A Night to Remember: Chapter 4

This entry is part 5 of 15 in the series A Night To Remember

LUMIPAS ANG mga araw at linggo di na ulit nasundan ang paguusap nila ni Tyler masama na ang kanyang loob dahil pagkatapos niyang magbago ng itsura para kay Tyler ay ni hindi man lang siya nito pinansin or tinanong man lang ang pangalan ang kunsuwelo na lang niya ay di na siya ngayon tinutukso sa university bagkos ay pinupuri pa siya at madami na din ang lumiligaw sa kanya at halos lahat sa kanila ay mga sikat at guwapo pero wala pa rin siyang magustuhan kahit isa sa kanila dahil ang gusto niya ay isa lang walang iba kundi si Tyler na hanggang ngayon ay di pa rin niya ma reach.

Pero desidido siyang makuha ang puso ni Tyler kaya kahit ano ay ginagawa niya mapansin lang siya nito.

Nandiyang sumali siya sa Student Council kung saan ay President si Tyler kaso di naman siya nanalo dahil ang nakalaban niya sa posisyong gusto niya ay ang Campus Princess nila na sobrang dami ng supporter, nandyang minsan ay bunguin niya kunwari si Tyler pero wa epek din dahil imbes na si Tyler ang mabungo niya ay ang kasama nito ang nabungo niya. kung minsan naman ay ihuhulog niya ang mga libro niya pag padaan na si Tyler pero di rin pinulot ni Tyler bagkus ay dinaanan lang siya

“Ahh nakakainis talaga, hmpt.” ang nagdadabog na sabi niya habang paupo sa lamesang kinauupuan ng kanyang mga kaibigan.

Nasa canteen sila noon at sasabayan niya sana si Tyler sa pagkuha ng pagkain kaso di naman siya maka overtake dahil sa dami rin ng babae na gusto makasabay ito sa pagkuha ng pagkain

“He he he calm down Ayessa nagmumukha ka ng bruha sa pagkasimangot mo” ang tatawa tawang sabi ni Ara sa kanya

“Oo nga naman Ayessa ano ka ba naman, wala kang kadala-dala alam mo namang lagi palpak ang plano mo di ka pa rin kasi tumigil sa pantasya mo kay Tyler” ang nanenermon nang sabi ni Iyah sa kanya.

“Ayessa bakit di na lang yung ibang guys na nagkakagusto sayo ang pagtuunan mo ng pansin kesa naman si Tyler na di ka naman pinapansin” sabi ni Iza

“Ayoko nga sa kanila kaya nga ako nagbago ng itsura at pananamit ko ay dahil kay Tyler at hindi sa kung sino” ang nakasimangot pa ring sagot niya dahil nakatingin siya kay Tyler at ang babaeng gusto na halos itong yakapin habang kumukuha ng pagkain

“Ahh nakakainis na talaga parang di man lang ako nageexist sa kanya” ang mangiyak ngiyak niyang sabi sa mga kaibigan

“Ayessa wala naman talaga pinapansin si Tyler e kaya wag ka mag senti diyan pasensiya ka out of this planet ata ang love mo at di mabighani sa ganda mo” sabi naman ni Iza

“Ah basta gagawa ako ng paraan para magkagusto siya sa akin titigil lang ako pag talagang may gf na siya at malapit na magasawa” ang pangungumbisi niya sa sarili

“Dahil wala pa siyang gf may pagasa pa ako” ang sabi niya pa sa mga kaibigan na hindi pa rin inaalis ang pagkakatingin kay Tyler na ngayon ay paupo na kasama ang mga kaibigan nito.

Umiling na lang ang mga ito dahil talagang wala na silang magagawa para kumbinsihin itong tigilan na ang kalokohan dahil alam nilang talagang mahal na ni Ayessa si Tyler.

“Oh I just remember something Ayessa it might cheer you up” ang sabi ni Iyah

“Hmm ano yun?” ang di interesadong tanong niya dahil ang buong atensiyon niya ay nakay Tyler na abalang kumakain habang masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kasama nito.

