ikasal?”

“Mama naman. Napaka-nega mo.”

“Aba, sino ba naman ang hindi magiging nega? Ikaw na lang ang natitirang walang asawa sa inyong magkakapatid! At mukhang matagal-tagal pa bago ka pakasalan ni Mael. Wala nga kaming naririnig mula sa kanya tungkol sa kasal niyo, eh. Paano na lang ang mga apo na hinihintay ko?”

“Ma…”

“Sabihin mo kay Mael kung hindi niyo pa ko mabibigyan ng apo by next year, pinapahanap na kita ng ibang mapapangasawa.”

“That’s harsh. Bait pa man din sa inyo ng boyfriend ko!”

“Aba, sa edad kong ito, nagsasawa na’ko sa mababait na boyfriends. Gusto ko mababait na apo!”

“Yes, ‘ma. You’ve made your point. Kumain na ta’yo. Mabubulunan na’ko sa sangkatutak na usapan ng mga apo.”

“Hmp! Dapat nga sa’yo. That will teach you a lesson.”

“Fine, fine. Maiba ‘ko, Ma, magkoconcert raw si tita Alexa dito sa May?”

“Ha? Ah, oo. Tumawag nga kahapon, eh. Namimiss ko na rin talaga ang babaeng ‘yon.”

“E bakit hindi niyo naman po kasi tanggapin ni papa yung imbitasyon na magbakasyon sa Australia? Tutal naman retired na si papa ngayon.”

“Hay naku. Ewan ko ba sa papa mo! Sabi ko nga sa kanya e kapag hindi pa siya pumayag this year, iiwan ko siyang mag-isa rito at magsama sila ng mga golf-buddies niya. Hayun, pag-iisipan raw.”

Natawa siya sa sinabing iyon ng kanyang ina. Kahit kailan talaga magaling itong mang-blackmail ito. “Good. By the way, kumusta na raw pala si Dave, Ma?”

“Hayun, kakagraduate lang ng management. Ayaw namang pumasok sa kompanya nila. Mas gusto raw tumutugtog, eh.”

“Oh? Tumutugtog na siya professionally ngayon? Banda?”

“Hindi. Violin. Nagdebut na yata siya sa Europe, eh. Kasabay nung world tour ni Alexa.”

“Oh? Grabe, ah, bakit wala akong nabalitaan? Bigatin na rin talaga si Dave ngayon, ah.”

Biglang sumeryoso ang mukha ng Mama niya. “Bakit naman kasi pinutol mo ‘yung communications niyo? Aba, nangako ka roon sa bata, ah. Hindi mo naman tinupad.”

“Kailangan niya ‘yon, Ma. Nakakagulo lang ako sa buhay niya.”

Tinitigan siya ng kanyang ina. Nagbaba siya ng tingin. Bumaling sila sa pagkain.

**

“Are you sure you want to go back to the Philippines?”

Natigil si Dave sa pag-eempake ng kanyang mga gamit na dadalhin sa pag-uwi niya sa Pilipinas. Huminga siya ng malalim.

“Mommy, why are you so against it? Hindi ba uuwi ka rin naman?”

Lumapit sa kanya ang kanyang ina at yinakap siya. Binalik naman niya ang yakap nito.

“I’m not against it,” sagot nito sa kanya habang yakap pa rin siya. Nagiging masyadong madrama na talaga ang kanyang ina habang tumatanda ito. Bumugtong hininga siya at hinigpitan ang yakap rito.

“I’m not going wild again, mom. I’m already way past that.”

“Hindi naman iyon ang inaalala ko, Dave,” wika nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. “I’m worried about Prie.”

Hindi siya agad makasagot rito.  Nang sumagot siya, pinilit niyang maging puno ng bravado ang kanyang pagsasalita kahit na muling parang kutsilyong dumaaan sa kanyang puso ang mga alaala ng nangyari sa kanilang dalawa ni Prie.

“Mom, I’m not going home for Prie. It’s been years. I’m going to the Philippines for your concert and some sidetrip. Nothing more.”

“But—”

“Believe me, mom. It’s over. It’s been over for years. I’m a grown man now and not a lovesick adolescent as I was then. Okay?”

Tinitigan siya nito sa kanyang mga mata. Whatever she saw in his eyes seemed to calm her. Bintawan siya nito. “Okay. I believe you. I’ll leave you to your packing now.”

“Thanks, mom,” sagot niya rito sabay halik sa noo nito. Ng makalabas ito ng pinto, para siyang biglang tinakasan ng lakas at napaupo sa sa gilig ng kanyang kama. Nawalan na siya ng ganang mag-ayos ng gamit. Sa halip ay biglang nagflashback lahat sa kanya ang mga nangyari seven years ago. The last summer na nagkaroon sila ng communication ni Prie na bumago sa takbo buhay niya…

**

Series Navigation<< A Promise Not To Break: Chapter 2A Promise Not To Break: Chapter 4 >>

77 thoughts on “A Promise Not To Break: Chapter 3

Leave a Reply