A Night to Remember: Chapter 3

This entry is part 4 of 15 in the series A Night To Remember

KINA-LUNESAN tulad ng nakagawian ay pumunta muna siya sa library bago pumasok sa room dahil maaga pa lang naman at siguradong wala pa ang mga kaibigan at kaklase niya hinanap na naman niya si Tyler sa lagi nitong puwesto pero wala ito roon kaya umupo na lang muna siya sa table at nagbasa.

“Can I share your table?” nagulat pa siya ng lingunin ang nagsalita ang Captain ball pala ng Basket ball team ng university na si Jan ang nagsalita. Hindi na ito naghintay ng sagot niya at bigla na lang itong umupo sa mismong tabi niya

“Do you mind if I ask your name” ang nagpapacute na sabi nito sabay hawak at himas sa kamay niyang nakalagay sa lamesa

“Yes I do mind and please my hand” ang naiiritang sabi niya dito dahil napepreskuhan siya sa ginawa nitong paghawak at paghimas sa kamay niya.

“Whew masungit” ang sabi naman nito at tinuloy pa din ang paghimas nito di na lang sa kamay ngayon kundi hanggang hita na niya na nagpainit sa kanyang mukha dahil sa sobrang inis sa hayagang pambabastos nito sa kanya anong palagay nito sa kanya easy to get.

“Bastos!” sabay sampal niya dito at kitang kita niya kung paano napabiling ito dahil sa lakas nang pagkakasampal niya sa mukha nito na may bakas pa nang kanyang mga daliri.

“Ouch you bitch” at akma sana siya nitong sasampalin ng biglang may humawak sa braso nito at isalya ito sa sahig

“That’s not a proper way treat a women” ang sabi ng lalaking bagong dating at tulad ng dati natulala na naman siya habang nagririgudon ang kanyang puso sa pagtibok.

“Are you ok?” ang tanong nito sa kanya at ni hindi niya namalayan na kinakausap na siya nito dahil sa lakas ng tibok ng puso niya

“Miss I said are you ok?” ang tanong ulit nito sa kanya na hinawakan pa ang kanyang mga kamay na halos nanginginig dahil sa sobrang galit kanina at pagkataranta ngayon dahil nasa harapan na naman niya ang lalaking hindi niya ata pagsasawaang titigan ang napakaguwapo nitong mukha.

“Ah eh o-o-oo ok Lang ako” ang natataranta niyang sagot dahil nakakulong pa rin sa mga kamay nito ang kanyang mga kamay na sobrang lamig na lamig.

“Good” at umalis na din ito dahil tumayo na pala si Jan at lumabas na dahil napahiya sa mga student na nakakita sa nangyari.

At nang maalala niyang di pa pala siya nagpapasalamat ay lumabas na rin siya ng library at hinabol ito.

“Tylerr” ang tawag niya dito

Ng lingunin siya nito ay Dali dali siyang lumapit dito.

“What is it? Do you need anything else?” ang tanong nito sa kanya na bahagyang nakangiti.

At tulad ng una ay di niya ulit mahigilap ang gustong sabihin dahil kaharap na naman niya ang tanging lalaking nagpapatulala sa kanya

“Miss you are wasting my time…..i still have some class to attend to” ang naiinip na nitong sabi at tumalikod na sa kanya halatadong nagmamadali nga ito.

“Ah e gu-gu-s-to ko sana mag thank you” ang natataranta niyang sabi

“That’s fine no problem” at tumalikod na ito agad

Naiwan siyang nakatingin pa din kay Tyler habang ito ay papaalis na kung hindi lang niya naramdamang may tumapik sa balikat niya ay di pa din niya maalala na kanina pa pala siya nakatanaw sa dinaanan nito.

“Hoy bruha kanina ka pa naming tinatawag di ka sumasagot…ano ba yang tinitignan mo?” ang sabi nila Iza na tinitignan din kung ano ang tinitignan niya.

“Hindi ano kung di sino” ang sabi ni Ara

“Si Tyler” ang maikli niyang sagot na di pa din lumilingon sa kanila

“Hay naku sabi na nga ba! Basta nakatulala ka ay isa Lang yan si TYLER” ang sabi naman ni Ara

“Ano nangyari pinansin ka ba ? Nakita ba niya Kung gano ka na kaganda?” ang sunod sunod na tanong ni Iyah

“Oo at hindi” ang sagot naman niya na ikinakunot nang noo ng mga ito.

“Anong oo at hindi?” kulit pa nito na halatadong nabitin sa sagot niya.

“Yes pinansin pero di dahil sa nagandahan siya sa akin kundi dahil niligtas niya ako kay Jan”

“Niligtas?” ang sabay na tanong ng mga ito na nakataas pa man din ang mga kilay

“Oo kasi binastos ako ng Jan na yon eh hinimas ang hita ko ng sampalin ko gusto akong gantihan bago pa niya ako nasaktan e may humawak sa kamay niya si Tyler pala yun” ang kinikilig niyang kuwento sa mga kaibigan niya

“Asus at kilig na kilig ka pa e muntik ka na palang majombag kanina” ang pabaklang sabi naman ni Iza na bahagyang natatawa.

“Sino bang Jan yun?” tanong naman ni Ara

Bago pa siya makasagot ay nagring na ang bell hudyat na simula na ang klase kaya dali dali silang tumakbo papunta ng room at pagpasok nila ay nandoon na ang prof nila nagulat pa mga kaklase niya dahil nagtataka siguro kung sino siya ang mga boys ay nagpaswitan

“Your late girls” ang sabi ng Professor nila na medyo nakakunot ang mga noo dahil kahit noon naman ay talagang napaka terror nito.

“Is that Ayessa” ang tanong ng babaeng dinaanan nila ng papunta na sila sa kanilang upuan.

“Imposible” sabi naman ng isa na pinakatitigan pa siyang maiigi parang sinisino kung sino siya.

“I think it’s her wow she is so stunning”ang sabi naman ni Gab ang pinakamakulit nilang kaklase sa literature

“I doubt it” ang sabi naman ng isang babae na katabi ni Gab.

“Si Ayessa yan kita mo naman kasing taas niya at katulad ng kanyang kulay at the proof is ang mga kaibigan niya dahil lagi naman magkakadikit ang mga yan” ang sabi naman ni Marlon na siyang pinaka-mapamusit sa kanilang Klase.

“Ok lets begin since everyone is here” at nagsimula na nga magturo ang Professor nila

Nararamdaman pa din niya ang panay panay na tinginan ng mga kaklase niya di siguro makapaniwala na may igaganda ang isang ayessandra na manang na lagi nilang tinutuksong miss tapia.

Sa buong maghapon ay panay panay ang nagtatanong sa kanya kung siya ba si Ayessandra at kung pano siya gumanda at ang iba naman ay walang bukang bibig kung gaano siya kaganda at ang mga kaklase niyang boys ay panay ang kulit dahil hinihingi ang kanyang number na di naman niya pinapansin dahil isa lang ang gusto niyang kumuha ng numero niya walang iba kundi si Tyler.

Series Navigation<< A Night to Remember: Chapter 2A Night to Remember: Chapter 4 >>

252 thoughts on “A Night to Remember: Chapter 3

Leave a Reply