“I think this is your last chance to get Tyler” ang nangungumbinsing sabi ni Iyah

“Oh what is that?” ang nanlalaking matang tanong niya at bigla na lang napalis ang pagkakatitig niya kay Tyler at interesadong pinakatitigan si Iyah at parang sinilihan ang puwit niya sa narinig.

“Join their team” ang sabi nito na halos ika hulog niya sa kinauupuan kung kanina parang nakakarinig siya ng tunog ng drum dahil sa sobrang excitement ay para itong biglang pinalitan nang plakang nasisira.

“What are you nuts? Pano ako makakasali dun eh puro boys yun noh and plus I don’t know anything about badminton” ang sagot naman niya dito na halos hindi pa rin makapaniwala sa suhestiyon nito kanina.

“Ayessa iha kaya ka nga po sasali ka doon eh so you will get a chance to show him na you exist”

“Yeah right malalaman niya Kung gaano ako kalampa at baka pag napansin na niya ako e puro bakat na ng bola ang mukha ko” ang naiiling na sabi niya at talagang taboo sa kanya ang sinabi nito para pa niyang nakikita ang sariling tinatawanan ni Tyler habang nakahilata siya sa sahig na may malaking marka ng bola sa mukha, dali dali niyang ipinilig ang ulo dahil sa naiisip.

“Well it’s your choice and me I remind you it might be your last chance dear” ang pananakot pa nito at nagpatakot naman siya at tinitigan pa si Tyler na Masaya pa ring tumatawa.

Pinagisipan niyang mabuti ang sinabi ni Iyah tama nga siguro ito baka ito na ang chance niyang makalapit kay Tyler kaya kinabukasan ay pumunta sila sa gym kung saan ginaganap ang practice dahil nga puro grupo ng lalaki ang badminton team nila ay napapasipol ang mga ito ng pumasok siya kasama sila ara dahil puro sila naka skirt litaw ang naggagandahan nilang mga hita

“Excuse me Sir Puwede po bang sumali sa team ninyo” ang sabi ni iyah dahil kahit ito pala ay may gusto pa charmingan sa mga player

“Im sorry Iha but this is exclusive for boys if you want just join the girls team nandoon sila sa auditorium” ang masungit na sabi ng Coach

Habang nakikiusap si Iyah sa Coach ay lumilibot naman ang tingin niya sa buong gym at bigla na lang kumislap ang mga mata niya dahil nakita niyang palabas ng locker room si Tyler kasabay ang dalawang player. Naramdaman siguro nitong may nakatingin dito kaya tumingin ito sa banda niya binigyan niya ito ng pagkatamis tamis na ngiti kaso di naman nito sinuklian iyon bagkus ay dumeretso lang ito ng upo sa bench.

“Halika na mga girls ayaw talaga ni Coach” ang sabi nito na halatang naiirita dahil di sanay na tinatanggihan

“Ha talaga di mo nakumbinse? Paano na yan ?”  ang malungkot niyang sabi habang sinusundan pa rin nang tingin si Tyler.

“Well iba na lang siguro ang gawin mo mukhang di tayo makakalusot dito” ang mahina nitong bulong habang palabas sila

Narinig pa nila ng tanungin ng isang Player ang Coach kung bakit sila nandoon at ang sagot nito ay gusto daw nila sumali sa team at baka gusto lang daw nilang magpacute hiyang hiya siya pati mga kaibigan niya dahil dinig pa nila ang sigawan ng mga ito at tawanan. Masama ang loob niya dahil last chance na niya sana yon dahil ga-graduate na niyan sila tyler at wala na siyang chance na makilala pa siya nito.

Kinabukasan araw ng biyernes ay nagpunta sila ng mga kaibigan sa gym kung saan naglalaro ng basketball sila Tyler kasama ang mga kabarkada nito pagpasok nila ay hinanap agad niya si Tyler sa mga naglalaro panay ang palak-pak niya sa tuwing makaka-shoot ito sa ring dahil walang ibang tao maliban sa kanila ay dinig na dinig ang mga palak-pak niya kaya napatingin sa kanila ang mga players.

“Wow meron pa la tayong audience” ang naka-ngiting sabi ng isa sa mga kaibigan nito na nakilala niyang si Tim dahil ito ang crush ni Iyah.

“Hello girls” sigaw naman ng isa pang gwapong lalaki na napaka-pilyo ng bukas ng mga mukha parang lagi itong Masaya.

“Hi Gregory” ang sigaw ni Ara na ikinagulat niya dahil hindi niya alam na kilala pala nito ito

“Whew pare kilala mo ang mga chika babe’s na yan?” ang nakalolokong sigaw ng isa pa sa player na di masyadong kaguwapuhan pero malakas ang dating.

“Nope but I will now” ang sabi nito at lumapit nga ito sa kanila habang nagpatuloy naman sa paglalaro sila Tyler at ang iba pa

“Hello girl’s kanina pa ba kayo dyan?” ang tanong nito habang papalapit sa kanila

“Medyo” ang nagpapacute na sagot ni Ara ng makalapit na ito

“Ganon ba?” ang nakangiti nitong sagot na halatadong nagpapacharming din sa kanila dahil panay ang ngiti nito at parang nagbeautiful eyes pa.

“Yeah ang galing galing ninyong maglaro by the way im Ara” ang pagpapakilala nito at inilahad ang mga kamay at ito pa mismo ang kusang humawak sa kamay ni Gregory na halatadong nagustuhan naman ng isa.

“Im Gregory and it seems you know me already” ang sabi naman nito at hindi pa rin binibitiwan ang kamay ni Ara

“By the way who are these beauties?” ang lingon sa kanila ni Gregory na nakangiti pa nang pagkalaki-laki.

“This are my friends Iyah, Iza and Ayessa” ang napipilitang pagpapakilala nito sa kanila dahil nakita pa niyang bahagya itong nakaingos.

Kinamayan sila nito isa isa pero ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin kay Tyler na umupo na sa bench katabi ang isa pang player habang ang iba ay lumapit sa kanila

“Hmmmm pare sinosolo mo ang mga chika babes dito wag ganyan magshare ka naman” ang sabi ni Tim na mukhang masayahin din dahil napakakulit nang pagkakangiti nito sa kanila.

“Go away pare im not going to share” ang biro naman ni Gregory na ikinatawa pa nang maharot ni Ara parang siyang siya sa atensiyong ibinibigay sa kanila.

“Well sorry dude but I intend to know them, hi im Tim” ang pakilala nito sa sarili at ngumiti

Isa isa ulit silang ipinakilala ni Gregory kay Tim at sa iba pang player na di na niya matandaan ang pangalan dahil ang kanyang atensiyon ay na kay Tyler lang na lihim niyang pinapanood at dumadalangin na sana lumapit at magpakilala rin.

“Hey you wanna meet those two there?” ang nanunuksong puna sa kanya ni Gregory na ikinapula ng kanyang mukha

“Wow a blushing virgin” at sinabayan ng tawa na lalo niyang ikinapahiya

“Hey guys come over here ipapakilala ko sa inyo ang mga beauties na ito” ang tawag ni Gregory kila Tyler at John kaya lumapit din sa kanila ang mga ito

“Tyler, John I want you to meets this beauties Ara, Iyah, Iza and Ayessa” ang pakilala nito sa kanila at kinamayan sila ni John

“Hi” ang sabi naman ni Tyler sa kanila at kinamayan sila Iza Ara at Iyah ng siya na ang kakamayan nito biglang nanlamig ang kanyang mga kamay dahil nervious imagine nakilala at kakamayan pa siya ng kanyang ultimate love kaya nanginginig pa siya ng abutin ang kamay nito

“Your hand is cold” ang puna nito at hinigpitan pa ang hawak sa kanyang kamay na lalo lang nagpagulo sa tibok ng kanyang puso dahil damang dama niya ang init na nagmumula sa mga palad nito at napakasarap noon sa kanyang pakiramdam dahil napakalambot nito.

“Wow she is blushing again, Pare back off your making her nervous” ang tukso ulit ni Gregory sa kanila

Parang biglang napasong binitiwan siya ni Tyler kaya lalo lang silang pinagtuksuhan ng mga kaibigan nito ang mga kaibigan naman niya ay nangingiti na lang dahil natupad na ang pangarap niya.

“Ok girls iwan na muna namin kayo at magpapakitang gilas na muna kami” ang sabi pa ng palabirong si Gregory

At umalis na nga ang mga ito at naglaro na ulit ng basketball ng mapatingin siya sa paanan niya nakita niya ang towel na kanina ay nakasukbit sa balikat ni Tyler nahulog siguro ng pababa na ulit ang mga ito para maglaro kaya dinampot na lang niya ito at niyakap na para bang si Tyler ang yakap niya dumikit ang mabangong amoy ni Tyler sa towel kaya sarap na sarap siyang yakapin ito iniimagine niyang si Tyler ang kanyang yakap.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpatime out si Tyler kaya pinalitan muna ito ni John at ito naman ay umupo sa bench at parang may hinahanap ng maalala niya ang towel na yakap niya kaya nagpaalam siya sa mga kasama at lumapit dito

“Hmm hi-hi Ty-ler” ang kinakabahang bati niya dito pero pilit pa ring ngumiti.

“Oh yes?” ang sabi naman nito na nagulat ata sa bigla niyang paglapit dito.

“Are you looking for this?” ang malambing niyang sabi dito at ipinakita niya ang towel na hawak niya

“Oh you have it” ang sabi nito na akma sanang kukunin na sa kamay niya pero bahagya niyang iniatras kaya hindi nito naabot at nakakunot noong tinitigan siya nito parang naguguluhan sa ginawa niya.

“Can I do it for you?” kahit hiyang hiya ay lakas loob niyang tanong dito habang may nakapaskil na ngiti sa nanginginig pa ata niyang mga labi.

“Huh a e wag na nakakahiya naman” ang sabi nito na pilit kinukuha ang towel sa kanya pero pilit din niya itong inilalayo.

“No its ok I insit” ang pamimilit niya kahit parang matutunaw na siya sa kahihiyan

“Ok if you like” ang nasabi na lang nito at hinayaan na siyang punasan ito sa mukha at likuran kahit nanginginig ang mga kamay ay pinagbuti niya ang pagpupunas ng pawis nito ganon mang paraan ay maipakita niya na mahal niya ito.

Nang ilalagay na niya ang towel sa may likuran nito ay narinig niya ang tukso nang mga kaibigan nito

“Wow ang sweet naman you guys look like a couple” ang tukso ni tim sa kanila na ikinapahiya niya ng todo

“Let me just do it” ang sabi sa kanya ni tyler na mukhang di nagustuhan ang tukso sa kanila kaya iniabot niya dito ang towel at niyaya na ang mga kaibigang umalis

“Hmmm atlast you did it Ayessa” ang tukso sa kanya ng mga kaibigan niya

“Shut up” ang sabi niya sa mga ito dahil sa nararamdamang pagkapahiya na lalo lang ikinatawa ng mga kaibigan niyang mahadera.

“Way to go Ayessa naka round two ka na meaning konting konti na lang makukuha mo rin ang prince charming mo” ang patuloy na panunukso ni Iyah sa kanya kanya lalo lang siyang napikon at mabilis na lumakad naririnig pa rin niya ang malakas na tawanan ng mga ito.

Habang pauwi na sila ay iniisip niya ang nagawa parang nagsisisi siya na hindi naman biruin mo napunasan niya ang katawan ni Tyler.

Series Navigation<< A Night to Remember: Chapter 3A Night to Remember: Chapter 5 >>

251 thoughts on “A Night to Remember: Chapter 4

Leave a Reply